KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil sa malakas na sigawan nina mommy at daddy sa kabilang silid.
Napilitan akong bumangon. Lumabas ako at nilapitan ko ang pintuan ng kanilang silid. Idinikit ko ang aking tainga sa pinto upang malinaw kong marinig ang kanilang pinagtatalunan. Napatakip pa ako sa aking bibig matapos kong marinig na may ibang babae pala ang aking ama.
"Napakasama mo talaga! Mabuti pa 'yong anak ng kabit mo, sobrang mahal na mahal mo! Samantalang ang sarili mong anak ay parang hayop kung iyong tratuhin!" sigaw ng aking ina.
"Sinabi ng manahimik ka na eh!" sigaw rin ng aking ama na sinundan pa ng malakas na tunog ng pag sampal niya kay mommy.
Gustong-gusto ko na silang pasukin sa silid na iyon ngunit nagdadalawang isip ako dahil paniguradong pati ako ay sasaktan lang din ni daddy.
Ilang minuto pa ang itinagal ng kanilang pag-aaway kaya naman hindi ko na napigilan pa ang aking sarili.
Tuluyan ko na nga'ng binuksan ang silid at halos maestatwa ako sa aking kinatatayuan matapos kong maabutan si mommy na nakahandusay sa sahig habang duguan ang labi at namamaga ang pisngi.
Muli sana'ng aambahan ni dad ng suntok sa mukha ang aking ina ngunit naudlot iyon dahil sa wakas ay nagawa ko ng ibuka ang aking bibig.
"Tama na dad! Parang awa mo na, tigilan mo na si mommy!" umiiyak kong pakiusap.
"At sino ka para sundin ko? Anak lang kita kaya wala kang karapatan na diktahan ako kung ano ang tama at mali!" nanlilisik ang mga matang singhal nito saakin. Kapagkuwa'y nilapitan ako at walang pakundangan na itinulak niya ako kay mommy. Sumubsob na ang aking mukha sa sahig ngunit hindi ko na iyon ininda. Dahil mas mahalaga saakin ngayon ang kalagayan ng aking ina.
"Napakasama mo dad! Walang katulad ang kasamaan mo!" singhal kong muli sa aking ama.
"Tama ka, wala nga akong katulad! Dahil ako ang pinaka magaling at pinakasikat na businessman sa buong mundo!" malakas na sigaw nito habang nakabukas ang parehong palad at mariin pang nakatingala.
Kapagkuwa'y nilapitan kami nito at parehong dinuro ang mukha namin'g mag-ina. "Kayong mag-ina, pareho kayong salot! Mga wala kayong silbi! Wala kayong ambag sa kompanya at higit sa lahat ay wala rin kayong ambag sa buhay ko!" nanggagalaiti niyang sigaw bago lumabas ng silid na iyon.
Nakahinga ako ng maluwang nang tuluyan ng makalabas ang demonyo kong ama.
Binalingan ko ang aking ina. "Mom, okay ka lang ba?" nag-aalalang pagkausap ko sa kanya.
"Okay lang ako anak. Dapat hindi ka na pumasok dito. Kaya ko naman ang sarili ko eh." Mahinang usal ng aking ina.
"Mom, hiwalayan mo na lang kaya si dad. Baka sa susunod ay patayin ka na niya." Suhestiyon ko. "Umalis na lang tayo rito, tutal marami ka naman'g pera at kahit wala si dad ay kaya mo naman akong buhayin eh." Dagdag ko pa na hindi man lang sinang-ayunan ng aking ina.
"Anak, ayokong mapariwara ang buhay mo. Kaya't kahit masakit at mahirap ay nakahanda akong magtiis,magkaroon ka lang ng buo'ng pamilya at mabigyan ka ng magandang kinabukasan." Madamdamin niyang pahayag.
"Pero hindi na 'to tama mom! Niloloko ka naman niya di'ba? May kerida siya at ayon sa narinig ko kanina ay mas pinapahalagahan niya ang pamilya ng babaeng 'yon! So, wala na rin'g dahilan para masabi pang buo ang pamilyang 'to!" Tuloy-tuloy kong pahayag.
"Anak-"
"Huwag ka ng magrason pa mom! Tumayo ka na lang diyan at ako na ang gagamot sa mga sugat at pasa mo sa mukha."
Inalalayan ko na ito sa pagtayo at hindi ko na rin itinuloy ang pakikipag argumento sa kanya.
HABANG ginagamot ko ang pisngi ng aking ina ay bigla kong naalala ang sinabi ni mom patungkol sa anak ng kerida ni dad."
"Uhm, mom."
"Hmm?"
"May gusto sana akong itanong sa'yo mom."
"What is it Jela?"
"Eh,.kanina po kasi narinig ko na binanggit mo ang tungkol sa anak ng kerida ni dad."
"Oh, eh bakit mukhang interesado ka sa kanya?" kunot noong tanong ng aking ina.
Pansamantala akong huminto sa paglalagay ng gamot sa kanyang mukha. At pagkatapos ay nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntonghininga bago ko siya sinagot.
"Mom, gusto ko siyang makilala. Gusto kong malaman kung ano nga ba ang meron siya na wala saakin at mas mahal siya ni dad." Malungkot kong tugon.
"Anak, lalaki siya. 'Yon ang isa sa malaki niyong pagkakaiba. Ayon sa paniniwala ng iyong ama, mas higit na kapaki-pakinabang ang mga lalaki pagdating sa pagnenegosyo kumpara sa mga babae. Kaya naman gano'n na lamang ang pagkadisgusto sa'yo ng iyong ama."
Pagak akong natawa. "Kaya pala mas pinili niya ang kanyang kerida."
"Jela, kung may binabalak ka man huwag mo na-"
"Huwag kang mag-alala mom, wala naman akong balak na sugurin sila. Eh, how about, dad's mistress? Ano, wala ka man lang bang hakbang na gagawin?" sarkastikong tanong ko sa aking ina.
"Wala na akong pakialam sa ama mo. Ang mahalaga lang saakin ay gampanan niya ang tungkulin sa'yo bilang isang ama. At isa pa, kahit mambabae man siya ay kasal pa rin siya saakin. Kaya't wala rin'g makukuha ang kerida niya maliban sa pera na nanggagaling sa bulsa ng iyong ama." Mahabang paliwanag niya.
"Pero mom, hanggang kailan ka magapapakamartir?"
"Huwag na natin'g pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yan." Aniya na biglang tumayo.
"Mom, sandali! Hindi ko pa tapos lagyan ang-"
"It's okay. Hindi na rin naman masakit." Aniya na bahagya pa nga'ng umiling. "Sige na, maiwan na kita rito. May kailangan pa kasi akong gawin."
Naiwan akong tulala at pakiramdam ko nang mga sandaling iyon ay ako na ang pinakamalas na tao sa mundo.
Makalipas ang ilang minuto ay napagpasyahan kong tawagan si Stacey.
Siya lamang ang naiisip kong pwedeng tumulong saakin upang mahanap at makilala ko ang lalaking itinuturing na anak ngayon ni dad.
Kaagad naman'g pumayag na makipagkita sa'kin ang aking kaibigan. Kaya't nagmamadaling nag-ayos ako ng aking sarili.
Kapagkuwa'y nagpaalam ako kay mom na pupuntahan ko si Stacey. Pumayag naman ito matapos kong idahilan na may gagawin kaming school work.
MABILIS akong nagmaneho patungo sa restaurant na pinaghihintayan saakin ni Stacey.
Mabuti na lang at wala pa masyadong traffic kaya't nakarating agad ako roon.
Bahagya pa akong napangiwi nang maabutan kong nakasimangot ang aking kaibigan habang pinagmamasdan akong makalapit sa mesa'ng kinaroroonan niya.
"Oh, ba't hindi maipinta 'yang mukha mo?" maangas kong tanong rito. Kapagkuwa'y padaskol akong naupo sa silyang katapat niya.
"Eh kasi, ang aga mo naman nakipagkita sa'kin. Inaantok pa kaya ako!" reklamo nito habang patuloy pa rin'g nakasimangot.
"Sorry na friendship. May problema na naman kasi sa bahay eh." bigla ay naging malungkot na naman ang aking tinig.
" Hmm...hulaan ko, sinaktan ka na naman ng dad mo no'h?"
"Actually, hindi niya ako sinaktan physically. Pero emotionally... oo! Sobrang sakit ng ginawa niya friendship."
"Huh? W-what do you mean?" naguguluhang usisa ng aking kaibigan.
"Sobrang aga kong nagising dahil sa malakas na sigawan nina mom at dad."
"Bakit, ano daw ang pinag-aawayan nila?" ani Stacey habang abala sa pag-order ng pagkain namin.
"My dad is having an affair."
"W-what?" bulalas ni Stacey na sinundan pa ng pag hampas sa mesa dahilan upang mapatingin sa dako namin ang ibang naroon na mga kumakain.
"Kumalma ka nga!" pag-awat ko sa kanya.
"OMG! Hindi lang ako makapaniwala friendship. Tito Conrad is so damn a perfectionist man. So how could he do that freaking thing?"
"Hindi na ako magtataka sa bagay na 'yan Stacey. Dahil nagagawa niya nga kaming saktan ni mom physically. So, there is a possibility na mambabae rin siya lalo pa't wala na rin naman akong nababakas na pagmamahalan sa bawat isa sa kanila." Malungkot kong pahayag.
"Tsk...so, what's your plan now?"
"Stacey, alam kong ikaw lang ang pwedeng tumulong sa'kin. Gusto ko kasi'ng alamin kung sino ang kerida ni dad at kung sino ang anak ng kerida niya."
"Huh? Eh bakit kasali 'yong anak?"
"Dahil mas ipinagmamalaki siya ni dad kumpara saakin na tunay niyang anak."
"Hay naku! Hindi ko alam kung paano ba ako magre-react sa mga sinasabi mo friendship! Nakakaloka isipin na ang isang maganda at matalinong si Jela Anderson ay ipinagpalit lang ng sariling ama sa isang hindi niya kadugo. Huh! Baka naman totoong anak 'yon ng dad mo?"
"Hindi ko rin alam eh. Kaya nga kailangan ko ang tulong mo para mabawasan na ang mga katanungan sa isip ko."
"How about Tita Lena, ano lang ang reaction niya tungkol sa-"
"Wala. Habangbuhay na yata na magiging martir si mom." Maagap kong sagot.
"Hindi kaya, matagal ng alam ni tita ang affair ng dad mo? What if may sikreto rin pa 'lang itinatago ang iyong ina kaya't ganyan na lang kayo kung tratuhin ng dad mo." Anang kaibigan ko. " What if, hindi ka pala talaga tunay na anak ng dad mo?" Dagdag pa ni Stacey.
Bigla akong natigilan sa mga sinabi ni Stacey. Sa katunayan ay kinutuban rin ako nang mga sandaling iyon. Naisip ko rin na simula pagkabata ko ay wala akong matandaan na naging mabait saakin si dad.
Puro pananakit lamang ang natatanggap ko mula sa kanya kahit pa nga sobrang ginagalingan ko na pagdating sa pag-aaral ko. Simula elementarya hanggang ngayon na kolehiyo na ako ay palagi pa rin akong nangunguna sa klase. Ngunit, kahit isang beses man lang ay hindi niya ako pinuri.
MATAPOS ang pag-uusap namin ni Stacey ay dumiretso kami sa isang mall upang bumili ng mga kagamitan na kakailanganin namin para makapag-disguise. Napagdesisyunan namin na sundan si dad nang sa gayo'n ay mabantayan namin ang mga kilos niya."Sure ka bang uubra 'tong plano natin?" pangungulit ko kay Stacey na abala sa paghahanap ng magandang wig."Gaga! Magtiwala ka lang sa'kin at paniguradong magiging successful ang plano." Nakairap niyang tugon."Oo na! Sandali nga at naiihi ako. Iwanan ko muna sa'yo 'tong pouch ko, huh.""Akin na! Bilisan mo lang para makapagsimula agad tayo ng plano!" habilin niya na kanina pa akong iniirapan.
NANGANGATOG ang aking mga tuhod habang nilalapitan ko ang kabaong ng aking ina. Pagdating ko kasi kahapon sa hospital ay hindi ko na ito naabutan'g buhay.Sinabi ng mga doctor na dead on arrival ang naganap kaya't kaagad ng inasikaso ng aking ama ang burol nito. Ngayon ay naririto na ito sa aming mansiyon at pinaglalamayan na ng ilan namin'g kamag-anak at kakilala.Karamihan sa mga naroon ay mga kasamahan ni dad sa kompanya.Simula pa kahapon ay walang humpay na ako sa pag-iyak. Mabuti na lang at nariyan pa rin si Stacey sa aking tabi. Kaninang umaga lang ito umalis upang maligo at makapagpalit ng damit. Hindi rin ako makakain. Pakiwari ko ay tuluyan ng gumuho ang aking mundo. Wala na rin kasi akong naiisip na dahilan para lumaban pa sa buhay. Wala na ang aking ina na siyang naniniwala at nagtitiwala saakin. Kaya't parang wala na rin'g silbi kung magpapatuloy pa ako.Niyakap ko ang kabaong ng aking ina at doon ay mas lalo pang luma
BUONG maghapon akong nanatili sa bahay nina Stacey. Kaya naman kahit paano ay naging magaan ang pakiramdam ko. Gabi na rin ng magpasya akong umuwi kaya heto at muli na naman akong nilamon ng kalungkutan habang nagmamaneho.Sinadya kong bagalan ang pagmamaneho nang sa gayo'n ay hindi agad ako makarating sa bahay.Subalit hindi naman nakiayon ang tadhana. Malinis ang kalsada. Walang traffic kaya mabilis pa rin akong nakauwi.Pagtapak ko pa lang sa pintuan ay madilim na anyo agad ni dad ang sumalubong saakin."Where have you been?" aniya."Stacey." Tipid kong tugon at pagkatapos ay humakbang na ako paakyat sa aking silid. Ngunit agad rin niyang nahagip ang aking braso."Kinakausap pa kita kaya huwag mo akong layasan."Mariing sambit pa nito dahilan upang mapatingin ako sa aking braso na bahagya ng namumula dulot ng mahigpit niyang pagkakahawak rito."Nasasaktan ako dad." Reklamo ko."Mas masasaktan ka kung p
ISANG buwan na lang at ga-graduate na ako sa kolehiyo. Kaya naman pinakiusapan ko si Stacey na dito muna ako sa bahay nila pansamantalang mag-stay. Sa katunayan ay isang linggo na rin ako dito buhat ng umalis ako sa bahay. Ilang araw kong hinintay kung hahanapin man lang ba ako ni dad , ngunit labis lamang akong nadismaya dahil hindi man lang iyon nangyari. Pakiwari ko ay mas lalo pa nga itong natuwa sa aking pag-alis."Hoy, ang lalim na naman ng iniisip mo diyan!" bahagya pa akong nagulat sa biglang pag sita saakin ni Stacey."Sorry. Naalala ko lang kasi si dad eh.""Sus, miss mo na ba?"Sunud-sunod na pag-iling naman ang ginawa ko."Hmm, hulaan ko iniisip mo na naman kung bakit hindi ka man lang niya hinanap, right?""Yeah. Pero okay na ako Stacey." walang gana'ng sambit ko."Siya nga pala, paano ang pambayad mo sa tuition at 'yong sa graduation natin?""Hindi ko poproblemahin 'yon. Saakin nak
One Year Later... "SO, how's you're first day?" gulat akong napalingon kay Alas.Kakauwi ko lang kasi galing sa kompanya. Yeah, i have my own company now. At unang araw ko ngayon bilang investor ng kompanya ni dad.Mabilis akong naka-recover after my surgery. Six months lang ay okay na ako. At sa loob ng panibagong anim na buwan ay wala akong ibang ginawa kundi asikasuhin ang pagnenegosyo. Iba't-ibang formula ng sabon ang inaral ko para lamang mahigitan ang produkto ng aking ama. At sa awa ng diyos ay nakiayon saakin ang kapalaran. Dahil naungusan na nito ang beauty soap na produkto nila dad.Nangunguna na ang Scarlet beauty soap na isinunod ko sa pangalan ng yumaong kapatid ni Doctor Alastair. Habang ang sabon naman nina dad ay pumapangalawa na lamang ngayon.Kaya no'ng napag-alaman niyang gusto kong mag-invest sa kompanya niya ay walang pagdadalawang isip na pumayag ang aking ama."Hey! Scarlet! I-I mean, Jela." Untag muli saakin ng guwapong doctor."Oh, so-sorry. Ano nga ulit 'yon?
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Kaya naman nagmadali akong pumunta ng kusina para sana magluto ng almusal namin. Subalit, laking gulat ko nang maabutan kong naroon na rin si Tita Ester. Mas maaga pa pala itong nagising kaysa saakin.Tumikhim ako dahilan upang mapalingon ang matanda. ''Oh, ang aga mo yata ngayon ah." Aniya na ibinalik rin kaagad ang tingin sa kanyang niluluto."Uhm, balak ko po sana'ng magluto ng almusal kaya lang eh, mas nauna ka pa po pala saakin." Pilit ang ngiting sagot ko."Naku, sabi ko naman sa'yo, kayang-kaya ko na ang mga gawain dito. Sige na, hintayin mo na lang ako doon sa hapag. Tutal patapos naman na ako rito.""Ay, sige po."Ilang minuto lang ay nakapaghain na nga ang matanda. At sabay na rin kaming nag-almusal."Jela, may itatanong sana ako sa'yo, pero huwag kang magagalit, huh.""Ano po 'yon tita?" "Eh kasi, himala yata na hindi sumabay saatin si Alas. Nag-away ba kayo kahapon?""Hi-hindi naman po. May napag-usapan lang po kami kagabi na
KINABUKASAN ay hindi ko inaasahan'g susunduin ako ni Nicolo sa bahay. At nagkataong si Alas pa ang una niyang nakausap. Kaya naman pakiwari ko tuloy ay mas lalo lamang nadagdagan ang sama ng loob niya saakin."Kanina ka pang hinihintay sa sala ng boyfriend mo." Malamig na saad ni Alas nang magkasalubong kami sa hagdan."Huh? Hindi ko naman boyfriend si Nicolo eh.""Tsk...Hindi pa. Kasi nga nagsisimula pa 'lang ang-""Alas! Pagtatalunan na naman ba natin 'to?" naiinis na tanong ko sa kanya.Ngunit sa halip na sumagot ay iniwanan na lang ako nito. Kaya naman nakasimangot na nagtungo ako sa sala at naroon nga si Nicolo. Ngiting-ngiti pa ito nang makitang papalapit na ako sa kanya."Good morning!" masiglang bati nito saakin."Good morning din. Naku, nag-abala ka pang sunduin ako.""Na'h it's okay. Gusto ko lang patunayan sa'yo na totoo ang mga sinabi ko sa'yo kahapon kaya nandito ako ngayon para simulan ang-""Ssshhh...hinaan mo lang ang boses mo. At saka, huwag natin'
PAKIRAMDAM ko ay mabibiyak na ang ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. Habang nakaupo ako sa gilid ng aking kama ay napadako ang tingin ko sa orasan na naroon sa dingding. Kapagkuwa'y namilog pa ang aking mga mata nang makita kong alas diyes na pala ng umaga.Nagmadali akong lumabas ng silid at muntik ko pa nga'ng mabunggo si Tita Ester."Oh, gising ka na pala! Kumusta na ang pakiramdam mo?" anang matanda."Uhm..o-okay lang po ako tita.""Sigurado ka? Halika nga muna, may niluto akong sopas na paniguradong makakatanggal ng hangover mo.""Salamat po. Uhm tita, nasaan po si Alas?""Naku, maagang umalis. Nagbilin nga pala iyon na kapag magising ka raw ay sabihan kita na huwag ka daw munang pumasok sa opisina.""Po? Eh, okay naman na po ang pakiramdam ko.""Yeah pero, mukhang galit na galit si Alas do'n sa Nicolo eh, pati na rin sa'yo.""Ba-bakit daw po?"naguguluhan'g usisa ko."Sino bang kasama mo kagabi, Jela?" anang matanda."Si Stacey po. Tita, nagtataka po ako kung bakit po b
KINAKABAHAN'G binuksan ko ang gate ng bahay ni Alas.Alas otso na iyon ng umaga kaya't batid kong nasa clinic na si Alas. Dahan-dahan akong humakbang papasok. Kapagkuwa'y kinuha ko ang card sa aking bag upang mabuksan ko ang pintuan. Nahihiya kasi akong tawagin si Tita Ester kaya't maingat akong pumasok. Nagpalinga-linga ako sa sala at sa kamalasan ko'y si Alas mismo ang unang nahagip ng tingin ko. Naroon ito sa couch at tahimik na nagkakape.Kahit kinakabahan ay pikit matang tumikhim pa rin ako upang maagaw ang kanyang atensiyon."Oh, buti pinayagan ka pang umuwi ng pamilya mo?" puno ng sarkasmo sa kanyang tinig. Kaagad akong dumilat at kitang-kita ko kung gaano kabusangot ang kanyang mukha. Kaya't mas dumoble pa tuloy ang kaba na kasalukuyan kong nararamdaman."So-sorry, Alas." Nakayukong wika ko."Oh, c'mon! Just like what i've said before, hindi mo kailangan'g humingi ng sorry sa'kin everytime na may gagawin kang desisyon. Nagulat lang talaga ako sa bigla mong
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging sagot ni dad patungkol sa larawan ko. Isang linggo na rin ang nakalipas pero patuloy pa rin iyon na sumasagi sa isip ko.Ilang buntonghininga na ang pinakawalan ko simula pa kanina ngunit hindi ko talaga magawang mag-focus sa trabaho ko. Maging ang layout artist ng Book Spine Publishing ay hindi ko mareply ng maayos. Nagtatanong na ito sa gusto kong lay out ng aking book na ire-release next week pero wala akong maibigay na suhestiyon. Lumilipad ang isip ko sa kung saan. Dumagdag pa sa isipin ko ang kaarawan ko ngayon. Masamang-masama ang loob ko sa kanila lalo na kay Stacey dahil hindi man lang ako nito nagawang batiin. Samantalang dati-rati ay siya ang kauna-unahang bumabati saakin."Hey! Wala ka bang balak na mag-celebrate ng birthday mo?" Gulat akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Kapagkuwa'y halos maluha ako nang makita kong nakatayo si Nicolo sa pintuan ng opisina ko. Hindi ko inaasahan na si
NAPABALIKWAS ako sa higaan dahil sa sunud-sunod na pagkatok ni Tita Ester sa pintuan ng aking silid. Kaya naman pupungas-pungas na pinagbuksan ko ito ng pinto."Bakit po tita?" kaagad na tanong ko sa kanya."Kakagising mo lang ba? Naku, kanina ka pang hinihintay ni Nicolo.""Tsk, bigla na lang kasi'ng sumusulpot ang taong 'yon na wala man lang pasabi." Naiinis na bulong ko ngunit hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Tita Ester."Bumaba ka na do'n. Kawawa naman 'yong tao. At saka,sabihan mo kaya siya na huwag ng pumunta rito kung ganyan naman'g naiirita ka pala sa kanya." Suhestiyon ng matanda, dahilan upang mapangiti ako."Uhm, tita...na-nakita po ba siya ni Alas?""Naku, paanong magkikita 'yon ay napakaaga na naman'g umalis ng pamangkin ko.Ni-hindi man lang nga nag-almusal eh.?""Ay gano'n po ba. Baka po maraming pasyente si Alas.""Hmm...'yon nga ba ang dahilan? Hindi kaya, nag-away na naman kayo?""Ah, hi-hindi po." Maagap kong tugon na sinabayan ko pa ng sunud-sunod na