Si Luna Natividad ay ang nag-iisang anak ng kilalang negosyante sa bansa, bilang nag-iisang anak ay lahat ng bagay ay nakukuha. Ngunit hindi ang pag-mamahal na kay tagal na niyang pinapangarap. Sa kabila nang lahat ay naging mabuting anak pa rin ito,at nagsisikap upang maabot ang pangarap at mapansin din ng kanyang mga magulang. Sa isang gabi na hindi inaasahan na mangyari ay mababago ang lahat. Si Luna ay na buntis ng isang sikat na Volleyball Captain ng kanilang Unibersidad. Isang lalaki na nangarap upang maitaguyod ang buhay, at upang magkaroon ng magandang trabaho, dahil walang mga magulang na kinalakihan ito. Tanging siya lang ang bumuhay sa kanyang sarili, gamit ang talino, kasipagan, at tiwala sa sarili, at higit sa lahat sa Maykapal. Takot man sa nangyari ay walang balak si Luna na ipa-abort ang bata na kagustuhan ng binata. Nang malaman ng kanyang mga magulang ang kanyang sitwasyon ay pinalayas ito. Nasaktan niya ng labis ang kanyang mga magulang kaya labis din ang dismayado niya sa kanyang sarili. Ngunit nag-patuloy pa rin si Luna sa pag-aaral. Ayaw ni Luna na huminto dahil alam niya sa sarili niya na kaya niya kahit may dinadala na siyang baby sa sinapupunan niya. Hindi iyun magiging hadlang na makapag tapos, at kahit papano ay magiging proud ang kanyang mga magulang na tinapos niya pa rin,kahit na dudumugin siya ng media kapag nalaman ng buong school ang kanyang sitwasyon. At ganun din si Kyro,na may paninindigan, at tiwala sa sarili.
View More“ Ano itong nabalitaan ko, Kyro. The rumor is already circulating around the campus, ” wika ni Mrs. Suarez, Dean ng Saint Francis University. Kita mo ang pag-aalala sa mukha niya. Marami pa siyang sinabi pero dinenay naman ito agad ni Kyro.
“ I really don't have any idea about it, ma'am, “ tugon ng binata.Napahinga nang malalim si Mrs. Suarez. “ You must graduate Kyro, you only have yourself. You don't want you to be involved in that family again. Hindi mo gugustuhin na banggain ang pamilya Natividad. ” Alam ni Kyro kung ano ang ibig sabihin ni Mrs. Suarez.“ I know ma'am, that's why I want to make it clear with you. I don't want the rumor to speculate and ruin someone's name because of the wrong news that was circulating around the campus. I apologize for the inconvenience ma'am, ” anito at napakamot pa sa kanyang ulo. He’s always polite when talking.“ That's good to hear, what a relief, ” nakangiting sabi ni Mrs. Suarez. “ You may go back now, congratulations again, Mr. Heartthrob, ” pag-bibiro nito sa binata.Sa gandang lalaki ni Kyro ay hindi talaga maiiwasan na hindi ito purihin ng mga professor o sino man ang nakakasalamuha n'ya. Bukod sa academic achiever at sports achiever, ay hard working din kasi ang binata. Lumaki man siyang wala ang mga magulang, ay itinaguyod niya ang sarili niya upang maabot ang kanyang mga pangarap.“ Oh, anong sinabi ni Mrs. Suarez? Nagalit ba? Sinigawan ka ba pre? ” makulit na tanong ni Mike.“ Inayos ko lang yung rumored, and denied everything, ” kalmado nitong salita, ngunit sa loob nito ay puputok na sa kaba at takot.“ Mabuti naman kung ganun nga. Malakas ka naman kay Mrs. Suarez, pero pre… what if totoo? ” seryosong tanong ni Mike, habang tiningnan siya nito.Umiwas naman agad si Kyro ng tingin dahil baka mahalata siya nito na may tinatago.“ Excuse me, pre… Cr muna ako, paputok na pantog ko, ” palusot ni Kyro sa kaibigan at dali-daling umalis sa inuupuan.Pagpasok nito sa Cr ay agad siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Maluwag na ang kanyang dibdib ngunit parang may kung anong malakas na tambol na kumakalabog sa loob nito .Hindi lang siya sa sarili niya nag-aalala, pero maging sa dalaga din na naka-one night stand niya. Natatakot si Kyro na baka may gawin ang dalaga na ikasira niya.Ayaw niyang mabahiran nang masama ang kanyang reputation sa school, at baka hindi siya maka graduate. Alam niya ang rules ng Saint Francis University lalo na sa kanya na full scholarship.“ I have to do something, natatakot ako rito. Naguguluhan na ako, God help me solve my problem one last time, ” anito sa sarili.Napa hilamos na lang ito sa kanyang mukha at hindi talaga alam ang gagawin. Mahalaga sa kanya ang makapag tapos dahil ito na lang ang nag-iisang pag-asa niya.Natapos ang araw at nasa convenience store na naman ang binata upang mag-trabaho. Buong araw itong nasa school dahil may training din ito. Masipag talaga siya.Minsan ay sukong-suko na siya pero patuloy pa rin sa laban sa buhay.“ Ano ba bibilhin mo pre at dito mo talaga naisipan bumili? ”Agad na napatingin si Kyro sa entrance kung sino ang kakapasok lang ng mga customers. Nagulat pa siya dahil isa ito sa mga kaklase niya sa ibang departamento.“ Oy, Kyro, dito ka pala nag-ta-trabaho? Nako, kung ganun nga at totoo ang kumakalat na balita tungkol sa inyo ni Miss Luna ay hindi mo mabubusog si Luna niyan. Sweldo mo rito, pocket money lang ni Luna, ” wika ng lalaki na halata naman na nang-aasar lang sa kanya.Alam niyang iniinsulto siya ng lalaki pero ayaw niyang ipahalata rito. Naikuyom na lamang niya ang mga kamay niya upang pigilan ang sarili niya dahil ayaw niya ng gulo.“ Akala ko ba at naabot tenga niyo na ang totoo. Hindi kami pamilyar sa isa't isa ni Luna. It was the first time we met, and the news suddenly blew like crazy. So what do you expect me to react kung tinutukso ang isang kagaya ko sa isang prinsesa diba? ” pabiro na wika ni Kyro pero bakas mo sa mukha niya ang pagkainis.The news about them spread when Luna and Kyro suddenly talked outside the comfort room, it was the day when Luna had her morning sickness. Nobody expected them to talk even if it’s just a minute. Gossip spread like wildfire. Ganun talaga ang mga tao, gagawa talaga yan ng mga chismis kahit ‘di nila alam ang totoo.Ang case nila ni Luna ay katulad na rin sa mga kumakalat na balita, wala nga lang silang relasyon sa totoong buhay.“ You better know your place, Mr. Heartthrob, ” natatawa na wika ng kaklase ni Kyro bago ito lumabas ng convenience store kasama ng mga barkada nito. Napailing na lang si Kyro dahil sa kanya. Kilala niya ‘yon at ang mga kasama niya. Mga basagulero at puro away lang ang dala sa school. Kung maaari ay ayaw niyang makabangga ang mga lokong yun.SA MANSYON NG PAMILYA NATIVIDADNasa sala ang mga magulang ni Luna. They're talking about business again. Kahit sa bahay ay trabaho pa rin ang inaatupag ng mag-asawa. Hindi na lang kumibo si Luna nang makita ang mga magulang niya na seryoso na nakatitig sa kanilang laptop. Nawalan siya agad ng ganang kumain kaya umalis na lang siya at pumasok sa kwarto niya.“ Busy? They have no time to spend with me for the thousandth time. Perhaps they are complacent because I am old enough to act like their baby, ” aniya at napanguso na lang at umupo sa kama niya.Agad niyang pinahidan ang mga luha nagsisimula nang mag-unahan. Kahit ilang beses niyang punasan ang mga mata ay patuloy pa rin ang pag-agos nito. Humihikbi na siya, at masama talaga ang loob niya sa mga magulang niya.Hindi lang kasi attention ng mga ito ang kailangan niya, kundi pati na rin sa kung papaano niya sasabihin sa mga magulang niya ang problema niya na nagdadalang tao siya.“ That one night, that one night changed everything about me. It was not intentional, I didn't even know why it happened. Kyro also said that it was not intentional. Is he also a victim? ” tanong nito sa sarili at biglang napa-isip.Nangyari ang lahat sa party ng pinsan niyang si Megs. Megan is her cousin, birthday kasi nito kaya nag-pa-party ito sa kanilang mansyon.At first she didn't want to go there, but Megs forced her to go. Dahil ayaw niyang magtampo ang pinsan niya kaya pumunta na lang siya.Nang magsimula ang party ay hindi gaanong nakipaghalubilo si Luna. Hindi kasi siya sanay na maging wild na gaya ng mga taong nakapaligid sa kanya na masayang nagsasayawan at nagtatawanan kaya nasa gilid lang siya at pinili nalang na magmasid sa iba.“ One shot? Hindi ka pa umiinom, Luna, “ pag-aalok ng isang glass ng wine sa kanya ng pinsan niyang si Alexa, nakakatandang kapatid ni Megan, matapos siya nitong lapitan.Noong una ay hindi ito agad na tinanggap ni Luna. “ Wala sa plano ko ang uminom ngayon, Ate eh, ” naiilang niyang sabi.Agad na napasimangot si Alexa na tila ba ay nagtatampo. “ Come on, Luna, isang baso lang naman. I'll feel bad kapag ‘di mo ‘to ininom, sige ka. ”Napilitan nalang si Luna na sundin ang gusto ng pinsan niya. Ayaw niya kasi na magkasamaan pa sila ng loob dalawa.“ Fine. “ Ininom niya ang laman ng baso. Agad siyang nahilo run kaya naisip niyang mag Cr na muna. “ I-I’ll be back, sorry, “ sinapo niya ang noo niya.Ngiti lang ang iginanti ni Alexa.Dahan-dahang nag-iba ang pakiramdam ni Luna habang naglalakad siya. Para bang nag-init ang buo niyang katawan at may kung ano siyang hinahanap. Nagpagewang-gewang siya hanggang tuluyan na nga siyang matumba.“ Woah, what's that? “ naiusal ng mga nakapansin sa kanya.“ Miss, okay ka lang? “ isang bisig ng estranghero ang sumalo sa dalaga.Pinagmasdan ni Luna ang labi ng binata. “ Spend the night with me, ” nang-aakit niyang sabi sa binata.Napakunot ang noo ng estranghero na tutugon pa sana pero bigla nalang siyang hinalikan ni Luna.Nagulat na lang ang dalaga nang magising siya na nasa kama na at may kasama pang lalaki. Napasinghap siya nang makilala ang binata.It's Kyro Hanson Tuazon, ang tinaguriang Mr. Heartthrob ng Unibersidad.Napapikit nalang si Luna matapos niyang maalala ang lahat. Naisip niyang lumabas ng kwarto at nadatnan niya agad ang mga magulang niyang busy pa rin sa paglalaptop.“ Mom, Dad lalabas po muna ako saglit, mag-papahangin lang po. ” Basag katahimikan niya sa mga magulang niyang hindi man lang siya nilingon.“ Yes, go ahead iha. Careful on driving okay, ” paalala ng ina.“ Yes, mom. “ Tipid na ngumiti si Luna.Agad siyang lumabas ng mansyon matapos nun at tinungo ang kotse niya. Alam niya namang mag-maneho pero nag-papahtid pa rin talaga siya sa school. For safety purposes na rin. Pero kapag mga ganitong may malalim siyang iniisip ay mas pipiliin niyang magkaroon na Luna ng privacy.Sa tabing dagat niya inihinto ang kotse niya, na malapit lang din sa gilid lang ng kalsada. May mga convenience store sa kanyang paligid na nasa kabilang kanto. Maliwanag ang gabi dahil sa sinag ng buwan.Pumikit siya upang langhapin ang masarap na simoy ng hangin. Tanging naririnig na lamang niya ay ang bawat pag-hampas ng malalaking alon mula sa karagatan.The breeze is cold but it doesn't bother her. She wants to relax her mind. Nalilito pa rin kasi ang isip niya. She doesn’t know how to tell her problem to her parents.“ Hindi maganda sa buntis ang maggala-gala sa gabi, alam mo ba yun? ” Nagulat si Luna nang may biglang nagsalita mula sa kanyang likuran.“ H-ha? I-ikaw pala, ” wika ng dalaga na nautal pa dahil si Kyro ang nasa harapan niya ngayon. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot, at kirot sa puso niya. Napayakap na lang siya sa sarili niya nang maramdaman na ang maginaw na simoy ng hangin mula sa dagat.Nasa gilid pa rin sila ng kalsada. Hindi alam ng dalawa kung ano ang gagawin. After ng confrontation nila ay hindi na sila nag-kita pa, or nag-usap muli.Luna doesn't know how to react dahil hindi naman siya sanay na may nakakausap na lalaki. Sumagi pa sa utak niya kung paano siya nito sinigawan, at ipa-abort ang bata.“ Here take this, ” Kyro said nang napansin niyang nanginginig ang dalaga. He handed her his jacket. Parang gusto pang tumanggi ni Luna pero bago paman siya makapagsalita ay agad nang naipatong ni Kyro sa balikat niya ang jacket ng binata.“ No, hindi na kailangan Kyro. ” mahinang wika ni Luna.Umiling lang si Kyro. “ No, ‘wag kang magpapaginaw, at iwasan mo ang pag-gala sa gabi, hindi maganda sa buntis yan. ” muling sabi ni Kyro sa kanya tapos huminga ito nang malalim.Yumuko si Luna at parang maiiyak na naman. Agad na nag-alala si Kyro dahil hindi niya alam kung paano mag comfort ng babae. Masyado siyang abala para magkaroon ng oras sa pagnonobya, at dahil naalala niya rin ang mga nasabi niya kay Luna.“ Gusto mo ba ng sabaw? Ipag-luluto kita, ” ani Kyro. Napatingin naman si Luna sa kanya, puno ito ng gulat at pagtataka.“ Seryoso? Sabaw lang? Pwede bang sinabawan na bangus? Kasi favorite ko yun eh, ” nakangusong wika nito. Parang nabuhayan ng dugo si Kyro sa inakto nito. Nawala agad ang pananamlay niya at nagkainteres agad sa sabaw na inoffer niya dahil na rin siguro sa pagbubuntis nito.Palihim na napangiti si Kyro. Agad nitong hinila ang dalaga at nagpatangay naman ito sa kanya. Surprisingly, hindi nakaramdam ng takot si Luna sa piling ng binata.“ Saan tayo pupunta? ” tanong ng dalaga.“ Sa bahay k—ay hindi sa bh ko, ” tugon ni Kyro.Napakunot ang noo si Luna dahil hindi niya alam ang sinasabi ng binata.“ BH? ” gulat na bigkas ng dalaga.“ Boarding house. Kung ‘di afford ang apartment, edi mag boarding house, ” ani Kyro.“ Oh... bakit boarding house ang tawag? ” tanong ni Luna dahil na curious talaga ito.“ Wag ka na lang mag-tanong ‘di mo rin naman maintindihan, ” ani ni Kyro na parang namimilosopo pa.“ Yung kotse ko, malayo ba sa inyo? ” tanong na naman ni Luna.“ Anjan lang oh. Kitang-kita mo yang maliit na bahay d’yan, yan ang boarding house ko. Kaya bilisan mong maglakad d’yan. ” Kyro said to her habang patuloy silang naglalakad.Wala nang gaanong dumaraang sasakyan at tahimik na rin ang daan. Hindi kalakihan ang kalsada at malapit lang din sa dagat.“ Ingat ka, ” paalala ni Kyro nang mapahinto siya upang hintayin si Luna. Mabato kasi ang kanilang dinaanan at hindi pwedeng ipasok ang sasakyan. Sa loob nito ay mabato rin at lubak pa yung daan.Napansin ng babae na parang ito lang ang bahay na nakatayo sa lugar. Maraming puno at medyo maginaw din. Malamig ngunit presko ang hangin.“ Ang ganda rito Kyro, presko ang hangin, nakakagaan ng loob. ” namamanghang wika ni Luna kahit nahihirapan siyang maglakad sa mabato at maputik na daan..Malalim na ang gabi, ngunit may mga ilaw naman sa paligid na nagbibigay liwanag. Huminto si Kyro at inalalayan si Luna.“ Tahimik dito kaya gustong gusto ko. Hindi ako mahilig sa maingay, ” ani Kyro.Nakaabot na rin sila sa maliit na tirahan ni Kyro, maliit lang ito ngunit maganda ang loob, at sobrang linis. Tama lang talaga sa isang tao.“ Upo ka muna, ” yaya ni Kyro.Umupo naman si Luna at hinilot hilot ang paa niya. Medyo masakit kasi ito, dahil siguro hindi siya sanay sa paglalakad nang medyo malayo“ Masakit? ” tanong ni Kyro.“ Slight lang, ” pinilit na ngumiti ng dalaga.Lumuhod si Kyro upang hilotin ang paa nito ngunit agad itong binawi ni Luna dahil sa gulat.“ Stop it, okay lang ako. Gusto ko ng sabaw, ” aniya na parang bata.Kyro chuckled in silence. Maya-maya’y biglang bumuhos ang malakas na ulan.I WAS nervously waiting for the doctor to come out, gusto kong pumasok pero bawal. I can’t help myself but to smile.I can’t wait to meet my princes and especially my wife. Kinakabahan talaga ako, parang ang tagal na kasi nung huli ko itong maramdaman. Butterflies in my stomach, this warmth feeling melting in my heart.The joy it makes me feel. Being a father is fun.Dumating na rin si mommy kasama ang kambal.Halata rin sa mukha nila at tuwa na makita nila ang baby sister nila. They asked for it, dahil gusto nila ng kapatid na babae o lalaki. We have been waiting for it to happen, dahil sa miscarriage na nangyari kay Luna ay nahihirapan siyang mabuntis ulit. At nang malaman namin na nagdadalang-tao ang asawa ko ay labis ang pag-iingat na ginawa namin. Pinatigil namin sa pag-trabaho si Luna dahil naging sobrang busy siya sa work noon at minsan ay madaling araw na nakauwi.“Dad, I can’t wait to see my baby sister,” masayang wika ni Kyron at niyakap ako.“Me too,anak,” nakangiting tugon k
KYRO's POV [ MGA PANGYAYARI NANG NAKARAAN AT NGAYON ]STUDIES and sport is one of my priorities.As an orphan na lumaki kasama ang mga Pare at Mare ay lumaki akong may takot sa Diyos. I don’t go out to party, drinks, women,etc. Pag-aaral ang inuuna ko at trabaho. Tanging ako lang ang tumatayo para sa sarili ko. I treated myself well. Dahil rin bigo ako sa unang pag-ibig ay hindi na ako na-inlove pa kahit na kanina man. AKo lang ang nagpapaaral sa sarili ko. Nagpapasalamat rin ako dahil full scholar ako sa unibersidad kaya wala akong nilalabas na pera sa school activities. Tanging para sa pagkain, gamit, boarding house lang ang pag-gagastuan ko. Pero kahit ako lang mag-isa ay mahirap pa rin mag save ng money dahil may babayaran pa rin akong tubig at kuryente, pang groceries pa. Pero memahalaga sa akin ay may makain everyday.At sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nakilala ko ang prinsesa ng buhay ko. I got someone pregnant, and I was not ready. So,I asked her to get rid the baby per
“You may now kiss your bride,” the priest declared. Hindi mawala sa mukha ng bride at groom ang kasiyahan na sa ikalawang pagkakataon ay ikinasal silang dalawa na alam na ng buong mundo, at hindi na exclusive ang kasal nila. At church wedding na pinangarap ni Luna noon pa ay nangyari na talaga. As Kyro stepped closer to open her viel,Luna felt the tingling sensation on her stomach. Her heart was pounding so fast, nervous and excited. For the second time, they got married after separating for four years because of unexpected happenings that made them separate. Those years of absence and depression, the suffering, the crying and the pains.Those years of waiting, and questioning was all answered. Kyro’s absence made his wife suffer, however, she passed it all and brought her feet to the ground again. Luna's eyes were locked into him.She couldn't hold back the tears because for the second time,it was a church wedding where she and her husband, Kyro Tuazon, got married. They had a
ISANG LINGGO na simula nang makalabas ng hospital si Kyro. Naging okay na rin ang sugat ni Luna. May pelat na makikita kaya tinatakpan na lang niya gamit ang kanyang buhok. Luna suddenly felt insecure about her looks dahil lang sa pelat sa kanyang noo. Dahil sa nangyaring aksidente ay naging insecure at sensitive si Luna. Mabuti na lang na sa tuwing nag be-breakdown siya ay agad na nandyan ang asawa upang pakalmahin siya. Nasa isang restaurant sila ngayon. Si Luna at Kyro. Gusto lang ni Kyro na e date ang asawa dahil mahaba na ang panahon na hindi sila namamasyal o mag date na sila lang. Malaki naman na ang kambal ay naiiwan na nila ito. Habang kumakain ay may biglang lumapit sa kanila. Nagulat naman si Luna dahil biglang pag-sulpot ng taong ito sa kanilang harapan. "Bro?" sambit ng lalaki. Agad naman na nakatingala si Kyro at laking tuwa ng makilala ang lalaki sa harapan niya. "Mark?Brother?" natutuwang wika ni Kyro at agad na tumayo upang yakapin ang matalik na kaibigan. Paran
KINAKABAHAN at natatakot na hinarap ni Harold si Kyro.Nasa hospital pa rin ito dahil may pagsusuri pa na gagawin ang mga doktor bago siya palabasin ng hospital.Hindi umimik si Kyro ng makita ang kambal.Ni hindi nga niya ito binalingan ng tingin.Ramdam naman ni Harold na may galit ito.Sinabi kasi sa kanya ni Luna na bumalik na ang kanyang alaala.At na-ikwento rin ni Kyro kung ano ang nangyari sa kanya sa Italy. Before he open his mouth,Harold clears his throat first.Hindi naman alam ni Harold kung bakit natatakot siya sa kapatid.Marahil sa nagawang kasalanan niya rito kaya labis na lang ang kanyang kaba at takot.Sa totoo lang takot lang si Harold sa kanyang kambal. Kakaiba si Kyro, may father figure kasi ito at nakakatakot rin talaga pag nagagalit.Pero kabaliktaran pala si Kyro.“Hey, good thing you are awake. How are you?” kinakabahan na wika niya sa kambal na ngayon ay naka-upo na sa kanyang kama. “Luna told me that you already gained your memory, and I know for sure that you remem
4 YEARS AGO AND THE HAPPENING NATULALA na tinitigan ang walang malay na kakambal na nakahandusay sa sahig na duguan.Agad naman na tumawag ng ambulansya ang butler niya at dinala sa hospital. Na comatose si Kyro ng apat na buwan, ngunit pinalabas ng mga ito kung bakit siya na coma ay dahil sa car accident. Naniwala naman nun si Kyro at simula nun ay marami na ang nabago sa kanya.Naka focus siya sa present,at walang maalala sa kanyang nakaraan.They lied. Kinausap at sinabi rin ni Harold sa kanyang grandma na hindi niya yun sinadya at tinago ang krimen na ginawa nito sa kambal. Hinayaan na muna ni Harold ang kambal na mamuno sa kumpanya ng ama.Naging successful ito,at nakikita ng mga board members kung gaano kahusay pamamalakad ni Kyro ng negosyo. Kahit inggit na inggit si Harold sa kapatid ay hindi na muna siya gumawa ng plano hanggang sa may business meeting na magaganap sa pilipinas.Takot ang nadarama ni Harold na baka maalala ng kambal na sa pilipinas talaga ito lumaki, at may pa
ROME,ITALY Napabalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga si Harold matapos matanggap ang tawag ng butler ng kanyang kakambal na nasa pilipinas. Mabilis itong nakakuha ng ticket for VIP papuntang pilipinas. Wala na itong pakialam kung may naiwan man ito na trabaho, mahalaga sa kanya ngayon ay mapuntahan at malaman kung ano na ang kalagayan ng kapatid. Hindi ito mapakali at dalawang oras pa bago ang kanyang flight, at dahil sa sobrang pagmamadali ay naiwan pa ang cellphone nito sa bahay niya. Na agad naman na hinatid sa kanya sa airport ng kanyang butler. “Any news?” tanong niya sa kanyang butler. “Jax said, he was in the operating room as of now.” sagot naman ng butler niya. Kumunot naman ang kanyang noo sa sinabi ng kanyang butler. “What?Is he injured? Is he in the worst state?” galit na wika nito na may pag-alala. The butler cleared his throat. “He has a brain tumor,” sagot nito. Nanlaki ang mga mata ni Harold na tiningnan ang butler niya, at mukhang hindi ito nagbibir
PILIT NA tinatanggal ni Kyro ang seatbelt ni Luna.Wala na itong malay dahil sa lakas ng pagka-bagok sa ulo nito.Kaunti na lang at mapupuno na ng tubig ang sasakyan nila.Hindi na alam ni Kyro kung paanong nahulog sila sa bangin, at mabuti na lang at sa dagat sila nahulog kaysa sa mataas na bangin, kung hindi patay na sila ngayon. Napapikit si Kyro ng may biglang mag flash sa kanyang utak dahilan upang sumakit ng husto ang ulo niya. Napailing na lamang siya at hindi pwede na mawalan ng mala dahil nasa peligro ang buhay nila ng asawa.Hindi nag tagal ay natanggal din ang seatbelt ni Luna,at agad na silang lumabas sa kotse na dahan-dahan na rin nalulunod pailalim. Hinila ito ni Kyro palabas ng sasakyan, mabilis itong lumangoy pataas upang makasagap agad ng hangin dahil pati siya ay nalulunod na dahil sa pagod ng kanyang katawan at sa sumasakit nitong ulo. Napapikit ulo siya ng may mag flash na babae sa kanyang utak. Tumatawa ito habang tumatakbo palayo sa kanya, ngunit hindi niya makita
LUNA BREAKS DOWN matapos marinig ang confession ng asawa, ilang gabi din siyang hindi makatulog ng maayos dahil nababahala ito. And seeing Kyro in pain,breaks her heart. Humahagulgol lang ito at mahigpit na niyakap ang asawa. Ngayon ay nasa hospital na naman si Kyro. And this time ay kasama na nito ang asawa na si Luna. Hindi naman mapigilan ni Luna ang kabahan, kanina pa ito hindi mapakali. Nanlalamig ang mga kamay at pabalik-balik sa pwesto na kanyang nilalakaran. Nasa labas lang kasi siya nang klinika ng doctor. Tanging ang pasyente lang muna ang pwedeng makapasok sa loob, dahil may examination pang gaganapin. Schedule check up kasi ngayon ni Kyro, and Kyro explained it to her naman. Hindi pa naman daw malala at may chance pa na magamot ito. Kaya nakahinga rin siya ng maluwag matapos ipaliwanag iyon ng asawa.Ngunit may takot pa rin sa puso niya.“Mrs.Tuazon,” tawag ng nurse. “Pinatawag na po kayo sa loob,” saad nito. Agad naman siyang tumayo at pumasok sa kwarto.Nakita niya si K
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments