MATAPOS mailapag ng mga waiter ang pagkain sa lamesa ay isa-isang nag kuhanan ng pagkain ang mga taong nasa loob ng meeting room na iyon. Maging si andrea ay sumabay na ring kumain sa kanila.Nang matapos na ang lahat kumain ay tumayo na si nicko at nag paalam na aalis na sila ni andrea dahil kailangan pa daw nilang bumalik ng opisina."Don't go away.. Let's have some drink iho.. Palagi ka nalang seryoso sa trabaho.. Samahan mo muna kami dito.. Gaya ng sabi mo maraming bagong investors tayo.. Kaya dapat lang na mag celebrate tayo.." saad ng matanda sa kanyang boss na si nicko.Muling bumalik sa pagkaka upo ang kanyang binatang boss. Nakita ni andrea na nagsasalin na ng alak sa baso ang step dad ng kanyang amo. At isa isang binigay ang baso sa mga taong naroon. Mabuti nalang at hindi kasama sa mga binigyan nito si andrea. Kaya naka hinga ng maluwag si andrea. May naisip kasi siya na plano niyang gawin upang matulungan ang kanyang boss.Nakikinig lang siya sa mga pinag uusapan ng mga it
KINABUKASAN ay Nagising si andrea na masakit ang ulo at ramdam niya rin ang pag hapdi ng kanyang sikmura. Dahil kasi sa mga nainom niyang alak kahapon ay kaagad siyang humiga sa kanyang kama pagka lapag pa lang niya ng kanyang bag sa lamesa. Hindi niya na nga nagawang mag bihis pa. Nag hubad lang siya ng sapatos at kaagad na inilapat ang kanyang katawan sa pang isahan niyang kama.Lulugo lugo siya na tumayo mula sa pag kakahiga. Sinipat niya ang maliit na orasan na naka patong sa table na malapit sa pintuan ng kanyang kuwarto. Mag aalas siyete na ng umaga at may isang oras nalang ang natitira sa kanya. Agad siyang nag init ng tubig mula sa electric kittle na kabibili niya lang noong isang araw. Habang nag iinit ng tubig ay naisipan niyan lumabas muna sandali ng kanyang apartment upang tingnan kung may nagtitinda ba ng pang agahang pagkain sa may kanto malapit lang sa kanyang tinutuluyang apartment. Hindi na siya nag abala pang mag hilamos. Nag tanggal lang siya sandali ng muta sa kany
MAKALIPAS ang isang linggo ay naka tanggap si andrea ng isang invitation card mula kay Lucas para sa darating na birthday party ng ina nitong si donya eloi."andeng sana makapunta ka ha.. Gusto ka raw kasi makilala ni Mommy.. Madalas kasi kitang naku kwento sa kanya.." Saad ni Lucas ng mag kita sila sa canteen. Sabay silang kumakain ng tanghalian. Dalawang araw na ang nakalilipas ng matanggap ni andrea ang invitation card mula sa binata. Sa linggong darating na gaganapin ang birthday party ng ina ni Lucas."okay sige.. Huwag kang mag alala darating ako.. Hapon pa naman ang party diba.. Tamang tama makakapag laba pa ako ng mga damit ko.." tugon ni andrea sa binatang si Lucas matapos nitong uminom ng juice mula sa kanyang hawak na baso."basta aasahan ko yan andeng ha.. Naku, matutuwa si mommy kapag nakita ka nun.." muli pang saad ni Lucas kay Andrea."oo nga.." muli ding tugon ni andrea sa binata.Ngi-ngiti ngiti naman ang binatang si Lucas habang sumusubo ng pagkain sa bibig. Si andr
Nang ganap na silang maka sakay ng eroplano ay magka tabi sila sa upuan ni nicko, ngunit nakiusap siya dito na ayaw niyang umupo sa tabi ng bintana. Pinag bigyan naman siya ng binata. ito ang umupo sa tabi ng bintana, habang si andrea naman ang naka upo sa gilid ng hallway. Habang nasa byahe ay nakaramdam si andrea ng pagka hilo. Ito kasi ang unang beses niya na sumakay ng eroplano. Higit na mas mataas ang lipad ng eroplano kasya sa helicopter na nauna na niyang nasakyan kasama ni nicko.Naisipan ni andrea na idaan nalang sa pag Idlip ang hilo na kanyang nararamdaman. Isinandal niya ang kanyang ulo sa sandalan ng kanyang upuan. dahil sa medyo kulang siya sa tulog kagabi ay kaagad naman din siyang naka tulog pagka Pikit palang ng kanyang mga mata. Habang natutulog ang dalagang si andrea ay napa tingin sa kanyang gawi si nicko. Dumapo ang paningin nito sa mukha ni andrea. Doon lang nagawang titigan ng binata ang buong mukha ni andrea at sa pag titig niya sa mukha ng dalaga ay dumapo d
HABANG naka higa ay narinig ni andrea na tumutunog ang kanyang cellphone. Mabilis siyang bumangon upang kunin sa loob ng kanyang bag ang kanyang cellphone. Naisip niya kasi na baka ang kanyang boss na si nicko na ang tumatawag. Ng makuha niya ang kanyang cellphone ay nakita niya sa harapan ng kanyang cellphone na si Lucas pala ang tumatawag sa kanya.Sinagot niya ang tawag at bumalik siya sa pag kakahiga sa kama. Naka de kuwatro pa ang kanyang dalawang paa habang naka higa. "andeng, kamusta kayo diyan? Nasa hotel na ba kayo?.." kaagad na bungad sa kanya ni Lucas. "yes, nandito na kami sa hotel.. Kakarating lang namin.. Grabe ang layo pala nito.." tugon niya kay Lucas. Maya-maya pa ay narinig ni andrea na may kumakatok sa pintuan, muli niyang binuksan ang pintuan upang alamin kung sino ang taong kumakatok sa labas. Habang naka dikit parin ang kanyang cellphone sa kanyang kanang tainga. Pag bukas niya ng pintuan ay nakita niyang si nicko na ang kumakatok at niya-yaya na siya nitong l
KINABUKASAN alas sais palang ay nagising na si andrea. Tumawag kasi sa kanya si nicko na dadaanan siya nito sa kanyang kuwarto ng alas sais ng umaga,upang sabay silang mag agahan. Kaya ng mag alarm ang kanyang cellphone ng alas sais ay dali-daling bumangon si andrea ng kanyang kama at agad na pumasok sa banyo upang mag hilamos ng mukha at mag sipilyo ng ngipin. Mamaya nalang siya maliligo pag balik nila matapos kumain. Kasalukuyan na siyang nag susuklay ng kanyang buhok nang makarinig siya ng mahinang katok mula sa kanyang pintuan. Mabilis ang kanyang hakbang papunta sa may pintuan. Nang buksan niya iyon ay si nicko na nga ang kumakatok. Gaya niya ay naka suot pa ito ng pambahay. Tanging short na kulay abo ang suot nito at puting T-shirt."good morning sir.." bati ni andrea dito ng makita niyang ito ang kumakatok. "good morning!" bati naman nito sa kaniya. "lets go? Mag break fast na tayo.." yaya nito kay andrea. "sige po sir.." tugon ng dalaga sa kanyang amo at agad na ni-lock an
"Thank you sir.. I am happy because you enjoyed the way we treated you.." tugon ni andrea sa sinabi sa kanya ng isang foreigner.Hindi na muling nag salita pa ito. Ngunit habang kumakain ay panay ang sulyap nito kay andrea. Nang matapos na kumain ang lahat ay isa isa na ring nag paalam sa kanila ang mga ito. Isa isa silang nakipag kamay kay Nicko at maging kay andrea ay nakipag kamay rin ang mga ito. Ngunit nag pa huli ang lalaking kaninang pumuri kay andrea.Nag paalam na ito kay Nicko at nang lumapit na ito kay andrea ay may sinabi ito kay andrea na hindi niya alam kung pag bibigyan niya ba ito o hindi. "I would have liked to know you better..Can you be invited to eat later outside?.." Tanong nito kay andrea. Hindi alam ni andrea na nakikinig lang pala si nicko sa pag uusap nilang dalawa ng lalaki. Akma na sanang mag sasalita si andrea ng narinig niyang tumikhim si nicko at nag nag salita ito. " sorry mr. Hamilton, Me and my girlfriend also have a place to go later.. And I'm a ve
KAAGAD na nahanap ni Lucas ang kanyang inang si donya eloi. May pag mamayabang niyang ipinakilala si andrea dito."Happy birthday po ma'am.." kaagad na bati ni andrea sa ina ni Lucas, pagka lapit palang nila dito. "its nice to meet you iha.. Talagang nakaka inlove naman talaga pala ang dalagang ito.. Madalas ka kayang ikuwento sa akin ng anak kong si Lucas..." saad nito kay andrea matapos nilang mag beso-beso.Nang tapos ng maipa kilala ang dalawang babae sa isa't isa ay nag paalam muna si Lucas sa mga ito na may kakausapin lang. "salamat po ma'am.. Kayo din naman po madalas na ikuwento sa akin ni Luke.. At madalas niya din po akong patikimim ng luto niyong ulam na talaga naman pong nakaka inlove rin sa sarap niyong mag luto.. " tugon ni andrea sa donya. Tumawa ang donya sa sinabi ni andrea. Nagkaroon pa silang dalawa ng ka unting kuwentohan bago nag paalam si andrea dito. Dahil nakita niyang kinakawayan siya ni Lucas mula sa malayo upang ipakilala sa mga kaibigan nito. Nang makala
Matapos ang kanilang kasal ay nag paiwan ang dalawa sa isla. Doon nila gaganapin ang kanilang Honeymoon. Ang islang iyon na pinag dausan ng kasal ng dalawa, ay ang isla del Castillo na pag magmay-ari nina jordan del Castillo, ang ama ni Lucas del Castillo. Hindi iyon napansin ni andrea, dahil una niyang napansin ang ganda ng paligid nito. Sa islang iyon din ginanap ang kasal nina jordan del Castillo at eloisa mae Macaraeg, balak nilang doon na rin idadaos ang magiging kasal ng kanilang mga anak balang araw. Naniniwala kasi ang dalawa na maswerte ang lugar na iyon, dahil dinivelop ang lugar na iyon, dahil sa pag ibig ni jordan kay eloisa.Kaya ng malaman nila ang balak na pag papakasal ni nicko kay andrea ay ang lugar na iyon ang kanilang iminungkahi na gaganapan ng magiging kasal ng dalawa. Katatapos lang mag love making ng dalawa. Kasalukuyang naka tayo sa balkonahe noon si nicko at naka tanaw sa malayo, nang lapitan siya ni andrea at yakapin sa likuran nito."anong iniisip mo mah
Luhaan ang dalawa ng mag tagpo sa harapan ng altar. Hawak kamay silang humarap sa Paring mag kakasal sa kanila."you may now kiss the bride.." Saad ng pari kay Nicko.Tapos na ang kasal ay hindi parin makapaniwala si andrea na buhay si nicko. Hinalikan siya ng binata sa kanyang labi. Habang magkalapat ang labi ng dalawa ay narinig nilang nag papalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan.Nang mag hiwalay ang kanilang labi ay niyakap pa siya nito ng mahigpit. "congratulations to both of you!.." Bati sa kanila ni Ginang helen pagka lapit palang nito sa kanilang dalawa. Yumakap ito sa dalawa. Humalik naman sa pisngi nito sina andrea at nicko. "salamat mommy.." Halos sabay na saad ng dalawa sa ginang na noo'y punong puno ng luha ang mga mata nito. "bakit po kayo umiiyak mommy?" Tanong ni andrea sa ginang na noo'y nag pupunas na ng luha nito."masaya lang ako anak.. Masayang masaya.. Hindi ko akalain na darating tayo sa ganitong punto.. Na magiging manugang na kita.." Tugon nito kay
Flashback:Isang buwan bago ang mangyaring pag kalat ng video ni nicko, na si andrea pa ang kumuha ay nakatakda na sana siyang magpa opera sa ibang bansa. Tumawag kasi ang kanyang personal doctor na mayroon na daw nakuhang heart donor para sa kanya. Ngunit nag aalangan ang binata, dahil na kumpirma niya na sa kanyang sarili na mahal na nga niya si andrea, at sa tingin niya ay hindi niya kayang mawalay dito. Nasanay na kasi siya sa presensya nito, na palagi niya itong nakakasabay kumain, maging sa pag pasok at pag uwi nila sa trabaho. Kulang na nga lang ay mag tabi sila nito sa pag tulog. Hanggang sa dumating ang araw na napansin niyang parang hindi na masaya si andrea sa kanilang set up. Iniisip kasi ng binata na mahal talaga ni andrea si Lucas at kaya ito nalulungkot ay dahil hindi na nito nakakasama madalas ang lalaking iniibig nito na si Lucas. Dahil nga sa magkasama na silang naka tira nito sa iisang iisang bubong.Dahil doon ay nasasaktan si nicko, ayaw niya kasi na nakikitang
Parang na istatuwa si andrea ng hindi si mang delfin ang taong hinawakan niya. Kamukhang kamukha ito ni nicko. Naka ngiti sa kanya ang lalaki pagka harap nito sa kaniya."nicko...?" Halos pa bulong na saad ni andrea. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Mas lumapad pa ang pagkaka ngiti ng lalaking kanyang kaharap.Hindi na napigilan ni andrea ang kanyang sarili. Niyakap niya ito ng mahigpit. Habang naka yakap si andrea dito ay inaasahan niyang bigla itong mawawala habang yakap niya. Ngunit sa ilang segundo siyang na kayakap dito ay nanatili pa rin itong nayayakap niya."no please.. Kung panaginip lang to ayoko ng magising lord.." Halos pa bulong na saad ni andrea sa kanyang sarili."Mahal mo ba si nicko?.." Tanong ng lalaking ka yakap niya sa paos na boses. "oo mahal na mahal ko siya.."Matapos na sabihin iyon ng dalaga ay doon niya lang naramdaman na niyakap din siya nito at mas mahigpit pa ang ginawang yakap nito sa kaniya. Kumalas sa pagkaka yakap dito si andrea. Ngunit
Gusto pa sanang kausapin ni andrea si mang delfin, ngunit mas pinili niya nalang na manahimik muna. Baka kasi maka istorbo pa siya sa pag mamaneho nito, at isa pa ay alam niyang masama ang pakiramdam nito.Makalipas ang halos isang oras ay narating din nila ang lugar kung saan sinasabing nilipat ni ginang helen si nicko. May kalayuan din pala ang lugar kaya siguro nag mamadali si mang delfin kanina."Mang delfin may libingan po pala dito? Ang galing din ng naka isip nito noh.. Nag tayo sila ng libingan dito, para ang mga taong papasyal sa puntod ng mga mahal nila ay makakapag swimming na rin.. Ang galing!" Hindi maiwasan ni andrea ang humanga ng husto sa ganda ng paligid na kanyang nakikita. Napansin niyang hindi nag sasalita si mang delfin sa kanyang likuran. Nauna kasi siyang bumaba ng sasakyan dito. Nang lingunin niya ito ay wala na ito sa kanyang likuran. Nag taka si andrea, dahil kanina lang ay nakita na niya itong sumunod na bumaba sa kanya, at ngayon ay wala na ito kaagad sa k
Dalawang hakbang nalang ang pagitan ni andrea sa imahe ni nicko. Muli niyang binigkas ang pangalan nito. "nicko..." Naka titig parin sa kanyang mukha ang imahe at hindi parin nawawala ang ngiti nito sa labi. Sa paningin ni andrea ay mas lalong gumuwapo ito. Nang akma niya na itong yayakapin ay may narinig siyang tumawag sa kanya, mula sa kanyang likuran. "andrea.." Hindi niya sana papansinin ang taong tumatawag sa kanya, ngunit muli siyang tinawag nito. Doon na niya ito nilingon. Si ginang helen pala. Naka ngiti ito sa kanya, nag lalakad na ito palapit sa kanya.Muli niyang nilingon ang nakitang imahe ni nicko, ngunit wala na ito doon. Inikot niya pa ang kanyang paningin sa paligid, pero hindi na niya ito muling nakita pa. Nabahiran ng lungkot ang mukha ni andrea. Naisip niya na sana ay niyakap niya nalang muna si nicko, bago niya nilingon ang ginang."iha?.. May problema ba?.. Bakit parang bigla ka nalang nalungkot?.." Sunod-sunod na tanong sa kanya ng ginang. Hinawakan siya ni
Araw ng Sabado. Na kapag pasya na si andrea na paupahan nalang muna ang bahay na nabili niya. Hindi pa naman niya ito napapa renovate kaya ma-aari niya pa itong paupahan muna.Titira muna sila sa condo ni nicko ng kanyang kapatid, upang masunod ang hiling ni nicko sa kanya bago ito mawala na doon muna siya titira sa condo unit nito. Isasama niya nalang din si noemi na kapatid ni pia at ang anak nitong baby pa. Upang may makasama parin si dominic, habang nasa trabaho siya. "dom, siguradohin mong wala ka nang makalimutang dalhin ha. Samantalahin natin ngayon na wala akong pasok ng dalawang araw.. Kailangan mailipat na natin ang mga importanteng gamit natin sa condo.. Hindi kasi ako pwede bukas na, dahil nangako ako kay ginang helen na papasyal tayo doon.. "Mahabang litanya ni andrea sa kanyang kapatid. Mabuti nalang din na hindi pa ito nag sisimula sa kanyang klase, dahil kung nagka taon na pumapasok na ito sa eskwela ay aasikasuhin na naman niya ang pag lipat nito sa ibang eskwelahan
Namalayan nalang ni andrea na huminto ang kanilang sinasakyan sa tapat ng isang gusali kung saan naroroon ang condo unit ni nicko. "let's go iha.. Pasyalan natin itong condo unit ni nicko.." Anyaya ng ginang kay andrea. Nakababa na ang ginang, pero si andrea ay nanatili pa ring naka upo ito. Nag dadalawang isip siya kung bababa ba siya at papasok sa condo ni nicko. Marami silang nabuong alaala dito. Baka mas lalo lang siyang malungkot kapag pumasok siya dito. Naramdaman niya nalang na hawak na ng ginang ang kanyang kamay. Walang nagawa si andrea kundi ang bumaba nalang. Para siyang manika na di susi, na sumusunod lang sa bawat hakbang ng ginang. Nang marating nila ang palapag kung saan matatagpuan ang unit ni nicko ay hindi na naman mapigilan ang pag patak ng kanyang mga luha. Kung wala lang doon ang ginang ay baka hinimatay na siya sa sobrang lungkot. Pero dahil kinakausap siya nito, kahit papaano ay naiibsan ang kanyang kalungkutan. Pumasok sila sa kuwarto ni nicko. Pakiramdam
"i miss you.." Saad ng binata sa paos na boses habang naka titig sa mukha ni andrea."na-miss din kita.." Tugon ni andrea ng may ngiti sa labi. Akma sana siyang hahalikan ni nicko pero iniwas niya ang mukha niya dito. "ubusin mo na tong pagkain mo para makapag pahinga ka.. Tingnan mo yang itsura mo sa salamin.. Ang laki na ng eye bag mo!.." Saad ni andrea sa binatang naka ngiti parin. Hindi na nawala wala ang ngiti nito sa labi. Hindi mapag kakailang masaya itong muli niyang nakita si andrea. " ayaw ko matulog.. "" bakit naman?.. "" baka hindi na kita makita pag gising ko.."Kinilig si andrea sa sinabing iyon sa kanya ng binata. Binitawan niya ang hawak niyang kutsara na may lamang pagkain at hinawakan ang mukha ni nicko. "huwag kang mag alala sasamahan kitang matulog..." Tugon ng dalaga kay nicko."talaga sinabi mo yan ha.." "oo nga.. Kaya ubusin mo na to..