Share

Chapter Two

Penulis: eZymSeXy_05
last update Terakhir Diperbarui: 2022-03-28 06:31:52

                   LATE na nga ako ng limang minuto nang makarating ako sa unibersidad. Mabuti na lang at late na rin dumating ang aming professor kaya naman wala na akong dapat na alalahanin pa.

Tahimik akong naupo sa aking upuan. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hindi ko man lang nahagilap ang aking kaibigan'g si Stacey.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Tanging siya lang kasi ang kaibigan ko simula pa no'ng first year ako at hanggang ngayon na malapit na akong gumraduate.

Tinatamad kasi akong makisalamuha sa iba lalo pa't wala naman akong kalayaan sa buhay. Ayoko rin'g dumating sa puntong pati ang mga kaibigan ko ay idamay ni dad sa galit niya saakin.

Sunud-sunod na pag buntonghininga ang ginawa ko matapos sumagi sa isip ko ang mga bagay na iyon.

Balak ko sana'ng lumabas muna saglit ng silid na iyon. Ngunit, eksaktong pagtayo ko ay siya naman'g pagdating ni Stacey.

"Uy friendship, sorry na-late ako. Dumaan kasi ako sa plastic surgeon doctor ng ate ko. Hmm...wala pa ba si sir?" ani Stacey habang inilalapag sa upuan ang kanyang mga gamit.

"Wala. Mabuti naman at dumating ka na. Akala ko, absent ka eh." Nakangusong sambit ko.

"Gaga! Hindi ako aabsent. May quiz tayo ngayon eh." Dagdag pa nito.

Hindi agad ako nakakibo. Nawala talaga sa isip ko ang tungkol sa quiz na iyon. Kaya hindi man lang ako nakapag-review.

"Oh, ba't natahimik ka diyan? Hindi ka ba nag-review?" muling usisa ni Stacey.

Nakasimangot akong umiling.

"Bakit na naman? Hmm...let me guess, sinaktan ka na naman ng dad mo?" patuloy na pangungulit nito, dahilan upang mas lalo lang akong matahimik.

"Silence means yes." Nakairap na sambit pa nito. "Hay naku, papakopyahin na lang kita. Alam kong mas lalo ka lang sasaktan ng dad mo kapag nalaman niyang mababa ang score mo sa quiz."

Malungkot akong ngumiti. Kapagkuwa'y yumakap ako sa kaibigan ko.

"Salamat Stacey. Kung wala ka, marahil ay hindi ko maisu-survive ang course na ito." Mangiyak-ngiyak na pahayag ko.

"Sus, wala 'yon. Magkaibigan tayo kaya dapat lang tayo na magtulungan."

"Thank you ulit huh. Babawi-"

Hindi na natuloy ang aming kadramahan dahil bigla ng dumating ang masungit namin'g professor. At tama nga si Stacey, dahil nagpa-quiz agad ito.

Ang mga naunang katanungan ay nasagutan ko pa subalit nang nasa kalagitnaan na ay hirap na akong alalahanin ang sagot. Mabuti na lang at tinupad nga ni Stacey ang sinabi niya kanina.

Nakiayon naman ang pagkakataon at parehong mataas nag nakuha namin'g score. Kaya't muli ko itong pinasalamatan.

"Salamat ulit friendship. Ililibre kita ng dinner para naman makabawi ako sa'yo." Seryoso kong sambit.

"Gaga! Huwag ka nga'ng ganyan. Ang mabuti pa ay samahan mo na lang ako sa clinic ni Dr. Hernandez. Kukuhanin ko kasi 'yong gamot ni ate. Wala pa kasi kanina si doc. pag daan ko do'n eh."

"Doctor Hernandez?" bulalas ko, dahilan upang mangunot ang noo ng kaibigan ko.

"Yup! Bakit, parang gulat na gulat ka yata. Eh di'ba nakuwento ko naman sa'yo dati pa na, nagpa-plastic surgery si ate dahil sa nangyaring aksidente sa kanya."

"Uhm, oo nga pala. Sorry, nakalimutan ko."

"Sus, lutang ka palagi. Tara na nga! Ako na lang ang magda-drive ng kotse mo."

"Huh? Bakit? Wala ka bang dalang kotse?" gulat kong usisa.

"Wala eh. Nag-taxi lang ako kanina." Aniya kaya't ibinigay ko agad sa kanya ang aking car key.

                 PAGDATING namin sa clinic na sinasabi ni Stacey ay halos mangatog ang aking tuhod matapos kong mapagsino ang kanyang tinutukoy. Dahil ang Doctor Hernandez at ang doctor na nabangga ko kanina ang kotse ay iisa lamang pala.

"Miss Dela Vega, here's your-" gulat na napatingin sa gawi ko ang doctor. Hindi na rin nito naituloy pa ang sasabihin kay Stacey dahil natuon na saakin ang kanyang atensiyon.

"Je-Jela?" bulalas ng doctor, dahilan upang magpalipat-lipat ng tingin sa'min si Stacey.

Kapagkuwa'y hinawakan niya ako sa braso at naguguluhan'g nagtanong."Teka nga, magkakilala ba kayo ni Doc. Hernandez?"

"Yeah, kanina lang ay nagkakilala kami." Ang doctor na rin ang sumagot sa tanong ng kaibigan ko.

"Oh, I see." Tanging nasabi na lang ni Stacey matapos bitiwan ang aking braso.

Habang nag-uusap silang dalawa ay sinenyasan ko si Stacey na sa labas ko na lang siya hihintayin. Kaagad naman itong tumango kaya't mabilis rin akong tumalima.

Ilang buntonghininga ang muli kong pinakawalan nang tuluyan na akong makalabas sa clinic na iyon.

Maya-maya lang ay lumabas na nga si Stacey. Kaya naman nakangiti ko itong sinalubong. Subalit gayo'n na lamang ang pamimilog ng aking mga mata nang mahagip ng tingin ko ang papalapit na bulto ni Doctor Hernandez.

Inilang hakbang ko ang distansiya namin ni Stacey at pabulong ko siyang tinanong.

"Bakit nakasunod sa'yo ang doctor na 'yan?" tiim bagang kong tanong sa aking kaibigan.

"Inimbita ko siyang sumama sa dinner natin." Nakangisi nitong sagot.

"What? Nahihibang ka na ba?" gulat ko pa rin'g tanong sa kanya.

"Tsk...bakit ba tila yata mainit ang dugo mo sa kanya? May nangyari ba na-"

"Wala!" maagap kong tugon.

Pagak itong natawa." Eh bakit napapansin ko na para yatang ayaw mo man lang na mapalapit sa kanya?" bulong sa'kin ni Stacey.

"Eh kasi hindi ko kayang labanan ang mga titig niya. Pakiwari ko ay nahuhubaran ako!"nahihiyang pag-amin ko sa aking kaibigan.

Humagalpak naman ito ng tawa, dahilan upang mapatingin sa'min ang doktor na iyon.

"Ang saya niyo yata'ng dal'w*!" gilalas nito.

"Pasensiya ka na doc gan'to talaga kami magharutan ni Jela." Ani Stacey na kaagad naman'g napaniwala ang doctor.

"Siya nga pala doc huwag ka ng magdala ng kotse, tutal may kotse naman si Jela eh 'di sumabay ka na lang sa'min." Dagdag pa ng kaibigan ko.

Pinandilatan ko ito ng mata ngunit binalewala lamang iyon ni Stacey. Ipinilit niya pa rin ang kanyang suhestiyon. Habang ang doktor naman ay panay pag sang-ayon lang ang ginawa.

"Stacey, ikaw na lang ang mag-drive. Do'n na lang ako sa backseat uupo." Nakairap kong sambit na agad naman niyang sinang-ayunan. Ngunit hindi ko inaasahan na may maiisip agad ito na panibagong kalokohan.

"Doc, sa backseat ka na rin maupo para naman may kakuwentuhan do'n ang kaibigan ko. Mabilis pa naman 'yan mainip kapag walang kumakausap sa kanya."

"Stacey!" saway ko rito ngunit tila wala man lang itong narinig.

Wala na rin akong nagawa nang umupo na sa tabi ko ang doktor. Nakakahiya rin kung magrereklamo ako sa mismong harapan niya lalo pa't wala naman siyang ginagawang mali. Kaya't kahit naiilang ay sinikap ko na lang na maging komportable sa tabi niya.

"Uhm, hindi ko inaasahang magkikita ulit tayo Miss Jela." Panimula ng doktor.

Pilit akong napangiti. " Ako rin." Tipid kong tugon.

"Doc, ilang taon ka na pala?" bigla ay sabad ni Stacey.

"Twenty Seven."  Nakangising tugon ng doktor.

"Oh, I see." Tanging nasabi ng kaibigan.Hindi ko rin alam kung bakit naisipan niyang itanong 'yon sa doctor.

Naaasiwa ako tuwing bumubuka ang kanyang bibig at lumalabas ang pantay-pantay niyang mga ngipin. Pakiwari ko ay napakabango ng hininga niya at tila ba kaysarap halikan ng kanyang labi.

Napahinto lang ako sa lihim kong pagnanasa sa kanya nang bigla na naman'g magsalita ang kaibigan ko.

"Single ka pa ba doc?" muling pag usisa ni Stacey.

"Yeah." anang doktor na bahagya pang sumulyap saakin.

Hindi ko na lang ito pinansin. Hindi ko rin kasi maintindihan kung ano nga ba ang nais niyang ipakahulugan sa mga panaka-naka'ng pag sulyap niya saakin. Ayaw ko rin naman na mag-assume na may gusto rin siya saakin dahil imposible naman yata na mangyari agad 'yon.

Nang makarating kami sa isang mamahaling restaurant ay inalalayan pa ako ng doktor sa pagbaba ng kotse. Hinawakan ako nito sa siko kaya naman pakiwari ko ay may kung anong kuryente ang dumaloy sa buo kong sistema.

Hanggang sa makapasok na kami sa loob ng restaurant ay hindi niya pa rin ako binitiwan. Ipinaghila niya rin ako ng silya kaya naman hindi maiwasan ni Stacey ang mapatingin saamin ng doktor na iyon.

Nahuli ko rin kung ilang beses siyang napangiti at tila ba kilig na kilig ito sa ginagawang pag-alalay saakin ni Dr. Hernandez.

Pasimpleng inirapan ko si Stacey ngunit nginitian lamang ako nito na para bang nagpapahiwatig ng panibagong pang-aasar.

Bab terkait

  • Sweet Revenge   Chapter Three

    KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil sa malakas na sigawan nina mommy at daddy sa kabilang silid.Napilitan akong bumangon. Lumabas ako at nilapitan ko ang pintuan ng kanilang silid. Idinikit ko ang aking tainga sa pinto upang malinaw kong marinig ang kanilang pinagtatalunan. Napatakip pa ako sa aking bibig matapos kong marinig na may ibang babae pala ang aking ama."Napakasama mo talaga! Mabuti pa 'yong anak ng kabit mo, sobrang mahal na mahal mo! Samantalang ang sarili mong anak ay parang hayop kung iyong tratuhin!" sigaw ng aking ina."Sinabi ng manahimik ka na eh!" sigaw rin ng aking ama na sinundan pa ng malakas na tunog ng pag sampal niya kay mommy.G

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-28
  • Sweet Revenge   Chapter Four

    MATAPOS ang pag-uusap namin ni Stacey ay dumiretso kami sa isang mall upang bumili ng mga kagamitan na kakailanganin namin para makapag-disguise. Napagdesisyunan namin na sundan si dad nang sa gayo'n ay mabantayan namin ang mga kilos niya."Sure ka bang uubra 'tong plano natin?" pangungulit ko kay Stacey na abala sa paghahanap ng magandang wig."Gaga! Magtiwala ka lang sa'kin at paniguradong magiging successful ang plano." Nakairap niyang tugon."Oo na! Sandali nga at naiihi ako. Iwanan ko muna sa'yo 'tong pouch ko, huh.""Akin na! Bilisan mo lang para makapagsimula agad tayo ng plano!" habilin niya na kanina pa akong iniirapan.

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-28
  • Sweet Revenge   Chapter Five

         NANGANGATOG ang aking mga tuhod habang nilalapitan ko ang kabaong ng aking ina. Pagdating ko kasi kahapon sa hospital ay hindi ko na ito naabutan'g buhay.Sinabi ng mga doctor na dead on arrival ang naganap kaya't kaagad ng inasikaso ng aking ama ang burol nito. Ngayon ay naririto na ito sa aming mansiyon at pinaglalamayan na ng ilan namin'g kamag-anak at kakilala.Karamihan sa mga naroon ay mga kasamahan ni dad sa kompanya.Simula pa kahapon ay walang humpay na ako sa pag-iyak. Mabuti na lang at nariyan pa rin si Stacey sa aking tabi. Kaninang umaga lang ito umalis upang maligo at makapagpalit ng damit. Hindi rin ako makakain. Pakiwari ko ay tuluyan ng gumuho ang aking mundo.  Wala na rin kasi akong naiisip na dahilan para lumaban pa sa buhay. Wala na ang aking ina na siyang naniniwala at nagtitiwala saakin. Kaya't parang wala na rin'g silbi kung magpapatuloy pa ako.Niyakap ko ang kabaong ng aking ina at doon ay mas lalo pang luma

    Terakhir Diperbarui : 2022-04-15
  • Sweet Revenge   Chapter Six

                      BUONG maghapon akong nanatili sa bahay nina Stacey. Kaya naman kahit paano ay naging magaan ang pakiramdam ko. Gabi na rin ng magpasya akong umuwi kaya heto at muli na naman akong nilamon ng kalungkutan habang nagmamaneho.Sinadya kong bagalan ang pagmamaneho nang sa gayo'n ay hindi agad ako makarating sa bahay.Subalit hindi naman nakiayon ang tadhana. Malinis ang kalsada. Walang traffic kaya mabilis pa rin akong nakauwi.Pagtapak ko pa lang sa pintuan ay madilim na anyo agad ni dad ang sumalubong saakin."Where have you been?" aniya."Stacey." Tipid kong tugon at pagkatapos ay humakbang na ako paakyat sa aking silid. Ngunit agad rin niyang nahagip ang aking braso."Kinakausap pa kita kaya huwag mo akong layasan."Mariing sambit pa nito dahilan upang mapatingin ako sa aking braso na bahagya ng namumula dulot ng mahigpit niyang pagkakahawak rito."Nasasaktan ako dad." Reklamo ko."Mas masasaktan ka kung p

    Terakhir Diperbarui : 2022-04-20
  • Sweet Revenge   Chapter Seven

    ISANG buwan na lang at ga-graduate na ako sa kolehiyo. Kaya naman pinakiusapan ko si Stacey na dito muna ako sa bahay nila pansamantalang mag-stay. Sa katunayan ay isang linggo na rin ako dito buhat ng umalis ako sa bahay. Ilang araw kong hinintay kung hahanapin man lang ba ako ni dad , ngunit labis lamang akong nadismaya dahil hindi man lang iyon nangyari. Pakiwari ko ay mas lalo pa nga itong natuwa sa aking pag-alis."Hoy, ang lalim na naman ng iniisip mo diyan!" bahagya pa akong nagulat sa biglang pag sita saakin ni Stacey."Sorry. Naalala ko lang kasi si dad eh.""Sus, miss mo na ba?"Sunud-sunod na pag-iling naman ang ginawa ko."Hmm, hulaan ko iniisip mo na naman kung bakit hindi ka man lang niya hinanap, right?""Yeah. Pero okay na ako Stacey." walang gana'ng sambit ko."Siya nga pala, paano ang pambayad mo sa tuition at 'yong sa graduation natin?""Hindi ko poproblemahin 'yon. Saakin nak

    Terakhir Diperbarui : 2022-04-23
  • Sweet Revenge   Chapter Eight

    One Year Later... "SO, how's you're first day?" gulat akong napalingon kay Alas.Kakauwi ko lang kasi galing sa kompanya. Yeah, i have my own company now. At unang araw ko ngayon bilang investor ng kompanya ni dad.Mabilis akong naka-recover after my surgery. Six months lang ay okay na ako. At sa loob ng panibagong anim na buwan ay wala akong ibang ginawa kundi asikasuhin ang pagnenegosyo. Iba't-ibang formula ng sabon ang inaral ko para lamang mahigitan ang produkto ng aking ama. At sa awa ng diyos ay nakiayon saakin ang kapalaran. Dahil naungusan na nito ang beauty soap na produkto nila dad.Nangunguna na ang Scarlet beauty soap na isinunod ko sa pangalan ng yumaong kapatid ni Doctor Alastair. Habang ang sabon naman nina dad ay pumapangalawa na lamang ngayon.Kaya no'ng napag-alaman niyang gusto kong mag-invest sa kompanya niya ay walang pagdadalawang isip na pumayag ang aking ama."Hey! Scarlet! I-I mean, Jela." Untag muli saakin ng guwapong doctor."Oh, so-sorry. Ano nga ulit 'yon?

    Terakhir Diperbarui : 2022-04-28
  • Sweet Revenge   Chapter Nine

    KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Kaya naman nagmadali akong pumunta ng kusina para sana magluto ng almusal namin. Subalit, laking gulat ko nang maabutan kong naroon na rin si Tita Ester. Mas maaga pa pala itong nagising kaysa saakin.Tumikhim ako dahilan upang mapalingon ang matanda. ''Oh, ang aga mo yata ngayon ah." Aniya na ibinalik rin kaagad ang tingin sa kanyang niluluto."Uhm, balak ko po sana'ng magluto ng almusal kaya lang eh, mas nauna ka pa po pala saakin." Pilit ang ngiting sagot ko."Naku, sabi ko naman sa'yo, kayang-kaya ko na ang mga gawain dito. Sige na, hintayin mo na lang ako doon sa hapag. Tutal patapos naman na ako rito.""Ay, sige po."Ilang minuto lang ay nakapaghain na nga ang matanda. At sabay na rin kaming nag-almusal."Jela, may itatanong sana ako sa'yo, pero huwag kang magagalit, huh.""Ano po 'yon tita?" "Eh kasi, himala yata na hindi sumabay saatin si Alas. Nag-away ba kayo kahapon?""Hi-hindi naman po. May napag-usapan lang po kami kagabi na

    Terakhir Diperbarui : 2022-05-13
  • Sweet Revenge   Chapter Ten

    KINABUKASAN ay hindi ko inaasahan'g susunduin ako ni Nicolo sa bahay. At nagkataong si Alas pa ang una niyang nakausap. Kaya naman pakiwari ko tuloy ay mas lalo lamang nadagdagan ang sama ng loob niya saakin."Kanina ka pang hinihintay sa sala ng boyfriend mo." Malamig na saad ni Alas nang magkasalubong kami sa hagdan."Huh? Hindi ko naman boyfriend si Nicolo eh.""Tsk...Hindi pa. Kasi nga nagsisimula pa 'lang ang-""Alas! Pagtatalunan na naman ba natin 'to?" naiinis na tanong ko sa kanya.Ngunit sa halip na sumagot ay iniwanan na lang ako nito. Kaya naman nakasimangot na nagtungo ako sa sala at naroon nga si Nicolo. Ngiting-ngiti pa ito nang makitang papalapit na ako sa kanya."Good morning!" masiglang bati nito saakin."Good morning din. Naku, nag-abala ka pang sunduin ako.""Na'h it's okay. Gusto ko lang patunayan sa'yo na totoo ang mga sinabi ko sa'yo kahapon kaya nandito ako ngayon para simulan ang-""Ssshhh...hinaan mo lang ang boses mo. At saka, huwag natin'

    Terakhir Diperbarui : 2022-05-14

Bab terbaru

  • Sweet Revenge   Chapter Fourteen

    KINAKABAHAN'G binuksan ko ang gate ng bahay ni Alas.Alas otso na iyon ng umaga kaya't batid kong nasa clinic na si Alas. Dahan-dahan akong humakbang papasok. Kapagkuwa'y kinuha ko ang card sa aking bag upang mabuksan ko ang pintuan. Nahihiya kasi akong tawagin si Tita Ester kaya't maingat akong pumasok. Nagpalinga-linga ako sa sala at sa kamalasan ko'y si Alas mismo ang unang nahagip ng tingin ko. Naroon ito sa couch at tahimik na nagkakape.Kahit kinakabahan ay pikit matang tumikhim pa rin ako upang maagaw ang kanyang atensiyon."Oh, buti pinayagan ka pang umuwi ng pamilya mo?" puno ng sarkasmo sa kanyang tinig. Kaagad akong dumilat at kitang-kita ko kung gaano kabusangot ang kanyang mukha. Kaya't mas dumoble pa tuloy ang kaba na kasalukuyan kong nararamdaman."So-sorry, Alas." Nakayukong wika ko."Oh, c'mon! Just like what i've said before, hindi mo kailangan'g humingi ng sorry sa'kin everytime na may gagawin kang desisyon. Nagulat lang talaga ako sa bigla mong

  • Sweet Revenge   Chapter Thirteen

    HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging sagot ni dad patungkol sa larawan ko. Isang linggo na rin ang nakalipas pero patuloy pa rin iyon na sumasagi sa isip ko.Ilang buntonghininga na ang pinakawalan ko simula pa kanina ngunit hindi ko talaga magawang mag-focus sa trabaho ko. Maging ang layout artist ng Book Spine Publishing ay hindi ko mareply ng maayos. Nagtatanong na ito sa gusto kong lay out ng aking book na ire-release next week pero wala akong maibigay na suhestiyon. Lumilipad ang isip ko sa kung saan. Dumagdag pa sa isipin ko ang kaarawan ko ngayon. Masamang-masama ang loob ko sa kanila lalo na kay Stacey dahil hindi man lang ako nito nagawang batiin. Samantalang dati-rati ay siya ang kauna-unahang bumabati saakin."Hey! Wala ka bang balak na mag-celebrate ng birthday mo?" Gulat akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Kapagkuwa'y halos maluha ako nang makita kong nakatayo si Nicolo sa pintuan ng opisina ko. Hindi ko inaasahan na si

  • Sweet Revenge   Chapter Twelve

    NAPABALIKWAS ako sa higaan dahil sa sunud-sunod na pagkatok ni Tita Ester sa pintuan ng aking silid. Kaya naman pupungas-pungas na pinagbuksan ko ito ng pinto."Bakit po tita?" kaagad na tanong ko sa kanya."Kakagising mo lang ba? Naku, kanina ka pang hinihintay ni Nicolo.""Tsk, bigla na lang kasi'ng sumusulpot ang taong 'yon na wala man lang pasabi." Naiinis na bulong ko ngunit hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Tita Ester."Bumaba ka na do'n. Kawawa naman 'yong tao. At saka,sabihan mo kaya siya na huwag ng pumunta rito kung ganyan naman'g naiirita ka pala sa kanya." Suhestiyon ng matanda, dahilan upang mapangiti ako."Uhm, tita...na-nakita po ba siya ni Alas?""Naku, paanong magkikita 'yon ay napakaaga na naman'g umalis ng pamangkin ko.Ni-hindi man lang nga nag-almusal eh.?""Ay gano'n po ba. Baka po maraming pasyente si Alas.""Hmm...'yon nga ba ang dahilan? Hindi kaya, nag-away na naman kayo?""Ah, hi-hindi po." Maagap kong tugon na sinabayan ko pa ng sunud-sunod na

  • Sweet Revenge   Chapter Eleven

    PAKIRAMDAM ko ay mabibiyak na ang ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. Habang nakaupo ako sa gilid ng aking kama ay napadako ang tingin ko sa orasan na naroon sa dingding. Kapagkuwa'y namilog pa ang aking mga mata nang makita kong alas diyes na pala ng umaga.Nagmadali akong lumabas ng silid at muntik ko pa nga'ng mabunggo si Tita Ester."Oh, gising ka na pala! Kumusta na ang pakiramdam mo?" anang matanda."Uhm..o-okay lang po ako tita.""Sigurado ka? Halika nga muna, may niluto akong sopas na paniguradong makakatanggal ng hangover mo.""Salamat po. Uhm tita, nasaan po si Alas?""Naku, maagang umalis. Nagbilin nga pala iyon na kapag magising ka raw ay sabihan kita na huwag ka daw munang pumasok sa opisina.""Po? Eh, okay naman na po ang pakiramdam ko.""Yeah pero, mukhang galit na galit si Alas do'n sa Nicolo eh, pati na rin sa'yo.""Ba-bakit daw po?"naguguluhan'g usisa ko."Sino bang kasama mo kagabi, Jela?" anang matanda."Si Stacey po. Tita, nagtataka po ako kung bakit po b

  • Sweet Revenge   Chapter Ten

    KINABUKASAN ay hindi ko inaasahan'g susunduin ako ni Nicolo sa bahay. At nagkataong si Alas pa ang una niyang nakausap. Kaya naman pakiwari ko tuloy ay mas lalo lamang nadagdagan ang sama ng loob niya saakin."Kanina ka pang hinihintay sa sala ng boyfriend mo." Malamig na saad ni Alas nang magkasalubong kami sa hagdan."Huh? Hindi ko naman boyfriend si Nicolo eh.""Tsk...Hindi pa. Kasi nga nagsisimula pa 'lang ang-""Alas! Pagtatalunan na naman ba natin 'to?" naiinis na tanong ko sa kanya.Ngunit sa halip na sumagot ay iniwanan na lang ako nito. Kaya naman nakasimangot na nagtungo ako sa sala at naroon nga si Nicolo. Ngiting-ngiti pa ito nang makitang papalapit na ako sa kanya."Good morning!" masiglang bati nito saakin."Good morning din. Naku, nag-abala ka pang sunduin ako.""Na'h it's okay. Gusto ko lang patunayan sa'yo na totoo ang mga sinabi ko sa'yo kahapon kaya nandito ako ngayon para simulan ang-""Ssshhh...hinaan mo lang ang boses mo. At saka, huwag natin'

  • Sweet Revenge   Chapter Nine

    KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Kaya naman nagmadali akong pumunta ng kusina para sana magluto ng almusal namin. Subalit, laking gulat ko nang maabutan kong naroon na rin si Tita Ester. Mas maaga pa pala itong nagising kaysa saakin.Tumikhim ako dahilan upang mapalingon ang matanda. ''Oh, ang aga mo yata ngayon ah." Aniya na ibinalik rin kaagad ang tingin sa kanyang niluluto."Uhm, balak ko po sana'ng magluto ng almusal kaya lang eh, mas nauna ka pa po pala saakin." Pilit ang ngiting sagot ko."Naku, sabi ko naman sa'yo, kayang-kaya ko na ang mga gawain dito. Sige na, hintayin mo na lang ako doon sa hapag. Tutal patapos naman na ako rito.""Ay, sige po."Ilang minuto lang ay nakapaghain na nga ang matanda. At sabay na rin kaming nag-almusal."Jela, may itatanong sana ako sa'yo, pero huwag kang magagalit, huh.""Ano po 'yon tita?" "Eh kasi, himala yata na hindi sumabay saatin si Alas. Nag-away ba kayo kahapon?""Hi-hindi naman po. May napag-usapan lang po kami kagabi na

  • Sweet Revenge   Chapter Eight

    One Year Later... "SO, how's you're first day?" gulat akong napalingon kay Alas.Kakauwi ko lang kasi galing sa kompanya. Yeah, i have my own company now. At unang araw ko ngayon bilang investor ng kompanya ni dad.Mabilis akong naka-recover after my surgery. Six months lang ay okay na ako. At sa loob ng panibagong anim na buwan ay wala akong ibang ginawa kundi asikasuhin ang pagnenegosyo. Iba't-ibang formula ng sabon ang inaral ko para lamang mahigitan ang produkto ng aking ama. At sa awa ng diyos ay nakiayon saakin ang kapalaran. Dahil naungusan na nito ang beauty soap na produkto nila dad.Nangunguna na ang Scarlet beauty soap na isinunod ko sa pangalan ng yumaong kapatid ni Doctor Alastair. Habang ang sabon naman nina dad ay pumapangalawa na lamang ngayon.Kaya no'ng napag-alaman niyang gusto kong mag-invest sa kompanya niya ay walang pagdadalawang isip na pumayag ang aking ama."Hey! Scarlet! I-I mean, Jela." Untag muli saakin ng guwapong doctor."Oh, so-sorry. Ano nga ulit 'yon?

  • Sweet Revenge   Chapter Seven

    ISANG buwan na lang at ga-graduate na ako sa kolehiyo. Kaya naman pinakiusapan ko si Stacey na dito muna ako sa bahay nila pansamantalang mag-stay. Sa katunayan ay isang linggo na rin ako dito buhat ng umalis ako sa bahay. Ilang araw kong hinintay kung hahanapin man lang ba ako ni dad , ngunit labis lamang akong nadismaya dahil hindi man lang iyon nangyari. Pakiwari ko ay mas lalo pa nga itong natuwa sa aking pag-alis."Hoy, ang lalim na naman ng iniisip mo diyan!" bahagya pa akong nagulat sa biglang pag sita saakin ni Stacey."Sorry. Naalala ko lang kasi si dad eh.""Sus, miss mo na ba?"Sunud-sunod na pag-iling naman ang ginawa ko."Hmm, hulaan ko iniisip mo na naman kung bakit hindi ka man lang niya hinanap, right?""Yeah. Pero okay na ako Stacey." walang gana'ng sambit ko."Siya nga pala, paano ang pambayad mo sa tuition at 'yong sa graduation natin?""Hindi ko poproblemahin 'yon. Saakin nak

  • Sweet Revenge   Chapter Six

                      BUONG maghapon akong nanatili sa bahay nina Stacey. Kaya naman kahit paano ay naging magaan ang pakiramdam ko. Gabi na rin ng magpasya akong umuwi kaya heto at muli na naman akong nilamon ng kalungkutan habang nagmamaneho.Sinadya kong bagalan ang pagmamaneho nang sa gayo'n ay hindi agad ako makarating sa bahay.Subalit hindi naman nakiayon ang tadhana. Malinis ang kalsada. Walang traffic kaya mabilis pa rin akong nakauwi.Pagtapak ko pa lang sa pintuan ay madilim na anyo agad ni dad ang sumalubong saakin."Where have you been?" aniya."Stacey." Tipid kong tugon at pagkatapos ay humakbang na ako paakyat sa aking silid. Ngunit agad rin niyang nahagip ang aking braso."Kinakausap pa kita kaya huwag mo akong layasan."Mariing sambit pa nito dahilan upang mapatingin ako sa aking braso na bahagya ng namumula dulot ng mahigpit niyang pagkakahawak rito."Nasasaktan ako dad." Reklamo ko."Mas masasaktan ka kung p

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status