Jela Anderson is a billionaire's daughter who dreamed to become a famous author someday. But, she is shattered from not being accepted and appreciated by anyone but her mother who's wholeheartedly loves her. Jela's father is not a good man, he loathes her and mistreated her mother. Until one day, Jela's mother died into a car accident. Devastated, she runs away from their house and find another place to lived.The one who finds and help her is the Surgeon Doctor named Alastair Hernandez, who takes her home. She start living as his sister. Jela decided to undergo on a plastic surgery with the help of Doctor Hernandez. She become more beautiful on her new face. Then, one day, Jela meets again her father and stepmother. Her anger towards them become more intensified. None of them recognise her. That's why, it's easy for her to execute her brilliant plan...to retaliate against them!
View MoreKINAKABAHAN'G binuksan ko ang gate ng bahay ni Alas.Alas otso na iyon ng umaga kaya't batid kong nasa clinic na si Alas. Dahan-dahan akong humakbang papasok. Kapagkuwa'y kinuha ko ang card sa aking bag upang mabuksan ko ang pintuan. Nahihiya kasi akong tawagin si Tita Ester kaya't maingat akong pumasok. Nagpalinga-linga ako sa sala at sa kamalasan ko'y si Alas mismo ang unang nahagip ng tingin ko. Naroon ito sa couch at tahimik na nagkakape.Kahit kinakabahan ay pikit matang tumikhim pa rin ako upang maagaw ang kanyang atensiyon."Oh, buti pinayagan ka pang umuwi ng pamilya mo?" puno ng sarkasmo sa kanyang tinig. Kaagad akong dumilat at kitang-kita ko kung gaano kabusangot ang kanyang mukha. Kaya't mas dumoble pa tuloy ang kaba na kasalukuyan kong nararamdaman."So-sorry, Alas." Nakayukong wika ko."Oh, c'mon! Just like what i've said before, hindi mo kailangan'g humingi ng sorry sa'kin everytime na may gagawin kang desisyon. Nagulat lang talaga ako sa bigla mong
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging sagot ni dad patungkol sa larawan ko. Isang linggo na rin ang nakalipas pero patuloy pa rin iyon na sumasagi sa isip ko.Ilang buntonghininga na ang pinakawalan ko simula pa kanina ngunit hindi ko talaga magawang mag-focus sa trabaho ko. Maging ang layout artist ng Book Spine Publishing ay hindi ko mareply ng maayos. Nagtatanong na ito sa gusto kong lay out ng aking book na ire-release next week pero wala akong maibigay na suhestiyon. Lumilipad ang isip ko sa kung saan. Dumagdag pa sa isipin ko ang kaarawan ko ngayon. Masamang-masama ang loob ko sa kanila lalo na kay Stacey dahil hindi man lang ako nito nagawang batiin. Samantalang dati-rati ay siya ang kauna-unahang bumabati saakin."Hey! Wala ka bang balak na mag-celebrate ng birthday mo?" Gulat akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Kapagkuwa'y halos maluha ako nang makita kong nakatayo si Nicolo sa pintuan ng opisina ko. Hindi ko inaasahan na si
NAPABALIKWAS ako sa higaan dahil sa sunud-sunod na pagkatok ni Tita Ester sa pintuan ng aking silid. Kaya naman pupungas-pungas na pinagbuksan ko ito ng pinto."Bakit po tita?" kaagad na tanong ko sa kanya."Kakagising mo lang ba? Naku, kanina ka pang hinihintay ni Nicolo.""Tsk, bigla na lang kasi'ng sumusulpot ang taong 'yon na wala man lang pasabi." Naiinis na bulong ko ngunit hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Tita Ester."Bumaba ka na do'n. Kawawa naman 'yong tao. At saka,sabihan mo kaya siya na huwag ng pumunta rito kung ganyan naman'g naiirita ka pala sa kanya." Suhestiyon ng matanda, dahilan upang mapangiti ako."Uhm, tita...na-nakita po ba siya ni Alas?""Naku, paanong magkikita 'yon ay napakaaga na naman'g umalis ng pamangkin ko.Ni-hindi man lang nga nag-almusal eh.?""Ay gano'n po ba. Baka po maraming pasyente si Alas.""Hmm...'yon nga ba ang dahilan? Hindi kaya, nag-away na naman kayo?""Ah, hi-hindi po." Maagap kong tugon na sinabayan ko pa ng sunud-sunod na
PAKIRAMDAM ko ay mabibiyak na ang ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. Habang nakaupo ako sa gilid ng aking kama ay napadako ang tingin ko sa orasan na naroon sa dingding. Kapagkuwa'y namilog pa ang aking mga mata nang makita kong alas diyes na pala ng umaga.Nagmadali akong lumabas ng silid at muntik ko pa nga'ng mabunggo si Tita Ester."Oh, gising ka na pala! Kumusta na ang pakiramdam mo?" anang matanda."Uhm..o-okay lang po ako tita.""Sigurado ka? Halika nga muna, may niluto akong sopas na paniguradong makakatanggal ng hangover mo.""Salamat po. Uhm tita, nasaan po si Alas?""Naku, maagang umalis. Nagbilin nga pala iyon na kapag magising ka raw ay sabihan kita na huwag ka daw munang pumasok sa opisina.""Po? Eh, okay naman na po ang pakiramdam ko.""Yeah pero, mukhang galit na galit si Alas do'n sa Nicolo eh, pati na rin sa'yo.""Ba-bakit daw po?"naguguluhan'g usisa ko."Sino bang kasama mo kagabi, Jela?" anang matanda."Si Stacey po. Tita, nagtataka po ako kung bakit po b
KINABUKASAN ay hindi ko inaasahan'g susunduin ako ni Nicolo sa bahay. At nagkataong si Alas pa ang una niyang nakausap. Kaya naman pakiwari ko tuloy ay mas lalo lamang nadagdagan ang sama ng loob niya saakin."Kanina ka pang hinihintay sa sala ng boyfriend mo." Malamig na saad ni Alas nang magkasalubong kami sa hagdan."Huh? Hindi ko naman boyfriend si Nicolo eh.""Tsk...Hindi pa. Kasi nga nagsisimula pa 'lang ang-""Alas! Pagtatalunan na naman ba natin 'to?" naiinis na tanong ko sa kanya.Ngunit sa halip na sumagot ay iniwanan na lang ako nito. Kaya naman nakasimangot na nagtungo ako sa sala at naroon nga si Nicolo. Ngiting-ngiti pa ito nang makitang papalapit na ako sa kanya."Good morning!" masiglang bati nito saakin."Good morning din. Naku, nag-abala ka pang sunduin ako.""Na'h it's okay. Gusto ko lang patunayan sa'yo na totoo ang mga sinabi ko sa'yo kahapon kaya nandito ako ngayon para simulan ang-""Ssshhh...hinaan mo lang ang boses mo. At saka, huwag natin'
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Kaya naman nagmadali akong pumunta ng kusina para sana magluto ng almusal namin. Subalit, laking gulat ko nang maabutan kong naroon na rin si Tita Ester. Mas maaga pa pala itong nagising kaysa saakin.Tumikhim ako dahilan upang mapalingon ang matanda. ''Oh, ang aga mo yata ngayon ah." Aniya na ibinalik rin kaagad ang tingin sa kanyang niluluto."Uhm, balak ko po sana'ng magluto ng almusal kaya lang eh, mas nauna ka pa po pala saakin." Pilit ang ngiting sagot ko."Naku, sabi ko naman sa'yo, kayang-kaya ko na ang mga gawain dito. Sige na, hintayin mo na lang ako doon sa hapag. Tutal patapos naman na ako rito.""Ay, sige po."Ilang minuto lang ay nakapaghain na nga ang matanda. At sabay na rin kaming nag-almusal."Jela, may itatanong sana ako sa'yo, pero huwag kang magagalit, huh.""Ano po 'yon tita?" "Eh kasi, himala yata na hindi sumabay saatin si Alas. Nag-away ba kayo kahapon?""Hi-hindi naman po. May napag-usapan lang po kami kagabi na
One Year Later... "SO, how's you're first day?" gulat akong napalingon kay Alas.Kakauwi ko lang kasi galing sa kompanya. Yeah, i have my own company now. At unang araw ko ngayon bilang investor ng kompanya ni dad.Mabilis akong naka-recover after my surgery. Six months lang ay okay na ako. At sa loob ng panibagong anim na buwan ay wala akong ibang ginawa kundi asikasuhin ang pagnenegosyo. Iba't-ibang formula ng sabon ang inaral ko para lamang mahigitan ang produkto ng aking ama. At sa awa ng diyos ay nakiayon saakin ang kapalaran. Dahil naungusan na nito ang beauty soap na produkto nila dad.Nangunguna na ang Scarlet beauty soap na isinunod ko sa pangalan ng yumaong kapatid ni Doctor Alastair. Habang ang sabon naman nina dad ay pumapangalawa na lamang ngayon.Kaya no'ng napag-alaman niyang gusto kong mag-invest sa kompanya niya ay walang pagdadalawang isip na pumayag ang aking ama."Hey! Scarlet! I-I mean, Jela." Untag muli saakin ng guwapong doctor."Oh, so-sorry. Ano nga ulit 'yon?
ISANG buwan na lang at ga-graduate na ako sa kolehiyo. Kaya naman pinakiusapan ko si Stacey na dito muna ako sa bahay nila pansamantalang mag-stay. Sa katunayan ay isang linggo na rin ako dito buhat ng umalis ako sa bahay. Ilang araw kong hinintay kung hahanapin man lang ba ako ni dad , ngunit labis lamang akong nadismaya dahil hindi man lang iyon nangyari. Pakiwari ko ay mas lalo pa nga itong natuwa sa aking pag-alis."Hoy, ang lalim na naman ng iniisip mo diyan!" bahagya pa akong nagulat sa biglang pag sita saakin ni Stacey."Sorry. Naalala ko lang kasi si dad eh.""Sus, miss mo na ba?"Sunud-sunod na pag-iling naman ang ginawa ko."Hmm, hulaan ko iniisip mo na naman kung bakit hindi ka man lang niya hinanap, right?""Yeah. Pero okay na ako Stacey." walang gana'ng sambit ko."Siya nga pala, paano ang pambayad mo sa tuition at 'yong sa graduation natin?""Hindi ko poproblemahin 'yon. Saakin nak
BUONG maghapon akong nanatili sa bahay nina Stacey. Kaya naman kahit paano ay naging magaan ang pakiramdam ko. Gabi na rin ng magpasya akong umuwi kaya heto at muli na naman akong nilamon ng kalungkutan habang nagmamaneho.Sinadya kong bagalan ang pagmamaneho nang sa gayo'n ay hindi agad ako makarating sa bahay.Subalit hindi naman nakiayon ang tadhana. Malinis ang kalsada. Walang traffic kaya mabilis pa rin akong nakauwi.Pagtapak ko pa lang sa pintuan ay madilim na anyo agad ni dad ang sumalubong saakin."Where have you been?" aniya."Stacey." Tipid kong tugon at pagkatapos ay humakbang na ako paakyat sa aking silid. Ngunit agad rin niyang nahagip ang aking braso."Kinakausap pa kita kaya huwag mo akong layasan."Mariing sambit pa nito dahilan upang mapatingin ako sa aking braso na bahagya ng namumula dulot ng mahigpit niyang pagkakahawak rito."Nasasaktan ako dad." Reklamo ko."Mas masasaktan ka kung p
Disclaimer:This is just a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are just a product of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living, dead or actual event are purely co-incidentalThe story has also a few mature content so read at your own risk. Thank you for understanding and enjoy reading! TULALA at nangingilid ang aking mga luha habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa vanity mirror na naroon sa silid ni mommy. Matapos kasi akong sampalin at bugbugin ng aking ama ay halos mapuno na naman ng latay ang buo kong katawan pati na rin ang aking pisngi.''Jela, anak!'' dinig kong sigaw ni mom kaya't dali-dali kong pinalis ang aking mga luha.''Mom, ba-bakit niyo po ako hinahanap?'' garalgal ang tinig na t...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments