Share

V: LUCAS POV

"Ibaba mo ako!" reklamo niya nang buhatin ko siya na para bang isang sako ng bigas.

"Huwag ka nga malikot!" nagsisimula na rin na mainis na sambit ko.

Nang mabuksan ko ang sasakyan ko ay saka ko siya pinasok sa loob. Kulang na lang ay patayin na niya ako sa sama ng kaniyang mga mata.

"Subukan mo lumabas. Hindi na ako natutuwa sa'yo," seryosong sambit ko.

"Bakit ba kasi pinipilit mo ako na sumama sa'yo? Sinabi na gusto ko na umuwi—"

"Ako ang maghahatid sa'yo. Mag-uusap muna tayo."

"Wala tayong dapat na pag-usapan, Lucas."

Umikot ako papunta sa driver seat.

"Yes, mayroon. Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka pa pumunta rito? Was it too important at lumipad ka pa patungo kahit na puwede mo naman ako tawagan—"

Tumawa siya na naging dahilan upang balingan ko siya. "Tawagan para ano? Para hindi ko makita 'yung girlfriend mo?"

"She's not my girlfriend," pagtatama ko.

"Naghalikan kayo tapos ngayon hindi mo siya girlfriend? Tangina, ano? Pati girlfriend mo ipagtatabuyan mo?"

"That was an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status