"I want your Midnights.." Iyon ang katagang narinig ni Chantal mula kay Kendric. Ang kahuli-hulihang lalaki na kahit kailangan ay hindi n'ya gugustuhin. Ang lalaki na hindi n'ya dapat mahalin. Ngunit paano n'ya maiiwasan ang maalab nitong mga halik, ang mainit niyang haplos at yakap na tila tumutupok sa kaniyang buong lakas at katinuan? Hanggang saan n'ya kayang pigilan ang damdamin na pilit na kumakawala sa kaniyang puso?Magagawa ba niyang iwasan ang lalaking nagpatibok ng kaniyang puso kahit pa mali. . .
view moreEmergency Hanggang pag-uwi ay hindi mawala sa isip ko ang sinabing 'yon ni Melissa. Imposible ang sinsabi Melissa at sa tingin ko'y sadyang wala lang talaga siyang numero nito. Si Poncho at Aling Betty ay malamang meron. Kinabukasan ay nabasa kong muli ang mensahe ni Lisa. Sinabi nitong mag videocall kami para makita ko sina Inay at Itay. Nangunlit na rin kasi si Aia na makita ako kaya sinabi kong pagkatapos ng trabaho ko sila pwede makausap. Sunuksok ko ang cell phone sa aking bulsa bago ako lumabas para simulan ang trabaho ngayon umaga. Naabutan ko na si Aling Betty at Melissa na naghahanda ng almusal. Hindi ko na sila matutulungan pagkat kailangan kong linisan ang mga silid na ginamit ng mga bisita kahapon. Tiyak na hapon na naman ako matatapos nito. Dahil tulog pa ang mag-asawa ay sa katapat na kwarto ako unang naglinis. Hinayaan kong bukas ang pinto para alam nilang may tao doon kung sakali. Inumpisahan kong palitan ang mga kubre kama at mga unan. Nag vacuum na rin ako sa
NumberHindi ako nag atubileng buksan at ayusin ang cell phone na bigay ni Sir Kendrick sa‘kin. Mabilis ko rin ’yon binida kina Melissa at Aling Betty na siyang natuwa sa‘kin.“Sabi ko sa'yo magsipag ka lang at marami benepisyo ang pagtira dito. Basta number 1 rules huwag na huwag babalin ang bilin ni Madam!” wika ni MelissaTumango naman ako dito habang hinahaplos ang aking bagong telepono. Ngayon lang din ako nakagamit ng high tech na cell phone kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na kalikutin ‘yon.Hindi naman bago sa’kin ang bagay na ’yon dahil may mga classmate ako sa school na high tech na ang cell phone. Mabuti na lang din ay agad akong kinonek ni Melissa sa wifi sa mansyon kaya mabilis akong nakapag download ng mga apps. Ngayon ay hindi na ako mahihirapan pang tawagan sila Inay at magkakaroon pa ako ng pagkakataon para ma-explore ang social media.Nakatulugan ko nga ang pagkalikot sa aking telepono at hapon na nang magising. Napabalikwas ako nang bangon dahil oras n
Kabanata 6PainMaaga akong nagising kinabukasan. Mabuti ay hindi naman masyadong namaga ang aking paa. Iyon nga lang ay medyo makirot ang mga sugat na natamo ko sa bubog ng bote.Hindi ko na lang ininda ang bagay na 'yon at tinulungan na magluto ng almusal si Aling Betty. "Oh, bakit nandito ka? Hindi ba day off mo ngayon?" Puna sa'kin ni Aling Betty.Ngumiti ako bilang sagot. "Wala naman ho akong lakad ngayong araw. Siguro tatawagan ko na lang ho ang mang Inay sa probinsya mamaya.""May telepono ka ba?"Napawi bigla ang mga ngiti ko sa labi. "Hayaan mo papahiramin kita ng telepono ko mamaya," aniya sa'kin.Agad naman nagliwanang ang mukha ko at tinuloy na rin ang pagtulong sa kanya.Matapos kong tulungan maghain ng almusal sina Aling Betty at Melissa ay dumiretso na ako sa likod bahay upang linisin ang swimming pool.Tiyak kasi na dito ang tungo ng mga bisita mamaya kapag tapos mag almusal. Hindi naman kasi masyadong mainit sa parteng ito pagkat may naglalakihang puno na tumatabing
Kabanata 5ColdHindi pa man ako nahihimbing sa pagtulog ay nakarinig na ako ng tila pagtatalo sa labas ng aking silid. Kusot matang bumangon ako upang silipin ang oras at nakita kong pasado alas tres pa lang ng madaling araw.Gumawi ang tingin ko sa bandang binatana kung saan naroon ang backyard at ang swimming pool. Doon ko narinig ang mga boses na nagtatalo.Pinakiramdaman ko muna ang paligid at hindi ako nagkamali. Boses 'yon ni Yoona na mukhang lasing. Tuluyan na akong tumayo para buksan sana ang pinto nang marinig ko ang boses ni Kendric. "Stop it, hindi makakatulong sa problema natin 'yang paglalasing mo," halos ibulong na lamang niya sa kausap."Tell me how to calm down matapos lumabas ng resulta? Sabihin mo, hun!" I could hear her frustration while crying.Sa tingin ko'y sobrang bigat ng pinagdaraanan nito. Bahagya akong sumilip sa bintana at pansin ko ang dalawa na nasa may silya malapit sa may pool.Nakatayo si Kendric habang sapo ang dalawang pisngi ni Yoona na siyang wal
Kabanata 4 HotSa ilang araw kong pamamalagi sa bahay ng mga Monteverde ay nasanay na rin ang katawan ko sa trabaho at paglilinis ng bahay.Kung tutuusin ay madali lang naman linisin ang mga silid. I yon nga lang sa dami ng mga silid sa bawat floor ay hindi ko maiwasang abutin minsan ng hapon para lang matapos ko ang lahat.Gaya ngayong araw, alas tres na ng hapon ay hindi pa rin ako nakakatapos sa paglilinis. Nalaman ko kasi na may mga bisitang parating mamayang gabi at isa na doon si Auntie Cecil kasama si Uncle Art at iba pang miyembro ng pamilya Monteverde at Castillo.Kaya kahit pagod na ay pilit kong tinatapos ang trabaho upang nang sa gano'n ay hindi naman mapahiya sa Auntie sa pagpasok niya sa'kin dito."Chantal, hija tapos ka na ba d'yan sa ginagawa mo?"Ilang katok mula kay Aling Betty ang pumukaw sa abala kong utak at kamay. Nasa isa sa mga guest room ako ng bahay at hinahanda ang silid na maaring tulugan ng mga bisita kung sakali."Patapos na ho, Aling Betty!" sagot ko h
Kabanata 3 Rock GlassMatapos kong makapagbihis ng uniform ay sinipat ko ang sarili sa salamin. Hindi ako makapaniwala sa nakita.Sa tingin ko nga ay mas bumagay sa akin ang uniporme ko kaysa sa suot kong mahabang palda at blouse. Ngayon ko lang din napansin ang hubog ng aking katawan sa suot.Kung tutuusin ay hindi naman ako petite. Medyo may laman ang katawan ko gawa nang palagi batak sa trabaho sa bukid at nagmimiryenda ng nilagang kamote.Bumaba ang tingin ko sa aking dibdib matapos ay ngumiti. Ngayon ko lang talaga nabisita ang parteng ito pagkat sa suot kong maluwang na blouse palagi. Ngayon ay tila sinukat sa'kin ang damit na ito at bumagay pa ang kulay na baby pink na may kulay puting detalye sa bandang gilid sa aking kulay morenang kutis.Nang makuntento ay bumaba na ako upang tumulong sana sa paghahanda ng pagkain. Narinig ko kasing dumating na ang mag-asawang amo kaya't nagmamadali akong bumaba na."Chantal, ikaw ba 'yan? Aba, bumagay pa saiyo ang uniporme!" bulalas na sam
Kabanata 2First DayHabang nasa byahe ay hindi ko mapigilang hindi mamangha sa nagtataasang gusali na aming nadaraanan. Meron namang ganito sa Cordova pero ang makakita nang ganito kadaming building ang nagpapa-awang ng aking mga labi.Kahit ramdam ko ang gutom ay tila hindi ko na alintana sa dahil sa makabagong siyudad sa na aking nadaraanan."Are you new here in Manila?"Lumingon ako sa lalaking nasa unahan na siyang abala sa pagda-drive. Tiyak kong sinulyapan n'ya ako mula sa rear view mirror kahit pa may suot itong sunglasses.Dahan-dahan naman akong tumango. "Pasensya na kayo, sir. Ngayon lang ho kasi ako nakarating ng Manila," mahina kong saad."Masasanay ka rin dito."Sumang-ayon ako sa sinabi n'ya. Sa palagay ko naman ay ngayon lang ito nerbyos na nararamdaman ko at masasanay na rin kalaunan."Ilan taon ka na ulit?" muli niyang tanong sa'kin.Mabilis na akong umayos ng upo at sumagot."Twenty two ho, sir." magalang kong sagot.Pansin ko ang pananahimik niya habang pinipihit
Kabanata 1Bayong"Mag-iingat ka doon anak, at huwag mong kakalimutan kumain sa oras. Saka ang mga bilin ko saiyo na huwag lalabas sa gabi at makikihalubilo sa mga lasing!"Halos mabali ang mga buto ko sa mahigpit na yakap sa'kin ni Inay Dahlia, kung pwede nga lang ay sumama ito sa'kin sa Maynila ay gagawin n'ya ngunit hindi maari.Hindi na kaya ni Inay ang mabibigat na trabaho at hindi rin niya kaya na mawalay pa sa tatlo ko pang kapatid at si Itay na siya nitong katuwang sa maliit naming lupain dito sa Cordova, Cebu.Sa totoo lang ay ayokong umalis dito sa probinsya dahil isa ito sa may pinakamandang probinsya sa Cebu at dinarayo ng mga turista ang isa sa mga sikat na 10,000 roses at ang mga sikat na resort dito sa probinsya.Kung hindi lamang nakiusap sa'kin ang aking tiyahin na tumungo sa Maynila ay hindi ako aalis. Pero dahil na rin sa kakulangan sa pantustos ng pag-aaral ng mga kapatid at ng maintenance ni Itay sa kaniyang highblood ay hindi ako makikipag sapalaran sa Maynila.I
Kabanata 1Bayong"Mag-iingat ka doon anak, at huwag mong kakalimutan kumain sa oras. Saka ang mga bilin ko saiyo na huwag lalabas sa gabi at makikihalubilo sa mga lasing!"Halos mabali ang mga buto ko sa mahigpit na yakap sa'kin ni Inay Dahlia, kung pwede nga lang ay sumama ito sa'kin sa Maynila ay gagawin n'ya ngunit hindi maari.Hindi na kaya ni Inay ang mabibigat na trabaho at hindi rin niya kaya na mawalay pa sa tatlo ko pang kapatid at si Itay na siya nitong katuwang sa maliit naming lupain dito sa Cordova, Cebu.Sa totoo lang ay ayokong umalis dito sa probinsya dahil isa ito sa may pinakamandang probinsya sa Cebu at dinarayo ng mga turista ang isa sa mga sikat na 10,000 roses at ang mga sikat na resort dito sa probinsya.Kung hindi lamang nakiusap sa'kin ang aking tiyahin na tumungo sa Maynila ay hindi ako aalis. Pero dahil na rin sa kakulangan sa pantustos ng pag-aaral ng mga kapatid at ng maintenance ni Itay sa kaniyang highblood ay hindi ako makikipag sapalaran sa Maynila.I...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments