Share

Chapter Two

Author: Betchay
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Lumipas ang isang buwan at naging okay naman ang lahat ng nangyari sa buhay ni andrea. Gamay niya na ang kanyang mga gawain sa kanyang pinapasukang trabaho. Naka sahod na rin siya kung kaya't nakapag padala na siya sa kanyang kapatid para pang budget nito sa araw araw na gastusin.

Kasalukuyang nasa trabaho na si andrea ng mag patawag ng emergency meeting ang kanilang boss. Nakaramdam siya ng excitement. Ngayon palang kasi niya makikita ng lubos ang kanilang boss. Dahil ng magpunta siya sa office nito noong nakaraang buwan ay hindi niya nakita ng maayos ang mukha nito dahil nakatalikod ito habang nag sasalita sa kanya.

Tumayo na siya upang mag punta sa meeting place ng napansin niyang kinakawayan siya ni ms. Suarez. Nakangiti ito habang tinatawag siya. Agad naman siyang lumapit sa babae at nang makalapit siya dito ay humawak ito sa braso niya at sinabing sumabay na daw siya dito papuntang meeting place. Tumango naman si andrea dito ng may ngiti sa labi bilang sagot sa sinabi ng babae.

Mabait si ms. Suarez palagi siyang binabati nito at kinakamusta kung kaya't naka palagayang loob niya na ito. Mas matanda lang ito sa kanya ng limang taon. Kaparehas niya ay dalaga pa rin ito.

Nang marating nila ang meeting place ay naroon na ang kanilang boss. Naka upo ito habang nag hihintay pa sa ibang empleyado na hindi pa dumarating. Mga ilang segundo pa ang lumipas ng tumayo ito.

Seryoso ang mukha nitong nagpakilala sa mga bagong empleyado na kagayaa niya.

Sabi ko na.. Gwapo si sir eh.. Pero bakit ganun ni hindi man lang ito ngumi-ngiti.. Ganun ba kamahal ang ngiti nito.. Kahit nasa harapan niya lahat ng kanyang mga empleyado ay wala manlang itong ka ngiti-ngiti.. Sayang naman.. Ang gwapo pa naman ni sir.. Bulong ni andrea sa kanyang sarili habang nakatingin sa kanilang amo na nag sa salita habang naka pamewang.

May limang minuto pa itong nag salita sa kanilang harapan ng mag paalam ito. At sinabing tapos na ang kanilang pag pupulong. May mga ilang sinabi lang ito tungkol sa nangyayari sa kanilang kumpanya. Matapos niyon ay tumalikod na ito at naglakad palayo.

Unti-unting nag sipag alisan na ang mga empleyado. Ngunit siya ay habol tanaw niya parin ang kanilang boss kahit na likod nalang nito ang natatanaw dahil malayo na ito sa kanilang kina tatayuan. Maya-maya pa ay naramdaman niyang may kuma kalabit sa kanyang braso. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si ms. Suarez na naka ngiti sa kanya.

"uy andrea.. Crush mo si sir noh.." saad nito sa kaniya habang may ngiti parin sa labi.

"naku, hindi po ms. Suarez!" tanggi niya sa sinabi ng babae.

"anong hindi?! Eh bakit ganyan ka makatingin kay sir?! Tingnan mo nga, kahit wala na siya ay naka tingin ka parin sa hallway kung saan siya nag lakad kanina!" saad nito sa kaniya at bigla itong tumawa.

Naramdaman niyang biglang nag init ang kanyang buong mukha. Na I-imagine niya Kung gaano ka pula ang kanyang mukha. Halos hindi tuloy siya makatingin sa gawi ni ms. Suarez. Nakatawa parin kasi ito habang naka tingin sa kanya. Nagulat nalang siya ng bigla siyang hinampas nito sa braso. Hindi naman malakas kaya hindi siya nasaktan.

"ano ka ba! Okay lang yan.. Bakit ka nahihiya sakin.. Pareho lang naman tayong babae.. Marami talagang nagkaka Crush diyan kay sir.. Alam mo ba ang balita ko wala pang nagiging Girlfriend yang si sir.." saad pa nito sa kaniya at muli siya nitong hinawakan sa braso at giniya pabalik ng kanilang puwesto.

" ay talaga po.. Eh bakit naman po kaya wala siyang girlfriend.. Sa gwapo at yaman ni sir... Imposibleng wala man lang lumalapit sa kanya na babae.. " tugon niya sa babaeng kasabay niyang nag lalakad.

Nakita niyang nag kibit balikat muna ang babae bago ito nag salita.

" hindi ko rin alam Andrea.. Baka kasi sa negosyo lang naka focus si sir at wala pa sa isipan niya ang pakikipag relasyon.. Ang alam ko kasi sa kaniya ipina mana ng kanyang ama itong kumpanya kaya malaki ang responsibilidad niya para mapanatili ang kumpanyang ito. Ang alam ko rin kasi ay walang kapatid yang si sir.. Bukod doon sa anak ng step father niya.." kwento ng babaeng si ms. Suarez sa kanya at muli pa itong nag salita.

" uy Andrea, wag mo na pala ako tawaging ms. Suarez.. Parang ang tanda ko na tuloy.. Ate pia nalang.. " saad pa nito sa kaniya.

Na pangiti siya sa narinig na sinabi ng babae.

" sige po ate pia.." tugon niya dito.

Hindi na sila muling nag usap pa hanggang sa naka balik na sila sa kanilang puwesto. Kumaway pa ito bago umupo sa sarili nitong upuan.

Maya-maya pa habang naka upo na siya sa kanyang upuan at nag titipa sa kanyang computer ay nakita niyang papalapit sa kanya ang kanyang crush na si Lucas. Dalawang linggo na ang nakalilipas ng maramdaman niyang may pag hanga siya sa lalaki. Palagi niya kasi itong nakaka sabay sa pag sakay sa elevator tuwing papasok at pauwi siya. May mataas din itong posisyon sa kumpanya. Naka ngiti ito ng huminto sa harapan ng kanyang table.

Ngumiti din siya dito bilang ganti.

"hi Andrea.." kaagad na bati nito sa kaniya at muli itong nag salita.

"may ticket ako dito oh.. Baka gusto mong manood ng movie kasama ako?.." Tanong ng lalaki sa kanya.

Nakaramdam siya ng tuwa sa kanyang puso. Naisip niya na niya-yaya ata siyang makipag date ng lalaki.

"ahmm.. Sige po.. Basta ba libre yan sir ha.." tugon niya sa binatang nasa kanyang harapan.

"oo naman libre kita.. Teka, diba sabi ko sayo huwag mo na akong tawaging sir.. Luke nalang..." tugon nito sa kaniya.

Napangiti si andrea sa sinabi ng binata.

"sige.. Luke.." tugon niya dito ng may ngiti parin sa labi.

"okay.. Thanks Andrea.. Antayin nalang kita sa parking mamaya ha.." saad pa nito sa kaniya bago ito tumalikod at naglakad palabas ng kanilang office.

Nang makaalis na ang binata ay may narinig siyang tumitili. Hindi napansin ni Andrea na kanina pa pala nakatingin sa kanila ang babaeng tumitili.

Nang hanapin niya kung sino ay nakita niyang si pia pala. Nakahawak pa ito sa magkabilaan nitong pisngi habang tumitili parin.

"wow, grabe ka andeng! Ang haba ng buhok mo girl! Sino ba talaga si sir nick o si sir Lucas?.. " pang bubuska nito sa kaniya.

Itinapat niya ang kanyang hintuturo sa gitna ng kanyang labi para senyasan ang babae na huwag itong maingay. Agad naman nitong nakuha ang ibig niyang sabihin at tumigil na ito sa pag tawa. Ngunit i-iling iling itong naka tingin parin sa kanya. Magka lapit lang kasi ang table nila. May pagitan lang na hallway sa kanilang dalawa. Kaya madali nitong makikita kaagad kapag may lalapit sa table niya.

Nang malapit na ang uwian ay lumabas ng office nito si mrs. Santos at lumapit ito kay andrea.

" andrea, pwede ka bang mag o.t mamaya? May pina patapos kasi na reports si sir nick.. Kailangan niya daw bukas ng umaga.. Dahil ikaw naman ang pinaka malapit sa atin ang bahay dito.. ay ikaw nalang sana ang mag over time mamaya para matapos kaagad yung pinapa-rush na report ni sir.. Biglaan kasi kanina niya lang ako tinawagan.. Okay lang ba sayo? " kaagad na saad sa kanya ni mrs. Santos pagka lapit palang nito sa kaniya.

" opo, no problem po ma'am.. Gusto ko rin po ng over time.. Pandagdag sahod ko.. " kaagad na tugon niya dito.

Ngumiti ito sa kanya matapos na marinig ang kanyang sinabi.

" okay.. Very good ms. Morales.. I like your attitude.." muling saad sa kanya ni mrs. Santos bago ito naglakad pabalik ng kanyang office.

Ngumiti ng malawak dito si andrea at tsaka tumango dito. Bilang tugon sa sinabi ng kanyang kausap.

Nang dumating na ang uwian ay naiwan si andrea sa office. Hindi niya alam kung may iba pa siyang kasama na nag over time din. Naalala niya bigla si Luke. Niyaya nga pala siya nito na manood ng sine. Biglang nalungkot ang mukha ng dalaga sa naalala. Nanghihinayang siya dahil gusto niya pa sanang makilala ng husto si luke at iyon na sana ang tamang oras para maka bonding niya ito. Ngunit hindi naman pala siya pwede.

Nag iisip siya kung paano sasabihan ang binata na kailangan niyang mag o.t kaya hindi siya makakasama sa panonood nito ng sine. Nasa gayon siyang pag iisip ng marinig niyang tumunog ang cellphone niya. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone upang tingnan kung sino ang nag-text sa kanya. Laking gulat niya matapos mabasa ang text message sa kanya. Si luke lang naman ang nag text sa kanya at nagtataka siya kung paano nito nakuha ang kanyang cellphone number. Agad niyang ni replayan

Ang binata. Sinabi niyang sa susunod na araw nalang siya sasama dito na manood ng sine dahil may importanteng pinapa tapos sa kanya si mrs. Santos.

Sumagot naman agad sa kanya ang binata na okay lang sa susunod na araw nalang daw sila lalabas upang manood ng sine.

Habang nag titipa si andrea sa keyboard ng kanyang computer ay Nakaramdam siya ng gutom. Sinipat niya ang kanyang suot na relo upang alamin ang oras. Nagulat pa siya ng makita ang oras. Mag aalas otso na pala ng gabi at hindi pa siya nag hahapunan kaya pala nag pa paramdam na ang kaniyang sikmura narinig niya na itong tumunog. Naalala niyang may natira pa siyang biscuit kanina at itinago niya ito sa bulsa ng kanyang bag. Agad siyang tumayo para kunin ang natitirang biscuit. Nang makuha niya ito ay muli siyang umupo at ipinag patuloy ang pag titipa sa computer habang ngumu-nguya ng biscuit sa kanyang bibig. Marami pa ang kanyang natirang biscuit kaya kahit papaano ay nabawasan ang kanyang gutom.

Naubos niya na ang kaniyang kinakaing biscuit ng nakaramdam naman siya ng uhaw ngunit ng sipatin niya ang kanyang tumbler na lagayan ng tubig ay kaunti nalang ang laman nito. Kinuha niya ang tumbler at inubos ang lamang tubig nito. Nais niya pa sanang uminom ngunit naisipan niyang tapusin na muna ang kanyang ginagawa bago kumuha ng tubig. Sa itaas pa kasi ang water dispenser kaya aakyat pa siya para lang maka kuha ng tubig. Nasira kasi kanina ang water dispenser na nakalagay sa loob ng kanilang opisina at bukas pa daw ito mapapalitan ayon sa guard na pinag tanungan niya kanina ng umakyat din siya upang kumuha ng tubig.

Related chapters

  • My Torets CEO Boss   Chapter Three

    NATAPOS na ni andrea ang ipina pagawang report sa kanya ni mrs. Santos. Dinampot niya na ang kanyang bag upang umuwi na. Ngunit naalala niyang kumuha muna ng tubig sa itaas upang makainom siya ng tubig. Ramdam parin kasi niya ang uhaw sa kanyang lalamunan.Naka akyat na siya sa ika limang palapag ng gusali at akma na siyang kukuha ng tubig mula sa dispenser ng may marinig siyang ingay na nang gagaling sa may bandang dulo ng hallway. Nakaramdam siya ng takot dahil wala na siyang ibang nakikita na tao sa palapag na iyon. Maging ang security guard na naka bantay doon kanina ay wala na rin. Nais niya na sanang bumalik nalang sa ibaba at tuluyan ng umuwi nalang. Ngunit muli nanaman siyang may narinig na ingay. Naisip niya na baka may naka pasok na mag nanakaw o masamang tao. Lakas loob siyang nag lakad sa kahabaan ng hall way. Naalala niyang doon din sa palapag na iyon ang opisina ng kanilang Ceo boss na si mr. Nicko Buenavista. Nawala ang ingay na narinig niya kanina na animo'y may bumag

  • My Torets CEO Boss   Chapter Four

    Narinig niyang nag buntong hininga muna ang kanyang boss bago ito nag salita. "ahmm.. May problema kasi ang company.. Despirado ang step dad ko na makuha ang company.. At hinahanapan niya ako ng butas para makuha ito.. May sakit ako na hindi ko makontrol..." Pagka sabi niyon ay muli itong nag yuko ng ulo." i have a tourette syndrome... At hindi siya ordinaryong tourette syndrome na gaya ng sa iba.. Mas madalas umatake ang sakit ko kapag nakakaramdam ako ng galit at sobrang pagod.. Epekto na rin ng sakit ko sa puso.." muli pang kwento ng binatang amo kay andrea. " a-alam po ba ng step dad niyo ang tungkol sa sakit niyo?.. " Tanong ni andrea sa kanyang boss. " hindi niya alam.. Walang sino mang nakaka alam bukod kay mommy at sayo... Kaya hindi pwedeng malaman ng step dad ko ang tungkol sa karamdaman ko.. Lalo lang niyang iisipin na hindi ko kayang hawakan ang kumpanyang ito.. May koneksyon siya sa lahat ng mga investors dahil isa rin siya sa nag invest sa company na ito.." paliwanag

  • My Torets CEO Boss   Chapter Five

    Malayo palang habang naglalakad sa parking lot si andrea ay tanaw na niya si Lucas na naka sandal sa harapan ng kotse nito. Naka ekis ang dalawang braso nito sa harap ng kanyang dib-dib. Kaagad din siyang napansin ng binata at natanaw niya na itong naka ngiti sa kanya. Nang tuluyang makalapit si andrea dito ay tumayo ito ng tuwid at inalis ang kanyang mga braso sa pagkaka ekis sa harapang dib-dib nito."hay sa wakas.. Matutuloy na rin tayo.. Akala ko ay hindi nanaman eh.." natatawang saad nito pagka lapit palang ni andrea dito. Tumawa si andrea bago ito nag salita."oo nga eh.. For sure busy busy-han na ako nito starting tomorrow.. Dahil bukas na ako lilipat sa opisina ni sir nicko.." saad niya sa binata na naka tayo parin sa kanyang harapan at naka ngiti."o paano.. Let's go na?.." Tanong ni Lucas kay andrea at hindi pa man nakaka sagot si andrea ay naglakad na ito upang buksan ang pinto ng kanyang kotse."okay.." tanging tugon ni andrea sa binata at ng mabuksan ni Lucas ang pintuan

  • My Torets CEO Boss   Chapter Six

    MABILIS ang mga hakbang ni andrea upang mahabol ang papalayo niyang boss. Agad niya rin naman itong naabutan. Nang makababa na sila ng rooftop ay pumasok sila sa isang malaki at magarang kuwarto. Huminto sa pag hakbang ang binatang amo ni andrea at lumingon ito sa gawi niya. Naramdaman ni andrea na may gusto itong sabihin sa kanya kaya dali-dali siyang lumapit dito. At nang makalapit na si andrea dito ay tsaka ito nag salita. Seryoso ang mukha nitong naka tingin sa kanya."ms. Morales.. Kailangan mong mag handa.. May biglaang meeting tayo ngayon.. Sa loob ng 30 minutes ay mag sisimula ito. Kailangan ko ng tulong mo.. Kasama sa meeting mamaya ang step father ko.. At maaaring mag yaya siyang mag inom kami.. Alam mo naman ang tungkol sa kalagayan ko diba..?" matapos na sabihin iyon ni nicko sa kanya ay nag buntong hininga ito ng malalim at muling tumingin sa kanya.Ramdam ni andrea ang pressure sa batang boss. At nauunawaan niya ang ibig nitong mang yari na gawin niya."basta nasa likod

  • My Torets CEO Boss   Chapter Seven

    MATAPOS mailapag ng mga waiter ang pagkain sa lamesa ay isa-isang nag kuhanan ng pagkain ang mga taong nasa loob ng meeting room na iyon. Maging si andrea ay sumabay na ring kumain sa kanila.Nang matapos na ang lahat kumain ay tumayo na si nicko at nag paalam na aalis na sila ni andrea dahil kailangan pa daw nilang bumalik ng opisina."Don't go away.. Let's have some drink iho.. Palagi ka nalang seryoso sa trabaho.. Samahan mo muna kami dito.. Gaya ng sabi mo maraming bagong investors tayo.. Kaya dapat lang na mag celebrate tayo.." saad ng matanda sa kanyang boss na si nicko.Muling bumalik sa pagkaka upo ang kanyang binatang boss. Nakita ni andrea na nagsasalin na ng alak sa baso ang step dad ng kanyang amo. At isa isang binigay ang baso sa mga taong naroon. Mabuti nalang at hindi kasama sa mga binigyan nito si andrea. Kaya naka hinga ng maluwag si andrea. May naisip kasi siya na plano niyang gawin upang matulungan ang kanyang boss.Nakikinig lang siya sa mga pinag uusapan ng mga it

  • My Torets CEO Boss   Chapter Eight

    KINABUKASAN ay Nagising si andrea na masakit ang ulo at ramdam niya rin ang pag hapdi ng kanyang sikmura. Dahil kasi sa mga nainom niyang alak kahapon ay kaagad siyang humiga sa kanyang kama pagka lapag pa lang niya ng kanyang bag sa lamesa. Hindi niya na nga nagawang mag bihis pa. Nag hubad lang siya ng sapatos at kaagad na inilapat ang kanyang katawan sa pang isahan niyang kama.Lulugo lugo siya na tumayo mula sa pag kakahiga. Sinipat niya ang maliit na orasan na naka patong sa table na malapit sa pintuan ng kanyang kuwarto. Mag aalas siyete na ng umaga at may isang oras nalang ang natitira sa kanya. Agad siyang nag init ng tubig mula sa electric kittle na kabibili niya lang noong isang araw. Habang nag iinit ng tubig ay naisipan niyan lumabas muna sandali ng kanyang apartment upang tingnan kung may nagtitinda ba ng pang agahang pagkain sa may kanto malapit lang sa kanyang tinutuluyang apartment. Hindi na siya nag abala pang mag hilamos. Nag tanggal lang siya sandali ng muta sa kany

  • My Torets CEO Boss   Chapter Nine

    MAKALIPAS ang isang linggo ay naka tanggap si andrea ng isang invitation card mula kay Lucas para sa darating na birthday party ng ina nitong si donya eloi."andeng sana makapunta ka ha.. Gusto ka raw kasi makilala ni Mommy.. Madalas kasi kitang naku kwento sa kanya.." Saad ni Lucas ng mag kita sila sa canteen. Sabay silang kumakain ng tanghalian. Dalawang araw na ang nakalilipas ng matanggap ni andrea ang invitation card mula sa binata. Sa linggong darating na gaganapin ang birthday party ng ina ni Lucas."okay sige.. Huwag kang mag alala darating ako.. Hapon pa naman ang party diba.. Tamang tama makakapag laba pa ako ng mga damit ko.." tugon ni andrea sa binatang si Lucas matapos nitong uminom ng juice mula sa kanyang hawak na baso."basta aasahan ko yan andeng ha.. Naku, matutuwa si mommy kapag nakita ka nun.." muli pang saad ni Lucas kay Andrea."oo nga.." muli ding tugon ni andrea sa binata.Ngi-ngiti ngiti naman ang binatang si Lucas habang sumusubo ng pagkain sa bibig. Si andr

  • My Torets CEO Boss   Chapter Ten

    Nang ganap na silang maka sakay ng eroplano ay magka tabi sila sa upuan ni nicko, ngunit nakiusap siya dito na ayaw niyang umupo sa tabi ng bintana. Pinag bigyan naman siya ng binata. ito ang umupo sa tabi ng bintana, habang si andrea naman ang naka upo sa gilid ng hallway. Habang nasa byahe ay nakaramdam si andrea ng pagka hilo. Ito kasi ang unang beses niya na sumakay ng eroplano. Higit na mas mataas ang lipad ng eroplano kasya sa helicopter na nauna na niyang nasakyan kasama ni nicko.Naisipan ni andrea na idaan nalang sa pag Idlip ang hilo na kanyang nararamdaman. Isinandal niya ang kanyang ulo sa sandalan ng kanyang upuan. dahil sa medyo kulang siya sa tulog kagabi ay kaagad naman din siyang naka tulog pagka Pikit palang ng kanyang mga mata. Habang natutulog ang dalagang si andrea ay napa tingin sa kanyang gawi si nicko. Dumapo ang paningin nito sa mukha ni andrea. Doon lang nagawang titigan ng binata ang buong mukha ni andrea at sa pag titig niya sa mukha ng dalaga ay dumapo d

Latest chapter

  • My Torets CEO Boss   Last Chapter

    Matapos ang kanilang kasal ay nag paiwan ang dalawa sa isla. Doon nila gaganapin ang kanilang Honeymoon. Ang islang iyon na pinag dausan ng kasal ng dalawa, ay ang isla del Castillo na pag magmay-ari nina jordan del Castillo, ang ama ni Lucas del Castillo. Hindi iyon napansin ni andrea, dahil una niyang napansin ang ganda ng paligid nito. Sa islang iyon din ginanap ang kasal nina jordan del Castillo at eloisa mae Macaraeg, balak nilang doon na rin idadaos ang magiging kasal ng kanilang mga anak balang araw. Naniniwala kasi ang dalawa na maswerte ang lugar na iyon, dahil dinivelop ang lugar na iyon, dahil sa pag ibig ni jordan kay eloisa.Kaya ng malaman nila ang balak na pag papakasal ni nicko kay andrea ay ang lugar na iyon ang kanilang iminungkahi na gaganapan ng magiging kasal ng dalawa. Katatapos lang mag love making ng dalawa. Kasalukuyang naka tayo sa balkonahe noon si nicko at naka tanaw sa malayo, nang lapitan siya ni andrea at yakapin sa likuran nito."anong iniisip mo mah

  • My Torets CEO Boss   Chapter: Fifty-two

    Luhaan ang dalawa ng mag tagpo sa harapan ng altar. Hawak kamay silang humarap sa Paring mag kakasal sa kanila."you may now kiss the bride.." Saad ng pari kay Nicko.Tapos na ang kasal ay hindi parin makapaniwala si andrea na buhay si nicko. Hinalikan siya ng binata sa kanyang labi. Habang magkalapat ang labi ng dalawa ay narinig nilang nag papalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan.Nang mag hiwalay ang kanilang labi ay niyakap pa siya nito ng mahigpit. "congratulations to both of you!.." Bati sa kanila ni Ginang helen pagka lapit palang nito sa kanilang dalawa. Yumakap ito sa dalawa. Humalik naman sa pisngi nito sina andrea at nicko. "salamat mommy.." Halos sabay na saad ng dalawa sa ginang na noo'y punong puno ng luha ang mga mata nito. "bakit po kayo umiiyak mommy?" Tanong ni andrea sa ginang na noo'y nag pupunas na ng luha nito."masaya lang ako anak.. Masayang masaya.. Hindi ko akalain na darating tayo sa ganitong punto.. Na magiging manugang na kita.." Tugon nito kay

  • My Torets CEO Boss   Chapter: Fifty-one

    Flashback:Isang buwan bago ang mangyaring pag kalat ng video ni nicko, na si andrea pa ang kumuha ay nakatakda na sana siyang magpa opera sa ibang bansa. Tumawag kasi ang kanyang personal doctor na mayroon na daw nakuhang heart donor para sa kanya. Ngunit nag aalangan ang binata, dahil na kumpirma niya na sa kanyang sarili na mahal na nga niya si andrea, at sa tingin niya ay hindi niya kayang mawalay dito. Nasanay na kasi siya sa presensya nito, na palagi niya itong nakakasabay kumain, maging sa pag pasok at pag uwi nila sa trabaho. Kulang na nga lang ay mag tabi sila nito sa pag tulog. Hanggang sa dumating ang araw na napansin niyang parang hindi na masaya si andrea sa kanilang set up. Iniisip kasi ng binata na mahal talaga ni andrea si Lucas at kaya ito nalulungkot ay dahil hindi na nito nakakasama madalas ang lalaking iniibig nito na si Lucas. Dahil nga sa magkasama na silang naka tira nito sa iisang iisang bubong.Dahil doon ay nasasaktan si nicko, ayaw niya kasi na nakikitang

  • My Torets CEO Boss   Chapter: Fifty

    Parang na istatuwa si andrea ng hindi si mang delfin ang taong hinawakan niya. Kamukhang kamukha ito ni nicko. Naka ngiti sa kanya ang lalaki pagka harap nito sa kaniya."nicko...?" Halos pa bulong na saad ni andrea. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Mas lumapad pa ang pagkaka ngiti ng lalaking kanyang kaharap.Hindi na napigilan ni andrea ang kanyang sarili. Niyakap niya ito ng mahigpit. Habang naka yakap si andrea dito ay inaasahan niyang bigla itong mawawala habang yakap niya. Ngunit sa ilang segundo siyang na kayakap dito ay nanatili pa rin itong nayayakap niya."no please.. Kung panaginip lang to ayoko ng magising lord.." Halos pa bulong na saad ni andrea sa kanyang sarili."Mahal mo ba si nicko?.." Tanong ng lalaking ka yakap niya sa paos na boses. "oo mahal na mahal ko siya.."Matapos na sabihin iyon ng dalaga ay doon niya lang naramdaman na niyakap din siya nito at mas mahigpit pa ang ginawang yakap nito sa kaniya. Kumalas sa pagkaka yakap dito si andrea. Ngunit

  • My Torets CEO Boss   Chapter: Fourty-nine

    Gusto pa sanang kausapin ni andrea si mang delfin, ngunit mas pinili niya nalang na manahimik muna. Baka kasi maka istorbo pa siya sa pag mamaneho nito, at isa pa ay alam niyang masama ang pakiramdam nito.Makalipas ang halos isang oras ay narating din nila ang lugar kung saan sinasabing nilipat ni ginang helen si nicko. May kalayuan din pala ang lugar kaya siguro nag mamadali si mang delfin kanina."Mang delfin may libingan po pala dito? Ang galing din ng naka isip nito noh.. Nag tayo sila ng libingan dito, para ang mga taong papasyal sa puntod ng mga mahal nila ay makakapag swimming na rin.. Ang galing!" Hindi maiwasan ni andrea ang humanga ng husto sa ganda ng paligid na kanyang nakikita. Napansin niyang hindi nag sasalita si mang delfin sa kanyang likuran. Nauna kasi siyang bumaba ng sasakyan dito. Nang lingunin niya ito ay wala na ito sa kanyang likuran. Nag taka si andrea, dahil kanina lang ay nakita na niya itong sumunod na bumaba sa kanya, at ngayon ay wala na ito kaagad sa k

  • My Torets CEO Boss   Chapter: Fourty-eight

    Dalawang hakbang nalang ang pagitan ni andrea sa imahe ni nicko. Muli niyang binigkas ang pangalan nito. "nicko..." Naka titig parin sa kanyang mukha ang imahe at hindi parin nawawala ang ngiti nito sa labi. Sa paningin ni andrea ay mas lalong gumuwapo ito. Nang akma niya na itong yayakapin ay may narinig siyang tumawag sa kanya, mula sa kanyang likuran. "andrea.." Hindi niya sana papansinin ang taong tumatawag sa kanya, ngunit muli siyang tinawag nito. Doon na niya ito nilingon. Si ginang helen pala. Naka ngiti ito sa kanya, nag lalakad na ito palapit sa kanya.Muli niyang nilingon ang nakitang imahe ni nicko, ngunit wala na ito doon. Inikot niya pa ang kanyang paningin sa paligid, pero hindi na niya ito muling nakita pa. Nabahiran ng lungkot ang mukha ni andrea. Naisip niya na sana ay niyakap niya nalang muna si nicko, bago niya nilingon ang ginang."iha?.. May problema ba?.. Bakit parang bigla ka nalang nalungkot?.." Sunod-sunod na tanong sa kanya ng ginang. Hinawakan siya ni

  • My Torets CEO Boss   Chapter: Fourty-seven

    Araw ng Sabado. Na kapag pasya na si andrea na paupahan nalang muna ang bahay na nabili niya. Hindi pa naman niya ito napapa renovate kaya ma-aari niya pa itong paupahan muna.Titira muna sila sa condo ni nicko ng kanyang kapatid, upang masunod ang hiling ni nicko sa kanya bago ito mawala na doon muna siya titira sa condo unit nito. Isasama niya nalang din si noemi na kapatid ni pia at ang anak nitong baby pa. Upang may makasama parin si dominic, habang nasa trabaho siya. "dom, siguradohin mong wala ka nang makalimutang dalhin ha. Samantalahin natin ngayon na wala akong pasok ng dalawang araw.. Kailangan mailipat na natin ang mga importanteng gamit natin sa condo.. Hindi kasi ako pwede bukas na, dahil nangako ako kay ginang helen na papasyal tayo doon.. "Mahabang litanya ni andrea sa kanyang kapatid. Mabuti nalang din na hindi pa ito nag sisimula sa kanyang klase, dahil kung nagka taon na pumapasok na ito sa eskwela ay aasikasuhin na naman niya ang pag lipat nito sa ibang eskwelahan

  • My Torets CEO Boss   Chapter: Fourty-six

    Namalayan nalang ni andrea na huminto ang kanilang sinasakyan sa tapat ng isang gusali kung saan naroroon ang condo unit ni nicko. "let's go iha.. Pasyalan natin itong condo unit ni nicko.." Anyaya ng ginang kay andrea. Nakababa na ang ginang, pero si andrea ay nanatili pa ring naka upo ito. Nag dadalawang isip siya kung bababa ba siya at papasok sa condo ni nicko. Marami silang nabuong alaala dito. Baka mas lalo lang siyang malungkot kapag pumasok siya dito. Naramdaman niya nalang na hawak na ng ginang ang kanyang kamay. Walang nagawa si andrea kundi ang bumaba nalang. Para siyang manika na di susi, na sumusunod lang sa bawat hakbang ng ginang. Nang marating nila ang palapag kung saan matatagpuan ang unit ni nicko ay hindi na naman mapigilan ang pag patak ng kanyang mga luha. Kung wala lang doon ang ginang ay baka hinimatay na siya sa sobrang lungkot. Pero dahil kinakausap siya nito, kahit papaano ay naiibsan ang kanyang kalungkutan. Pumasok sila sa kuwarto ni nicko. Pakiramdam

  • My Torets CEO Boss   Chapter: Fourty-five

    "i miss you.." Saad ng binata sa paos na boses habang naka titig sa mukha ni andrea."na-miss din kita.." Tugon ni andrea ng may ngiti sa labi. Akma sana siyang hahalikan ni nicko pero iniwas niya ang mukha niya dito. "ubusin mo na tong pagkain mo para makapag pahinga ka.. Tingnan mo yang itsura mo sa salamin.. Ang laki na ng eye bag mo!.." Saad ni andrea sa binatang naka ngiti parin. Hindi na nawala wala ang ngiti nito sa labi. Hindi mapag kakailang masaya itong muli niyang nakita si andrea. " ayaw ko matulog.. "" bakit naman?.. "" baka hindi na kita makita pag gising ko.."Kinilig si andrea sa sinabing iyon sa kanya ng binata. Binitawan niya ang hawak niyang kutsara na may lamang pagkain at hinawakan ang mukha ni nicko. "huwag kang mag alala sasamahan kitang matulog..." Tugon ng dalaga kay nicko."talaga sinabi mo yan ha.." "oo nga.. Kaya ubusin mo na to..

DMCA.com Protection Status