Home / Romance / Sweet Revenge / Chapter One

Share

Sweet Revenge
Sweet Revenge
Author: eZymSeXy_05

Chapter One

Author: eZymSeXy_05
last update Last Updated: 2022-03-28 06:30:25

Disclaimer:

This is just a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are just a product of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living, dead or actual event are purely co-incidental

The story has also a few mature content so read at your own risk. Thank you for understanding and enjoy reading!

            TULALA at nangingilid ang aking mga luha habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa vanity mirror na naroon sa silid ni mommy. Matapos kasi akong sampalin at bugbugin ng aking ama ay halos mapuno na naman ng latay ang buo kong katawan pati na rin ang aking pisngi.

''Jela, anak!'' dinig kong sigaw ni mom kaya't dali-dali kong pinalis ang aking mga luha.

''Mom, ba-bakit niyo po ako hinahanap?'' garalgal ang tinig na tanong ko sa kanya.

''Hmm...umiiyak ka ba?'' usisa ng aking  ina dahilan upang mapilitan akong tumalikod mgunit patuloy pa rin niya akong kinulit.. ''Sandali nga, sinaktan ka na naman ba ng daddy mo? Puro latay na naman 'yang mga binti mo ah.'' Giit pa nito.

Sunud-sunod na pag-iling ang ginawa ko, ngunit hindi ko naman napaniwala ang aking ina.

"Huwag ka ng magsinungaling. Buwisit talaga'ng ama mo 'yan! Wala ng ibang ginawa kundi ang saktan ka!" nanggagalaiti'ng singhal nito.

"Hayaan niyo na po. Okay naman na po ang pakiramdam ko."

"Anak, hindi puwede na palagi na lang gan'to ang mangyayari."

"Pero mom, kapag sinita mo po si dad ay  paniguradong ikaw naman ang sasaktan niya."

"Huwag mo akong alalahanin. Nakahanda akong gawin ang lahat para lang maipagtanggol kita sa daddy mo."

"Hayaan niyo na po mom. Kasalanan ko naman eh." Giit ko pa.

"Nahuli ka na naman ba ng ama mo na nagsusulat ng mga nobela?"

Tinanguan ko si mommy.

Niyakap ako nito kaya't kahit papa'no ay nakaramdam ako ng kaunting kaginhawahan.

"Huwag kang mag-alala, balang araw matatanggap rin ng dad mo ang propesyon na gusto mo."

"Kailan pa mom? Tila yata malabo pa sa tubig baha na mangyari 'yon." Muli ay napaiyak na naman ako. "Wala siyang ibang bukang-bibig kundi ang mamahala ako sa negosyo niya. Puro na lang pera ang iniisip niya mom." Puno ng hinanakit sa aking tinig.

"We can't blame him. Isa siyang sikat na businessman at medyo may edad na rin ang dad mo. Syempre nag-iisa ka lang na anak niya kaya't walang ibang magmamana ng kanyang negosyo kundi ikaw." Pagtatanggol ni mom sa aking ama.

Dahan-dahan akong kumalas ng yakap sa aking ina at pagkatapos ay malungkot akong nagwika.

"Pero mom, bente anyos na ako. Dapat ako na ang nagdedesisyon para sa sarili ko. Sinunod ko na ang gusto niya. Business administration ang kinuha kong kurso sa kolehiyo. Kaya sana naman ibalato niya na lang sa'kin ang pagsusulat na kinahihiligan ko. Wala naman'g masama sa pagsusulat eh."

"Anak, susubukan kong kausapin ang dad mo para-"

"Huwag na mom. Tanggap ko naman'g ayaw niya talaga sa'kin." Giit ko pa bago ko nilisan ang silid ng aking ina.

Ilang beses niya na rin kasi'ng sinubukan'g kausapin si dad ngunit wala rin naman'g nangyayari. Dahil paulit-ulit pa rin akong sinasaktan ng aking ama sa tuwing mahuhuli niya akong nagsusulat. Gusto niyang mag-focus ako sa pag-aaral nang sa gayo'n daw ay marami akong matutunan na maaari kong gamitin sa kompanya niya.

Mabibigat ang hakbang na tinungo ko ang aking silid. Kapagkuwa'y walang pakundangan na sumalampak ako sa sahig nang tuluyan na akong makapasok sa loob.

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at mas lalo lamang akong nakaramdam ng lungkot.

Dalawang oras na lang ang natitira at kailangan ko na naman pa 'lang pumasok sa eksklusibong  unibersidad na kinasusuklaman ko.

Unibersidad sa Taguig City na kung saan ay para lamang sa mga mayayaman na walang ibang inisip kundi ang kanilang pera at kayamanan.

Kahit nakaupo ay pansamantala akong nakaidlip.

Nagising lamang ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sa aking balikat. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ngunit gayo'n na lamang ang aking pagsisisi. Sana pala ay hindi na lang ako nagising kung ang aking ama lang din naman ang siyang unang makikita ko.

"Ano, wala ka bang balak na pumasok? " Maawtoridad na wika niya.

"Sorry dad, nakaidlip ako. May dalawang-" Pangangatwiran ko.

"Puro ka dahilan! Wala ka na talagang ginawa kundi ang kalabanin at suwayin ang kagustuhan ko!" Sigaw nito sa mismong mukha ko. Akmang sasampalin niya na naman sana ako ngunit mabilis rin akong nakailag.

"Huminahon ka na dad! Huwag kang mag-alala dahil papasok ako! May isang oras pang natitira oh." Muli ay lakas loob kong pangangatwiran.

Subalit laking gulat ko ng bigla niya akong hawakan sa panga. Dahilan upang impit akong mapaiyak.

"Siguraduhin mo lang na ga-graduate ka Jela! Dahil kong hindi ay kalimutan mo ng naging ama mo ako!" gigil na sigaw pa rin nito bago ako binitiwan. Kapagkuwa'y tinalikuran na ako nito at walang pasabi na lumabas ng aking silid.

Nahaplos ko na lamang ang namumula kong panga at lumuluhang sinundan ko ng tingin ang papalayong bulto ng aking ama.

Kahit tinatamad ay pinilit ko pa rin ang tumayo at asikasuhin ang sarili ko.

Naglagay na lang ako ng makapal na make up para matakpan ang pasa sa aking mukha.

Nagsuot na lang din ako ng stocking upang hindi mahalata ang mga latay na naroon sa aking binti. Masyadong maikli ang aming skirt kaya kailangan ko talaga'ng gumawa ng paraan upang walang makakita no'n.

Matapos kong ayusin ang aking sarili at dali-dali na akong lumabas ng silid. Naabutan ko si mommy sa sala na busy manood ng telebisyon.

Hindi ko siya pinansin. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad at maingat kong binuksan ang pintuan upang hindi niya na makita ang pag-alis ko.

Hindi ko kasi maiwasan ang magtampo sa mga sinabi niya sa'kin kanina. Pakiramdam ko ay kinakampihan niya na ngayon si daddy.

Nang tuluyan na akong makalabas ay sumakay agad ako sa aking kotse at mabilis kong pinaharurot iyon.

Ayaw ko rin kasi'ng ma-late sa klase lalo pa't kaibigan ng daddy ko ang isa sa mga professor ng unibersidad na iyon. Paniguradong magsusumbong na naman 'yon kay dad sa oras na may mali akong nagawa.

Maya-maya pa'y bigla na lang nagkaroon ng kaguluhan sa kalsada na naging sanhi ng trapik. Ngunit sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko ay hindi agad ako nakapagpreno dahilan upang mabangga ko ang kotse na nakahinto sa unahan ko.

Malutong akong napamura at nagmamadali akong lumabas upang usisain ang nangyari.

Labis ang kaba na nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Sa totoo lang ay hindi ako natatakot sa may-ari ng kotse. Mas natatakot pa nga ako kay dad, dahil sa oras na malaman niya ang nangyari ay paniguradong sasaktan niya na naman ako.

Bahagya na lang akong napapikit sa isipin'g 'yon.

"Hey!" untag saakin ng lalaking may-ari ng kotseng nabangga ko.

Dahan-dahan akong dumilat at ang kaba na kaninang nararamdaman ko ay tila ba mas nadoble pa nang magtama na ang paningin namin ng lalaki iyon.

Pakiwari ko ay tumigil sa pag-ikot ang aking mundo habang mariin akong nakatitig sa mala- adonis niyang pangangatawan. Nakadamit naman ito, pero pakiwari ko ay nababakat pa rin ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Kaya naman nakalimutan ko na ang tunay kong pakay kung bakit ako bumaba ng sasakyan.

Nanatili lang akong nakatayo habang bahagyang nakaawang ang labi.

"Are you okay miss?" muli niyang untag saakin, na sinabayan pa ng pagkaway sa mismong mukha ko.

"Huh? Ah, oo o-okay lang a-ako."  Nauutal kong tugon. "Siya nga pala, so-sorry. Hi-hindi agad ako nakapagpreno kaya nabangga ko ang kotse mo."

Ngumiti muna ito bago sumagot kaya naman mas lalo lamang akong napahanga nang makita ko ang ang mga ngipin niya na pantay-pantay at ubod ng puti.

"It's okay. May kaunting yupi lang naman ang ang likuran ng kotse ko at kaya ko ng ipaayos 'yon. Kawawa ka naman, estudyante ka pa at paniguradong malalagot ka sa parents mo kapag nalaman nila 'to."

Bigla akong nakaramdam ng kaginhawahan matapos niyang sabihin 'yon.

Biglang nagdiwang ang aking puso dahil na-solved na agad ang problemang kanina ko pang iniisip kung paano ko malulusutan.

Ngunit mas higit itong nagdiwang nang tanggalin ng lalaki ang kanyang sunglasses at tuluyan na ngang tumambad saakin ang tunay niyang kaguwapuhan.

"My god! Thank you so much Mr. Massimo!"  namimilog ang matang naibulalas ko.

"Ma-Massimo?" natatawang pag-ulit niya sa pangalan'g binaggit ko.

"Ah, eh ka-kasi...kamukha mo kasi si Michelle Morrone. 'Yong gumanap na Massimo sa 365-"

"Yeah, i know him. Infairness huh, nanonood ka pala ng gano'ng movie."

"Yeah. No'ng nakaraang buwan ay pinanood ko ''yon." Nahihiyang pagkukuwento ko sa kanya.

"Nice! By the way, my name is Dr. Alastair Hernandez." Nakangiti niyang pagpapakilala. "Hindi Massimo!" pabulong niyang sambit dahilan upang sabay kaming matawa.

"Sorry. Kamukha mo kasi siya eh. Uhm, ako nga pala si Jela...Jela Anderson." Nakangiti ko rin'g pagpapakilala.

"Nice name huh! Siya nga pala, next time ay mag-iingat ka na lang sa pagmamaneho mo. Palalampasin ko na muna 'tong ginawa mo ngayon dahil minor lang naman 'yon sira sa sasakyan ko."

"Thank you so much doc. Bukod sa guwapo ka na ay mabait ka pa. Sana marami pang tao ang kagaya mo." Hindi ko maiwasan'g mapatakip sa aking bibig habang pinupuri siya.

"Salamat sa papuri. Ikaw rin naman eh, ang ganda mo. Sana magkita pa ulit tayo." Nakangiti pa rin'g sambit nito bago nagpaalam sa'kin.

Nakabalik na ito sa loob ng kanyang sasakyan at nagsimula na rin itong magmaneho.

Maluwag na ulit ang kalsada kaya naman matapos nitong bumusina ay umalis na nga ito.

Nakatayo pa rin ako roon sa gilid ng aking kotse habang paulit-ulit kong binanggit sa aking isip ang huling mga katagang binitiwan niya.

Ngayon lang din ako nakaramdam ng gano'n katinding paghanga sa isang lalaki. Ni-minsan kasi ay hindi pa ako nagkaroon ng boyfriend dahil natatakot akong malaman ni dad at baka itakwil pa ako. Kaya naman nang mga sandaling iyon ay ipinagdarasal ko rin na sana nga ay magkatagpo pang muli ang landas namin ni Dr. Hernandez.

Related chapters

  • Sweet Revenge   Chapter Two

    LATE na nga ako ng limang minuto nang makarating ako sa unibersidad. Mabuti na lang at late na rin dumating ang aming professor kaya naman wala na akong dapat na alalahanin pa.Tahimik akong naupo sa aking upuan. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hindi ko man lang nahagilap ang aking kaibigan'g si Stacey.Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Tanging siya lang kasi ang kaibigan ko simula pa no'ng first year ako at hanggang ngayon na malapit na akong gumraduate.Tinatamad kasi akong makisalamuha sa iba lalo pa't wala naman akong kalayaan sa buhay. Ayoko rin'g dumating sa puntong pati ang mga kaibigan ko ay idamay ni dad sa galit niya saakin.

    Last Updated : 2022-03-28
  • Sweet Revenge   Chapter Three

    KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil sa malakas na sigawan nina mommy at daddy sa kabilang silid.Napilitan akong bumangon. Lumabas ako at nilapitan ko ang pintuan ng kanilang silid. Idinikit ko ang aking tainga sa pinto upang malinaw kong marinig ang kanilang pinagtatalunan. Napatakip pa ako sa aking bibig matapos kong marinig na may ibang babae pala ang aking ama."Napakasama mo talaga! Mabuti pa 'yong anak ng kabit mo, sobrang mahal na mahal mo! Samantalang ang sarili mong anak ay parang hayop kung iyong tratuhin!" sigaw ng aking ina."Sinabi ng manahimik ka na eh!" sigaw rin ng aking ama na sinundan pa ng malakas na tunog ng pag sampal niya kay mommy.G

    Last Updated : 2022-03-28
  • Sweet Revenge   Chapter Four

    MATAPOS ang pag-uusap namin ni Stacey ay dumiretso kami sa isang mall upang bumili ng mga kagamitan na kakailanganin namin para makapag-disguise. Napagdesisyunan namin na sundan si dad nang sa gayo'n ay mabantayan namin ang mga kilos niya."Sure ka bang uubra 'tong plano natin?" pangungulit ko kay Stacey na abala sa paghahanap ng magandang wig."Gaga! Magtiwala ka lang sa'kin at paniguradong magiging successful ang plano." Nakairap niyang tugon."Oo na! Sandali nga at naiihi ako. Iwanan ko muna sa'yo 'tong pouch ko, huh.""Akin na! Bilisan mo lang para makapagsimula agad tayo ng plano!" habilin niya na kanina pa akong iniirapan.

    Last Updated : 2022-03-28
  • Sweet Revenge   Chapter Five

         NANGANGATOG ang aking mga tuhod habang nilalapitan ko ang kabaong ng aking ina. Pagdating ko kasi kahapon sa hospital ay hindi ko na ito naabutan'g buhay.Sinabi ng mga doctor na dead on arrival ang naganap kaya't kaagad ng inasikaso ng aking ama ang burol nito. Ngayon ay naririto na ito sa aming mansiyon at pinaglalamayan na ng ilan namin'g kamag-anak at kakilala.Karamihan sa mga naroon ay mga kasamahan ni dad sa kompanya.Simula pa kahapon ay walang humpay na ako sa pag-iyak. Mabuti na lang at nariyan pa rin si Stacey sa aking tabi. Kaninang umaga lang ito umalis upang maligo at makapagpalit ng damit. Hindi rin ako makakain. Pakiwari ko ay tuluyan ng gumuho ang aking mundo.  Wala na rin kasi akong naiisip na dahilan para lumaban pa sa buhay. Wala na ang aking ina na siyang naniniwala at nagtitiwala saakin. Kaya't parang wala na rin'g silbi kung magpapatuloy pa ako.Niyakap ko ang kabaong ng aking ina at doon ay mas lalo pang luma

    Last Updated : 2022-04-15
  • Sweet Revenge   Chapter Six

                      BUONG maghapon akong nanatili sa bahay nina Stacey. Kaya naman kahit paano ay naging magaan ang pakiramdam ko. Gabi na rin ng magpasya akong umuwi kaya heto at muli na naman akong nilamon ng kalungkutan habang nagmamaneho.Sinadya kong bagalan ang pagmamaneho nang sa gayo'n ay hindi agad ako makarating sa bahay.Subalit hindi naman nakiayon ang tadhana. Malinis ang kalsada. Walang traffic kaya mabilis pa rin akong nakauwi.Pagtapak ko pa lang sa pintuan ay madilim na anyo agad ni dad ang sumalubong saakin."Where have you been?" aniya."Stacey." Tipid kong tugon at pagkatapos ay humakbang na ako paakyat sa aking silid. Ngunit agad rin niyang nahagip ang aking braso."Kinakausap pa kita kaya huwag mo akong layasan."Mariing sambit pa nito dahilan upang mapatingin ako sa aking braso na bahagya ng namumula dulot ng mahigpit niyang pagkakahawak rito."Nasasaktan ako dad." Reklamo ko."Mas masasaktan ka kung p

    Last Updated : 2022-04-20
  • Sweet Revenge   Chapter Seven

    ISANG buwan na lang at ga-graduate na ako sa kolehiyo. Kaya naman pinakiusapan ko si Stacey na dito muna ako sa bahay nila pansamantalang mag-stay. Sa katunayan ay isang linggo na rin ako dito buhat ng umalis ako sa bahay. Ilang araw kong hinintay kung hahanapin man lang ba ako ni dad , ngunit labis lamang akong nadismaya dahil hindi man lang iyon nangyari. Pakiwari ko ay mas lalo pa nga itong natuwa sa aking pag-alis."Hoy, ang lalim na naman ng iniisip mo diyan!" bahagya pa akong nagulat sa biglang pag sita saakin ni Stacey."Sorry. Naalala ko lang kasi si dad eh.""Sus, miss mo na ba?"Sunud-sunod na pag-iling naman ang ginawa ko."Hmm, hulaan ko iniisip mo na naman kung bakit hindi ka man lang niya hinanap, right?""Yeah. Pero okay na ako Stacey." walang gana'ng sambit ko."Siya nga pala, paano ang pambayad mo sa tuition at 'yong sa graduation natin?""Hindi ko poproblemahin 'yon. Saakin nak

    Last Updated : 2022-04-23
  • Sweet Revenge   Chapter Eight

    One Year Later... "SO, how's you're first day?" gulat akong napalingon kay Alas.Kakauwi ko lang kasi galing sa kompanya. Yeah, i have my own company now. At unang araw ko ngayon bilang investor ng kompanya ni dad.Mabilis akong naka-recover after my surgery. Six months lang ay okay na ako. At sa loob ng panibagong anim na buwan ay wala akong ibang ginawa kundi asikasuhin ang pagnenegosyo. Iba't-ibang formula ng sabon ang inaral ko para lamang mahigitan ang produkto ng aking ama. At sa awa ng diyos ay nakiayon saakin ang kapalaran. Dahil naungusan na nito ang beauty soap na produkto nila dad.Nangunguna na ang Scarlet beauty soap na isinunod ko sa pangalan ng yumaong kapatid ni Doctor Alastair. Habang ang sabon naman nina dad ay pumapangalawa na lamang ngayon.Kaya no'ng napag-alaman niyang gusto kong mag-invest sa kompanya niya ay walang pagdadalawang isip na pumayag ang aking ama."Hey! Scarlet! I-I mean, Jela." Untag muli saakin ng guwapong doctor."Oh, so-sorry. Ano nga ulit 'yon?

    Last Updated : 2022-04-28
  • Sweet Revenge   Chapter Nine

    KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Kaya naman nagmadali akong pumunta ng kusina para sana magluto ng almusal namin. Subalit, laking gulat ko nang maabutan kong naroon na rin si Tita Ester. Mas maaga pa pala itong nagising kaysa saakin.Tumikhim ako dahilan upang mapalingon ang matanda. ''Oh, ang aga mo yata ngayon ah." Aniya na ibinalik rin kaagad ang tingin sa kanyang niluluto."Uhm, balak ko po sana'ng magluto ng almusal kaya lang eh, mas nauna ka pa po pala saakin." Pilit ang ngiting sagot ko."Naku, sabi ko naman sa'yo, kayang-kaya ko na ang mga gawain dito. Sige na, hintayin mo na lang ako doon sa hapag. Tutal patapos naman na ako rito.""Ay, sige po."Ilang minuto lang ay nakapaghain na nga ang matanda. At sabay na rin kaming nag-almusal."Jela, may itatanong sana ako sa'yo, pero huwag kang magagalit, huh.""Ano po 'yon tita?" "Eh kasi, himala yata na hindi sumabay saatin si Alas. Nag-away ba kayo kahapon?""Hi-hindi naman po. May napag-usapan lang po kami kagabi na

    Last Updated : 2022-05-13

Latest chapter

  • Sweet Revenge   Chapter Fourteen

    KINAKABAHAN'G binuksan ko ang gate ng bahay ni Alas.Alas otso na iyon ng umaga kaya't batid kong nasa clinic na si Alas. Dahan-dahan akong humakbang papasok. Kapagkuwa'y kinuha ko ang card sa aking bag upang mabuksan ko ang pintuan. Nahihiya kasi akong tawagin si Tita Ester kaya't maingat akong pumasok. Nagpalinga-linga ako sa sala at sa kamalasan ko'y si Alas mismo ang unang nahagip ng tingin ko. Naroon ito sa couch at tahimik na nagkakape.Kahit kinakabahan ay pikit matang tumikhim pa rin ako upang maagaw ang kanyang atensiyon."Oh, buti pinayagan ka pang umuwi ng pamilya mo?" puno ng sarkasmo sa kanyang tinig. Kaagad akong dumilat at kitang-kita ko kung gaano kabusangot ang kanyang mukha. Kaya't mas dumoble pa tuloy ang kaba na kasalukuyan kong nararamdaman."So-sorry, Alas." Nakayukong wika ko."Oh, c'mon! Just like what i've said before, hindi mo kailangan'g humingi ng sorry sa'kin everytime na may gagawin kang desisyon. Nagulat lang talaga ako sa bigla mong

  • Sweet Revenge   Chapter Thirteen

    HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging sagot ni dad patungkol sa larawan ko. Isang linggo na rin ang nakalipas pero patuloy pa rin iyon na sumasagi sa isip ko.Ilang buntonghininga na ang pinakawalan ko simula pa kanina ngunit hindi ko talaga magawang mag-focus sa trabaho ko. Maging ang layout artist ng Book Spine Publishing ay hindi ko mareply ng maayos. Nagtatanong na ito sa gusto kong lay out ng aking book na ire-release next week pero wala akong maibigay na suhestiyon. Lumilipad ang isip ko sa kung saan. Dumagdag pa sa isipin ko ang kaarawan ko ngayon. Masamang-masama ang loob ko sa kanila lalo na kay Stacey dahil hindi man lang ako nito nagawang batiin. Samantalang dati-rati ay siya ang kauna-unahang bumabati saakin."Hey! Wala ka bang balak na mag-celebrate ng birthday mo?" Gulat akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Kapagkuwa'y halos maluha ako nang makita kong nakatayo si Nicolo sa pintuan ng opisina ko. Hindi ko inaasahan na si

  • Sweet Revenge   Chapter Twelve

    NAPABALIKWAS ako sa higaan dahil sa sunud-sunod na pagkatok ni Tita Ester sa pintuan ng aking silid. Kaya naman pupungas-pungas na pinagbuksan ko ito ng pinto."Bakit po tita?" kaagad na tanong ko sa kanya."Kakagising mo lang ba? Naku, kanina ka pang hinihintay ni Nicolo.""Tsk, bigla na lang kasi'ng sumusulpot ang taong 'yon na wala man lang pasabi." Naiinis na bulong ko ngunit hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Tita Ester."Bumaba ka na do'n. Kawawa naman 'yong tao. At saka,sabihan mo kaya siya na huwag ng pumunta rito kung ganyan naman'g naiirita ka pala sa kanya." Suhestiyon ng matanda, dahilan upang mapangiti ako."Uhm, tita...na-nakita po ba siya ni Alas?""Naku, paanong magkikita 'yon ay napakaaga na naman'g umalis ng pamangkin ko.Ni-hindi man lang nga nag-almusal eh.?""Ay gano'n po ba. Baka po maraming pasyente si Alas.""Hmm...'yon nga ba ang dahilan? Hindi kaya, nag-away na naman kayo?""Ah, hi-hindi po." Maagap kong tugon na sinabayan ko pa ng sunud-sunod na

  • Sweet Revenge   Chapter Eleven

    PAKIRAMDAM ko ay mabibiyak na ang ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. Habang nakaupo ako sa gilid ng aking kama ay napadako ang tingin ko sa orasan na naroon sa dingding. Kapagkuwa'y namilog pa ang aking mga mata nang makita kong alas diyes na pala ng umaga.Nagmadali akong lumabas ng silid at muntik ko pa nga'ng mabunggo si Tita Ester."Oh, gising ka na pala! Kumusta na ang pakiramdam mo?" anang matanda."Uhm..o-okay lang po ako tita.""Sigurado ka? Halika nga muna, may niluto akong sopas na paniguradong makakatanggal ng hangover mo.""Salamat po. Uhm tita, nasaan po si Alas?""Naku, maagang umalis. Nagbilin nga pala iyon na kapag magising ka raw ay sabihan kita na huwag ka daw munang pumasok sa opisina.""Po? Eh, okay naman na po ang pakiramdam ko.""Yeah pero, mukhang galit na galit si Alas do'n sa Nicolo eh, pati na rin sa'yo.""Ba-bakit daw po?"naguguluhan'g usisa ko."Sino bang kasama mo kagabi, Jela?" anang matanda."Si Stacey po. Tita, nagtataka po ako kung bakit po b

  • Sweet Revenge   Chapter Ten

    KINABUKASAN ay hindi ko inaasahan'g susunduin ako ni Nicolo sa bahay. At nagkataong si Alas pa ang una niyang nakausap. Kaya naman pakiwari ko tuloy ay mas lalo lamang nadagdagan ang sama ng loob niya saakin."Kanina ka pang hinihintay sa sala ng boyfriend mo." Malamig na saad ni Alas nang magkasalubong kami sa hagdan."Huh? Hindi ko naman boyfriend si Nicolo eh.""Tsk...Hindi pa. Kasi nga nagsisimula pa 'lang ang-""Alas! Pagtatalunan na naman ba natin 'to?" naiinis na tanong ko sa kanya.Ngunit sa halip na sumagot ay iniwanan na lang ako nito. Kaya naman nakasimangot na nagtungo ako sa sala at naroon nga si Nicolo. Ngiting-ngiti pa ito nang makitang papalapit na ako sa kanya."Good morning!" masiglang bati nito saakin."Good morning din. Naku, nag-abala ka pang sunduin ako.""Na'h it's okay. Gusto ko lang patunayan sa'yo na totoo ang mga sinabi ko sa'yo kahapon kaya nandito ako ngayon para simulan ang-""Ssshhh...hinaan mo lang ang boses mo. At saka, huwag natin'

  • Sweet Revenge   Chapter Nine

    KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Kaya naman nagmadali akong pumunta ng kusina para sana magluto ng almusal namin. Subalit, laking gulat ko nang maabutan kong naroon na rin si Tita Ester. Mas maaga pa pala itong nagising kaysa saakin.Tumikhim ako dahilan upang mapalingon ang matanda. ''Oh, ang aga mo yata ngayon ah." Aniya na ibinalik rin kaagad ang tingin sa kanyang niluluto."Uhm, balak ko po sana'ng magluto ng almusal kaya lang eh, mas nauna ka pa po pala saakin." Pilit ang ngiting sagot ko."Naku, sabi ko naman sa'yo, kayang-kaya ko na ang mga gawain dito. Sige na, hintayin mo na lang ako doon sa hapag. Tutal patapos naman na ako rito.""Ay, sige po."Ilang minuto lang ay nakapaghain na nga ang matanda. At sabay na rin kaming nag-almusal."Jela, may itatanong sana ako sa'yo, pero huwag kang magagalit, huh.""Ano po 'yon tita?" "Eh kasi, himala yata na hindi sumabay saatin si Alas. Nag-away ba kayo kahapon?""Hi-hindi naman po. May napag-usapan lang po kami kagabi na

  • Sweet Revenge   Chapter Eight

    One Year Later... "SO, how's you're first day?" gulat akong napalingon kay Alas.Kakauwi ko lang kasi galing sa kompanya. Yeah, i have my own company now. At unang araw ko ngayon bilang investor ng kompanya ni dad.Mabilis akong naka-recover after my surgery. Six months lang ay okay na ako. At sa loob ng panibagong anim na buwan ay wala akong ibang ginawa kundi asikasuhin ang pagnenegosyo. Iba't-ibang formula ng sabon ang inaral ko para lamang mahigitan ang produkto ng aking ama. At sa awa ng diyos ay nakiayon saakin ang kapalaran. Dahil naungusan na nito ang beauty soap na produkto nila dad.Nangunguna na ang Scarlet beauty soap na isinunod ko sa pangalan ng yumaong kapatid ni Doctor Alastair. Habang ang sabon naman nina dad ay pumapangalawa na lamang ngayon.Kaya no'ng napag-alaman niyang gusto kong mag-invest sa kompanya niya ay walang pagdadalawang isip na pumayag ang aking ama."Hey! Scarlet! I-I mean, Jela." Untag muli saakin ng guwapong doctor."Oh, so-sorry. Ano nga ulit 'yon?

  • Sweet Revenge   Chapter Seven

    ISANG buwan na lang at ga-graduate na ako sa kolehiyo. Kaya naman pinakiusapan ko si Stacey na dito muna ako sa bahay nila pansamantalang mag-stay. Sa katunayan ay isang linggo na rin ako dito buhat ng umalis ako sa bahay. Ilang araw kong hinintay kung hahanapin man lang ba ako ni dad , ngunit labis lamang akong nadismaya dahil hindi man lang iyon nangyari. Pakiwari ko ay mas lalo pa nga itong natuwa sa aking pag-alis."Hoy, ang lalim na naman ng iniisip mo diyan!" bahagya pa akong nagulat sa biglang pag sita saakin ni Stacey."Sorry. Naalala ko lang kasi si dad eh.""Sus, miss mo na ba?"Sunud-sunod na pag-iling naman ang ginawa ko."Hmm, hulaan ko iniisip mo na naman kung bakit hindi ka man lang niya hinanap, right?""Yeah. Pero okay na ako Stacey." walang gana'ng sambit ko."Siya nga pala, paano ang pambayad mo sa tuition at 'yong sa graduation natin?""Hindi ko poproblemahin 'yon. Saakin nak

  • Sweet Revenge   Chapter Six

                      BUONG maghapon akong nanatili sa bahay nina Stacey. Kaya naman kahit paano ay naging magaan ang pakiramdam ko. Gabi na rin ng magpasya akong umuwi kaya heto at muli na naman akong nilamon ng kalungkutan habang nagmamaneho.Sinadya kong bagalan ang pagmamaneho nang sa gayo'n ay hindi agad ako makarating sa bahay.Subalit hindi naman nakiayon ang tadhana. Malinis ang kalsada. Walang traffic kaya mabilis pa rin akong nakauwi.Pagtapak ko pa lang sa pintuan ay madilim na anyo agad ni dad ang sumalubong saakin."Where have you been?" aniya."Stacey." Tipid kong tugon at pagkatapos ay humakbang na ako paakyat sa aking silid. Ngunit agad rin niyang nahagip ang aking braso."Kinakausap pa kita kaya huwag mo akong layasan."Mariing sambit pa nito dahilan upang mapatingin ako sa aking braso na bahagya ng namumula dulot ng mahigpit niyang pagkakahawak rito."Nasasaktan ako dad." Reklamo ko."Mas masasaktan ka kung p

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status