Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. “May malapit na kainan dito. Why don't we—” “Hindi na siguro,” sagot ko kaagad. “Ano kasi… medyo busy ako ngayon eh.” Bigla namang lumabas ang isa sa mga staff ni Ms. Claire at lumapit sa akin. “Ms. Mia, meron pong mga ni-recommend na dresses si Ms. Claire. Nilagay ko na po sa loob ng fitting room.” Napansin niya ang kausap kong lalaki at ngumiti. “Ay, ang gwapo naman po pala ng fiancé niyo, Ms. Mia,” ani niya sabay paling kay Liam bago pa ako makapagsalita. “Sir, may couch po sa fitting room. Dalhan ko na lang po kayo ng champagne habang namimili si Ma’am.” Umalis siya kaagad at naiwan kami ni Liam sa gitna ng boutique. “Fiancé?” Napansin ko ang biglang pagkunot ng noo niya. I bit my lip and sighed. “Wala lang ‘yon. Sige, mauna na ‘ko.” Naglakad ako papunta sa fitting room pero nahuli niya ang braso ko. “Mia… anong sinasabi niyang fiancé mo?” tanong niya ulit. “Ikakasal ka na?” Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko bag
Halos mahulog ang panga ko sa sahig nang ma-realize kung gaano kami kalapit sa isa't isa sa loob ng maliit na stall.At na-realize ko rin na hindi pa pala maayos ang pagkakasuot ko sa dress. Labas ang buong likuran ko, at dahil nga off-shoulder ito, maluwag pa ito sa harapan at mas mababa ang pagkakasuot.Bigla ring nag-iba ang tingin niya kaya agad ko itong inangat bago pa ito mahulog at may makita siyang hindi dapat.Akap akap ko ang sarili ko habang nakatingin sa kanya.Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, ramdam ko na ito sa lalamunan ko at nahirapan akong magsalita.“Ba—bakit ka pumasok dito? Nasisiraan ka na ba?”I saw a small smirk at the corner of his lips pero agad din itong nawala.“You need help, right?”“Oo nga pero dapat tumawag ka ng iba. Ano na lang ang iisipin nila kapag nalaman nilang nasa loob tayo ng stall na magkasama?”He shrugged. “Akala nila fiancé mo ako. So, I don't think they would mind.”Nakatitig siya sa mga mata ko at para akong ice-cream na natutunaw s
“Kasal?! Ano po bang sinasabi niyo, ‘Lo?” nagtataka kong tanong. “Bakit naman ako magpapakasal?” Huminga nang malalim si Lolo Miguel at linuwagan ang kurbata niya. Bakas sa mukha niya ang stress at pagod. “Apo, wala na akong magagawa. Nakipagkasundo na ako kay Don Rico,” paliwanag niya. “Nangako siyang aalagaan ka niya at tutulungan tayong maiahon ang kumpanya.” “Pero bakit naman kailangan kong magpakasal sa kanya para lang tulungan niya tayo? ‘Di ba kaibigan niyo siya?” “Iyon ang nag-iisa niyang kondisyon, Mia. Wala nang iba,” sagot niya sabay upo sa kanyang office chair. Kakauwi ko lang kanina galing sa mall nang sinabi ng maid na nasa home office niya si Lolo. Hindi siya madalas umuuwi nang maaga kaya excited akong umakyat para ipakita sa kanya ang mga binili kong damit. Pero nakita ko kaagad sa mukha niya na may problema. Dito na niya sinabi na tuluyan nang bumagsak ang stocks ng Montecarlo Realty Group. Matagal na palang may problema sa kumpanya pero ngayon lang niya s
Malamig ang boses ng lalaki at malaanghel ang mukha. Ilang segundo rin akong hindi nakapagsalita. “Ah, okay lang,” mahina kong tugon sabay tayo nang maayos. “Thank you.” Agad sumabat si Alice at nagtaas ng kilay. “At sino ka naman?” Mukhang pati sila ngayon lang nakita ang lalaki. May hawak siyang isang bucket ng beer sa kabilang kamay at nakakulay-puting polo katulad ng mga staff ng bar. Napairap si Alice. “Bagong waiter ka dito?” tanong niya sabay ang pag-fold ng mga braso sa dibdib. “Alis na. May pinag-uusapan kami. ‘Di mo ba nakikita?” Kumunot ang noo ng lalaki pero hindi na ito nagsalita. Alam niya siguro na mapapahamak lang siya kung makipagsagutan siya sa mga tao dito sa second floor. Tumango ako sa kanya at inalis ang kamay niya sa likod ko bago pa siya mapag-initan dahil sa akin. “Sige na. Okay lang ako. Salamat.” Tiningnan niya ako na parang may malalim siyang iniisip at ibinaling ang matalas na tingin kay Alice bago tuluyang umalis papunta sa kabilang table. “Gwa
“Akala ko ba—” hindi ko makapaniwalang turan. “Bakit mo ‘ko tinulak?” “Ang bagal mo kasi,” nakangiti pa rin niyang sabi. “Ay teka, baka akala mo hindi na kita bibigyan ng tulong. Saglit lang ha…” Binuksan niya ang bag niya at humugot ng pera mula rito. Bigla niya itong hinagis sa mukha ko. Nagkalat ang mga one thousand peso bills sa sahig at doon ako nakaramdam ng labis na panliliit sa sarili. “Ayan,” pagpapatuloy ni Kate. “Dahil mahirap na ang lolo mo at wala na kayong pera, tulong ko na ‘yan sa ‘yo.” “Ang bait naman ni Kate, ‘di ba, Mia?” sarkastikong komento ni Alice sa tabi niya. “Pero kung kulang pa ‘yan, may charity ang kumpanya namin for the poor. Pumila ka na lang para makahingi ng ayuda, okay?” Napatungo ako sa hiya habang kagat-kagat ang labi ko. Tuluy-tuloy na rin ang luha na umagos sa pisngi ko. Wala talaga silang balak na tulungan ako umpisa pa lang. Wala silang ibang gusto kundi ipahiya ako sa harap ng maraming tao. “Let's go, guys,” aya ni Kate sa mga kasama na
Pagkalabas namin sa Elves Club ay pinaghintay niya ako sa tabing kalsada. Maraming bagay na tumatakbo sa isipan ko at isa na doon ay kung babalik pa kaya siya. Pero ilang minuto lang ang lumipas at bumalik siya na nakasakay sa isang itim na motor at may suot na itim na leather jacket. Ang cool niya tingnan. Para siyang nanggaling sa pelikula. Bumaba siya para isuot sa akin ang isa ring itim na helmet at hinayaan ko lang siya. Para akong lutang na zombie na umupo sa likod niya bago niya tuluyang pinatakbo ang motor. Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta at hindi na rin siya nagsalita. Ilang minuto ang lumipas at nagbalik ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko na napigilang mapadantay ang ulo ko sa likod niya. Siguro ay napansin niya kaya naramdaman ko ang kanyang marahang pagbuntung-hininga. Nahiya ako bigla at akmang lalayo nang kinuha niya ang isa sa mga kamay ko at inilagay ito sa bandang tiyan niya. “Kumapit ka nang mabuti,” narinig kong sabi niya. Dama ko ang ma
“Parang wala naman na ‘kong choice,” natatawa kong sagot. Ngumiti siya at umiling-iling bago kinuha ang phone niya at nagpatugtog ng music. “Ano ‘yan?” naguguluhan kong sambit nang tumugtog ang luma at mabagal na kanta. “Ang gusto ko ‘yung dance music. ‘Di ba ang sabi ko gusto kong mag-enjoy ngayong gabi?” “Alam mo ba kung gaano na karami ang nainom mo? I don't think you can dance like that right now without throwing up.” I rolled my eyes. Hindi ko inasahan na may pagka-inglesero rin pala siya. “Okay, okay. Let's dance then,” pag-payag ko sabay lagay ng mga kamay ko sa magkabilang balikat niya. Lalo siyang lumapit sa akin. Halos ilang pulgada lang ang layo ng katawan ko sa kanya at ramdam ko na rin pati ang paghinga niya malapit sa leeg ko. “Hindi ko pa pala natatanong ang pangalan mo,” marahan kong sambit para makalma ang sarili. “‘Sorry.” “Just call me Liam…” marahan rin niyang sagot. “Ako naman si—” “Mia, Mia Montecarlo, tama?” Napaangat ako ng tingin. “Paano mo nalama
Malakas na pag-ring ng cellphone ang gumising sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at tiningnan ang paligid. Nasaan ba ako? Hindi ko kilala ang kwarto na ‘to. Tsk. Oo nga pala. Nagpunta ako sa Hanson Hotel kagabi. Agad akong umupo pero laking gulat ko nang malamang wala akong suot na kahit ano. Tanging puting kumot lang ang nakatakip sa katawan ko. What? Saglit. Ang alam ko sumama lang ako sa lalaki mula sa bar kagabi… Dinala niya ako rito sa hotel tapos… tapos… Uminom kami… Sumayaw… tapos… Lumaki ang mga mata ko nang maalala kung paano ko siya hinalikan at kung paano… niya ako hinalikan pabalik. Shit. Shit. Shit. Mia! Anong ginawa mo?! Halos sabunutan ko ang sarili ko. May nangyari ba sa amin? Sa dami kong nainom sobrang sakit ng ulo ko at wala akong ibang maalaala. Ano bang pinaggagawa ko?! Have I gone stupid? Inabot ko ang cellphone ko na kanina pa nagri-ring. “Hello?” “Mia!” halos sumigaw si Lolo sa kabilang linya. “Nasaan ka ba? Kagabi pa kita tinatawagan pe
Halos mahulog ang panga ko sa sahig nang ma-realize kung gaano kami kalapit sa isa't isa sa loob ng maliit na stall.At na-realize ko rin na hindi pa pala maayos ang pagkakasuot ko sa dress. Labas ang buong likuran ko, at dahil nga off-shoulder ito, maluwag pa ito sa harapan at mas mababa ang pagkakasuot.Bigla ring nag-iba ang tingin niya kaya agad ko itong inangat bago pa ito mahulog at may makita siyang hindi dapat.Akap akap ko ang sarili ko habang nakatingin sa kanya.Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, ramdam ko na ito sa lalamunan ko at nahirapan akong magsalita.“Ba—bakit ka pumasok dito? Nasisiraan ka na ba?”I saw a small smirk at the corner of his lips pero agad din itong nawala.“You need help, right?”“Oo nga pero dapat tumawag ka ng iba. Ano na lang ang iisipin nila kapag nalaman nilang nasa loob tayo ng stall na magkasama?”He shrugged. “Akala nila fiancé mo ako. So, I don't think they would mind.”Nakatitig siya sa mga mata ko at para akong ice-cream na natutunaw s
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. “May malapit na kainan dito. Why don't we—” “Hindi na siguro,” sagot ko kaagad. “Ano kasi… medyo busy ako ngayon eh.” Bigla namang lumabas ang isa sa mga staff ni Ms. Claire at lumapit sa akin. “Ms. Mia, meron pong mga ni-recommend na dresses si Ms. Claire. Nilagay ko na po sa loob ng fitting room.” Napansin niya ang kausap kong lalaki at ngumiti. “Ay, ang gwapo naman po pala ng fiancé niyo, Ms. Mia,” ani niya sabay paling kay Liam bago pa ako makapagsalita. “Sir, may couch po sa fitting room. Dalhan ko na lang po kayo ng champagne habang namimili si Ma’am.” Umalis siya kaagad at naiwan kami ni Liam sa gitna ng boutique. “Fiancé?” Napansin ko ang biglang pagkunot ng noo niya. I bit my lip and sighed. “Wala lang ‘yon. Sige, mauna na ‘ko.” Naglakad ako papunta sa fitting room pero nahuli niya ang braso ko. “Mia… anong sinasabi niyang fiancé mo?” tanong niya ulit. “Ikakasal ka na?” Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko bag
“Oh, Ms. Mia Montecarlo! Long time no see!” agad na bati ng babae pagpasok ko sa isang sikat na boutique. Pagmamay-ari ito ng isa sa pinaka-in demand na fashion designer sa bansa, si Ms. Claire Dechanel. Ilang beses na akong nagpa-customized ng dress sa kanya dati, pero hindi ko inaasahan na this time, dress na para sa engagement party ko ang gagawin niya. “Nice to see you again, Ms. Claire,” sabi ko sabay ngiti. “I was surprised nang makita ko ang pangalan mo sa booking list. You're here para sa engagement party mo, right?” tanong niya gamit ang matinis niyang boses. “Congratulations!” “Thank you,” mahina kong tugon. “Okay, let's start na. Kunin namin measurements mo as usual tapos, sisimulan na natin ang pag-design. Meron ka na bang style in mind?” Umiling ako. “Wala pa. Kahit ano na lang. Ikaw na bahala.” Siguro ay narinig niya ang disinterest sa boses ko kaya hindi na siya namilit. Kinuha niya ang measurements ko at pinaupo ako sa harap ng mesa niya sa loob ng off
Pagkauwi sa mansyon, napansin kong nagbalik nang muli ang mga tauhan namin.From my yayas, to the other maids, pati mga hardinero ay nakita kong nagtatrabaho ulit sa garden namin sa likod ng mansyon.Lahat ng gamit namin sa bahay ay hindi rin nagalaw ng bangko, at sa halip ay nadagdagan pa.Katulad ng bagong kama sa kwarto ni Lolo na parehas ng mamahaling higaan sa ospital.Kumpleto rin ang mga gamot na nireseta ng doktor bago kami umuwi. Nakalatag na 'yong lahat sa nightstand ni Lolo.Lahat ay pinaayos na ni Don Rico bago pa kami dumating.Gusto ko mang magpasalamat, may kurot pa rin sa dibdib ko dahil alam ko ang kapalit ng lahat ng ito.… Pagkatapos ng ilang oras, dumating na si Don Rico na may kasamang isang babaeng nakasuot ng asul na nurse uniform.“Don Rico…” sabi ko pagkababa ng hagdan.“Mia!” Malaki ang ngiti niya nang makita ako. “Kamusta si Don Miguel? Kamusta ang byahe? Pasensya na at hindi ako ang personal na sumundo sa inyo kanina.”Umiling ako at pilit na ngumiti. “Oka
“Under monitoring pa rin po si Mr. Montecarlo,” ani ng doktor na tumingin sa kaniya kanina. “But he is out of danger now. Hopefully, magigising na rin siya soon.”“Thank you po. Thank you po talaga,” sagot ko habang hawak-hawak nang mahigpit ang kamay ni Lolo.Tumigil daw ang puso niya kanina at kinailangan nila itong i-resuscitate. Mabuti na lang at mabilis nilang napatibok ulit ang puso niya.Para akong pinagsakluban ng langit at lupa habang nililigtas nila ang buhay ng lolo ko.Sobrang daming pagsisisi ang naramdaman ko.Sana… sana pala nakinig na lang ako sa kaniya noong araw na ‘yon. Sana hindi na lang ako nagplanong maglayas.Sana hindi ko siya binigyan ng sama ng loob.Hindi sana siya inatake sa puso… Hindi sana siya nakaratay sa ospital ngayon.Sa bingit ng kanyang buhay, napagtanto ko na may mas importante pa kaysa sa sariling kong kaligayahan.Aanhin ko ang pagiging malaya kung wala na si Lolo Miguel?Mas importante ang buhay niya. Mas importante ang buhay ng nag-iisa kong
Nanginig bigla ang laman ko.“Don Rico—”“Sinimulan ko na ang pag-aasikaso sa Montecarlo Realty Group. In a few weeks time, maibabangon na natin ang kumpanya niyo, isn't that good news?”Madiin ang pagkakakagat ko sa labi ko at halos may nalalasahan na akong dugo.Naiintindihan ko ang mga tulong na kaya niyang ibigay. Pero tama bang ako ang maging kapalit sa lahat ng iyon?Tama bang isakripisyo ko ang sarili ko para sa mga bagay na inaalok niya?Hindi… parang hindi ko ata talaga kaya.“Don Rico…” mahina kong ani sabay ang angat ng mukha ko sa pagkakatungo. “Alam ko hong may ipinangako ang lolo ko sa inyo. Pero hindi ako kasama sa pagdedesisyon niya. Hindi ata tama na basta na lang akong maikasal nang hindi naman ako pumapayag sa kahit ano.”Isang malalim na buntong hininga ang isinagot ni Don Rico, sabay rin ang pagkunot ng noo niya.“Naiintindihan ko, Mia. Hindi mo 'ko kailangang pakasalan,” sabi niya sabay iling. “Syempre desisyon mo pa rin ‘yon at wala akong magagawa kung ayaw mo.
Napatigil ako sa kinatatayuan ko nang maalala ang utang ko sa kanya noong isang gabi. Malamang maniningil na siya. Sa laki ba naman ng bill sa hotel malamang ilang buwan niyang pagta-trabahuhan ang halagang 'yon.Lumingon ako ulit at binigyan siya ng nahihiyang ngiti. “Liam… oo nga pala. About do’n sa ibinayad mo sa Hanson Hotel…” Hindi ko mapigilang laruin ang mga daliri ko sa pinaghalong kaba at hiya. “Baka pwedeng saka ko na bayaran sayo. Pati na rin ang bayad na pinangako ko. Nagastos ko na kasi lahat ng pera ko sa ibang bagay…”Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas na makiusap lalo na tungkol sa pera. Kadalasan, ako ang hinihiraman, ako ang pinakikiusapan.Ngayon, ako na ang nakikisuyo.Pero mas malala ang hiya ko, knowing na hindi naman siya mayaman. “Bakit? May problema ba?”Napakamot ako sa ulo bago isalaysay ang mga nangyari. “‘Yong lolo ko kasi inatake sa puso kahapon kaya kinailangan ko siyang pa-operahan. Naibayad ko na lahat ng pera ko sa ospital. Nagkulang pa n
Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, halos wala na akong marinig sa paligid ko. Nanginginig akong nakaupo sa labas ng operating room, naghihintay kung kailan matatapos ang operasyon ni Lolo.Inabot na ako ng madaling araw, pero hindi pa rin sila nakalalabas.Parang sasabog ang puso ko sa pag-aalala. Si Lolo Miguel na lang ang nag-iisa kong pamilya. Wala nang iba. Kapag mawala siya sa akin, baka hindi ko kayaning mabuhay mag-isa.Kailangan ko ang lolo ko, maghirap man kami o hindi. "Hindi mo ako pwedeng iwan, 'Lo," bulong ko habang humihikbi. Pagkatapos ng ilan pang oras ay lumabas ang doktor kasama ng ilang nurse at tumayo sila sa harapan ko. Agad akong lumapit at kinakabahang nagtanong, “Doc, kamusta na po ang lolo ko?” “Successful ang naging operasyon ni Mr. Montecarlo. Kailangan lang natin siyang hintaying magising para malaman natin kung walang naging komplikasyon,” sagot niya pero hindi nawala ang kaba sa dibdib ko. “So, magaling na po siya? Okay na po ulit ang pus