Share

TMUW 1: Broken Glass

"Ay sorry," paghingi ko ng paumanhin sa aking sarili nang matapunan ang sariling kamay ng mainit na kape.

Napapasinghap na hinugasan ko iyon ng tubig galing sa gripo. Sobrang aga pa para sa kamalasan.

"Tanga," dinig ko na tinig mula sa likuran ko.

"Mas tanga ka," balik ko at pinatay na ang faucet.

Hindi ko nga alam kung bakit nandito 'to sa bahay ngayon. Putok na ang araw pero nandito pa rin siya.

Nang-aasar siya na sinilip ang aking kamay at saka tumawa.

"Nakakatawa 'yon?" sarkastikong tanong ko. "Boring siguro lagi ang buhay mo pati maliliit na bagay tinatawanan mo," pagpaparinig ko.

"You are getting more bolder with you words. Where did you learn that?" tanong niya.

"Baka sa'yo," sagot ko.

"Masakit?" tanong niya. Nakikiusyoso pa rin sa paso ko.

Namumula iyon dahil sobrang init ng tubig.

Tinalukuran ko siya roon. "Mas masakit pa rin 'yung mga pasa na nakukuha ko sa'yo, 'wag kang mag-alala," sabi ko.

"Why are you like that? Nagtatanong ako ng maayos!"

Napairap na lang ako at lalabas na sana nang hilain niya ako. "You have no rights to turn your back on me," galit na aniya.

Sinalubong ko ang matatalim niyang mga mata. "Wala ka rin karapatan na kontrolin ako sa mga bagay na gusto kong gawin," sabi ko.

Ilang taon na akong nagpapaalipin. Magmatigasan tayo ngayon.

Napatingala ako nang hilain niya ang mga buhok. "I'm running out of patience, Aurora. Better to fix your fucking attitude towards me and your choice of words when communicating with me," aniya.

Sa halip na ipakita na nasasaktan sa kaniyang ginagawa ay ngumisi ako. "Ganito ka rin naman makipag-usap sa akin. Hindi rin naman ako nagrereklamo. Ano ba ang tinatahol-tahol mo riyan," sabi ko.

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak doon. "We are not the same," mariin na aniya.

"Ano? May karapatan ka na naman tapos ako wala?" natatawang tanong ko.

"Exactly! Good to know that it stamped in your little fucking head."

"Ni isa sa atin walang karapatan na tanggalan ng karapatan ang isang tao. Mag-asawa tayo oo pero lagi mo rin tatandaan na sa papel lang. May sarili akong karapatan na gawin ang gusto ko at gawin mo ang iyo."

Padarag ko na tinaggal ang kamay niya sa aking buhok at umalis na roon.

"I am not done talking to you, Aurora!" pagdagundong ng kaniyang boses.

Umirap ako. "Ako, tapos na," pasigaw na sagot ko dahil medyo nasa kalayuan na ako roon.

"Aurora!" tawag niya sa akin.

"Oo, alam ko. Maganda talaga pangalan ko," sabi ko, patuloy sa pamimikon sa kaniya.

Natigilan ako sa pag-akyat sa hagdan nang makarinig ng pagkabasag. Nilingon ko siya para lang masaksihan ang pagbato niya muli ng isang flower vase ngunit sa pagkakataon na ito ay ibinato niya iyon sa napakalaking picture namin na dalawa noong kinasal kami dahilan upang mabasag ang frame noon.

"Galit ka?" aniya at sinamaan ako ng tingin.

Tinimpi ko ang sarili ko at tiningnan ang mga nagkalat na bubog sa ibaba.

"I told you, I wasn't done talking but you urge me to made this mess!"

Umirap ako at tinalikuran na siya muli. Wala akong gana makipagsagutan ngayon. Hindi na ako natutuwa pa ngunit hahakbang pa lang ako paakyat nang tumilapon sa harapan ko ang slides niya.

"Ano ba ang problema mo?!" baling ko sa kaniya.

"You couldn't just turn your back at me!" sigaw niya.

Binasa ko ang ibabang labi at saka kinuha ang slides niya na humagis kanina. Bumaba ako mula sa hagdan at saka roon tumayo sa huling baitang.

Walang sabi-sabi na ibinato ko iyon sa kaniya pabalik. "Ano? Masakit ba? Buong buhay ko hindi ako nakaranas ng ganito sa mga magulang ko tapos ikaw? Kung sinong pontio pilato kung itrato ako ay para bang alipin. Bakit? Sino ka ba?" tanong ko. "Trabahador mo ba ako? Pinasasahod mo ba ako? Para lang ipaalala ko sa iyon ay ako rin ang gumagastos sa sarili ko mula nang mapunta ako sa pader mo!"

Dinuro ko siya. "Ilang taon na akong nagtitimpi sa'yo! Hindi porke na ikaw ang lalaki ay ikaw na ang mas makapangyarihan sa ating dalawa! Kung hindi ko lang mahal ang mga magulang ko ay matagal na kitang iniwan dito!"

"Then go! I don't need you here! You were giving nothing but a headache, after all!" sigaw rin niya.

"Pitong taon na pero ganito pa rin ugali mo. Anong klase kang tao? Hindi ko nga alam kung bakit pumayag sila Daddy na ipakasal ako sa'yo. Wala ng babaho at mas sasama pa sa katulad mo! Napakawalang-kwenta at walang karespe-respeto sa mga tao. Kung nakikita lang ng mga magulang mo ang pinaggagawa mo ngayon ay baka sila na mismo ang magsuka sa'yo bilang anak!"

Napaatras ako nang lumakad siya palapit sa akin. Nandidilim ang kaniyang mga mata ngunit ang mas nakaagaw ng atensiyon ko ay ang pagtapak niya sa mga bubog at ang naiiwan na dugo sa nilalakaran niya. Hindi rin kakikitaan ng kahit anong senyales na nasasaktan siya sa kaniyang ginagawa.

"Lucas..." banggit ko sa pangalan niya nang sakalin ako.

"You don't know anything. Did you hear me? You don't fucking know anything about them so better keep your mouth shut or I'll kill you to death."

Pinalo ko ang kaniyang braso dahil nahihirapan na akong huminga. Napaubo ako nang bitawan niya rin iyon. Nanghihina na napaupo ako habang naghahabol ng hininga.

"I dare you, Aurora. Hindi lang 'yan ang kaya kong gawin sa'yo," mariin na aniya bago ako iniwan dito sa ibaba.

Napakapit ako sa sahig at hindi mahagilap ang boses. Tumulo ang luha sa aking mga mata at hindi makapagsalita na sinundan ko siya ng tingin paakyat sa itaas.

Naghahabol ako ng hininga na umakyat sa silid ko. Hinayaan na ang mga bubog doon sa ibaba.

Kinuha ko ang bag sa itaas at saka umalis ng bahay. Nagmaneho ako patungo sa kawalan.

"File a divorce, Aurora. May reason ka at enough na 'yon para ma-guarantee ang request mo," si Noah.

Umiling ako. "Hindi naman ganoon kadali 'yon, Noah. Kung alam mo lang kung ilang beses ko na naisip 'yan," sabi ko at bumuga ng hangin.

"Ano ba ang pumipigil sa'yo? Pagmamahal mo sa mga magulang mo? Mahal ka ba talaga nila? Kung mahal ka bakit pinakasal ka sa ganiyan klase na tao. Wala naman ibang ginawa sa'yo 'yon kundi saktan ka nang saktan," aniya.

Humiga ako sa sofa at marahan na pinikit ang mga mata. Pahinga ko ngayon pero hindi ko iyon magagawa hangga't nasa paligid ko si Lucas.

"Or kung ayaw mo naman... p'wede ka rin magsarili muna ng bahay. May condo ka 'di ba? Doon ka na lang kaysa magtiis ka kasama 'yang si Lucas."

"Baka puntahan ako nila Daddy roon sa bahay ni Lucas at malaman na wala ako," sagot ko.

Natawa siya. "Sabihin mo na sinasaktan ka ng asawa mo kaya umalis ka," sabi niya.

"Tapos ano?" tanong ko. "Baka baliktarin pa ako ni Lucas. Nakukuwento ko naman sa'yo kung ano ang pinaggagawa noon sa akin."

"Siguro naman maiintindihan ka ng Daddy mo kung sasabihin na sinasaktan ka niya. Try mo lang," pilit pa niya.

"Patulog muna ako," sagot ko na lang upang iwala na ang usapan doon.

Tinalikuran ko siya yakap ang unan. Kahit alam ko na hindi ako makatutulog dahil hindi naman ako inaantok ay sinubukan ko pa rin. Mas sumasakit ang ulo ko kapag naiisip ko ang nangyari kanina.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status