Elara’s P.O.V.
"Lies don’t suit you, Elara." Parang sirang plaka nag-echo sa isip ko ang huling linyang binitiwan ni Theo bago siya pumasok sa apartment niya noong nakaraan. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko iyon matanggal sa isip ko—kung dahil ba sa tono ng boses niya, sa paraan ng pagkakasabi niya, o sa simpleng katotohanang... alam niyang nagsisinungaling ako. Bumuntong-hininga ako, pilit pinapanatili ang focus ko. "Good luck!" salubong sa akin ni Maris sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako bilang pasasalamat. Focus, Elara. Ito na yung araw na inaantay ko. This is it. Habang naglalakad ako sa hallway, sumalubong sa akin ang mabangong singaw ng kape mula sa pantry—matamis, may halong pait. Sa gilid ng paningin ko, napansin ko ang ilang empleyadong sumisilip sa event hall sa ibaba, mga mata nilang nagliliwanag sa excitement. Ang iba’y may hawak pang cellphone, tahimik na nagtsi-check kung live na ang event stream. Actually, hindi ko naman pinangarap ang project na ‘to kung hindi dahil sa ex ko. Our project. Sabay naming pinangarap ito noon, nung nandito pa siya sa kumpanya. Pero nang mabigyan siya ng break sa showbiz at makilala ang best friend ko na nagsisimula rin sa career niya, iniwan niya akong nakabitin sa ere. Pero hindi ko ito ginagawa dahil hindi pa ako nakaka-move on sa kanya. Ginagawa ko ito para patunayan—hindi sa kanya, kundi sa sarili ko—na kaya ko kahit wala siya. Kaya hindi pwedeng mag-fail ‘to. Pinagpag ko ang blazer ko at lumakad pababa ng hagdan. Sa pagbaba ko, agad akong sinalubong ng ingay. Napuno ng excited na bulungan at hiyawan ang event hall. Halos hindi mahulugan ng karayom ang crowd—may mga hawak na cellphone, nagli-live stream ang ilan, habang ang iba naman ay may bitbit na malalaking banner na may pangalan ng influencer. Napairap ako. Malamang, siya lang talaga ang habol nila rito—hindi ang mismong event, hindi ang libro, kundi ang influencer na iniidolo nila. Pero on my defense? It’s a good sign. Ibig sabihin, may hatak ang promotion namin. Napangiti ako, kahit alam kong hindi dahil sa akin ang ingay ng crowd. “Elara, anong oras na? Nag-aantay na ang mga tao! Nasaan na ang influencer?” Hindi mapakaling lumapit sa akin si Ms. Leah. “Wala pa po ba? Sabi sa akin ng event coordinator ay on-the-way na daw po.” Sinuyod ko ng tingin ang event hall. Sa kabila ng engrandeng setup—mga kumikinang na chandelier, minimalist na gold-and-navy backdrop, LED screen kung saan umiikot ang teaser ng librong ipo-promote, at maliliit na round tables na may puting tablecloth sa gilid, may mga nakahandang refreshments para sa mga special guests—hindi excitement ang naramdaman ko. Sa halip, unti-unting bumigat ang kaba sa dibdib ko. Mula sa malayo, natanaw ko si Mr. Montenegro. Shit. Nagsimula nang mamawis ang mga kamay ko sa kaba. Maya’t maya, chine-check ko ang relo ko. Fifteen minutes na lang, magsisimula na. “Mix,” tawag ko sa kaibigan, ang MC ng event. Nakatayo siya sa gilid ng mini stage, ina-adjust ang mic sa podium. Mabilis siyang lumingon. "Bakit?" basa ko sa buka ng bibig niya, kaya agad akong lumapit. “Nakita mo ba ang event coordinator? Wala pa rin kasi yung influencer.” “Hala, paano yan? Akala ko ba nandito na siya? Magsisimula na tayo maya-maya lang.” Biglang nag-flash ang mga camera ng press. May ilang nakangiti, pero ang iba’y halatang nagtataka na sa delay. Sa likod ng stage, nagmamadali ang production crew sa final technical check. May pag-aalala sa mukha ni Mix habang nakatingin sa akin. “Sige na, aliwin mo na lang muna sila. Hahanapin ko yung event coordinator,” sagot ko, pilit pinapanatili ang composure ko. P*****a naman kasi! Nasaan na ba ang event coordinator namin?! “Elara.” Ay, p*****a! Mariin akong napahawak sa dibdib ko nang biglang sumulpot si Theo sa harapan ko. Damn it! Muntik na akong matumba, pero bago pa ako tuluyang mawalan ng balanse, mabilis siyang umusad at hinawakan ang braso ko. Para akong nakuryente nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa braso ko. Masyado siyang malapit—sapat para marinig ko ang mababaw niyang paghinga, para makita ang bahagyang pagtaas ng kilay niya habang nakatitig sa akin. Sa sandaling iyon, parang humina ang ingay sa paligid—parang kami lang dalawa ang naroon. “Are you okay?” Mahina, mababa ang boses niya, at sa paraan ng pagkakabigkas niya ng pangalan ko, parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko. Napakurap ako bago agad na umayos ng tayo. Doon ko lang napansing kasama niya pala ang event coordinator namin. Mabilis akong tumikhim, pilit binabalik ang focus ko. “Nasaan na siya?” Kita ko ang pag-aalangan sa mukha ng event coordinator. Saglit siyang sumulyap kay Theo bago bumaling muli sa akin. Naguguluhan akong tumingin kay Theo, pero siya ang unang bumuntong-hininga. “Nagkaroon ng misunderstanding sa schedule na binigay sa influencer. I don’t think makakarating siya.” Nanuyo ang lalamunan ko. Halos hindi ko namalayang bumaba ang kamay ko sa gilid, mariing nakasara ang kamao. "Ano?" Bahagyang tumaas ang boses ko, pero dama ang pagkaputol ng pasensya ko. Agad itong nagdulot ng katahimikan sa mga nasa paligid. May mga crew na nagkatinginan, halatang napansin ang tensyon. Mabilis kong hinila sina Theo at ang event coordinator sa isang sulok, malayo sa usyosong tingin ng mga staff at audience. “May nakuha naman po kaming sub. Siguradong on-the-way na po sila, pero medyo matraffic kaya baka matagalan pa.” Mariin akong napapikit. "Medyo?" Gusto kong pagalitan ang event coordinator namin, pero—kalma, Elara. Kalma. Huminga ako nang malalim. Hindi ito ang tamang oras para mag-panic. “Okay. Paki-text siya o kung sino man yung sub. Maghihintay tayo ng 30 minutes. Pag wala pa rin, ika-cancel na natin.” Tumango ang coordinator bago bumunot ng cellphone. Sa stage, biglang lumakas ang hiyawan ng crowd. "Ay, mahina ang palakpakan ninyo! Lakasan niyo naman! Excited na ba kayo para sa ating special guest?!" Mas lalong lumakas ang ingay ng mga tao. Pasimpleng lumingon si Mix sa direksyon namin. ‘Wala pa rin?’ basa ko sa buka ng bibig niya. Pinigilan ko ang pagbuntong-hininga at bahagyang tumango. "Pero bago ang lahat, anyayahan natin ang nag-iisang CEO, Mr. Montenegro!" Kasabay nito, dumagundong ang palakpakan sa event hall. Halatang hindi pa handa si Mr. Montenegro—bahagya siyang napaayos ng kwelyo ng coat niya bago dahan-dahang tumayo. “Ano, wala pa rin?” tanong ko sa event coordinator na nanatili pa rin sa tabi ko. “On-the-way pa rin po.” Halos tapos na ang speech ni Mr. Montenegro, pero wala pa rin ang sub-influencer. “Eh text mo ulit,” madiin kong sabi. “Calm down, Elara.” Napalingon ako kay Theo. Nakamasid siya, mukhang kalmado—tila walang pake kung mag-crash and burn ang buong event. Pero may kung anong bahagyang pagbabago sa tingin niya, parang alam niyang nai-stress na ako. "Calm down?" Inis kong sinulyapan siya, pero agad ding natigilan. Wait… Maya-maya, isang ideya ang pumasok sa isip ko. Napangiti ako. “Beh, anong ngiti ‘yan? Kakatakot ka,” sabi ni Mix, na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. Dahan-dahan akong bumaling kay Theo. Sa pagkakataong ito, nakita ko ang bahagyang pag-angat ng isang sulok ng labi niya. Mas lalo akong napangiti—hindi lang basta ngiti, kundi ngiting alam kong ikinabahala ni Theo.Elara's P.O.V."What?! No!" Mariing pagtanggi ni Theo, kasabay ng bahagyang pag-igting ng kanyang panga. Bumigat ang aura niya, at para bang sumingkit ang mga mata niya sa inis."Just one song until the sub-influencer arrives," pilit ko, pero mabilis niyang inalis ang tingin niya sa akin, halatang naiinis na siya. Ang kaninang malakas na ingay ng crowd ay unti-unting bumalik, halatang nag-aabang ng susunod na mangyayari.Napalunok ako sa paraan ng pagtitig niya—parang may binabalak siyang hindi ko magugustuhan."Kung ‘di natin itutuloy ‘to, sayang lang lahat ng ginastos. Baka mag-fail pa ‘yung project at malugi tayo." Pangungunsensya ko pa.Napansin kong gumalaw ang Adam’s apple niya. Shit, bakit parang ang sexy ng paraan ng paglunok niya?Mabilis akong umiwas ng tingin at napayuko nang maramdaman kong uminit ang pisngi ko."Why not you? I bet you're good at entertaining." Biglang lumitaw ang isang pilyong smirk sa labi niya.Tang-ina. Wag mong sabihin naaalala niya pa rin ‘yung pagka
Elara's P.O.V."Ma'am Elara, nandito na po yung sub-influencer natin."Halos malaglag ang panga ko sa gulat. Mabilis ko siyang hinatak palayo, medyo malayo sa kanila."Bakit po?" tanong niya, halatang nagtataka. Mariin akong napahilamos ng mukha habang palihim na sinulyapan sila.Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano pinulupot ni Coleen ang braso niya kay Jake saka lantarang hinaplos ang dibdib nito. Hindi ba niya naisip na public display of affection ang ginagawa niya?Ito namang si Jake, parang enjoy na enjoy pa sa ginagawa ng ahas na si Coleen. Dahil natural na atensyon seekers silang dalawa, mabilis nilang naagaw ang pansin ng ilang taong dumadaan sa hallway.Inis kong binalingan ng tingin ang event coordinator na kanina pa naghihintay ng sagot ko."Bakit sila ang kinuha mong sub?" diretsahan kong tanong habang namewang."May problema po ba—?""Oo nga, Elara. May problema ba?"Nag-itim ang bagang ko. Hindi ko siya nilingon. Pinipigilang sumabog sa galit, nakagat ko ang loob n
Elara’s P.O.V."Elara, what are you doing here?” Mariin akong napalunok nang biglang tumambad sa akin ang matalim na titig ni Ms. Leah. Ang ilaw mula sa hallway ay bahagyang tumatama sa gilid ng mukha niya, lumilikha ng aninong nagpapatingkad sa kanyang seryosong ekspresyon. Mula sa likuran, may maririnig pang mahihinang pag-uusap ng mga tao sa main hall, ngunit dito sa fire exit, ang katahimikan ay nakakabingi.“And… you? Theo? What are you guys doing here?”Ramdam ko ang biglang pag-akyat ng dugo sa ulo ko. Shit, anong sasabihin ko? Ano nga bang ginagawa ko sa fire exit? Naki-eavesdrop sa usapan nila Mr. Montenegro? Si Theo? Anong ginagawa niya rito?Mariin akong napalunok nang makita ko ang mapanghusgang tingin ni Ms. Leah. Para bang kaya niyang basahin ang iniisip ko sa likod ng mga mata ko. Ang malamig na hangin mula sa aircon ay dumampi sa batok ko, dahilan para lalo akong kabahan.“A-ano…” Kamot-ulo kong sabi. Wala man lang bang sasabihin si Theo? Balak niya bang tumayo na lang
Elara’s P.O.V.“Huh...” Mariin akong napahawak sa ulo ko. Tang-ina, napasobra yata ang pag-inom ko ng alak.Saglit akong natigilan nang may ma-realize. “Nasan ako?” Mabilis kong inikot ang paningin ko sa paligid. Ang unang tumambad sa akin ay ang gulo ng kwarto. Ang sahig ay tinatakpan ng mga basag na gamit—mga nakakalat na damit at ilang kalat na wala akong maalala kung paano napunta roon. May mga labi ng pagkaing hindi ko matandaan kung kanino o anong oras ko kinain. Sa isang gilid ng aparador, may nakatambak na unan at kumot, at may mga maruruming marka sa sahig—parang mga mantsang hindi ko maipaliwanag.Napatingin ako sa pader. May mga mantsa ng iba't ibang bagay—para bang may nangyaring hindi ko matandaan. Parang may naiwan pang alingawngaw ng isang gabing hindi ko kayang sagutin. Ang hangin sa kwarto ay mabigat, at may kakaibang hindi maipaliwanag na pakiramdam.Nasa apartment ako, pero bakit ganito kakalat? Pati katawan ko, parang may nangyari—na hindi ko maalala. Sino ang nagd
Elara’s P.O.V.It’s already six, pero hindi pa rin lumalabas ng apartment si Theo. Para akong tangang pasilip-silip dito.Nang may paparating, mabilis kong sinara ang pinto at nagtago. Monday ngayon, at kanina pa akong nakabihis at palinga-linga kung lumabas na ba si Theo. Hanggang ngayon kasi, binabagabag pa rin ako ng sinabi ni Mix kahapon.Nagkaroon daw ng adjustment sa payment ng influencer. Bakit hindi ko alam? Fix na ang project plan—so paano yun? Nag-abono siya?Bigla akong nakarinig ng kaluskos mula sa labas kaya mabilis akong sumilip mula sa peephole. But sadly, galing lang sa kabilang pinto.“Ugh!” Kanina pa akong 4:00 AM nag-aabang pero hindi pa rin siya lumalabas? Mag-doorbell kaya ako?Namamawis na ang kamay kong nag-aalangan pihitin ang doorknob, pero sa huli, pinili ko na lang buksan.Kamut-ulo akong nakatayo sa harap ng pinto niya.Ano na, Elara? Pipindutin mo o pipindutin mo? Bwesit naman. Ano bang nangyayari sa ’kin? Effect pa rin ba ’to ng pinainom sa ’kin ng bwesit
Elara’s P.O.V.After naming mag-usap ni Jerry kanina at 'yung pagbalik ng malabong alaala, ay nag-fainted ako. Literal na nag-blackout sa harapan niya. Pagkagising ko, nandito na ako sa clinic ng office. Buti na lang talaga at nandito si Doc Nie—kung hindi, baka nagkandaleche-leche na lalo ang araw ko.“Based on your symptoms and the initial tests we’ve run…”Ang boses ni Doc ay parang galing sa malayo. Mahina. Parang naka-slow motion ang lahat.“…it seems like you may have ingested a substance—possibly a sedative or another kind of drug…”Biglang bumigat ang sikmura ko.“…without your knowledge. That could explain the dizziness, memory gaps…”Memory gaps.Pumikit ako. Mga pira-pirasong alaala ang pilit na sumisingit: ang malamig na baso, ilaw, tunog ng mga tawa—tapos wala na.“…and the feeling of confusion or disorientation.”Sumandal ako sa head rest ng clinic bed. Saka ko lang na-realize na nanginginig pala ang mga kamay ko.“You mentioned having blurred memories and not being full
Elara’s P.O.V.“Kailangan ko ba talaga gawin 'to? Hindi naman ako baliw, diba?” Halos mamasa na ang palad ko sa pawis habang tanong ko 'yan kay Mix, pilit na tinatawanan ang kaba sa dibdib ko.“Ano ka ba, Elara!” Salubong ang kilay niya habang naka-namewang, parang nanay na nawalan ng pasensya. “Para din 'to sa’yo. Kaya tara na.”At bago pa ako makapagsabi ng kahit anong excuse, ayun na nga—kinaladkad na niya ako papasok sa counseling room.“Teka lang, wait lang!” hilaw kong tawa habang pilit pumipiglas. “Okay na 'ko, promise! Pagkatapos akong matingnan ni Doc Nei kahapon at mabigyan ng gamot, um-okay naman pakiramdam ko!”Pero hindi siya natinag.Wala talagang awa ang baklang ‘to. Para siyang si Captain America, pero imbes na shield, may dalang lipstick at mascara wand. Siya 'yung tipo ng kaibigang hindi mo matatakasan kahit sumakay ka pa ng UFO.Nandito kami ngayon sa clinic ng isang psychologist na ni-refer ni Doc Nei. At to be honest? Kanina pa kami nagdadrama sa labas ng pinto, p
Elara’s P.O.V.Pagkatapos ng ilang therapy sessions namin ni Doc Rina, medyo umokay na ako. Hindi pa rin buo ang alaala ko tungkol sa gabing ‘yon, pero sabi niya, give it time. Eventually, kusang babalik.Kaya for now, hinayaan ko na lang. Buhay pa naman ako, nakakapasok pa sa trabaho, hindi naman ako naaksidente o nanakawan—“A-ang baho!”Mabilis akong napatakip ng ilong at halos mapalundag mula sa upuan. Tumayo ako—halos natapilok pa sa pagmamadali—at tumakbo papuntang CR. Para akong mababaliw. Naduduwal ako pero wala namang maisuka.“Ang baho…” bulong ko habang itinapat ang mukha ko sa ilalim ng gripo. Binuksan ko iyon at isinubsob ang ilong ko sa malamig na tubig, pilit tinatanggal ang kumapit na amoy.Parang naligo ang buong sistema ko sa isang matagal nang nakabaong, masangsang na patay na daga. Hindi ko alam kung amoy bulok na karne, expired na isda, o kung anong chemical na may halong sumpa. Basta, grabe.“Elara? Ayos ka lang?”Napalingon ako sa salamin at doon ko nakita ang r
Theo’s P.O.V.“Paano kung ako nga ang ama ng dinadala mo?”I didn’t even know why I said that. It just slipped out. But ever since that Saturday night, I haven’t been able to think straight. I keep having these dreams. Same woman, same scent—always faceless. But the feeling? Sobrang pamilyar. Parang may alaala akong pilit bumabalik pero nababalutan ng usok.Mas lalo kong diniinan ang kapit ko sa pader. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o takot.There’s a part of that night I can’t remember. I was drinking, yeah—drink after drink. I remember feeling dizzy, excusing myself to go to the restroom. On the way, I saw Elara being bothered by some guys. I stepped in. After that… blank.Since then, I’ve been off. Hindi ako mapakali. And now, here I am—cornering Elara in the elevator like I’ve completely lost it. I raised my hand toward her face. Nagulat siya. Her warmth—familiar. Parang déjà vu.She was close. Too close. And I hated that I liked it.Na amoy ko na naman siya. Same scent from my
Elara’s P.O.V.Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat—yung bigat ng mga matang sumusunod sa akin sa hallway, o 'yung mga pabulong na tawa na pilit tinatakpan ng paper folder.Inis kong naikuyom ang kamao ko. “Lagot sa’kin ‘yang Jerry na ‘yon. Kakalbuhin ko talaga siya—‘wag lang siyang magkamaling magpakita sa’kin.”“Teka lang, girl. Opis hours pa ‘to. ‘Wag ka munang rumampa ng war mode. Baka masisante tayo sa gagawin mo,” bulong ni Mix habang hinahawakan ang braso ko.Napahinga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang umuusok kong sentido. “Yung tsismis na buntis ako? Fine. Totoo naman. Pero ‘yung si Theo raw ang ama?” Umiling ako, halos mapamura. “Tangina talaga. Gusto ko talagang upakan si Jerry.”“Excess me?”Parang may magic spell. Sabay kaming napalingon ni Mix. Nakatayo si Ms. Leah sa likod namin—crossed arms, raised brow, at ‘yung signature niyang deadpan expression. Hindi ko alam kung ilang segundo kaming napatitig sa kanya, pero pakiramdam ko isang buong quarter.Umangat ang
Elara’s P.O.V.“Beh, sigurado ka? Kaya mong pumasok today?”Saglit kong nilapag ang cellphone sa ibabaw ng counter, pero kita pa rin ang mukha ko sa camera.“Oo nga, pang-ilang beses mo na 'yang tinanong.” Reklamo ko habang nagdadagdag ng asukal sa kape. “Paalis na nga ako, e. Ubusin ko lang ’tong kape.”Medyo napangiwi ako nang malasahan pa rin ang pait kahit halos makalahati ko na 'yung garapon ng asukal.“Oh, anong mukha ’yan?” Saglit akong natigilan.“Ang pait pa rin, eh.” Pilit kong nilunok ang pait na parang kumapit na sa lalamunan ko.“Malamang, kape ’yan. Saka ganyan talaga pag buntis, nagbabago 'yung panlasa.” Mahina akong napabuntong-hininga.“Thanks sa paalala,” umirap ako habang pinisil ang tulay ng ilong ko.“’Yung vitamins, uminom ka ba?”Inis akong napairap. “Oo. Ininom ko,” sabay lingon sa cam. Simula kahapon, parang naging nanay ko na talaga si Mix.“Ay nga pala! Bakit ka uminom ng kape? Bawal sa’yo ’yan!”See? Para namang ikamamatay ko kung iinom ako ng kape. Inis ko
Elara’s P.O.V.Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang hawak-hawak ang pregnancy test. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanigas na yata ako dito sa kinauupuan ko sa inidoro, habang ang katahimikan ng maliit na banyo ay tila mas lumalalim sa bawat segundo.Kahit ang paghinga ko, parang biglang kinapos. May kung anong humigpit sa dibdib ko—isang kaba na hindi ko maipaliwanag. Hindi ito yung tipikal na nerbyos. Mas malalim. Mas mabigat.Natauhan lang ako ng maramdaman ang luhang kanina pa pala palang dahan-dahang pumapatak sa pisngi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Pilit kong nilunok ang kung anong nakabara sa lalamunan ko—isang emosyon na hindi ko mabigyang pangalan. Takot ba ito? Gulat? Pagkalito? O lahat nang sabay-sabay?Nilunok ko muli, pero kahit yata ubusin ko ang tubig dito sa inidoro, hindi na mawawala ang barang iyon. Nakasuksok na sa kalamnan ko ang posibilidad. Ang katotohanan.Makailang ulit kong pinikit ang mga mata, kinusot ko pa ito ng nangingi