Sinamantala ko na iuwi na sa condo ko ang ilang mga gamit habang tulog pa si Lucas. Mahimbing ang tulog niya matapos pagpawisan sa kinain na noodles.
Babalik din ako kapag tapos ko maligo upang maipaghanda ko naman siya ng pagkain. Baka mamaya ay dalawin siya ni Iris ay p'wede na ako manahimik. Matapos nga rin ay gumayak na ako paalis sa condo. Ang plano na magluto ay hindi na natuloy pa nang madaanan ang restaurant hindi kalayuan sa condo ko. Tanghali nang makarating ako sa bahay namin. Sa halip na puntahan si Lucas sa itaas ay inihanda ko muna ang pagkain. Nag-unat ako at bahagya na humikab. Wala pa akong maayos na tulog matapos noong nagising ako kaninang hating gabi. Inaapoy ng lagnat si Lucas at nakakatakot. Kung mas may malala pa nga kagabi na nangyari sa kaniya ay baka nasa hospital kaming dalawa ngayon. Kumatok pa muna ako sa pinto bago pumasok. Wala siya sa higaan. Marahil ay nasa banyo kaya nagpasiya ako na maghintay na lang sa loob at kalikutin ang cell phone ko ngunit ilang minuto na akong nakaupo roon ay walang lumalabas na Lucas. Kumatok ako sa pinto ng banyo niya. "Lucas?" tawag ko sa kaniya. "Nandiyan ka ba?" tanong ko. Naghintay ako ng sagot ngunit wala rin akong nakuhang kahit na isang sagot mula roon. Kinakabahan na kinatok ko ang pinto. "Papasok na ako," paalam ko at binuksan na iyon. Malinis at walang katao-tao na banyo ang bumungad sa akin. Pati ang kurtina na humaharang sa bath tub ay dinalawang tingin ko pa pero wala talaga si Lucas. Napapasapo sa noo na lumabas ako roon at pumunta sa garage upang tingnan kung umalis siya. May sakit pa kasi ay aalis-alis na naman. Mabuti sana kung magaling na siya. Wala roon ang isang sasakyan niya kaya alam ko na. Bumalik na lang ako muli sa loob. Tiningnan ko ang pagkain na nasa harapan ko. Sinubukan ko na tawagan si Lucas pero walang sumasagot kaya nag-iwan na lang ako ng message. To Lucas: Nasaan ka? Umalis ka na naman. Nagbuga ako ng hangin at saka naupo. Kumain na ako, titirahan ko na lang si Lucas para kung sakali na hindi pa siya kumakain. Tinabi ko lang sa ref ang tinabi ko para sa kaniya at umakyat na sa itaas pero sa pagkakataon na ito ay dumiretso ako sa silid ni Lucas. Inayos ko ang higaan niya at nagwalis-walis na rin. Ang mga pinag-inuman ng alak at plastic ng mga chichirya ay nagkalat sa ilalim ng kama niya na para bang doon lang niya tinatapon lahat kapag tapos na siya. Buntonghininga na kumuha ako ng garbage bag sa ibaba at doon iyon pinaglalalagay. Hindi ko napigilan ang sarili na kamutin ang tungki ng aking ilong gamit ang maalikabok na kamay dahilan upang mabahing ako. Umiling ako upang maaalis ang kati noon. Tiningnan ko sa aking kamay ang isang box. Box ng singsing? Nakapa ko lang kanina sa mga parte na nasa pinakang-sulok na at hindi na kaya pa ng walis. Nais ko sana na buksan pero mas minabuti ko na ilagay na lang iyon sa night stand. Kung ano ang tatanungin ay napakaganda kahit 'yung box lang. Hindi siya 'yung ordinary. Sa dinami-rami ko nang nakita na box ng singsing ay iyon lang ang bukod tangi na nakita ko na sobrang kakaiba sa lahat. Customize pa nga yata dahil naka-engrave talaga ang pinakang-design noon sa mismong box. Matutuwa si Iris panigurado pero ang hindi ako sigurado ay kapag kasal na sila. Nagkibitbalikat na lang ako at nang makita na malinis at maayos na ang kuwarto niya ay kinuha ko na rin ang sako upang ibaba iyon. Kaya rin siguro nilagnat kahit maayos naman ang klima. Sabi nga ni Mommy, isa sa major reason kung bakit nagkakasakit ang isang tao ay dahil napakarumi ng paligid. Hindi nakatakas sa akin ang ilang mga litrato ni Iris na naka-frame pa. Tipid na lang ako na napangiti. Ano kaya ang mararamdaman ng ibang asawa kung 'yung Mister nila ganito? Isinarado ko na lang ang pinto sa silid niya at lumipat sa silid ko. Kanina pa rin ako hikab nang hikab kaya nang yakapin ko ang aking unan ay agad akong hinila ng antok. Naalimpungatan ako sa isang lagabog sa ibaba at sinundan pa ng pagkabasag ng animo'y babasagin na bagay. Parang nagising ang diwa ko nang maalala na hindi ko nai-lock ang pinto sa ibaba. Yayarihin na naman ako nito ni Lucas kapag may magnanakaw sa ibaba. Idinikit ko ang kaliwang tainga ko sa likod ng aking pinto upang pakinggan sa ibaba ngunit wala na akong narinig pa. Mas nakaramdam ako ng kaba. Wala pa naman akong kasama. Kinuha ko ang baseball bat na nandito lang din sa likod ng pinto ko at saka dahan-dahan na binuksan ang pinto upang hindi iyon gumawa ng ingay. Kung pwede lang na lumutang ay ginawa ko na dahil sa kagustuhan na walang ingay ang mangyari. Natigilan din ako sa balak na pagtatago nang makita si Lucas na nawiwirduhan na nakatingin sa akin. Hilaw ako na ngumiti at tinago sa likuran ang baseball bat. Umasta ako na parang walang nangyari. Nginiwian lang niya ako. "Dadalhin ko sa condo," palusot ko at saka inilabas na ang baseball bat sa likod. Mukhang nakita na rin kasi niya iyon. Bitbit iyon ay bumaba ako. Nangunot ang aking noo nang makita ang iilan na mga pasa at sugat sa katawan niya. Ang hindi nakatakas sa mga maya ko ay ang braso niya na ngayon ay pinupunasan niya ng cotton. Hindi lang iyon basta sugat dahil hindi iyon tumitigil sa pagdugo. "Ano na naman 'yan?" salubong ang aking mga kilay na turo ko roon sa sugat niya. "Allergy," sarkastikong sagot niya. Nakuha pa talaga na maging sarkastiko sa kalagayan niya ngayon. "Hindi ka nga pa nga magaling!" puna ko matapos salatin ang noo niya. "Oh!" pagturo ko pa sa kaniya. Matalim ang mga mata na tiningnan niya ako dahil medyo napalakas ang paglapat ko ng kamay sa noo niya dahilan para matulak ko ang noo niya. "Hindi ko sinadya," bawi ko. "Kung tapos ka na maghakot ng gamit mo p'wede ka na umalis," aniya at kinuha na ang gamit upang bitbitin iyon. Nagbuga ako ng hangin at saka siya hinatak pabalik. "Aray!" sigaw niya. Itinaas ko ang mga kamay ko na animo'y surrender na. Hindi ko naman sinasadya na mahawakan 'yung sugat niya. "Kasalanan mo rin! Aalis-alis ka hindi pa ako tapos magsalita," sambit ko. Umirap lang siya at saka ako tinalikuran. Ang saya talaga. Nakabuntot ako sa kaniya. "Lock the door baka may makapasok na magnanakaw at ihampas mo pa ang baseball bat na 'yan," utos niya. Napanguso ako at tiningnan ang hawak. Sinarado ko lang ang pinto at sumunod sa silid niya. Nakamasid lang ako sa kaniya habang nililinisan niya ang mga sugat. Nang hindi na niya ginalaw pa ang nasa mukha niya ay walang imik ko na kinuha ang cotton buds upang dampian iyon at tanggalin ang mga dugo. Nilagyan ko na rin ng alcohol matapos punasan ng tubig para malinisan. "Masakit!" reklamo niya. Diniin ko pa iyon lalo dahilan upang pigain niya ang braso ko nang mahuli niya iyon. "Puputulin ko 'tong braso mo," banta niya. "Punuin ko ng alcohol 'tong sugat mo, tingnan mo," panggagaya ko sa tono niya. "Umalis ka na nga!" pagtataboy niya. Hindi ako sumagot bagkus tinanggal ko ang kamay niya na animo'y tinatakpan pa ang mga sugat upang hindi ko na iyon galawin pa. Nilagyan ko na rin ng band-aid ang sugat sa kaniyang braso. Medyo may kalaliman kaya hindi na ako magtataka kung sasabihin niya na sadya ang pakikipagbasag-ulo niya. Humarap na naman yata siya sa kuta ng mga demonyo mag-isa kahit may lagnat. Tanga. "May binili akong pagkain kanina. Iinitin ko na lang," sabi ko. "Tumawag ako kanina, hindi mo naman sinagot." "Hindi ako gutom. Umalis ka na. Magpapahinga na ako," aniya at tinalikuran na ako. Nakahawak sa baywang na tiningnan ko siya. Nakatalikod siya sa aking gawi. "Huwag ka nang tumayo riyan. Nararamdaman ko ang presensiya mo." Kusang tumaas ang mga kilay ko. "Lakas naman ng pandama mo. Ganiyan daw talaga kapag demonyo," sabi ko at tinalikuran na siya roon. Pinatay ko na lang din ang ilaw sa silid niya bago ako lumabas doon. Buntonghininga na bumaba ako. 'yung plano na hindi na ako magtatagal pa ng isang araw rito sa bahay na ito ay hindi na naman natupad. "Ikaw ba naman kasi hindi pa magaling sa lagnat ay nakuha pa na maglagay ng mga sugat sa katawan. Saan ka pa? Kay Lucas ka na," pagkausap ko sa sarili bago inihagis ang sarili sa sofa.Nangangalay ang leeg nang magising ako sa sofa. Napaayos ako ng upo at kinapa ang mukha kung may panis na laway. Nandito pa rin ako sa bahay namin ni Lucas. Kung tutuosin ay p'wede naman na ako umalis na at iwan na siya rito dahil mukhang kaya niya na rin naman. Hindi ko nga rin alam kung bakit nandito pa ako.Nasanay lang yata talaga ako na kapag may nangangailangan ng tulong ko ay handa ako na igugol ang oras ko para roon na animo'y sinasaniban ako ni Mommy.Sa kaniya ko nakuha ang pagiging maasikaso sa mga tao na nasa paligid at hindi kayang iwan iyon hangga't hindi nakikita na maayos pa sa mas maayos ang kalagayan noong tao.Sinagot ko ang tawag ni Noah nang mag-ring ang phone ko."Wala tayong paramdam ah," aniya.Ngumuso ako. "Baka kuwentuhan mo na naman ako tungkol kay Miss Bernadette e," pagbibiro ko. Natawa ako nang manahimik siya. Nagdadamdam na naman iyon panigurado. Tumayo na ako sa sofa. Nais uminom ng tubig dahil sa panunuyo ng lalamunan."Kumusta araw mo?" pagkumusta
Napasigaw ako nang may tumama sa aking sasakyan. Ang pangangatog ko ay hindi nakatulong.Sumiksik ako sa ilalim ng upuan dito sa driver seat upang itago ang aking sarili. Natatakot ako.Walang tigil ang putok na iyon. Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi makagawa ng ingay. Natatakot na baka may makakita sa akin at ako ang puntiryahin.Bakit may ganito? Ano ito?Pigil ang paggawa ng ingay habang umiiyak nang lumipas ang segundo at wala pa rin humpay iyon.Medyo may kalayuan ang bahay namin sa iba pa na bahay na nakatira rito. Ang hindi ko sigurado kung naririnig nila ang mga putok na ito dahil sa sobrang tahimik ng gabi.Niyakap ko ang sarili ko at saka sumiksik pa lalo. Gusto kong humagulgol nang dahil sa takot lalo na nang marinig ang pagtama muli ng sunod-sunod na putok sa aking sasakyan. Napahawak ako sa sasakyan nang unti-unti na bumababa iyon. Mukhang pati mga gulong ko ay hindi nila pinalampas. Napadasal na ako sa lahat ng santo na sana tumigil na iyon. Sobrang natatakot ak
Wala ng nagawa pa si Lucas nang gabing iyon. Nanatili ako sa silid niya ngunit pinalayas din ako sa higaan at saka ako pinahiga sa sofa.Simula noong pag-uusap namin na iyon ay masama na naman ang tingin niya sa akin na para bang bawat minuto ay dapat na akong matakot dahil hindi ako sigurado kung sisikatan pa ba ako ng araw."Umalis ka nga rito kung hindi ka naman tutulong," pagtataboy ko sa kaniya nang mas lalo lang na nagkakalat ang maliliit na bubog dahil sipa siya nang sipa habang nakaupo sa sofa.Inirapan niya ako. "Shut up."Inirapan ko siya pabalik at tinuloy na ang ginagawa. Ang hindi ko maintindihan mula pa kanina ay ayaw niya magtawag ng police para ipaimbestigahan ang nangyari rito sa bahay.Ayaw niya kaya ako ang tumawag kaso kinumpiska naman niya ang cell phone ko kaya sa huli ay naiwan ako na walang imik na naglilinis ng bahay.Sa halip na police ang tawagan ay tumawag siya ng mag-aayos at magpapalit sa mga nabasag na bintana. Inuna ko na alisin ang mga nagkalat na bub
Iginugol ko ang oras ko sa pagco-crochet sa mga nagdaan na araw. Nabo-boring na rin ako dahil tinatamad din naman ako na lumabas pero ngayon araw ay hindi ko na kinaya pa. Dala ang susi ng sasakyan ay umalis ako roon at tumungo sa pinakamalapit na sinehan. Manunuod na lang ako. Hindi ako pamilyar sa on showing pero kumuha na lang ako ng solo ticket sa movie na alam ko na maganda naman kahit sa paningin ko na lang. Bumili rin ako ng pagkain bago pumasok sa loob. Nandito ako sa itaas sa pinakadulo. Ayaw makigulo roon sa ibaba. Tamang-tama lang din dahil hindi naman sakop na sakop ng mga mata ko ang radiation doon sa ibaba na binibigay ng led. Nasa kalagitnaan nang sumuko na ako. Hindi ko alam na horror movie pala iyon. Wala akong kasama ay medyo kinikilabutan ako. Mabuti sana kung may kasa-kasama ako rito sa dulong seat kaso wala! Ako lang ang nandito. Bumuga ako ng hangin at kinain na lang ang popcorn na hawak-hawak ko. Tatapusin na lang ang panood dahil sayang din naman ang binay
"Aurora," tawag ni Noah. Marahan pa niya ako na tinapik. "Gising na," sambit ko nang hindi pa rin siya tumigil sa pagtapik sa akin. "Labas ka na riyan. Nagugutom na ako," reklamo niya. Hindi na ako nagpapilit pa nang tumunog na rin ang aking tiyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nauna rin siya na pumasok bago ako. Nice, gentleman. "Malayo pa tayo?" usisa ko. Umiling siya. "Malapit na," aniya. "Saan ba tayo?" tanong ko. Lumabi siya at nagkibitbalikat. Ayaw sabihin kung saan. Hinayaan ko na lang din siya at hindi na tinanong pa. Dumating na rin ang pagkain namin. Pareho yata kami na gutom na gutom dahil wala nang umiimik sa aking dalawa at pareho na lang na subo nang subo, kain nang kain sa mga nakahanda. Tuloy ay nang natapos kaming dalawa ay halos hindi na ako makahinga sa sobrang busog. Pasimple ko na tinanggal ang butones ng aking pantalon upang makahinga naman kahit papaano ang tiyan ko. Tahimik at mga tulala na nakitingin sa kawalan. Iyon kaming dalawa sa kasalukuyan.
Mula nang maihatid ako ni Noah noong gabi na iyon ay hindi na nawala pa sa isipan ko ang nangyari.Sigurado ako sa sarili ko na wala naman ako nakaaway at humantong pa talaga sa ganito na susundan ako.Ang nakakaaway ko lang naman ay si Lucas pero imposible iyon. Hindi naman niya siguro ako papasundan. Pero paano kung oo?Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang kaniyang pangalan. Nais ko sana siya na tawagan ngunit pinigilan ko rin ang sarili ko.Ayaw ko naman na lumabas na pinagbibintangan ko siya. Paano kung hindi naman pala talaga siya ang nagpapasunod?Nagbuga ako ng hangin at naiiling na kinuha ang basket ng crochet kit ko. Ilang araw na rin mula ang insidente na iyon at kahit papaano ay natatakot din ako para sa sarili ko.Hindi pa ako lumalabas. Wala pa naman kasiguraduhan kung ako talaga ang sinusundan ngunit natatakot pa rin ako. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako naka-encounter ng ganoon at si Noah pa ang unang nakaalam. Iwinaksi ko iyon sa aking isipan at nilibang na l
"What? Why?" tanong niya nang titigan ko siya. Umiling ako at umalis na lang doon sa lipstick section. Pinaalalahanan ko pa ang sarili na hindi ko ugali ang makipag-away dahil handa na akong patulan ang lalaki na iyon. Lumipat ako sa ibang section at ipinagpapasalamat ko na hindi na rin siya sumunod pa. Matapos ko roon ay saka ako dumiretso sa swim wear hall. Medyo nahirapan pa ako sa pagpili dahil sa dami ng magaganda. "Anong maire-recommend mo na color for me?" tanong ko kay Ate na nakasunod sa akin kanina pa. Ang ayaw ko sa lahat ay binabantayan ako habang namimili dahil pakiramdam ko ay iniisip nila na baka magnakaw ako pero sa ngayon ay palalampasin ko. Kailangan ko rin naman ng tulong. "For me, Ma'am. Mas bagay po ang color wine red. Red po ang kadalasan na kinukuha lalo na kung mestiza," aniya. "Napakaputi niyo po, siguradong-sigurado ako na bagay ito sa iyo." Ngumiwi ako. Red was just too overrated for me. Ngumiti ako. "Sige, salamat," sabi ko at kinuha ang emerald gree
"Kailangan mo ng kasama?"Tinaasan ko ng kilay si Haze na nagtanong noon. Nagugulat na lang ako dahil para siyang kabuti na sulpot nang sulpot sa harapan ko."Hindi," sagot ko at muling binalik ang paningin sa harapan.Dinig ko ang pagtawa niya bago naupo sa tabi ko. "Bakit wala kang kasama? Delikado para sa'yo lalo na at babae ka," aniya.Napairap na lang ako. Iwinasiwas ko sa buhangin ang nasa tabi ko na kahoy. "Kanina ka pa pinagtitinginan ng mga kalalakihan kanina. Actually, hanggang ngayon," subok pa niya muli. "Alam mo kung ano ang mas nakakatakot?" baling ko sa kaniya. Naiintriga niya akong tiningnan. Naghihintay ng sagot ko. "Ikaw. Hindi kita kilala pero kung makalapit ka ay para ba na magkakilala na tayo noon pa," pagtutuloy ko. Natigilan siya ng bahagya ngunit natawa rin matapos ang ilang sandali. "Come on, para naman hindi tayo pareho ng city na pinanggalingan—""At paano ka nakasisiguro na pareho lang ang pinanggalingan natin? Mas nakakatakot kung sasabihin mo na alam