Share

La Bellezza e il Vampiro
La Bellezza e il Vampiro
Author: Seirinsky

Prologue

Author: Seirinsky
last update Last Updated: 2022-08-15 08:11:34

Napaiyak ako dahil sa marahas na pagkaladkad sa'kin ni Tiya Tonya, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin kanina ay pinasuot niya ako ng bestidang pula na lagpas lang sa tuhod ko sapilitan iyon kahit hindi ko gusto ay napilitan ako dahil sampal at sabunot lang ang natamo ko mula sa kanya.

At ngayon ay nasa tapat kami ng isang bar dito sa bayan dito niya ako dadalhin naalala ko ang anak ng kapit-bahay namin yong dalawa nitong anak ay dito sa casa nagtatrabaho at marumi ang trabahong mayroon sa lugar na ito kaya labis ang kaba na nararamdaman ko.

"Mula ngayon dito ka na magtatrabaho!" Umiling lang ako kay tiya at umiyak.

"Ayoko po tiyang parang awa niyo na po." Kumapit ako sa kanya pero pinalo niya lang ang braso ko dahilan para mapaigik ako dahil sa sakit, kanina ay nakatamo na rin ako ng ilang palo kaya medyo namamaga na ang mga braso ko.

"Ikaw ang pambayad utang ko kaya ikaw magtino ka dito!" Bulyaw pa niya. "Malaki kikitain mo dito." Dagdag pa niya saka ako muling kinaladkad papasok. Sarado pa ang bar dahil maaga pa pero pinapasok na kami ng lalaki na nakangising nakatingin sa akin.

Kinilabutan ako at takot dahil mukhang ito na ang magiging kapalaran ko, katulad ng ina ko na iniwan ako sa poder ni Tiya Tonya.

"Naku! Ito na ba ang pamangkin mo Tonya?" Isang bakla na puno ng kolorete ang mukha ang sumalubong sa amin at may hawak pa siyang sigarilyo at pamaypay kilala ko siya dahil siya ang may-ari ng bar na ito at isa ring bugaw.

"Oo ito na siya kaya ikaw na bahala dito porsyentuhan mo ako pagkumita na ito ha!" Nagtawanan sila matapos ng napagkasunduan nila.

"Sariwa at magandang bata ito wala ba siyang lahi?" Hinawakan ako ng bakla at sinuri napayuko lang ako at umiwas sa hawak niya.

"Naku malamang ang ama niyan ay isa sa mga naging suki noon ni Esmeralda." Napatingin ako kay tiya alam niya kung sino ang ama ko pero hindi naman nila masabi sa akin nakayuko lang ako habang nasa mga paa ko na may tsinelas na pudpod na dahil sa luma nito kahit nga tsinelas ay hindi ako makabili dahil hindi naman ako nabibilhan ni tiya hiningi ko nga lang ito sa kaklase ko.

Awang-awa ako sa sarili ko ngayon dahil sa magiging kapalaran ko.

"Oh! Siya ito na ang sampung libo na bayad ko." Napatingin ako bigla ng abutin ni tiya ang kumpol ng pera.

"Yan pauna pa lang yan kapag kumita na itong pamangkin mo dadagdagan ko pa yan." Muling bumalong ang luha sa mga mata ko dahil sa narinig ko binenta talaga ako ni tiya.

"Hoy! Ikaw umayos ka kikita talaga ako sa iyo kaya pagbutihin mo kung gusto mo makabili ng mga gusto mo ay magtino ka dito!" Ipinasa na niya ako sa bakla at kaagad naman ako nitong kinaladkad papasok sa bar nagtangka pa akong kumawala sa kanya pero lalo lang niyang diniinan ang pagkakahawak sa braso ko dahilan para mamilipit na ako sa sakit.

"Nasaan si Lorna!" Malakas niyang sigaw sa loob napatigil ang ilang tao na nag-aayos ng mga upuan at tinawag rin ang pangalan ng kung sino man iyon.

"Madam nandito po ako." Sulpot ng isang magandang babae na lumabas galing sa isang kwarto, agad siyang tumingin sa akin at muling bumaling sa bakla na nakahawak sa braso ko

"Paliguan mo yan at ayusan mo magagawan naman siguro ng paraan yang mga pasa sa katawan niya diba?" Sunod-sunod na tumango ang babae at saka ako giniya pero ramdam ko ang dahan-dahan niyang paghawak sa akin.

"Halika na akyat tayo." Malumanay niya turan.

Hindi ako nakaramdam ng takot sa hawak niya para pa nga na iniingatan niya na mapadiin ang kamay niya sa braso ko.

"Diyos ko! ano ginawa nila sa iyo." Napatingin ako sa babae na nakatingin ngayon sa braso ko na namumula at nangingitim na rin.

Napatingin ako sa braso ko na nangingitim saka ako napayuko.

"Halika paliliguan kita at ng magamot ko ang mga pasa mo." Inakay niya ako sa isang banyo na maraming nakalagay na iba't ibang sabon iyon kasi ang pagkakaalam ko dahil minsan ko na itong nakita sa telebisyon.

Pinaliguan nga niya akong buong ingat binihisan kahit hindi niya ako kinausap pa mula kanina umiiyak lang ako at hindi ko na alintana kung n*******d man ako sa harap niya wala naman na akong magagawa pa.

Ang huli niyang sinabi kanina matapos niya akong paliguan at gamutin ang mga pasa ko ay nalulungkot siya para sa akin dahil kagaya niya magiging tulad rin sa kanya ang kapalaran ko.

Ang maging isang GRO dito sa bar at lalo ko iyong ikinatakot ng husto alam ko kung ano iyon at hindi ko mapigilan ang pag-ampat ng luha sa mga mata ko.

"Nakahanda ka na! Ngayon magsisimula kang magtrabaho!" Kinaladkad ako ng bakla pababa at kita ko ang dami ng mga tao mula sa patay-sinding mga ilaw, sa gitna naman ay ang mga babaeng mahinhin na gumigiling na halos wala ng saplot sa katawan nakapalibot dito ay halos mga lalaking nagtatapon ng pera sa mga babae at ang kanta na masakit sa tenga dahil masyado itong sensual.

Ganito kasi ang palabas sa telebisyin na napanood ko na kaya hindi ako makapaniwala na totoo pala na may ganitong lugar.

"Ikaw ang gagawin mo lang ay gumiling ng konte." Napayuko ako sa sinabi ng isang babae itinabi niya ako sa mga nakahilerang babae na gumigiling-giling ang katawan.

Napakislot ako ng may lalaking lumapit sa akin.

"Hey! I like you can you come to my table?" Isa siyang amerikano base sa pananalita niya buti na lang at nakakaintindi ako ng ingles.

Hindi ako umimik at sa takot ko ay umatras ako pero bigla niyang hinigit ang braso ko kaya napaigik ako sa sakit. Lagi na lang ang braso ko sa palagay ko ay ito ang unang bibitaw sa bahagi ng katawan ko.

"I said go to my table now!" Sigaw na niya kaya napatingin na ang ibang tao.

"Ayoko po." Tuluyan na akong napaiyak dahil sa takot hahampasin na sana niya ako pero may isang lalaki na pumigil dito at siya ang sumuntok sa lalaki.

Napapikit ako dahil parang nahilo ako marahil dahil sa takot pa rin ang nararamdaman ko.

Ang mga sumunod na sandali ay hindi ko na masyadong namalayan pa ang narinig ko lang ay ang limang milyon na sinabi ng lalaki at ang matinis na hiyaw ng bakla ang pagpangko ng lalaki sa akin ang huli kong naalala bago ako lupaypay na nakasandig sa malapad na dibdib ng lalaking nagligtas sa akin.

Nagising ako sa isang malambot na kama at napatingin sa paligid hindi ko maigalaw ang kaliwa kong braso dahil namamanhid ito.

Naalala ko ang nangyari kung paano ako kinaladkad ni tiya sa bar at ang muntik ko ng ikapahamak doon.

Kung hindi dumating yong lalake ay baka napahamak na ako ng tuluyan.

Akma na ako na babangon ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na n*******d baro lang kaya napatingin ako sa ibang direksyon.

May tuwalya ito sa ibabang parte ng katawan niya marahil ay sa banyo ito galing.

"Gising ka na pala." Narinig ko na sabi nito kaya napatingin ako dito na nagbibihis na at lumapit siya sa akin.

"Nasaan po ako?" Mahina ko na tanong dito na nakatingin lang sa akin.

"Nandito ka sa hotel na inuukopa ko." Maikli lang nito na sagot kaya napatango ako.

"Ginamot ko ang braso mo na nangingitim na." Sabi niya saka umupo sa tabi ko at kinuha ang braso ko at dahan-dahan na may tinanggal dito dahilan para maging magaan ang pakiramdam ko.

Naigagalaw ko na rin kaya nakahinga ko ng maluwag.

"Bibili lang ako ng pagkain at damit mo sa baba kaya hintayin mo lang ako dito." Seryoso niya na turan kaya napatango lang ako sa kanya.

Napatingin ako sa paligid at para akong nakahinga ng maluwag dahil nakaalis na ang lalaki.

Nakakaintimida ang prisensya ng lalaki at hindi ko alam kung sino ito gayong nagpapasalamat pa rin ako dahil niligtas niya ako sa tiyak na kapahamakan.

Hindi naman ako naghintay ng matagal dito at pagbalik nito ay may dala na ito dalawang malaking paper bag ang isa ay pagkain ng ilabas niya ito at ilapag sa lamesa at ang isa ay binigay niya sa akin.

"Damit mo iyan sa tingin ko ay kasya na iyan sa iyo." Napatango ako at nagpasalamat.

"Maligo ka muna bago tayo kumain." Utos niya kaya napatango lang ako.

Sinunod ko na lang siya at pumasok sa isang pinto kyng saan siya lumabas kanina kaya napahinga ako ng malalim.

Maganda ang loob ng banyo at may mga gamit pambabae inilabas ko ang damit sa paper bag at namula ako ng makita ko na may dalawang pares ng panloob.

Isang simpleng bestida ang napili ko pero pagkakita ko sa presyo ay binawi ko ang simpleng salita dahil napakamahal nito nagdadalawang isip ako kung isusuot ko ito o hindi pero naligo na lang ako at isusuot ko na lang ito baka magalit sa akin ang lalaki at ibalik ako sa bar.

Ayoko ng bumalik doon kaya nagmadali akong maligo at magbihis ng matapos ako ay lumabas na ako ng banyo.

Nakita ko ang lalaki na nasa terrace at may kausap yata sa cellphone pinatong ko ang paperbag sa kama at tinuyo ng tuwalya ang buhok ko.

Ano kaya ang kailangan niya sa akin bakit kaya niya ako tinulungan kagabi? Ito ang mga tanong sa isip ko.

Nagulat ako ng pumasok ito at nagkatinginan kami saka siya lumapit sa akin.

"Kumain na tayo at aalis tayo agad." Seryoso niyang turan kaya napatango ako.

"Ako nga pala si Ralph Rienhart isipin mo na lang na niligtas kita kagabi sa bar na iyon at isasama kita sa bahay ko." Kaswal niyang turan kaya napatango ako nakita ko ang itim niyang hikaw at ang tila peklat sa kaliwa niyang pisngi pahaba ito.

Gusto kong magtanong kung ano ang nangyari dito pero hindi ko na lang tinuloy.

"Anong pangalan mo?" Napatingin ako sa kanya ng magtanong siya habang kumakain kaya lihim akong napangiti akala hindi na niya tatanungin.

"Emilia Vicente po ang pangalan ko." Magalang ko na sagot kaya napatango lang ito at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Alam ko na mabuti siyang tao dahil kung hindi ay baka napahamak na ako kagabi pa kaya nagpapasalamat ako na nakilala ko siya.

Pero ang akala ko na maayos kong buhay kasama siya ay hindi pala dahil dito ko nakita ang isang bahagi ng ugali niya.

Kalbaryo pala na doble ang dadanasin ko sa lalaking nangako sa akin na hindi na ako masasaktan kailanman pero bakit araw-araw akong umiiyak at nasasaktan.

Related chapters

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter one

    Napatingin ako sa labas ng bintana sa lugar na dinaraanan namin nagulat ako ng bumukas ang bintana kaya napatingin ako kay Kuya Ralph."Maganda ba?" Tanong niya kaya nakangiti akong tumango saka ko dinama ang mabining hangin at pumikit ako hindi ako makapaniwala na makakarating ako sa ganito kagandang lugar.Maraming puno at ang lahat ng nadaraanan namin ay may mga manga at pomelo.Masasabi ko na pomelo ang isang puno na katabi ng manga dahil hitik ito sa bunga at mayroon kami nito sa likod bahay namin.Ilang sandali pa ay may isang napakalaking gate ang nasa harap namin at dahan-dahan itong bumukas kaya napalunok ako at napatingin sa labas.Madilim ang dinaanan namin na para bang isang tunnel at sa ilang segundo lang ay lalo akong namangha sa paligid dahil napakaganda ng lugar.At sa harap namin ay parang mala palasyong bahay ang nasa harap namin ang buong paligid ay napapalibutan ng mga rosas.Mayamaya pa ay huminto na ang sasakyan at napatingin ako sa kanya."Nandito na tayo." Maikl

    Last Updated : 2022-08-22
  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter two

    Mag-iisang linggo na ako dito at wala naman kakaiba pwera lang sa ayaw akong patulungin ni Ralph kina Nanay Bining at Belinda sa gawaing bahay.Pero sinusuway ko siya dahil gusto kong may gawin ako dahil nakakabagot rin ang walang ginagawa.Marami naman akong natuklasan sa sarili ko na kaya ko pa lang gawin katulad ng pagpinta at paghahalaman ito ang pinagkakaabalahan ko ngayon, naikot ko na rin ang buong mansyon at masasabi ko na hindi ako magsasawang libutin."Lia halika na baka dumating na si Master Ralph wala ka pa sa loob." Napatingin ako kay Belinda na halata na naman ang kaba kaya napangiti ako at tumango."Opo papasok na ako sandali lang." Sabi ko sa kanya kaya napatango lang siya muli kong inayos ang bagong punla ko ng okra at talong ss isang tray."Okay na ito ilang buwan mula ngayon maaani ko na kayo." Sabi ko sabay tingin kay Belinda pero malapad na dibdib ang tumama sa mukha ko at dahilan para muntik na akong mabuwal buti nalang at nasalo ako ni Ralph kaya nagulat ako."Si

    Last Updated : 2022-08-24
  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter three

    Nagising ako na magaan na ang pakiramdam medyo nahihilo ako pero kinaya ko pa rin na bumangon.Wala na dito sa loob si Ralph at baka pumasok na siya sa opisina kaya pumasok na lang ako ng banyo para mag-hilamos.Pababa na ako ng makita ko si Ralph na nakaupo sa sala kaya napangiti ako at lumapit sa kanya."Ralph magandang umaga." Nakangiti ko na turan sa kanya pero napaatras ako ng makita ko ang masama niyang tingin sa akin kaya kinabahan ako.Ang lalakeng nasa harap ko ngayon ay hindi si Ralph."Talaga nga na inuwi ka dito ng kapatid ko." Natakot ako sa galit niyang boses at sa isang iglap ay hawak na niya ang leeg ko kaya napaiyak ako dahil sa sakit ng pagkakahawak niya."Wag po nasasaktan po ako..." Nahihirapan ko na turan sa kanya pero nakita ko ang kakaiba niyang mga mata na nakatitig sa akin galit na galit siya at nakakatakot."Bumalik ka ba dito para muling ulitin ang ginawa mong kasalanan?" Nakakakilabot na tanong at saka mas dumiin pa ang pagkakasakal sa akin kaya halos malagu

    Last Updated : 2022-08-30
  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter four

    Ilang araw matapos ang nangyari sa akin ay marami akong nalaman sa mansyon na ito.Kay Ralph at Kuya Victor na bampira rin noong una ay nahihiya siya sa akin pero kalaunan ay nagihing kumportable na siya.Lalo na at alam ko na ang pagkatao nila yon nga lang ay kinailangan na burahin ni Ralph ang alaala ni Belinda at Nanay Bening dahil nasaksihan nila ang nangyari sa akin.Magaling na rin ang sugat sa leeg ko at ang bumakat na kamay ng kapatid ni Ralph kaya nakahinga na ako ng maluwag.Pero hindi pa rin maalis sa akin ang trauma lalo na kung maliit ang espasyo ng paligid ko at madilim dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga.Lagi na rin na nandito sa mansyon si Ralph at dinadala na niya ang trabaho niya rito.Nakapaglibot na rin ako sa buong lupain ni Ralph bukod dito sa mansyon niya ay mayroon rin pala siya napakalawak na lupain at lahat ng iyon ay taniman ng mga iba't ibang prutas at gulay.Katulad nong unang beses akong dinala rito ni Ralph yong mga na daanan namin ay bahagi ng lu

    Last Updated : 2022-09-01
  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter five

    Maaga akong nagising at natutulog pa si Ralph habang nakadapa kaya dahan-dahan akong bumaba ng kama.Naisip ko na natutulog rin pala sila pinaliwanag na niya ito sa akin kaya naunawaan ko na, dahil sa tagal na nila na nabubuhay dito ay kailangan rin nila ng tulog at pahinga.Nagkwentuhan kami kagabi at marami akong nalaman tungkol sa kanya iyon nga lang ay hindi ko pa alam kung ilang taon na siya ang sabi lang niya ay matanda na siya.Pero kahit pa ilang taon na siya ay bata pa rin siyang tignan at sabi niya huminto ang edad niya noong mag thirty na siya.Ibig sabihin nito ay thirty years old lang siya sa itsura niya ngayon.Napailing na lang ako sa naiisip ko dumiretso na ako ng banyo para maligo buti na lang at may maligamgam na tubig dito kaya hindi ako lalamigin.Habang naliligo ako ay hindi ko sinasadya na may masalat sa kaliwa ko na tagiliran kaya muli ko itong kinapa.Isang mahabang peklat kaya nagtataka ako kung saan ko ito nakuha hanggang sa matapos ako ay hindi ko pa rin maka

    Last Updated : 2022-09-26
  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter six

    Nakahiga na ako at hinihintay ko na lang na lumabas mula sa banyo si Ralph, kanina pa ako walang gana at hindi mapakali kaya hindi ako masyadong nakakain.Bigla akong inantok at pinikit ko na lang ang mga mata ko.Naramdaman ko na lang si Ralph na niyakap ako mula sa likod at hinalikan niya ako sa batok ko at naging kumportable na ako.Kinabukasan ay maaga pa rin ako na bumangon at nauna na si Ralph sa akin, maaga raw na pumunta ng kumpanya si Ralph kaya medyo nalungkot."Good morning sister-in law." Napatingin ako kay Raul na masigla akong binati kaya medyo nawala ang nararamdaman ko na bagot."Magandang umaga rin sa iyo Raul." Nakangiti ko na bati rin sa kanya."Bakit parang wala kang gana?" Nagulat ako ng mahina niyang pitikin ang noo ko kaya napatingin ako sa kanya."Wala kasi si Ralph..." Mahina ko turan kaya tumawa siya ng malakas."Alam mo ba kung ano ang kakayahan ko?" Napatingin ako sa kanya at nagtataka na umiling kaya napangiti siya."Kaya kong makita ang aura ng bawat nilal

    Last Updated : 2022-09-27
  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter seven

    Kumakain ako ng tanghalian ng tabihan ako ni Belinda at tinitigan ako kaya napatingin rin ako sa kanya."Bakit?" Tanong ko habang kumakain."Ang ganda-ganda mo lalo bessy." Wala sa loob niya na turan kaya napailing na lang ako."Nakuha na ba ni Master Ralph ang iniingatan mo?" Muntik na akong mabilaukan dahil sa tinanong niya."Ano ba Inda tumigil ka nga." Namumula ko na saway sa kanya saka siya tumawa ng malakas kaya napailing na lang ako."Kumusta pala yong Dani ginugulo ka pa?" Tanong na lang niya mayamaya."Hindi na lagi kasing nasa paligid si Raul o kaya yong crush mo." Sagot ko sa kanya ng banggitin ko ang crush niya ay namula siya kaya tumawa ako."Bakit mo naging crush si Vlad babaero yon laging may kasamang babae." Sabi ko sa kanya na natatawa sa itsura niya."Tumigil ka nga." Bahagya niya akong hinampas sa balikat saka parehong tumawa ng malakas at niyakap niya ako ng mahigpit."Mukhang masaya kayo." Nagulat kami pareho kay Ryan ng pumasok siya at tinitigan ako at bahagya siy

    Last Updated : 2022-09-28
  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter eight

    Ralph ReinhartNapahilot ako ng noo ko habang nagbabasa ng mga panibagong reports.Napatingin ako sa orasan at parang gusto ko na agad na iwan ang trabaho ko at puntahan agad ang beloved ko.Sa loob ng ilang linggo mula ng muli kong matagpuan ang aking pinakamamahal na si Emilia ay parang nabuhay ulit ako.Wala siyang naaalala sa nakaraan pero kahit ganun ay ang mahalaga hawak ko na siyang muli.Naalala ko ang pinatay na bampirang babae ni Ryan ng dahil lang sa sinaktan nito si Emilia.Buti na lang at hindi ko na naabutan pa na buhay ang bampirang iyon, dahil hindi kamatayan ang kaparusahan sa mga katulad nito na sinaktan ang reyna ko.Biglang bumukas ang pinto ng opisina ko at bumungad si Raul."Ralph may problema tayo!" Taranta nito na turan kaya napatayo ako."Nakarating sa konseho ang nangyari sa academy at kinakailangan ang prisensya mo doon." Patuloy niya kaya napailing na lang ako mukhang magiging matrabaho na rin ang bawat araw namin sa mga susunod pa na araw.Napakalma ko si R

    Last Updated : 2022-10-03

Latest chapter

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-seven

    Maaga akong nagising dahil papasok ako sa eskwelahan ngayong araw at sisimulan ko na ang misyon ko na kausapin si Danya.Napatingin ako kay Ralph na gising na rin at napakagwapo pa rin kahit magulo ang buhok.Nakabuhad baro ito at tanging pajama lang ang suot pero tila itong modelo kaya napahinga ako ng malalim.“Good morning my queen.“ Bati nito kaya lumapit ako dito at humalik sa pisngi nito.Pero agad ako nitong niyakap pahiga kaya napatawa ako at sinimulan ako nitong halikan sa leeg kaya tumawa ako lalo dahil nakikiliti ako.“We need to get up now Ralph or else mahuhuli ako sa school.“ Sabi ko dito kaya agad na ako nitong kinarga at dinala sa banyo.Sa huli ay magkasama kaming naligo at hindi ko ito pinagbigyan kaya napatawa na lang ito ng malakas.Naalala ko si Dani kaya tinawagan ko ito kahapon at iyak ito ng iyak dahil miss na miss na raw ako nito.Nangako naman ako dito na papasok ngayong araw kaya alam ko na maaga itong pupunta dito sa bahay.Oo nga pala hindi ako nakapagpaal

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-six

    Dahil pumayag si Ralph na pumunta sa lugar kung na saan ang mga magulang namin ni Amelia, pero kailangan naming lakbayin ang lugar kung saan namin makikita ang huling relica na maaaring makatulong sa amin papunta doon. “Nasaan ang relica ng huling lagusan ng Amon?“ Tanong ni kuya kina Amelia mayamaya, nagkatinginan ang mag-asawa at napatitig sa akin ang kakambal ko. “Sa kaharian ng Neved, ang mundo ng mga diwata.“ Sagot nito kaya napatango ako at napatingin sa labas. Napakaaliwalas lagi ng kalangitan dito sa kaharian ni Damon kaya nakaka-relaks sa pakiramdam. “Pero mapanganib ang mundong iyon dahil sa kasalukuyang reyna, kaaway ang tingin niya sa lahi namin at maging sa lahi niyo, lalo na sa mga diyosa.“ Sabi ni Damon na napahalukipkip na lang, napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Ralph na pinagsalikop niya kanina kaya naman napatitig ito sa akin. “We will find a way to enter that kingdom.“ Sabi ni Ralph na tinanguan lang ng lahat. “We need to find a person who will help us to

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-five

    Nagising ako na tila may nakatingin sa akin kaya nagmulat ako ng mga mata.Nakita ko agad si Selia na nakatingin sa akin at nakangiti siya.“Magandang umaga po.“ Bati niya sabay halik sa pisngi ko kaya napangiti ako ng matamis.“Magandang umaga rin Selia.“ Nakangiti ko rin na bati sa kanya saka ako bumangon at namangha ako sa labas ng makita ko kinaroroonan ko.Napakagandang umaga ang bumungad sa akin kaya napatingin ako kay Selia na nakangiti rin na nakatanaw sa buong lupain na napapaligiran ng mga bulaklak.“Nagustuhan niyo po ba?“ Tanong niya kaya napangiti ako at tumango saka na niya ako inakay palabas ng silid ko.Bumaba kami sa napakagandang hagdan at hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko sa mga oras na ito.Dumiretso kami ni Selia sa hapag-kainan at naabutan namin si Amelia na nag-hahain ng agahan at nang makita ako ay napangiti ito.“Magandang umaga mahal kong kapatid.“ Bati niya na hinalikan ako sa pisngi kaya napangiti ako.“Upo ka na para makapag-agahan ma tayo.“ Sab

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-four

    Napamulat ako ng mga mata ko nang maramdaman ko na nakahiga na ako at ng magmulat ako ay napakaaliwalas na kalangitan ang tumambad sa akin.Isang kakaibang mundo ang nasa harap ko ngayon habang hawak ko sa kamay ko ang mapa na binigay sa akin ni Ralph bago kami maghiwalay.Napatingin ako sa paligid at namangha ako sa nakikita ng mga mata ko totoo ba talaga na nandito na ako?.Ito ang tanong ko sa sarili ko habang naglalakad, nasa mataas ako na parte ng bundok at tanaw ko ang luntian na mga damo at punong kahoy sa paligid.Nalalatagan rin ito ng mga halamang ligaw at bulaklak sa paligid.Lumakad pa ako para maghanap kung may mga bahay ba rito o kung may mga tao man lang sa paligid.Pero ilang minuto na yata ako na naglalakad pababa sa burol na pinanggalingan ko ay wala pa rin akong makita.Naglalakad na ako sa daan at patingin-tingin sa paligid kahit mainit ay hindi mahapdi sa balat dahil marahil sa malamig na simoy ng hangin.Nakaramdam ako na may tila paparating kaya napatakbo ako pa

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-three

    Nakaupo ako dito sa sala nasa tabi ko si Ralph at nasa harap naman namin sina Raul at ang mga kaibigan niya."Ano ang pag-uusapan natin Emilia?" Tanong ni Ryan na nakatayo sa tabi ni Val."May sasabihin ako at natuklasan ko lang kahapon." Sabi ko sa kanila kaya napatingin ako kay Belinda at Risa na magkatulong na dala ang salamin na pinakuha ko sa kanila.Isang fullbody mirror na pwede kong magamit para makausap ko ulit ang kakambal ko.Tumayo ako at lumapit sa salamin at tumingin sa kanila na nagtataka lalo na si Ralph na nakakunot ang noo."Amelia nandyan ka ba?" Hinawakan ko ang salamin at tila ito naging tubig kaya napatitig ako dito."Nandito ako Emilia." Sabi niya na nakatingin sa akin."Who is that?" Gulat na tanong ni Ryan na halata ang gulat sa mukha.Maging sina Raul ay ganun rin kaya napahinga ako ng malalim at napatingin sa kapatid ko."Siya si Amelia ang kakambal ko." Sabi ko sa kanila kaya kanya-kanya sila ng reaksyon maging si Ralph ay hinila ako patayo at dinala sa lab

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-two

    Napatingin ako sa kalangitan ng makita ko kung gaano kaitim ang buong paligid.Kahapon ay maganda ang kalangitan pero ngayong araw ay tila may darating na bagyo kaya napahawak ako sa braso ko.Kakaiba rin ang ihip ng hangin kaya nakaramdam ako ng kakaibang damdamin."Emilia halika ka na kailangan natin makauwi ng maaga." Napatingi ako kay Risa na tila may problema."May problema ba?" Tanong ko sa kanya kaya napatitig siya sa akin."Pinapauwi kase tayo ni kuya ng maaga nakita mo naman ang panahon diba?" Sabi niya kaya nagpahila na lang ako sa kanya.Sa parking area ay naghihintay sina Rowan at Vlad pero hindi ko nakita si Raul kaya nagtaka ako.Kanina pa iyon na umaga kaya kahit gusto kong magtanong kina Risa ay hinsi ko na lang tinuloy."Dumating na yata ang judgement day." Mahinang bulong ni Vlad kaya napatingin ako dito."Tumigil ka nga Vlad may darating na bagyo kaya ganyan ang panahon." Saway dito ni Risa kaya napailing na lang ako at napatingin sa labas.Tila ramdam rin ng ibang

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty-one

    Napapunas ako ng pawis sa noo ko matapos kong sanayin ang sarili ko sa pag kontrol ng elemento ng hangin.Dito ako medyo nahihirapan pero malapit ko na itong magawa ng maayos."Emilia nandito ka lang pala." Napatingin ako kay Belinda na may dalang tray ng pagkain kaya napangiti ako at umupo ng maayos."Ano yan?" Tanong ko kaya napangiti siya at nilagay ang tray sa harap ko."Nagluto si nanay ng ginataan na may bilo-bilo." Sagot niya at binuksan ang mangko na may umuusok na miryenda."Kanina ka pa dito sa silid na ito." Komento niya kaya nagsimula na akong kumain, pinilit ko na kumain kahit hindi ako nagugutom dahil kailangan ito ng pisikal na lakas ko lalo na ang katawan ko."Ilang araw ka na rin dito." Sabi pa niya kaya napatango lang ako."Hindi mo pa rin ba kinakausap si Master Ralph?" Tanong niya kaya napatigil ako at napahinga ng malalim.Oo nga pala naalala ko na naman ang ginawa ng hari ng mga bampira, naglihim ito at ginawa niya akong tanga kaya nagagalit ako.Hindi ako makapan

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter twenty

    Magkasama kami na nandito sa library ni Risa at nagbabasa ng makarinig kami ng ingay ss kabilang bahagi ng malaking library."Ano na naman kaya ang problema ng ilan sa mga bampirang iyon." Inis na turan ni Risa na kanina pa nagngingitngit."Bakit ba kasi nagtitiis ka na pakingan sila." Komento ko kaya hindi siya makapaniwala na tinitigan ako."Malakas ang pandinig namin na mga bampira Emilia." Sabi niya kaya tumayo ako at tumabi sa kanya.Huminga ako ng malalim at hinawakan ang magkabila niyang tenga at pumikit ako.Isa ito sa mga natutunan ko sa libreta na pinagsasanayan ko ng kakayahan ko mayamaya pa ay tinanggal ko ito at gulat siya na nakatingin sa akin."Paano mo ito nagawa?" Gulat niya na tanong kaya napangiti ako at sinabi sa kanya ang natutunan ko."Napakanatural lang sayo nito." Nasabi na lang niya sabay tawa.May nagbago sa paligid mula ng magamit ko ang kapangyarihan ko, umiiwas na sila at ilang na rin.Kahit wala akong ginagawa ay lumalayo sila sa akin.Nakakalungkot pero n

  • La Bellezza e il Vampiro   Chapter nineteen

    Napangiti ako ng makita ko si Emilia na natutulog dito sa silid sa opisina ko kaya tinangal ko ang ilang butones ng polo ko at nagtanggal ng sapatos.Saka ako sumampa sa kama at niyakap si Emilia.Mukhang magkakaroon na ako ng mas malaking problema dahil bumalik na si Gael at ang ilan sa mga bampira at lycans na gustong makita ang aking reyna.Nakarating na rin sa konseho ang balita na buhay si Emilia kaya doble ang pagiingat na kailangan naming gawin.Hinayaan ko lang na matulog si Emilia at bumangon muli dahil naramdaman ko si Enrique na nasa labas.Nang makalabas ako sa silid ay nakita ko ito na nakatayo sa bintana na nakahalukipkip."May kailangan ka?" Tanong ko kaya napatingin siya sa akin at seryoso akong tinitigan."Hindi ako magtatanong kung ano ang balak mo pero pagdating kay Emilia may karapatan rin akong makialam." Diretso niya na turan kaya napailing ako at umupo sa harap ng lamesa ko.Pinaupo ko siya kaya sinunod niya ako at napahinga ng malalim."Nandito si Carmela, siya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status