Elara's P.O.V.
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makita ang lalaking tanging minahal ko—pero ipinagpalit lang ako sa ahas kong kaibigan. Bahagya akong nawalan ng balanse nang mapatingin sila sa akin. Mariin akong napalunok bago inayos ang pagkakatayo. "Eneng, dito ka na lang bumaba. Maghagdan ka na lang dahil pataas pa ang elevator," rinig kong sabi ni Manang. Wala rin naman akong balak makasama ang walang kwentang ex at ang traydor kong kaibigan sa iisang elevator. Walang iniwang salita, mabilis akong lumabas at walang lingon-lingong nagtungo sa exit door. Pagkasara ko ng pinto, saglit akong natigilan. Nanginginig ang tuhod ko habang napakapit sa dingding. Akala ko, okay na ako—pero mali pala ako. Okay lang pala ako 'pag hindi ko sila nakikita. Pero noong muli ko silang nakita? Parang biglang nilukot na naman ang puso ko. Gusto kong magwala sa galit. Umiyak. Pero tapos na ako sa era na 'yon. Pinipigilan ang hikbi, tumayo ako at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan. Nakayuko lang akong naglalakad sa hallway. May nabangga pa ako, pero hindi ko na siya pinansin. "Sorry po," walang gana kong sabi saka nagpatuloy. Pagkapasok ko sa apartment, agad akong sinalubong ng mabangong halimuyak ng air freshener. Wala akong gana. Ibinagsak ko ang katawan sa sofa at saka tumulala sa kawalan. "Hindi rin siya kawalan." Dahil sa pangyayaring 'yon, maaga akong nagising kinaumagahan—or should I say, hindi ako nakatulog! Bad trip naman! "Kasalanan talaga 'to ng lalaking 'yon! Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako lalagpas ng floor! Ugh." Dapat pala, nakinig na ako kay Mama noon—lumipat na ng apartment para hindi ko na sila nakikita! Pero bakit ako lilipat? For their information, nauna ako doon! Tama. Sino ba sila para ako ang mag-adjust? No, no. Parang tangang umiiling-iling ako. Mabuti na lang at busy ang mga taong nadadaanan ko. Kung hindi, baka inisip nilang nababaliw ako. O hindi pa nga ba? Eh sobrang saya ng araw ko, oh! Parang tinutuloy lang ang kamalasan ko kahapon! "Jusko naman! Sa lahat ng pwedeng may continuation, ito pa talaga?" Inis akong napasabunot sa buhok ko saka, salubong ang kilay—nagmartsa papasok sa opisina. "Good morning, Elara!" bati ng isa sa katrabaho ko, pero tinanguan ko lang. Wala akong energy makipagplastikan ngayon. "Oy, friend! Aga-aga, naka-busangot tayo, ah?" bungad sa akin ni Mix na naka-ear-to-ear smile pa! Oh, 'edi sana all? "Tigilan mo nga ako, Mixwell," sagot ko, sinadyang banggitin ang buo niyang pangalan. "PUTA, I HATE YOU!" Napa-flick pa siya ng imaginary hair bago nag-cross arms na parang bida-kontrabida sa telenovela. Bahagya akong natawa sa ikinilos ni bakla. Tumikhim ako. "O siya, spill na! Kanina ka pa ngiting-ngiti d'yan, nakakakilabot na!" "Ito na nga, Mhie!" Ay, oh. Bipolar yarn? Bahagya akong napangiwi. Kanina lang, galit-galitan si bakla. "Bilis mag-change ng mood natin, ah?" "Eh kasi, Mhie!" Kasabay ng chika, hinataw niya ‘ko sa braso. Putek, gigil? "May bagong hire sa kabilang department! Waffo!" Bahagyang tili niya pa, kaya agad ko siyang hinampas at sinaway. Napataas ang kilay ko. Hindi naman bago sa kanya ang maloko sa gwapo, pero para ma-hype siya ng ganito? "Ingay mo." "Ay, sorry naman kasi! Basta, beh! Ang gwapo niya!" Para siyang kumakain ng sinigang sa sobrang kilig niya. Palihim akong natawa. Kaya laking pasasalamat ko na naging kaibigan ko 'tong si Mix—dahil parati niya akong napapatawa. Siguro kung naging lalaki 'to, sarap niya sigurong maging boyfriend… kaso bakla siya. "Anong tingin 'yan?" mataray niyang tanong, nakataas pa ang makapal niyang kilay. "Thank you," sincere kong usal saka marahang ngumiti. "Ang random mo! Sige na, magtrabaho na tayo. Baka maabutan pa tayo ni Papa Boss." Ang ngiti ko ay biglang napalitan ng pagkabigla. "Boss?" "Oo, teh! Monthly inspection!" "Ay, shit! Ngayon pala 'yon!" Mabilis kong niligpit ang mga nagkalat na papel, paper clip, rubber band, at kung ano-ano pang nakakalat sa lamesa ko. Pagkatapos ay inayos ko naman ang sarili ko. Itinali ko nang maayos ang buhok ko at nag-retouch ng kaunti. Mahigpit kasi ang boss namin pagdating sa cleanliness. Maya-maya, natanaw ko si Ms. Leah, ang head ng department namin. Mabilis siyang naglalakad papalapit sa amin habang sinasabing... "Nandito na siya. Si Mr. Montenegro." Mabilis ang naging kilos ng lahat. Kanya-kanyang pagpag ng kasuotan at pag-aayos sa sarili—hanggang sa tuluyan nang pumasok si Mr. Montenegro sa department namin. "Good morning po, sir!" sabay-sabay at masiglang bati namin. Nasa late 40s na siya, pero hindi mo mababakas sa mukha niya ang katandaan. Nakangiti man ang lahat, ramdam namin ang biglang pagbigat ng hangin. Hindi dahil nandito ang boss—kundi dahil sa mismong presensya niya. Dahan-dahang tumango si Mr. Montenegro bilang tugon sa aming pagbati, ngunit hindi siya ngumiti. Matalas ang kanyang mga mata habang iniikot ang tingin sa buong departamento, tila sinisiyasat ang bawat sulok, bawat tao, bawat detalye na maaaring hindi umabot sa kanyang inaasahang pamantayan. Sa kabila ng pormalidad ng kanyang kilos, may kung anong hindi maipaliwanag na tensyon ang dumaloy sa amin. Para bang ang isang maling galaw ay maaaring magdala ng hindi inaasahang resulta. Ramdam ko ang pag-aayos ng ilan sa kanilang upuan, ang mabilis na pag-click ng keyboard ng iba, at kahit ang pilit na pagpapakitang abala sa trabaho. Humakbang siya pasulong, at bawat yapak niya ay tila mas nagpapalakas sa tibok ng aming mga dibdib. Hanggang sa huminto siya malapit sa desk ng team leader namin. Tumikhim siya nang bahagya—sapat lang upang iparamdam na hindi siya narito para sa isang pangkaraniwang pagbisita. "Ano ang progress natin?" tanong niya, malamig ngunit walang bahid ng padarag na tono. Diretso, matalas, at walang espasyo para sa paliguy-ligoy na sagot. Nagkatinginan kami saglit bago sumagot ang team leader namin. Ngunit kahit anong gawin namin, alam naming lahat—ang presensya ni Mr. Montenegro ay hindi basta-basta. At sa kabila ng presensya niya, may isa pang presensyang hindi ko inaasahang makikita ko rito. Iba rin talaga maglaro ang tadhana, ano?Elara's P.O.V.Tahimik ang opisina, pero ramdam ko ang pagbabago sa hangin. Para bang may dumaan na malamig na ihip—isang presensyang hindi mo man makita agad, pero alam mong naroroon.Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para lingunin ang kabilang department, pero ginawa ko.At doon ko siya nakita.Nagtataka man, hindi ko maiwasang mapansin ang hitsura niya.Puting long-sleeve—malinis at presko—pero sapat ang kapit sa katawan niya para idetalye ang bawat linya ng kanyang tikas. Matangkad, may malapad na balikat, at may presensyang hindi mo basta malalampasan. Wala siyang kahit anong suot na nagpapahiwatig ng kayamanan—walang ostentatious na relo o accessories—pero ramdam mo.Ramdam mo sa paraan ng paglalakad niya.Sa paraan ng hindi niya paglingon sa mga nakatingin sa kanya.Sa paraan ng simpleng pag-ayos ng long-sleeve niya—isang kilos na parang hindi sinasadya, pero sapat para ipakitang sanay siyang kumilos nang may kontrol.At ang mukha niya—Oxygen, Elara. Huminga ka.Matala
Elara's P.O.V.Ilang minuto na ang nakakalipas mula nang umalis si Mr. Montenegro, pero hanggang ngayon, tila napako pa rin kami sa aming mga upuan. Parang may iniwang multo ang presensya niya—isang tahimik pero nakakabinging tensyon na nagpaparalisa sa amin.Ilang segundo pa, sabay-sabay na gumalaw ang lahat, halos nag-uunahan na lapitan si Jhon—ang bagong hire sa IT department. Dalawang linggo pa lang siyang nagtatrabaho sa kumpanya namin, pero ngayon, para siyang naging instant celebrity.“Jhon! Totoo ba?” Agad na tanong ni Ms. Leah, halatang hindi makapaniwala. Kita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Jhon, halatang hindi pa siya fully updated kung ano na bang tsismis ang umiikot tungkol sa kanya. Pero bago pa man siya makasagot, sunod-sunod nang bumato ng tanong ang iba.“Ikaw yung anak ni Mr. Montenegro na nagtatrabaho dito?”"Hindi ka man lang nagsabi! Nasungitan pa naman kita nung isang araw!" sumbat ni Mix bago malakas na hinampas ang braso ni Jhon—na agad ding binawi matapos
Elara's P.O.V.Mabilis kong inayos ang sarili habang nakatayo sa harapan ng meeting room. Kahit ilang beses ko nang ginagawa ito, hindi ko pa rin mapigilan ang kaba. Minsan talaga, kahit gaano ka kahanda, may parte pa rin sa 'yo na nangangamba.Huminga ako nang malalim at hinigpitan ang hawak sa folder ng marketing report ko. Kaya mo ‘to, Lara.Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang mahinang ingay ng mga usapan—pero agad ding tumahimik ang lahat nang makita ako. Ang ilan ay walang emosyon, ang iba ay halatang gusto nang matapos ito. Normal lang 'to. Huwag kang magpapaapekto.Ngumiti ako at dumiretso sa harapan. Si Mix naman ay tahimik na inayos ang laptop na nakakonekta sa projector, sinisiguradong handa ang slides ko. Nang matapos siya, tumango siya sa akin bago bumalik sa kanyang upuan.Huminga ako nang malalim. “Magandang umaga po sa lahat,” bati ko bago ipakita ang unang slide. “Para sa buwan na ito, nagkaroon ng pagtaas sa—”Biglang bumukas ang pinto ng meeting room.Sabay-sa
Elara’s P.O.V." "Elara," saglit akong napahinto nang marinig ang pagtawag ni Ms. Leah."Yes, ma’am?""Good job ulit kanina. And regarding sa project na hinihiling mo..." Bigla akong naging alerto sa sasabihin niya. "Ibibigay na namin sa’yo."Parang biglang nagliwanag ang paligid at ang kaninang nakakunot kong noo ay biglang nawala. Ha! Totoo ba 'tong naririnig ko?"Talaga po?" Gusto kong tumalon sa tuwa, pero syempre, dapat professional pa rin."Yes." Ngumiti ako, pilit tinatago ang sobrang tuwa."Thank you po, Ma’am." Bahagya akong yumuko bilang pasasalamat."Also—" Akmang aalis na ako nang muli siyang magsalita. Kunot-noo akong bumaling sa kanya."Hindi ka mag-isa sa project na 'to. May makakasama ka mula sa business development." Mas lalong kumunot ang noo ko. Sino naman kaya?"Alam kong naka-ready na ang proposal mo, pero I’ll give you until tomorrow to polish it and prepare for the presentation sa hapon.""Sino po 'yung taga-business development na makakasama ko?" tanong ko, lit
Elara’s P.O.V."Elara, aware ka ba na late ka na?" Nakapamewang na sinalubong ako ni Mix, kita sa mukha niya ang pagsisimula ng sermon."I know," sagot ko, ibinagsak ang gamit sa lamesa habang nagmamadaling hinubad ang coat ko. Hindi ko naman sana gustong male-late, pero kasalanan 'to ng lintek na Theong 'yon!Dahil sa kahihiyan ko kagabi, hinintay ko pa siyang maunang umalis bago ako lumabas ng apartment kanina. Hindi ko kayang makasabay na naman ang bwisit na lalaking 'yon.Mas mabuti nang hindi ko siya makita ngayong araw, lalo na’t presentasyon ko ngayon. Ayokong madistract. Sunod-sunod na ang kahihiyan ko sa kanya—hindi ko na kakayanin kung madagdagan pa.Tiningnan ko ang relo—11:00 AM. Isang oras na lang bago ang meeting.Habang inaayos ko ang mga documents sa harap ko, ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso ko. Pinipilit kong huminga nang malalim, pero hindi ko maalis ang bigat sa dibdib ko."Lara! Tumigil ka nga! Nakakahilo ka, ante!" reklamo ni Mix, nakapikit habang umiiling
Elara's P.O.V.“Let’s meet at the nearby coffee shop later.” Malamig at diretso ang sabi ni Theo, walang bahid ng pag-aalinlangan sa tono niya.Labag man sa loob ko, wala akong choice. Sa dinami-dami ng puwedeng maging representative ng business department, siya pa talaga?“Noted, sir,” sagot ko nang walang gana, ni hindi man lang siya nilingon.Bago pa man ako makaupo sa desk ko, ramdam ko na ang matalim na titig ni Mix. Para bang gusto niyang basahin ang buong buhay ko gamit lang ang tingin. Hindi ko siya pinansin at padabog akong bumagsak sa swivel chair ko.“Ano ‘yun, ha? Bakit may pa ‘meet me at the coffee shop’?”Hayun na naman siya, nagwi-wiggle pa ang kilay. Saglit akong napabuntong-hininga.“I’m sure narinig mo nang hindi ako mag-isa sa project na ‘to?” tanong ko, saka muling bumuntong-hininga.“Oh my god! So siya ‘yung partner mong taga-business department?” Nanlaki ang mata niya, sabay takip sa bibig na parang may biggest revelation siyang nadiskubre.Bilib din talaga ako s
Elara's P.O.V."Dustin is a famous influencer, malakas ang hatak niya ng readers kasi book lover din siya," paliwanag ko kay Theo, pero nanatili lang ang tingin niya sa screen ng laptop ko.Mariin. Madilim. Hindi ko mabasa kung galit ba siya o ano.Dahan-dahan siyang nag-lean back sa kinauupuan niya, ang mga mata niya'y nanatiling nakatutok sa akin. Para bang sinusuri niya ang bawat salita ko, hinuhukay ang intensyon ko sa likod nito. Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin, tanging ang mahina at malamyang ihip ng hangin mula sa rooftop ang naririnig ko."Pero mostly babae lang ang mahahatak niyang readers. It doesn't mean na romance ang genre ng book na pinopromote natin, eh puro babae lang ang hahatakin natin," may diin sa tono niya. "Tama ba?" May point naman siya, pero bakit parang ang bigat ng presensya niya ngayon?Parang mas lumamig ang hangin sa paligid. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o sinadya niyang ihatid ang ganitong aura."Hindi lang naman siya sa mga
Elara’s P.O.V."Lies don’t suit you, Elara."Parang sirang plaka nag-echo sa isip ko ang huling linyang binitiwan ni Theo bago siya pumasok sa apartment niya noong nakaraan. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko iyon matanggal sa isip ko—kung dahil ba sa tono ng boses niya, sa paraan ng pagkakasabi niya, o sa simpleng katotohanang... alam niyang nagsisinungaling ako.Bumuntong-hininga ako, pilit pinapanatili ang focus ko."Good luck!" salubong sa akin ni Maris sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako bilang pasasalamat.Focus, Elara. Ito na yung araw na inaantay ko. This is it.Habang naglalakad ako sa hallway, sumalubong sa akin ang mabangong singaw ng kape mula sa pantry—matamis, may halong pait. Sa gilid ng paningin ko, napansin ko ang ilang empleyadong sumisilip sa event hall sa ibaba, mga mata nilang nagliliwanag sa excitement. Ang iba’y may hawak pang cellphone, tahimik na nagtsi-check kung live na ang event stream.Actually, hindi ko naman pinangarap ang project na ‘to kung h
Theo’s P.O.V.“Paano kung ako nga ang ama ng dinadala mo?”I didn’t even know why I said that. It just slipped out. But ever since that Saturday night, I haven’t been able to think straight. I keep having these dreams. Same woman, same scent—always faceless. But the feeling? Sobrang pamilyar. Parang may alaala akong pilit bumabalik pero nababalutan ng usok.Mas lalo kong diniinan ang kapit ko sa pader. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o takot.There’s a part of that night I can’t remember. I was drinking, yeah—drink after drink. I remember feeling dizzy, excusing myself to go to the restroom. On the way, I saw Elara being bothered by some guys. I stepped in. After that… blank.Since then, I’ve been off. Hindi ako mapakali. And now, here I am—cornering Elara in the elevator like I’ve completely lost it. I raised my hand toward her face. Nagulat siya. Her warmth—familiar. Parang déjà vu.She was close. Too close. And I hated that I liked it.Na amoy ko na naman siya. Same scent from my
Elara’s P.O.V.Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat—yung bigat ng mga matang sumusunod sa akin sa hallway, o 'yung mga pabulong na tawa na pilit tinatakpan ng paper folder.Inis kong naikuyom ang kamao ko. “Lagot sa’kin ‘yang Jerry na ‘yon. Kakalbuhin ko talaga siya—‘wag lang siyang magkamaling magpakita sa’kin.”“Teka lang, girl. Opis hours pa ‘to. ‘Wag ka munang rumampa ng war mode. Baka masisante tayo sa gagawin mo,” bulong ni Mix habang hinahawakan ang braso ko.Napahinga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang umuusok kong sentido. “Yung tsismis na buntis ako? Fine. Totoo naman. Pero ‘yung si Theo raw ang ama?” Umiling ako, halos mapamura. “Tangina talaga. Gusto ko talagang upakan si Jerry.”“Excess me?”Parang may magic spell. Sabay kaming napalingon ni Mix. Nakatayo si Ms. Leah sa likod namin—crossed arms, raised brow, at ‘yung signature niyang deadpan expression. Hindi ko alam kung ilang segundo kaming napatitig sa kanya, pero pakiramdam ko isang buong quarter.Umangat ang
Elara’s P.O.V.“Beh, sigurado ka? Kaya mong pumasok today?”Saglit kong nilapag ang cellphone sa ibabaw ng counter, pero kita pa rin ang mukha ko sa camera.“Oo nga, pang-ilang beses mo na 'yang tinanong.” Reklamo ko habang nagdadagdag ng asukal sa kape. “Paalis na nga ako, e. Ubusin ko lang ’tong kape.”Medyo napangiwi ako nang malasahan pa rin ang pait kahit halos makalahati ko na 'yung garapon ng asukal.“Oh, anong mukha ’yan?” Saglit akong natigilan.“Ang pait pa rin, eh.” Pilit kong nilunok ang pait na parang kumapit na sa lalamunan ko.“Malamang, kape ’yan. Saka ganyan talaga pag buntis, nagbabago 'yung panlasa.” Mahina akong napabuntong-hininga.“Thanks sa paalala,” umirap ako habang pinisil ang tulay ng ilong ko.“’Yung vitamins, uminom ka ba?”Inis akong napairap. “Oo. Ininom ko,” sabay lingon sa cam. Simula kahapon, parang naging nanay ko na talaga si Mix.“Ay nga pala! Bakit ka uminom ng kape? Bawal sa’yo ’yan!”See? Para namang ikamamatay ko kung iinom ako ng kape. Inis ko
Elara’s P.O.V.Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang hawak-hawak ang pregnancy test. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanigas na yata ako dito sa kinauupuan ko sa inidoro, habang ang katahimikan ng maliit na banyo ay tila mas lumalalim sa bawat segundo.Kahit ang paghinga ko, parang biglang kinapos. May kung anong humigpit sa dibdib ko—isang kaba na hindi ko maipaliwanag. Hindi ito yung tipikal na nerbyos. Mas malalim. Mas mabigat.Natauhan lang ako ng maramdaman ang luhang kanina pa pala palang dahan-dahang pumapatak sa pisngi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Pilit kong nilunok ang kung anong nakabara sa lalamunan ko—isang emosyon na hindi ko mabigyang pangalan. Takot ba ito? Gulat? Pagkalito? O lahat nang sabay-sabay?Nilunok ko muli, pero kahit yata ubusin ko ang tubig dito sa inidoro, hindi na mawawala ang barang iyon. Nakasuksok na sa kalamnan ko ang posibilidad. Ang katotohanan.Makailang ulit kong pinikit ang mga mata, kinusot ko pa ito ng nangingi
Elara’s P.O.V.Pagkatapos ng ilang therapy sessions namin ni Doc Rina, medyo umokay na ako. Hindi pa rin buo ang alaala ko tungkol sa gabing ‘yon, pero sabi niya, give it time. Eventually, kusang babalik.Kaya for now, hinayaan ko na lang. Buhay pa naman ako, nakakapasok pa sa trabaho, hindi naman ako naaksidente o nanakawan—“A-ang baho!”Mabilis akong napatakip ng ilong at halos mapalundag mula sa upuan. Tumayo ako—halos natapilok pa sa pagmamadali—at tumakbo papuntang CR. Para akong mababaliw. Naduduwal ako pero wala namang maisuka.“Ang baho…” bulong ko habang itinapat ang mukha ko sa ilalim ng gripo. Binuksan ko iyon at isinubsob ang ilong ko sa malamig na tubig, pilit tinatanggal ang kumapit na amoy.Parang naligo ang buong sistema ko sa isang matagal nang nakabaong, masangsang na patay na daga. Hindi ko alam kung amoy bulok na karne, expired na isda, o kung anong chemical na may halong sumpa. Basta, grabe.“Elara? Ayos ka lang?”Napalingon ako sa salamin at doon ko nakita ang r
Elara’s P.O.V.“Kailangan ko ba talaga gawin 'to? Hindi naman ako baliw, diba?” Halos mamasa na ang palad ko sa pawis habang tanong ko 'yan kay Mix, pilit na tinatawanan ang kaba sa dibdib ko.“Ano ka ba, Elara!” Salubong ang kilay niya habang naka-namewang, parang nanay na nawalan ng pasensya. “Para din 'to sa’yo. Kaya tara na.”At bago pa ako makapagsabi ng kahit anong excuse, ayun na nga—kinaladkad na niya ako papasok sa counseling room.“Teka lang, wait lang!” hilaw kong tawa habang pilit pumipiglas. “Okay na 'ko, promise! Pagkatapos akong matingnan ni Doc Nei kahapon at mabigyan ng gamot, um-okay naman pakiramdam ko!”Pero hindi siya natinag.Wala talagang awa ang baklang ‘to. Para siyang si Captain America, pero imbes na shield, may dalang lipstick at mascara wand. Siya 'yung tipo ng kaibigang hindi mo matatakasan kahit sumakay ka pa ng UFO.Nandito kami ngayon sa clinic ng isang psychologist na ni-refer ni Doc Nei. At to be honest? Kanina pa kami nagdadrama sa labas ng pinto, p
Elara’s P.O.V.After naming mag-usap ni Jerry kanina at 'yung pagbalik ng malabong alaala, ay nag-fainted ako. Literal na nag-blackout sa harapan niya. Pagkagising ko, nandito na ako sa clinic ng office. Buti na lang talaga at nandito si Doc Nie—kung hindi, baka nagkandaleche-leche na lalo ang araw ko.“Based on your symptoms and the initial tests we’ve run…”Ang boses ni Doc ay parang galing sa malayo. Mahina. Parang naka-slow motion ang lahat.“…it seems like you may have ingested a substance—possibly a sedative or another kind of drug…”Biglang bumigat ang sikmura ko.“…without your knowledge. That could explain the dizziness, memory gaps…”Memory gaps.Pumikit ako. Mga pira-pirasong alaala ang pilit na sumisingit: ang malamig na baso, ilaw, tunog ng mga tawa—tapos wala na.“…and the feeling of confusion or disorientation.”Sumandal ako sa head rest ng clinic bed. Saka ko lang na-realize na nanginginig pala ang mga kamay ko.“You mentioned having blurred memories and not being full
Elara’s P.O.V.It’s already six, pero hindi pa rin lumalabas ng apartment si Theo. Para akong tangang pasilip-silip dito.Nang may paparating, mabilis kong sinara ang pinto at nagtago. Monday ngayon, at kanina pa akong nakabihis at palinga-linga kung lumabas na ba si Theo. Hanggang ngayon kasi, binabagabag pa rin ako ng sinabi ni Mix kahapon.Nagkaroon daw ng adjustment sa payment ng influencer. Bakit hindi ko alam? Fix na ang project plan—so paano yun? Nag-abono siya?Bigla akong nakarinig ng kaluskos mula sa labas kaya mabilis akong sumilip mula sa peephole. But sadly, galing lang sa kabilang pinto.“Ugh!” Kanina pa akong 4:00 AM nag-aabang pero hindi pa rin siya lumalabas? Mag-doorbell kaya ako?Namamawis na ang kamay kong nag-aalangan pihitin ang doorknob, pero sa huli, pinili ko na lang buksan.Kamut-ulo akong nakatayo sa harap ng pinto niya.Ano na, Elara? Pipindutin mo o pipindutin mo? Bwesit naman. Ano bang nangyayari sa ’kin? Effect pa rin ba ’to ng pinainom sa ’kin ng bwesit
Elara’s P.O.V.“Huh...” Mariin akong napahawak sa ulo ko. Tang-ina, napasobra yata ang pag-inom ko ng alak.Saglit akong natigilan nang may ma-realize. “Nasan ako?” Mabilis kong inikot ang paningin ko sa paligid. Ang unang tumambad sa akin ay ang gulo ng kwarto. Ang sahig ay tinatakpan ng mga basag na gamit—mga nakakalat na damit at ilang kalat na wala akong maalala kung paano napunta roon. May mga labi ng pagkaing hindi ko matandaan kung kanino o anong oras ko kinain. Sa isang gilid ng aparador, may nakatambak na unan at kumot, at may mga maruruming marka sa sahig—parang mga mantsang hindi ko maipaliwanag.Napatingin ako sa pader. May mga mantsa ng iba't ibang bagay—para bang may nangyaring hindi ko matandaan. Parang may naiwan pang alingawngaw ng isang gabing hindi ko kayang sagutin. Ang hangin sa kwarto ay mabigat, at may kakaibang hindi maipaliwanag na pakiramdam.Nasa apartment ako, pero bakit ganito kakalat? Pati katawan ko, parang may nangyari—na hindi ko maalala. Sino ang nagd