UNANG ARAW sa trabaho ni Andrea Morales ngayon. Ito ang kauna-unahan niyang trabaho na napasukan. Kaga-graduate niya lang kasi sa kursong business management at kinakailangan niya na kaagad na makapag trabaho dahil kamamatay lang ng kanilang mga magulang. Parehong guro sa eskwelahan ang kanyang mga magulang sa isang pampublikong paaralan sa kanilang probinsya. Ngunit sa isang hindi inaasahan na pang yayari ay aksidenteng nabangga ng isang kotse ang sinasakyang traysikel ng Mga ito at nahulog sa bangin na malapit sa kalsada. Kaya't Ulilang lubos na sina adrea. Panganay siya sa dalawang magkapatid. Dahil sa kailangan niyang mag hanapbuhay Ang isa niyang kapatid na lalaki ay inihabilin niya muna sa kanilang tiyahin na kapatid ng kanilang tatay.
Pinakiusapan niya ang kanilang tiyahin na doon niya muna iiwan ang kanyang kapatid na si Dominic. Sinabihan niya ito na magpapadala nalang siya tuwing siya ay sa sahod para pang budget sa pagkain ng kaniyang kapatid.Matapos kasi na mailibing nila ang bangkay ng kanilang mga magulang ay nag desisyon siya na ibenta nalang ang kanilang maliit na bahay at ang perang kanilang pinag bentahan ay ang siyang ibinayad niya sa eskwelahan ng kanyang kapatid upang matiyak na makakatapos ito hanggang kolehiyo.Nasa 1st year high school palang ang kanyang kapatid na si Dominic at na isip niya na ibayad nalang lahat sa eskwelahan ng kanyang kapatid ang lahat ng perang pinag bentahan ng kanilang bahay. Mayroon na ring eskwelahan kasi para sa kolehiyo sa eskwelahan na pinapasukan ng kanyang kapatid.Naisip niya na baka kung saan lang mapunta ang pera. Kaya makabubuting agad na ibayad niya na sa eskwelahan ng kanyang kapatid. Dahil doon maka sisigurado silang makakapag tapos talaga ang kanyang kapatid.Yun kasi ang pangarap sa kanila ng kanilang mga magulang ang makapag tapos sila ng pag aaral ng sa gayon ay magkaroon sila ng maaayos na trabaho paglaki nila. Nagtira lang sila ng kaunti para pang gastos sa libing ng kanilang mga magulang.Matapos ang dalawang linggong pag dadalamhati sa pag kawala ng kanilang mga magulang ay heto ngayon si andrea sa maynila at nag tatrabaho. Natanggap siya sa pagiging isang assistant auditor sa isang kumpanyang pharmaceutical company."good morning po ma'am Santos.." Bati niya sa kanyang manager na si mrs. Santos na noo'y kararating lang. may edad na ang babae na sa tantiya niya ay nasa 50's na ito. Huminto ito sa kanyang tabi at Ngumiti ito pagka kita sa kanya."good morning din iha.. Ikaw si andrea morales right?" Tanong nito sa kaniya.Tumango si andrea dito na may ngiti sa labi bago ito tumugon."yes ma'am.. Ako nga po.." sagot niya."alam mo naman na siguro ang mga rules dito noh.. Galingan mo iha para ma regular ka.." saad nito kay andrea."opo ma'am.. Nasabi na po sa akin ni ms. Suarez kanina.. Salamat po.." magalang na tugon ni andrea sa matandang manager.Si ms. Suarez kasi ang kasabayan niyang dumating kanina sa opisina. Dahil dalawa palang sila sa opisina ay ito na ang nag orient sa kanya ng tungkol sa rules and regulations ng kumpanyang kanilang pinagta trabahuan. Kaparehas niya ay isa din si ms. Suarez sa limang personnel na naka asign sa audit department.Pagka tapos marinig ni mrs. Santos ang kaniyang sagot ay nag lakad na ito at pumasok na sa kanyang opisina na katabi lang ng kanyang table.Mga dalawang oras pa ang lumipas ng may lumapit kay andrea na isang lalaki."hi, Ikaw ba si ms. Morales.. Andrea morales?"tumingala si andrea dito at ngumiti."ahmm.. Opo ako nga po.." tugon niya sa lalaking nag tatanong."pasahan ngayon ng reports.. Ikaw daw ang mag dala nito kay sir nick.. Ihatid mo kaagad to kasi ayaw ni sir ng pinag hihintay.. Kailangan kasi maaga palang ay nasa kanya na lahat ng mga reports.." paliwanag ng lalaki kay andrea na sa tantiya niya ay halos kasing edad niya lang ito mga around 20's."sige po sir.. Noted po.." tugon ni andrea sa kausap."naku, wag mo na akong tawaging sir.. Pareho lang naman tayong bago dito.. Ah sige ha.. Iwan ko na to sayo.. Bahala ka na mag hatid niyan kay mr. Buenavista.." saad pa nito bago umalis.Tango lang ang itinugon dito ni andrea. Nang umalis ang lalaki ay kaagad din siyang tumayo at naglakad papunta sa opisina ng kanilang boss. Dahil hindi niya alam ang daan papunta sa opisina nito ay nag tanong muna siya sa guard na naka tayo malapit sa may elevator. Sinabihan siya nitong umakyat sa 5th floor at kapag dumating siya sa 5th floor ay may makikita daw siyang kulay bughaw na pintuan at iyon daw ang opisina ng kanilang Boss.Mabilis na umakyat si andrea sa itaas gamit ang elevator. Pagka akyat niya sa 5th floor ay iginala niya ang kanyang mga mata at kaagad naman niyang nakita ang kulay bughaw na pintuan. Ito lang naman ang nag iisang bughaw na pintuan dahil ang kulay ng ibang pintuan doon ay kulay puti na.Agad siyang lumapit at kumatok sa kulay bughaw na pintuan. Naka dalawang katok siya ng bumukas ang pintuan nito.Bumungad sa kanya ang may edad ng babaeng na sa tantiya niya ay nasa late 40's na ito. Seryoso ang mukha nito na tumingin sa kanya."good morning po.. Ako po si andrea morales ng audit department.. Ito po yung mga reports for this month.." saad niya sa babaeng nasa harapan niya.Tumango ito sa kanya at binuksan nito ng malawak ang pintuan."sige dalhin mo nalang yan kay sir nick.. Pumasok ka diyan sa pintuang nasa kanan mo.." utos ng babae sa kanya at tsaka muli na itong bumalik at umupo sa upuang nasa kanyang table.Tumango at ngumiti si andrea dito tsaka naglakad papasok. Nang tumapat na siya sa isa pang pintuan na kulay bughaw din ay muli siyang kumatok.Naka tatlong katok siya bago may muling sumagot."come in." narinig niyang sinabi ng taong nasa loob.Marahan niyang binuksan ang pintuan at tsaka siya pumasok.Pagka pasok niya sa loob ay naka tayo ang isang lalaking matangkad habang naka talikod ito sa kanyang gawi. May kausap ito sa kanyang cellphone. Nang maramdaman nitong bumukas ang pintuan ay sandali lang itong lumingon sa kanya."ahmm.. Good morning po sir.. From audit dep—" bati ni andrea sa kanilang boss. Ngunit hindi na nito tinapos ang kanyang sasabihin ng bigla itong mag salita."Put it down to my table.. " saad nito na hindi na muli pang lumingon sa kanyang gawi.Nakadikit parin kasi sa tenga nito ang hawak nitong cellphone na animo'y pinakikinggan ang nag sa salitang nasa kabilang linya. Agad niyang inilapag ang mga naka folder na reports at agad siyang humakbang palabas ng kuwarto. Doon lang muling lumingon sa kanya ang kanilang boss bago niya tuluyang naisara ang pintuan.Kahit na hindi niya nakita ng buo ang mukha nito ay alam niyang gwapo ang kanilang amo. Matangkad ito at medyo may Kaputian mas maputi nga lang siya dito. Napa ngiti siya ng tuluyan niya ng naisara ang pintuan. Ngumiti din siya ng bahagya sa babaeng nag bukas sa kanya ng pintuan kanina.Marahil ito ang sekretarya ng kanilang boss.Pagka labas sa isa pang pintuan ay dali-dali ding nag lakad si andrea pabalik ng kaniyang puwesto.Nang dumating na ang tanghalian ay hindi na siya lumabas ng gusali. Dahil may baon siyang pag kain na binili niya sa nadaaan niyang karenderya kanina bago siya pumasok ng trabaho. doon nalang siya kumain sa kanyang table. Kailangan niya kasing tipirin ang natira sa kanyang pera. Medyo may kamahalan kasi ang nakuha niyang apartment.Maliit lang ito kung tutuusin ngunit dahil sa malapit lang ito sa kanyang pinag tatrabahuan ay pumayag na siya sa ganoong presyo. Total mag isa lang naman siya at hindi niya kailangan ng malaking apartment. Wala din naman siyang masyadong gamit dahil bukod sa kanyang mga damit at isang electric fan. tanging pang isahang foam, isang kumot at dalawang unan lang ang mayroon siya.Bumili lang din siya nag tig iisang gamit sa pagkain. Maging baso at tasa ay tig iisa lang din. Hindi pa kasi siya nakabili ng lutuan. Mabuti nalang at sa nakuha niyang apartment ay mayroon ng nakalagay na lamesa at dalawang upuan. Kaya't nakakaupo siya kapag nanga-ngalay na ang kanyang paa sa pag upo sa sahig. Wala din kasing bed frame ang kanyang higaan. Tanging sa sahig niya lang inilapag ang nabili niyang foam sa palengke.Natapos ang buong araw ni andrea sa trabaho ng may ngiti siya sa kanyang labi. Hindi kasi siya na hirapan sa kanyang naging trabaho. Kasalukuyan siyang nag lalakad papuntang sakayan ng jeep ng may nadaanan siyang nag titinda ng mga barbecue. Huminto siya saglit at bumili ng barbecue. Ito kasi ang uulamin niya sa kanyang hapunan.Maghahanap nalang siya Malapit sa kanyang apartment ng karenderya na mapag bibilhan niya ng kanin. Nang makababa si andrea ng jeep ay palinga linga siya sa paligid upang maghanap ng mabibilhan ng kanin. Sarado na kasi ang karenderyang pinag bilhan niya kaninang umaga ng kanyang pagkain. Medyo malayo na ang kanyang nailagpas sa kanyang apartment ng maka kita siya ng bukas na karenderya. Agad siyang bumili ng kanin dito at mabilis ang kanyang mga hakbang pabalik ng kanyang apartment. Ramdam niya na kasi ang gutom dahil hindi siya nakapag meryenda kanina sa kanyang trabaho. Sa kadahilanang gusto niyang matapos kaagad ang mga ipinapagawa sa kanya ng kanilang manager na si mrs. Santos.Lumipas ang isang buwan at naging okay naman ang lahat ng nangyari sa buhay ni andrea. Gamay niya na ang kanyang mga gawain sa kanyang pinapasukang trabaho. Naka sahod na rin siya kung kaya't nakapag padala na siya sa kanyang kapatid para pang budget nito sa araw araw na gastusin.Kasalukuyang nasa trabaho na si andrea ng mag patawag ng emergency meeting ang kanilang boss. Nakaramdam siya ng excitement. Ngayon palang kasi niya makikita ng lubos ang kanilang boss. Dahil ng magpunta siya sa office nito noong nakaraang buwan ay hindi niya nakita ng maayos ang mukha nito dahil nakatalikod ito habang nag sasalita sa kanya. Tumayo na siya upang mag punta sa meeting place ng napansin niyang kinakawayan siya ni ms. Suarez. Nakangiti ito habang tinatawag siya. Agad naman siyang lumapit sa babae at nang makalapit siya dito ay humawak ito sa braso niya at sinabing sumabay na daw siya dito papuntang meeting place. Tumango naman si andrea dito ng may ngiti sa labi bilang sagot sa sinabi ng babae.
NATAPOS na ni andrea ang ipina pagawang report sa kanya ni mrs. Santos. Dinampot niya na ang kanyang bag upang umuwi na. Ngunit naalala niyang kumuha muna ng tubig sa itaas upang makainom siya ng tubig. Ramdam parin kasi niya ang uhaw sa kanyang lalamunan.Naka akyat na siya sa ika limang palapag ng gusali at akma na siyang kukuha ng tubig mula sa dispenser ng may marinig siyang ingay na nang gagaling sa may bandang dulo ng hallway. Nakaramdam siya ng takot dahil wala na siyang ibang nakikita na tao sa palapag na iyon. Maging ang security guard na naka bantay doon kanina ay wala na rin. Nais niya na sanang bumalik nalang sa ibaba at tuluyan ng umuwi nalang. Ngunit muli nanaman siyang may narinig na ingay. Naisip niya na baka may naka pasok na mag nanakaw o masamang tao. Lakas loob siyang nag lakad sa kahabaan ng hall way. Naalala niyang doon din sa palapag na iyon ang opisina ng kanilang Ceo boss na si mr. Nicko Buenavista. Nawala ang ingay na narinig niya kanina na animo'y may bumag
Narinig niyang nag buntong hininga muna ang kanyang boss bago ito nag salita. "ahmm.. May problema kasi ang company.. Despirado ang step dad ko na makuha ang company.. At hinahanapan niya ako ng butas para makuha ito.. May sakit ako na hindi ko makontrol..." Pagka sabi niyon ay muli itong nag yuko ng ulo." i have a tourette syndrome... At hindi siya ordinaryong tourette syndrome na gaya ng sa iba.. Mas madalas umatake ang sakit ko kapag nakakaramdam ako ng galit at sobrang pagod.. Epekto na rin ng sakit ko sa puso.." muli pang kwento ng binatang amo kay andrea. " a-alam po ba ng step dad niyo ang tungkol sa sakit niyo?.. " Tanong ni andrea sa kanyang boss. " hindi niya alam.. Walang sino mang nakaka alam bukod kay mommy at sayo... Kaya hindi pwedeng malaman ng step dad ko ang tungkol sa karamdaman ko.. Lalo lang niyang iisipin na hindi ko kayang hawakan ang kumpanyang ito.. May koneksyon siya sa lahat ng mga investors dahil isa rin siya sa nag invest sa company na ito.." paliwanag
Malayo palang habang naglalakad sa parking lot si andrea ay tanaw na niya si Lucas na naka sandal sa harapan ng kotse nito. Naka ekis ang dalawang braso nito sa harap ng kanyang dib-dib. Kaagad din siyang napansin ng binata at natanaw niya na itong naka ngiti sa kanya. Nang tuluyang makalapit si andrea dito ay tumayo ito ng tuwid at inalis ang kanyang mga braso sa pagkaka ekis sa harapang dib-dib nito."hay sa wakas.. Matutuloy na rin tayo.. Akala ko ay hindi nanaman eh.." natatawang saad nito pagka lapit palang ni andrea dito. Tumawa si andrea bago ito nag salita."oo nga eh.. For sure busy busy-han na ako nito starting tomorrow.. Dahil bukas na ako lilipat sa opisina ni sir nicko.." saad niya sa binata na naka tayo parin sa kanyang harapan at naka ngiti."o paano.. Let's go na?.." Tanong ni Lucas kay andrea at hindi pa man nakaka sagot si andrea ay naglakad na ito upang buksan ang pinto ng kanyang kotse."okay.." tanging tugon ni andrea sa binata at ng mabuksan ni Lucas ang pintuan
MABILIS ang mga hakbang ni andrea upang mahabol ang papalayo niyang boss. Agad niya rin naman itong naabutan. Nang makababa na sila ng rooftop ay pumasok sila sa isang malaki at magarang kuwarto. Huminto sa pag hakbang ang binatang amo ni andrea at lumingon ito sa gawi niya. Naramdaman ni andrea na may gusto itong sabihin sa kanya kaya dali-dali siyang lumapit dito. At nang makalapit na si andrea dito ay tsaka ito nag salita. Seryoso ang mukha nitong naka tingin sa kanya."ms. Morales.. Kailangan mong mag handa.. May biglaang meeting tayo ngayon.. Sa loob ng 30 minutes ay mag sisimula ito. Kailangan ko ng tulong mo.. Kasama sa meeting mamaya ang step father ko.. At maaaring mag yaya siyang mag inom kami.. Alam mo naman ang tungkol sa kalagayan ko diba..?" matapos na sabihin iyon ni nicko sa kanya ay nag buntong hininga ito ng malalim at muling tumingin sa kanya.Ramdam ni andrea ang pressure sa batang boss. At nauunawaan niya ang ibig nitong mang yari na gawin niya."basta nasa likod
MATAPOS mailapag ng mga waiter ang pagkain sa lamesa ay isa-isang nag kuhanan ng pagkain ang mga taong nasa loob ng meeting room na iyon. Maging si andrea ay sumabay na ring kumain sa kanila.Nang matapos na ang lahat kumain ay tumayo na si nicko at nag paalam na aalis na sila ni andrea dahil kailangan pa daw nilang bumalik ng opisina."Don't go away.. Let's have some drink iho.. Palagi ka nalang seryoso sa trabaho.. Samahan mo muna kami dito.. Gaya ng sabi mo maraming bagong investors tayo.. Kaya dapat lang na mag celebrate tayo.." saad ng matanda sa kanyang boss na si nicko.Muling bumalik sa pagkaka upo ang kanyang binatang boss. Nakita ni andrea na nagsasalin na ng alak sa baso ang step dad ng kanyang amo. At isa isang binigay ang baso sa mga taong naroon. Mabuti nalang at hindi kasama sa mga binigyan nito si andrea. Kaya naka hinga ng maluwag si andrea. May naisip kasi siya na plano niyang gawin upang matulungan ang kanyang boss.Nakikinig lang siya sa mga pinag uusapan ng mga it
KINABUKASAN ay Nagising si andrea na masakit ang ulo at ramdam niya rin ang pag hapdi ng kanyang sikmura. Dahil kasi sa mga nainom niyang alak kahapon ay kaagad siyang humiga sa kanyang kama pagka lapag pa lang niya ng kanyang bag sa lamesa. Hindi niya na nga nagawang mag bihis pa. Nag hubad lang siya ng sapatos at kaagad na inilapat ang kanyang katawan sa pang isahan niyang kama.Lulugo lugo siya na tumayo mula sa pag kakahiga. Sinipat niya ang maliit na orasan na naka patong sa table na malapit sa pintuan ng kanyang kuwarto. Mag aalas siyete na ng umaga at may isang oras nalang ang natitira sa kanya. Agad siyang nag init ng tubig mula sa electric kittle na kabibili niya lang noong isang araw. Habang nag iinit ng tubig ay naisipan niyan lumabas muna sandali ng kanyang apartment upang tingnan kung may nagtitinda ba ng pang agahang pagkain sa may kanto malapit lang sa kanyang tinutuluyang apartment. Hindi na siya nag abala pang mag hilamos. Nag tanggal lang siya sandali ng muta sa kany
MAKALIPAS ang isang linggo ay naka tanggap si andrea ng isang invitation card mula kay Lucas para sa darating na birthday party ng ina nitong si donya eloi."andeng sana makapunta ka ha.. Gusto ka raw kasi makilala ni Mommy.. Madalas kasi kitang naku kwento sa kanya.." Saad ni Lucas ng mag kita sila sa canteen. Sabay silang kumakain ng tanghalian. Dalawang araw na ang nakalilipas ng matanggap ni andrea ang invitation card mula sa binata. Sa linggong darating na gaganapin ang birthday party ng ina ni Lucas."okay sige.. Huwag kang mag alala darating ako.. Hapon pa naman ang party diba.. Tamang tama makakapag laba pa ako ng mga damit ko.." tugon ni andrea sa binatang si Lucas matapos nitong uminom ng juice mula sa kanyang hawak na baso."basta aasahan ko yan andeng ha.. Naku, matutuwa si mommy kapag nakita ka nun.." muli pang saad ni Lucas kay Andrea."oo nga.." muli ding tugon ni andrea sa binata.Ngi-ngiti ngiti naman ang binatang si Lucas habang sumusubo ng pagkain sa bibig. Si andr
Matapos ang kanilang kasal ay nag paiwan ang dalawa sa isla. Doon nila gaganapin ang kanilang Honeymoon. Ang islang iyon na pinag dausan ng kasal ng dalawa, ay ang isla del Castillo na pag magmay-ari nina jordan del Castillo, ang ama ni Lucas del Castillo. Hindi iyon napansin ni andrea, dahil una niyang napansin ang ganda ng paligid nito. Sa islang iyon din ginanap ang kasal nina jordan del Castillo at eloisa mae Macaraeg, balak nilang doon na rin idadaos ang magiging kasal ng kanilang mga anak balang araw. Naniniwala kasi ang dalawa na maswerte ang lugar na iyon, dahil dinivelop ang lugar na iyon, dahil sa pag ibig ni jordan kay eloisa.Kaya ng malaman nila ang balak na pag papakasal ni nicko kay andrea ay ang lugar na iyon ang kanilang iminungkahi na gaganapan ng magiging kasal ng dalawa. Katatapos lang mag love making ng dalawa. Kasalukuyang naka tayo sa balkonahe noon si nicko at naka tanaw sa malayo, nang lapitan siya ni andrea at yakapin sa likuran nito."anong iniisip mo mah
Luhaan ang dalawa ng mag tagpo sa harapan ng altar. Hawak kamay silang humarap sa Paring mag kakasal sa kanila."you may now kiss the bride.." Saad ng pari kay Nicko.Tapos na ang kasal ay hindi parin makapaniwala si andrea na buhay si nicko. Hinalikan siya ng binata sa kanyang labi. Habang magkalapat ang labi ng dalawa ay narinig nilang nag papalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan.Nang mag hiwalay ang kanilang labi ay niyakap pa siya nito ng mahigpit. "congratulations to both of you!.." Bati sa kanila ni Ginang helen pagka lapit palang nito sa kanilang dalawa. Yumakap ito sa dalawa. Humalik naman sa pisngi nito sina andrea at nicko. "salamat mommy.." Halos sabay na saad ng dalawa sa ginang na noo'y punong puno ng luha ang mga mata nito. "bakit po kayo umiiyak mommy?" Tanong ni andrea sa ginang na noo'y nag pupunas na ng luha nito."masaya lang ako anak.. Masayang masaya.. Hindi ko akalain na darating tayo sa ganitong punto.. Na magiging manugang na kita.." Tugon nito kay
Flashback:Isang buwan bago ang mangyaring pag kalat ng video ni nicko, na si andrea pa ang kumuha ay nakatakda na sana siyang magpa opera sa ibang bansa. Tumawag kasi ang kanyang personal doctor na mayroon na daw nakuhang heart donor para sa kanya. Ngunit nag aalangan ang binata, dahil na kumpirma niya na sa kanyang sarili na mahal na nga niya si andrea, at sa tingin niya ay hindi niya kayang mawalay dito. Nasanay na kasi siya sa presensya nito, na palagi niya itong nakakasabay kumain, maging sa pag pasok at pag uwi nila sa trabaho. Kulang na nga lang ay mag tabi sila nito sa pag tulog. Hanggang sa dumating ang araw na napansin niyang parang hindi na masaya si andrea sa kanilang set up. Iniisip kasi ng binata na mahal talaga ni andrea si Lucas at kaya ito nalulungkot ay dahil hindi na nito nakakasama madalas ang lalaking iniibig nito na si Lucas. Dahil nga sa magkasama na silang naka tira nito sa iisang iisang bubong.Dahil doon ay nasasaktan si nicko, ayaw niya kasi na nakikitang
Parang na istatuwa si andrea ng hindi si mang delfin ang taong hinawakan niya. Kamukhang kamukha ito ni nicko. Naka ngiti sa kanya ang lalaki pagka harap nito sa kaniya."nicko...?" Halos pa bulong na saad ni andrea. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Mas lumapad pa ang pagkaka ngiti ng lalaking kanyang kaharap.Hindi na napigilan ni andrea ang kanyang sarili. Niyakap niya ito ng mahigpit. Habang naka yakap si andrea dito ay inaasahan niyang bigla itong mawawala habang yakap niya. Ngunit sa ilang segundo siyang na kayakap dito ay nanatili pa rin itong nayayakap niya."no please.. Kung panaginip lang to ayoko ng magising lord.." Halos pa bulong na saad ni andrea sa kanyang sarili."Mahal mo ba si nicko?.." Tanong ng lalaking ka yakap niya sa paos na boses. "oo mahal na mahal ko siya.."Matapos na sabihin iyon ng dalaga ay doon niya lang naramdaman na niyakap din siya nito at mas mahigpit pa ang ginawang yakap nito sa kaniya. Kumalas sa pagkaka yakap dito si andrea. Ngunit
Gusto pa sanang kausapin ni andrea si mang delfin, ngunit mas pinili niya nalang na manahimik muna. Baka kasi maka istorbo pa siya sa pag mamaneho nito, at isa pa ay alam niyang masama ang pakiramdam nito.Makalipas ang halos isang oras ay narating din nila ang lugar kung saan sinasabing nilipat ni ginang helen si nicko. May kalayuan din pala ang lugar kaya siguro nag mamadali si mang delfin kanina."Mang delfin may libingan po pala dito? Ang galing din ng naka isip nito noh.. Nag tayo sila ng libingan dito, para ang mga taong papasyal sa puntod ng mga mahal nila ay makakapag swimming na rin.. Ang galing!" Hindi maiwasan ni andrea ang humanga ng husto sa ganda ng paligid na kanyang nakikita. Napansin niyang hindi nag sasalita si mang delfin sa kanyang likuran. Nauna kasi siyang bumaba ng sasakyan dito. Nang lingunin niya ito ay wala na ito sa kanyang likuran. Nag taka si andrea, dahil kanina lang ay nakita na niya itong sumunod na bumaba sa kanya, at ngayon ay wala na ito kaagad sa k
Dalawang hakbang nalang ang pagitan ni andrea sa imahe ni nicko. Muli niyang binigkas ang pangalan nito. "nicko..." Naka titig parin sa kanyang mukha ang imahe at hindi parin nawawala ang ngiti nito sa labi. Sa paningin ni andrea ay mas lalong gumuwapo ito. Nang akma niya na itong yayakapin ay may narinig siyang tumawag sa kanya, mula sa kanyang likuran. "andrea.." Hindi niya sana papansinin ang taong tumatawag sa kanya, ngunit muli siyang tinawag nito. Doon na niya ito nilingon. Si ginang helen pala. Naka ngiti ito sa kanya, nag lalakad na ito palapit sa kanya.Muli niyang nilingon ang nakitang imahe ni nicko, ngunit wala na ito doon. Inikot niya pa ang kanyang paningin sa paligid, pero hindi na niya ito muling nakita pa. Nabahiran ng lungkot ang mukha ni andrea. Naisip niya na sana ay niyakap niya nalang muna si nicko, bago niya nilingon ang ginang."iha?.. May problema ba?.. Bakit parang bigla ka nalang nalungkot?.." Sunod-sunod na tanong sa kanya ng ginang. Hinawakan siya ni
Araw ng Sabado. Na kapag pasya na si andrea na paupahan nalang muna ang bahay na nabili niya. Hindi pa naman niya ito napapa renovate kaya ma-aari niya pa itong paupahan muna.Titira muna sila sa condo ni nicko ng kanyang kapatid, upang masunod ang hiling ni nicko sa kanya bago ito mawala na doon muna siya titira sa condo unit nito. Isasama niya nalang din si noemi na kapatid ni pia at ang anak nitong baby pa. Upang may makasama parin si dominic, habang nasa trabaho siya. "dom, siguradohin mong wala ka nang makalimutang dalhin ha. Samantalahin natin ngayon na wala akong pasok ng dalawang araw.. Kailangan mailipat na natin ang mga importanteng gamit natin sa condo.. Hindi kasi ako pwede bukas na, dahil nangako ako kay ginang helen na papasyal tayo doon.. "Mahabang litanya ni andrea sa kanyang kapatid. Mabuti nalang din na hindi pa ito nag sisimula sa kanyang klase, dahil kung nagka taon na pumapasok na ito sa eskwela ay aasikasuhin na naman niya ang pag lipat nito sa ibang eskwelahan
Namalayan nalang ni andrea na huminto ang kanilang sinasakyan sa tapat ng isang gusali kung saan naroroon ang condo unit ni nicko. "let's go iha.. Pasyalan natin itong condo unit ni nicko.." Anyaya ng ginang kay andrea. Nakababa na ang ginang, pero si andrea ay nanatili pa ring naka upo ito. Nag dadalawang isip siya kung bababa ba siya at papasok sa condo ni nicko. Marami silang nabuong alaala dito. Baka mas lalo lang siyang malungkot kapag pumasok siya dito. Naramdaman niya nalang na hawak na ng ginang ang kanyang kamay. Walang nagawa si andrea kundi ang bumaba nalang. Para siyang manika na di susi, na sumusunod lang sa bawat hakbang ng ginang. Nang marating nila ang palapag kung saan matatagpuan ang unit ni nicko ay hindi na naman mapigilan ang pag patak ng kanyang mga luha. Kung wala lang doon ang ginang ay baka hinimatay na siya sa sobrang lungkot. Pero dahil kinakausap siya nito, kahit papaano ay naiibsan ang kanyang kalungkutan. Pumasok sila sa kuwarto ni nicko. Pakiramdam
"i miss you.." Saad ng binata sa paos na boses habang naka titig sa mukha ni andrea."na-miss din kita.." Tugon ni andrea ng may ngiti sa labi. Akma sana siyang hahalikan ni nicko pero iniwas niya ang mukha niya dito. "ubusin mo na tong pagkain mo para makapag pahinga ka.. Tingnan mo yang itsura mo sa salamin.. Ang laki na ng eye bag mo!.." Saad ni andrea sa binatang naka ngiti parin. Hindi na nawala wala ang ngiti nito sa labi. Hindi mapag kakailang masaya itong muli niyang nakita si andrea. " ayaw ko matulog.. "" bakit naman?.. "" baka hindi na kita makita pag gising ko.."Kinilig si andrea sa sinabing iyon sa kanya ng binata. Binitawan niya ang hawak niyang kutsara na may lamang pagkain at hinawakan ang mukha ni nicko. "huwag kang mag alala sasamahan kitang matulog..." Tugon ng dalaga kay nicko."talaga sinabi mo yan ha.." "oo nga.. Kaya ubusin mo na to..