Halos manginig ako sa lamig nang magising ako. Malamlam ang mga mata na nagmulat ako at bumungad sa akin si Lucas na may hawak na bimpo at itinataas ang comforter sa akin."Malamig," sambit ko."Nilalamig ka pa rin? I already switch the air-conditioned to heater," aniya.Saka ko lang napansin na wala siyang suot na damit pang-itaas at naka-short na lang siya. Bahagya siya na nagpunas ng pawis sa noo niya.Malamlam ang mga mata na hinila ko ang kumot. Mahigpit ang kapit ko roon at pilit na pinulupot ang sarili.Pinilit ko ang sarili ko na matulog ulit pero hindi ko nagawa pa dahil sa sobrang panlalamig."Kaya mo ba na maglakad? Dadalhin na kita sa hospital," aniya.Mabilis ako na umiling. Mas magkakasakit ako kung mananatili ako sa hospital."Pero nanginginig ka na ng sobra," puna niya."Ganito talaga ako kapag nilalagnat. Mawawala rin ito," sambit ko."Are you sure?" paninigurado niya pero hindi na ako nag-abala pa na sumagot. Sobrang bigat ng talukap ko at ramdam ko rin ang init na n
"Hey, are you with me? Aurora in the Earth," ani Haze na nagpabalik sa katinuan ko."Come again? Ano ulit 'yon?" tanong ko habang natutulala sa kawalan."Nakanguso siya nang balingan ko. "You're not listening to me," nagtatampo na aniya.Nagsalubong ang mga kilay ko at saka napapangiwi na ibinalik ang mga mata sa mga tao na naglalakad-lakad sa ibaba."Ang sagwa, tigilan mo nga 'yan," inis na puna ko na umani naman ng tawa mula sa kaniya."Ano ba iniisip mo? Baka puwede mong i-kwento sa akin," aniya. "Parang sobrang lalim."Umiling ako. "Wala. Natulala lang may iniisip na agad?" defensive na tanong ko. "Ano ba 'yung sinasabi mo kanina?" pagwawala ko sa usapan."I'll be going to a formal foundation party kaso wala akong ka-partner. Then I was asking you if you want to go with me since nasabi mo na lagi ka na lang bored sa condo mo," aniya."Baliw ka na?" natatawang tanong ko. "Bakit ako? Puwede mo naman isama girlfriend mo o kung sino riyan—""Kung sinagot mo na ako edi sana hindi na ki
Masama ang tingin sa akin ni Iris nang makalapit sila sa gawi namin. Hinila ko si Haze palayo roon pero hindi siya nagpatinag at nakangiti na sinalubong sila Lucas na animo'y hinihintay rin niya makalapit."It's my pleasure to meet you, Mr. Martin," usal ni Haze at saka inilahad niya ang kaniyang palad upang makipagkamay ngunit tiningnan lang iyon ni Lucas.Napapalunok na inabot ko ang kamay ni Haze na naghihintay pa rin na kamayan siya ni Lucas dahil ako ang nahihiya para sa kaniya."Sa ibang lugar na lang tayo, Haze," pag-aya ko sa kaniya."No, that's rude, love. Lumapit sila sa atin," sagot niya.Ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ko habang nakatingin kay Lucas na walang emosiyon ang mga mata. Binalingan ko si Iris na animo'y may galit din sa mundo na nakatingin sa stage. Mukhang ayaw rin ako makita.Lumapit ako sa tainga ni Haze. "Hindi mo ba nakikita na magkaaway sila. Tara na," bulong ko.Ngumuso lang si Haze. Ayaw pa rin niya umalis pero hinatak ko na siya palayo roon."Hind
"Haze?" alanganin na sagot ko sa tawag niya.Mula noong party ay hindi na kami nakapag-usap pa. Isa pa ay nahihiya ako, hindi ko alam kung paano ko siya kauusapin gayon na iniwan ko siya roon mag-isa."Galit ka pa rin ba sa akin?" maya-maya ay tanong niya na nagpagulat sa akin."What do you mean," medyo naiilang na sambit ko."I left early, hindi na kita nahintay pa sa table. I was so embarrassed for what I've done and so I was still contemplating if I should call you," paliwanag niya.My lips parted a bit as I stared at my dinner. I mean, hindi ko alam na umalis din pala siya. Sa halip na aminin na umalis din ako ay nanahimik na lang ako."I'm really sorry," paghingi niya ng paumanhin.Umiling ako. "Hindi, ano ka ba? Ayos lang. Hindi rin naman ako naghintay ng matagal," pagsisingungaling ko.Hindi ko rin naman pwede sabihin na umalis din ako dahil itatanong niya kung sino ang kasama ko o paano ako nakaalis gayon na wala naman akong dalang sasakyan at hindi ko pa alam ang lugar na iyo
"Aurora, saan ka pupunta?" tanong ni Noah.Ramdam ko ang pagsunod niya sa likod ko ngunit wala akong ibang maisip kung hindi ang napanood ko sa balita. Nasusunog ang bahay namin na Lucas."No, dito ka lang," pagpigil niya sa akin."Tumabi ka, Noah," utos ko nang humarang siya sa pinto ng sasakyan ko.Walang mapaglagyan ang pagkabog ng dibdib ko. "Sinabi nang tumabi ka!" hindi ko maiwasan na isigaw iyon kay Noah dahil ayaw niyang umalis doon."If I said no, then no, Aurora. Give me your keys," utos niya.Umiling ako at nanginginig na tinulak siya paalis doon. Nagmamatigas na tumayo siya roon kaya ganoon na lang ang buong puwersa na pagtulak ko sa kaniya."Sinabi nang tumabi ka!" galit na sigaw ko."Nag-iisip ka pa ba, Aurora?! Pupuntahan mo si Lucas sa bahay niyo? Ano ba ang matutulong mo? Tingin mo ba papapasukin ka sa loob? Paganahin mo nga 'yang isip mo!" aniya na animo'y ako na ang pinakabobo na tao na nakausap niya."Noah, anong gusto mong gawin ko?! Manatili rito habang nasusunog
Tulala na nakatingin ako sa bahay namin na sunog na sunog. Wala pa akong maayos na tulog magmula ang gabing iyon na mabalitaan ang pagliyab ng apoy. Pumipintig ang ulo ko ngunit hindi ko rin magawa na umalis dito. Ako ang umaasikaso sa lahat dahil wala naman tutulong sa akin.Pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking pisngi. Walang lakas na kinuha ko ang cell phone ko nang maramdaman ang pag-vibrate noon.Tiningnan ko lang iyon hanggang sa kusang mamatay. Nanghihina na napaupo sa gutter ng bahay at hindi mapigilan na ibuhos ang luha na ilang araw ko rin na inipon.Pati paglabas ng totoong nararamdaman ko ay hindi ko nagawa dahil sa sobrang abala sa mga bagay para lang mabigyan ng hustisya ang lahat.Malakas ang kutob ko na hindi ito aksidente. Imposibleng sunog lang ang siyang dahilan nito dahil alam ko na may kinalaman ito sa narinig ko na putukan nang tinawagan ako ni Lucas.Wala akong maramdaman kung hindi guilt dahil hindi ko siya tinawagan noong mga oras iyon. Guilty ako dahil hi
Naalimpungatan ako nang maramdaman ang paghaplos sa buhok ko.Nagsalubong ang mga kilay ko nang magising ako sa bahay namin. Nakaupo si Lucas sa kama habang ako ay nakahiga.Tipid siya na ngumiti sa akin. "Lucas," sambit ko. May ngiti na pumaskil sa aking labi habang nakatingin sa kaniya. "Lucas," muling tawag ko sa kaniya.Ninais ko siyang hawakan ngunit natatakot ako. "Dito ka lang," pagmamakaawa ko. "Mag-away na lang tayo ulit," desperada na sambit ko."Aurora," tawag niya sa akin. "Wake up," nakangiting aniya. Humagulgol ako nang tuluyan siya maglaho sa paningin ko. Umiiling na hinanap ko siya sa paligid ko pero wala na siya."Aurora," tawag niya ngunit hindi ko na siya mahanap."Nasaan ka?" humihikbi na tanong ko. "Hindi kita makita.""Wake up. Paano mo ako makikita kung nakayuko ka?" nanghihinang tanong niya.Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang magmulat ako at maghabol ng hininga. Tahimik ang paligid at tanging tunog lang ng makina ang siyang naririnig ko sa paligi. Ba
Hinipan ko ang pagkain na isusubo ko kay Lucas. Masiyadong matigas ang ulo niya at pinilit niya na makalabas agad sa hospital kaya naman ngayon ay naririto kami sa condo unit niya."Kaya kong subuan ang sarili ko. Iwan mo lang ang pagkain diyan," utos niya.Walang karea-reaksiyon ang mukha niya nang balingan ko siya. Napairap na lang ako at hindi siya pinansin. Nang medyo malamig na ang nasa kutsara ay saka ko sinubo iyon sa kaniya."Why don't you just leave my condo, Aurora? May kamay ako at walang kulang sa akin para subuan o kaya alagaan mo pa—""Wala naman akong sinabi na wala kang kamay. Iusubo mo na 'to," kalmado na pagpuputol ko sa kaniya. "Iinom ka pa ng gamot mo. Kapag naubos mo na 'to puwede ka na ulit magpahinga."As long as kaya ko na pakisamahan siya nang hindi kami pareho nagagalit sa isa't-isa ay gagawin ko. Ako ang mas nakakaintindi sa sitwasyon kaya hangga't kaya ko ay mananatili ako."Leave me alone," madiin na bigkas niya. Ilang araw na siyang ganiyan makitungo sa a
AURORA'S POVI was sore down there. Nang gumising ako ay mahimbing pa rin ang tulog ni Lucas.Nangialam na lang ako sa lagayan niya nga mga damit upang iyon ang isuot at ipantakip sa katawan ko. Nasira ang suot ko mula sa panlabas hanggang sa underwear ko. He was a beast!Kahit na halos hindi na makalakad nang maayos ay wala naman akong pagsisisi na nararamdaman. Ginusto ko iyon at hindi ko ipagkakaila.Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi nagmamakaawa na tumigil na siya. Nakapagpahinga lang ako nang makaidlip pero nagising din na niroromansa na naman niya ang katawan ko.Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig. Naubusan yata ako ng tubig sa katawan dahil sa pianggagawa niya. Pinipigilan pa niya sarili niya kanina pero nang ibaba naman niya ako sa kama niya ay kulang na lang wasakin na ako.Napaubo ako nang maramdaman ang pagpulupot ng braso sa aking baywang at pagsiksik ni Lucas ng kaniyang mukha sa aking leeg."One more?" tanong niya at bahagya pa na hinila ako, dahilan upang
"Gusto mo pa?" Nilapit ko sa kaniya ang pasta na hindi ko naman nagalaw.I was busy watching her enjoying the food that I cooked. Nagdadalawang-isip niya iyon na tiningnan."Ayaw mo ba?" tanong niya.Umiling ako. "Hindi ako gutom," sagot ko."Nagsasayang ka ng pagkain. Dapat hindi ka nagluto nang marami," pagbubunganga niya kahit na nakangiti nuyang kinukuha ang plato ko."Hinay-hinay sa wine. You have low alcohol tolerance," paalala ko sa kaniya.Ngumiti lang siya sa akin at binigay ang kaniyang buong atensiyon sa pasta na kinakain."Alam ba ng mapapangasawa mo na ako ang pupuntahan mo rito? Do he even know me? Kung sino ako sa buhay mo?"Matagal siyang napatitig sa akin habang mabagal na ngumunguya. Animo'y nag-iisip."Of course," sagot niya kalaunan."Do I know him?""You do," tumatangong sambit niya."Magpapalit lang muna ako ng damit," paalam ko at iniwan siya roon.How I envy her for being able to moved on and healed her heart that fast while here I am, still stuck on the day wh
"Ibaba mo ako!" reklamo niya nang buhatin ko siya na para bang isang sako ng bigas."Huwag ka nga malikot!" nagsisimula na rin na mainis na sambit ko.Nang mabuksan ko ang sasakyan ko ay saka ko siya pinasok sa loob. Kulang na lang ay patayin na niya ako sa sama ng kaniyang mga mata."Subukan mo lumabas. Hindi na ako natutuwa sa'yo," seryosong sambit ko."Bakit ba kasi pinipilit mo ako na sumama sa'yo? Sinabi na gusto ko na umuwi—""Ako ang maghahatid sa'yo. Mag-uusap muna tayo.""Wala tayong dapat na pag-usapan, Lucas."Umikot ako papunta sa driver seat."Yes, mayroon. Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka pa pumunta rito? Was it too important at lumipad ka pa patungo kahit na puwede mo naman ako tawagan—"Tumawa siya na naging dahilan upang balingan ko siya. "Tawagan para ano? Para hindi ko makita 'yung girlfriend mo?""She's not my girlfriend," pagtatama ko."Naghalikan kayo tapos ngayon hindi mo siya girlfriend? Tangina, ano? Pati girlfriend mo ipagtatabuyan mo?""That was an
I gasped a breath before facing her. Tahimik lang siya sa harapan ko habang nakatingin sa akin. Pinaghalong kaba at takot ang kumain sa sistema ko pero hindi ko iyon ipinahalata."Aurora," banggit ko sa pangalan niya."Lucas," tawag niya sa akin. Kita ang gulat sa kaniyang mga mata na animo'y hindi ako inaasahan na makita sa harapan niya ngayon.Tumagos ang mga mata niya mula sa akin patungo sa likod. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong si Justine ang tinitingnan niya."Naiwan mo 'yung girl friend mo," aniya na ngayon ay hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko."What are you doing here?" tanong ko sa kaniya.After four years, here she is... in front of me. I don't know how to act dahil masiyado akong nagulat sa mga pangyayari at sa hindi pa magandang sitwasyon niya ako nakita. If... If I can just hug her tight, I would.Nalipat ang atensiyon ko sa kaniyang labi nang kagatin niya iyon, bagay na ginagawa niya tuwing pinipigilan niya ang sarili niya na may masabi na kung ano. Hinabol
Matagal ko na tinitigan ang mukha niya. I was controlling myself to make a move just not to scare her.Iyak siya nang iyak sa harapan ko and God knows kung gaano ko pinigilan ang sarili ko na hatakin siya at kulungin sa bisig ko. Seeing her crying in front of me makes me want to cry my heart too.As much as I don't want to see her crying in front of me, wala akong magawa. Hindi ko siya masisisi dahil alam kong sobrang bigat din ang dinadala niya sa kaniyang puso.Umalis siya ng Pilipinas nang walang kalinawan sa mga nangyari noon. Nagtanim siya ng galit at hanggang ngayon ay tila hindi naman iyon nawala.I am not asking her to forgive me anytime soon now. I just want to apologize for what I did. Alam ko rin na hindi ganoon madali magpatawad.Wala sa plano ko ang magpaalam sa kaniya. It was never on my list to talk to her before I go pero wala akong pagpipilian dahil sadyang mukhang ito ang nakatadhana na mangyari."Goodbye," I love you.Hindi ko na napigilan pa ang mga luha na lumadas
"Aurora left her kids here. Hindi ko maiwanan," bungad ni Chris nang sagutin niya ang tawag ko."Where did she go?" salubong ang mga kilay na tanong ko.Hindi pa rin siya nadala sa nangyari noon. She still left anywhere our kids."I told you hindi ko maiwanan ang mga bata. I am here in front of Aurora parents house. The kids where playing outside," balita niya."Diyan na ako didiretso," sagot ko at pinatay na ang tawag.Niliko ko ang manibela upang bumalik. Nagpaalam na may pupuntahan si Christian at hindi ko rin naman kayang iwan ang mga anak ko na walang bantay ang mga iyon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanila.This is the only way, I can do for them. To secure their safety. Matagal akong nawala sa tabi, though not literally since there are times that I visited in Seattle even they weren't aware."Thanks," pagpapasalamat ko aky Chris nang magpaalam na siyang aalis na."Superman!" sigaw ng isang pamilyar na boses ng bata na naging dahilan n
"What are you doing here?" tanong ni Noah.He is in front of me. If eyes could kill baka kanina pa ako nakahilata at pinaglalamayan.May mga pulis lang sa paligid namin and I know how does it feels like. Ang pinagkaiba lang ay nakulong ako dahil sa kagustuhan ni Aurora na makulong ako at itong nasa harapan ko ay dahil sinubukan na pumatay ng isang tao."Did Aurora visited you?" tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot.Nakararating sa akin ang mga nangyayari kay Aurora. Chris was helping me to keep an eye with Aurora. It's not that I want to invade her privacy but I need to. The last time that I decided to stop checking on her, in just a span of fucking second nasa panganib na naman ang buhay niya."Nakalabas na siya ng hospital for your information. It seems your mother didn't tell you nor give any update about Aurora yet," dagdag ko.Napangisi ako nang makita na mukhang naging interesado siya sa pinagsasasabi ko. Awang-awa na ako rito sa kaibigan na ito ni Aurora. Noon pa ay pinap
Naiwan ako na nakaupo rito sa labas ng bahay. Ilang oras na ang nakalilipas at hanggang ngayon ay wala pa rin bumabalik na Lucas at mga anak ko.Ilang beses na akong panay ang silip sa mga sasakyan na dumaraan. Umaasa na isa sa mga sasakyan noon ay sakay sina Luna at Liam.Gusto ko na magpahinga pero hindi ko magawa. Hihintayin ko na makabalik sila rito. Hindi ko kakayanin kung maging ang mga anak ko ay mawawala pa sa akin. Sila na lang ang tanging pamilya na mayroon ako.Lucas cannot just stole my kids away and hide it from me. Ako ang mas may karapatan sa aming dalawa sa mga bata pero ano rin ang magagawa ko kung tuluyan na niyang inilayo sa akin ang mga anak ko.Pinunasan ko ang luha na tumulo mula sa aking mga mata. Napapagod na ako umiyak. Kung alam ko na ganito ang mangyayari ay nanatili na lang kami sa loob ng bahay.Kung alam ko lang na ang pag-iwan ko na iyon sa mga anak ko para lang makausap ang ama nila ay kapalit naman ng pagkawalay ko sa mga anak ko ay hindi ko na sana si
Kulang na lang ay paliparin ko ang sasakyan ko. Ang problema ko pa ay nang dahil na rin sa rush hour ay nahihirapan akong sumingit-singit.Kanina pa ako binubusinahan ng mga sasakyan na ino-overtake-an ko pero mas nanaig sa akin ang kagustuhan na maabutan si Lucas.Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit may kaba akong nararamadaman. Kasasabi ko lang kanina na ilalayo ko ang mga anak ko sa kaniya pero heto ako at halos ibangga na ang sinasakyan makarating lang sa condo building niya.Bakit hindi niya sinabi sa akin na aalis siya? Kung hindi pa sasabihin sa akin ni Noah ay wala akong kaalam-alam.Pagkatapos ng lahat ay aalis siya? Iiwan niya at ibabaon na lang ang lahat? Gusto na niya magbagong buhay at mamuhay nang mas tahimik?Labas sa ilong ang pagbuga ko ng hangin. Napasabunot na lang din ako sa buhok ko habang nakatingin sa sasakyan na nasa harapan ko. Ang ilang segundo na iyon ay parang ilang minuto na."Damn you, Lucas," inis na bulong ko.Panay ang sulyap ko sa cellphone. Hindi ak