Share

The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)
The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)
Author: Jeadaya_Kiya18

PROLOGUE

last update Last Updated: 2024-08-09 16:34:31

Napatayo ako nang makita ang pagpasok ni Lucas sa pinto. Gabing-gabi na.

Tiningnan niya ako nang tulungan ko siya na tanggalin ang kaniyang coat na suot-suot. Lumukot ang ilong ko matapos masinghot ang amoy ng alak.

"Kumain ka na ba?" tanong ko. "Hinihintay kita para sabay na tayo kumain," dagdag ko nang hindi man lang siya mag-abala na balingan ako.

Pinalobo ko ang pisngi at saka kinagat ang ibabang labi. "Niluto ko 'yung paborito mo na ulam. Alam ko kasi na pagod ka—"

"Can you shut the fuck your mouth?" galit na baling niya sa akin.

Napalunok ako at yumuko na lang. Nang makita ang hinubad niya na sapatos ay pinulot ko iyon at tinabi na lang sa shoe rack.

Sanay na ako na ganito siya. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw niya pero ang hinding-hindi ko maiintindihan ay kung bakit hindi pa rin niya ako kayang itrato kahit bilang isang tao na lang at hindi na asawa niya.

Kuminang ang aking mga mata nang dumiretso siya sa kusina. Naghain ako sa pag-aakala na kakain siya dahil naroon siya sa upuan at animo'y naghihintay ngunit matapos ko iyon inihanda ay pinandidirihan lang niya iyon na tiningnan bago ako iniwan dito mag-isa. Halos mabasag pa ang baso nang padarag niya iyon na bitawan sa lamesa.

Napaupo na lang ako at napapasapo sa aking noo. Tiningnan ko ang orasan sa aking relo para lang matawa. Hating gabi na. Tiningnan ko ang pagkain na hinanda ko.

Bukas ay iyan na naman ang kakainin ko panigurado. Wala namang bago. Sumubo na lang ako sa pagkain nang tumunog ang tiyan. Ilang beses na akong inatake ng ulcer pero inuulit-ulit ko pa rin.

Napailing na lang ako sa aking sarili at tinapos na ang pagkain upang makapagpahinga na rin. Maaga pa ako sa trabaho ko bukas.

Ang nais na makapagpahinga agad nang makapasok sa silid ay hindi ko nagawa. Nilipasan na ako ng antok at panigurado na kahit anong pilit ang gagawin ko ay hindi pa rin ako dadalawin ng antok na ito.

Lumabas ako sa veranda at doon umupo. Tumingala ako sa itaas at tiningnan ang nagkikinangan na mga bituwin.

"Ilang taon pa?" pagkausap ko sa aking sarili. "Pitong taon na mula nang ikasal kami pero bakit parang panahon lang naman ang umuusad at nagbabago?"

Hindi ko rin naman ginusto na ikasal sa kaniya. Nagising na lang ako na ikakasal na pala ako. Ilang taon na at hanggang ngayon at iniisip ko pa rin kung bakit hindi siya tumutol sa kasal na ito kung ayaw naman niya talaga. Mas may kapangyarihan siya dahil kung alam ko ang tungkol dito ay tututol din naman ako. Aayaw ako dahil isang beses ko lang naman siya na nakita bago nangyari ang kasalan na ganap sa pagitan namin at ang masama pa ay hindi man lang ako binigyan ng oras para makahalubilo siya at makilala ng husto.

Pinunasan ko ang luha na pumatak sa aking mga mata at saka natawa. "Pero bakit posible na mahulog ang loob mo sa isang tao na hindi ka naman pinakitaan ng kagandahang asal mula pa noon?"

Bumuga ako ng hangin at pumasok na sa loob. Hindi ko alam kung anong oras ako na hinila ng antok dahil tinatamad pa ako na bumangon sa kama nang magising.

Wala pa man ay pakiramdam ko pagod na ako. Wala akong choice kung hindi ang tumayo na at asikasuhin ang sarili kung ayaw ma-late.

Hindi na ako nag-abala pa na tingnan si Lucas dahil alam ko na umalis na rin siya. Sa pitong taon namin na pagsasama ay bilang lang sa daliri ko ang mga umaga na naabutan ko siya rito sa bahay bago ako pumasok sa trabaho.

"Noah!" bati ko sa kaniya nang makarating.

Mula sa paghahalughog sa mga gamit niya ay binalingan niya ako. "Nagkape ka na?" tanong niya. "Tara kape. Sakit ng ulo ko," pagrereklamo na aya niya.

Ibinaba ko lang ang gamit ko at sumama na rin sa kaniya. Hindi na nga ako nakakain pa bago umalis.

"Kung ako lang talaga CEO unang-una kong ipatatanggal si Miss Bernadette. Kung makapagbigay ng trabaho akala mo ang laki ng sama ng loob sa akin," aniya. Nahihinuha na ang dahilan ng pagsakit ng kaniyang ulo.

Napalabi ako. "Kaso hindi ikaw ang CEO," sagot ko.

Ngumuso lang siya at nagpatuloy na lang sa pagra-rant. Tuloy ay hanggang sa makabili at makabalik sa opisina ay hindi na siya natigil.

Pansin naman naming lahat 'yon pero walang matapang na empleyedo ang pinag-uusapan iyon dahil unang-una ay baka ibaling pa sa amin ang galit noon.

"Gusto mo ba hatid na kita?" tanong niya nang makababa na kami.

Umiling ako. "Magta-taxi na lang ako. Umuwi ka na. Gabi na rin," sabi ko.

Hindi na siya nagpumilit pa at nagmaneho na rin paalis. Naiwan ako rito sa tapat ng Trion Building. Walang gana na umuwi at bumalik pa sa impyernong bahay.

Sanay naman ako pero tao rin ako. Napapagod. Kahit sino siguro na papalit sa puwesto ko ay mas gusto na lang mamatay o magpakalayo-layo.

Sa huli ay sumakay na lang din ako upang umuwi na. Wala pa rin sindi ang ilaw nang makarating ako tanda na ni isa nga sa amin ay wala pang umuuwi.

Pinalobo ko ang pisngi ko at inasikaso lang ang sarili bago bumaba. Ininit ko lang din ang niluto ko na kare-kare kagabi upang ang ulamin iyon. Sayang naman kung hindi mauubos. Mahal din bili ko sa mga ingredients noon lalo pa hindi rin naman nagbibigay si Lucas.

Kasalukuyan ako na kumakain nang pumasok dito sa kusina si Lucas. Napatigil pa ako ng bahagya sa pagnguya nang dumaan siya sa likuran ko.

Dinig ko ang pagbukas ng ref sa likod ko at ang pagtunog ng baso. Hindi na ako nag-abala pa na tanungin kung kumain na siya. Mukha naman na kumain na siya.

Tiningnan ko ang cell phone niya na inilapag niya sa lamesa. Susubo na sana ako nang tumunog iyon at bumukas ang screen. Kinagat ko ang ibabang labi nang makita ang pagmumukha ni Iris doon.

Martyr.

Gusto kong matawa nang agad iyon na kinuha ni Lucas.

"Kare-kare again?" tanong niya matapos ilapag muli sa lamesa ang cell phone.

Tumaas ang sulok ng labi ko at bahagyang napairap. "Obvious ba?" tanong ko rin pabalik. Nakikita na kasi itatanong pa.

"Thankfully, tapos na ako mag-dinner. I won't gonna eat that fucking leftover," aniya.

Bumuga ako ng hangin. "Oo nga e," pagsang-ayon ko sa kaniya. "Mas maganda 'yon para hindi rin ako magastusan sa pagkain at mapagod kaluluto para lang ipakain sa katulad mo," dagdag ko.

Naiinis na sinubo ko ang huling isang kutsara na kanin na nasa pinggan ko at dumiretso na sa lababo upang hugasan iyon.

"Hugasan mo 'yan," utos ko nang ilagay niya sa tabi ng hinuhugasan ko ang baso na pinag-inuman niya.

Natawa siya ng bahagya. "Come on, it's your job as a wife," aniya.

Natatawa ko siya na balingan. "Oh," tumatangong sambit ko. "Kino-consider mo rin pala ako as your wife? Nakakatawa sobra."

Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Sumasagot ka na rin ngayon," puna niya at tinuro ang aking bunganga dahilan upang tapikin ko iyon palayo. Medyo napalakas dahil lumipad iyon pagilid.

"Bakit? Ikaw lang ba may karapatan na sumagot sa ating dalawa?" tanong ko. "Ilang taon na akong nagtitimpi sa'yo at huwag mong isipin na hinding-hindi ako gaganti. Sino ka ba para apihin ako? Pareho lang tayong tao. Pareho lang tayong gagapangin ng mga uod sa ilalim ng lupa kapag namatay tayo," sambit ko.

Lumabi siya. "How sure are you? Ipapa-metal ko ang coffin ko," aniya.

"Billionaire ka nga pala e, 'no? Nakalimutan ko na. Akalain mo na napakarami mong pera, napakayaman sa pera pero sa kaibigan kaya?" tanong ko.

Satisfied ako sa nakita ko na pikon na pikon na mukha niya. "Siyempre wala ka noon. Napakapangit kasi ng buhay mo. Napaka-boring at kapag may lumalapit sa'yo ay tinatapatan mo agad ng pera. Napakaarogante at walang pagmamahal sa kapuwa kaya ka siguro iniwan ni Iris noon at hindi na binalikan pa rit—"

Hindi ko na nagawa pa na ituloy ang sinasabi ko nang makatanggap ng isang napakalakas na sampal mula sa kaniya. Tumagilid ang ulo ko dahil sa lakas noon. Nalasahan ko rin ang metal sa gilid ng aking labi tanda na nagkasugat iyon at dumugo pa.

"Don't you fucking dare to drag Iris name here. Who are you? As far as I know you're parents are just a fucking desperate have my power and you are just a woman who happened to be as desperate as her parents to marry me. How desperate your family are."

"Ano?" natatawang tanong ko. "Para lang din sabihin ko sa'yo magpapakamatay muna bago magpakasal sa'yo. Napakakapal ng mukha natin ah. Saan ka nagpagawa niyan? Papagawa rin ako," balik ko. "Ay hindi na pala. Ayaw ko maging arogante na katulad mo."

"Pamilya ko desperado? Baka nakalilimutan mo kung sino ang mas desperado sa atin." Sinamaan ko siya ng tingin nang muli niya sana akong pagbubuhatan ng kamay niya.

"Isa pang lapat ng kamay mo," nangigigil na banta ko sa kaniya.

Tumawa siya at saka lumabi. "What are you going to do, then?" tanong niya. Umaakto na para bang natatakot. "Oh, I am scared," sarkastikong aniya at tinakpan ang sarili.

"Nakakatakot na rin ang mga tinutulugan ngayon," tumatangong aniya at tinuro ako. "Nakikita mo sarili mo? Pamilya mo na nga ang tinulungan ko ganito ka pa kung umasta sa harapan ko."

"Pinagsasabi mo riyan?" tanong ko at bahagyang natawa. "Kahit kailan hindi namin kailangan ng tulong ng ibang tao lalo na ng katulad mo. Papabaon na lang ako sa hukay bago humingi ng tulong sa katulad mo—"

"Should I tell my people to dig a coffin size at the backyard then?" pagpuputol niya sa akin.

Pakiramdam ko ay pulang-pula na ako. Matunog ang kaniyang ngisi na tinalikuran ako. "Just let me now," aniya bago tuluyan na umalis bitbit ang coat na dala-dala niya kanina papasok dito.

Related chapters

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 1: Broken Glass

    "Ay sorry," paghingi ko ng paumanhin sa aking sarili nang matapunan ang sariling kamay ng mainit na kape.Napapasinghap na hinugasan ko iyon ng tubig galing sa gripo. Sobrang aga pa para sa kamalasan."Tanga," dinig ko na tinig mula sa likuran ko."Mas tanga ka," balik ko at pinatay na ang faucet.Hindi ko nga alam kung bakit nandito 'to sa bahay ngayon. Putok na ang araw pero nandito pa rin siya. Nang-aasar siya na sinilip ang aking kamay at saka tumawa. "Nakakatawa 'yon?" sarkastikong tanong ko. "Boring siguro lagi ang buhay mo pati maliliit na bagay tinatawanan mo," pagpaparinig ko."You are getting more bolder with you words. Where did you learn that?" tanong niya."Baka sa'yo," sagot ko."Masakit?" tanong niya. Nakikiusyoso pa rin sa paso ko. Namumula iyon dahil sobrang init ng tubig.Tinalukuran ko siya roon. "Mas masakit pa rin 'yung mga pasa na nakukuha ko sa'yo, 'wag kang mag-alala," sabi ko."Why are you like that? Nagtatanong ako ng maayos!" Napairap na lang ako at lala

    Last Updated : 2024-08-09
  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 2: Iris

    "My," bati ko sa kaniya nang makita siya rito sa kusina.Nagulat siya at hindi inaasahan ang pagdating ko. Gayunpaman ay binigyan ako ng isang malaking ngiti. "Himala ang pagbisita mo ngayon," aniya."Weekend po e. Nakakatamad din sa bahay, wala akong magawa kaya dito muna ako," sabi ko kahit na hindi pa naman ako umuuwi sa bahay mula pa nang umalis ako roon kahapon. "Where's Lucas? Hindi mo ba siya kasama?" tanong niya. Umiling ako. "Busy po siya," sagot ko. "I see... Napaka-busy talaga niyan ng asawa mo," puna niya. "Si Daddy po?" tanong ko na lang upang ilihis na ang usapan doon. Mabigyan lang ako ng isang kahit isang oras na makalimutan ang lalaki na iyon. "Nasa itaas. May online meeting.""Si Daddy talaga hindi na nagbago pati weekends ginagawang weekdays," sabi ko. "Hindi ka na nasanay," natatawang sambit ni Mommy. Nang pinatay na niya ang stove ay tumulong na akong magsandok ng pagkain. "Pakain po ako ha," natatawang sabi ko. Tumawa siya. "Mas hindi ako papayag kung hin

    Last Updated : 2024-08-09
  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 3: Annulment

    Maaga ako na umalis sa bahay. Hindi pa nga pumuputok ang araw ay umalis na ako. Ayaw ko man na pumasok ngayong araw ay wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang umalis at lisanin ang bahay. Hindi ko alam kung ano na naman ang magagawa sa akin noong lalaking iyon. Hindi malabo na saktan niya ako muli nang dahil sa nangyari kagabi.Tiningnan ko ang Trion Building sa harapan ko at saka humikab. Wala pa akong tulog, tangina.Kinuha ko ang cell phone ko at kinalikot iyon upang i-message si Noah. Hindi na muna ako papasok.Niliko ko ang sasakyan upang tahakin ang daan patungo sa condo ko. Doon na lang muna ako magpapalipas at matutulog. Ano ba naman na buhay ang mayroon ako. Sinuwerte nga sa buhay na kinagisnan at mga magulang, sobra naman ang malas sa napakasalan na lalaki. Hindi naman ako pumili sa lalaki na 'yon! Nagising na lang ako at ipakakasal na. Ano raw kaya 'yon. Tiwala naman ako sa mga magulang ko na magiging maayos ang ipakakasal nila sa akin kahit papaano ngunit bakit nagi

    Last Updated : 2024-08-09
  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 4: Fever

    Lubog na ang araw nang dumating ako sa bahay namin ni Lucas upang kuhanin ang mga gamit na naiwan. Katulad ng nais niya ay kukuhanin ko lahat ng gamit ko rito at walang ititira.Sarado ang mga ilaw kaya ako na ang nagbukas noon. Mabuti nga at pareho kami na may susi ng bahay kaya hindi hassle kapag pareho kaming wala at walang tao rito sa bahay. Pinalobo ko ang mga pisngi ko nang ilibot ang mga mata sa kabuohan ng bahay. Pitong taon din ako rito pero kahit saan na sulok ko tingnan ay wala man lang ako naging masaya na alaala. Puro masasakit na karanasan ang siyang nakikita ko.Tahimik ang bahay at kulang na lang ay makarinig na ako ng kuliglig sa paligid. Ganito naman lagi ang eksena. Napakalaki ng bahay pero parang wala naman nakatira. Sobrang lungkot din.Sa halip na magtagal pa ay pumunta na ako sa silid ko at niligpit na ang aking mga gamit. Ayos na rin 'to. Tama na 'yung pitong taon na paghihirap ko. Maraming lalaki sa mundo at hindi mauubusan ang bawat isa. Choice na lang nati

    Last Updated : 2024-08-09
  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 5: Wound

    Sinamantala ko na iuwi na sa condo ko ang ilang mga gamit habang tulog pa si Lucas. Mahimbing ang tulog niya matapos pagpawisan sa kinain na noodles.Babalik din ako kapag tapos ko maligo upang maipaghanda ko naman siya ng pagkain. Baka mamaya ay dalawin siya ni Iris ay p'wede na ako manahimik.Matapos nga rin ay gumayak na ako paalis sa condo. Ang plano na magluto ay hindi na natuloy pa nang madaanan ang restaurant hindi kalayuan sa condo ko.Tanghali nang makarating ako sa bahay namin. Sa halip na puntahan si Lucas sa itaas ay inihanda ko muna ang pagkain.Nag-unat ako at bahagya na humikab. Wala pa akong maayos na tulog matapos noong nagising ako kaninang hating gabi. Inaapoy ng lagnat si Lucas at nakakatakot. Kung mas may malala pa nga kagabi na nangyari sa kaniya ay baka nasa hospital kaming dalawa ngayon.Kumatok pa muna ako sa pinto bago pumasok. Wala siya sa higaan. Marahil ay nasa banyo kaya nagpasiya ako na maghintay na lang sa loob at kalikutin ang cell phone ko ngunit ilan

    Last Updated : 2024-08-09
  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 6: Bullets

    Nangangalay ang leeg nang magising ako sa sofa. Napaayos ako ng upo at kinapa ang mukha kung may panis na laway. Nandito pa rin ako sa bahay namin ni Lucas. Kung tutuosin ay p'wede naman na ako umalis na at iwan na siya rito dahil mukhang kaya niya na rin naman. Hindi ko nga rin alam kung bakit nandito pa ako.Nasanay lang yata talaga ako na kapag may nangangailangan ng tulong ko ay handa ako na igugol ang oras ko para roon na animo'y sinasaniban ako ni Mommy.Sa kaniya ko nakuha ang pagiging maasikaso sa mga tao na nasa paligid at hindi kayang iwan iyon hangga't hindi nakikita na maayos pa sa mas maayos ang kalagayan noong tao.Sinagot ko ang tawag ni Noah nang mag-ring ang phone ko."Wala tayong paramdam ah," aniya.Ngumuso ako. "Baka kuwentuhan mo na naman ako tungkol kay Miss Bernadette e," pagbibiro ko. Natawa ako nang manahimik siya. Nagdadamdam na naman iyon panigurado. Tumayo na ako sa sofa. Nais uminom ng tubig dahil sa panunuyo ng lalamunan."Kumusta araw mo?" pagkumusta

    Last Updated : 2024-08-09
  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 7: Decision

    Napasigaw ako nang may tumama sa aking sasakyan. Ang pangangatog ko ay hindi nakatulong.Sumiksik ako sa ilalim ng upuan dito sa driver seat upang itago ang aking sarili. Natatakot ako.Walang tigil ang putok na iyon. Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi makagawa ng ingay. Natatakot na baka may makakita sa akin at ako ang puntiryahin.Bakit may ganito? Ano ito?Pigil ang paggawa ng ingay habang umiiyak nang lumipas ang segundo at wala pa rin humpay iyon.Medyo may kalayuan ang bahay namin sa iba pa na bahay na nakatira rito. Ang hindi ko sigurado kung naririnig nila ang mga putok na ito dahil sa sobrang tahimik ng gabi.Niyakap ko ang sarili ko at saka sumiksik pa lalo. Gusto kong humagulgol nang dahil sa takot lalo na nang marinig ang pagtama muli ng sunod-sunod na putok sa aking sasakyan. Napahawak ako sa sasakyan nang unti-unti na bumababa iyon. Mukhang pati mga gulong ko ay hindi nila pinalampas. Napadasal na ako sa lahat ng santo na sana tumigil na iyon. Sobrang natatakot ak

    Last Updated : 2024-08-09
  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 8: Wedding Anniversary

    Wala ng nagawa pa si Lucas nang gabing iyon. Nanatili ako sa silid niya ngunit pinalayas din ako sa higaan at saka ako pinahiga sa sofa.Simula noong pag-uusap namin na iyon ay masama na naman ang tingin niya sa akin na para bang bawat minuto ay dapat na akong matakot dahil hindi ako sigurado kung sisikatan pa ba ako ng araw."Umalis ka nga rito kung hindi ka naman tutulong," pagtataboy ko sa kaniya nang mas lalo lang na nagkakalat ang maliliit na bubog dahil sipa siya nang sipa habang nakaupo sa sofa.Inirapan niya ako. "Shut up."Inirapan ko siya pabalik at tinuloy na ang ginagawa. Ang hindi ko maintindihan mula pa kanina ay ayaw niya magtawag ng police para ipaimbestigahan ang nangyari rito sa bahay.Ayaw niya kaya ako ang tumawag kaso kinumpiska naman niya ang cell phone ko kaya sa huli ay naiwan ako na walang imik na naglilinis ng bahay.Sa halip na police ang tawagan ay tumawag siya ng mag-aayos at magpapalit sa mga nabasag na bintana. Inuna ko na alisin ang mga nagkalat na bub

    Last Updated : 2024-08-09

Latest chapter

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   LAST CHAPTER

    AURORA'S POVI was sore down there. Nang gumising ako ay mahimbing pa rin ang tulog ni Lucas.Nangialam na lang ako sa lagayan niya nga mga damit upang iyon ang isuot at ipantakip sa katawan ko. Nasira ang suot ko mula sa panlabas hanggang sa underwear ko. He was a beast!Kahit na halos hindi na makalakad nang maayos ay wala naman akong pagsisisi na nararamdaman. Ginusto ko iyon at hindi ko ipagkakaila.Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi nagmamakaawa na tumigil na siya. Nakapagpahinga lang ako nang makaidlip pero nagising din na niroromansa na naman niya ang katawan ko.Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig. Naubusan yata ako ng tubig sa katawan dahil sa pianggagawa niya. Pinipigilan pa niya sarili niya kanina pero nang ibaba naman niya ako sa kama niya ay kulang na lang wasakin na ako.Napaubo ako nang maramdaman ang pagpulupot ng braso sa aking baywang at pagsiksik ni Lucas ng kaniyang mukha sa aking leeg."One more?" tanong niya at bahagya pa na hinila ako, dahilan upang

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   VI: LUCAS POV

    "Gusto mo pa?" Nilapit ko sa kaniya ang pasta na hindi ko naman nagalaw.I was busy watching her enjoying the food that I cooked. Nagdadalawang-isip niya iyon na tiningnan."Ayaw mo ba?" tanong niya.Umiling ako. "Hindi ako gutom," sagot ko."Nagsasayang ka ng pagkain. Dapat hindi ka nagluto nang marami," pagbubunganga niya kahit na nakangiti nuyang kinukuha ang plato ko."Hinay-hinay sa wine. You have low alcohol tolerance," paalala ko sa kaniya.Ngumiti lang siya sa akin at binigay ang kaniyang buong atensiyon sa pasta na kinakain."Alam ba ng mapapangasawa mo na ako ang pupuntahan mo rito? Do he even know me? Kung sino ako sa buhay mo?"Matagal siyang napatitig sa akin habang mabagal na ngumunguya. Animo'y nag-iisip."Of course," sagot niya kalaunan."Do I know him?""You do," tumatangong sambit niya."Magpapalit lang muna ako ng damit," paalam ko at iniwan siya roon.How I envy her for being able to moved on and healed her heart that fast while here I am, still stuck on the day wh

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   V: LUCAS POV

    "Ibaba mo ako!" reklamo niya nang buhatin ko siya na para bang isang sako ng bigas."Huwag ka nga malikot!" nagsisimula na rin na mainis na sambit ko.Nang mabuksan ko ang sasakyan ko ay saka ko siya pinasok sa loob. Kulang na lang ay patayin na niya ako sa sama ng kaniyang mga mata."Subukan mo lumabas. Hindi na ako natutuwa sa'yo," seryosong sambit ko."Bakit ba kasi pinipilit mo ako na sumama sa'yo? Sinabi na gusto ko na umuwi—""Ako ang maghahatid sa'yo. Mag-uusap muna tayo.""Wala tayong dapat na pag-usapan, Lucas."Umikot ako papunta sa driver seat."Yes, mayroon. Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka pa pumunta rito? Was it too important at lumipad ka pa patungo kahit na puwede mo naman ako tawagan—"Tumawa siya na naging dahilan upang balingan ko siya. "Tawagan para ano? Para hindi ko makita 'yung girlfriend mo?""She's not my girlfriend," pagtatama ko."Naghalikan kayo tapos ngayon hindi mo siya girlfriend? Tangina, ano? Pati girlfriend mo ipagtatabuyan mo?""That was an

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   IV: LUCAS POV

    I gasped a breath before facing her. Tahimik lang siya sa harapan ko habang nakatingin sa akin. Pinaghalong kaba at takot ang kumain sa sistema ko pero hindi ko iyon ipinahalata."Aurora," banggit ko sa pangalan niya."Lucas," tawag niya sa akin. Kita ang gulat sa kaniyang mga mata na animo'y hindi ako inaasahan na makita sa harapan niya ngayon.Tumagos ang mga mata niya mula sa akin patungo sa likod. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong si Justine ang tinitingnan niya."Naiwan mo 'yung girl friend mo," aniya na ngayon ay hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko."What are you doing here?" tanong ko sa kaniya.After four years, here she is... in front of me. I don't know how to act dahil masiyado akong nagulat sa mga pangyayari at sa hindi pa magandang sitwasyon niya ako nakita. If... If I can just hug her tight, I would.Nalipat ang atensiyon ko sa kaniyang labi nang kagatin niya iyon, bagay na ginagawa niya tuwing pinipigilan niya ang sarili niya na may masabi na kung ano. Hinabol

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   III: LUCAS POV

    Matagal ko na tinitigan ang mukha niya. I was controlling myself to make a move just not to scare her.Iyak siya nang iyak sa harapan ko and God knows kung gaano ko pinigilan ang sarili ko na hatakin siya at kulungin sa bisig ko. Seeing her crying in front of me makes me want to cry my heart too.As much as I don't want to see her crying in front of me, wala akong magawa. Hindi ko siya masisisi dahil alam kong sobrang bigat din ang dinadala niya sa kaniyang puso.Umalis siya ng Pilipinas nang walang kalinawan sa mga nangyari noon. Nagtanim siya ng galit at hanggang ngayon ay tila hindi naman iyon nawala.I am not asking her to forgive me anytime soon now. I just want to apologize for what I did. Alam ko rin na hindi ganoon madali magpatawad.Wala sa plano ko ang magpaalam sa kaniya. It was never on my list to talk to her before I go pero wala akong pagpipilian dahil sadyang mukhang ito ang nakatadhana na mangyari."Goodbye," I love you.Hindi ko na napigilan pa ang mga luha na lumadas

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   II: LUCAS POV

    "Aurora left her kids here. Hindi ko maiwanan," bungad ni Chris nang sagutin niya ang tawag ko."Where did she go?" salubong ang mga kilay na tanong ko.Hindi pa rin siya nadala sa nangyari noon. She still left anywhere our kids."I told you hindi ko maiwanan ang mga bata. I am here in front of Aurora parents house. The kids where playing outside," balita niya."Diyan na ako didiretso," sagot ko at pinatay na ang tawag.Niliko ko ang manibela upang bumalik. Nagpaalam na may pupuntahan si Christian at hindi ko rin naman kayang iwan ang mga anak ko na walang bantay ang mga iyon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanila.This is the only way, I can do for them. To secure their safety. Matagal akong nawala sa tabi, though not literally since there are times that I visited in Seattle even they weren't aware."Thanks," pagpapasalamat ko aky Chris nang magpaalam na siyang aalis na."Superman!" sigaw ng isang pamilyar na boses ng bata na naging dahilan n

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   I: LUCAS POV

    "What are you doing here?" tanong ni Noah.He is in front of me. If eyes could kill baka kanina pa ako nakahilata at pinaglalamayan.May mga pulis lang sa paligid namin and I know how does it feels like. Ang pinagkaiba lang ay nakulong ako dahil sa kagustuhan ni Aurora na makulong ako at itong nasa harapan ko ay dahil sinubukan na pumatay ng isang tao."Did Aurora visited you?" tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot.Nakararating sa akin ang mga nangyayari kay Aurora. Chris was helping me to keep an eye with Aurora. It's not that I want to invade her privacy but I need to. The last time that I decided to stop checking on her, in just a span of fucking second nasa panganib na naman ang buhay niya."Nakalabas na siya ng hospital for your information. It seems your mother didn't tell you nor give any update about Aurora yet," dagdag ko.Napangisi ako nang makita na mukhang naging interesado siya sa pinagsasasabi ko. Awang-awa na ako rito sa kaibigan na ito ni Aurora. Noon pa ay pinap

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 104: Goodbye

    Naiwan ako na nakaupo rito sa labas ng bahay. Ilang oras na ang nakalilipas at hanggang ngayon ay wala pa rin bumabalik na Lucas at mga anak ko.Ilang beses na akong panay ang silip sa mga sasakyan na dumaraan. Umaasa na isa sa mga sasakyan noon ay sakay sina Luna at Liam.Gusto ko na magpahinga pero hindi ko magawa. Hihintayin ko na makabalik sila rito. Hindi ko kakayanin kung maging ang mga anak ko ay mawawala pa sa akin. Sila na lang ang tanging pamilya na mayroon ako.Lucas cannot just stole my kids away and hide it from me. Ako ang mas may karapatan sa aming dalawa sa mga bata pero ano rin ang magagawa ko kung tuluyan na niyang inilayo sa akin ang mga anak ko.Pinunasan ko ang luha na tumulo mula sa aking mga mata. Napapagod na ako umiyak. Kung alam ko na ganito ang mangyayari ay nanatili na lang kami sa loob ng bahay.Kung alam ko lang na ang pag-iwan ko na iyon sa mga anak ko para lang makausap ang ama nila ay kapalit naman ng pagkawalay ko sa mga anak ko ay hindi ko na sana si

  • The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)   TMUW 103: Late

    Kulang na lang ay paliparin ko ang sasakyan ko. Ang problema ko pa ay nang dahil na rin sa rush hour ay nahihirapan akong sumingit-singit.Kanina pa ako binubusinahan ng mga sasakyan na ino-overtake-an ko pero mas nanaig sa akin ang kagustuhan na maabutan si Lucas.Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit may kaba akong nararamadaman. Kasasabi ko lang kanina na ilalayo ko ang mga anak ko sa kaniya pero heto ako at halos ibangga na ang sinasakyan makarating lang sa condo building niya.Bakit hindi niya sinabi sa akin na aalis siya? Kung hindi pa sasabihin sa akin ni Noah ay wala akong kaalam-alam.Pagkatapos ng lahat ay aalis siya? Iiwan niya at ibabaon na lang ang lahat? Gusto na niya magbagong buhay at mamuhay nang mas tahimik?Labas sa ilong ang pagbuga ko ng hangin. Napasabunot na lang din ako sa buhok ko habang nakatingin sa sasakyan na nasa harapan ko. Ang ilang segundo na iyon ay parang ilang minuto na."Damn you, Lucas," inis na bulong ko.Panay ang sulyap ko sa cellphone. Hindi ak

DMCA.com Protection Status