READ AT YOUR OWN RISK!!!
ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!! DARK ROMANCE🖤 (This story is TRAPPED SERIES#1.) RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️ [Pamela] HINDI maalis ang ngiti niya sa labi habang nakatingin sa singsing na nasa daliri. Ito ang binigay sa kanya ni Alden nang mag-propose sa kanya dalawang buwan na ang nakararaan. Tatlong taon na silang magkasintahan ni Alden. Sa loob ng tatlong taon na magkasintahan sila ay pinakita nito sa kanya kung ga’no siya nito kamahal. Ginalang siya ng nobyo at pinakilala na rin sa pamilya nito. Hindi rin tutol ang pamilya nito kahit na hindi siya galing sa mayamang angkan, tanggap siya ng mga ito sa kabila ng katayuan niya sa buhay. Twenty-one years old na siya at graduating na this year, kaya nang mag-propose si Alden ay agad na pumayag siya na magpakasal dahil bukod sa nasa tamang edad na sila ay sigurado na sila sa isa’t isa. “Baka mapunit ang labi mo n’yan, Pamela.“ Umupo si Lira sa tabi niya at bahagya pang binangga ang balikat niya. “Nag-propose lang si Alden, nagkakaganyan ka na.“ Bigla itong ngumiti ng tumingin siya rito. “I’m happy, Lira. I still can’t believe that I’m getting married. ‘Di ba sinabi ko naman sayo na pangarap ko na maikasal sa lalaki na mahal ko? And this is it, finally, it’s going to happen soon.” Kinikilig na tumingin siya sa singsing na nasa daliri. “Mabuti, hindi namatay sa inggit ang Ate Kyle mo?” “Sa tingin mo?“ balik-tanong niya. Umikot ang mata ni Lira kaya natawa siya. Kilala kasi nila ang Ate Kyle niya na inggitera. Mga bata pa lang sila ay ganito na ito at hanggang ngayon ay walang pagbabago. Masyado kasi na-spoil ng magulang nila. Isang ungot lang sa magulang nila ay halos magkandarapa na ang mga ito na ibigay ang gusto ng kapatid niya. Samantalang siya kahit siguro umiyak ng dugo ay hindi mapagbibigyan ng mga ito sa mga bagay na gusto niya, kahit na maglumpasay pa siya sa kaiiyak ay walang pakialam ang mga ito. Kahit nga tuwing nag-aaway sila magkapatid ay siya palagi ang may kasalanan, siya ang palagi na mali, at ang Ate Kyle niya ang tama. “Una na ako, Lira. Pupunta pa ako sa bahay nila Alden, bye!” paalam niya sa kaibigan na halata sa mukha ang lungkot. Nag-away na naman siguro ito at si Fred, ang nobyo nito. Habang nakasakay sa dyip ay tiningnan niya ang mukha sa maliit na salamin na palagi niyang dala. Hanggang ngayon ay napapaisip siya, ano kaya ang nagustuhan ni Alden sa kanya? Oo, maganda siya. Maliit ang mukha, matangos ang maliit na ilong, at natural na mapula ang labi. Pero bukod sa mga ‘yon ay wala na siyang masasabi na maganda sa kanya. Payat kasi siya and her height is just five feet and three inches. Tapos ang dibdib pa niya ay parang pangkinse anyos lang. Ang saklap sa part na baka nga mas malaki pa ang dibdib ng mga kinse anyos kaysa sa kanya na twenty-one years old na. Kaya minsan ay hindi niya maiwasan na ma-insecure sa mga naggagandahan na babae na may gusto sa nobyo niya dahil alam niya na wala siyang panama sa mga ito. Nang makarating siya sa napakalaking bahay ng mga Yinarez ay agad na pinapasok siya ng mga kasambahay. “Ma’am, wala pa po si Sir,” pagbibigay-alam ng kasambahay sa kanya. “Sige, maghihintay na lang ako rito.” “Ma’am, ang sabi ni Sir, do’n daw ho kayo sa kwarto na katabi ng kwarto niya. Baka raw magtagal siya kaya ro’n na lang kayo maghintay at magpahinga muna.” Tama, dahil gabi na rin ay gusto niya muna magpahinga habang hinihintay ang nobyo niya. Tumango siya rito at naglakad na papunta sa kwarto na tutuluyan niya magmula ngayon. Dito na kasi siya titira dahil sa Linggo na gaganapin ang engagement party nilang dalawa. Pumayag naman pareho ang mga magulang nila dahil pagkatapos ng engagement party ay magpapakasal na agad sila pagkatapos ng dalawang buwan. Busy na ngayon si Alden dahil isa na itong CEO ngayon ng kumpanya na pinama rito ng daddy nito. Sa edad na twenty-five ay napamahalaan naman nito nang maayos ang kumpanya kaya lalo siya nabibilib dito. Pagkatapos alisin ang sandals sa paa ay pabagsak siya na nahiga sa malambot na kama. Napapikit siya nang maamoy ang unan na mabango at may panlalaki na amoy. Ang sarap sa ilong! Pumikit siya at saglit na naidlip hanggang sa hindi namalayan na nakatulog na pala siya. NARAMDAMAN niya na dumampi ang labi ni Alden sa labi niya. Gumanti siya ng halik dito at napaungol nang maramdaman na lumalim ang halik nito sa kanya. Gusto niya itong itulak nang bumaba ang labi nito sa leeg niya. “Shit!” malakas na mura niya ng malaglag sa sahig na una ang mukha. Agad na tumingin siya sa salamin dahil baka nagdugo ang labi at ngipin niya. Nakahinga siya nang maluwag dahil hindi naman pala nabasag ang mukha niya. Napahawak siya sa labi dahil pakiramdam niya ay namamaga ‘yon, maging ang leeg niya ay malagkit, dahil siguro sa pawis. Bago bumaba ay iniwan niyang naka-charge ang cellphone. Nagpunta siya ng kusina para tanungin ang mga kasambahay kung dumating na ba si Alden. Natigil siya sa paghakbang nang makita ang nakatatandang kapatid ni Alden na nakaupo. Mula sa malamig na mukha nito ay napalitan iyon ng madilim na ekspresyon nang makita siya. Nag-aalangan na lumapit siya rito at naupo sa harap nito saka pilit na ngumiti, kahit ang totoo ay hindi niya gusto na ngitian ito. Masasayang lang kasi ang effort niya sa pagngiti dahil wala naman itong pakialam. Halata na hindi siya nito gusto para sa kapatid kaya kahit kaunting ngiti ay hindi nito maibigay sa kanya. Saka matagal na itong ganito sa kanya. Naalala niya nang una niya itong makita sa unibersidad na pinapasukan niya — na pag-aari nito. Hindi pa niya nobyo noon si Alden nang mga panahon na ‘yon pero masama na talaga ito kung tumingin sa kanya. Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan sa isang Alaric Martin?! Ang bilyonaryo na natuto at nagpalago mag-isa sa mga negosyo nito. Magtagumpay ito sa iba’t ibang larangan ng negosyo na pinasok nito tulad ng hotals, casino, resorts, restaurants, at marami pang iba. Sikat din ito pagdating sa mga babae — pagdating sa pagpapaiyak ng mga babae. Daig pa ang artista. Sabagay, gwapo naman kasi talaga. Matangkad, matangos ang ilong, makapal ang kilay na binagayan ng matapang na mata, at bukod ro’n ay kulay berde ang mata nito na namana raw sa banyagang ina! Napangiwi siya nang humithit ito ng sigarilyo at binuga ang usok n’on habang nakatingin sa kanya. Ngayon alam na niya kaya hindi mapula ang labi nito katulad ng kay Alden, malakas kasi itong manigarilyo. “What are you staring at?” Napahawak siya sa batok. Malaki at malamig na boses nito. Nagbigay ng ibang lamig ‘yon sa katawan niya. “You want to smoke?“ tanong pa nito sa kanya. Agad na umiling siya. “Hindi po ako naninigarilyo.” “Sir Alaric, pasensya na pala, nakalimutan ko hong sabihin kay Ma’am Pamela na nasa kwarto kayo sa itaas.” Bumaling sa kanya ang kasambahay na kararating lang. “Ma’am, do’n na lang daw ho kayo pansamantala sa kwarto ni Sir Alden—“ Malakas na ibinagsak ni Alaric ang kamao sa mesa. “No need.“ Tumayo ito. “Aalis na rin ako.” At dire-diretso na umalis. Naiwan siya na natitigilan habang nakatingin sa malapad na likod nito na papalayo. Galit ba ito dahil ginamit niya ang kwarto na gagamitin sana nito? “Teka, Manang. Ibig bang sabihin, no’ng umakyat ako kanina, nando’n na si Kuya Alaric?” tanong niya. Tumango ang kasambahay sa kanya. “Pero pagpasok ko kanina...” Wala naman ito roon. Hindi na niya tinuloy ang sasabihin. “Wala pa ho si Alden—“ “Babe!” Gumuhit ang malaking ngiti sa labi niya nang marinig ang boses ng nobyo. “Babe! Kanina pa kita hinihintay...” Yumakap siya rito nang mahigpit. Natigilan siya. Iba ito sa amoy na naamoy niya kanina sa unan. Napangiwi siya. Kung nauna ang kapatid nito sa kanya sa kwarto ay baka amoy nito ang nalanghap niya sa unan kanina. Agad na inalis niya sa isip ang tungkol doon at niyakap na lang ang nobyo ng mahigpit. “Nakita ko si Kuya Alaric. Himala at nagpunta siya rito. Hinanap si Daddy?“ Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko alam. Hindi naman ako masyadong kinakausap n’on kaya paano ko malalaman?” Bumitiw siya rito ng yakap. Kumunot ang noo niya nang mapansin na magulo ang suot nito at hindi rin tugma ang butones ng suot na long sleeves polo shirt nito, inayos niya iyon na kinangiti ni Alden. “I love you, Babe,” malambing na sabi nito sa kanya. Kinagat niya ang labi para pigilin ang ngiti. Mahina niyang hinampas ito sa braso. “’Love you more.” Pagkatapos nilang kumain ay pumasok na siya sa kwarto na katabi nito. Kahit na tatlong taon na sila at nasa tamang edad na ay hindi pa rin sila lumalagpas sa smack na halik at yakap. Naniniwala kasi siya na may tamang panahon sa gano’ng bagay. Natigil siya sa pag-iisip nang maamoy ang unan. Naiwan talaga ang amoy rito ni Kuya Alaric na gustong-gusto niya. Mahina niyang tinampal ang pisngi. Shit, gustong-gusto? ‘Bakit, hindi ba?’ tanong ng bahagi ng utak niya. Sumubsob siya roon. Magsisinungaling siya kung sasabihin niya na hindi niya gusto ang amoy nito. “Hindi naman big deal. Amoy lang naman ‘to,” sabi niya bago natulog. “CONGRATULATIONS, PAMELA! Masaya ako para sayo,” naluluha na sabi ng kaibigan niyang si Lira. “Thank you, Lira. Nasaan si Fred?” tukoy niya sa nobyo nito. Nag-iwas ito ng tingin. “Break na kami. Ops, bawal malungkot! Engagement party mo ngayon kaya dapat happy ka lang!” agad na sabi nito sa kanya. Bumuntong-hininga siya. “Basta i-chika mo sa akin kung ano ang nangyari after nito.” Malungkot na tumango si Lira sa kanya. Maging si Alden ay halata na nagulat din sa sinabi ni Lira at nanatili na lang na tahimik. Si Fred at Lira kasi ang dahilan kung bakit sila nagkakilala ni Alden. Puro pangko-congratulate ang natanggap nila ni Alden sa mga bisita. Medyo nahihilo na rin siya dahil sa maya’t mayang pag-abot ni Lira ng alak sa kanya na iniinom naman agad niya. “Babe, are you okay? Kung pagod at hindi mo na kaya, magpahinga ka na.” Inalalayan siya ni Alden na maupo. “Kaya ko pa, promise. Hindi pa ako lasing.” Nakangiti na nilibot niya ang tingin sa paligid. Natuon ang mata niya sa magulang nila ni Alden. Masaya na nag-uusap ang mga ito at nagkakatawanan pa. Ngayon lang ‘ata siya may nagawang tama para sa mga ito. Ngayon lang niya nakita na ngumiti ang mga magulang niya dahil sa kanya. Kahit kasi mismong birthday niya o noong graduation niya ay hindi niya nakita na ngumiti ang mga ito, basta kahit ano na may kinalaman sa kanya ay wala namang pakialam ang mga ito. “Babe, sayaw tayo dali!” Hinila niya si Alden at nagsayaw sila sa gitna. Habang sumasayaw ay panay rin ang abot ni Lira ng alak sa kanya na iniinom naman din agad niya. Hindi siya sanay uminom pero dahil masaya siya sa araw na ‘to ay pagbibigyan na niya ang sarili na uminom nang uminom. Minsan lang naman. “B-babe.” Nilapit niya ang labi sa tainga ni Alden. “H-hilong-hilo na ako.” “I told you to stop drinking, but you're not listening,” inis na pakli nito. Malambing na niyakap niya ito. “I’m sorry, okay? Ngayon lang naman… Saka masaya lang kasi ako.” Lumamlam ang mga mata nito sa sinabi niya at saka hinaplos ang pisngi niya. “Ihahatid na kita na kwarto mo—“ “’Wag na, Babe. Ako na ang bahala sa sarili ko, kaya ko na.” Hindi na niya hinintay na magsalita pa ito. Tumayo siya at naglakad na paakyat. Ilang beses pa siyang muntik matumba dahil sa kalasingan. Humawak siya sa sentindo nang paakyat na siya ng hagdan. Hindi pa man siya nakaaakyat ay parang mas lalo pa siyang nahilo sa taas n’on. Malakas na singhap ang kumawala sa labi niya nang dumulas ang two-inches heels niyang suot sa hagdan, mabuti na lang at may nakasalo sa kanya. Namumungay ang mata na tumingin siya sa may-ari ng braso na nakapulupot sa baiwang niya. “K-Kuya Alaric...” Ngumiti siya rito at sinundot ang gilid ng pisngi nito. “Smile naman d’yan, hindi ‘yong para kang nalugi. Sabihin mo nga, nalugi na ba ang mga business mo, Kuya?” Nahigit niya ang hininga nang hapitin pa nito lalo ang maliit niyang baiwang. Nilayo niya nang bahagya ang mukha nang ilapit ni Alaric ang mukha palapit sa kaniya. “Aakyat ka o pagugulungin kita pababa ng hagdan na ‘to?” Dahil sa sinabi nito ay agad na lumayo siya rito at nagmamadali na umakyat, ilang beses pa siyang muntik na matumba pero umabot naman siya nang buhay sa kwarto. Agad na nahiga siya at natulog, hindi na siya nagpalit ng suot na dress dahil sa kalasingan.READ AT YOUR OWN RISK!!! ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!! DARK ROMANCE🖤 (This story is TRAPPED SERIES#1.) RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️ [Pamela] MASAKIT ang ulo niya. Parang binabasag 'yon at pinupokpok sa sakit. Nakakarinig siya ng halo-halong ingay, mga boses at mga pagsinghap ng kung sino. "Ano ang ibig sabihin nito, Pamela?!" Naitakip niya ang kamay sa tainga dahil parang mababasag ang eardrum niya sa lakas ng boses ng mama niya. Wala naman siya natandaan na ginawa niya, o baka naman may sinumbong na naman ang ate Kyle niya kaya nakasigaw na naman ito sa kanya. "Ang landi mo talaga!" Boses iyon ng ate Kyle niya. "See? I told you that my sister is a slut!" Tuluyan na siya nagmulat ng mata. Una niyang nakita ang nobyo
READ AT YOUR OWN RISK!!! ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!! DARK ROMANCE🖤 (This story is TRAPPED SERIES#1.) RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️ [Pamela] BUMUGA siya ng hangin habang nakatingin sa mataas na gusali na nasa harapan na pagmamay-ari ni Alaric. Sa sobrang taas nito ay tila nalula pa siya. Nagmamadali siyang pumasok sa building pero agad din hinarang ng receptionist. "Ma'am, may schedule ho ba kayo kay Mr. Martin?" Magalang na tanong ng babae sa kanya. Umiling siya. "Wala po eh." "I'm sorry ma'am, pero hindi ho kayo maaaring pumasok." Gano'n?! Napaisip siya. "Pwede ba na pakisabi na...na..." Paano ba 'to? "Pakisabi nandito ang m-mapapangasawa niya." Alanganin na sabi niya. Hindi naman niya gusto na sabihin iyon, p
READ AT YOUR OWN RISK!!! ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!! DARK ROMANCE🖤 (This story is TRAPPED SERIES#1.) RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️ [Pamela] MATAPOS nilang maikasal ay dinala siya ni Alaric sa napakalaking bahay nito, kung malaki ang bahay nila Alden ay mas malaki ang bahay ni Alaric. Mga apat na beses siguro ang nilaki ng bahay nito kila Alden. Dalawang linggo na sila kasal. Sa loob ng dalawang linggo na iyon ay wala na si Alaric, umalis ito para asikasuhin ang ilan sa negosyo nito sa ibang bansa. At dahil do'n ay masaya siya! Para sa kanya na naikasal sa lalaki na hindi naman niya mahal ay malaking tuwa talaga iyon sa parte niya. Para parin siya walang asawa at magagawa ang lahat ng gusto niya. Kinasal lang sila sa
ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!! [Pamela] MASAMA ang tingin niya ngayon kay Alaric habang kumakain sila. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit kailangan na mangialam ito sa buhay niya. "Just eat, Pamela and stop glaring at me." Sita nito sa kanya. Hindi siya nagsalita at bumuga nalang ng hangin. Nagpatuloy na siya sa pagkain. Matapos kumain ay umakyat na siya at tumuloy sa kwarto niya. Naligo siya at lumalabas lang ng naka-roba. Habang nagpapahid ng lotion sa balat ay hindi niya maiwasan na isipin ang tungkol sa buhay na mayro'n siya ngayon. Kasal na talaga siya. Bumuntong-hininga siya. Nahiga na siya sa kama, pero hindi pa siya nagtatagal mula sa pagkakapikit ay narinig niya na bumukas ang pinto ng kwarto niya. Nagtataka na tumingin siya kay Alaric. "Ano na naman ba? Inaantok na ako, Alaric. Bukas na tayo mag-usap kung may sasabihin ka." Tinalikuran niya ito at saka pumikit. "Lumipat ka sa kwarto ko, Pam." Teka, ta
[Pamela] MAHINA niya inuntog ang ulo sa mesa. Wala siya masyado maalala sa nangyari kagabi pero bakit gano'n, parang may natatandaan siya na halikan sa pagitan nila ni Alaric? "Nababaliw na yata ako!" Dapat pala ay hindi siya nagpakalunod sa alak. Paano kung may ginawa pala ito sa kanya? O baka naman siya ang may ginawa dito? Napaupo siya ng tuwid ng umupo si Alaric. Iniwas niya ang tingin dito ng makita na tumingin ito sa kanya. "Sa sunod wag ka iinom kung hindi mo naman kaya. You even threw up on me while we were kissing." Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Nagbukas-sara pa ang labi niya habang hindi makapaniwala na nakatingin kay Alaric na seryoso ang mukha habang kumakain. "N-naghahalikan?" Imposible! Bakit naman makikipaghalikan siya rito? Oo nga at wala siya maalala pero imposible talaga! Bukod sa hindi niya ito gusto ay hindi niya gagawin iyon dahil hindi niya ma-imagine na makipaghalikan sa lalaking ito. Kahit sabihin pa na asawa niya ito. Alaric green eyes seriously
[Pamela] NAPASINGHAP siya ng marinig pa ang usapan ng mga ito. "I'm sorry, Lira, pero hindi kita mahal. Tanggapin mo nalang na matagal na tayong tapos-" "Please, don't do this to me. Almost two years na tayo, tapos tatapusin mo lang ng ganito? Is it because of Pamela? Hiwalay na kayo, Alden! She cheated on you, so move on!" Almost two years? The fuck! Pinahid niya ang luha na naglandas sa pisngi at saka sinipa ng malakas ang cubicle kung nasaan ang dalawa. Galit na lumabas si Alden. "Fuck, what's your problem-P-Pamela?" Hindi makapaniwala na nakatingin ito sa kanya, maging si Lira na kalalabas lang ay gano'n din. "So, you two are fucking behind my back for almost two years?" Galit na galit ang mata na nakatingin siya sa babae na akala niya ay kaibigan niya at sa lalaki na minahal niya. "P-Pamela-" "Don't touch me, Alden. We're done, remember?" Binalingan niya si Lira. "I thought you're my friend, Lira. Pero nilalandi mo pala noon si Alden. Ang galing mo, hindi ko man lang nap
[Pamela] MAY atraksyon naman siya na nararamdaman kay Alaric, kaya bakit hindi nga niya subukan na gustuhin ito? Kagat ang labi na nag iwas siya ng tingin ng lagyan nito ng pagkain ang plato niya. Ramdam niya ang paninitig nito sa kanya dahilan para tumahip ang dibdib niya. Para siyang teenager na nakita ang crush niya! Nang tumingin siya rito ay napansin niya na nakangiti si Alaric sa kanya. Ngumiti din siya, nakakahawa kasi ang ngiti nito. Lalo lang ito naging gwapo sa paningin niya. Nakakapagtaka man ay ipinagsawalang bahala nalang niya 'yon. Mas sanay kasi siya na walang ekspresyon ang mukha nito. "Gwapong-gwapo ka ba sa akin, Pam?" May ngiti sa labi na tanong nito. Inirapan niya ito. "Feeling ka naman d'yan!" Agad na ininom niya ang tubig na nasa harapan na para bang uhaw na uhaw. Halata ba? Rinig niya ang mahina na pagtawa nito bago naupo. Muntik na siya masamid ng pagtingin niya rito ay nakatingin din ito sa kanya. "You're so cute, Pam. Kaya hindi ko gusto na umaalis k
[Pamela] WALA ang asawa niya. Nagpaalam ito sa kanya na aalis para puntahan ang isa sa malapit nitong kaibigan. Gusto man siya nito na isama ay hindi maaari dahil baka magwala daw ang kaibigan nito. Naalala niya pa ang kaibigan na tinutukoy nito. Ito ang lalaki na nakakatakot ang awra noong kasal nila. Kapansin-pansin kasi ang pilat sa mukha nito at nakakatakot na tingin nito sa lahat. Naalala pa niya na agad na umalis ito ng kasal nila kasama ang isang magandang babae. "Ma'am, para mawala ang langsa kailangan ho lagyan iyan ng luya." Lumapit si Manang sa kanya at nilagyan ng luya ang niluluto niya na tinola. "Oo nga po pala, nakalimutan ko." Habang binabalatan ang gulay na sayote ay hindi niya maiwasan na ngumiti pagnaaalala si Alaric. Nagluluto siya ngayon dahil gusto niya na mas matuto pa. Marunong lang kasi siya magluto pero hindi naman masarap, kaya nga palagi nagrereklamo ang ate Kyle niya pagka-siya ang nakatoka na magluto sa bahay nila. Hindi niya maiwasan ang malungkot n
LAHAT ng babae ay halos pigil ang paghinga. Samantalang ang mga kalalakihan naman ay hindi maitago ang inggit sa mga mata. TILA isang hari na naglalakad ang binatang si Alaric Martin sa hallway ng isang Uniberisdad. Wala itong pakialam kung tingnan man ito ng karamihan. Sanay na siya at wala ng bago ro'n. Sinuman ang tumingin sa kanya ay masasabi agad na isa itong makapangyarihan na tao, and that's because of his powerful aura. Matangkad, katamtaman ang kulay ng makinis na balat na tila wala ni-isa mang pilat. Matangos ang ilong, perpekto ang prominenteng panga, magandang kulay berde na mata na binagayan ng makapal na kilay. Maganda din ang pangangatawan na halatang alaga sa ehersisyo. Nalukot ang mukha ng binata ng mabangga siya ng isang babae na may kapayatan. Sa laki ng katawan niya ay napa-upo ang babae sa marmol. Hindi man siya ang nasaktan ay hindi parin niya maiwasan ang mainis. Hindi ba siya nakita nito, O baka naman sinadya ito ng babae para magpapansin sa kanya?
[Pamela] HINDI siya nakapagsalita dahil sa pagkabigla sa narinig niya."Eight years ago, I know that you are applying for scholarship, kaya ko binili ang University na pinag- applyan mo at binigyan ka ng scholarship. Naduwag ako, Pam. Naduwag ako dahil masyado ka pang bata that time, kaya pinangako ko sa sarili ko na maghihintay ako, kaya sobrang galit ko ng malaman ko na may nobyo ka na, and that's my brother. Mas lalong nabuhay ang galit ko sa kanilang mag ina, sila ang dahilan kaya my mother killed herself, hindi niya matanggap na iniwan kami ni dad dahil sa mag inang 'yon."Hindi siya makapaniwala sa narinig. Walang taon na siyang mahal ni Alaric?! Ang lalaki na nakakatakot kung tumingin at para siyang babalatan ng buhay ay mahal pala siya matagal na?!"Kaya ng malaman ko kung sino ang nobyo mo ay nakaisip ako ng idea na gamitin ang pera ko para mapasa-akin ka. Makakaganti na ako kay Alden, mapapasa-akin ka pa. I'm sorry, Pam, nabulag ako ng galit at selos ko."Nagsimulang pumatak
[Pamela] SHE'S crying for almost three days. Simula ng sabihin sa kanya ni Alaric ang bagay na 'yon ay hindi siya makapaniwala. Hinintay niya na sabihin ni Alaric na isa lamang biro 'yon, pero hindi nangyari.Anak nila si Arem!Tumayo siya mula sa kama. Nasa mansion siya ni Alaric ngayon. Tatlong araw na siyang nagkulong sa kwarto.Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Alaric sa kanya. Lumabas siya ng kwarto at huminto sa tapat ng isang kwarto. Nakita niya na bahagyang nakaawang ang pinto kaya naman lumapit siya doon at sumilip.Naitakip niya ang kamay sa bibig ng makita si Arem na nakaupo sa kanlungan ni Alaric. Hindi niya mapigil ang lalong mapaluha. Hindi niya parin makayanan ang nalaman niya.Ayon kay Alaric ng ma-aksidente siya tatlong taon na ang nakaraan ay buntis pala siya. Nabuhay ang bata sa tiyan niya kahit comatose siya, at ligtas niyang na-ilabas sa pamamagitan ng cesarean. Ang sugat pala sa tiyan niya na palaging hawak ni Alaric sa tuwing nagtatalik sila ay hindi sanhi n
[Alaric] "ALAM NA NAMIN KUNG NASAAN SILA"Iyan ang mensahe na pinadala ng kaibigan ni Alaric na si Zandro. Naikuyom ni Alaric ang kamay.Gusto niyang durugin si Zoren at Kyle sa kamay niya. Hindi naman niya magawa na iwan si Pamela at Arem sa hospital. Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi parin nagigising ang dalawa. Ayon naman kay Red ay nasa mabuting kalagayan na ang asawa niya at gano'n din si Arem.Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Pamela. Malaki ang ibinagsak ng katawan ng asawa niya. Hindi niya mapigilan na sisihin ang sarili dahil alam niya na kasalanan niya.Hanggang ngayon ay hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili dahil sa nangyari dito. Kung naging mas mabilis lamang siya ay hindi na mapapahamak pa ang mga ito.Pero mas higit na kasalanan ito ni Kyle at ni Zoren. Maraming tauhan niya ang nagkalat sa paligid. Alam niya na tuso sina Kyle at Zoren, gagawa ng paraan ang mga ito na makuha ang gusto, kaya kailangan na doble ingat ang gawin niya.Hindi niya gusto na m
[Pamela] MUNTIK siyang mapatalon sa takot ng makarinig ng putok ng baril. Hindi niya alam kung tatakbo ba siya habang karga si Arem, o mananatili sa pwesto niya. Napalunok siya ng makarinig ng magkakasunod na yabag. Pati yata ang kilikili niya ay namamawis na sa sobrang kaba dahil ang mga yabag ay papalapit sa pwesto niya.Pumikit siya habang nagdadasal na sana ay wag silang makita ng mga tauhan ni Zoren. Gusto man niyang tumakbo ay hindi niya magawa dahil sa takot na marinig ng mga ito ang yabag niya. Nasa bente minuto na pero wala parin sila Grigor at Kanor. Gusto niya ng takbuhin ang daan palabas, pero maraming mga tauhan na naroon kaya naman wala siyang pagpipilian kundi ang hintayin ang dalawa na makuha ang susi.Nakahinga siya ng maluwag ng makalayo ang yabag sa pwesto niya. Pero para saan ang putok ng baril na narinig niya? "Hanapin niyo! Malilintikan tayong lahat sa katangahan niyo!" Malakas na sigaw ng isang lalaki.Shocks! Ibig sabihin ay alam na ng mga ito na nakatakas s
[Pamela] MAY sampung minuto na siyang naghihintay sa pagbabalik ng dalawa, pero hanggang ngayon ay wala parin ang mga ito. Bawat usad ng oras ay hindi niya mapigilan ang makaramdam ng takot na baka bigla nalang sumulpot sina Zoren at ate Kyle sa harapan niya at gawin na ang masamang balak sa anak niya.Nagmamadali siyang tumayo ng makarinig ng yabag. Nakangiti na lumapit siya sa pinto ng marinig ang pagbukas nito."Mabuti at dumating na kayo—" Natigil siya sa pagsasalita ng bumaha ang liwanag sa kwarto. Si Zoren ang nasa harapan niya!Napaatras siya.Nagsimulang kainin ng takot ang puso niya. Bakit narito ito ngayon? May balak ba ito sa anak niya?"Bakit para kang nakakita ng multo, Pamela? Kanina lang ay nakangiti ka, tapos ngayon nakasimangot ka na?" Lumapit si Zoren sa kanya kaya umatras siya uli. "A-Anong kailangan mo?" Nginig ang boses na tanong niya.Nilapag ni Zoren ang dalang pagkain sa ibabaw ng kama. May dala pala itong tray ng pagkain, hindi niya napansin iyon, at saka wal
[Alaric] "NAKAHANDA NA BA ANG LAHAT?" Tanong ni Zandro sa mga kalalakihan na makakasama nila sa pagligtas kay Pamela."Yes, Sir!" Agad na sagot ng mga ito.Galit na galit siya sa sarili niya. Naunahan na naman siya ni Zoren sa paghahanap sa asawa niya. Halos mamuti ang kamao niya sa diin ng pagkakakuyom niya. "That bitch! Kung hindi dahil sa kanya ay nailigtas ko na si Pam!" Kapag naaalala niya si Kyle ay nanggigil talaga siya sa sobrang galit. Napakatuso ng babaing ito at nagawa pa na malaman ang plano nila dahil inakit nito ang isa sa tauhan nila! Ginamit nito ang katawan para malaman ang susunod nilang hakbang!"Tara na." Hinagisan siya ni Zandro ng isang klase ng baril. "Let's go and save your wife, Alaric. Wala tayong dapat sayangin na oras." Dagdag pa ni Zandro.Nagmamadali silang sumakay ng sasakyan. Tama si Zandro, walang dapat sayangin na oras.[Pamela]KANINA pa siya gising at nakaupo sa gilid ng kama at tahimik na umiiyak. Nang magising kanina ay narito na siya sa isang
[Pamela] TUMINGIN siya sa pagkain na dala ng tauhan ni Zoren. Hindi man niya gusto na kainin iyon ay hindi naman maaari lalo na at buntis siya. Kailangan niya ng lakas para sa kanila ng anak niya.Mabilis niyang tinapos ang pagkain niya. Hindi nagtagal ay nakarinig siya yabag at humahangos na pumasok si Zoren sa kwarto at agad na nilapitan siya at saka hinigit ang braso niya. Nang hilahin niya ang braso pabalik ay lalong humigpit ang hawak nito sa braso niya. Napansin niya na masama ang timpla ng mukha nito."Aray ko naman, Zoren! Dahan-dahan naman!" Reklamo niya."Shut up, Pamela!" Singhal ni Zoren.Wala siyang nagawa kundi ang magpadala dahil baka magalit pa ito sa kanya at saktan na naman siya. Habang naglalakad sila ay napapaligiran sila ng tauhan ni Zoren na mukhang hindi gagawa ng mabuti.Dinukot ni Zoren ang cellphone sa gamit ang isang kamay nito."Damn you! Bakit ba ang tagal mo? Natunton na nila kami pero hanggang ngayon ay wala ka pa rin! Aalis na kami sa lugar na ito at m
[Pamela] NANG magmulat siya ng mata ay agad na kinapa niya ang tiyan. Tila tubig na rumagasa sa isip niya lahat ng nangyari kaya agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Hindi rin niya mapigil ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa takot.Sigurado siya na si Zoren ang nagdala sa kanya sa lugar na ito.Nanginginig man ang katawan ay pinilit niyang tumayo para alamin kung bukas ang pinto, pero katulad ng inaasahan niya ang nakasara iyon. Hindi naman niya kayang akyatin ang isang maliit na bintana na may kataasan dahil bukod sa mataas iyon ay wala siyang mapatungan dahil tanging kama lang at wala ng ibang kagamitan na makikita sa loob ng kwarto.Nanlulumo na napaupo siya sa kama. Hindi niya alam kung nasaang lugar siya dinala ng baliw na si Zoren. Hindi niya rin alam kung ano na ang kalagayan ni Rob, pero sigurado siya sa isang bagay—hindi maganda ang lagay nito.Naihilamos niya ang nanginginig na kamay sa mukha. Ano ang plano ni Zoren sa kanya? Balak ba siyang patayin nito? Kung t