Share

TMUW 39: Cake

Hindi ako makatingin kay Lucas habang kumakain kami ng umagahan sa mini dining table niya rito sa kusina.

Kahit lasing ako kagabi ay natatandaan ko ang lahat ng nangyari. Dumagdag pa sa isipin ko ang magising na magkayakap kaming dalawa. Sana lang ay hindi niya alam ang tungkol doon dahil mas nauna akong nagising.

Sinubukan ko na tingnan siya ngunit ako lang din ang unang nag-iwas nang masalubong ang mga mata niya na mukhang inaabangan lang din ang pagsulyap ko sa kaniya.

"Busog— Busog na ako," nauutal na sambit ko at saka ibinaba na ang kubyertos na hawak ko.

Hindi ko alam kung paano aakto ngayon matapos ang nangyari sa aming dalawa.

"Babalik na pala ako sa condo ko mamaya. Hindi na rin siguro ako pupunta rito—"

"Dahil ba sa nangyari kagabi?" pagpuputol niya sa akin.

Natataranta na umiling ako. "Hindi— hindi," halos pasigaw na sagot ko dahilan upang magulat siya.

Napapalunok na tumungo ako. "Magaling ka naman na. Hindi mo na kailangan ng mag-aalaga sa'yo. Titigil ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status