Cluelessly Yours

Cluelessly Yours

last updateHuling Na-update : 2025-04-04
By:  Truly_yoursIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.8
8 Mga Ratings. 8 Rebyu
14Mga Kabanata
315views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Isang maling hakbang. Isang maling gabi. Isang maling desisyon… o baka tamang tao sa maling pagkakataon? Elara has always played it safe—until she crashes into a stranger in the most awkward way possible. Akala niya, worst moment na ‘yon ng buhay niya—hindi pa pala. Because that stranger? Theo. The new hire sa office nila. Mas malala? Anak siya ng boss. Mula sa asaran hanggang sa hindi matapos-tapos na bangayan, they can’t seem to stay away from each other. But one unexpected night changes everything. Kinabukasan, they wake up—walang maalala at walang idea kung ano’ng nangyari. Months later, Elara finds out she’s pregnant. The problem? She doesn’t know who the father is. At nang malaman ng isang importanteng tao ang sitwasyon niya, isang desisyon ang kailangang gawin—one that will tie her and Theo together in a way they never saw coming. Now, they’re stuck in something they don’t understand. But what if the truth has been right in front of them all along? Or will they stay… Cluelessly Yours?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

CHAPTER 1

Elara's P.O.V.Ugh, sa wakas nakaupo na rin ako! Ang sakit na ng paa ko—kanina pa ako paikot-ikot sa Quiapo. Lintek kasi, kung sinamahan na lang sana ako ni Mama, edi sana hindi ako naligaw.Mabilis kong kinuha ang headset sa bag at isinuot sa tenga ko. Hindi pa gano’n kasikip ang tren kaya kahit papaano, nakakahinga pa ako nang maayos. Pero syempre, hindi pwedeng hindi mapuno ‘to.Pagdating sa susunod na istasyon, biglang dagsa ng mga tao. Ang bilis mapuno ng tren, at sa loob lang ng ilang segundo, halos dikit-dikit na ang mga pasahero. Buti na lang talaga nakaupo ako.Sana lang walang matanda, buntis, o PWD na pumasok, dahil kung meron, wala akong choice kundi tumayo.Dahil sa pagod, hindi ko namalayang unti-unti na palang bumibigat ang talukap ng mga mata ko.Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.Hindi ko alam kung ilang minuto akong out, pero isang biglaang paggalaw ng tren ang gumising sa akin—At sa galing kong ‘to, saktong pag-angat ng mukha ko ang pagliko ng tren.At doon na...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
JADE DELFINO
Highly recommended po ...️
2025-03-22 10:25:49
1
user avatar
Roxxy Nakpil
Highly reccommended ...️
2025-03-19 21:06:57
1
user avatar
Middle Child
more update miss A=)
2025-03-15 17:27:06
1
user avatar
Black_Jaypei
Highly Recommend!
2025-03-07 06:42:00
1
user avatar
MeteorComets
Highly recommended! (●´∀`●)
2025-03-07 02:08:13
1
user avatar
Docky
update please
2025-03-07 02:02:07
1
user avatar
Mairisian
support 🫶...
2025-03-07 01:40:46
1
user avatar
@hertinkerbelle
Highly recommend ............
2025-03-06 16:31:05
1
14 Kabanata
CHAPTER 1
Elara's P.O.V.Ugh, sa wakas nakaupo na rin ako! Ang sakit na ng paa ko—kanina pa ako paikot-ikot sa Quiapo. Lintek kasi, kung sinamahan na lang sana ako ni Mama, edi sana hindi ako naligaw.Mabilis kong kinuha ang headset sa bag at isinuot sa tenga ko. Hindi pa gano’n kasikip ang tren kaya kahit papaano, nakakahinga pa ako nang maayos. Pero syempre, hindi pwedeng hindi mapuno ‘to.Pagdating sa susunod na istasyon, biglang dagsa ng mga tao. Ang bilis mapuno ng tren, at sa loob lang ng ilang segundo, halos dikit-dikit na ang mga pasahero. Buti na lang talaga nakaupo ako.Sana lang walang matanda, buntis, o PWD na pumasok, dahil kung meron, wala akong choice kundi tumayo.Dahil sa pagod, hindi ko namalayang unti-unti na palang bumibigat ang talukap ng mga mata ko.Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.Hindi ko alam kung ilang minuto akong out, pero isang biglaang paggalaw ng tren ang gumising sa akin—At sa galing kong ‘to, saktong pag-angat ng mukha ko ang pagliko ng tren.At doon na
last updateHuling Na-update : 2025-03-05
Magbasa pa
CHAPTER 2
Elara's P.O.V.Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makita ang lalaking tanging minahal ko—pero ipinagpalit lang ako sa ahas kong kaibigan.Bahagya akong nawalan ng balanse nang mapatingin sila sa akin. Mariin akong napalunok bago inayos ang pagkakatayo."Eneng, dito ka na lang bumaba. Maghagdan ka na lang dahil pataas pa ang elevator," rinig kong sabi ni Manang.Wala rin naman akong balak makasama ang walang kwentang ex at ang traydor kong kaibigan sa iisang elevator. Walang iniwang salita, mabilis akong lumabas at walang lingon-lingong nagtungo sa exit door.Pagkasara ko ng pinto, saglit akong natigilan. Nanginginig ang tuhod ko habang napakapit sa dingding. Akala ko, okay na ako—pero mali pala ako.Okay lang pala ako 'pag hindi ko sila nakikita. Pero noong muli ko silang nakita? Parang biglang nilukot na naman ang puso ko. Gusto kong magwala sa galit. Umiyak. Pero tapos na ako sa era na 'yon.Pinipigilan ang hikbi, tumayo ako at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan.Nakayuko lang
last updateHuling Na-update : 2025-03-05
Magbasa pa
CHAPTER 3
Elara's P.O.V.Tahimik ang opisina, pero ramdam ko ang pagbabago sa hangin. Para bang may dumaan na malamig na ihip—isang presensyang hindi mo man makita agad, pero alam mong naroroon.Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para lingunin ang kabilang department, pero ginawa ko.At doon ko siya nakita.Nagtataka man, hindi ko maiwasang mapansin ang hitsura niya.Puting long-sleeve—malinis at presko—pero sapat ang kapit sa katawan niya para idetalye ang bawat linya ng kanyang tikas. Matangkad, may malapad na balikat, at may presensyang hindi mo basta malalampasan. Wala siyang kahit anong suot na nagpapahiwatig ng kayamanan—walang ostentatious na relo o accessories—pero ramdam mo.Ramdam mo sa paraan ng paglalakad niya.Sa paraan ng hindi niya paglingon sa mga nakatingin sa kanya.Sa paraan ng simpleng pag-ayos ng long-sleeve niya—isang kilos na parang hindi sinasadya, pero sapat para ipakitang sanay siyang kumilos nang may kontrol.At ang mukha niya—Oxygen, Elara. Huminga ka.Matala
last updateHuling Na-update : 2025-03-05
Magbasa pa
CHAPTER 4
Elara's P.O.V.Ilang minuto na ang nakakalipas mula nang umalis si Mr. Montenegro, pero hanggang ngayon, tila napako pa rin kami sa aming mga upuan. Parang may iniwang multo ang presensya niya—isang tahimik pero nakakabinging tensyon na nagpaparalisa sa amin.Ilang segundo pa, sabay-sabay na gumalaw ang lahat, halos nag-uunahan na lapitan si Jhon—ang bagong hire sa IT department. Dalawang linggo pa lang siyang nagtatrabaho sa kumpanya namin, pero ngayon, para siyang naging instant celebrity.“Jhon! Totoo ba?” Agad na tanong ni Ms. Leah, halatang hindi makapaniwala. Kita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Jhon, halatang hindi pa siya fully updated kung ano na bang tsismis ang umiikot tungkol sa kanya. Pero bago pa man siya makasagot, sunod-sunod nang bumato ng tanong ang iba.“Ikaw yung anak ni Mr. Montenegro na nagtatrabaho dito?”"Hindi ka man lang nagsabi! Nasungitan pa naman kita nung isang araw!" sumbat ni Mix bago malakas na hinampas ang braso ni Jhon—na agad ding binawi matapos
last updateHuling Na-update : 2025-03-05
Magbasa pa
CHAPTER 5
Elara's P.O.V.Mabilis kong inayos ang sarili habang nakatayo sa harapan ng meeting room. Kahit ilang beses ko nang ginagawa ito, hindi ko pa rin mapigilan ang kaba. Minsan talaga, kahit gaano ka kahanda, may parte pa rin sa 'yo na nangangamba.Huminga ako nang malalim at hinigpitan ang hawak sa folder ng marketing report ko. Kaya mo ‘to, Lara.Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang mahinang ingay ng mga usapan—pero agad ding tumahimik ang lahat nang makita ako. Ang ilan ay walang emosyon, ang iba ay halatang gusto nang matapos ito. Normal lang 'to. Huwag kang magpapaapekto.Ngumiti ako at dumiretso sa harapan. Si Mix naman ay tahimik na inayos ang laptop na nakakonekta sa projector, sinisiguradong handa ang slides ko. Nang matapos siya, tumango siya sa akin bago bumalik sa kanyang upuan.Huminga ako nang malalim. “Magandang umaga po sa lahat,” bati ko bago ipakita ang unang slide. “Para sa buwan na ito, nagkaroon ng pagtaas sa—”Biglang bumukas ang pinto ng meeting room.Sabay-sa
last updateHuling Na-update : 2025-03-05
Magbasa pa
CHAPTER 6
Elara’s P.O.V." "Elara," saglit akong napahinto nang marinig ang pagtawag ni Ms. Leah."Yes, ma’am?""Good job ulit kanina. And regarding sa project na hinihiling mo..." Bigla akong naging alerto sa sasabihin niya. "Ibibigay na namin sa’yo."Parang biglang nagliwanag ang paligid at ang kaninang nakakunot kong noo ay biglang nawala. Ha! Totoo ba 'tong naririnig ko?"Talaga po?" Gusto kong tumalon sa tuwa, pero syempre, dapat professional pa rin."Yes." Ngumiti ako, pilit tinatago ang sobrang tuwa."Thank you po, Ma’am." Bahagya akong yumuko bilang pasasalamat."Also—" Akmang aalis na ako nang muli siyang magsalita. Kunot-noo akong bumaling sa kanya."Hindi ka mag-isa sa project na 'to. May makakasama ka mula sa business development." Mas lalong kumunot ang noo ko. Sino naman kaya?"Alam kong naka-ready na ang proposal mo, pero I’ll give you until tomorrow to polish it and prepare for the presentation sa hapon.""Sino po 'yung taga-business development na makakasama ko?" tanong ko, lit
last updateHuling Na-update : 2025-03-07
Magbasa pa
CHAPTER 7
Elara’s P.O.V."Elara, aware ka ba na late ka na?" Nakapamewang na sinalubong ako ni Mix, kita sa mukha niya ang pagsisimula ng sermon."I know," sagot ko, ibinagsak ang gamit sa lamesa habang nagmamadaling hinubad ang coat ko. Hindi ko naman sana gustong male-late, pero kasalanan 'to ng lintek na Theong 'yon!Dahil sa kahihiyan ko kagabi, hinintay ko pa siyang maunang umalis bago ako lumabas ng apartment kanina. Hindi ko kayang makasabay na naman ang bwisit na lalaking 'yon.Mas mabuti nang hindi ko siya makita ngayong araw, lalo na’t presentasyon ko ngayon. Ayokong madistract. Sunod-sunod na ang kahihiyan ko sa kanya—hindi ko na kakayanin kung madagdagan pa.Tiningnan ko ang relo—11:00 AM. Isang oras na lang bago ang meeting.Habang inaayos ko ang mga documents sa harap ko, ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso ko. Pinipilit kong huminga nang malalim, pero hindi ko maalis ang bigat sa dibdib ko."Lara! Tumigil ka nga! Nakakahilo ka, ante!" reklamo ni Mix, nakapikit habang umiiling
last updateHuling Na-update : 2025-03-09
Magbasa pa
CHAPTER 8
Elara's P.O.V.“Let’s meet at the nearby coffee shop later.” Malamig at diretso ang sabi ni Theo, walang bahid ng pag-aalinlangan sa tono niya.Labag man sa loob ko, wala akong choice. Sa dinami-dami ng puwedeng maging representative ng business department, siya pa talaga?“Noted, sir,” sagot ko nang walang gana, ni hindi man lang siya nilingon.Bago pa man ako makaupo sa desk ko, ramdam ko na ang matalim na titig ni Mix. Para bang gusto niyang basahin ang buong buhay ko gamit lang ang tingin. Hindi ko siya pinansin at padabog akong bumagsak sa swivel chair ko.“Ano ‘yun, ha? Bakit may pa ‘meet me at the coffee shop’?”Hayun na naman siya, nagwi-wiggle pa ang kilay. Saglit akong napabuntong-hininga.“I’m sure narinig mo nang hindi ako mag-isa sa project na ‘to?” tanong ko, saka muling bumuntong-hininga.“Oh my god! So siya ‘yung partner mong taga-business department?” Nanlaki ang mata niya, sabay takip sa bibig na parang may biggest revelation siyang nadiskubre.Bilib din talaga ako s
last updateHuling Na-update : 2025-03-11
Magbasa pa
CHAPTER 9
Elara's P.O.V."Dustin is a famous influencer, malakas ang hatak niya ng readers kasi book lover din siya," paliwanag ko kay Theo, pero nanatili lang ang tingin niya sa screen ng laptop ko.Mariin. Madilim. Hindi ko mabasa kung galit ba siya o ano.Dahan-dahan siyang nag-lean back sa kinauupuan niya, ang mga mata niya'y nanatiling nakatutok sa akin. Para bang sinusuri niya ang bawat salita ko, hinuhukay ang intensyon ko sa likod nito. Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin, tanging ang mahina at malamyang ihip ng hangin mula sa rooftop ang naririnig ko."Pero mostly babae lang ang mahahatak niyang readers. It doesn't mean na romance ang genre ng book na pinopromote natin, eh puro babae lang ang hahatakin natin," may diin sa tono niya. "Tama ba?" May point naman siya, pero bakit parang ang bigat ng presensya niya ngayon?Parang mas lumamig ang hangin sa paligid. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o sinadya niyang ihatid ang ganitong aura."Hindi lang naman siya sa mga
last updateHuling Na-update : 2025-03-16
Magbasa pa
CHAPTER 10
Elara’s P.O.V."Lies don’t suit you, Elara."Parang sirang plaka nag-echo sa isip ko ang huling linyang binitiwan ni Theo bago siya pumasok sa apartment niya noong nakaraan. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko iyon matanggal sa isip ko—kung dahil ba sa tono ng boses niya, sa paraan ng pagkakasabi niya, o sa simpleng katotohanang... alam niyang nagsisinungaling ako.Bumuntong-hininga ako, pilit pinapanatili ang focus ko."Good luck!" salubong sa akin ni Maris sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako bilang pasasalamat.Focus, Elara. Ito na yung araw na inaantay ko. This is it.Habang naglalakad ako sa hallway, sumalubong sa akin ang mabangong singaw ng kape mula sa pantry—matamis, may halong pait. Sa gilid ng paningin ko, napansin ko ang ilang empleyadong sumisilip sa event hall sa ibaba, mga mata nilang nagliliwanag sa excitement. Ang iba’y may hawak pang cellphone, tahimik na nagtsi-check kung live na ang event stream.Actually, hindi ko naman pinangarap ang project na ‘to kung h
last updateHuling Na-update : 2025-03-18
Magbasa pa
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status