Share

TMUW 16: Black Van

Lumipas ang mga linggo at tuluyan na akong gumaling. Medyo may nararamdaman pa akong kirot sa leeg ko pero ayos naman na iyon.

Sa nagdaan na mga linggo ay wala na akong naging balita pa kay Lucas. Si Noah na rin ang siyang matiyaga na nag-alaga sa akin kaya ngayon ay papunta ako sa bahay namin ni Lucas.

Kahit ako sa sarili ko ay hindi ko alam kung anong naisip ko at gusto kong puntahan ang bahay namin.

Nang makarating ay hindi rin ako agad na bumaba. Pinagmasdan ko ang bahay namin na animo'y wala ng mas lulungkot pa.

Mariin ko na pinikit ang aking mga mata at saka muling ipinaandar ang sasakyan upang umuwi na nang makita sa side mirror ang pagdating ng isang sasakyan.

Napalunok ako. Pinatay ko ang makina ng sasakyan ko at hinintay na tuluyang makarating ang sasakyan ni Lucas. Ilan sandali pa nang marinig ko ang pagbukas ng sasakyan niya.

Naghintay ako na bumaba siya ngunit ilang minuto pa ang lumipas ay hindi siya bumababa.

Sa kainipan ay bumaba na ako. Tumungo ako sa sasakyan niya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status