The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

last updateLast Updated : 2024-08-14
By:  Jeadaya_Kiya18  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
112Chapters
3.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

[COMPLETED] Dalawang hindi magkakilalang tao ang nagkaisa nang dahil sa kasal na magulang lang ang siyang may kagustuhan. Isang arogante na lalaki, at naging sunod-sunuran na babae. Isang nagngangalang Aurora ang tiniis ang lahat sa kamay ng napangasawa na si Lucas nang dahil sa pagmamahal sa kaniyang mga magulang. Isang walang kaalam-alam na Aurora na pinakasalan ang isang lalaki habang hindi lingid sa kaalaman na ito ay isang kilala bilang isang makapangyarihang mafia sa bansa. Isang misteryoso at napaka-pribadong Lucas na walang ibang ginawa kung hindi ang manakit ng kaniyang asawa at isipin si Iris na kaniyang minahal simula pa noong una. Ngunit nang dahil sa kinabangga na isa pang makapangyarihan na grupo ng isang mafia at nadamay ang kaniyang asawa, posible nga ba na sa unang pagkakataon ay maging maayos ang pakikitungo niya kay Aurora? Posible kaya na sa unang pagkakataon ay maiparamdam niya kung ano ang tunay na kahulugan ng isang asawa o hahayaan na lamang ito sa mga kamay ng halang din ang kaluluwa?

View More

Latest chapter

Free Preview

PROLOGUE

Napatayo ako nang makita ang pagpasok ni Lucas sa pinto. Gabing-gabi na.Tiningnan niya ako nang tulungan ko siya na tanggalin ang kaniyang coat na suot-suot. Lumukot ang ilong ko matapos masinghot ang amoy ng alak."Kumain ka na ba?" tanong ko. "Hinihintay kita para sabay na tayo kumain," dagdag ko nang hindi man lang siya mag-abala na balingan ako.Pinalobo ko ang pisngi at saka kinagat ang ibabang labi. "Niluto ko 'yung paborito mo na ulam. Alam ko kasi na pagod ka—""Can you shut the fuck your mouth?" galit na baling niya sa akin.Napalunok ako at yumuko na lang. Nang makita ang hinubad niya na sapatos ay pinulot ko iyon at tinabi na lang sa shoe rack.Sanay na ako na ganito siya. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw niya pero ang hinding-hindi ko maiintindihan ay kung bakit hindi pa rin niya ako kayang itrato kahit bilang isang tao na lang at hindi na asawa niya.Kuminang ang aking mga mata nang dumiretso siya sa kusina. Naghain ako sa pag-aakala na kakain siya dahil naroon siy

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Mairisian
Recommended 🫶
2024-09-10 01:22:57
2
user avatar
Michelle Cervantes
Nakakaawa si Aurora, hindi niya deserve ang katulad ni Lucas
2024-08-19 12:21:49
5
user avatar
Kei Zee
Must read! Sobrang ganda ng book na 'to. Katatapos ko lang basahin english version nito. Walang tapon!
2024-08-17 14:51:10
3
112 Chapters

PROLOGUE

Napatayo ako nang makita ang pagpasok ni Lucas sa pinto. Gabing-gabi na.Tiningnan niya ako nang tulungan ko siya na tanggalin ang kaniyang coat na suot-suot. Lumukot ang ilong ko matapos masinghot ang amoy ng alak."Kumain ka na ba?" tanong ko. "Hinihintay kita para sabay na tayo kumain," dagdag ko nang hindi man lang siya mag-abala na balingan ako.Pinalobo ko ang pisngi at saka kinagat ang ibabang labi. "Niluto ko 'yung paborito mo na ulam. Alam ko kasi na pagod ka—""Can you shut the fuck your mouth?" galit na baling niya sa akin.Napalunok ako at yumuko na lang. Nang makita ang hinubad niya na sapatos ay pinulot ko iyon at tinabi na lang sa shoe rack.Sanay na ako na ganito siya. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw niya pero ang hinding-hindi ko maiintindihan ay kung bakit hindi pa rin niya ako kayang itrato kahit bilang isang tao na lang at hindi na asawa niya.Kuminang ang aking mga mata nang dumiretso siya sa kusina. Naghain ako sa pag-aakala na kakain siya dahil naroon siy
Read more

TMUW 1: Broken Glass

"Ay sorry," paghingi ko ng paumanhin sa aking sarili nang matapunan ang sariling kamay ng mainit na kape.Napapasinghap na hinugasan ko iyon ng tubig galing sa gripo. Sobrang aga pa para sa kamalasan."Tanga," dinig ko na tinig mula sa likuran ko."Mas tanga ka," balik ko at pinatay na ang faucet.Hindi ko nga alam kung bakit nandito 'to sa bahay ngayon. Putok na ang araw pero nandito pa rin siya. Nang-aasar siya na sinilip ang aking kamay at saka tumawa. "Nakakatawa 'yon?" sarkastikong tanong ko. "Boring siguro lagi ang buhay mo pati maliliit na bagay tinatawanan mo," pagpaparinig ko."You are getting more bolder with you words. Where did you learn that?" tanong niya."Baka sa'yo," sagot ko."Masakit?" tanong niya. Nakikiusyoso pa rin sa paso ko. Namumula iyon dahil sobrang init ng tubig.Tinalukuran ko siya roon. "Mas masakit pa rin 'yung mga pasa na nakukuha ko sa'yo, 'wag kang mag-alala," sabi ko."Why are you like that? Nagtatanong ako ng maayos!" Napairap na lang ako at lala
Read more

TMUW 2: Iris

"My," bati ko sa kaniya nang makita siya rito sa kusina.Nagulat siya at hindi inaasahan ang pagdating ko. Gayunpaman ay binigyan ako ng isang malaking ngiti. "Himala ang pagbisita mo ngayon," aniya."Weekend po e. Nakakatamad din sa bahay, wala akong magawa kaya dito muna ako," sabi ko kahit na hindi pa naman ako umuuwi sa bahay mula pa nang umalis ako roon kahapon. "Where's Lucas? Hindi mo ba siya kasama?" tanong niya. Umiling ako. "Busy po siya," sagot ko. "I see... Napaka-busy talaga niyan ng asawa mo," puna niya. "Si Daddy po?" tanong ko na lang upang ilihis na ang usapan doon. Mabigyan lang ako ng isang kahit isang oras na makalimutan ang lalaki na iyon. "Nasa itaas. May online meeting.""Si Daddy talaga hindi na nagbago pati weekends ginagawang weekdays," sabi ko. "Hindi ka na nasanay," natatawang sambit ni Mommy. Nang pinatay na niya ang stove ay tumulong na akong magsandok ng pagkain. "Pakain po ako ha," natatawang sabi ko. Tumawa siya. "Mas hindi ako papayag kung hin
Read more

TMUW 3: Annulment

Maaga ako na umalis sa bahay. Hindi pa nga pumuputok ang araw ay umalis na ako. Ayaw ko man na pumasok ngayong araw ay wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang umalis at lisanin ang bahay. Hindi ko alam kung ano na naman ang magagawa sa akin noong lalaking iyon. Hindi malabo na saktan niya ako muli nang dahil sa nangyari kagabi.Tiningnan ko ang Trion Building sa harapan ko at saka humikab. Wala pa akong tulog, tangina.Kinuha ko ang cell phone ko at kinalikot iyon upang i-message si Noah. Hindi na muna ako papasok.Niliko ko ang sasakyan upang tahakin ang daan patungo sa condo ko. Doon na lang muna ako magpapalipas at matutulog. Ano ba naman na buhay ang mayroon ako. Sinuwerte nga sa buhay na kinagisnan at mga magulang, sobra naman ang malas sa napakasalan na lalaki. Hindi naman ako pumili sa lalaki na 'yon! Nagising na lang ako at ipakakasal na. Ano raw kaya 'yon. Tiwala naman ako sa mga magulang ko na magiging maayos ang ipakakasal nila sa akin kahit papaano ngunit bakit nagi
Read more

TMUW 4: Fever

Lubog na ang araw nang dumating ako sa bahay namin ni Lucas upang kuhanin ang mga gamit na naiwan. Katulad ng nais niya ay kukuhanin ko lahat ng gamit ko rito at walang ititira.Sarado ang mga ilaw kaya ako na ang nagbukas noon. Mabuti nga at pareho kami na may susi ng bahay kaya hindi hassle kapag pareho kaming wala at walang tao rito sa bahay. Pinalobo ko ang mga pisngi ko nang ilibot ang mga mata sa kabuohan ng bahay. Pitong taon din ako rito pero kahit saan na sulok ko tingnan ay wala man lang ako naging masaya na alaala. Puro masasakit na karanasan ang siyang nakikita ko.Tahimik ang bahay at kulang na lang ay makarinig na ako ng kuliglig sa paligid. Ganito naman lagi ang eksena. Napakalaki ng bahay pero parang wala naman nakatira. Sobrang lungkot din.Sa halip na magtagal pa ay pumunta na ako sa silid ko at niligpit na ang aking mga gamit. Ayos na rin 'to. Tama na 'yung pitong taon na paghihirap ko. Maraming lalaki sa mundo at hindi mauubusan ang bawat isa. Choice na lang nati
Read more

TMUW 5: Wound

Sinamantala ko na iuwi na sa condo ko ang ilang mga gamit habang tulog pa si Lucas. Mahimbing ang tulog niya matapos pagpawisan sa kinain na noodles.Babalik din ako kapag tapos ko maligo upang maipaghanda ko naman siya ng pagkain. Baka mamaya ay dalawin siya ni Iris ay p'wede na ako manahimik.Matapos nga rin ay gumayak na ako paalis sa condo. Ang plano na magluto ay hindi na natuloy pa nang madaanan ang restaurant hindi kalayuan sa condo ko.Tanghali nang makarating ako sa bahay namin. Sa halip na puntahan si Lucas sa itaas ay inihanda ko muna ang pagkain.Nag-unat ako at bahagya na humikab. Wala pa akong maayos na tulog matapos noong nagising ako kaninang hating gabi. Inaapoy ng lagnat si Lucas at nakakatakot. Kung mas may malala pa nga kagabi na nangyari sa kaniya ay baka nasa hospital kaming dalawa ngayon.Kumatok pa muna ako sa pinto bago pumasok. Wala siya sa higaan. Marahil ay nasa banyo kaya nagpasiya ako na maghintay na lang sa loob at kalikutin ang cell phone ko ngunit ilan
Read more

TMUW 6: Bullets

Nangangalay ang leeg nang magising ako sa sofa. Napaayos ako ng upo at kinapa ang mukha kung may panis na laway. Nandito pa rin ako sa bahay namin ni Lucas. Kung tutuosin ay p'wede naman na ako umalis na at iwan na siya rito dahil mukhang kaya niya na rin naman. Hindi ko nga rin alam kung bakit nandito pa ako.Nasanay lang yata talaga ako na kapag may nangangailangan ng tulong ko ay handa ako na igugol ang oras ko para roon na animo'y sinasaniban ako ni Mommy.Sa kaniya ko nakuha ang pagiging maasikaso sa mga tao na nasa paligid at hindi kayang iwan iyon hangga't hindi nakikita na maayos pa sa mas maayos ang kalagayan noong tao.Sinagot ko ang tawag ni Noah nang mag-ring ang phone ko."Wala tayong paramdam ah," aniya.Ngumuso ako. "Baka kuwentuhan mo na naman ako tungkol kay Miss Bernadette e," pagbibiro ko. Natawa ako nang manahimik siya. Nagdadamdam na naman iyon panigurado. Tumayo na ako sa sofa. Nais uminom ng tubig dahil sa panunuyo ng lalamunan."Kumusta araw mo?" pagkumusta
Read more

TMUW 7: Decision

Napasigaw ako nang may tumama sa aking sasakyan. Ang pangangatog ko ay hindi nakatulong.Sumiksik ako sa ilalim ng upuan dito sa driver seat upang itago ang aking sarili. Natatakot ako.Walang tigil ang putok na iyon. Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi makagawa ng ingay. Natatakot na baka may makakita sa akin at ako ang puntiryahin.Bakit may ganito? Ano ito?Pigil ang paggawa ng ingay habang umiiyak nang lumipas ang segundo at wala pa rin humpay iyon.Medyo may kalayuan ang bahay namin sa iba pa na bahay na nakatira rito. Ang hindi ko sigurado kung naririnig nila ang mga putok na ito dahil sa sobrang tahimik ng gabi.Niyakap ko ang sarili ko at saka sumiksik pa lalo. Gusto kong humagulgol nang dahil sa takot lalo na nang marinig ang pagtama muli ng sunod-sunod na putok sa aking sasakyan. Napahawak ako sa sasakyan nang unti-unti na bumababa iyon. Mukhang pati mga gulong ko ay hindi nila pinalampas. Napadasal na ako sa lahat ng santo na sana tumigil na iyon. Sobrang natatakot ak
Read more

TMUW 8: Wedding Anniversary

Wala ng nagawa pa si Lucas nang gabing iyon. Nanatili ako sa silid niya ngunit pinalayas din ako sa higaan at saka ako pinahiga sa sofa.Simula noong pag-uusap namin na iyon ay masama na naman ang tingin niya sa akin na para bang bawat minuto ay dapat na akong matakot dahil hindi ako sigurado kung sisikatan pa ba ako ng araw."Umalis ka nga rito kung hindi ka naman tutulong," pagtataboy ko sa kaniya nang mas lalo lang na nagkakalat ang maliliit na bubog dahil sipa siya nang sipa habang nakaupo sa sofa.Inirapan niya ako. "Shut up."Inirapan ko siya pabalik at tinuloy na ang ginagawa. Ang hindi ko maintindihan mula pa kanina ay ayaw niya magtawag ng police para ipaimbestigahan ang nangyari rito sa bahay.Ayaw niya kaya ako ang tumawag kaso kinumpiska naman niya ang cell phone ko kaya sa huli ay naiwan ako na walang imik na naglilinis ng bahay.Sa halip na police ang tawagan ay tumawag siya ng mag-aayos at magpapalit sa mga nabasag na bintana. Inuna ko na alisin ang mga nagkalat na bub
Read more

TMUW 9: Cinema

Iginugol ko ang oras ko sa pagco-crochet sa mga nagdaan na araw. Nabo-boring na rin ako dahil tinatamad din naman ako na lumabas pero ngayon araw ay hindi ko na kinaya pa. Dala ang susi ng sasakyan ay umalis ako roon at tumungo sa pinakamalapit na sinehan. Manunuod na lang ako. Hindi ako pamilyar sa on showing pero kumuha na lang ako ng solo ticket sa movie na alam ko na maganda naman kahit sa paningin ko na lang. Bumili rin ako ng pagkain bago pumasok sa loob. Nandito ako sa itaas sa pinakadulo. Ayaw makigulo roon sa ibaba. Tamang-tama lang din dahil hindi naman sakop na sakop ng mga mata ko ang radiation doon sa ibaba na binibigay ng led. Nasa kalagitnaan nang sumuko na ako. Hindi ko alam na horror movie pala iyon. Wala akong kasama ay medyo kinikilabutan ako. Mabuti sana kung may kasa-kasama ako rito sa dulong seat kaso wala! Ako lang ang nandito. Bumuga ako ng hangin at kinain na lang ang popcorn na hawak-hawak ko. Tatapusin na lang ang panood dahil sayang din naman ang binay
Read more
DMCA.com Protection Status