Share

TMUW 42: Azrael

Nanginginig sa takot na gumapang ako palabas ng condo. Nanghihina ang mga tuhod ko sa gulat nang bumungad sa akin ang human size plastic statue ni Azrael, the angel of death. Pagbukas ng pinto ay naroroon siya at nakatayo.

Iwinaksi ko ang kamay ni Lucas na siyang bumalik, marahil dahil sa pagsigaw ko.

"Kailan ka ba titigil?" tanong ko. Napatulo na lang ang luha mula sa aking mga mata. "Paano mo naipasok 'yan dito sa loob?" tanong ko muli nang hindi siya umimik.

"Lucas!" tawag ko sa kaniya nang walang imik siya na umalis. Naiwan ako na nakaupo sa sahig habang umiiyak.

Nagmamadali na inipon ko ang mga gamit na sumabog sa lapag at pinagbabalik iyon sa bag ko.

Halos magtatakbo na ako sa pagbaba sa exit upang maabutan si Lucas. Ngunit dahil na rin sa bagal ko na bumaba ay hindi ko na siya naabutan pa sa lobby.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko, nagbabakasakali na masundan ko pa si Lucas. Napahampas na lang ako sa manibela ko nang hindi ko matanaw ang sasakyan niya. Sa huli ay dumiretso ako sa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status