Sabi nila walang perpektong tao sa mundo. Gaya nalang ni Nicko Buenavista. Gwapo siya, mayaman ngunit may malaki siyang problema sa kanyang pagkatao. Siya ay may sakit na kung tawagin ay torets syndrome na— madalas ay napag kakamalan siyang may sira sa ulo kapag inaatake siya. Bawal sa kanya ang ma stress at mapagod dahil mag sisimula nanamang aatake ang kanyang sakit. Ngunit mas susubokin pa ang kanyang katatagan sa pag papatakbo ng kanilang kumpanya. Ang kumpanyang pinag hirapang itayo at palaguin ng kanyang amang yumao. Na sa kalaunan ng mabyuda ang kanyang ina ay muli itong nag asawa at ang napangasawa nito ay ang taong pilit na kukuha ng kumpanyang pinag hirapan ng kanyang ama at tanging kumpanyang minana niya rito. Hanggang sa dumating ang isang babaeng magpapatibok ng kanyang puso. Ililihim niya kaya ang kanyang pagkatao para lang magustuhan siya nito? O ito ang tutulong sa kanya upang tanggapin niya ng buo ang kanyang pagkatao.
view moreMatapos ang kanilang kasal ay nag paiwan ang dalawa sa isla. Doon nila gaganapin ang kanilang Honeymoon. Ang islang iyon na pinag dausan ng kasal ng dalawa, ay ang isla del Castillo na pag magmay-ari nina jordan del Castillo, ang ama ni Lucas del Castillo. Hindi iyon napansin ni andrea, dahil una niyang napansin ang ganda ng paligid nito. Sa islang iyon din ginanap ang kasal nina jordan del Castillo at eloisa mae Macaraeg, balak nilang doon na rin idadaos ang magiging kasal ng kanilang mga anak balang araw. Naniniwala kasi ang dalawa na maswerte ang lugar na iyon, dahil dinivelop ang lugar na iyon, dahil sa pag ibig ni jordan kay eloisa.Kaya ng malaman nila ang balak na pag papakasal ni nicko kay andrea ay ang lugar na iyon ang kanilang iminungkahi na gaganapan ng magiging kasal ng dalawa. Katatapos lang mag love making ng dalawa. Kasalukuyang naka tayo sa balkonahe noon si nicko at naka tanaw sa malayo, nang lapitan siya ni andrea at yakapin sa likuran nito."anong iniisip mo mah
Luhaan ang dalawa ng mag tagpo sa harapan ng altar. Hawak kamay silang humarap sa Paring mag kakasal sa kanila."you may now kiss the bride.." Saad ng pari kay Nicko.Tapos na ang kasal ay hindi parin makapaniwala si andrea na buhay si nicko. Hinalikan siya ng binata sa kanyang labi. Habang magkalapat ang labi ng dalawa ay narinig nilang nag papalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan.Nang mag hiwalay ang kanilang labi ay niyakap pa siya nito ng mahigpit. "congratulations to both of you!.." Bati sa kanila ni Ginang helen pagka lapit palang nito sa kanilang dalawa. Yumakap ito sa dalawa. Humalik naman sa pisngi nito sina andrea at nicko. "salamat mommy.." Halos sabay na saad ng dalawa sa ginang na noo'y punong puno ng luha ang mga mata nito. "bakit po kayo umiiyak mommy?" Tanong ni andrea sa ginang na noo'y nag pupunas na ng luha nito."masaya lang ako anak.. Masayang masaya.. Hindi ko akalain na darating tayo sa ganitong punto.. Na magiging manugang na kita.." Tugon nito kay
Flashback:Isang buwan bago ang mangyaring pag kalat ng video ni nicko, na si andrea pa ang kumuha ay nakatakda na sana siyang magpa opera sa ibang bansa. Tumawag kasi ang kanyang personal doctor na mayroon na daw nakuhang heart donor para sa kanya. Ngunit nag aalangan ang binata, dahil na kumpirma niya na sa kanyang sarili na mahal na nga niya si andrea, at sa tingin niya ay hindi niya kayang mawalay dito. Nasanay na kasi siya sa presensya nito, na palagi niya itong nakakasabay kumain, maging sa pag pasok at pag uwi nila sa trabaho. Kulang na nga lang ay mag tabi sila nito sa pag tulog. Hanggang sa dumating ang araw na napansin niyang parang hindi na masaya si andrea sa kanilang set up. Iniisip kasi ng binata na mahal talaga ni andrea si Lucas at kaya ito nalulungkot ay dahil hindi na nito nakakasama madalas ang lalaking iniibig nito na si Lucas. Dahil nga sa magkasama na silang naka tira nito sa iisang iisang bubong.Dahil doon ay nasasaktan si nicko, ayaw niya kasi na nakikitang
Parang na istatuwa si andrea ng hindi si mang delfin ang taong hinawakan niya. Kamukhang kamukha ito ni nicko. Naka ngiti sa kanya ang lalaki pagka harap nito sa kaniya."nicko...?" Halos pa bulong na saad ni andrea. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Mas lumapad pa ang pagkaka ngiti ng lalaking kanyang kaharap.Hindi na napigilan ni andrea ang kanyang sarili. Niyakap niya ito ng mahigpit. Habang naka yakap si andrea dito ay inaasahan niyang bigla itong mawawala habang yakap niya. Ngunit sa ilang segundo siyang na kayakap dito ay nanatili pa rin itong nayayakap niya."no please.. Kung panaginip lang to ayoko ng magising lord.." Halos pa bulong na saad ni andrea sa kanyang sarili."Mahal mo ba si nicko?.." Tanong ng lalaking ka yakap niya sa paos na boses. "oo mahal na mahal ko siya.."Matapos na sabihin iyon ng dalaga ay doon niya lang naramdaman na niyakap din siya nito at mas mahigpit pa ang ginawang yakap nito sa kaniya. Kumalas sa pagkaka yakap dito si andrea. Ngunit
Gusto pa sanang kausapin ni andrea si mang delfin, ngunit mas pinili niya nalang na manahimik muna. Baka kasi maka istorbo pa siya sa pag mamaneho nito, at isa pa ay alam niyang masama ang pakiramdam nito.Makalipas ang halos isang oras ay narating din nila ang lugar kung saan sinasabing nilipat ni ginang helen si nicko. May kalayuan din pala ang lugar kaya siguro nag mamadali si mang delfin kanina."Mang delfin may libingan po pala dito? Ang galing din ng naka isip nito noh.. Nag tayo sila ng libingan dito, para ang mga taong papasyal sa puntod ng mga mahal nila ay makakapag swimming na rin.. Ang galing!" Hindi maiwasan ni andrea ang humanga ng husto sa ganda ng paligid na kanyang nakikita. Napansin niyang hindi nag sasalita si mang delfin sa kanyang likuran. Nauna kasi siyang bumaba ng sasakyan dito. Nang lingunin niya ito ay wala na ito sa kanyang likuran. Nag taka si andrea, dahil kanina lang ay nakita na niya itong sumunod na bumaba sa kanya, at ngayon ay wala na ito kaagad sa k
Dalawang hakbang nalang ang pagitan ni andrea sa imahe ni nicko. Muli niyang binigkas ang pangalan nito. "nicko..." Naka titig parin sa kanyang mukha ang imahe at hindi parin nawawala ang ngiti nito sa labi. Sa paningin ni andrea ay mas lalong gumuwapo ito. Nang akma niya na itong yayakapin ay may narinig siyang tumawag sa kanya, mula sa kanyang likuran. "andrea.." Hindi niya sana papansinin ang taong tumatawag sa kanya, ngunit muli siyang tinawag nito. Doon na niya ito nilingon. Si ginang helen pala. Naka ngiti ito sa kanya, nag lalakad na ito palapit sa kanya.Muli niyang nilingon ang nakitang imahe ni nicko, ngunit wala na ito doon. Inikot niya pa ang kanyang paningin sa paligid, pero hindi na niya ito muling nakita pa. Nabahiran ng lungkot ang mukha ni andrea. Naisip niya na sana ay niyakap niya nalang muna si nicko, bago niya nilingon ang ginang."iha?.. May problema ba?.. Bakit parang bigla ka nalang nalungkot?.." Sunod-sunod na tanong sa kanya ng ginang. Hinawakan siya ni
Araw ng Sabado. Na kapag pasya na si andrea na paupahan nalang muna ang bahay na nabili niya. Hindi pa naman niya ito napapa renovate kaya ma-aari niya pa itong paupahan muna.Titira muna sila sa condo ni nicko ng kanyang kapatid, upang masunod ang hiling ni nicko sa kanya bago ito mawala na doon muna siya titira sa condo unit nito. Isasama niya nalang din si noemi na kapatid ni pia at ang anak nitong baby pa. Upang may makasama parin si dominic, habang nasa trabaho siya. "dom, siguradohin mong wala ka nang makalimutang dalhin ha. Samantalahin natin ngayon na wala akong pasok ng dalawang araw.. Kailangan mailipat na natin ang mga importanteng gamit natin sa condo.. Hindi kasi ako pwede bukas na, dahil nangako ako kay ginang helen na papasyal tayo doon.. "Mahabang litanya ni andrea sa kanyang kapatid. Mabuti nalang din na hindi pa ito nag sisimula sa kanyang klase, dahil kung nagka taon na pumapasok na ito sa eskwela ay aasikasuhin na naman niya ang pag lipat nito sa ibang eskwelahan
Namalayan nalang ni andrea na huminto ang kanilang sinasakyan sa tapat ng isang gusali kung saan naroroon ang condo unit ni nicko. "let's go iha.. Pasyalan natin itong condo unit ni nicko.." Anyaya ng ginang kay andrea. Nakababa na ang ginang, pero si andrea ay nanatili pa ring naka upo ito. Nag dadalawang isip siya kung bababa ba siya at papasok sa condo ni nicko. Marami silang nabuong alaala dito. Baka mas lalo lang siyang malungkot kapag pumasok siya dito. Naramdaman niya nalang na hawak na ng ginang ang kanyang kamay. Walang nagawa si andrea kundi ang bumaba nalang. Para siyang manika na di susi, na sumusunod lang sa bawat hakbang ng ginang. Nang marating nila ang palapag kung saan matatagpuan ang unit ni nicko ay hindi na naman mapigilan ang pag patak ng kanyang mga luha. Kung wala lang doon ang ginang ay baka hinimatay na siya sa sobrang lungkot. Pero dahil kinakausap siya nito, kahit papaano ay naiibsan ang kanyang kalungkutan. Pumasok sila sa kuwarto ni nicko. Pakiramdam
"i miss you.." Saad ng binata sa paos na boses habang naka titig sa mukha ni andrea."na-miss din kita.." Tugon ni andrea ng may ngiti sa labi. Akma sana siyang hahalikan ni nicko pero iniwas niya ang mukha niya dito. "ubusin mo na tong pagkain mo para makapag pahinga ka.. Tingnan mo yang itsura mo sa salamin.. Ang laki na ng eye bag mo!.." Saad ni andrea sa binatang naka ngiti parin. Hindi na nawala wala ang ngiti nito sa labi. Hindi mapag kakailang masaya itong muli niyang nakita si andrea. " ayaw ko matulog.. "" bakit naman?.. "" baka hindi na kita makita pag gising ko.."Kinilig si andrea sa sinabing iyon sa kanya ng binata. Binitawan niya ang hawak niyang kutsara na may lamang pagkain at hinawakan ang mukha ni nicko. "huwag kang mag alala sasamahan kitang matulog..." Tugon ng dalaga kay nicko."talaga sinabi mo yan ha.." "oo nga.. Kaya ubusin mo na to..
"ako ito nick.. Please kumalma ka.. Kailangan mong lumaban.. Bukas ay kailangang ma-pirmahan mo na ang kontrata ng mga investors.. Kung wala ka bukas ay mapapasa kamay na ng step dad mo ang kumpanyang pinag hirapan ng daddy mo.." Ngunit hindi parin kumakalma ang binata sa kanyang sinabi. Patuloy parin siya nitong sinasakal. Habang nanlilisik ang mga mata nito. Kaya muli niyang pinilit na mag-salita kahit na hirap na siyang maka hinga. "Naalala mo nang araw na malaman ko ang pagkatao mo?.. Natakot ako nun, dahil wala akong idea kung anong nangyayari sayo.. Nagtatatakbo ako nun sa takot.. Hinabol mo ako upang pigilan ako ngunit sa kakaiwas ko sayo nun na huwag mo akong ma hawakan ay aksidente akong nadulas.. Sinalo mo ako at nadaganan kita..Naalala mo nang pilit ka nilang pinapainom ng alak, ngunit tumanggi ka dahil alam mong aatakihin ka ng sakit mo kapag nalasing ka.. Ako.. Ako ang uminom para sayo...naalala mo nang pinag panggap mo akong girlfriend mo?.. Pinalabas mo pang nag sa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments