“Akala ko ba—” hindi ko makapaniwalang turan. “Bakit mo ‘ko tinulak?”
“Ang bagal mo kasi,” nakangiti pa rin niyang sabi. “Ay teka, baka akala mo hindi na kita bibigyan ng tulong. Saglit lang ha…” Binuksan niya ang bag niya at humugot ng pera mula rito. Bigla niya itong hinagis sa mukha ko. Nagkalat ang mga one thousand peso bills sa sahig at doon ako nakaramdam ng labis na panliliit sa sarili. “Ayan,” pagpapatuloy ni Kate. “Dahil mahirap na ang lolo mo at wala na kayong pera, tulong ko na ‘yan sa ‘yo.” “Ang bait naman ni Kate, ‘di ba, Mia?” sarkastikong komento ni Alice sa tabi niya. “Pero kung kulang pa ‘yan, may charity ang kumpanya namin for the poor. Pumila ka na lang para makahingi ng ayuda, okay?” Napatungo ako sa hiya habang kagat-kagat ang labi ko. Tuluy-tuloy na rin ang luha na umagos sa pisngi ko. Wala talaga silang balak na tulungan ako umpisa pa lang. Wala silang ibang gusto kundi ipahiya ako sa harap ng maraming tao. “Let's go, guys,” aya ni Kate sa mga kasama na isa-isa nang umalis. “I’m… I'm sorry, Mia,” narinig kong sambit ng mahinang boses ni Mindy bago siya tuluyang sumunod kay Alice. Pati siya… pati siya walang balak na tulungan ako. All this time, katumbas lang pala ng yaman ang halaga ko sa kanilang lahat. Nakatingin lang ako sa baba habang nakaupo pa rin sa sahig. Dama ko ang tingin ng mga tao sa paligid at rinig ko ang mga bulung-bulungan sa gitna ng malakas na music. “Tama, siya si Mia Montecarlo. ‘Yung super yamang heredera. Oh my gosh. Mahirap na pala siya,” ani ng isa. “‘Oo nga no. I can't believe it. Kaya pala nilayuan na siya ng mga kaibigan niya. Kawawa naman.” “Anong kawawa? Buti lang sa kanya ‘yan. Narinig ko iniimbestigahan daw ang kumpanya nila for fraud. Baka manloloko talaga pamilya nila!” “Gandang-ganda pa naman ako sa kanya. Buti pala ‘di ko siya pinormahan dati kundi nakakahiya.” Sa gitna ng pangungutya, isang lalaki ang lumuhod sa tabi ko. Namukhaan ko siya kaagad. Siya ‘yung bagong waiter na tumulong sa akin kanina. Nag-iwas ako ng tingin. Ayokong makita niya kung gaano kapula ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Hindi siya nagsalita at tahimik na lang na pinulot ang mga pera na nakakalat sa paligid ko. Hindi ko siya pinigilan. Wala akong karapatang husgahan siya kung pinaplano niyang ibulsa lahat ng ‘yon. Wala na kaming pagkakaiba. Pareho na kaming dukha na nangangailangan ng salapi para mag-survive. Hindi ko napigilang matawa sa sitwasyon ko. Ang dating prinsesa, ngayo'y nakaupo sa sahig at nangangailangan ng limos. Pero maski isa sa mga dating pumupuri at sumusunod sa bawat kilos ko noon, walang nang gustong lumingon para tulungan ako. Tama si Kate. The heiress has finally fallen. Pagkatapos nito, wala na akong pamimilian kundi magapos sa isang taong hindi ko naman gusto. Tuluyan na akong ipapakasal ng lolo ko kay Don Rico. Pagkatapos ng araw na ito, makukulong na ako sa buhay na ibibigay niya sa akin at hindi na makakalaya pa. Biglang nagtama ang mga mata namin ng lalaki sa tabi ko at lalo akong nanghina dahil sa mga tingin niya. May kung ano akong biglang naramdaman sa dibdib ko. Siguro dahil ngayon lang ako nakakita ng lalaking ganito kalakas ang dating kahit simple lang ang pananamit, o baka dahil sa lahat ng taong naririto, siya lang ang may lakas ng loob na lumapit sa akin. Kung hindi lang siya waiter, malamang pinagkakaguluhan na siya ng mga babae rito. Pero dahil pati sila ay bulag sa status, pera, at kapangyarihan, hindi nila susubukang lumapit sa isang kagaya niya. Parang ako. Baka nga mas malala pa ako, kasi at least siya malayang magagawa ang mga gusto niya sa buhay kahit mahirap lang siya. Bahala na… Kung ito na lang ang panahon ko para maging malaya e ‘di sasagarin ko na. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Gagawin ko na lahat ng bagay na magpapasaya sa akin sa gabing ito. Hinawakan ko ang braso ng lalaki sabay sabing, “Babayaran kita ng mas malaki kaysa dyan… ilayo mo lang ako dito.” “Saan mo gusto pumunta?” Narinig ko na naman ang malamig niyang boses at hindi ko mapigilang mamula ang mga pisngi ko. “Kahit saan. Basta tulungan mo akong makalimot kahit ngayong gabi lang… please.” Tumingin siya sa paligid bago marahang tumango at tumingin diretso sa mga mata ko. Parang tumigil lahat ng ingay sa paligid nang sumagot siya… “Ako’ng bahala sa ‘yo.”Pagkalabas namin sa Elves Club ay pinaghintay niya ako sa tabing kalsada. Maraming bagay na tumatakbo sa isipan ko at isa na doon ay kung babalik pa kaya siya. Pero ilang minuto lang ang lumipas at bumalik siya na nakasakay sa isang itim na motor at may suot na itim na leather jacket. Ang cool niya tingnan. Para siyang nanggaling sa pelikula. Bumaba siya para isuot sa akin ang isa ring itim na helmet at hinayaan ko lang siya. Para akong lutang na zombie na umupo sa likod niya bago niya tuluyang pinatakbo ang motor. Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta at hindi na rin siya nagsalita. Ilang minuto ang lumipas at nagbalik ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko na napigilang mapadantay ang ulo ko sa likod niya. Siguro ay napansin niya kaya naramdaman ko ang kanyang marahang pagbuntung-hininga. Nahiya ako bigla at akmang lalayo nang kinuha niya ang isa sa mga kamay ko at inilagay ito sa bandang tiyan niya. “Kumapit ka nang mabuti,” narinig kong sabi niya. Dama ko ang ma
“Parang wala naman na ‘kong choice,” natatawa kong sagot. Ngumiti siya at umiling-iling bago kinuha ang phone niya at nagpatugtog ng music. “Ano ‘yan?” naguguluhan kong sambit nang tumugtog ang luma at mabagal na kanta. “Ang gusto ko ‘yung dance music. ‘Di ba ang sabi ko gusto kong mag-enjoy ngayong gabi?” “Alam mo ba kung gaano na karami ang nainom mo? I don't think you can dance like that right now without throwing up.” I rolled my eyes. Hindi ko inasahan na may pagka-inglesero rin pala siya. “Okay, okay. Let's dance then,” pag-payag ko sabay lagay ng mga kamay ko sa magkabilang balikat niya. Lalo siyang lumapit sa akin. Halos ilang pulgada lang ang layo ng katawan ko sa kanya at ramdam ko na rin pati ang paghinga niya malapit sa leeg ko. “Hindi ko pa pala natatanong ang pangalan mo,” marahan kong sambit para makalma ang sarili. “‘Sorry.” “Just call me Liam…” marahan rin niyang sagot. “Ako naman si—” “Mia, Mia Montecarlo, tama?” Napaangat ako ng tingin. “Paano mo nalama
Malakas na pag-ring ng cellphone ang gumising sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at tiningnan ang paligid. Nasaan ba ako? Hindi ko kilala ang kwarto na ‘to. Tsk. Oo nga pala. Nagpunta ako sa Hanson Hotel kagabi. Agad akong umupo pero laking gulat ko nang malamang wala akong suot na kahit ano. Tanging puting kumot lang ang nakatakip sa katawan ko. What? Saglit. Ang alam ko sumama lang ako sa lalaki mula sa bar kagabi… Dinala niya ako rito sa hotel tapos… tapos… Uminom kami… Sumayaw… tapos… Lumaki ang mga mata ko nang maalala kung paano ko siya hinalikan at kung paano… niya ako hinalikan pabalik. Shit. Shit. Shit. Mia! Anong ginawa mo?! Halos sabunutan ko ang sarili ko. May nangyari ba sa amin? Sa dami kong nainom sobrang sakit ng ulo ko at wala akong ibang maalaala. Ano bang pinaggagawa ko?! Have I gone stupid? Inabot ko ang cellphone ko na kanina pa nagri-ring. “Hello?” “Mia!” halos sumigaw si Lolo sa kabilang linya. “Nasaan ka ba? Kagabi pa kita tinatawagan pe
“Kasal?! Ano po bang sinasabi niyo, ‘Lo?” nagtataka kong tanong. “Bakit naman ako magpapakasal?” Huminga nang malalim si Lolo Miguel at linuwagan ang kurbata niya. Bakas sa mukha niya ang stress at pagod. “Apo, wala na akong magagawa. Nakipagkasundo na ako kay Don Rico,” paliwanag niya. “Nangako siyang aalagaan ka niya at tutulungan tayong maiahon ang kumpanya.” “Pero bakit naman kailangan kong magpakasal sa kanya para lang tulungan niya tayo? ‘Di ba kaibigan niyo siya?” “Iyon ang nag-iisa niyang kondisyon, Mia. Wala nang iba,” sagot niya sabay upo sa kanyang office chair. Kakauwi ko lang kanina galing sa mall nang sinabi ng maid na nasa home office niya si Lolo. Hindi siya madalas umuuwi nang maaga kaya excited akong umakyat para ipakita sa kanya ang mga binili kong damit. Pero nakita ko kaagad sa mukha niya na may problema. Dito na niya sinabi na tuluyan nang bumagsak ang stocks ng Montecarlo Realty Group. Matagal na palang may problema sa kumpanya pero ngayon lang niya s
Malamig ang boses ng lalaki at malaanghel ang mukha. Ilang segundo rin akong hindi nakapagsalita. “Ah, okay lang,” mahina kong tugon sabay tayo nang maayos. “Thank you.” Agad sumabat si Alice at nagtaas ng kilay. “At sino ka naman?” Mukhang pati sila ngayon lang nakita ang lalaki. May hawak siyang isang bucket ng beer sa kabilang kamay at nakakulay-puting polo katulad ng mga staff ng bar. Napairap si Alice. “Bagong waiter ka dito?” tanong niya sabay ang pag-fold ng mga braso sa dibdib. “Alis na. May pinag-uusapan kami. ‘Di mo ba nakikita?” Kumunot ang noo ng lalaki pero hindi na ito nagsalita. Alam niya siguro na mapapahamak lang siya kung makipagsagutan siya sa mga tao dito sa second floor. Tumango ako sa kanya at inalis ang kamay niya sa likod ko bago pa siya mapag-initan dahil sa akin. “Sige na. Okay lang ako. Salamat.” Tiningnan niya ako na parang may malalim siyang iniisip at ibinaling ang matalas na tingin kay Alice bago tuluyang umalis papunta sa kabilang table. “Gwa

Pagkalabas namin sa Elves Club ay pinaghintay niya ako sa tabing kalsada. Maraming bagay na tumatakbo sa isipan ko at isa na doon ay kung babalik pa kaya siya. Pero ilang minuto lang ang lumipas at bumalik siya na nakasakay sa isang itim na motor at may suot na itim na leather jacket. Ang cool niya tingnan. Para siyang nanggaling sa pelikula. Bumaba siya para isuot sa akin ang isa ring itim na helmet at hinayaan ko lang siya. Para akong lutang na zombie na umupo sa likod niya bago niya tuluyang pinatakbo ang motor. Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta at hindi na rin siya nagsalita. Ilang minuto ang lumipas at nagbalik ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko na napigilang mapadantay ang ulo ko sa likod niya. Siguro ay napansin niya kaya naramdaman ko ang kanyang marahang pagbuntung-hininga. Nahiya ako bigla at akmang lalayo nang kinuha niya ang isa sa mga kamay ko at inilagay ito sa bandang tiyan niya. “Kumapit ka nang mabuti,” narinig kong sabi niya. Dama ko ang ma
“Akala ko ba—” hindi ko makapaniwalang turan. “Bakit mo ‘ko tinulak?” “Ang bagal mo kasi,” nakangiti pa rin niyang sabi. “Ay teka, baka akala mo hindi na kita bibigyan ng tulong. Saglit lang ha…” Binuksan niya ang bag niya at humugot ng pera mula rito. Bigla niya itong hinagis sa mukha ko. Nagkalat ang mga one thousand peso bills sa sahig at doon ako nakaramdam ng labis na panliliit sa sarili. “Ayan,” pagpapatuloy ni Kate. “Dahil mahirap na ang lolo mo at wala na kayong pera, tulong ko na ‘yan sa ‘yo.” “Ang bait naman ni Kate, ‘di ba, Mia?” sarkastikong komento ni Alice sa tabi niya. “Pero kung kulang pa ‘yan, may charity ang kumpanya namin for the poor. Pumila ka na lang para makahingi ng ayuda, okay?” Napatungo ako sa hiya habang kagat-kagat ang labi ko. Tuluy-tuloy na rin ang luha na umagos sa pisngi ko. Wala talaga silang balak na tulungan ako umpisa pa lang. Wala silang ibang gusto kundi ipahiya ako sa harap ng maraming tao. “Let's go, guys,” aya ni Kate sa mga kasama na