Share

TMUW 23: Random

"Sure ka ba na hindi ka busy?" tanong ko kay Haze.

"Hindi nga. Let's go, should I pick you up?" tanong niya pabalik.

Umiling ako. "Convoy na lang," sagot ko at nagmamadali na kinuha ang bag ko upang umalis na.

Sa mga nagdaan na araw ay si Haze lang ang kau-kausap ko. Hindi na rin ako nakakaramdam ng hiya dahil mas nagiging matagal na magkasama kami ay mas nakikilala ko ang ugali niya.

Naiwan ko pa ang susi sa kuwarto kaya kinuha ko pa iyon at nang mabuksan ko ang pinto ay halos batuhin ko si Lucas nang siya ang bumungad sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?!" inis na tanong ko dahil sa gulat.

Mukhang maging siya ay nagulat pa na makita ako sa harapan niya ngunit umayos din naman agad na animo'y walang nangyari.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

Kumunot ang noo at bahagyang nagsalubong ang mga kilay. "May pupuntahan lang," sagot ko. "May kailangan ka ba? Nagmamadali ako," usal ko habang sinasarado ang pinto ng suit ko.

Tinaasan ko siya ng kilay nang hindi man lang siya sumagot
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status