Share

TMUW 34: Dream

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang paghaplos sa buhok ko.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang magising ako sa bahay namin. Nakaupo si Lucas sa kama habang ako ay nakahiga.

Tipid siya na ngumiti sa akin. "Lucas," sambit ko. May ngiti na pumaskil sa aking labi habang nakatingin sa kaniya. "Lucas," muling tawag ko sa kaniya.

Ninais ko siyang hawakan ngunit natatakot ako. "Dito ka lang," pagmamakaawa ko. "Mag-away na lang tayo ulit," desperada na sambit ko.

"Aurora," tawag niya sa akin. "Wake up," nakangiting aniya. Humagulgol ako nang tuluyan siya maglaho sa paningin ko. Umiiling na hinanap ko siya sa paligid ko pero wala na siya.

"Aurora," tawag niya ngunit hindi ko na siya mahanap.

"Nasaan ka?" humihikbi na tanong ko. "Hindi kita makita."

"Wake up. Paano mo ako makikita kung nakayuko ka?" nanghihinang tanong niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang magmulat ako at maghabol ng hininga. Tahimik ang paligid at tanging tunog lang ng makina ang siyang naririnig ko sa paligi. Ba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status