Share

TMUW 103: Late

Kulang na lang ay paliparin ko ang sasakyan ko. Ang problema ko pa ay nang dahil na rin sa rush hour ay nahihirapan akong sumingit-singit.

Kanina pa ako binubusinahan ng mga sasakyan na ino-overtake-an ko pero mas nanaig sa akin ang kagustuhan na maabutan si Lucas.

Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit may kaba akong nararamadaman. Kasasabi ko lang kanina na ilalayo ko ang mga anak ko sa kaniya pero heto ako at halos ibangga na ang sinasakyan makarating lang sa condo building niya.

Bakit hindi niya sinabi sa akin na aalis siya? Kung hindi pa sasabihin sa akin ni Noah ay wala akong kaalam-alam.

Pagkatapos ng lahat ay aalis siya? Iiwan niya at ibabaon na lang ang lahat? Gusto na niya magbagong buhay at mamuhay nang mas tahimik?

Labas sa ilong ang pagbuga ko ng hangin. Napasabunot na lang din ako sa buhok ko habang nakatingin sa sasakyan na nasa harapan ko. Ang ilang segundo na iyon ay parang ilang minuto na.

"Damn you, Lucas," inis na bulong ko.

Panay ang sulyap ko sa cellphone. Hindi ak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status