[Pamela] PAGKATAPOS niya maligo ay nag-blower siya ng buhok para matuyo agad. Habang naglolotion ng balat ay mayamaya ang tingin niya sa pinto ng bathroom kung nasaan nasa loob si Alaric. Hindi tuloy niya alam kung makakatulog ba siya ng maayos lalo pa't katabi niya ito matulog. Hindi ito ang unang beses na magtatabi sila, pero iba ngayon dahil ngayon ay bukas na ang isip niya sa nararamdaman niya para kay Alaric. Mabilis na umayos siya ng upo ng marinig ang pagbukas ng pinto ng bathroom. Pasimple na tumingin siya kay Alaric. Tumutulo pa ang tubig sa basang buhok nito. Wala itong pang-itaas at nakasuot lang ng boxer shorts. Nanlaki ang mata niya. Naka-boxer shorts lang ang asawa niya! Balak ba siya akitin nito? Ito kasi ang unang beses na nakita niya na naka-boxer shorts lang ito. Palagi kasi itong naka-pants. Mas lalo pa nanlaki ang mata niya ng makita ang malaking bukol na nasa pagitan ng hita nito. Marahas siya na napalunok at saka nag-iwas ng tingin. Alam niya na namumula ang
[Pamela]IT'S BEEN two weeks. Nagawa niya iwasan si Alaric sa loob ng dalawang linggo. Pagkatapos niya itong lutuan tuwing umaga ay umaalis na agad siya ng bahay para pumasok o kaya pumunta sa mga kaibigan niya. Hindi niya kasi kaya na tagalan ang presensya nito.Parang bibigay siya anumang oras.Sabay-sabay silang natawa magkakaibigan sa pinapanood nila na comedy movie. Inabot niya ang cellphone ng tumunog iyon.Natigil siya sa pagtawa ng mabasa ang message ni Alaric sa kanya.'I miss you, Pam'Hindi na ito tumatawag sa kanya at ngayon lang uli ito nag-message sa kanya sa loob ng dalawang linggo. Pinatay niya ang cellphone at muling nanood. Pero kahit ano ang gawin niya na panonood ay hindi na maalis sa isip niya ang pinadalang message ng asawa niya.Asawa? My god, Pamela! Tigilan mo nga ang pagiging maangkin kay Alaric! Hindi ka niya gusto, okay!Pumikit siya at bumuga ng hangin. Hindi siya pwede na magpa-apekto dahil lang sa isang 'I miss you' ng asawa niya.Kailangan niya panindig
[Pamela]HINDI niya mapigilan ang ngumiti habang magkahawak kamay sila ni Alaric na bumalik sa loob. Nakilala niya ng personal ang lahat ng mga kaibigan ng asawa niya na sina Zandro, Liam, Tres, Nicholas, Miguel, Jack and Wendell, sina Damon at Red lang ang hindi niya nakita.Nakita niya ang panunukso sa mata ni Vera sa kanya mula sa kalayuan kaya lalong lumaki ang ngiti niya.Shocks! Nadala na naman siya!Nalukot ang mukha niya ng lumapit sa kanila ang babae na kausap kanina ni Alaric. Nakita pa niya na bumulong ito sa asawa niya, kaya lalo lang siya nainis. Parang naghahamon pa ang malaki nitong hinaharap sa kanya.Gustong-gusto niya na hilahin palayo ang asawa niya, kaso baka magmukha lang siyang katawa-tawa."Pam, meet my cousin Kyla."Nanlaki ang mata niya sa sinabi ni Alaric. Pinsan daw?! Shocks! Pinagselosan niya ang pinsan ng asawa niya!Nakangisi na b****o sa kanya ang babae at saka bumulong. "Selos yarn?" Pinamulahan siya ng mukha. "H-Halata ba?" Mahinang natawa ang babae
[Pamela]MARAMING nagbago sa pagitan nilang dalawa. Maging mas malambing si Alaric sa kanya ngayon. Nagpapakita ng ka-sweetan at palagi na nakahawak sa kamay niya sa tuwing magkasama sila.Malayong-malayo sa lalaki na palaging masama ang tingin sa kanya.Sa bawat araw na dumadaan ay lalo niya itong minamahal. Wala narin sa isip niya ang kausapin ito tungkol sa annulment nilang dalawa. Bakit pa di'ba? Ramdam naman niya na mahal na nila ang isa't isa.Lahat ng estudyante ay napapatingin sa kanya. Nagpadala kasi ng isang bungkos ng pulang rosas sa kanya ang asawa niya mismo sa unibersidad na pinapasukan niya. Alam at ramdam niya ang inggit ng karamihan sa kanya kahit ng mga panahon na si Alden pa ang nobyo niya. Mas lumala nga lang ng kay Alaric na siya ikinasal.Sino ba naman ang hindi maiinggit. Alaric is a good catch, sabi nga ng lahat. Syempre pa, kabilang na siya sa mga nagsasabi noon. Kung dati ay hindi niya ito pinapansin dahil natatakot siya sa mga tingin at trato nito sa kanya, p
[Pamela]INAYOS niya ang pagkakatali ng mahaba niyang buhok at ngumiti sa salamin. Ngayon araw ay bibisitahin niya ang magulang niya. Nakakapagtampo dahil hindi man lang siya kinakumusta ng mga ito. Ni ang magtext o sumagot sa mga tawag niya ay hindi ginawa. Hindi tuloy niya maiwasan na isipin na baka may galit ang mga ito sa kanya.Pero wala naman siya matandaan na may ginawa siyang mali. Ang pagpapakasal naman kay Alaric ay ito ang mga may gusto. Sabagay, kailan ba siya mag ginawa na tama para sa mga ito. Palagi naman galit ang mga ito sa kanya, o walang pakialam.Bumuga siya ng hangin. "Masanay ka na, Pamela. Ganyan talaga sila." Nawala ang masaya na ngiti niya sa mukha at napalitan ng lungkot.Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng inggit sa iba dahil nakikita niya kung gaano kalayo ang trato ng ibang magulang sa anak, kumpra sa trato ng magulang niya sa kanya. Naalala pa niya noon. Kapag birthday niya ay wala man lang bumabati sa kanya isa man sa magulang o kahit ang ate Kyle pa n
[Pamela]PAGKALABAS niya ng elevator ay bumuga muna siya ng hangin. Nasalubong niya si Zandro ng malapit na siya sa opisina ni Alaric. Tumango lang sa kanya ang kaibigan ng asawa niya. Sanay na siya sa mga ito. Hindi palangiti pero naniniwala naman siya na hindi masamang tao ang mga ito. Sadyang ganoon lang sila, maliban kay Liam na palaging nakangiti.Nagpaskil siya ng ngiti sa labi bago pumasok sa opisina ni Alaric. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa hawak na mga papeles.Tuluyan ng gumihit ang ngiti sa labi niya habang nakatingin dito. Kahit na kunot ang noo nito ay napaka-gwapo parin nito. Nakasandal ito sa swivel chair habang hawak ng isang kamay ang papeles na binabasa. Nakatupi hanggang siko ang suot nitong kulay puti na long sleeves. Seryoso ang kulay berde nitong mata habang nakatuon sa papeles.Nakakawala ng sakit sa dibdib ang makita ang asawa niya. Hindi niya alam na pwede pala i-gamot sa sakit ng dibdib ang asawa niya. Mula pala ngayon ay hindi na niya kailangan n
[Pamela]HINDI maalis ang ngiti sa labi niya. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob para supresahin ang asawa. Lalong lumaki ang ngiti niya ng makita ito na seryoso habang may kausap sa telepono."Stop threatening me, bastard! Kahit anong sabihin at gawin mo, isa ka parin talunan."Nawala ang ngiti niya. Halata na mainit ang ulo nito kaya isinara nalang niya uli pinto at hindi na muna pumasok. Bumilang siya ng sampong minuto bago kumatok."Come in!"Itinaas niya ang kamay at binati ito. "Hi, busy ka?"Hindi ito kumibo. Tumingin lang ito sa kanya na walang bakas ng emosyon ang mukha. Napalunok siya. Bakit parang galit ito? Hindi man lang siya nito nginingitian ng katulad ng ginagawa nito. Kahit ang yakapin siya ay wala din.Pinagdikit niya ang labi. Nanatili siyang nakatayo at hindi umupo. Nakaka-kaba ang awra ng asawa niya ngayon."Busy ka yata, babalik nalang ako mamaya-""Nagkita at nag-usap kayo ni Alden?" Hindi siya nakapagsalita. Paano nito nalaman ang tungkol doon? Tumayo si A
[Pamela]Pagkahatid ni Zoren sa kanya ay nakita niya agad sina Vera at Nikka. Bakas sa mukha ang sobrang pag-aalala nito sa kanya."My god, Pamela! Where have you been?!" Tanong agad ni Vera."Sabi ko naman sayo di'ba, dapat talaga pinigilan natin siya kanina." Yumakap sa kanya ang dalawa."Pumunta lang ako dito para sabihin na ayos lang ako, guys. Uuwi na din agad ako-""What?!" Halos mabingi siya sa tinig ni Vera. "Kailangan namin mag-usap ni Alaric, guys. I want to clear everything between us. Magtatapat narin ako sa kanya na mahal ko siya-""Tanģa ka ba? Bakit ka pa aamin? Sasaktan mo lang ang sarili mo, Pamela!" Inis na pakli ni Nikka.Nagyuko siya ng ulo at pinahid ang luha. "Kailangan, Nikka. Baka kasi hindi lang kami nagkaka-intindihan ngayon. Kailangan lang siguro namin ma-amin sa isa't isa-""Paano kung hindi ka niya mahal?" "R-Ramdam ko na mahal niya ako." Umiiyak na sambit niya. Bumakas ang awa sa mukha ni Nikka."I'm sorry, Pamela. Nag-aalala lang ako sayo." Tumalikod na
LAHAT ng babae ay halos pigil ang paghinga. Samantalang ang mga kalalakihan naman ay hindi maitago ang inggit sa mga mata. TILA isang hari na naglalakad ang binatang si Alaric Martin sa hallway ng isang Uniberisdad. Wala itong pakialam kung tingnan man ito ng karamihan. Sanay na siya at wala ng bago ro'n. Sinuman ang tumingin sa kanya ay masasabi agad na isa itong makapangyarihan na tao, and that's because of his powerful aura. Matangkad, katamtaman ang kulay ng makinis na balat na tila wala ni-isa mang pilat. Matangos ang ilong, perpekto ang prominenteng panga, magandang kulay berde na mata na binagayan ng makapal na kilay. Maganda din ang pangangatawan na halatang alaga sa ehersisyo. Nalukot ang mukha ng binata ng mabangga siya ng isang babae na may kapayatan. Sa laki ng katawan niya ay napa-upo ang babae sa marmol. Hindi man siya ang nasaktan ay hindi parin niya maiwasan ang mainis. Hindi ba siya nakita nito, O baka naman sinadya ito ng babae para magpapansin sa kanya?
[Pamela] HINDI siya nakapagsalita dahil sa pagkabigla sa narinig niya."Eight years ago, I know that you are applying for scholarship, kaya ko binili ang University na pinag- applyan mo at binigyan ka ng scholarship. Naduwag ako, Pam. Naduwag ako dahil masyado ka pang bata that time, kaya pinangako ko sa sarili ko na maghihintay ako, kaya sobrang galit ko ng malaman ko na may nobyo ka na, and that's my brother. Mas lalong nabuhay ang galit ko sa kanilang mag ina, sila ang dahilan kaya my mother killed herself, hindi niya matanggap na iniwan kami ni dad dahil sa mag inang 'yon."Hindi siya makapaniwala sa narinig. Walang taon na siyang mahal ni Alaric?! Ang lalaki na nakakatakot kung tumingin at para siyang babalatan ng buhay ay mahal pala siya matagal na?!"Kaya ng malaman ko kung sino ang nobyo mo ay nakaisip ako ng idea na gamitin ang pera ko para mapasa-akin ka. Makakaganti na ako kay Alden, mapapasa-akin ka pa. I'm sorry, Pam, nabulag ako ng galit at selos ko."Nagsimulang pumatak
[Pamela] SHE'S crying for almost three days. Simula ng sabihin sa kanya ni Alaric ang bagay na 'yon ay hindi siya makapaniwala. Hinintay niya na sabihin ni Alaric na isa lamang biro 'yon, pero hindi nangyari.Anak nila si Arem!Tumayo siya mula sa kama. Nasa mansion siya ni Alaric ngayon. Tatlong araw na siyang nagkulong sa kwarto.Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Alaric sa kanya. Lumabas siya ng kwarto at huminto sa tapat ng isang kwarto. Nakita niya na bahagyang nakaawang ang pinto kaya naman lumapit siya doon at sumilip.Naitakip niya ang kamay sa bibig ng makita si Arem na nakaupo sa kanlungan ni Alaric. Hindi niya mapigil ang lalong mapaluha. Hindi niya parin makayanan ang nalaman niya.Ayon kay Alaric ng ma-aksidente siya tatlong taon na ang nakaraan ay buntis pala siya. Nabuhay ang bata sa tiyan niya kahit comatose siya, at ligtas niyang na-ilabas sa pamamagitan ng cesarean. Ang sugat pala sa tiyan niya na palaging hawak ni Alaric sa tuwing nagtatalik sila ay hindi sanhi n
[Alaric] "ALAM NA NAMIN KUNG NASAAN SILA"Iyan ang mensahe na pinadala ng kaibigan ni Alaric na si Zandro. Naikuyom ni Alaric ang kamay.Gusto niyang durugin si Zoren at Kyle sa kamay niya. Hindi naman niya magawa na iwan si Pamela at Arem sa hospital. Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi parin nagigising ang dalawa. Ayon naman kay Red ay nasa mabuting kalagayan na ang asawa niya at gano'n din si Arem.Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Pamela. Malaki ang ibinagsak ng katawan ng asawa niya. Hindi niya mapigilan na sisihin ang sarili dahil alam niya na kasalanan niya.Hanggang ngayon ay hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili dahil sa nangyari dito. Kung naging mas mabilis lamang siya ay hindi na mapapahamak pa ang mga ito.Pero mas higit na kasalanan ito ni Kyle at ni Zoren. Maraming tauhan niya ang nagkalat sa paligid. Alam niya na tuso sina Kyle at Zoren, gagawa ng paraan ang mga ito na makuha ang gusto, kaya kailangan na doble ingat ang gawin niya.Hindi niya gusto na m
[Pamela] MUNTIK siyang mapatalon sa takot ng makarinig ng putok ng baril. Hindi niya alam kung tatakbo ba siya habang karga si Arem, o mananatili sa pwesto niya. Napalunok siya ng makarinig ng magkakasunod na yabag. Pati yata ang kilikili niya ay namamawis na sa sobrang kaba dahil ang mga yabag ay papalapit sa pwesto niya.Pumikit siya habang nagdadasal na sana ay wag silang makita ng mga tauhan ni Zoren. Gusto man niyang tumakbo ay hindi niya magawa dahil sa takot na marinig ng mga ito ang yabag niya. Nasa bente minuto na pero wala parin sila Grigor at Kanor. Gusto niya ng takbuhin ang daan palabas, pero maraming mga tauhan na naroon kaya naman wala siyang pagpipilian kundi ang hintayin ang dalawa na makuha ang susi.Nakahinga siya ng maluwag ng makalayo ang yabag sa pwesto niya. Pero para saan ang putok ng baril na narinig niya? "Hanapin niyo! Malilintikan tayong lahat sa katangahan niyo!" Malakas na sigaw ng isang lalaki.Shocks! Ibig sabihin ay alam na ng mga ito na nakatakas s
[Pamela] MAY sampung minuto na siyang naghihintay sa pagbabalik ng dalawa, pero hanggang ngayon ay wala parin ang mga ito. Bawat usad ng oras ay hindi niya mapigilan ang makaramdam ng takot na baka bigla nalang sumulpot sina Zoren at ate Kyle sa harapan niya at gawin na ang masamang balak sa anak niya.Nagmamadali siyang tumayo ng makarinig ng yabag. Nakangiti na lumapit siya sa pinto ng marinig ang pagbukas nito."Mabuti at dumating na kayo—" Natigil siya sa pagsasalita ng bumaha ang liwanag sa kwarto. Si Zoren ang nasa harapan niya!Napaatras siya.Nagsimulang kainin ng takot ang puso niya. Bakit narito ito ngayon? May balak ba ito sa anak niya?"Bakit para kang nakakita ng multo, Pamela? Kanina lang ay nakangiti ka, tapos ngayon nakasimangot ka na?" Lumapit si Zoren sa kanya kaya umatras siya uli. "A-Anong kailangan mo?" Nginig ang boses na tanong niya.Nilapag ni Zoren ang dalang pagkain sa ibabaw ng kama. May dala pala itong tray ng pagkain, hindi niya napansin iyon, at saka wal
[Alaric] "NAKAHANDA NA BA ANG LAHAT?" Tanong ni Zandro sa mga kalalakihan na makakasama nila sa pagligtas kay Pamela."Yes, Sir!" Agad na sagot ng mga ito.Galit na galit siya sa sarili niya. Naunahan na naman siya ni Zoren sa paghahanap sa asawa niya. Halos mamuti ang kamao niya sa diin ng pagkakakuyom niya. "That bitch! Kung hindi dahil sa kanya ay nailigtas ko na si Pam!" Kapag naaalala niya si Kyle ay nanggigil talaga siya sa sobrang galit. Napakatuso ng babaing ito at nagawa pa na malaman ang plano nila dahil inakit nito ang isa sa tauhan nila! Ginamit nito ang katawan para malaman ang susunod nilang hakbang!"Tara na." Hinagisan siya ni Zandro ng isang klase ng baril. "Let's go and save your wife, Alaric. Wala tayong dapat sayangin na oras." Dagdag pa ni Zandro.Nagmamadali silang sumakay ng sasakyan. Tama si Zandro, walang dapat sayangin na oras.[Pamela]KANINA pa siya gising at nakaupo sa gilid ng kama at tahimik na umiiyak. Nang magising kanina ay narito na siya sa isang
[Pamela] TUMINGIN siya sa pagkain na dala ng tauhan ni Zoren. Hindi man niya gusto na kainin iyon ay hindi naman maaari lalo na at buntis siya. Kailangan niya ng lakas para sa kanila ng anak niya.Mabilis niyang tinapos ang pagkain niya. Hindi nagtagal ay nakarinig siya yabag at humahangos na pumasok si Zoren sa kwarto at agad na nilapitan siya at saka hinigit ang braso niya. Nang hilahin niya ang braso pabalik ay lalong humigpit ang hawak nito sa braso niya. Napansin niya na masama ang timpla ng mukha nito."Aray ko naman, Zoren! Dahan-dahan naman!" Reklamo niya."Shut up, Pamela!" Singhal ni Zoren.Wala siyang nagawa kundi ang magpadala dahil baka magalit pa ito sa kanya at saktan na naman siya. Habang naglalakad sila ay napapaligiran sila ng tauhan ni Zoren na mukhang hindi gagawa ng mabuti.Dinukot ni Zoren ang cellphone sa gamit ang isang kamay nito."Damn you! Bakit ba ang tagal mo? Natunton na nila kami pero hanggang ngayon ay wala ka pa rin! Aalis na kami sa lugar na ito at m
[Pamela] NANG magmulat siya ng mata ay agad na kinapa niya ang tiyan. Tila tubig na rumagasa sa isip niya lahat ng nangyari kaya agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Hindi rin niya mapigil ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa takot.Sigurado siya na si Zoren ang nagdala sa kanya sa lugar na ito.Nanginginig man ang katawan ay pinilit niyang tumayo para alamin kung bukas ang pinto, pero katulad ng inaasahan niya ang nakasara iyon. Hindi naman niya kayang akyatin ang isang maliit na bintana na may kataasan dahil bukod sa mataas iyon ay wala siyang mapatungan dahil tanging kama lang at wala ng ibang kagamitan na makikita sa loob ng kwarto.Nanlulumo na napaupo siya sa kama. Hindi niya alam kung nasaang lugar siya dinala ng baliw na si Zoren. Hindi niya rin alam kung ano na ang kalagayan ni Rob, pero sigurado siya sa isang bagay—hindi maganda ang lagay nito.Naihilamos niya ang nanginginig na kamay sa mukha. Ano ang plano ni Zoren sa kanya? Balak ba siyang patayin nito? Kung t