Share

Kabanata 4

Author: QueenVie
last update Last Updated: 2023-07-21 17:52:01

Kabanata 4

 Hot

Sa ilang araw kong pamamalagi sa bahay ng mga Monteverde ay nasanay na rin ang katawan ko sa trabaho at paglilinis ng bahay.

Kung tutuusin ay madali lang naman linisin ang mga silid. I yon nga lang sa dami ng mga silid sa bawat floor ay hindi ko maiwasang abutin minsan ng hapon para lang matapos ko ang lahat.

Gaya ngayong araw, alas tres na ng hapon ay hindi  pa rin ako nakakatapos sa paglilinis. Nalaman ko kasi na may mga bisitang parating mamayang gabi at isa na doon si Auntie Cecil kasama si Uncle Art at iba pang miyembro ng pamilya Monteverde at Castillo.

Kaya kahit pagod na ay pilit kong tinatapos ang trabaho upang nang sa gano'n ay hindi naman mapahiya sa Auntie sa pagpasok niya sa'kin dito.

"Chantal, hija tapos ka na ba d'yan sa ginagawa mo?"

Ilang katok mula kay Aling Betty ang pumukaw sa abala kong utak at kamay. Nasa isa sa mga guest room ako ng bahay at hinahanda ang silid na maaring tulugan ng mga bisita kung sakali.

"Patapos na ho, Aling Betty!" sagot ko habang pinapag-pag ang kobre kama.

"Pumarine ka na sa kusina kapag tapos mo d'yan at kailangan ko ng tiga hiwa. Nagdagdag ng putahe si madam!"

"Sige ho susunod na ako," sagot ko matapos tumayo mula sa pagkakayuko.

Ngumiti ako nang makita ang magandang resulta ng ginawa. Parang bigla ay gusto kong mahiga sa malambot na kamang iyon matapos ng maghabang trabaho. Lumabas na rin ako at dumiretso sa may kusina upang tulungan si Aling Betty sa pahluluto.

Halos lumuwa ang mga mata ko sa pagkain na nakahanda sa lamesa. May malalaking lobster at king crab akong nakita sa malaking bandehado at ilang sugpo pa na niluto sa tingin ko'y butter. Halos maglaway ako pagkat paborito ko ang hipon at sugpo at madalas ay ito ang ginagawa kong luto kapag maraming huli sina Dave sa probinsya.

Isa pang umagaw ng pansin ko ay ang turkey na nasa isa pang bandehado  na tila nilitson na sinamahan ng iba' ibang klaseng gulay na side dish.

"Ano pang tinatanga mo d'yan, halika dito at hiwain mo 'yang mga patatas at isasahog ko dito sa nilaga!" Pukaw sa'kin ni Aling Betty.

Mabilis naman  akong tumalima at mabilis na naghiwa. Pumasok si Melissa sa kusina upang isa-isa nang dalhin sa may living area ang nalutong pagkain ni Aling Betty.

"Kayo ho ba lahat ang nagluto nito?" mangha kong tanong.

"Syempre, magaling yata si Aling Betty kapag dating sa mga de kalidad na lutuin. Graduate yata 'yan ng culinary!"

Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang tinuran. "Talaga ho ba?"

Namilog na ang aking mga mata habang pinagmamasdan kung paano tumaas ang noo nito sa tinuran ni Melissa.

"Hindi mo ba alam?" Tuluyan nang lumapit sa'kin si Melissa.

"Na ano?"

Bubuka na sana ang mga labi ni Melissa nang bigla itong putulin ni Aling Betty. 

"Tama na 'yang tsimisan at parating na ang mga bisita!" 

Tinuloy ko na ang ginagawa at hindi na muling nagsalita pa. Baka mamaya kasi pare-pareho kaming malintikan kay  senyorita Yoona nito.

Mabuti ay nakaluto na kami bago magsidating ang ang bisita ng mag-asawa. Pansin kong apat na kotse ang pumarada sa tapat ng bahay at isa na doon ang kotse ng mag-asawa at nina Aunti Cecil at ang asawa nitong si Uncle Art.

Mabilis naman akong tumalima at tahimik na sumunod lang kay Aling Betty at sa mga utos na sasabihin n'ya kung sakali.

Binati nito ang mga bagong dating at laking gulat ko nang makipag-beso at yakap pa ang ilan sa mga ito kay Aling Betty.

Gayon din si Auntie Cecil sa ginang.

"Chantal ikaw na ba 'yan?"

Ngumiti ako nang bahagya nang harapin ni Auntie Cecil. Hahakbang na sana ako upang yakapin ito nang bigla ay umatras ito at gumawi naman sa asawang si Uncle Art na kanina pa kausap si senyorito Kendric. 

Dahan-dahan naman akong umatras at yumuko. Bigla ay tila nakaramdam ako ng hiya sa inakto ko at lihim na sumulyap kay Kendric. He looked at me over his shoulder with his dark feature. Pansin ko rin na umigting ang panga n'ya bago tumalikod sa amin.

"Psst, ano pang tinatanga mo jan? Halika ka na sa loob at tulungan mo akong dalhin ang iba pang ulam," bulong sa'kin ni Melissa.

Agad naman akong tumalima at sumunod dito sa loob ng kusina.

"Tita mo ba talaga 'yon? Parang hindi ka kilala kung ituring." 

Bahagya akong ngumiti sa tinurang iyon ni Melissa. Ang totoo ay wala naman kaso sa'kin ang bagay na 'yon. Una ay magkaiba na kami ng katayuan sa buhay. Ako ay hamak na kasambahay lamang habang siya ay isang business woman at nakapanagasawa pa ng multi millionaire.

"Gano'n lang talaga 'yon, saka hindi naman talaga ako close sa kanya, para dalawang beses ko pa lamang siyang nakakadaupang palad mula nang umuwi siya sa aming probinsya," wika ko.

"Kahit na, akala mo naman kung sino, para pinulot lang naman siya sa ate ng kalabaw. Kung hindi ko pa alam na nangatulong lang din siya noon." Tila gigil na gigil na bigkas ni Melissa sa'kin.

Sinawalang kibo ko na lamang ang kaniyang sinabi. Hanggat maari ay ayokong magbigay pa ng opinyon tungkol doon, pagkat utang ko sa kanyakung bakit ako napunta dito sa Maynila.

Bumalik ako sa dining area na baon ang maluwang na ngiti habang bitbit ko ang pitcher ng juice habang si Melissa ay ang tray naman ng mga baso.

Marahan kong sinalnan ang kanilang mga baso habang abala sa pakikipagkwentuhan.

"Kailan n'yo naman balak bumalik sa mansyon? Aba matagal na kayong hinihintay ng Don?" Marahan kong sinulyapan ang ginang na nagsalita katabi ni Kendric na siyang ngumiti sa katabi.

"Baka hindi na muna, marami pa kaming inaasikaso ni Rick sa mga business namin. Saka nakausap naman na n'ya si lolo at pumayag na mamalagi muna kami dito."

"Paano naman kayo niyan makakabuo kung puro trabaho ang inaatupag n'yo?  Aba'y ilan taon na rinn kayong kasal" wika ng babae na siyang nasa tabi ng isang may edad na lalaki.

Pansin kong malaki ang pagkakahawig ng may edad na lalaki kay Kendric. Maging sa tikas at tindig ay kuhang kuha ni Kendric.

"Dalawang taon pa lang po, mom," sagot ni Yoona.

"Kaya nga mas mabuting magpahinga ka muna sa trabaho para naman matutukan mo ang pagpapamilya,"  anang isang babae na katabi mismo ni Yoona.

"Mommy naman, alam mong kakabukas ko lang ng bagong clothing line." Tila nagmamatul nitong sinabi sa ina.

Sinulyapan ko ang sinasabi niyang Ina. Sa totoo lang ay malayong malayo ang itsura nito sa kanya ngunit hindi ko na 'yon binigyan ng pansin pa.

"H-hindi naman po kami nagmamadali." Si Kendric na ang nagsalita kaya't wala nang iba pa ang nagbukas ng ganoong topic sa lamesa.

Pansin ko rin na kanina pa hindi maipinta ni Kendrick ang mukha mula nang dumating ang mga bisita kaya dahan-dahan na rin akong humakbang palabas ng komedor upang bumalik sa kusina at baka ako naman ang pagdiskitahan n'ya.

"Naku, hindi bago ang topic na 'yan sa tuwing bibisita dito ang pamiya ni senyorita Yoona. Gustong gusto na kasi nilang mabuntis si senyorita. Alam mo na, hinahanbol nila ang mamanahanin ni senyorito Kendrick. Hay naku, ang mayayaman talaga." Umiikot ang mata ni Melissa habag sinasabi ang bagay na 'yon.

"Itigil mo nga 'yang tsismisan, mamaya may makarinig sa inyo at pare-pareho tayong malilintikan." Suway sa amin ni Aling Betty.

Agad na naman kaming naghiwalay ni Melissa at nagkanya-kanya na ng gawa. Sa tingin ko'y hindi naman na kami tatawagin ng mga 'yon kung sakali kaya't nagtungo na lang ako sa likod bahay upang simulan nang linisin ang pool.

Sa palagay ko kasi ay dito sila didiretso mamaya kapag tapos kumain upang magpahangin kaya't kahit gabi na ay nilinis ko parin ang swimming pool at nang matapos ay pinunasan ko naman ang ilang benches at lamesa na malapit doon.

Binuksan ko na rin ang ilang ilaw upang makita ang ganda ng lugar kahit na sa gabi. Isang maluwang na ngiti naman ang sumilay sa aking mga labi ng makarinig ako ng mga boses na na parating at mga nagtatawanan.

Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at mabilis na kumaripas ng takbo papasok sa aking silid. Abot-abot ang kaba ko nang maisarado ko ang pintuan habang mariin ang pagkakasandal sa likod ng pinto.

Bahagya lamang akong sumilip sa may bintana upang sinuhin ang mga naroon at napansin ko nga doon sina senyorita Yoona at ang mga magulang nito. Ngunit hindi ko napansin na kasama nila sina Auntie Cecil, ang asawa nito at si Kedric.

Kaya pinasya ko nang lumabas ng aking silid upang tulungan si Melissa sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila.

Pansin kong tila seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito sa may living area na siyang kausap si Aling Betty. Gustuhin ko man lumapit upang kamustahin si Auntie Cecil ay hindi ko magawa dahil na rin sa pinakita n'ya sa'kin kanina ay nahiya na akong lapitan siya.

Tinuloy ko na lamang ang ginagawa at nang matapos ay dumiretso na sa kusina upang ibigay kay Melissa ang mga hugasin. Doon naman pumasok si Aling Betty.

Pinanood ko itong gumawa ng kape habang seryoso ang mukha. 

Agad ko naman itong nilapitan upang tulungan sana. "Aling Betty tulungan ko na ho kayo, ako na ang magdadala n'yan sa mga bisita." Presinta ko.

"Ako na dito, dalhan mo na lamang sina senyorita ng yelo sa may bungalow at mga baso," anya sa'kin.

Agad naman akong tumalima at hinanap ang ice bucket na siya kong nakita sa isang cabinet, matapos ay humila na ako ng ilang rock glass sa may drawer at nag marcha na palabas ng likod bahay kasunod ni Aling Betty.

 Namataan ko sa may bungalow sina Kendric na kasama ang kaniyang Ama, si Uncle Art, at ang kaniyang byenan. Habang nasa may isang bilog na lamesa malapit sa may pool area naman nakapwesto sina senyorita Yoona, kasama ang kaniyang mommy, Auntie Cecil at maging ang mommy ni Kendric.

"Kung may kailangan pa ho kayo, tawagin n'yo lang ako," wika ko sa mahinang tinig habang dahan-dahan nilalapag ang mga dala sa lamesa.

"Ikaw naba si Chantal, ang anak nina Dahlia at Maurice?" bati sa'kin ni Uncle Art na siyang may maluwang na ngiti sa mga labi.

"Oho, uncle," I answered timidly.

"Hindi na ako magtataka kung bakit mo nagustuhan si Cecil, aba ang gaganda naman kasi ng  lahi," wika naman ng Ama ni Kendric.

Doon na ako tinamaang ng hiya,  paano'y halos lahat sila ay nakatingala sa'kin. Todo iwas naman ang mata ko sa gawi ni Kendric na siyang tila kanina pa madilim ang tinging pinupukol sa'kin.

"Mabuti naman at napapayag ka ng Auntie mo na pumarine sa Maynila?"

"Kailangan ko ho kasing pag-aralin ang mga kapatid kong naiwan sa probinsya at maging ang maintenance na gamot ni Itay."

"Balita koplano mo rin ituloy dito ang pag-aaral mo?"

Muli akong tumango dito. "Kapag ho nakaipon na ako ay dito ko na lang itutuloy ang pag-aaral, uncle."

"Kung gano'n ay pagbutihin mo. Kung sakaing kailanganin mo ng tulong ay huwag kang mahihiyang tawagin kamiii ng auntie mo," aniya.

Bubuka pa sana ang mga labi ko upang magsalita nang marinig ko ang boses ni Auntie Cecil mula sa aking likuran.

"Ngayon nandito na siya sa Maynila, sigurado naman ay hindi na ako mamaya't mayain ng nanay mo upang hingan ng pambili ng gamot ng tatay mo, aba hindi ba n'ya naisip na hindi namin pinupulot dito ang pera!"

Yumuko ako matapos 'yon marinig. Bakit kailangan pa niyang sabihin 'yon sa harap ng ibang tao at ipamukha sa amin na panay lang kami hingi.

"Pasensya na ho kayo, auntie. Hayaan n'yo dudoblihin ko ang sipag para ho hindi na kami maging pambigat pa sa inyo.

"Aba'y tama lang! Dahil hindi ko kayo kargo habang buhay!"

"Cecil, huwag mo naman pagalitan ang bata," ani Uncle Art.

Doon ko na narinig na tumikhim si Kendric. Malakas din niyang ibinaba ang baso ng alak sa lamesa bago ituon ang buong pansin sa'kin.

"Kung sa mga maliliit na bagay lang ay kaya ko nang akuin ang mga expenses ng kaniyang tatay para pambili ng gamot. May health insurance din akong ibibigay sa kaniya kung sakaling siya naman ang mangailangan,"  aniya na hindi pinuputol ang mga titig sa'kin.

Umawang naman ang mga labi ko sa narinig. Wala ito sa pinag-usapan namin na pwede kong matanggap kasama ng buwanan kong sweldo. Kung tutuusuin ay malaking bagay na ang pagtulong n'ya sa maintenance ng gamot ni Itay.

"S-salamat ho," hindi ko na napigilan pang sabihin habang pulang pula ang mukha.

"Tutal ay saiyo naman nagta-trabaho itong pamangkin ko, kaya hindi na ako aalma sa gusto mo," ani auntie dito matapos ay sa'kin naman bumaling. "Kaya pagbutihin mo ang trabaho mo dito at huwag tatamad-tamad. Huwag mo akong ipapahiya, naiintindihan mo ako?" Tumaas pa ang kilay nito sa'kin.

Lumunok ako matapos ay sunod-sunod na tumango sa kanya. Nakuha ko na rin na magpaalam sa kanila at baka lalo lamang akong gisahin ni auntie doon.

 Mabuti ay wala nang iba pang inutos ang mga ito kaya't bumalik na ako sa kusina upang tulungan sana si Melissa sa paghuhugas ng pinggan ngunit pansin kong tapos na ito at malinis na ang lahat doon. 

Pumihit ako upang lumabas ng kusina at tumungo sana sa aking silid nang makasalubong ko si Kendric.

"Sir! M-may kailangan ho ba kayo?" Halos mautal ako sa sobrang gulat.

Kendric looked at me for about a second before he nod. "I need more ice and a chips," aniya na humakbang na papasok sa loob ng kusina.

Wala sa loob na umatras ako dala ng malakas na pintig ng puso. Huli na upang pigilan pa ang sumunod na nangyari nang mapatid ako sa isa sa mga paa ng silya na naroon.

Lalong hindi ko inaasahan ang ginawa ni Kendric nang hapitin niya ang balakang ko upang pigilan sa pagbagsak sa sahig.

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paghapit niya sa aking balakang palapit dito. Habang ang mga kamay ko'y kusang lumapat sa kaniyang malalapad na dibdib.

My lovely lips drop in awe and my heart thumping hard as I watched how close he is to me. Pakiramdam ko ay namula ng husto ang aking dalawang pisngi. Lumunok ako ngunit tila tuyong tuyo ang aking lalamunan.

Kendric looked at me with his dark stonily eyes. Until he slowly roams my face...

"Are you alright?" he asked in a lower voice enough for me to smell his hot fresh breath.

Nanlalaki ang matang tumango ako ng paulit-ulit. Doon ko lang naramdaman na binitiwan n'ya ako kaya mabilis akong umayos ng tayo.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya." Puno ng hiya akong lumayo ako at yumuko.

"Tinatanong ko kung ayos ka lang ba?" 

Tumingala ako dito at sinalubong ang kaniyang madilim na tingin. Bakit ba parang laging may mali sa sinasabi ko sa tuwing tinitingnan n'ya ako ng ganito? Wala sa loob na tumango ako.

"Good, can you give me more ice?" aniya habang nanatili ang distansya na meron kami.

"Sige ho, isusunod ko sa labas," halos ibulong ko na lang sa hangin ang mga binitiwan kong kataga.

Paano'y pakiramdam ko ay babagsak akong muli  dahil sa malakas na pintig ng puso.

 "Ako na ang magdadala doon, pwede ka ang magpahinga,"  aniya matapos lumayo sa'kin.

Mabilis ko naman hinanda ang kailangan niya at inilapag iyon sa may lamesa.

Kanina pa ito wala sa may kusina ay hindi pa rin ako makahuma. Malakas pa rin ang tibok ng aking puso at hondipa rin normal ang ang aking paghinga. 

Walang lakas na naupo sa gilid ng aking kama matapos kong makabalik sa aking silid. Hindi ko maintidihan ang sarili kung bakit gano'n ang naging reaksyon ko kanina.

Hindi ko napigilang takpan ng  unan ang aking mukha. Pakiramdam ko kasi ay pulang pula na naman ang aking dalawang pisngi sa hiya. Ngunit mablis din akong bumangon at sunod-sunod na umiling.

Muli kong binagsak ang katawan sa kama at pumikit ng mariin. "Hindi ito pwede, Chantal," usal ko sa sarili. May asawa na si Kendric at ngayon pa lang ay dapat mabuting iwasan ko na siya habang maaga pa...

Related chapters

  • I Want Your Midnights   Kabanata 5

    Kabanata 5ColdHindi pa man ako nahihimbing sa pagtulog ay nakarinig na ako ng tila pagtatalo sa labas ng aking silid. Kusot matang bumangon ako upang silipin ang oras at nakita kong pasado alas tres pa lang ng madaling araw.Gumawi ang tingin ko sa bandang binatana kung saan naroon ang backyard at ang swimming pool. Doon ko narinig ang mga boses na nagtatalo.Pinakiramdaman ko muna ang paligid at hindi ako nagkamali. Boses 'yon ni Yoona na mukhang lasing. Tuluyan na akong tumayo para buksan sana ang pinto nang marinig ko ang boses ni Kendric. "Stop it, hindi makakatulong sa problema natin 'yang paglalasing mo," halos ibulong na lamang niya sa kausap."Tell me how to calm down matapos lumabas ng resulta? Sabihin mo, hun!" I could hear her frustration while crying.Sa tingin ko'y sobrang bigat ng pinagdaraanan nito. Bahagya akong sumilip sa bintana at pansin ko ang dalawa na nasa may silya malapit sa may pool.Nakatayo si Kendric habang sapo ang dalawang pisngi ni Yoona na siyang wal

    Last Updated : 2023-07-25
  • I Want Your Midnights   Kabanata 6

    Kabanata 6PainMaaga akong nagising kinabukasan. Mabuti ay hindi naman masyadong namaga ang aking paa. Iyon nga lang ay medyo makirot ang mga sugat na natamo ko sa bubog ng bote.Hindi ko na lang ininda ang bagay na 'yon at tinulungan na magluto ng almusal si Aling Betty. "Oh, bakit nandito ka? Hindi ba day off mo ngayon?" Puna sa'kin ni Aling Betty.Ngumiti ako bilang sagot. "Wala naman ho akong lakad ngayong araw. Siguro tatawagan ko na lang ho ang mang Inay sa probinsya mamaya.""May telepono ka ba?"Napawi bigla ang mga ngiti ko sa labi. "Hayaan mo papahiramin kita ng telepono ko mamaya," aniya sa'kin.Agad naman nagliwanang ang mukha ko at tinuloy na rin ang pagtulong sa kanya.Matapos kong tulungan maghain ng almusal sina Aling Betty at Melissa ay dumiretso na ako sa likod bahay upang linisin ang swimming pool.Tiyak kasi na dito ang tungo ng mga bisita mamaya kapag tapos mag almusal. Hindi naman kasi masyadong mainit sa parteng ito pagkat may naglalakihang puno na tumatabing

    Last Updated : 2023-07-25
  • I Want Your Midnights   Kabanata 7

    NumberHindi ako nag atubileng buksan at ayusin ang cell phone na bigay ni Sir Kendrick sa‘kin. Mabilis ko rin ’yon binida kina Melissa at Aling Betty na siyang natuwa sa‘kin.“Sabi ko sa'yo magsipag ka lang at marami benepisyo ang pagtira dito. Basta number 1 rules huwag na huwag babalin ang bilin ni Madam!” wika ni MelissaTumango naman ako dito habang hinahaplos ang aking bagong telepono. Ngayon lang din ako nakagamit ng high tech na cell phone kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na kalikutin ‘yon.Hindi naman bago sa’kin ang bagay na ’yon dahil may mga classmate ako sa school na high tech na ang cell phone. Mabuti na lang din ay agad akong kinonek ni Melissa sa wifi sa mansyon kaya mabilis akong nakapag download ng mga apps. Ngayon ay hindi na ako mahihirapan pang tawagan sila Inay at magkakaroon pa ako ng pagkakataon para ma-explore ang social media.Nakatulugan ko nga ang pagkalikot sa aking telepono at hapon na nang magising. Napabalikwas ako nang bangon dahil oras n

    Last Updated : 2024-04-29
  • I Want Your Midnights   Kabanata 8

    Emergency Hanggang pag-uwi ay hindi mawala sa isip ko ang sinabing 'yon ni Melissa. Imposible ang sinsabi Melissa at sa tingin ko'y sadyang wala lang talaga siyang numero nito. Si Poncho at Aling Betty ay malamang meron. Kinabukasan ay nabasa kong muli ang mensahe ni Lisa. Sinabi nitong mag videocall kami para makita ko sina Inay at Itay. Nangunlit na rin kasi si Aia na makita ako kaya sinabi kong pagkatapos ng trabaho ko sila pwede makausap. Sunuksok ko ang cell phone sa aking bulsa bago ako lumabas para simulan ang trabaho ngayon umaga. Naabutan ko na si Aling Betty at Melissa na naghahanda ng almusal. Hindi ko na sila matutulungan pagkat kailangan kong linisan ang mga silid na ginamit ng mga bisita kahapon. Tiyak na hapon na naman ako matatapos nito. Dahil tulog pa ang mag-asawa ay sa katapat na kwarto ako unang naglinis. Hinayaan kong bukas ang pinto para alam nilang may tao doon kung sakali. Inumpisahan kong palitan ang mga kubre kama at mga unan. Nag vacuum na rin ako sa

    Last Updated : 2024-04-29
  • I Want Your Midnights   Kabanata 1

    Kabanata 1Bayong"Mag-iingat ka doon anak, at huwag mong kakalimutan kumain sa oras. Saka ang mga bilin ko saiyo na huwag lalabas sa gabi at makikihalubilo sa mga lasing!"Halos mabali ang mga buto ko sa mahigpit na yakap sa'kin ni Inay Dahlia, kung pwede nga lang ay sumama ito sa'kin sa Maynila ay gagawin n'ya ngunit hindi maari.Hindi na kaya ni Inay ang mabibigat na trabaho at hindi rin niya kaya na mawalay pa sa tatlo ko pang kapatid at si Itay na siya nitong katuwang sa maliit naming lupain dito sa Cordova, Cebu.Sa totoo lang ay ayokong umalis dito sa probinsya dahil isa ito sa may pinakamandang probinsya sa Cebu at dinarayo ng mga turista ang isa sa mga sikat na 10,000 roses at ang mga sikat na resort dito sa probinsya.Kung hindi lamang nakiusap sa'kin ang aking tiyahin na tumungo sa Maynila ay hindi ako aalis. Pero dahil na rin sa kakulangan sa pantustos ng pag-aaral ng mga kapatid at ng maintenance ni Itay sa kaniyang highblood ay hindi ako makikipag sapalaran sa Maynila.I

    Last Updated : 2023-07-21
  • I Want Your Midnights   Kabanata 2

    Kabanata 2First DayHabang nasa byahe ay hindi ko mapigilang hindi mamangha sa nagtataasang gusali na aming nadaraanan. Meron namang ganito sa Cordova pero ang makakita nang ganito kadaming building ang nagpapa-awang ng aking mga labi.Kahit ramdam ko ang gutom ay tila hindi ko na alintana sa dahil sa makabagong siyudad sa na aking nadaraanan."Are you new here in Manila?"Lumingon ako sa lalaking nasa unahan na siyang abala sa pagda-drive. Tiyak kong sinulyapan n'ya ako mula sa rear view mirror kahit pa may suot itong sunglasses.Dahan-dahan naman akong tumango. "Pasensya na kayo, sir. Ngayon lang ho kasi ako nakarating ng Manila," mahina kong saad."Masasanay ka rin dito."Sumang-ayon ako sa sinabi n'ya. Sa palagay ko naman ay ngayon lang ito nerbyos na nararamdaman ko at masasanay na rin kalaunan."Ilan taon ka na ulit?" muli niyang tanong sa'kin.Mabilis na akong umayos ng upo at sumagot."Twenty two ho, sir." magalang kong sagot.Pansin ko ang pananahimik niya habang pinipihit

    Last Updated : 2023-07-21
  • I Want Your Midnights   Kabanata 3

    Kabanata 3 Rock GlassMatapos kong makapagbihis ng uniform ay sinipat ko ang sarili sa salamin. Hindi ako makapaniwala sa nakita.Sa tingin ko nga ay mas bumagay sa akin ang uniporme ko kaysa sa suot kong mahabang palda at blouse. Ngayon ko lang din napansin ang hubog ng aking katawan sa suot.Kung tutuusin ay hindi naman ako petite. Medyo may laman ang katawan ko gawa nang palagi batak sa trabaho sa bukid at nagmimiryenda ng nilagang kamote.Bumaba ang tingin ko sa aking dibdib matapos ay ngumiti. Ngayon ko lang talaga nabisita ang parteng ito pagkat sa suot kong maluwang na blouse palagi. Ngayon ay tila sinukat sa'kin ang damit na ito at bumagay pa ang kulay na baby pink na may kulay puting detalye sa bandang gilid sa aking kulay morenang kutis.Nang makuntento ay bumaba na ako upang tumulong sana sa paghahanda ng pagkain. Narinig ko kasing dumating na ang mag-asawang amo kaya't nagmamadali akong bumaba na."Chantal, ikaw ba 'yan? Aba, bumagay pa saiyo ang uniporme!" bulalas na sam

    Last Updated : 2023-07-21

Latest chapter

  • I Want Your Midnights   Kabanata 4

    Kabanata 4 HotSa ilang araw kong pamamalagi sa bahay ng mga Monteverde ay nasanay na rin ang katawan ko sa trabaho at paglilinis ng bahay.Kung tutuusin ay madali lang naman linisin ang mga silid. I yon nga lang sa dami ng mga silid sa bawat floor ay hindi ko maiwasang abutin minsan ng hapon para lang matapos ko ang lahat.Gaya ngayong araw, alas tres na ng hapon ay hindi pa rin ako nakakatapos sa paglilinis. Nalaman ko kasi na may mga bisitang parating mamayang gabi at isa na doon si Auntie Cecil kasama si Uncle Art at iba pang miyembro ng pamilya Monteverde at Castillo.Kaya kahit pagod na ay pilit kong tinatapos ang trabaho upang nang sa gano'n ay hindi naman mapahiya sa Auntie sa pagpasok niya sa'kin dito."Chantal, hija tapos ka na ba d'yan sa ginagawa mo?"Ilang katok mula kay Aling Betty ang pumukaw sa abala kong utak at kamay. Nasa isa sa mga guest room ako ng bahay at hinahanda ang silid na maaring tulugan ng mga bisita kung sakali."Patapos na ho, Aling Betty!" sagot ko h

  • I Want Your Midnights   Kabanata 3

    Kabanata 3 Rock GlassMatapos kong makapagbihis ng uniform ay sinipat ko ang sarili sa salamin. Hindi ako makapaniwala sa nakita.Sa tingin ko nga ay mas bumagay sa akin ang uniporme ko kaysa sa suot kong mahabang palda at blouse. Ngayon ko lang din napansin ang hubog ng aking katawan sa suot.Kung tutuusin ay hindi naman ako petite. Medyo may laman ang katawan ko gawa nang palagi batak sa trabaho sa bukid at nagmimiryenda ng nilagang kamote.Bumaba ang tingin ko sa aking dibdib matapos ay ngumiti. Ngayon ko lang talaga nabisita ang parteng ito pagkat sa suot kong maluwang na blouse palagi. Ngayon ay tila sinukat sa'kin ang damit na ito at bumagay pa ang kulay na baby pink na may kulay puting detalye sa bandang gilid sa aking kulay morenang kutis.Nang makuntento ay bumaba na ako upang tumulong sana sa paghahanda ng pagkain. Narinig ko kasing dumating na ang mag-asawang amo kaya't nagmamadali akong bumaba na."Chantal, ikaw ba 'yan? Aba, bumagay pa saiyo ang uniporme!" bulalas na sam

  • I Want Your Midnights   Kabanata 2

    Kabanata 2First DayHabang nasa byahe ay hindi ko mapigilang hindi mamangha sa nagtataasang gusali na aming nadaraanan. Meron namang ganito sa Cordova pero ang makakita nang ganito kadaming building ang nagpapa-awang ng aking mga labi.Kahit ramdam ko ang gutom ay tila hindi ko na alintana sa dahil sa makabagong siyudad sa na aking nadaraanan."Are you new here in Manila?"Lumingon ako sa lalaking nasa unahan na siyang abala sa pagda-drive. Tiyak kong sinulyapan n'ya ako mula sa rear view mirror kahit pa may suot itong sunglasses.Dahan-dahan naman akong tumango. "Pasensya na kayo, sir. Ngayon lang ho kasi ako nakarating ng Manila," mahina kong saad."Masasanay ka rin dito."Sumang-ayon ako sa sinabi n'ya. Sa palagay ko naman ay ngayon lang ito nerbyos na nararamdaman ko at masasanay na rin kalaunan."Ilan taon ka na ulit?" muli niyang tanong sa'kin.Mabilis na akong umayos ng upo at sumagot."Twenty two ho, sir." magalang kong sagot.Pansin ko ang pananahimik niya habang pinipihit

  • I Want Your Midnights   Kabanata 1

    Kabanata 1Bayong"Mag-iingat ka doon anak, at huwag mong kakalimutan kumain sa oras. Saka ang mga bilin ko saiyo na huwag lalabas sa gabi at makikihalubilo sa mga lasing!"Halos mabali ang mga buto ko sa mahigpit na yakap sa'kin ni Inay Dahlia, kung pwede nga lang ay sumama ito sa'kin sa Maynila ay gagawin n'ya ngunit hindi maari.Hindi na kaya ni Inay ang mabibigat na trabaho at hindi rin niya kaya na mawalay pa sa tatlo ko pang kapatid at si Itay na siya nitong katuwang sa maliit naming lupain dito sa Cordova, Cebu.Sa totoo lang ay ayokong umalis dito sa probinsya dahil isa ito sa may pinakamandang probinsya sa Cebu at dinarayo ng mga turista ang isa sa mga sikat na 10,000 roses at ang mga sikat na resort dito sa probinsya.Kung hindi lamang nakiusap sa'kin ang aking tiyahin na tumungo sa Maynila ay hindi ako aalis. Pero dahil na rin sa kakulangan sa pantustos ng pag-aaral ng mga kapatid at ng maintenance ni Itay sa kaniyang highblood ay hindi ako makikipag sapalaran sa Maynila.I

DMCA.com Protection Status