Pamela is a playgirl. And Tristan is a nerdy boy. Paano kung magising sila isang umaga na bumaliktad na pala ang panahon at... Ang playgirl na si Pamela ay nagiging nerd at si Tristan "the nerd" ay nagiging playboy. Kakayanin kayang harapin ni Pamela ang nerd na naging playboy? Tunghayan natin ang kwento ni Pamela at Tristan sa "My Boss was a Nerd" by S.B.S Disclaimer: This story is written in taglish.
view more"Hidden Proposal"Walang patid ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. Humihikbi ako na animo'y walang kataposan. Hindi ko gustong umiyak pero kusang tumutulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan.Nanatili pa rin ako sa silid ng hospital na ito nang mag-isa.Nakatungo kong pinahid ang mga luha ko sabay kuyom ng mga palad ko sa ibabaw ng aking magkabilang hita.Masaya ako sa balitang natanggap ko pero may kalakip iyong takot at pangamba. Hindi ko masisi ang sarili kong matakot dahil ako lang mag-isa ang humaharap sa dayog ng buhay ko, wala akong kapamilya na malapit sa akin bukod kay Jocel. Hindi ko alam kong saan ako magsisimula, saan ako o kami ng batang ito dalhin ng unos ng buhay, pero alam ko at maipapangako ko sa sarili kong hindi ko pababayaan ang magiging anak ko.Nanatiling nakayuko ako nang mapansin ko ang isang kumikinang na bagay sa aking daliri. Nagsalubong ang aking kilay, bakas sa mukha ko ang pagkalito. Wala sa sariling napasuyod ako ng tingin sa bagay sa aking daliri.
"Blessing in Disguise""OKAY Miss Ramirez, just wait for our call, thank you," sabi ng isang babaeng nag interview sa akin. Napakabugnutin naman ng pagmumukha ng nag-interview sa akin na akala ko tuloy nakapasan sa buong mundo.Tumango lang ako bilang sagut dito, maingat akong lumabas mula sa silid kung saan ginanap ang interview sa bago kong inaaplyan.Isang buntong hininga ang aking pinakawalan nang maglakad ako sa hallway. Dalawang linggo na akong pagala-gala pero wala pa rin akong nakuhang bagong trabaho.Laglag balikat na lumabas ako sa malaking building. Nagsisimula muli ako sa una. Apply dito, apply doon hanggang sa makahanap ng panibago.Eh bahala na kaysa manitili ako doon, puso ko lang ang mahihirapan. Bahala na walang sisihan."Go go go lang Pamela!" Pinalakas ko ang aking sarili.Pang limang kompanya ko na kaya iyon, pero palagi lang sinabing maghihintay ng tawag, hanggang kailan pa ba ako maghihintay, isang linggo, dalawa,tatlo? Sadsad ang takong ng sapatos kong naglaka
"Distance is the Key"GABI na pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Hindi man lang ako dinalaw ng antok. Kanina pa ako pabaling baling sa ibabaw ng kama pero wala eh, mulat na mulat pa rin ang aking mga mata.Lintik itong matang to oo. Lagyan ko kaya to vicks ano para kusang pumikit ito?Mariin kong ipinikit ito, pero palaging nag pa-flashback ang mga sinasabi ni Tristan sa aking isipan. Para atang nakaukit iyon sa utak ko. Palagi nalang lumilitaw ang gwapong mukha nito sa kukuti ko.Ibig ko na sanang paniwalaan lahat nang iyon pero natatakot ako baka sa bandang huli ay ako rin ang magdurusa at magsisisi.Kaya mas mabuti at maaga pa ay iiwas na ako para hindi na tuluyang mahulog pa ang loob ko. Itigil na niya ang kahibangan niya.Pabalikwas akong bumangon mula sa pagkakahiga, sinuot ko ang salamin sa aking mga mata.Naupo ako sa harapan ng maliit na mesa ng aking silid, kinuha ko ang ballpen sa harapan at isang malinis na papel.Magpa-file ako ng resignation hangga't maaga pa. Aya
"Shoulder to cry on"Nang makilala ko kung sino ang bumungad sa aking harapan ay hindi ako nagdalawang isip. Lakad takbo ko itong sinalubong, pangahas ko itong hinarap. I knew I need him right now. I really do.When I reached him, I automatically leaned my head on his right chest without asking his permission and my tears bursted. I started to cry as much as could. Nilabas ko ang mga luha ko na kanina pa ko pa tinitimpi.Humagulhol at humihikbi ako na parang wala ng kataposan, nayugyog ko ang aking balikat dahil sa pag-iyak, hindi ko na napigilan ang sarili na umiyak ng umiyak sa harapan ni Travis.Wala na akong pakialam kung nagmukha akong tanga at kaawa awa sa mga mata nito sa sandaling iyon, gusto ko lang umiyak at ilabas ang sakit at sikip ng aking dibdib. At ito lang ang pwede kong takbuhan sa oras na iyon."I am sorry for grabbing your shoulder without your consent, b-but I really need this now," humahagulhol na sabi ko, hindi ko na naikulbli ang gumaralgal kong boses. Hindi it
"Denial"Nagising akong mabibigat at masakit ang aking katawan. Nakahiga ako sa ibabaw ng malambot na kama. Mabibigat ang aking talukap pero pinilit kong idilat ito. Pinilit kong hagilapin ang aking diwa.Kinapa ko ang aking sarili, wala akong saplot sa ilalim ng puting kumot. Napahigpit ko ang pagkakahawak ko sa kumot.Hindi ko natatandaan ang mga pangyayari pagkatapos ng lahat. Ang huling natatandaan ko lang ay kasama ko ang lalaking mahalaga sa akin. Basta ang alam ko lang na napaligaya ko ito sapat na iyon para sa akin. Kusa kong binigay ang tanging bagay na pinagka-iningatan ko nang dalawang po't anim na taon sa lalaking may malaking puwang sa puso ko. Sapat na iyon para humakbang ako pasulong.Hinanap ko ang aking salamin, nakapa ko iyon sa ibabaw ng maliit na side table dali ko itong sinuot sa aking mga mata. Matamlay akong bumangon mula sa kama. Nahagip ng aking mga mata ang orasan na nakasabit sa dingding.Ala una na pala ng hapon.Nagulat ako, ganun na ba ako katagal nakatu
"Unstoppable Desire"Isang bundol ng kaba ang aking nadarama dahil may mga bisig na yumakap sa akin mula sa likuran.Hindi ko magawang igalaw ang aking katawan dahil sa higpit ng mga bisig nitong nakapulupot sa aking beywang.Hinalikan nito ang batok ko pababa sa balikat ko."Damn it! I want you, I really want you Pamela," anas na bulong nito sa gawing batok ko.Nanindig lahat ng balahibo ko ng marinig ko ang baritono nitong boses. Alam ko agad kung sino. Si Tristan ito at hindi ako maaaring magkakamali.Dama ko ang maiinit nitong pagnanasa nang sumayad ang mainit nitong mga labi sa balat ko. Bahagya kong naipikit ang aking mga mata dahil sa malakuryenteng dumaloy sa aking mga ugat.Pinagkagat kagat nito ang puno ng tainga ko, nakikiliti ako sa ginagawa nito.Kahit kaunting pagtutol man lang ay hindi ko magawa dahil gusto ko ang ginawa nito sa aking katawan.Ibig tumutol ang kabilang panig ng aking utak, pero paano? naliliyo na ang diwa at puso ko dahil sa init na sensasyong hatid nit
"Travis to the Rescue""What the hell," balikwas kong bangon mula sa buhanginan. "Sir Travis what are you doing here?" tanong ko sabay salubong ang kilay agad kong pinalitan ang salamin ko sa mata, tiningala ko ito mula sa pagkaka-upo."Grabe ka na naman Betty para ka naman nakakita ng multo," asik ni Travis sabay upo sa tabi ko.Nakangusong pinandilatan ko ito. Pero lihim kong sinuyod ang tingin dito kunwa'y inis inisan."Hmmmmm! Anak ng tukwa he is pretty damn hot. A broad shoulder at naku girl malalaman ang dibdib at may anim na pandesal sa tiyan, my God ang magkakapatid na ito ay parang machete, napakagandang mga lalaki."Nakasuot ito ng summer shorts at lantad ang mamasel nitong hmmm katawan nga! gwapo pareho ang magkakapatid! Ay diyos ko! kung pinagpala nga naman."Opppps! Naging malandi ka ata pamela huh!" saway ng isang bahagi ng utak ko.Kurap kurap na binaling ko ang paningin sa maasul na karagatan. "Bakit ka ba nandito ha?" hindi ko pa rin ito tinigilan hanggang hindi nito
"The Secret Moves"Nang biglang may nagbukas ng ilaw sa living room.Parang binuhusan ako ng isang malamig na tubig.Para kaming napaso at kumalas sa isa't isa. Kumalas si Tristan mula sa pagkakayapos nito sa akin at tumayo ito ng tuwid."Stay here," utos nito sa akin at dagling tumalikod.Pinamulahan ako, nag-iinit ang pisngi ko dahil sa hiya. Ibig ko nalang maglaho na parang bula."Oh God bakit ba kasi ako nagpapadala sa init ng katawan ko." Marahas kong natampal ang sariling hita. Napasapo ako sa aking noo.Maingat na bumaba ako sa pagkaka-upo sa ibabaw ng mesa at isa-isa kong hinagilap ang mga saplot ko sa sahig na nagkalat. Kahit medyo, madilim sa gawing iyon pinilit kong ayosin ang sarili, pigil hiningang sinikap kong hindi man lang makagawa kahit kaunting kaluslos at ingay.At sino naman kaya ang bumisita sa Villa ng ganitong oras?Matamlay na napaupo ako sa sahig. Pasandal ko pinilig ang aking ulo sa dingding sabay pikit ng aking mga mata.Hanggang kailan ba ako mananatili s
"A Ghost with Desire"Alas dose na ng hating gabi.Pero nanatiling mulat ang mga mata ni Tristan. Nasa labas siya sa malaking bahay at kanina pa siya nagbabad sa pool.Kanina pa niya pinagod ang sarili sa kalalangoy sa pool, paroon at parito. Gusto niya mapagod ng mapagod hanggang sa makalimutan niya si Pamela.Mahigit isang oras na siyang nanatili sa ibabaw ng tubig, pero nanatiling presko sa diwa niya ang mukha ni Pamela. Ginugulo nito ang diwa ng binata. Para siyang baliw at aligaga nang dahil lang sa isang babae.Sinapo niya ang ilang hibla ng buhok na tumaping sa kanyang noo. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Kailangan niyang mahimasmasan sa pagnanasang sumakop sa kanyang pagkatao.Hindi niya napigilan ang sariling maapektohan nang nakita niya ang dalaga na walang halos saplot maliban sa tuwalyang nakatupi sa balingkinitan nitong katawan.She made him on fire and he desire her. He wants her so badly, na halos hindi niya mapigilan ang sariling pagnanasa. She keep appe
"The Princess and her Hero"Buong ingat ko na tinulak ang malaking pinto ng aming mansion. Nang makapasok nang tuluyan ay kagat labing muli ko iyong isinara. Ayaw kong magawa ng kahit anumang kaluskos o ingay. Naglakad ako'ng nakatiyad na tanging ang daliri ng aking mga paa ang sumayad sa sahig. Daig ko pa ang isang ballerina dancer sa hitsura ko o kaya ay si Catwoman.Bitbit ang aking mamahaling sandals ay maingat kong inakyat ang matayog na hagdanan na gawa sa mamahaling muebles papunta sa ikalawang palapag ng aming bahay, kung saan nandun ang aking magarang silid. Ilang segundong nakalipas ay natagumpayan kong naakyat ang ikalawang palapag. Maingat ko nama'ng binaybay ang malawak na pasilyo patungo sa aking sariling silid. Nakayukong tini- tip toe ko ang aking mga paa.Ibig kong matawa sa aking hitsura, para akong magnanakaw sa sariling naming bahay. Halos madaling araw na kasi, galing kami ng mga kaibigan ko sa club, nagkasiyahan at nagka-inoman, nakalimutan ko tuloy ang oras,...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments