Nanginginig sa takot na gumapang ako palabas ng condo. Nanghihina ang mga tuhod ko sa gulat nang bumungad sa akin ang human size plastic statue ni Azrael, the angel of death. Pagbukas ng pinto ay naroroon siya at nakatayo.Iwinaksi ko ang kamay ni Lucas na siyang bumalik, marahil dahil sa pagsigaw ko."Kailan ka ba titigil?" tanong ko. Napatulo na lang ang luha mula sa aking mga mata. "Paano mo naipasok 'yan dito sa loob?" tanong ko muli nang hindi siya umimik."Lucas!" tawag ko sa kaniya nang walang imik siya na umalis. Naiwan ako na nakaupo sa sahig habang umiiyak.Nagmamadali na inipon ko ang mga gamit na sumabog sa lapag at pinagbabalik iyon sa bag ko.Halos magtatakbo na ako sa pagbaba sa exit upang maabutan si Lucas. Ngunit dahil na rin sa bagal ko na bumaba ay hindi ko na siya naabutan pa sa lobby.Pinaharurot ko ang sasakyan ko, nagbabakasakali na masundan ko pa si Lucas. Napahampas na lang ako sa manibela ko nang hindi ko matanaw ang sasakyan niya. Sa huli ay dumiretso ako sa
Tumawa ako matapos ko siyang balingan dahilan upang matigilan siya sa dapat na paglapit sa akin. "Hobby mo magsinungaling," saad ko."Kilala mo ang tao na may pakana ng lahat ng ito 'di ba," sambit ko. Sa isang iglap ay nawala ang emosyon sa kaniyang mga mata at nag-iwas ng tingin sa akin. "Akala ko ba wala kang alam tungkol sa binibintang ko sa'yo?" tanong ko."Hindi naman ako na-inform na libing ko na pala next month. Nalalaman din pala nila kung kailan ako mamamatay?" natatawang sambit ko patungkol sa lapida. "Ang ganda ko roon sa loob ng coffin," pagkuwento ko."Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong ko."Anong gusto mong sabihin ko?" tanong niya pabalik."Sabi mo wala kang alam tungkol sa mga paratang ko sa'yo pero heto ka mayroon kang mga picture ko na nasa loob ng kabaong at may lapida pa," sambit ko. "Tuwang-tuwa ka ba kapag nakikita mo kung gaano ako kamangmang? Lucas, masaya ba sa pakiramdam na may naloloko ka?""Gaano kahirap sabihin na alam mo ang lahat. Ngayon, sabihin mo sa
I sip my coffee silently as I watch news from the TV. Minabuti ko na dito na lang sa bahay nila Mommy na umuwi. Ilang araw na magmula nang guluhin ako ng mga pangyayari.Tiningnan ko ang cell phone nang muli iyon mag-vibrate. It was Lucas. He was contacting me for days now at wala akong lakas na makipag-usap sa kaniya.Nagagalit ako dahil hindi niya magawang sabihin sa akin kung bakit ako nakakatanggap ng mga death threats. Nagagalit ako sa kaniya dahil parang napakahirap para sa kaniya na linawin kung bakit ko nararanasan ito."Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ni Lucas, Aurora? It might be important," saad ni Daddy nang maabutan ako rito sa sala.Tipid ako na ngumiti at hindi na lang sumagot pa. They know nothing dahil pinili ko rin ko na hindi ipagsabi. Natatakot ako na pati sila madamay sa gulo na bigla na lang akong napasok."Magkaaway kayo?" tanong niya."Hindi po—""Then sagutin mo tawag niya," nakangiting aniya habang tinitingnan ang cell phone ko na muling nag-ring.Alangani
"Daddy, isasama ko na si Aurora sa condo ko. On the process pa lang ang binili ko na villa so for the mean time pagpasensiyahan niyo na kung sa condo ko muna ititira ang anak niyo," paalam ni Lucas.Tinapik siya ni Daddy sa balikat niya at bahagyang tumango. "Alam ko na hindi mo pababayaan ang anak ko," aniya.Tipid lang na ngumiti si Daddy sa kaniya. Nakangiti lang din si Mommy sa amin hanggang sa maihatid kami sa labas.Ayaw ko sumama kay Lucas pero wala rin akong pagpipilian dahil ayaw ko rin na madamay pa sila Daddy. Hindi malabo na dito naman sila magpadala ng death threats at ayaw ko rin na mangyari iyon. Hindi rin naman niya ako pinilit na sumama sa kaniya dahil mas gusto nga niya na dito na lang ako dahil baka wala rin siya sa condo madalas.Napanguso ako nang makita ang motor bike niya. Alam niya na nasa panganib siya ay nagmo-motor bike pa.Hinalikan ko lang sila Mommy at saka sumama na kay Lucas ngunit ganoon na lang ang pagsalubong ng kilay ko nang magkaiba ang tinahak nam
"Lucas, hindi na ako sasama," pagpupumilit ko."Aurora," aniya.Ngumuso ako. "How about si Iris? Come on, dito na lang ako sa condo mo.""You're on your dress and you are already prepared. Let's go," pag-aya niya.Mabilis ako na umiling. The truth is that nagdadalawang-isip din ako kung sasama ako. Knowing Lucas is such a notable person hindi maiiwasan na mapag-usapan ako dahil si Iris ang nakasanayan nila na kasama niya.I even expected na si Iris ang kilala nilang asawa at hindi ako. I don't want to cause another chaos. There's so much happening in my life, do I really afford to add another problem?Isa pa hindi rin ako confident sa sarili ko. I always stamped in my mind that I am not that beautiful enough to be with Lucas. I was just an ordinary lady who don't have any purpose in life yet. Sinanay ko ang sarili ko na isipin na ikinahihiya ako ni Lucas kaya hindi niya ako sinasama sa mga event."Mommy might look for you. What do you want me to tell them? Dahil ayaw mo?" tanong niya.
Halos maghabol ako ng hangin nang magising matapos buhusan ng malamig na tubig.Tawanan ng mga tao ang bumungad sa akin nang imulat ko ang mga mata ko habang ako ay kinakain na ng takot."Sino kayo?" matapang na tanong ko kahit na gusto ko nang umiyak.Lumapit sa akin ang isang lalaki at sumilip ang malademonyong ngisi mula sa kaniyang labi."Hindi mo ako natatandaan?" tanong niya. Itinagilid niya ang kaniyang ulo habang nakatingin sa akin."Hindi ako magtatanong kung kilala kita," pabalang na sagot ko.Tumagilid ang ulo ko nang malakas na sampal ang tumama sa aking pisngi. Nag-igting ang panga ko at masama siya na tiningnan."Anong kasalanan ko sa inyo? May nagawa ba ako sa inyo para gawin niyo ito?""Mukhang natatandaan mo na ako. Nagustuhan mo ba ang mga regalo namin? Nakakatuwa kayong panuorin ng asawa mo na nag-aaway sa parking lot," natutuwang aniya. "Hindi pa ito ang tamang oras para patayin kayong dalawa pero you left us with no choice dahil medyo napabilis na manghinala ka sa
"Ito ba ang gusto mo, Aurora?" kalmadong tanong ni Lucas.Ilang minuto pa lang matapos akong magising sa hospital ay sermon na naman siya nang sermon sa akin. Masakit na nga ang ulo ko ay dinaragdagan pa niya."Matagal ko na sinabi na huwag ka na makialam pa sa kung ano ang nangyayari sa buhay ko pero dahil sa katigasan ng ulo mo ay ito ang napapala mo!""Puwede bang manahimik ka na?" iritado na pagpapatigil ko sa kaniya. "Lucas, hindi pa ako nakakakuha ng sapat na pahinga tapos ngayon kung makasermon ka—""Because you're giving me another problem!" sigaw niya. "Sinabi ko na sa'yo na daragdagan mo lang ang problema ko pero hindi ka nakinig—""Hindi ko rin naman sinabi na idagdag mo ako sa putanginang problema mo. Hindi naman ako humihingi ng tulong sa'yo. Ikaw ang kusang nag-alok ng tulong at tinanggap ko lang iyon. Hindi mo sinabi na masama pala sa loob mo na tumulong, kung sana ipinaalam mo sa akin ay hindi na ako sumama pa sa'yo," pagpuputol ko sa litanya niya.Masakit lang sa paki
Tiningnan ko si Lucas nang tumabi siya sa akin. Sa huli ay dito pa rin naman ako tumuloy sa condo niya."Are you still mad at me?" tanong niya.Sa halip na sumagot ay pinagtuonan ko na lang ng pansin ang pagtutuyo ng buhok ko. Katatapos ko lang maligo dahil halos tatlong araw rin ako na hindi nakaligo dahil sa sugat ko. Although, hindi ko naman hinayaan na bumaho ang katawan ko."Can I?" subok niya muli habang bahagyang hinahawakan ang towel na ipinangtutuyo ko sa buhok ko."Matulog ka na," utos ko."I'm sorry," masuyong sambit niya. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagnguso niya at bahagyang pagtungo. "I didn't really mean to blame you. I was just upset dahil hindi ka nakikinig sa akin. You make me feel who is someone you cannot trust. Napakahirap para sa akin na pasunurin ka sa mga gusto ko na para rin naman sa ikabubuti mo—""Lucas, hindi ko naman kasalanan na pasukin ako rito!" hindi makapaniwalang pagpuputol ko sa kaniya."No— what I mean is dati," natatarantang sagot niya.Na