Share

TMUW 11: Parking Spot

Mula nang maihatid ako ni Noah noong gabi na iyon ay hindi na nawala pa sa isipan ko ang nangyari.

Sigurado ako sa sarili ko na wala naman ako nakaaway at humantong pa talaga sa ganito na susundan ako.

Ang nakakaaway ko lang naman ay si Lucas pero imposible iyon. Hindi naman niya siguro ako papasundan. Pero paano kung oo?

Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang kaniyang pangalan. Nais ko sana siya na tawagan ngunit pinigilan ko rin ang sarili ko.

Ayaw ko naman na lumabas na pinagbibintangan ko siya. Paano kung hindi naman pala talaga siya ang nagpapasunod?

Nagbuga ako ng hangin at naiiling na kinuha ang basket ng crochet kit ko. Ilang araw na rin mula ang insidente na iyon at kahit papaano ay natatakot din ako para sa sarili ko.

Hindi pa ako lumalabas. Wala pa naman kasiguraduhan kung ako talaga ang sinusundan ngunit natatakot pa rin ako. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako naka-encounter ng ganoon at si Noah pa ang unang nakaalam.

Iwinaksi ko iyon sa aking isipan at nilibang na l
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status