La Bellezza e il Vampiro

La Bellezza e il Vampiro

last updateLast Updated : 2024-11-19
By:   Seirinsky  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
28Chapters
1.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Pagmamalupit at pang-aabuso ang naranasan ni Emilia sa kanyang tiyahin mula pagkabata niya ito na lang kasi ang tanging kaanak na meron siya kaya tiniis niya ang lahat ng paghihirap niya rito. Sa ika-labing walong taon na kaarawan niya ay binenta siya ng kanyang tiya sa isang bar at dito ay halos hindi niya kinaya ang magiging kapalaran niya. Dito niya nakilala si Ralph ang misteryosong lalaki na nagligtas sa kanya sa isang costumer na pinagtangkaan siyang saktan. Dinala siya nito sa probinsya kung saan ay nagmamay-ari ito ng isang napakalaking lupain dahil alam niya na mabuti itong tao sa pagkakaligtas sa kanya ay labis-labis ang pasasalamat niya rito. Pero may kapalit ang lahat ng pagtulong nito sa kanya dahil pinilit siya nito na maging asawa nito at dito nagsimula na matuklasan niya ang totoo nitong pagkatao at ang totoo niya rin na pagkatao. Original Erotic/Romance story by: Seirinsky

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

Napaiyak ako dahil sa marahas na pagkaladkad sa'kin ni Tiya Tonya, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin kanina ay pinasuot niya ako ng bestidang pula na lagpas lang sa tuhod ko sapilitan iyon kahit hindi ko gusto ay napilitan ako dahil sampal at sabunot lang ang natamo ko mula sa kanya.At ngayon ay nasa tapat kami ng isang bar dito sa bayan dito niya ako dadalhin naalala ko ang anak ng kapit-bahay namin yong dalawa nitong anak ay dito sa casa nagtatrabaho at marumi ang trabahong mayroon sa lugar na ito kaya labis ang kaba na nararamdaman ko."Mula ngayon dito ka na magtatrabaho!" Umiling lang ako kay tiya at umiyak."Ayoko po tiyang parang awa niyo na po." Kumapit ako sa kanya pero pinalo niya lang ang braso ko dahilan para mapaigik ako dahil sa sakit, kanina ay nakatamo na rin ako ng ilang palo kaya medyo namamaga na ang mga braso ko."Ikaw ang pambayad utang ko kaya ikaw magtino ka dito!" Bulyaw pa niya. "Malaki kikitain mo dito." Dagdag pa niya saka ako muling kinaladkad papas...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Seirinsky
Hello i hope you can the story of Ralph and Emilia...
2022-09-26 21:23:02
0
default avatar
Seirin Giou
Good book...
2022-12-01 18:38:41
0
28 Chapters
Prologue
Napaiyak ako dahil sa marahas na pagkaladkad sa'kin ni Tiya Tonya, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin kanina ay pinasuot niya ako ng bestidang pula na lagpas lang sa tuhod ko sapilitan iyon kahit hindi ko gusto ay napilitan ako dahil sampal at sabunot lang ang natamo ko mula sa kanya.At ngayon ay nasa tapat kami ng isang bar dito sa bayan dito niya ako dadalhin naalala ko ang anak ng kapit-bahay namin yong dalawa nitong anak ay dito sa casa nagtatrabaho at marumi ang trabahong mayroon sa lugar na ito kaya labis ang kaba na nararamdaman ko."Mula ngayon dito ka na magtatrabaho!" Umiling lang ako kay tiya at umiyak."Ayoko po tiyang parang awa niyo na po." Kumapit ako sa kanya pero pinalo niya lang ang braso ko dahilan para mapaigik ako dahil sa sakit, kanina ay nakatamo na rin ako ng ilang palo kaya medyo namamaga na ang mga braso ko."Ikaw ang pambayad utang ko kaya ikaw magtino ka dito!" Bulyaw pa niya. "Malaki kikitain mo dito." Dagdag pa niya saka ako muling kinaladkad papas
last updateLast Updated : 2022-08-15
Read more
Chapter one
Napatingin ako sa labas ng bintana sa lugar na dinaraanan namin nagulat ako ng bumukas ang bintana kaya napatingin ako kay Kuya Ralph."Maganda ba?" Tanong niya kaya nakangiti akong tumango saka ko dinama ang mabining hangin at pumikit ako hindi ako makapaniwala na makakarating ako sa ganito kagandang lugar.Maraming puno at ang lahat ng nadaraanan namin ay may mga manga at pomelo.Masasabi ko na pomelo ang isang puno na katabi ng manga dahil hitik ito sa bunga at mayroon kami nito sa likod bahay namin.Ilang sandali pa ay may isang napakalaking gate ang nasa harap namin at dahan-dahan itong bumukas kaya napalunok ako at napatingin sa labas.Madilim ang dinaanan namin na para bang isang tunnel at sa ilang segundo lang ay lalo akong namangha sa paligid dahil napakaganda ng lugar.At sa harap namin ay parang mala palasyong bahay ang nasa harap namin ang buong paligid ay napapalibutan ng mga rosas.Mayamaya pa ay huminto na ang sasakyan at napatingin ako sa kanya."Nandito na tayo." Maikl
last updateLast Updated : 2022-08-22
Read more
Chapter two
Mag-iisang linggo na ako dito at wala naman kakaiba pwera lang sa ayaw akong patulungin ni Ralph kina Nanay Bining at Belinda sa gawaing bahay.Pero sinusuway ko siya dahil gusto kong may gawin ako dahil nakakabagot rin ang walang ginagawa.Marami naman akong natuklasan sa sarili ko na kaya ko pa lang gawin katulad ng pagpinta at paghahalaman ito ang pinagkakaabalahan ko ngayon, naikot ko na rin ang buong mansyon at masasabi ko na hindi ako magsasawang libutin."Lia halika na baka dumating na si Master Ralph wala ka pa sa loob." Napatingin ako kay Belinda na halata na naman ang kaba kaya napangiti ako at tumango."Opo papasok na ako sandali lang." Sabi ko sa kanya kaya napatango lang siya muli kong inayos ang bagong punla ko ng okra at talong ss isang tray."Okay na ito ilang buwan mula ngayon maaani ko na kayo." Sabi ko sabay tingin kay Belinda pero malapad na dibdib ang tumama sa mukha ko at dahilan para muntik na akong mabuwal buti nalang at nasalo ako ni Ralph kaya nagulat ako."Si
last updateLast Updated : 2022-08-24
Read more
Chapter three
Nagising ako na magaan na ang pakiramdam medyo nahihilo ako pero kinaya ko pa rin na bumangon.Wala na dito sa loob si Ralph at baka pumasok na siya sa opisina kaya pumasok na lang ako ng banyo para mag-hilamos.Pababa na ako ng makita ko si Ralph na nakaupo sa sala kaya napangiti ako at lumapit sa kanya."Ralph magandang umaga." Nakangiti ko na turan sa kanya pero napaatras ako ng makita ko ang masama niyang tingin sa akin kaya kinabahan ako.Ang lalakeng nasa harap ko ngayon ay hindi si Ralph."Talaga nga na inuwi ka dito ng kapatid ko." Natakot ako sa galit niyang boses at sa isang iglap ay hawak na niya ang leeg ko kaya napaiyak ako dahil sa sakit ng pagkakahawak niya."Wag po nasasaktan po ako..." Nahihirapan ko na turan sa kanya pero nakita ko ang kakaiba niyang mga mata na nakatitig sa akin galit na galit siya at nakakatakot."Bumalik ka ba dito para muling ulitin ang ginawa mong kasalanan?" Nakakakilabot na tanong at saka mas dumiin pa ang pagkakasakal sa akin kaya halos malagu
last updateLast Updated : 2022-08-30
Read more
Chapter four
Ilang araw matapos ang nangyari sa akin ay marami akong nalaman sa mansyon na ito.Kay Ralph at Kuya Victor na bampira rin noong una ay nahihiya siya sa akin pero kalaunan ay nagihing kumportable na siya.Lalo na at alam ko na ang pagkatao nila yon nga lang ay kinailangan na burahin ni Ralph ang alaala ni Belinda at Nanay Bening dahil nasaksihan nila ang nangyari sa akin.Magaling na rin ang sugat sa leeg ko at ang bumakat na kamay ng kapatid ni Ralph kaya nakahinga na ako ng maluwag.Pero hindi pa rin maalis sa akin ang trauma lalo na kung maliit ang espasyo ng paligid ko at madilim dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga.Lagi na rin na nandito sa mansyon si Ralph at dinadala na niya ang trabaho niya rito.Nakapaglibot na rin ako sa buong lupain ni Ralph bukod dito sa mansyon niya ay mayroon rin pala siya napakalawak na lupain at lahat ng iyon ay taniman ng mga iba't ibang prutas at gulay.Katulad nong unang beses akong dinala rito ni Ralph yong mga na daanan namin ay bahagi ng lu
last updateLast Updated : 2022-09-01
Read more
Chapter five
Maaga akong nagising at natutulog pa si Ralph habang nakadapa kaya dahan-dahan akong bumaba ng kama.Naisip ko na natutulog rin pala sila pinaliwanag na niya ito sa akin kaya naunawaan ko na, dahil sa tagal na nila na nabubuhay dito ay kailangan rin nila ng tulog at pahinga.Nagkwentuhan kami kagabi at marami akong nalaman tungkol sa kanya iyon nga lang ay hindi ko pa alam kung ilang taon na siya ang sabi lang niya ay matanda na siya.Pero kahit pa ilang taon na siya ay bata pa rin siyang tignan at sabi niya huminto ang edad niya noong mag thirty na siya.Ibig sabihin nito ay thirty years old lang siya sa itsura niya ngayon.Napailing na lang ako sa naiisip ko dumiretso na ako ng banyo para maligo buti na lang at may maligamgam na tubig dito kaya hindi ako lalamigin.Habang naliligo ako ay hindi ko sinasadya na may masalat sa kaliwa ko na tagiliran kaya muli ko itong kinapa.Isang mahabang peklat kaya nagtataka ako kung saan ko ito nakuha hanggang sa matapos ako ay hindi ko pa rin maka
last updateLast Updated : 2022-09-26
Read more
Chapter six
Nakahiga na ako at hinihintay ko na lang na lumabas mula sa banyo si Ralph, kanina pa ako walang gana at hindi mapakali kaya hindi ako masyadong nakakain.Bigla akong inantok at pinikit ko na lang ang mga mata ko.Naramdaman ko na lang si Ralph na niyakap ako mula sa likod at hinalikan niya ako sa batok ko at naging kumportable na ako.Kinabukasan ay maaga pa rin ako na bumangon at nauna na si Ralph sa akin, maaga raw na pumunta ng kumpanya si Ralph kaya medyo nalungkot."Good morning sister-in law." Napatingin ako kay Raul na masigla akong binati kaya medyo nawala ang nararamdaman ko na bagot."Magandang umaga rin sa iyo Raul." Nakangiti ko na bati rin sa kanya."Bakit parang wala kang gana?" Nagulat ako ng mahina niyang pitikin ang noo ko kaya napatingin ako sa kanya."Wala kasi si Ralph..." Mahina ko turan kaya tumawa siya ng malakas."Alam mo ba kung ano ang kakayahan ko?" Napatingin ako sa kanya at nagtataka na umiling kaya napangiti siya."Kaya kong makita ang aura ng bawat nilal
last updateLast Updated : 2022-09-27
Read more
Chapter seven
Kumakain ako ng tanghalian ng tabihan ako ni Belinda at tinitigan ako kaya napatingin rin ako sa kanya."Bakit?" Tanong ko habang kumakain."Ang ganda-ganda mo lalo bessy." Wala sa loob niya na turan kaya napailing na lang ako."Nakuha na ba ni Master Ralph ang iniingatan mo?" Muntik na akong mabilaukan dahil sa tinanong niya."Ano ba Inda tumigil ka nga." Namumula ko na saway sa kanya saka siya tumawa ng malakas kaya napailing na lang ako."Kumusta pala yong Dani ginugulo ka pa?" Tanong na lang niya mayamaya."Hindi na lagi kasing nasa paligid si Raul o kaya yong crush mo." Sagot ko sa kanya ng banggitin ko ang crush niya ay namula siya kaya tumawa ako."Bakit mo naging crush si Vlad babaero yon laging may kasamang babae." Sabi ko sa kanya na natatawa sa itsura niya."Tumigil ka nga." Bahagya niya akong hinampas sa balikat saka parehong tumawa ng malakas at niyakap niya ako ng mahigpit."Mukhang masaya kayo." Nagulat kami pareho kay Ryan ng pumasok siya at tinitigan ako at bahagya siy
last updateLast Updated : 2022-09-28
Read more
Chapter eight
Ralph ReinhartNapahilot ako ng noo ko habang nagbabasa ng mga panibagong reports.Napatingin ako sa orasan at parang gusto ko na agad na iwan ang trabaho ko at puntahan agad ang beloved ko.Sa loob ng ilang linggo mula ng muli kong matagpuan ang aking pinakamamahal na si Emilia ay parang nabuhay ulit ako.Wala siyang naaalala sa nakaraan pero kahit ganun ay ang mahalaga hawak ko na siyang muli.Naalala ko ang pinatay na bampirang babae ni Ryan ng dahil lang sa sinaktan nito si Emilia.Buti na lang at hindi ko na naabutan pa na buhay ang bampirang iyon, dahil hindi kamatayan ang kaparusahan sa mga katulad nito na sinaktan ang reyna ko.Biglang bumukas ang pinto ng opisina ko at bumungad si Raul."Ralph may problema tayo!" Taranta nito na turan kaya napatayo ako."Nakarating sa konseho ang nangyari sa academy at kinakailangan ang prisensya mo doon." Patuloy niya kaya napailing na lang ako mukhang magiging matrabaho na rin ang bawat araw namin sa mga susunod pa na araw.Napakalma ko si R
last updateLast Updated : 2022-10-03
Read more
Chapter nine
Nagising ako na nakahiga na ako dito sa kama at nasa kwarto na ako.Napatingin ako kay Risa na nakayupyop sa tabi ko at may makirot sa kaliwa ko na kamay.IV fluid pala ito napahawak ako sa ulo ko at naalala ko na bigla na lang may humarang sa kotse na sinasakyan namin."Lia gising ka na." Pupungas-pungas na turan ni Risa at agad ako niyakap."Anong nangyari?" Mahina ko na tanong sa kanya kaya napatingin siya sa akin."May humarang na mga kalaban sa inyo kanina buti na lang at napigilan ito ni Kuya Ralph." Sagot niya kaya napatango ako at napahawak akong muli sa ulo ko."May masakit ba sa iyo?" Nag-aalala niya na tanong kaya umiling lang ako sa kanya.May naalala ako kanina may nakita ako na napakaliwanag na bagay kaya naging dahilan ito para mawalan ako ng malay."Emilia!" Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ralph kaya napangiti ako agad naman niya akong niyakap kaya napapikit ako.Hindi na nila pinagusapan pa ang nangyari kahapon at tahimik na silang lahat tungkol sa nangyari.Na
last updateLast Updated : 2022-10-06
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status