WARNING: MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK! YOU HAVE BEEN WARNED! (Alaric Martin's Story) Mala-fairytale ang kwento ng pag-ibig nina Pamela at Alden, galing siya sa hirap, samantalang ito ay galing sa kilalang angkan. Nang niyaya siya nitong magpakasal ay pumayag siya, bukod sa nasa tamang edad na sila ay hindi naman tutol ang pamilya nito sa kanya. Ngunit tila isang bangungot nang magising siya sa araw ng engagement party nila na may ibang lalaki na katabi sa kama. Dahil sa nangyari ay nabaliktad na ang sitwasyon, dahil ang kailangan na niyang pakasalan ay walang iba kundi ang bilyonaryong si Alaric Martin! Ang kuya ng fiancé niya! Paano niya makukumbinse ang mga ito na isang pagkakamali lang ang lahat kung si Alaric mismo ay pumayag agad na pakasalan siya! TRAPPED SERIES#1. Trapped Series Titles ⬇️ 1.Trapped with him (Alaric) COMPLETED 2.The lonely billionaire and his maid. (Damon) COMPLETED 3. His intention (Zandro) COMPLETED 4.Trapped in his wrath (Red) COMPLETED 5.Broken hearts and promises (Miguel)ONGOING 6. The hidden wife tears (Nickolas) SOON 7. The billionaire's trick (Liam) SOON 8.His dangerous trap. (Tres) SOON 9.Forbidden desire (Jack) SOON 10.The billionaire's secret love (Wendell) SOON Genre: ROMANCE/DARK ROMANCE/STEAMY READ AT YOUR OWN RISK!!!!
View MoreLAHAT ng babae ay halos pigil ang paghinga. Samantalang ang mga kalalakihan naman ay hindi maitago ang inggit sa mga mata. TILA isang hari na naglalakad ang binatang si Alaric Martin sa hallway ng isang Uniberisdad. Wala itong pakialam kung tingnan man ito ng karamihan. Sanay na siya at wala ng bago ro'n. Sinuman ang tumingin sa kanya ay masasabi agad na isa itong makapangyarihan na tao, and that's because of his powerful aura. Matangkad, katamtaman ang kulay ng makinis na balat na tila wala ni-isa mang pilat. Matangos ang ilong, perpekto ang prominenteng panga, magandang kulay berde na mata na binagayan ng makapal na kilay. Maganda din ang pangangatawan na halatang alaga sa ehersisyo. Nalukot ang mukha ng binata ng mabangga siya ng isang babae na may kapayatan. Sa laki ng katawan niya ay napa-upo ang babae sa marmol. Hindi man siya ang nasaktan ay hindi parin niya maiwasan ang mainis. Hindi ba siya nakita nito, O baka naman sinadya ito ng babae para magpapansin sa kanya?
[Pamela] HINDI siya nakapagsalita dahil sa pagkabigla sa narinig niya."Eight years ago, I know that you are applying for scholarship, kaya ko binili ang University na pinag- applyan mo at binigyan ka ng scholarship. Naduwag ako, Pam. Naduwag ako dahil masyado ka pang bata that time, kaya pinangako ko sa sarili ko na maghihintay ako, kaya sobrang galit ko ng malaman ko na may nobyo ka na, and that's my brother. Mas lalong nabuhay ang galit ko sa kanilang mag ina, sila ang dahilan kaya my mother killed herself, hindi niya matanggap na iniwan kami ni dad dahil sa mag inang 'yon."Hindi siya makapaniwala sa narinig. Walang taon na siyang mahal ni Alaric?! Ang lalaki na nakakatakot kung tumingin at para siyang babalatan ng buhay ay mahal pala siya matagal na?!"Kaya ng malaman ko kung sino ang nobyo mo ay nakaisip ako ng idea na gamitin ang pera ko para mapasa-akin ka. Makakaganti na ako kay Alden, mapapasa-akin ka pa. I'm sorry, Pam, nabulag ako ng galit at selos ko."Nagsimulang pumatak
[Pamela] SHE'S crying for almost three days. Simula ng sabihin sa kanya ni Alaric ang bagay na 'yon ay hindi siya makapaniwala. Hinintay niya na sabihin ni Alaric na isa lamang biro 'yon, pero hindi nangyari.Anak nila si Arem!Tumayo siya mula sa kama. Nasa mansion siya ni Alaric ngayon. Tatlong araw na siyang nagkulong sa kwarto.Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Alaric sa kanya. Lumabas siya ng kwarto at huminto sa tapat ng isang kwarto. Nakita niya na bahagyang nakaawang ang pinto kaya naman lumapit siya doon at sumilip.Naitakip niya ang kamay sa bibig ng makita si Arem na nakaupo sa kanlungan ni Alaric. Hindi niya mapigil ang lalong mapaluha. Hindi niya parin makayanan ang nalaman niya.Ayon kay Alaric ng ma-aksidente siya tatlong taon na ang nakaraan ay buntis pala siya. Nabuhay ang bata sa tiyan niya kahit comatose siya, at ligtas niyang na-ilabas sa pamamagitan ng cesarean. Ang sugat pala sa tiyan niya na palaging hawak ni Alaric sa tuwing nagtatalik sila ay hindi sanhi n
[Alaric] "ALAM NA NAMIN KUNG NASAAN SILA"Iyan ang mensahe na pinadala ng kaibigan ni Alaric na si Zandro. Naikuyom ni Alaric ang kamay.Gusto niyang durugin si Zoren at Kyle sa kamay niya. Hindi naman niya magawa na iwan si Pamela at Arem sa hospital. Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi parin nagigising ang dalawa. Ayon naman kay Red ay nasa mabuting kalagayan na ang asawa niya at gano'n din si Arem.Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Pamela. Malaki ang ibinagsak ng katawan ng asawa niya. Hindi niya mapigilan na sisihin ang sarili dahil alam niya na kasalanan niya.Hanggang ngayon ay hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili dahil sa nangyari dito. Kung naging mas mabilis lamang siya ay hindi na mapapahamak pa ang mga ito.Pero mas higit na kasalanan ito ni Kyle at ni Zoren. Maraming tauhan niya ang nagkalat sa paligid. Alam niya na tuso sina Kyle at Zoren, gagawa ng paraan ang mga ito na makuha ang gusto, kaya kailangan na doble ingat ang gawin niya.Hindi niya gusto na m
[Pamela] MUNTIK siyang mapatalon sa takot ng makarinig ng putok ng baril. Hindi niya alam kung tatakbo ba siya habang karga si Arem, o mananatili sa pwesto niya. Napalunok siya ng makarinig ng magkakasunod na yabag. Pati yata ang kilikili niya ay namamawis na sa sobrang kaba dahil ang mga yabag ay papalapit sa pwesto niya.Pumikit siya habang nagdadasal na sana ay wag silang makita ng mga tauhan ni Zoren. Gusto man niyang tumakbo ay hindi niya magawa dahil sa takot na marinig ng mga ito ang yabag niya. Nasa bente minuto na pero wala parin sila Grigor at Kanor. Gusto niya ng takbuhin ang daan palabas, pero maraming mga tauhan na naroon kaya naman wala siyang pagpipilian kundi ang hintayin ang dalawa na makuha ang susi.Nakahinga siya ng maluwag ng makalayo ang yabag sa pwesto niya. Pero para saan ang putok ng baril na narinig niya? "Hanapin niyo! Malilintikan tayong lahat sa katangahan niyo!" Malakas na sigaw ng isang lalaki.Shocks! Ibig sabihin ay alam na ng mga ito na nakatakas s
[Pamela] MAY sampung minuto na siyang naghihintay sa pagbabalik ng dalawa, pero hanggang ngayon ay wala parin ang mga ito. Bawat usad ng oras ay hindi niya mapigilan ang makaramdam ng takot na baka bigla nalang sumulpot sina Zoren at ate Kyle sa harapan niya at gawin na ang masamang balak sa anak niya.Nagmamadali siyang tumayo ng makarinig ng yabag. Nakangiti na lumapit siya sa pinto ng marinig ang pagbukas nito."Mabuti at dumating na kayo—" Natigil siya sa pagsasalita ng bumaha ang liwanag sa kwarto. Si Zoren ang nasa harapan niya!Napaatras siya.Nagsimulang kainin ng takot ang puso niya. Bakit narito ito ngayon? May balak ba ito sa anak niya?"Bakit para kang nakakita ng multo, Pamela? Kanina lang ay nakangiti ka, tapos ngayon nakasimangot ka na?" Lumapit si Zoren sa kanya kaya umatras siya uli. "A-Anong kailangan mo?" Nginig ang boses na tanong niya.Nilapag ni Zoren ang dalang pagkain sa ibabaw ng kama. May dala pala itong tray ng pagkain, hindi niya napansin iyon, at saka wal
[Alaric] "NAKAHANDA NA BA ANG LAHAT?" Tanong ni Zandro sa mga kalalakihan na makakasama nila sa pagligtas kay Pamela."Yes, Sir!" Agad na sagot ng mga ito.Galit na galit siya sa sarili niya. Naunahan na naman siya ni Zoren sa paghahanap sa asawa niya. Halos mamuti ang kamao niya sa diin ng pagkakakuyom niya. "That bitch! Kung hindi dahil sa kanya ay nailigtas ko na si Pam!" Kapag naaalala niya si Kyle ay nanggigil talaga siya sa sobrang galit. Napakatuso ng babaing ito at nagawa pa na malaman ang plano nila dahil inakit nito ang isa sa tauhan nila! Ginamit nito ang katawan para malaman ang susunod nilang hakbang!"Tara na." Hinagisan siya ni Zandro ng isang klase ng baril. "Let's go and save your wife, Alaric. Wala tayong dapat sayangin na oras." Dagdag pa ni Zandro.Nagmamadali silang sumakay ng sasakyan. Tama si Zandro, walang dapat sayangin na oras.[Pamela]KANINA pa siya gising at nakaupo sa gilid ng kama at tahimik na umiiyak. Nang magising kanina ay narito na siya sa isang
[Pamela] TUMINGIN siya sa pagkain na dala ng tauhan ni Zoren. Hindi man niya gusto na kainin iyon ay hindi naman maaari lalo na at buntis siya. Kailangan niya ng lakas para sa kanila ng anak niya.Mabilis niyang tinapos ang pagkain niya. Hindi nagtagal ay nakarinig siya yabag at humahangos na pumasok si Zoren sa kwarto at agad na nilapitan siya at saka hinigit ang braso niya. Nang hilahin niya ang braso pabalik ay lalong humigpit ang hawak nito sa braso niya. Napansin niya na masama ang timpla ng mukha nito."Aray ko naman, Zoren! Dahan-dahan naman!" Reklamo niya."Shut up, Pamela!" Singhal ni Zoren.Wala siyang nagawa kundi ang magpadala dahil baka magalit pa ito sa kanya at saktan na naman siya. Habang naglalakad sila ay napapaligiran sila ng tauhan ni Zoren na mukhang hindi gagawa ng mabuti.Dinukot ni Zoren ang cellphone sa gamit ang isang kamay nito."Damn you! Bakit ba ang tagal mo? Natunton na nila kami pero hanggang ngayon ay wala ka pa rin! Aalis na kami sa lugar na ito at m
[Pamela] NANG magmulat siya ng mata ay agad na kinapa niya ang tiyan. Tila tubig na rumagasa sa isip niya lahat ng nangyari kaya agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Hindi rin niya mapigil ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa takot.Sigurado siya na si Zoren ang nagdala sa kanya sa lugar na ito.Nanginginig man ang katawan ay pinilit niyang tumayo para alamin kung bukas ang pinto, pero katulad ng inaasahan niya ang nakasara iyon. Hindi naman niya kayang akyatin ang isang maliit na bintana na may kataasan dahil bukod sa mataas iyon ay wala siyang mapatungan dahil tanging kama lang at wala ng ibang kagamitan na makikita sa loob ng kwarto.Nanlulumo na napaupo siya sa kama. Hindi niya alam kung nasaang lugar siya dinala ng baliw na si Zoren. Hindi niya rin alam kung ano na ang kalagayan ni Rob, pero sigurado siya sa isang bagay—hindi maganda ang lagay nito.Naihilamos niya ang nanginginig na kamay sa mukha. Ano ang plano ni Zoren sa kanya? Balak ba siyang patayin nito? Kung t
READ AT YOUR OWN RISK!!! ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!! DARK ROMANCE🖤 (This story is TRAPPED SERIES#1.) RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️ [Pamela] HINDI maalis ang ngiti niya sa labi habang nakatingin sa singsing na nasa daliri. Ito ang binigay sa kanya ni Alden nang mag-propose sa kanya dalawang buwan na ang nakararaan. Tatlong taon na silang magkasintahan ni Alden. Sa loob ng tatlong taon na magkasintahan sila ay pinakita nito sa kanya kung ga’no siya nito kamahal. Ginalang siya ng nobyo at pinakilala na rin sa pamilya nito. Hindi rin tutol ang pamilya nito kahit na hindi siya galing sa mayamang angkan, tanggap siya ng mga ito sa kabila ng katayuan niya sa buhay. Twenty-one years old na siya at graduating na this year, ka...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments