Share

TMUW 15: Hospital

Halos hindi ko maigalaw ang katawan ko nang magising ako. Napadaing na lang ako sa sakit na nararamdaman ko sa parte ng katawan ko.

Sinanay ko sa liwanag ang mga mata ko. Gusto kong ilibot ang paningin ko kaso nahihirapan ako dahil sa brace na nakalagay sa leeg ko.

Dinig ko ang pagbukas ng pintuan. "Aurora, anak," tinig ni Mommy.

Nakita ko na lang siya nang lumapit sa gawi ko. Wala siyang kasama at kung magpapakatotoo ay hindi rin siya ang inaasahan ko na makikita pagmulat ng mga mata ko.

"My," bati ko sa kaniya at bahagyang ngumiti.

"What happened to you?" nag-aalalang tanong niya.

"May sumalubong po kasi na mabilis na sasakyan kaya kinabig ko manibela ko," sabi ko. "Si... Lucas po?" alanganin na tanong ko.

"Kaalis-alis lang ng asawa mo. Sabi niya ay may emergency raw sa kumpaniya niya at kailangan siya roon. Sakto na kadarating-dating ko lang din," aniya.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Gusto kong tawanan ang sarili ko dahil nag-expect ako na siya rin ang magigisingan ko.

"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status