Share

Kabanata 3

Author: QueenVie
last update Huling Na-update: 2023-07-21 17:51:31

Kabanata 3

 Rock Glass

Matapos kong makapagbihis ng uniform ay sinipat ko ang sarili sa salamin. Hindi ako makapaniwala sa nakita.

Sa tingin ko nga ay mas bumagay sa akin ang uniporme ko kaysa sa suot kong mahabang palda at blouse. Ngayon ko lang din napansin ang hubog ng aking katawan sa suot.

Kung tutuusin ay hindi naman ako petite. Medyo may laman ang katawan ko gawa nang palagi batak sa trabaho sa bukid at nagmimiryenda ng nilagang kamote.

Bumaba ang tingin ko sa aking dibdib matapos ay ngumiti. Ngayon ko lang talaga nabisita ang parteng ito pagkat sa suot kong maluwang na blouse palagi. Ngayon ay tila sinukat sa'kin ang damit na ito at bumagay pa ang kulay na baby pink na may kulay puting detalye sa bandang gilid sa aking kulay morenang kutis.

Nang makuntento ay bumaba na ako upang tumulong sana sa paghahanda ng pagkain. Narinig ko kasing dumating na ang mag-asawang amo kaya't nagmamadali akong bumaba na.

"Chantal, ikaw ba 'yan? Aba, bumagay pa saiyo ang uniporme!" bulalas na sambit ni Aling Betty.

"Sa tingin ko mas lalabas ang angking ganda mo kapag nabihisan ka ng pormal na damit," wika naman ni Melissa na tila hindi mapunit ang mga ngiti sa mga labi.

Ramdam ko ang pamumula ng aking dalawang pisngi sa mga natanggap na pap./. n.nuri. Sa totoo lang ay gusto ko nang maniwala sa mga sinasabi nila kung hindi ko lang narinig ang boses na nagsalita mula sa aking likuran.

"Wala naman nagbago sa itsura n'ya gano'n pa rin naman. Laking probinsya ka kasi kaya't nanibago lang kayo sa suot n'ya. Ang mabuti pa ihanda n'yo na ang hapunan. Gutom na kami ng asawa ko."

Yumuko ako nang sipatin ng tingin ni Yoona. "Saka iwas-iwasan n'yo ang pagdadaldalan kapag oras ng trabaho. Naiintindihan n'yo?" 

Sabay-sabay naman kaming tumango matapos niyang iwanan.

"Ang mabuti pa ihain n'yo ang hapunan," utos sa amin ni Aling Betty.

 Agad naman akong tumalima  at binitbit ang inabot sa aking bowl ng kanin ni Aling Betty. Siniko naman ako ni Melissa na siyang may dala ng mga pinggan.

"Insecure lang 'yan kasi-"

Hindi na natuloy pa ni Melissa ang sasabihin nang magsalita si Aling Betty. 

"Tama na 'yan. Trabaho na!"

Ngumuso ito matapos ay nagpati-una na papasok sa may dinning area. Dahil na rin sa pagsita sa amin ni Yoona ay hindi ko pamigilang iyuko ang ulo sa hiya. Unang araw ko pa lang dito  sa trabaho ay napagalitan na ako agad.

Hindi na rin ako nagtagal doon at tumungo na sa may kusina upang doon hintayin ang tawag nila kung sakali. Naabutan ko pang naghaharutan sina Poncho at Melissa sa may counter table nang malingonan ako.

"Psst. . .  Gusto mong sumama?" tawag pansin sa'kin ni Melissa nang tangka na akong tatalikod.

Nilingon ko ang mga ito na may kunot ang noo.

"Tutal ay unang araw mo dito sa Maynila. Ipapasyal ka namin,"  aniya.

Bumaba ang tingin ko sa suot na uniporme, "Pwede bang ito na lang ang suotin ko?"

Sa puntong 'yon ko narinig ang sunod-sunod na halakhak ni Melissa, maging si Poncho ay gumalaw din ang mga balikat sa tiyak kong pinipigilang pagtawa.

Nanlaki naman ang mga mata ko. Tila may mali sa sinabi ko kaya't natawa sila. 

"Alam mo, pahihiramin na lang kita ng damit, basta huwag lang 'yan ang suotin mo." Umiiling na wika ni Melissa.

Bahagya lamang akong tumango.

Matapos maghapunan nang mag-asawa ay agad kong niligpit ang kanilang pinagkainan. Umakyat na ang mga ito sa kanilang silid ngunit hindi ko inaasahan na bababa pa si Kendric para manood ng telebisyon sa sala.

Kumunot ang aking noo nang mapansin itong nakahilig sa may sofa habang hawak sa kaniyang kamay ang remote ng TV.

Wala bang TV sa kwarto nila? Bakit dito siya nanonood?" 

Pinagkibit balikat ko lamang ang bagay na 'yon at tinuloy na ang trabaho. Ngunit hindi ko ito maiwasang sulyapan kada mapapadaan ako sa may bungad ng dining area.

He wore a white T-shirt and black short, malayong malayo sa suot niyabusiness suit kanina. Gano'n pa man ay kitang kita ko ang malalaki niyang mga braso at ang mapipintog nitong dibdib. Hindi na ako magtataka kung ano pa ang itinatago niya sa ilalim ng kaniyang damit.

Agad na namula ang aking dalawang pisngi sa napagtanto. Idagdag mo pa na tila napansin niya ang aking mainit na presensya kaya't lumingon ito sa banda ko.

Dahil sa taranta ay nabitiwan ko ang hawak na tray kaya't nakagawa ito ng malakas na ingay. Pasalamat ako at walang pang laman ang tray na hawak kaya't napapikit ako sa labis na kaba.

Mabilis akong sumulyap kay Kendric sa pag-aalalang pagalitan n'ya ako ngunit pansin kong umangat ang gilid ng kaniyang labi habang umiiling na nakatingin sa telebisyon.

"Ano 'yan?" 

Kumakaripas palapit sa'kin si Aling Betty na siyang hinawakan pa ako sa isang braso. Agad ko naman dinampot ang tray at mabilis na tumalikod.

"Pasensya na ho, dumulas ho kasi sa kamay ko," Pagsisinungaling ko.

"Akala ko naman ay ano na, hala sige taposin mo na 'yan at nang makalakad na kayo nila Melissa. Kanina pa naghihintay ang mga 'yon saiyo," aniya bago ako talikuran.

Mabilis ko naman nang tinapos ang trabaho at tumungo sa maid's quarter para kunin ang damit na ipapahiram sa'kin ni Melissa. Ngunit dahil maliit itong tao habang ako'y may katangkaran ay nag-fit sa'kin ang dress na ibinigay n'ya.

"Gosh! Gayan yung itsura no'ng model sa online shop nang bilhin ko 'yang damit noon. Pero nang ako na nagsuot para akong labandera." Hindi nito napigilang ngumuso sa'kin.

Namumula ang dalawang pisngi nang sipatin ko ng tingin ang dress na suot. Isa iyong halter dress na may uka pa ng bahagya sa bandang dibdib. Kulay gray 'yon kaya hindi masyadong angat ang kulay kumapara sa mga pang sosyal na damit. Ngunit hindi ko akalain na babagay 'yon sa'kin.

"Teka may pang curler ako dito ng buhok." 

Mabilis naman siyang nakabalik dala ang plantsa na pangkulot at pinasadahan ang laylayan ng aking buhok. Hindi na rin ako nakatanggi pa ng pahiran niya ng lipstick at blush on ang aking mukha.

"Alam mo, hindi ako naniniwalang ordinaryo ka lang na tao. Dahul mukha kang diyosa ngayon!" Pumalakpak pa ito na tila napapantastikuhan sa nakikita.

"Ano kaba perstym kong mag-ayos ng ganito." Nahihiya kong isinampay ang ilang takas kong buhok sa aking tenga.

"Ang mabuti pa lumakad na tayo bago pa maisipan ni madam na bumaba," aniya na hinila na ang braso ko palabas ng silid.

Patay na ang lahat ng ilaw sa may living roo, tiyak na umakyat na si Kendric upang magpahinga. Si Aling Betty ay maaga rin pumasok sa kaniyang silid upang magpahinga.

Dahil day off ngayon ni Poncho ay malakas ang loob niyang mag-aya lumabas. Iyon nga lang ay sa susunod na linggo pa ang aking day off kaya hindi ako sigurado kung tama ba itong gagawin namin.

"Huwag kang maingay, kapag nalaman ni madam na umalis tayo tiyak, papalayasin tayo no'n," bulong sa'kin ni Melissa.

Tila nahintatakutan naman ako sa kaniyang sinabi. Kakaumpisa ko pa lang trabaho tapos ay ito, gumagawa na ako ng kalokohan.

Bumitiw ako mula sa kaniyang pagkakahawak kaya't natigilan ito.

"K-Kayo na lang siguro muna, sa susunod na lang ako sasama, baka sa day off ko na lang," mahina kong sambit bago na umatras.

"Ikaw ang bahala, paano mauun na kami." Kumaway pa si Melissa sa'kin habang hila-hila siya sa kamay ni Poncho palabas sa isang maiit na gate pang tao.

Naiwan naman akong natutulala at puno ng kaba habang nakatayo at nakatanaw sa nilabasan nilang gate. Kumurap ako nang malasap ang malamig na dami ng hangin sa aking balat.

Marahil dapat na akong pumasok. Sibukan ko nang humakbang patungo sa may likod bahay. Nasa may bandang swimming pool malapit ang aking silid kaya't mas maigi na doon na lang ako dumaan upang hindi na makagawa pa ng ingay sa salas kung sakali.

Ngunit nabinbin ang mga paa ko nang gumawi ang tingin ko sa bulto ng lalaking nakaupo sa may isang lounge doon habang kaharap ang isang bote ng alak. Hawak nito sa kaniyang kanang kamay ang isang rock glass.

My heart skipped its beat as I watched him drink the rock glass gently. I swallowed hard when I heard the clicking of the ice on the glass. Kasabay nito ang basa niyang mga labi na tila isang boltahe ang hatid sa aking inosenteng puso.

Huli na upang makapagtago dahil sumulyap na ito sa banda ko. Halos humataw naman sa kaba ang puso ko  dahil baka isipin niyang naglalakwatsa ako ng dis-oras ng gabi gayong bago lamang ako.

Hinigit ko ang paghinga nang pasadahan niya ng tingin ang suot ko gamit ang madilim at seryoso niyang mga mata.

"Ah, nagkakamali ho kayo. H-hindi ho ako maglalakwatsa!" Sunod-sunod ang naging pag-iling ko.  

Halos mapalundag ako nang ilapag niya sa lamesitang salamin ang hawak na baso kaya't nakagawa ito ng ingay sa pagitan namin.

"Maaga pa ang trabaho mo bukas, bakit gising ka pa?"

Lumunok ako nang tuluyan nang nabaling sa'kin ang kaniyang buong atensyon.

"P-patulog na ho, sana ako," wika ko sa kanya at inumpisahan nang humakbang habang nakayuko ang ulo.

"Your name is Chantal, right?" aniya nang mapadaan ako sa likuran niya kung saan ito nakaharap sa may oval shape pool.

"Y-yes ho, senyorito Kendric?"

"Maupo ka, samahan mo akong uminom," aniya na ngayon ay sinasalinan ng alak ang kaniyang baso.

"Ho?" Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya.

Imbes na sumagot ay itinaas niya sa akin ang hawak niyang baso ng alak.

"H-hindi ho ako umiinom, sir." Sunod-sunod kong iling.

"Then join me here, maupo ka." utos niya sa mas malalim pang tinig.

Nagdadalawang isip man ay sinunod ko ang gusto n'ya. Hindi kasi maiwasang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Yoona tungkol sa asawa. Huwag na huwag ko raw itong lalapitan at kakausapin.

Pero paano ko naman tatanggihan ang utos niya ngayon kung isa rin siya sa aking mga amo?

Pinuno ko muna ng hangin ang aking dibdib bago tumalima. Dahan-dahan akong naupo sa isang silya na salungat sa kanya matapos ay pinagsalikop ko ang aking dalawang kamay sa ibabaw ng aking mga hita.

Ilang minuto ring katahimikan ang namagitan sa amin bago ko napansin na sumulyap ito sa'kin.

"I thought you are going to sleep? Bakit ganyan ang suot mo?" 

Tumaas ang tingin ko dito at gano'n na lang namula ang dalawang pisngi ko nang pasadahan n'ya ako ng tingin gamit ang seryoso niyang mga titig. 

My heart skipped on its beat, and my knees trembling down. Mabilis kong binawi ang mga tingin dito na siyang tumutunaw sa aking hiya.

Sanay naman akong tinititigan ng mga kalalakihan sa aming probinsya at isa na roon si Dave na aking kababata. Hindi rin lingid sa'kin ang pagtangi na meron siya sa'kin na siya kong nakasanayan na. Ngunit bakit tila kakaiba ang hatid sa akin ng mga titig na 'yon ni senyorito Kendric? 

 "Inaaya ho sana ako nila Melissa at Poncho, kaso nagbago ang isip ko. Saka isa pa kabago-bago ko ho lang dito baka ho kasi-" Agad na pumasok sa isip ko si Yoona at ang mga sasabihin n'ya kapag nalaman nitong naglawatsa ako.

"Hindi mo pa kabisado ang Maynila, baka kung mapano ka kung aalis ka nang dis oras ng gabi," aniya bago muling nagsalin ng alak sa baso.

Dahan-dahan naman ang naging pagtango ko. Ma smahigpit na rin ang paghahawakan ng aking dalawang kamay sa ibabaw ng aking mga hita.

"Sa akin ka binilin ng Auntie Cecil mo kaya't responsibilidad kita habang andito ka sa pamamahay ko."

Tumaas ang tingin ko sa kanya na ngayon ay sinasaid muli ng inom ang alak sa kaniyang baso. Sa pagkakataon na ito'y nagtagal ang mga titig ko dito. Hindi ko maipaliwanag ang malakas na kabog ng puso habang tahimik nitong sinasaid ang alak sa kaniyang baso.

Kumurap lang ako nang sumulyap ito sa'kin matapos ay umangat ang gilid ng kaniyang mga labi sa'kin.

Mabilis akong tumayo at yumuko. "Ah, mauuna na ho ako sainyo, sir. Have a good night po." 

Hindi ko na hinintay pa na may sabihin ito pagkat malalaki na ang hakbang kong pumasok sa aking silid. Mabilis kong isinara ang pinto at sumandal doon matpos pumikit ng mariin.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit malakas ang kabong ng puso ko at sunod-sunod ang paghinga.

"Ano bang nangyayari saiyo, Chantal?" bu;plong ko sa pagitan ng mga hingal.

Kaugnay na kabanata

  • I Want Your Midnights   Kabanata 4

    Kabanata 4 HotSa ilang araw kong pamamalagi sa bahay ng mga Monteverde ay nasanay na rin ang katawan ko sa trabaho at paglilinis ng bahay.Kung tutuusin ay madali lang naman linisin ang mga silid. I yon nga lang sa dami ng mga silid sa bawat floor ay hindi ko maiwasang abutin minsan ng hapon para lang matapos ko ang lahat.Gaya ngayong araw, alas tres na ng hapon ay hindi pa rin ako nakakatapos sa paglilinis. Nalaman ko kasi na may mga bisitang parating mamayang gabi at isa na doon si Auntie Cecil kasama si Uncle Art at iba pang miyembro ng pamilya Monteverde at Castillo.Kaya kahit pagod na ay pilit kong tinatapos ang trabaho upang nang sa gano'n ay hindi naman mapahiya sa Auntie sa pagpasok niya sa'kin dito."Chantal, hija tapos ka na ba d'yan sa ginagawa mo?"Ilang katok mula kay Aling Betty ang pumukaw sa abala kong utak at kamay. Nasa isa sa mga guest room ako ng bahay at hinahanda ang silid na maaring tulugan ng mga bisita kung sakali."Patapos na ho, Aling Betty!" sagot ko h

    Huling Na-update : 2023-07-21
  • I Want Your Midnights   Kabanata 5

    Kabanata 5ColdHindi pa man ako nahihimbing sa pagtulog ay nakarinig na ako ng tila pagtatalo sa labas ng aking silid. Kusot matang bumangon ako upang silipin ang oras at nakita kong pasado alas tres pa lang ng madaling araw.Gumawi ang tingin ko sa bandang binatana kung saan naroon ang backyard at ang swimming pool. Doon ko narinig ang mga boses na nagtatalo.Pinakiramdaman ko muna ang paligid at hindi ako nagkamali. Boses 'yon ni Yoona na mukhang lasing. Tuluyan na akong tumayo para buksan sana ang pinto nang marinig ko ang boses ni Kendric. "Stop it, hindi makakatulong sa problema natin 'yang paglalasing mo," halos ibulong na lamang niya sa kausap."Tell me how to calm down matapos lumabas ng resulta? Sabihin mo, hun!" I could hear her frustration while crying.Sa tingin ko'y sobrang bigat ng pinagdaraanan nito. Bahagya akong sumilip sa bintana at pansin ko ang dalawa na nasa may silya malapit sa may pool.Nakatayo si Kendric habang sapo ang dalawang pisngi ni Yoona na siyang wal

    Huling Na-update : 2023-07-25
  • I Want Your Midnights   Kabanata 6

    Kabanata 6PainMaaga akong nagising kinabukasan. Mabuti ay hindi naman masyadong namaga ang aking paa. Iyon nga lang ay medyo makirot ang mga sugat na natamo ko sa bubog ng bote.Hindi ko na lang ininda ang bagay na 'yon at tinulungan na magluto ng almusal si Aling Betty. "Oh, bakit nandito ka? Hindi ba day off mo ngayon?" Puna sa'kin ni Aling Betty.Ngumiti ako bilang sagot. "Wala naman ho akong lakad ngayong araw. Siguro tatawagan ko na lang ho ang mang Inay sa probinsya mamaya.""May telepono ka ba?"Napawi bigla ang mga ngiti ko sa labi. "Hayaan mo papahiramin kita ng telepono ko mamaya," aniya sa'kin.Agad naman nagliwanang ang mukha ko at tinuloy na rin ang pagtulong sa kanya.Matapos kong tulungan maghain ng almusal sina Aling Betty at Melissa ay dumiretso na ako sa likod bahay upang linisin ang swimming pool.Tiyak kasi na dito ang tungo ng mga bisita mamaya kapag tapos mag almusal. Hindi naman kasi masyadong mainit sa parteng ito pagkat may naglalakihang puno na tumatabing

    Huling Na-update : 2023-07-25
  • I Want Your Midnights   Kabanata 7

    NumberHindi ako nag atubileng buksan at ayusin ang cell phone na bigay ni Sir Kendrick sa‘kin. Mabilis ko rin ’yon binida kina Melissa at Aling Betty na siyang natuwa sa‘kin.“Sabi ko sa'yo magsipag ka lang at marami benepisyo ang pagtira dito. Basta number 1 rules huwag na huwag babalin ang bilin ni Madam!” wika ni MelissaTumango naman ako dito habang hinahaplos ang aking bagong telepono. Ngayon lang din ako nakagamit ng high tech na cell phone kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na kalikutin ‘yon.Hindi naman bago sa’kin ang bagay na ’yon dahil may mga classmate ako sa school na high tech na ang cell phone. Mabuti na lang din ay agad akong kinonek ni Melissa sa wifi sa mansyon kaya mabilis akong nakapag download ng mga apps. Ngayon ay hindi na ako mahihirapan pang tawagan sila Inay at magkakaroon pa ako ng pagkakataon para ma-explore ang social media.Nakatulugan ko nga ang pagkalikot sa aking telepono at hapon na nang magising. Napabalikwas ako nang bangon dahil oras n

    Huling Na-update : 2024-04-29
  • I Want Your Midnights   Kabanata 8

    Emergency Hanggang pag-uwi ay hindi mawala sa isip ko ang sinabing 'yon ni Melissa. Imposible ang sinsabi Melissa at sa tingin ko'y sadyang wala lang talaga siyang numero nito. Si Poncho at Aling Betty ay malamang meron. Kinabukasan ay nabasa kong muli ang mensahe ni Lisa. Sinabi nitong mag videocall kami para makita ko sina Inay at Itay. Nangunlit na rin kasi si Aia na makita ako kaya sinabi kong pagkatapos ng trabaho ko sila pwede makausap. Sunuksok ko ang cell phone sa aking bulsa bago ako lumabas para simulan ang trabaho ngayon umaga. Naabutan ko na si Aling Betty at Melissa na naghahanda ng almusal. Hindi ko na sila matutulungan pagkat kailangan kong linisan ang mga silid na ginamit ng mga bisita kahapon. Tiyak na hapon na naman ako matatapos nito. Dahil tulog pa ang mag-asawa ay sa katapat na kwarto ako unang naglinis. Hinayaan kong bukas ang pinto para alam nilang may tao doon kung sakali. Inumpisahan kong palitan ang mga kubre kama at mga unan. Nag vacuum na rin ako sa

    Huling Na-update : 2024-04-29
  • I Want Your Midnights   Kabanata 1

    Kabanata 1Bayong"Mag-iingat ka doon anak, at huwag mong kakalimutan kumain sa oras. Saka ang mga bilin ko saiyo na huwag lalabas sa gabi at makikihalubilo sa mga lasing!"Halos mabali ang mga buto ko sa mahigpit na yakap sa'kin ni Inay Dahlia, kung pwede nga lang ay sumama ito sa'kin sa Maynila ay gagawin n'ya ngunit hindi maari.Hindi na kaya ni Inay ang mabibigat na trabaho at hindi rin niya kaya na mawalay pa sa tatlo ko pang kapatid at si Itay na siya nitong katuwang sa maliit naming lupain dito sa Cordova, Cebu.Sa totoo lang ay ayokong umalis dito sa probinsya dahil isa ito sa may pinakamandang probinsya sa Cebu at dinarayo ng mga turista ang isa sa mga sikat na 10,000 roses at ang mga sikat na resort dito sa probinsya.Kung hindi lamang nakiusap sa'kin ang aking tiyahin na tumungo sa Maynila ay hindi ako aalis. Pero dahil na rin sa kakulangan sa pantustos ng pag-aaral ng mga kapatid at ng maintenance ni Itay sa kaniyang highblood ay hindi ako makikipag sapalaran sa Maynila.I

    Huling Na-update : 2023-07-21
  • I Want Your Midnights   Kabanata 2

    Kabanata 2First DayHabang nasa byahe ay hindi ko mapigilang hindi mamangha sa nagtataasang gusali na aming nadaraanan. Meron namang ganito sa Cordova pero ang makakita nang ganito kadaming building ang nagpapa-awang ng aking mga labi.Kahit ramdam ko ang gutom ay tila hindi ko na alintana sa dahil sa makabagong siyudad sa na aking nadaraanan."Are you new here in Manila?"Lumingon ako sa lalaking nasa unahan na siyang abala sa pagda-drive. Tiyak kong sinulyapan n'ya ako mula sa rear view mirror kahit pa may suot itong sunglasses.Dahan-dahan naman akong tumango. "Pasensya na kayo, sir. Ngayon lang ho kasi ako nakarating ng Manila," mahina kong saad."Masasanay ka rin dito."Sumang-ayon ako sa sinabi n'ya. Sa palagay ko naman ay ngayon lang ito nerbyos na nararamdaman ko at masasanay na rin kalaunan."Ilan taon ka na ulit?" muli niyang tanong sa'kin.Mabilis na akong umayos ng upo at sumagot."Twenty two ho, sir." magalang kong sagot.Pansin ko ang pananahimik niya habang pinipihit

    Huling Na-update : 2023-07-21

Pinakabagong kabanata

  • I Want Your Midnights   Kabanata 3

    Kabanata 3 Rock GlassMatapos kong makapagbihis ng uniform ay sinipat ko ang sarili sa salamin. Hindi ako makapaniwala sa nakita.Sa tingin ko nga ay mas bumagay sa akin ang uniporme ko kaysa sa suot kong mahabang palda at blouse. Ngayon ko lang din napansin ang hubog ng aking katawan sa suot.Kung tutuusin ay hindi naman ako petite. Medyo may laman ang katawan ko gawa nang palagi batak sa trabaho sa bukid at nagmimiryenda ng nilagang kamote.Bumaba ang tingin ko sa aking dibdib matapos ay ngumiti. Ngayon ko lang talaga nabisita ang parteng ito pagkat sa suot kong maluwang na blouse palagi. Ngayon ay tila sinukat sa'kin ang damit na ito at bumagay pa ang kulay na baby pink na may kulay puting detalye sa bandang gilid sa aking kulay morenang kutis.Nang makuntento ay bumaba na ako upang tumulong sana sa paghahanda ng pagkain. Narinig ko kasing dumating na ang mag-asawang amo kaya't nagmamadali akong bumaba na."Chantal, ikaw ba 'yan? Aba, bumagay pa saiyo ang uniporme!" bulalas na sam

  • I Want Your Midnights   Kabanata 2

    Kabanata 2First DayHabang nasa byahe ay hindi ko mapigilang hindi mamangha sa nagtataasang gusali na aming nadaraanan. Meron namang ganito sa Cordova pero ang makakita nang ganito kadaming building ang nagpapa-awang ng aking mga labi.Kahit ramdam ko ang gutom ay tila hindi ko na alintana sa dahil sa makabagong siyudad sa na aking nadaraanan."Are you new here in Manila?"Lumingon ako sa lalaking nasa unahan na siyang abala sa pagda-drive. Tiyak kong sinulyapan n'ya ako mula sa rear view mirror kahit pa may suot itong sunglasses.Dahan-dahan naman akong tumango. "Pasensya na kayo, sir. Ngayon lang ho kasi ako nakarating ng Manila," mahina kong saad."Masasanay ka rin dito."Sumang-ayon ako sa sinabi n'ya. Sa palagay ko naman ay ngayon lang ito nerbyos na nararamdaman ko at masasanay na rin kalaunan."Ilan taon ka na ulit?" muli niyang tanong sa'kin.Mabilis na akong umayos ng upo at sumagot."Twenty two ho, sir." magalang kong sagot.Pansin ko ang pananahimik niya habang pinipihit

  • I Want Your Midnights   Kabanata 1

    Kabanata 1Bayong"Mag-iingat ka doon anak, at huwag mong kakalimutan kumain sa oras. Saka ang mga bilin ko saiyo na huwag lalabas sa gabi at makikihalubilo sa mga lasing!"Halos mabali ang mga buto ko sa mahigpit na yakap sa'kin ni Inay Dahlia, kung pwede nga lang ay sumama ito sa'kin sa Maynila ay gagawin n'ya ngunit hindi maari.Hindi na kaya ni Inay ang mabibigat na trabaho at hindi rin niya kaya na mawalay pa sa tatlo ko pang kapatid at si Itay na siya nitong katuwang sa maliit naming lupain dito sa Cordova, Cebu.Sa totoo lang ay ayokong umalis dito sa probinsya dahil isa ito sa may pinakamandang probinsya sa Cebu at dinarayo ng mga turista ang isa sa mga sikat na 10,000 roses at ang mga sikat na resort dito sa probinsya.Kung hindi lamang nakiusap sa'kin ang aking tiyahin na tumungo sa Maynila ay hindi ako aalis. Pero dahil na rin sa kakulangan sa pantustos ng pag-aaral ng mga kapatid at ng maintenance ni Itay sa kaniyang highblood ay hindi ako makikipag sapalaran sa Maynila.I

DMCA.com Protection Status