Share

TMUW 3: Annulment

last update Huling Na-update: 2024-08-09 16:37:11

Maaga ako na umalis sa bahay. Hindi pa nga pumuputok ang araw ay umalis na ako. Ayaw ko man na pumasok ngayong araw ay wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang umalis at lisanin ang bahay.

Hindi ko alam kung ano na naman ang magagawa sa akin noong lalaking iyon. Hindi malabo na saktan niya ako muli nang dahil sa nangyari kagabi.

Tiningnan ko ang Trion Building sa harapan ko at saka humikab. Wala pa akong tulog, tangina.

Kinuha ko ang cell phone ko at kinalikot iyon upang i-message si Noah. Hindi na muna ako papasok.

Niliko ko ang sasakyan upang tahakin ang daan patungo sa condo ko. Doon na lang muna ako magpapalipas at matutulog.

Ano ba naman na buhay ang mayroon ako. Sinuwerte nga sa buhay na kinagisnan at mga magulang, sobra naman ang malas sa napakasalan na lalaki.

Hindi naman ako pumili sa lalaki na 'yon! Nagising na lang ako at ipakakasal na. Ano raw kaya 'yon. Tiwala naman ako sa mga magulang ko na magiging maayos ang ipakakasal nila sa akin kahit papaano ngunit bakit naging sobrang kabaligtaran noon ang iniisip ko?

Hindi man lang binigyan ng hustisya ang dream family na gusto ko. Kung pinilit ko pa sila Daddy noon may chance ba na hindi ako ikasal sa Lucas na iyon?

Saan ka ba naman makakakita ng asawa na dadalhin pa ang kabit sa bahay niyo na mag-asawa. Hindi man lang ako nirespeto at doon pa nag-sex sa bahay. Ano ba ang akala nila sa bahay? Motel?

Sanay naman na ako sa pagkawalang respeto niya sa akin. Ni hindi nga akong tinuring noon kahit bilang isang tao na lang pero syempre kahit sabihin ko na sanay naman na ako ay nasasaktan pa rin.

Hindi ko maiwasan na kuwestiyunin ang sarili ko kung ano ba talaga ang nagawa ko para mangyari ang lahat ng ito sa akin. Kung alam ko na ganito ang pag-aasawa ay malamang sa malamang, umpisa pa lang naiplano ko na ang lahat.

Napapairap na hinila ko ang comforter at ibinalot ang sarili upang matulog na lang.

Lubog na ang araw at nagkikinangan na ang mga bituwin sa labas nang magising ako. Kumulo na rin ang tiyan ko, isang sign na gutom na.

Ikaw ba naman walang umagahan at tanghalian. Lipas na rin ang oras ng gabihin. Aatakehin na naman ako ng ulcer nito.

Nagpa-deliver na lang ako dahil wala naman akong maluluto rito sa condo. Mabuti na lang at masasarap naman talaga ang pagkain nila rito.

Noah:

Ayos ka lang?

Nag-iisang reply niya sa paalam ko na hindi muna ako papasok. Nagdadalawang-isip pa ako kung re-reply-an ko pa ba dahil gabi na rin naman. Nagkibit balikat na lang ako at hinayaan iyon doon.

Itatabi ko na sana iyon sa night table nang may pumasok na naman na message.

Lucas:

Where are you?

Natawa ako habang binabasa iyon. Tapos ano? Maghahanda na siya kung ano na naman na parusa ang ibibigay sa akin.

Lucas:

Don't leave my message on opened.

Pinatay ko ang cell phone ko at lumabas na sa kama. Ilang sandali lang nang dumating na ang aking pagkain. Para akong sobrang ginutom na pakiramdam ko ay hindi pa sapat ang in-order ko na pagkain kahit na halos hindi na ako makahinga matapos kumain.

Kinabukasan ay hindi pa rin ako pumasok. Nanahimik ako sa loob ng condo at bumili pa ng mga yarn para gumawa ng knitted cardigan.

Tinatamad na ako pumasok sa Trion. Pinag-iisipan ko nga kung babalik pa ako o magpapasa na ng resignation letter.

Kinusot ko ang aking mga mata at itinigil na ang pagko-crochet. Wala pa ako sa kalahati noon pero 'yung kamay ko ay ngalay na ngalay na.

Ibinaba ko muna iyon at kinuha ang cellphone. Simula kagabi ay hindi ko pa binubuksan iyon. Low batt na nga iyon kaya pinatay ko na muna.

Katulad ng inaasahan ay wala naman magre-reach out. Message lang ni Noah ang naroroon at isang unregistered number.

Noah:

Hindi ka ulit papasok?

Noah:

Hindi ka raw nagpaalam kay Bernadette.

Noah:

Sa akin na naman binubunton galit.

Noah:

Saan ka? Puntahan kita.

Magre-reply na sana ako nang pumasok muli ang isa pa na mensahe na mula sa kaniya.

Noah:

Pasok ka na bukas?

Sa halip na mag-reply ay tinawagan ko na lang siya.

"Ayon, nagparamdam din," aniya.

"Hindi ako papasok bukas. Kabubukas ko lang din ng phone ko, low batt," sabi ko.

"Nagagalit na naman si Bernadette. Tinatanong bakit hindi ka na naman daw pumasok. Mag-resign ka na lang daw. Init ng dugo sa ating dalawa."

"Sige," sabi ko. Katahimikan ang namayani.

Nagpeke siya ng ubo. "May nangyari ba? Nandiyan ka ba sa bahay niyo? Puntahan kita riyan," aniya.

"Nandito ako sa condo," sagot ko.

"Feeling ko talaga may nangyari na naman na hindi maganda sa inyong dalawa ni Lucas," sambit niya.

"Wala naman," sabi ko.

Ayaw ko na rin na palakihin pa ang gulo. Hindi malabo na makisawsaw pa itong si Noah lalo pa at medyo close sila ni Mommy. Kapag nakuwento niya roon ay pare-pareho kaming mananagot.

"Uuwi rin ako mamaya," pagsisinungaling ko.

"Oh? Puntahan kita riyan sa condo mo?"

Umiling ako na para bang makikita niya iyon. "Hindi na. Maliligo lang ako tapos uwi na rin."

"Sige," sabi niya.

Nagkuwentuhan pa kami pero karamihan naman ay tungkol lang din sa trabaho. Hindi na ako maayos na nakapagpaalam nang tuluyan nang mamatay ang phone ko.

Wala naman akong dala na charger kaya hinayaan ko na lang. Baka bukas o sa isang araw ay aayusin ko na ang resignation letter ko. Pahinga muna siguro ako ngayon.

Dumaan ang mga araw ay wala na akong contact pa sa mga taong nasa paligid ko. Walang cell phone na p'wede nilang ma-reach out.

Walang tawag mula sa parents, kay Noah, at kung kani-kanino pa na ayos na rin. Medyo nagkaroon ako ng payapang buhay kahit papaano.

Tinapos ko lang na gawin ang resignation letter ko at saka ako nagbihis. Alam naman na ni Noah ang tungkol dito. Nasabi ko na pero ang hindi niya alam ay kung kailan baka masurpresa iyon mamaya kapag pumunta na ako sa kumpanya.

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at nang makita na ayos naman na ay bumaba na ako upang tahakin na ang Trion Building. Nakikinita ko na ang nag-uumusok panigurado na ilong at mga tainga ni Ms. Bernadette.

Katulad ng inaasahan ay nagulat si Noah pero hindi rin makaalis sa cubic room niya dahil nasa harapan ko na si Bernadette.

Kinindatan ko lang siya bago tuluyan na pumasok sa opisina ni Miss.

"Ano 'yan? Resignation letter. Ilang araw ka na walang paramdam tapos tatapatan mo kami niyan?" turo niya sa pinadulas ko na naka-sealed envelope.

"Pero ayos na rin. Mas magiging madali para sa akin na sabihin na you are being inactive for the past few days. Enough na reason na 'yon para ma-approve 'to. Ako na ang bahala rito. Asikasuhin mo na ang mga gamit mo sa labas. Sinisigurado ko na ngayong araw ay tanggal ka na kaagad," masungit na aniya.

Tipid lang ako na ngumiti at saka nagpaalam na aalis na rin upang ayusin ang mga gamit ko.

Kulang na lang ay kuyugin na ako ng mga katabi ko sa cubicle habang si Noah ay tahimik sa isang gilid lalo na nang lumabas si Miss Bernadette. Kawawa talaga 'tong lalaki na ito rito.

Mas pinili ko na walang imik na mag-ayos ng mga gamit ko. Ang mga titig nila sa gawi ko at hindi rin nakatakas. Gusto ko pa nga matawa nang mabakas ang kainggitan sa mukha nila. Mga gusto na rin umalis pero walang choice.

Dala ang inipon na gamit ay bumaba na ako. Hindi na nagpaalam pa sa kanila dahil baka maabala ko pa sila sa kanilang mga ginagawa. Kargo konsensiya ko pa kung pagagalitan na naman sila ng sabay-sabay.

Nag-unat ako at ngumiti sa sarili.

"Deserve mo ng break, Aurora. You deserve everything," pagkausap ko sa aking sarili.

Nakagat ko ang ibabang labi nang sumagi sa isip ko si Lucas. Uuwi ako ng bahay at nais lang na kumuha ng iilan na mga damit at gamit sa kuwarto ko para ilipat naman iyon sa condo.

Sa condo muna ako. Maaga yata akong tatanda kung si Lucas ang kasama. Hahayaan ko na lang siya magpasaya at kapag naisipan na niya mag-file ng divorce then mas happy na ang life ko.

Alas dos nang makarating ako sa bahay. Walang pangamba na nararamdaman dahil alam ko na wala si Lucas dito. Wala akong madaratnan na tao lalo na ng mga ganitong oras.

Hindi na ako nag-abala pa na ipasok ang mga gamit na kinuha ko sa opisina bagkus ay nagdire-diretso na ako sa loob. Pinagliligpit ko ang mahahalagang gamit at nang makuha lahat iyon ay bumaba na ako.

Inilibot ko pa ang tingin sa bahay. Sigurado na kasi ako na kung hindi ito ang huli ay ito ang pangalawa sa huling punta ko rito.

Halos mabitawan ko ang hawak na laptop nang makita na nakasandal sa hamba ng pintuan si Lucas.

Tinaasan niya ako ng kaniyang mga kilay. "Uh-uh. So you know how to go home now? I thought you got lost and didn't remember the way back here or got eaten by a monster and suddenly you disappeared after that night," tumatango na aniya. "Scared?" natatawang aniya.

Napairap na lang ako. Bakit nga ba ako matatakot? Na baka saktan niya ako ulit? Hindi pa ba ako sanay roon para matakot pa sa mga susunod niyang gagawin?

Hindi ako kumibo nang lapitann niya ako. Hinila ko ang shoulder bag ko nang animo'y kukuhanin pa iyon sa akin.

"After few days of not coming home, you suddenly show up carrying this... What's inside of it? Your trash things?" pang-iinsulto niya pa.

"Oo, kaya huwag mong hahawakan. Sa oras na hawakan mo 'yan ay basura ka na rin," pagsagot ko.

"Don't you ever talk back at me. I still vividly remembered how you interrupted me and Iris," aniya.

Natawa ako. "Tingnan mo nga naman. Ang Misis pa 'yung pinagalitan matapos makipag-sex sa ibang babae 'yung Mister. Ang galing talaga," sarkastikong sambit ko. "Napakagaling, Mr. Martin."

"Bakit kasi hindi ka na lang mag-file ng divorce?" tanong ko. "Pitong taon na at... magpapakasal naman na rin kayo ni Iris. Wow..." namamangha na sambit ko at tiningnan siya. "Nanalo ang martyr sa laban," pagpapatuloy ko. "Iba pala talaga ang power ng sex. Nadaan sa sex si gaga."

"What did you say?" mariin na aniya.

"Alin? 'yung martyr ka o nakuha mo ulit si Iris nang dahil sa sex?" pag-uulit ko sa huling sinabi.

Nalasahan ko sa aking labi ang napakapamilyar na lasa ng metal, ang dugo. Natawa ako ng bahagya. "Akala ko nga mahal mo si Iris pero bakit mas pinili mo siya na maging kabit?" pagpapatuloy ko.

"Huwag mo akong subukan, Aurora. You know what I am capable of," banta niya.

"Hala!" sambit ko at niyakap ang laptop na hawak-hawak. "Sobrang natatakot ako," sarkastikong sambit ko. Umasta ako na nagmamakaawa sa harapan niya. "Huwag po!" pagmamakaawang sigaw ko.

Napairap ako nang makita ang pamumula ng kaniyang mukha. Nang dahil na rin sa wala siyang suot na pang-itaas ay kitang-kita ko rin ang pamumula ng kaniyang dibdib.

Tinapik ko siya. "Suggestion 'to ng nag-iisa mong asawa. Makinig ka nang mabuti," sabi ko at saka siya sinenyasan na ibaba ng kaunti ang tainga upang maibulong ko.

Gusto ko matawa dahil kahit galit ang mukha niya ay sinunod pa rin niya ang aking kagustuhan. "Mag-file ka na ng divorce. Wala akong pakialam kung babaliktarin mo ang kuwento total ay doon ka naman magaling. Sabihin mo I am an abusive wife who harm you a lot during our seven years. Enough na reason na 'yon para ma-approve then after noon pakasal ka na kay Iris. Mahiya ka sa kaniya at ginagawa mo pa siyang kabit," sabi ko at nakangiti na tiningnan siya bago ako tumalikod.

"Tawagan mo ako kapag may hearing na. Alam ko naman na may number ako sa'yo, nag-message ka pa nga," sabi ko at nilayasan siya roon.

Pinaglalagay ko ang hawak ko sa likod ng sasakyan at maging ang bag na dala-dala.

Pinagkunotan ko siya ng noo nang makita na nakasunod pa rin siya sa akin. Kibitbalikat na sumakay ako sa driver seat ngunit hindi ko na nagawa pa na isarado nang harangin niya iyon.

"Ano na naman?" tanong ko.

"Baka may naiwan ka pa inside your room. Bitbitin mo na lahat. I won't fucking hold your things at ihatid pa kung saan lupalop ka nakatira," aniya. "I mean, it will be a less hassle for the both of us. I can file a divorce as soon as possible."

Napairap ako sa kayabangan. Syempre gagamitin na naman niya ang kaniyang power.

"Babalikan ko 'yon dito at sisiguraduhin na wala ka rito sa bahay. Hindi lang ikaw ang nababanas sa tuwing magkikita tayo," sabi ko.

Inagaw ko na sa kaniya ang pinto pero hindi pa rin niya iyon binitawan. Napaurong ako nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa akin.

"Go and tell your parents that this annulment was your whole decision. I don't owe any explanations from you and from them. You got it, Aurora?"

Kaugnay na kabanata

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 4: Fever

    Lubog na ang araw nang dumating ako sa bahay namin ni Lucas upang kuhanin ang mga gamit na naiwan. Katulad ng nais niya ay kukuhanin ko lahat ng gamit ko rito at walang ititira.Sarado ang mga ilaw kaya ako na ang nagbukas noon. Mabuti nga at pareho kami na may susi ng bahay kaya hindi hassle kapag pareho kaming wala at walang tao rito sa bahay. Pinalobo ko ang mga pisngi ko nang ilibot ang mga mata sa kabuohan ng bahay. Pitong taon din ako rito pero kahit saan na sulok ko tingnan ay wala man lang ako naging masaya na alaala. Puro masasakit na karanasan ang siyang nakikita ko.Tahimik ang bahay at kulang na lang ay makarinig na ako ng kuliglig sa paligid. Ganito naman lagi ang eksena. Napakalaki ng bahay pero parang wala naman nakatira. Sobrang lungkot din.Sa halip na magtagal pa ay pumunta na ako sa silid ko at niligpit na ang aking mga gamit. Ayos na rin 'to. Tama na 'yung pitong taon na paghihirap ko. Maraming lalaki sa mundo at hindi mauubusan ang bawat isa. Choice na lang nati

    Huling Na-update : 2024-08-09
  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 5: Wound

    Sinamantala ko na iuwi na sa condo ko ang ilang mga gamit habang tulog pa si Lucas. Mahimbing ang tulog niya matapos pagpawisan sa kinain na noodles.Babalik din ako kapag tapos ko maligo upang maipaghanda ko naman siya ng pagkain. Baka mamaya ay dalawin siya ni Iris ay p'wede na ako manahimik.Matapos nga rin ay gumayak na ako paalis sa condo. Ang plano na magluto ay hindi na natuloy pa nang madaanan ang restaurant hindi kalayuan sa condo ko.Tanghali nang makarating ako sa bahay namin. Sa halip na puntahan si Lucas sa itaas ay inihanda ko muna ang pagkain.Nag-unat ako at bahagya na humikab. Wala pa akong maayos na tulog matapos noong nagising ako kaninang hating gabi. Inaapoy ng lagnat si Lucas at nakakatakot. Kung mas may malala pa nga kagabi na nangyari sa kaniya ay baka nasa hospital kaming dalawa ngayon.Kumatok pa muna ako sa pinto bago pumasok. Wala siya sa higaan. Marahil ay nasa banyo kaya nagpasiya ako na maghintay na lang sa loob at kalikutin ang cell phone ko ngunit ilan

    Huling Na-update : 2024-08-09
  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 6: Bullets

    Nangangalay ang leeg nang magising ako sa sofa. Napaayos ako ng upo at kinapa ang mukha kung may panis na laway. Nandito pa rin ako sa bahay namin ni Lucas. Kung tutuosin ay p'wede naman na ako umalis na at iwan na siya rito dahil mukhang kaya niya na rin naman. Hindi ko nga rin alam kung bakit nandito pa ako.Nasanay lang yata talaga ako na kapag may nangangailangan ng tulong ko ay handa ako na igugol ang oras ko para roon na animo'y sinasaniban ako ni Mommy.Sa kaniya ko nakuha ang pagiging maasikaso sa mga tao na nasa paligid at hindi kayang iwan iyon hangga't hindi nakikita na maayos pa sa mas maayos ang kalagayan noong tao.Sinagot ko ang tawag ni Noah nang mag-ring ang phone ko."Wala tayong paramdam ah," aniya.Ngumuso ako. "Baka kuwentuhan mo na naman ako tungkol kay Miss Bernadette e," pagbibiro ko. Natawa ako nang manahimik siya. Nagdadamdam na naman iyon panigurado. Tumayo na ako sa sofa. Nais uminom ng tubig dahil sa panunuyo ng lalamunan."Kumusta araw mo?" pagkumusta

    Huling Na-update : 2024-08-09
  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 7: Decision

    Napasigaw ako nang may tumama sa aking sasakyan. Ang pangangatog ko ay hindi nakatulong.Sumiksik ako sa ilalim ng upuan dito sa driver seat upang itago ang aking sarili. Natatakot ako.Walang tigil ang putok na iyon. Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi makagawa ng ingay. Natatakot na baka may makakita sa akin at ako ang puntiryahin.Bakit may ganito? Ano ito?Pigil ang paggawa ng ingay habang umiiyak nang lumipas ang segundo at wala pa rin humpay iyon.Medyo may kalayuan ang bahay namin sa iba pa na bahay na nakatira rito. Ang hindi ko sigurado kung naririnig nila ang mga putok na ito dahil sa sobrang tahimik ng gabi.Niyakap ko ang sarili ko at saka sumiksik pa lalo. Gusto kong humagulgol nang dahil sa takot lalo na nang marinig ang pagtama muli ng sunod-sunod na putok sa aking sasakyan. Napahawak ako sa sasakyan nang unti-unti na bumababa iyon. Mukhang pati mga gulong ko ay hindi nila pinalampas. Napadasal na ako sa lahat ng santo na sana tumigil na iyon. Sobrang natatakot ak

    Huling Na-update : 2024-08-09
  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 8: Wedding Anniversary

    Wala ng nagawa pa si Lucas nang gabing iyon. Nanatili ako sa silid niya ngunit pinalayas din ako sa higaan at saka ako pinahiga sa sofa.Simula noong pag-uusap namin na iyon ay masama na naman ang tingin niya sa akin na para bang bawat minuto ay dapat na akong matakot dahil hindi ako sigurado kung sisikatan pa ba ako ng araw."Umalis ka nga rito kung hindi ka naman tutulong," pagtataboy ko sa kaniya nang mas lalo lang na nagkakalat ang maliliit na bubog dahil sipa siya nang sipa habang nakaupo sa sofa.Inirapan niya ako. "Shut up."Inirapan ko siya pabalik at tinuloy na ang ginagawa. Ang hindi ko maintindihan mula pa kanina ay ayaw niya magtawag ng police para ipaimbestigahan ang nangyari rito sa bahay.Ayaw niya kaya ako ang tumawag kaso kinumpiska naman niya ang cell phone ko kaya sa huli ay naiwan ako na walang imik na naglilinis ng bahay.Sa halip na police ang tawagan ay tumawag siya ng mag-aayos at magpapalit sa mga nabasag na bintana. Inuna ko na alisin ang mga nagkalat na bub

    Huling Na-update : 2024-08-09
  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 9: Cinema

    Iginugol ko ang oras ko sa pagco-crochet sa mga nagdaan na araw. Nabo-boring na rin ako dahil tinatamad din naman ako na lumabas pero ngayon araw ay hindi ko na kinaya pa. Dala ang susi ng sasakyan ay umalis ako roon at tumungo sa pinakamalapit na sinehan. Manunuod na lang ako. Hindi ako pamilyar sa on showing pero kumuha na lang ako ng solo ticket sa movie na alam ko na maganda naman kahit sa paningin ko na lang. Bumili rin ako ng pagkain bago pumasok sa loob. Nandito ako sa itaas sa pinakadulo. Ayaw makigulo roon sa ibaba. Tamang-tama lang din dahil hindi naman sakop na sakop ng mga mata ko ang radiation doon sa ibaba na binibigay ng led. Nasa kalagitnaan nang sumuko na ako. Hindi ko alam na horror movie pala iyon. Wala akong kasama ay medyo kinikilabutan ako. Mabuti sana kung may kasa-kasama ako rito sa dulong seat kaso wala! Ako lang ang nandito. Bumuga ako ng hangin at kinain na lang ang popcorn na hawak-hawak ko. Tatapusin na lang ang panood dahil sayang din naman ang binay

    Huling Na-update : 2024-08-09
  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 10: Sundate

    "Aurora," tawag ni Noah. Marahan pa niya ako na tinapik. "Gising na," sambit ko nang hindi pa rin siya tumigil sa pagtapik sa akin. "Labas ka na riyan. Nagugutom na ako," reklamo niya. Hindi na ako nagpapilit pa nang tumunog na rin ang aking tiyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nauna rin siya na pumasok bago ako. Nice, gentleman. "Malayo pa tayo?" usisa ko. Umiling siya. "Malapit na," aniya. "Saan ba tayo?" tanong ko. Lumabi siya at nagkibitbalikat. Ayaw sabihin kung saan. Hinayaan ko na lang din siya at hindi na tinanong pa. Dumating na rin ang pagkain namin. Pareho yata kami na gutom na gutom dahil wala nang umiimik sa aking dalawa at pareho na lang na subo nang subo, kain nang kain sa mga nakahanda. Tuloy ay nang natapos kaming dalawa ay halos hindi na ako makahinga sa sobrang busog. Pasimple ko na tinanggal ang butones ng aking pantalon upang makahinga naman kahit papaano ang tiyan ko. Tahimik at mga tulala na nakitingin sa kawalan. Iyon kaming dalawa sa kasalukuyan.

    Huling Na-update : 2024-08-09
  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 11: Parking Spot

    Mula nang maihatid ako ni Noah noong gabi na iyon ay hindi na nawala pa sa isipan ko ang nangyari.Sigurado ako sa sarili ko na wala naman ako nakaaway at humantong pa talaga sa ganito na susundan ako.Ang nakakaaway ko lang naman ay si Lucas pero imposible iyon. Hindi naman niya siguro ako papasundan. Pero paano kung oo?Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang kaniyang pangalan. Nais ko sana siya na tawagan ngunit pinigilan ko rin ang sarili ko.Ayaw ko naman na lumabas na pinagbibintangan ko siya. Paano kung hindi naman pala talaga siya ang nagpapasunod?Nagbuga ako ng hangin at naiiling na kinuha ang basket ng crochet kit ko. Ilang araw na rin mula ang insidente na iyon at kahit papaano ay natatakot din ako para sa sarili ko.Hindi pa ako lumalabas. Wala pa naman kasiguraduhan kung ako talaga ang sinusundan ngunit natatakot pa rin ako. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako naka-encounter ng ganoon at si Noah pa ang unang nakaalam. Iwinaksi ko iyon sa aking isipan at nilibang na l

    Huling Na-update : 2024-08-10

Pinakabagong kabanata

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   LAST CHAPTER

    AURORA'S POVI was sore down there. Nang gumising ako ay mahimbing pa rin ang tulog ni Lucas.Nangialam na lang ako sa lagayan niya nga mga damit upang iyon ang isuot at ipantakip sa katawan ko. Nasira ang suot ko mula sa panlabas hanggang sa underwear ko. He was a beast!Kahit na halos hindi na makalakad nang maayos ay wala naman akong pagsisisi na nararamdaman. Ginusto ko iyon at hindi ko ipagkakaila.Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi nagmamakaawa na tumigil na siya. Nakapagpahinga lang ako nang makaidlip pero nagising din na niroromansa na naman niya ang katawan ko.Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig. Naubusan yata ako ng tubig sa katawan dahil sa pianggagawa niya. Pinipigilan pa niya sarili niya kanina pero nang ibaba naman niya ako sa kama niya ay kulang na lang wasakin na ako.Napaubo ako nang maramdaman ang pagpulupot ng braso sa aking baywang at pagsiksik ni Lucas ng kaniyang mukha sa aking leeg."One more?" tanong niya at bahagya pa na hinila ako, dahilan upang

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   VI: LUCAS POV

    "Gusto mo pa?" Nilapit ko sa kaniya ang pasta na hindi ko naman nagalaw.I was busy watching her enjoying the food that I cooked. Nagdadalawang-isip niya iyon na tiningnan."Ayaw mo ba?" tanong niya.Umiling ako. "Hindi ako gutom," sagot ko."Nagsasayang ka ng pagkain. Dapat hindi ka nagluto nang marami," pagbubunganga niya kahit na nakangiti nuyang kinukuha ang plato ko."Hinay-hinay sa wine. You have low alcohol tolerance," paalala ko sa kaniya.Ngumiti lang siya sa akin at binigay ang kaniyang buong atensiyon sa pasta na kinakain."Alam ba ng mapapangasawa mo na ako ang pupuntahan mo rito? Do he even know me? Kung sino ako sa buhay mo?"Matagal siyang napatitig sa akin habang mabagal na ngumunguya. Animo'y nag-iisip."Of course," sagot niya kalaunan."Do I know him?""You do," tumatangong sambit niya."Magpapalit lang muna ako ng damit," paalam ko at iniwan siya roon.How I envy her for being able to moved on and healed her heart that fast while here I am, still stuck on the day wh

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   V: LUCAS POV

    "Ibaba mo ako!" reklamo niya nang buhatin ko siya na para bang isang sako ng bigas."Huwag ka nga malikot!" nagsisimula na rin na mainis na sambit ko.Nang mabuksan ko ang sasakyan ko ay saka ko siya pinasok sa loob. Kulang na lang ay patayin na niya ako sa sama ng kaniyang mga mata."Subukan mo lumabas. Hindi na ako natutuwa sa'yo," seryosong sambit ko."Bakit ba kasi pinipilit mo ako na sumama sa'yo? Sinabi na gusto ko na umuwi—""Ako ang maghahatid sa'yo. Mag-uusap muna tayo.""Wala tayong dapat na pag-usapan, Lucas."Umikot ako papunta sa driver seat."Yes, mayroon. Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka pa pumunta rito? Was it too important at lumipad ka pa patungo kahit na puwede mo naman ako tawagan—"Tumawa siya na naging dahilan upang balingan ko siya. "Tawagan para ano? Para hindi ko makita 'yung girlfriend mo?""She's not my girlfriend," pagtatama ko."Naghalikan kayo tapos ngayon hindi mo siya girlfriend? Tangina, ano? Pati girlfriend mo ipagtatabuyan mo?""That was an

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   IV: LUCAS POV

    I gasped a breath before facing her. Tahimik lang siya sa harapan ko habang nakatingin sa akin. Pinaghalong kaba at takot ang kumain sa sistema ko pero hindi ko iyon ipinahalata."Aurora," banggit ko sa pangalan niya."Lucas," tawag niya sa akin. Kita ang gulat sa kaniyang mga mata na animo'y hindi ako inaasahan na makita sa harapan niya ngayon.Tumagos ang mga mata niya mula sa akin patungo sa likod. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong si Justine ang tinitingnan niya."Naiwan mo 'yung girl friend mo," aniya na ngayon ay hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko."What are you doing here?" tanong ko sa kaniya.After four years, here she is... in front of me. I don't know how to act dahil masiyado akong nagulat sa mga pangyayari at sa hindi pa magandang sitwasyon niya ako nakita. If... If I can just hug her tight, I would.Nalipat ang atensiyon ko sa kaniyang labi nang kagatin niya iyon, bagay na ginagawa niya tuwing pinipigilan niya ang sarili niya na may masabi na kung ano. Hinabol

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   III: LUCAS POV

    Matagal ko na tinitigan ang mukha niya. I was controlling myself to make a move just not to scare her.Iyak siya nang iyak sa harapan ko and God knows kung gaano ko pinigilan ang sarili ko na hatakin siya at kulungin sa bisig ko. Seeing her crying in front of me makes me want to cry my heart too.As much as I don't want to see her crying in front of me, wala akong magawa. Hindi ko siya masisisi dahil alam kong sobrang bigat din ang dinadala niya sa kaniyang puso.Umalis siya ng Pilipinas nang walang kalinawan sa mga nangyari noon. Nagtanim siya ng galit at hanggang ngayon ay tila hindi naman iyon nawala.I am not asking her to forgive me anytime soon now. I just want to apologize for what I did. Alam ko rin na hindi ganoon madali magpatawad.Wala sa plano ko ang magpaalam sa kaniya. It was never on my list to talk to her before I go pero wala akong pagpipilian dahil sadyang mukhang ito ang nakatadhana na mangyari."Goodbye," I love you.Hindi ko na napigilan pa ang mga luha na lumadas

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   II: LUCAS POV

    "Aurora left her kids here. Hindi ko maiwanan," bungad ni Chris nang sagutin niya ang tawag ko."Where did she go?" salubong ang mga kilay na tanong ko.Hindi pa rin siya nadala sa nangyari noon. She still left anywhere our kids."I told you hindi ko maiwanan ang mga bata. I am here in front of Aurora parents house. The kids where playing outside," balita niya."Diyan na ako didiretso," sagot ko at pinatay na ang tawag.Niliko ko ang manibela upang bumalik. Nagpaalam na may pupuntahan si Christian at hindi ko rin naman kayang iwan ang mga anak ko na walang bantay ang mga iyon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanila.This is the only way, I can do for them. To secure their safety. Matagal akong nawala sa tabi, though not literally since there are times that I visited in Seattle even they weren't aware."Thanks," pagpapasalamat ko aky Chris nang magpaalam na siyang aalis na."Superman!" sigaw ng isang pamilyar na boses ng bata na naging dahilan n

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   I: LUCAS POV

    "What are you doing here?" tanong ni Noah.He is in front of me. If eyes could kill baka kanina pa ako nakahilata at pinaglalamayan.May mga pulis lang sa paligid namin and I know how does it feels like. Ang pinagkaiba lang ay nakulong ako dahil sa kagustuhan ni Aurora na makulong ako at itong nasa harapan ko ay dahil sinubukan na pumatay ng isang tao."Did Aurora visited you?" tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot.Nakararating sa akin ang mga nangyayari kay Aurora. Chris was helping me to keep an eye with Aurora. It's not that I want to invade her privacy but I need to. The last time that I decided to stop checking on her, in just a span of fucking second nasa panganib na naman ang buhay niya."Nakalabas na siya ng hospital for your information. It seems your mother didn't tell you nor give any update about Aurora yet," dagdag ko.Napangisi ako nang makita na mukhang naging interesado siya sa pinagsasasabi ko. Awang-awa na ako rito sa kaibigan na ito ni Aurora. Noon pa ay pinap

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 104: Goodbye

    Naiwan ako na nakaupo rito sa labas ng bahay. Ilang oras na ang nakalilipas at hanggang ngayon ay wala pa rin bumabalik na Lucas at mga anak ko.Ilang beses na akong panay ang silip sa mga sasakyan na dumaraan. Umaasa na isa sa mga sasakyan noon ay sakay sina Luna at Liam.Gusto ko na magpahinga pero hindi ko magawa. Hihintayin ko na makabalik sila rito. Hindi ko kakayanin kung maging ang mga anak ko ay mawawala pa sa akin. Sila na lang ang tanging pamilya na mayroon ako.Lucas cannot just stole my kids away and hide it from me. Ako ang mas may karapatan sa aming dalawa sa mga bata pero ano rin ang magagawa ko kung tuluyan na niyang inilayo sa akin ang mga anak ko.Pinunasan ko ang luha na tumulo mula sa aking mga mata. Napapagod na ako umiyak. Kung alam ko na ganito ang mangyayari ay nanatili na lang kami sa loob ng bahay.Kung alam ko lang na ang pag-iwan ko na iyon sa mga anak ko para lang makausap ang ama nila ay kapalit naman ng pagkawalay ko sa mga anak ko ay hindi ko na sana si

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 103: Late

    Kulang na lang ay paliparin ko ang sasakyan ko. Ang problema ko pa ay nang dahil na rin sa rush hour ay nahihirapan akong sumingit-singit.Kanina pa ako binubusinahan ng mga sasakyan na ino-overtake-an ko pero mas nanaig sa akin ang kagustuhan na maabutan si Lucas.Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit may kaba akong nararamadaman. Kasasabi ko lang kanina na ilalayo ko ang mga anak ko sa kaniya pero heto ako at halos ibangga na ang sinasakyan makarating lang sa condo building niya.Bakit hindi niya sinabi sa akin na aalis siya? Kung hindi pa sasabihin sa akin ni Noah ay wala akong kaalam-alam.Pagkatapos ng lahat ay aalis siya? Iiwan niya at ibabaon na lang ang lahat? Gusto na niya magbagong buhay at mamuhay nang mas tahimik?Labas sa ilong ang pagbuga ko ng hangin. Napasabunot na lang din ako sa buhok ko habang nakatingin sa sasakyan na nasa harapan ko. Ang ilang segundo na iyon ay parang ilang minuto na."Damn you, Lucas," inis na bulong ko.Panay ang sulyap ko sa cellphone. Hindi ak

DMCA.com Protection Status