I was looking at him when he turned his back on me. He seems to be still upset with my decision.Kulang na lang ay ayaw na niya akong papasukin dito sa condo niya noong one time na lumabas ako upang sumama kay Daddy na nag-inspection sa bahay namin.The thing is that hindi rin niya alam na nasa akin ang susi ng condo niya. I just can't leave him alone just like what he wanted me to do. Hindi sa ngayon, maybe after all of this happenings."Hindi ka pa ba maliligo? Ang baho-baho mo na," reklamo ko.Gusto kong matawa nang makita na bahagya niyang inaamoy ang sarili niya. Ayaw niya akong pansinin. Kung puwede lang magteleport ay baka ginawa na niya."Ang asim-asim na ng amoy mo dahil sa pawis. Kumakapit sa bed sheet," patuloy na pagrereklamo ko.Inabala ko ang mga sarili ko sa paglalaro ng susi na hawak ko nang maramdaman ang pagbaling niya sa akin. Masama ang tingin niya pero hindi ko siya pinansin."Nakakahiya pa naman lalo na kung may kasamang babae sa loob—""Then leave!" galit na ani
"Willing naman akong tumulong, Lucas. Bakit ba ayaw mo tumanggap ng tulong? Dahil ba sa pride mo?" hindi maiwasan na tanong ko.Ibinaba ko na ang hawak ko na beer sa lamesa at nagpangalumbaba sa harapan niya. Nagdadalawa na siya sa paningin ko dala na rin ng kalasingan. Nakakadalawa pa lang ako na beer samantalang siya ay naubos na niya ang nasa bucket at kumuha pa kanina sa loob ay mukhang hindi pa rin siya nalalasing.Nakakahiya lalo dahil mababa lang ang alcohol percent ng iniinom namin pero heto ako at lasing na."It's not that I don't want to accept your help. Mas maganda kung mananahimik ka na lang at mapapanggap na walang alam dahil mas mahihirapan ako kung pati ikaw ay malalagay pa sa panganib gayon madaragdag ka sa iisipin ko na sa halip na ang mga bata lang ang siyang iniisip ko kung paano isasalba," kuwento niya.Kumunot ang noo ko at bahagyang ikiniling ulo ko. "Mga bata?" tanong ko. "Sinong mga bata at anong kinalaman nila rito?"Umiling siya. "Just like what I said, sta
Nanghihina na inilipat ko ang bigat ko kay Lucas at hinayaan na ipulupot ang mga braso sa kaniyang leeg."Aurora, stop," pagpapatigil niya sa akin."Ang init, Lucas," reklamo ko matapos kagatin ang ibabang labi niya.Napapasinghap na marahan niya akong tinutulak. Hindi ko na alam kung epekto pa ba ang alak ang lahat. Hindi naman ganito ang epekto ng alak kapag nakainom ako."Get up, Aurora," nahihirapan na utos niya.Napapanguso na gumulong ako sa gilid niya dahil hindi ko na kaya pa na tumayo o bumangon man lang dahil sa pagkahilo.Dumadaing sa sakit na hinawakan ko ang balakang ko."Damn it, why did you roll down?!" galit na aniya."Hindi nga ako makatayo!" reklamo ko.Hindi na ako nagreklamo pa nang buhatin na lang niya ako. Inakala ko pa na ididiretso na niya ako sa kama ngunit inupo niya ako sa high chair ng kusina."Here, drink this," utos niya matapos akong salinan ng tubig sa baso.Wala sa katinuan na kinuha ko iyon. Ang masama pa ay ayaw rin tanggapin ng lalamunan ko ang tubi
Hindi ako makatingin kay Lucas habang kumakain kami ng umagahan sa mini dining table niya rito sa kusina. Kahit lasing ako kagabi ay natatandaan ko ang lahat ng nangyari. Dumagdag pa sa isipin ko ang magising na magkayakap kaming dalawa. Sana lang ay hindi niya alam ang tungkol doon dahil mas nauna akong nagising. Sinubukan ko na tingnan siya ngunit ako lang din ang unang nag-iwas nang masalubong ang mga mata niya na mukhang inaabangan lang din ang pagsulyap ko sa kaniya. "Busog— Busog na ako," nauutal na sambit ko at saka ibinaba na ang kubyertos na hawak ko. Hindi ko alam kung paano aakto ngayon matapos ang nangyari sa aming dalawa. "Babalik na pala ako sa condo ko mamaya. Hindi na rin siguro ako pupunta rito—" "Dahil ba sa nangyari kagabi?" pagpuputol niya sa akin. Natataranta na umiling ako. "Hindi— hindi," halos pasigaw na sagot ko dahilan upang magulat siya. Napapalunok na tumungo ako. "Magaling ka naman na. Hindi mo na kailangan ng mag-aalaga sa'yo. Titigil ko
Pakiramdam ko ay nag-de javu nang makita ko ang isang lalaki na nakasuot ng itim na hoodie. I vividly remember that this happened to me already. Ibinalik ko ang repolyo na hawak ko at hinintay ang limang teenager na magkakaibigan. Nang makadaan sila sa harapan ko ay sumabay ako sa paglalakad. Mabilis ang lakad ko paalis doon. Nagsisimula na akong maniwala na walang kinalaman si Lucas sa mga nangyayari sa akin. Nagsisimula na akong magduda na siya ang nasa likod ng mga muntikan kong aksidente. And I am a hundred convinced na lahat ng nangyari sa akin ay sinasadya. From the time that I was in cinema, the one where I amost got collide with other vehicle. Ngayon ko napapagtanto na sunod-sunod ang kamalasan na nangyayari sa buhay ko. Ngayon ko lang napapagtagpi-tagpi ang lahat. "Ano ba!" inis na sigaw ko nang mabangga sa kung sino. Sinamaan ko siya ng tingin dahil na rin sa pinaghalong takot at galit na nararamdaman para lang makaalis dito. Ngunit, napaatras ako nang makita ang lalak
"Kanina ka pa?" salubong ko kay Haze nang makita na nakaupo siya sa bungad lang ng café.Umiling siya. "Kararating ko lang. kaso lang... hindi rin ako puwedeng magtagal. Alam mo naman." Nagkibit-balikat siya.Ngumuso ako at tumango na lang. Wala naman akong magagawa. Matagal na kaming hindi nakakapag-bonding dahil sobrang busy niya.Sa buong pag-stay din namin sa café ay abala lang siya sa cell phone niya. Hinayaan ko na lang din at inabala ang sarili ko sa kung anong bagay.Inaya niya ako mag-coffee break pero parang hindi naman siya nag-break kasi nasa trabaho pa rin siya kahit wala siya sa mismong opisina."I'm really sorry, Aurora. Sa susunod na lang tayo ulit lumabas. I'm really busy, sorry," paghingi niya ng paumanhin.Umiling ako. "Sige lang, naiintindihan ko naman na busy ka talaga. Tawagan mo lang ako kapag free ka, wala naman akong ginagawa," sagot ko. "Sabi ko naman kasi sa'yo huwag ka na pumunta rito. May sasakyan naman ako na dala pero sumunod ka pa rin," natatawang usal
Nanginginig sa takot na gumapang ako palabas ng condo. Nanghihina ang mga tuhod ko sa gulat nang bumungad sa akin ang human size plastic statue ni Azrael, the angel of death. Pagbukas ng pinto ay naroroon siya at nakatayo.Iwinaksi ko ang kamay ni Lucas na siyang bumalik, marahil dahil sa pagsigaw ko."Kailan ka ba titigil?" tanong ko. Napatulo na lang ang luha mula sa aking mga mata. "Paano mo naipasok 'yan dito sa loob?" tanong ko muli nang hindi siya umimik."Lucas!" tawag ko sa kaniya nang walang imik siya na umalis. Naiwan ako na nakaupo sa sahig habang umiiyak.Nagmamadali na inipon ko ang mga gamit na sumabog sa lapag at pinagbabalik iyon sa bag ko.Halos magtatakbo na ako sa pagbaba sa exit upang maabutan si Lucas. Ngunit dahil na rin sa bagal ko na bumaba ay hindi ko na siya naabutan pa sa lobby.Pinaharurot ko ang sasakyan ko, nagbabakasakali na masundan ko pa si Lucas. Napahampas na lang ako sa manibela ko nang hindi ko matanaw ang sasakyan niya. Sa huli ay dumiretso ako sa
Tumawa ako matapos ko siyang balingan dahilan upang matigilan siya sa dapat na paglapit sa akin. "Hobby mo magsinungaling," saad ko."Kilala mo ang tao na may pakana ng lahat ng ito 'di ba," sambit ko. Sa isang iglap ay nawala ang emosyon sa kaniyang mga mata at nag-iwas ng tingin sa akin. "Akala ko ba wala kang alam tungkol sa binibintang ko sa'yo?" tanong ko."Hindi naman ako na-inform na libing ko na pala next month. Nalalaman din pala nila kung kailan ako mamamatay?" natatawang sambit ko patungkol sa lapida. "Ang ganda ko roon sa loob ng coffin," pagkuwento ko."Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong ko."Anong gusto mong sabihin ko?" tanong niya pabalik."Sabi mo wala kang alam tungkol sa mga paratang ko sa'yo pero heto ka mayroon kang mga picture ko na nasa loob ng kabaong at may lapida pa," sambit ko. "Tuwang-tuwa ka ba kapag nakikita mo kung gaano ako kamangmang? Lucas, masaya ba sa pakiramdam na may naloloko ka?""Gaano kahirap sabihin na alam mo ang lahat. Ngayon, sabihin mo sa
AURORA'S POVI was sore down there. Nang gumising ako ay mahimbing pa rin ang tulog ni Lucas.Nangialam na lang ako sa lagayan niya nga mga damit upang iyon ang isuot at ipantakip sa katawan ko. Nasira ang suot ko mula sa panlabas hanggang sa underwear ko. He was a beast!Kahit na halos hindi na makalakad nang maayos ay wala naman akong pagsisisi na nararamdaman. Ginusto ko iyon at hindi ko ipagkakaila.Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi nagmamakaawa na tumigil na siya. Nakapagpahinga lang ako nang makaidlip pero nagising din na niroromansa na naman niya ang katawan ko.Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig. Naubusan yata ako ng tubig sa katawan dahil sa pianggagawa niya. Pinipigilan pa niya sarili niya kanina pero nang ibaba naman niya ako sa kama niya ay kulang na lang wasakin na ako.Napaubo ako nang maramdaman ang pagpulupot ng braso sa aking baywang at pagsiksik ni Lucas ng kaniyang mukha sa aking leeg."One more?" tanong niya at bahagya pa na hinila ako, dahilan upang
"Gusto mo pa?" Nilapit ko sa kaniya ang pasta na hindi ko naman nagalaw.I was busy watching her enjoying the food that I cooked. Nagdadalawang-isip niya iyon na tiningnan."Ayaw mo ba?" tanong niya.Umiling ako. "Hindi ako gutom," sagot ko."Nagsasayang ka ng pagkain. Dapat hindi ka nagluto nang marami," pagbubunganga niya kahit na nakangiti nuyang kinukuha ang plato ko."Hinay-hinay sa wine. You have low alcohol tolerance," paalala ko sa kaniya.Ngumiti lang siya sa akin at binigay ang kaniyang buong atensiyon sa pasta na kinakain."Alam ba ng mapapangasawa mo na ako ang pupuntahan mo rito? Do he even know me? Kung sino ako sa buhay mo?"Matagal siyang napatitig sa akin habang mabagal na ngumunguya. Animo'y nag-iisip."Of course," sagot niya kalaunan."Do I know him?""You do," tumatangong sambit niya."Magpapalit lang muna ako ng damit," paalam ko at iniwan siya roon.How I envy her for being able to moved on and healed her heart that fast while here I am, still stuck on the day wh
"Ibaba mo ako!" reklamo niya nang buhatin ko siya na para bang isang sako ng bigas."Huwag ka nga malikot!" nagsisimula na rin na mainis na sambit ko.Nang mabuksan ko ang sasakyan ko ay saka ko siya pinasok sa loob. Kulang na lang ay patayin na niya ako sa sama ng kaniyang mga mata."Subukan mo lumabas. Hindi na ako natutuwa sa'yo," seryosong sambit ko."Bakit ba kasi pinipilit mo ako na sumama sa'yo? Sinabi na gusto ko na umuwi—""Ako ang maghahatid sa'yo. Mag-uusap muna tayo.""Wala tayong dapat na pag-usapan, Lucas."Umikot ako papunta sa driver seat."Yes, mayroon. Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka pa pumunta rito? Was it too important at lumipad ka pa patungo kahit na puwede mo naman ako tawagan—"Tumawa siya na naging dahilan upang balingan ko siya. "Tawagan para ano? Para hindi ko makita 'yung girlfriend mo?""She's not my girlfriend," pagtatama ko."Naghalikan kayo tapos ngayon hindi mo siya girlfriend? Tangina, ano? Pati girlfriend mo ipagtatabuyan mo?""That was an
I gasped a breath before facing her. Tahimik lang siya sa harapan ko habang nakatingin sa akin. Pinaghalong kaba at takot ang kumain sa sistema ko pero hindi ko iyon ipinahalata."Aurora," banggit ko sa pangalan niya."Lucas," tawag niya sa akin. Kita ang gulat sa kaniyang mga mata na animo'y hindi ako inaasahan na makita sa harapan niya ngayon.Tumagos ang mga mata niya mula sa akin patungo sa likod. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong si Justine ang tinitingnan niya."Naiwan mo 'yung girl friend mo," aniya na ngayon ay hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko."What are you doing here?" tanong ko sa kaniya.After four years, here she is... in front of me. I don't know how to act dahil masiyado akong nagulat sa mga pangyayari at sa hindi pa magandang sitwasyon niya ako nakita. If... If I can just hug her tight, I would.Nalipat ang atensiyon ko sa kaniyang labi nang kagatin niya iyon, bagay na ginagawa niya tuwing pinipigilan niya ang sarili niya na may masabi na kung ano. Hinabol
Matagal ko na tinitigan ang mukha niya. I was controlling myself to make a move just not to scare her.Iyak siya nang iyak sa harapan ko and God knows kung gaano ko pinigilan ang sarili ko na hatakin siya at kulungin sa bisig ko. Seeing her crying in front of me makes me want to cry my heart too.As much as I don't want to see her crying in front of me, wala akong magawa. Hindi ko siya masisisi dahil alam kong sobrang bigat din ang dinadala niya sa kaniyang puso.Umalis siya ng Pilipinas nang walang kalinawan sa mga nangyari noon. Nagtanim siya ng galit at hanggang ngayon ay tila hindi naman iyon nawala.I am not asking her to forgive me anytime soon now. I just want to apologize for what I did. Alam ko rin na hindi ganoon madali magpatawad.Wala sa plano ko ang magpaalam sa kaniya. It was never on my list to talk to her before I go pero wala akong pagpipilian dahil sadyang mukhang ito ang nakatadhana na mangyari."Goodbye," I love you.Hindi ko na napigilan pa ang mga luha na lumadas
"Aurora left her kids here. Hindi ko maiwanan," bungad ni Chris nang sagutin niya ang tawag ko."Where did she go?" salubong ang mga kilay na tanong ko.Hindi pa rin siya nadala sa nangyari noon. She still left anywhere our kids."I told you hindi ko maiwanan ang mga bata. I am here in front of Aurora parents house. The kids where playing outside," balita niya."Diyan na ako didiretso," sagot ko at pinatay na ang tawag.Niliko ko ang manibela upang bumalik. Nagpaalam na may pupuntahan si Christian at hindi ko rin naman kayang iwan ang mga anak ko na walang bantay ang mga iyon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanila.This is the only way, I can do for them. To secure their safety. Matagal akong nawala sa tabi, though not literally since there are times that I visited in Seattle even they weren't aware."Thanks," pagpapasalamat ko aky Chris nang magpaalam na siyang aalis na."Superman!" sigaw ng isang pamilyar na boses ng bata na naging dahilan n
"What are you doing here?" tanong ni Noah.He is in front of me. If eyes could kill baka kanina pa ako nakahilata at pinaglalamayan.May mga pulis lang sa paligid namin and I know how does it feels like. Ang pinagkaiba lang ay nakulong ako dahil sa kagustuhan ni Aurora na makulong ako at itong nasa harapan ko ay dahil sinubukan na pumatay ng isang tao."Did Aurora visited you?" tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot.Nakararating sa akin ang mga nangyayari kay Aurora. Chris was helping me to keep an eye with Aurora. It's not that I want to invade her privacy but I need to. The last time that I decided to stop checking on her, in just a span of fucking second nasa panganib na naman ang buhay niya."Nakalabas na siya ng hospital for your information. It seems your mother didn't tell you nor give any update about Aurora yet," dagdag ko.Napangisi ako nang makita na mukhang naging interesado siya sa pinagsasasabi ko. Awang-awa na ako rito sa kaibigan na ito ni Aurora. Noon pa ay pinap
Naiwan ako na nakaupo rito sa labas ng bahay. Ilang oras na ang nakalilipas at hanggang ngayon ay wala pa rin bumabalik na Lucas at mga anak ko.Ilang beses na akong panay ang silip sa mga sasakyan na dumaraan. Umaasa na isa sa mga sasakyan noon ay sakay sina Luna at Liam.Gusto ko na magpahinga pero hindi ko magawa. Hihintayin ko na makabalik sila rito. Hindi ko kakayanin kung maging ang mga anak ko ay mawawala pa sa akin. Sila na lang ang tanging pamilya na mayroon ako.Lucas cannot just stole my kids away and hide it from me. Ako ang mas may karapatan sa aming dalawa sa mga bata pero ano rin ang magagawa ko kung tuluyan na niyang inilayo sa akin ang mga anak ko.Pinunasan ko ang luha na tumulo mula sa aking mga mata. Napapagod na ako umiyak. Kung alam ko na ganito ang mangyayari ay nanatili na lang kami sa loob ng bahay.Kung alam ko lang na ang pag-iwan ko na iyon sa mga anak ko para lang makausap ang ama nila ay kapalit naman ng pagkawalay ko sa mga anak ko ay hindi ko na sana si
Kulang na lang ay paliparin ko ang sasakyan ko. Ang problema ko pa ay nang dahil na rin sa rush hour ay nahihirapan akong sumingit-singit.Kanina pa ako binubusinahan ng mga sasakyan na ino-overtake-an ko pero mas nanaig sa akin ang kagustuhan na maabutan si Lucas.Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit may kaba akong nararamadaman. Kasasabi ko lang kanina na ilalayo ko ang mga anak ko sa kaniya pero heto ako at halos ibangga na ang sinasakyan makarating lang sa condo building niya.Bakit hindi niya sinabi sa akin na aalis siya? Kung hindi pa sasabihin sa akin ni Noah ay wala akong kaalam-alam.Pagkatapos ng lahat ay aalis siya? Iiwan niya at ibabaon na lang ang lahat? Gusto na niya magbagong buhay at mamuhay nang mas tahimik?Labas sa ilong ang pagbuga ko ng hangin. Napasabunot na lang din ako sa buhok ko habang nakatingin sa sasakyan na nasa harapan ko. Ang ilang segundo na iyon ay parang ilang minuto na."Damn you, Lucas," inis na bulong ko.Panay ang sulyap ko sa cellphone. Hindi ak