Share

CHAPTER 6

Author: Truly_yours
last update Last Updated: 2025-03-07 20:11:02

Elara’s P.O.V.

" "Elara," saglit akong napahinto nang marinig ang pagtawag ni Ms. Leah.

"Yes, ma’am?"

"Good job ulit kanina. And regarding sa project na hinihiling mo..." Bigla akong naging alerto sa sasabihin niya. "Ibibigay na namin sa’yo."

Parang biglang nagliwanag ang paligid at ang kaninang nakakunot kong noo ay biglang nawala. Ha! Totoo ba 'tong naririnig ko?

"Talaga po?" Gusto kong tumalon sa tuwa, pero syempre, dapat professional pa rin.

"Yes." Ngumiti ako, pilit tinatago ang sobrang tuwa.

"Thank you po, Ma’am." Bahagya akong yumuko bilang pasasalamat.

"Also—" Akmang aalis na ako nang muli siyang magsalita. Kunot-noo akong bumaling sa kanya.

"Hindi ka mag-isa sa project na 'to. May makakasama ka mula sa business development." Mas lalong kumunot ang noo ko. Sino naman kaya?

"Alam kong naka-ready na ang proposal mo, pero I’ll give you until tomorrow to polish it and prepare for the presentation sa hapon."

"Sino po 'yung taga-business development na makakasama ko?" tanong ko, litong-lito.

"Hindi ko pa sure e. Pero bukas, malalaman mo."

Bahagya akong tumango saka ngumiti. Bukas pa? Nakaka-curious tuloy. Sino kaya? Kibit-balikat akong bumalik sa upuan ko. Saglit na nawala sa isip ko ang eksenang nakita ko kanina kina Mr. Montenegro at Theo.

Bumuntong-hininga ako bago umupo at nagsimulang magtipa. Kailangan kong i-review ang report ko para siguradong maayos ang lahat.

Sa tatlong taon ko sa kompanyang 'to, at sa ilang ulit kong pangungulit kay Ms. Leah na payagan akong hawakan ang project na 'to, sa wakas—natupad din. Kaya kailangang maging perpekto ‘to.

"Ante! Uwian na, itigil mo na 'yan," rinig kong sabi ni Mix.

Saglit akong napatingin sa orasan sa desktop ko. Oo nga, alas-singko na pala.

"Te, ano na? Tara na! 'Di ka tagapagmana ng kompanya," dagdag pa niya, halatang naiinip.

Bahagya akong natawa. "Sige na, mauna ka na. Tatapusin ko lang 'to. Kailangan ko 'to bukas."

Kita ko ang pagguhit ng inis sa mukha niya. Palihim siyang umirap saka nag-flip ng imaginary hair niya.

"Bahala ka, basta una na ako. Bye!"

Natawa ako nang makita siyang bakla-baklang kumimbot-kimbot pa ang pwet niya habang naglalakad palabas. Bakla talaga.

Saglit akong umiling saka tinuloy ang ginagawa ko. I need this to be perfect. Hindi ako pwedeng magkamali.

Kinuha ko ang headset sa bag at sinaksak sa cellphone. I need motivation. Nag-scroll ako sa playlist ko at pinindot ang Incomplete by Sisqo. Hindi ko alam kung bakit, pero lately, naadik ako sa kantang 'to.

Ilang segundo pa lang matapos magsimula ang kanta, parang nawala lahat ng stress ko. Sakto pa na wala nang tao sa paligid, kaya hindi ko na napigilang sabayan ang lyrics.

"Bright lights, fancy restaurants~"

Napalingon ako sa paligid para sigurado—wala nang tao. Okay, safe.

Habang patuloy na nagtitipa, sinasabayan ko rin ang kanta. Sa umpisa, malinaw ko pang kinakanta ang lyrics, pero may mga parteng hum-hum na lang ako dahil hindi ko naman talaga kabisado.

At nang bandang chorus na ng kanta—sakto namang patapos na rin ang ginagawa ko—unti-unti nang lumalakas ang boses ko. Maya’t maya rin akong sumasabay sa indayog ng kanta, na parang nasa sarili kong mundo.

"Even though it seems I have everything~"

Matapos kong itipa ang huling paragraph ng report ko, napahinto ako at nag-inat. "Finally," bulong ko sa sarili habang pinisil ang batok ko. Ramdam ko ang pagod, pero mas nangingibabaw ang satisfaction na natapos ko na ito.

Napatingin ako sa orasan sa screen—8:42 PM.

Shit, ang late na pala!

Pero sabi nga nila, hindi naman karera ang buhay, kaya mas ninamnam ko pa ang kanta. Sumandal ako sa upuan, marahang inindayog ang ulo sa rhythm. Pagpasok ng second verse, hindi ko na napigilang kantahin nang buo.

"Your perfume, your sexy lingerie~"

Napapikit pa ako, tuluyang nadala sa kanta.

Putek, ang ganda talaga nito.

Sa sobrang hype ko, hindi ko namalayang sumasayaw na ako habang nakaupo sa swivel chair. Dahan-dahan lang noong una, pero nang marating ang chorus, sumabay na rin ang buong katawan ko.

"Without you, girl~"

At doon ko na nga tuluyang binitawan ang hiya ko.

Nag-emote ako nang todo—hawak ang ballpen na parang mic, umiikot-ikot pa sa swivel chair, at sinasayaw-sayaw ang kamay na parang nasa music video.

Ang bigat ng kanta! Pota, ramdam na ramdam ko!

Hanggang sa…

May kung anong kilabot ang gumapang sa batok ko.

Para bang may matang matalim na nakatitig sa’kin.

Dahan-dahan akong lumingon, at doon ko siya nakita.

Si Theo.

Nakatayo sa kabilang department, nakasandal sa isang desk, nakataas ang isang kilay. Bahagyang naka-cross arms, pero halatang may tinatago siyang ngiti.

Nagtagpo ang mga mata namin.

Tangina, nakita niya lahat?!

Nanigas ako.

Gusto kong tumakbo palabas ng opisina. Gusto kong lumubog sa sahig. Gusto kong burahin ang sarili ko sa existence.

Pero hindi ko magawa.

Nakatingin lang siya sa akin, hindi gumagalaw. Tila pinoproseso pa ang kabaliwan na nasaksihan niya. Tumingala siya saglit saka bahagyang napailing. At sa pagitan ng pagtaas niya ng isang kilay, nag-mura siya nang mahina—pero sapat para mabasa ko sa bibig niya.

"Damn."

Putangina, ano ‘yon?!

Bigla akong napaatras at marahas na napasandal sa swivel chair ko, halos mabuwal pa sa sobrang gulat. Mabilis kong hinugot ang earphones ko, kunwaring babad sa laptop, kahit na ramdam ko pa rin ang matalim na titig ni Theo mula sa kabilang department.

At saka nangyari ang pinakamasaklap na timing sa buong buhay ko.

Sa katahimikan ng opisina, sa mismong pinaka-wrong timing na moment…

Sakto namang lumipat ang tunog sa loudspeaker.

At bumagsak ang huling linya ng kanta—malakas, buo, at punong-puno ng emosyon:

"My life is INCOMPLEEETE~~"

Shet.

Halos mapatalon ako sa hiya. Parang pinagtripan ako ng tadhana! Bakit sa dami ng pagkakataon, dito pa natapos ang kanta?! Parang may sariling isip ang universe na ipahiya ako nang tuluyan!

Dahan-dahan akong tumingin kay Theo.

At this time, Theo was already smirking. Dahan-dahan siyang napailing, parang hindi makapaniwala sa kabaliwan ko.

At bago siya tuluyang lumabas ng opisina niya, saktong nagtagpo ulit ang mga mata namin.

Oh lupa! Ngayon na, please! This is the perfect timing para lamunin ako!

***

Habang naglalakad papunta sa apartment ko, hawak-hawak ang bag strap ko nang mahigpit. Mabilis ng lakad ko, gusto kong takasan ang alaala na nangyari kanina.

"My life is INCOMPLETE~"

Napangiwi ako. Putek. Pati utak ko, pinaglalaruan ako.

Napailing na lang ako at huminga nang malalim. Okay, bagong environment na. Wala nang Theo. Wala nang kahihiyan.

Back to normal life.

Pagdating ko sa building ng apartment, sakto namang papasara na ang elevator.

"Wait! Sandali lang po!" sigaw ko habang tumatakbo. Ayyy, ‘wag ka muna magsara!

Mabilis kong naabot ang elevator button, at sakto namang may isang kamay na humarang sa pinto, dahilan para muling bumukas ito.

Hingal na hingal akong pumasok, marahang tumango bilang pasasalamat. "Thank you po—"

Naputol ang pasasalamat ko nang tumingin ako sa taong nag-hold ng button.

Si Theo.

Biglang bumalik sa akin ang nangyari noong isang gabi—ang eksaktong eksenang 'to, dito rin mismo sa elevator.

Oo nga pala. Kapitbahay ko nga ang gago!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 7

    Elara’s P.O.V."Elara, aware ka ba na late ka na?" Nakapamewang na sinalubong ako ni Mix, kita sa mukha niya ang pagsisimula ng sermon."I know," sagot ko, ibinagsak ang gamit sa lamesa habang nagmamadaling hinubad ang coat ko. Hindi ko naman sana gustong male-late, pero kasalanan 'to ng lintek na Theong 'yon!Dahil sa kahihiyan ko kagabi, hinintay ko pa siyang maunang umalis bago ako lumabas ng apartment kanina. Hindi ko kayang makasabay na naman ang bwisit na lalaking 'yon.Mas mabuti nang hindi ko siya makita ngayong araw, lalo na’t presentasyon ko ngayon. Ayokong madistract. Sunod-sunod na ang kahihiyan ko sa kanya—hindi ko na kakayanin kung madagdagan pa.Tiningnan ko ang relo—11:00 AM. Isang oras na lang bago ang meeting.Habang inaayos ko ang mga documents sa harap ko, ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso ko. Pinipilit kong huminga nang malalim, pero hindi ko maalis ang bigat sa dibdib ko."Lara! Tumigil ka nga! Nakakahilo ka, ante!" reklamo ni Mix, nakapikit habang umiiling

    Last Updated : 2025-03-09
  • Cluelessly Yours    CHAPTER 8

    Elara's P.O.V.“Let’s meet at the nearby coffee shop later.” Malamig at diretso ang sabi ni Theo, walang bahid ng pag-aalinlangan sa tono niya.Labag man sa loob ko, wala akong choice. Sa dinami-dami ng puwedeng maging representative ng business department, siya pa talaga?“Noted, sir,” sagot ko nang walang gana, ni hindi man lang siya nilingon.Bago pa man ako makaupo sa desk ko, ramdam ko na ang matalim na titig ni Mix. Para bang gusto niyang basahin ang buong buhay ko gamit lang ang tingin. Hindi ko siya pinansin at padabog akong bumagsak sa swivel chair ko.“Ano ‘yun, ha? Bakit may pa ‘meet me at the coffee shop’?”Hayun na naman siya, nagwi-wiggle pa ang kilay. Saglit akong napabuntong-hininga.“I’m sure narinig mo nang hindi ako mag-isa sa project na ‘to?” tanong ko, saka muling bumuntong-hininga.“Oh my god! So siya ‘yung partner mong taga-business department?” Nanlaki ang mata niya, sabay takip sa bibig na parang may biggest revelation siyang nadiskubre.Bilib din talaga ako s

    Last Updated : 2025-03-11
  • Cluelessly Yours    CHAPTER 9

    Elara's P.O.V."Dustin is a famous influencer, malakas ang hatak niya ng readers kasi book lover din siya," paliwanag ko kay Theo, pero nanatili lang ang tingin niya sa screen ng laptop ko.Mariin. Madilim. Hindi ko mabasa kung galit ba siya o ano.Dahan-dahan siyang nag-lean back sa kinauupuan niya, ang mga mata niya'y nanatiling nakatutok sa akin. Para bang sinusuri niya ang bawat salita ko, hinuhukay ang intensyon ko sa likod nito. Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin, tanging ang mahina at malamyang ihip ng hangin mula sa rooftop ang naririnig ko."Pero mostly babae lang ang mahahatak niyang readers. It doesn't mean na romance ang genre ng book na pinopromote natin, eh puro babae lang ang hahatakin natin," may diin sa tono niya. "Tama ba?" May point naman siya, pero bakit parang ang bigat ng presensya niya ngayon?Parang mas lumamig ang hangin sa paligid. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o sinadya niyang ihatid ang ganitong aura."Hindi lang naman siya sa mga

    Last Updated : 2025-03-16
  • Cluelessly Yours    CHAPTER 10

    Elara’s P.O.V."Lies don’t suit you, Elara."Parang sirang plaka nag-echo sa isip ko ang huling linyang binitiwan ni Theo bago siya pumasok sa apartment niya noong nakaraan. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko iyon matanggal sa isip ko—kung dahil ba sa tono ng boses niya, sa paraan ng pagkakasabi niya, o sa simpleng katotohanang... alam niyang nagsisinungaling ako.Bumuntong-hininga ako, pilit pinapanatili ang focus ko."Good luck!" salubong sa akin ni Maris sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako bilang pasasalamat.Focus, Elara. Ito na yung araw na inaantay ko. This is it.Habang naglalakad ako sa hallway, sumalubong sa akin ang mabangong singaw ng kape mula sa pantry—matamis, may halong pait. Sa gilid ng paningin ko, napansin ko ang ilang empleyadong sumisilip sa event hall sa ibaba, mga mata nilang nagliliwanag sa excitement. Ang iba’y may hawak pang cellphone, tahimik na nagtsi-check kung live na ang event stream.Actually, hindi ko naman pinangarap ang project na ‘to kung h

    Last Updated : 2025-03-18
  • Cluelessly Yours    CHAPTER 11

    Elara's P.O.V."What?! No!" Mariing pagtanggi ni Theo, kasabay ng bahagyang pag-igting ng kanyang panga. Bumigat ang aura niya, at para bang sumingkit ang mga mata niya sa inis."Just one song until the sub-influencer arrives," pilit ko, pero mabilis niyang inalis ang tingin niya sa akin, halatang naiinis na siya. Ang kaninang malakas na ingay ng crowd ay unti-unting bumalik, halatang nag-aabang ng susunod na mangyayari.Napalunok ako sa paraan ng pagtitig niya—parang may binabalak siyang hindi ko magugustuhan."Kung ‘di natin itutuloy ‘to, sayang lang lahat ng ginastos. Baka mag-fail pa ‘yung project at malugi tayo." Pangungunsensya ko pa.Napansin kong gumalaw ang Adam’s apple niya. Shit, bakit parang ang sexy ng paraan ng paglunok niya?Mabilis akong umiwas ng tingin at napayuko nang maramdaman kong uminit ang pisngi ko."Why not you? I bet you're good at entertaining." Biglang lumitaw ang isang pilyong smirk sa labi niya.Tang-ina. Wag mong sabihin naaalala niya pa rin ‘yung pagka

    Last Updated : 2025-03-20
  • Cluelessly Yours    CHAPTER 12

    Elara's P.O.V."Ma'am Elara, nandito na po yung sub-influencer natin."Halos malaglag ang panga ko sa gulat. Mabilis ko siyang hinatak palayo, medyo malayo sa kanila."Bakit po?" tanong niya, halatang nagtataka. Mariin akong napahilamos ng mukha habang palihim na sinulyapan sila.Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano pinulupot ni Coleen ang braso niya kay Jake saka lantarang hinaplos ang dibdib nito. Hindi ba niya naisip na public display of affection ang ginagawa niya?Ito namang si Jake, parang enjoy na enjoy pa sa ginagawa ng ahas na si Coleen. Dahil natural na atensyon seekers silang dalawa, mabilis nilang naagaw ang pansin ng ilang taong dumadaan sa hallway.Inis kong binalingan ng tingin ang event coordinator na kanina pa naghihintay ng sagot ko."Bakit sila ang kinuha mong sub?" diretsahan kong tanong habang namewang."May problema po ba—?""Oo nga, Elara. May problema ba?"Nag-itim ang bagang ko. Hindi ko siya nilingon. Pinipigilang sumabog sa galit, nakagat ko ang loob n

    Last Updated : 2025-03-26
  • Cluelessly Yours    CHAPTER 13

    Elara’s P.O.V."Elara, what are you doing here?” Mariin akong napalunok nang biglang tumambad sa akin ang matalim na titig ni Ms. Leah. Ang ilaw mula sa hallway ay bahagyang tumatama sa gilid ng mukha niya, lumilikha ng aninong nagpapatingkad sa kanyang seryosong ekspresyon. Mula sa likuran, may maririnig pang mahihinang pag-uusap ng mga tao sa main hall, ngunit dito sa fire exit, ang katahimikan ay nakakabingi.“And… you? Theo? What are you guys doing here?”Ramdam ko ang biglang pag-akyat ng dugo sa ulo ko. Shit, anong sasabihin ko? Ano nga bang ginagawa ko sa fire exit? Naki-eavesdrop sa usapan nila Mr. Montenegro? Si Theo? Anong ginagawa niya rito?Mariin akong napalunok nang makita ko ang mapanghusgang tingin ni Ms. Leah. Para bang kaya niyang basahin ang iniisip ko sa likod ng mga mata ko. Ang malamig na hangin mula sa aircon ay dumampi sa batok ko, dahilan para lalo akong kabahan.“A-ano…” Kamot-ulo kong sabi. Wala man lang bang sasabihin si Theo? Balak niya bang tumayo na lang

    Last Updated : 2025-04-03
  • Cluelessly Yours    CHAPTER 14

    Elara’s P.O.V.“Huh...” Mariin akong napahawak sa ulo ko. Tang-ina, napasobra yata ang pag-inom ko ng alak.Saglit akong natigilan nang may ma-realize. “Nasan ako?” Mabilis kong inikot ang paningin ko sa paligid. Ang unang tumambad sa akin ay ang gulo ng kwarto. Ang sahig ay tinatakpan ng mga basag na gamit—mga nakakalat na damit at ilang kalat na wala akong maalala kung paano napunta roon. May mga labi ng pagkaing hindi ko matandaan kung kanino o anong oras ko kinain. Sa isang gilid ng aparador, may nakatambak na unan at kumot, at may mga maruruming marka sa sahig—parang mga mantsang hindi ko maipaliwanag.Napatingin ako sa pader. May mga mantsa ng iba't ibang bagay—para bang may nangyaring hindi ko matandaan. Parang may naiwan pang alingawngaw ng isang gabing hindi ko kayang sagutin. Ang hangin sa kwarto ay mabigat, at may kakaibang hindi maipaliwanag na pakiramdam.Nasa apartment ako, pero bakit ganito kakalat? Pati katawan ko, parang may nangyari—na hindi ko maalala. Sino ang nagd

    Last Updated : 2025-04-04

Latest chapter

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 6

    Elara’s P.O.V." "Elara," saglit akong napahinto nang marinig ang pagtawag ni Ms. Leah."Yes, ma’am?""Good job ulit kanina. And regarding sa project na hinihiling mo..." Bigla akong naging alerto sa sasabihin niya. "Ibibigay na namin sa’yo."Parang biglang nagliwanag ang paligid at ang kaninang nakakunot kong noo ay biglang nawala. Ha! Totoo ba 'tong naririnig ko?"Talaga po?" Gusto kong tumalon sa tuwa, pero syempre, dapat professional pa rin."Yes." Ngumiti ako, pilit tinatago ang sobrang tuwa."Thank you po, Ma’am." Bahagya akong yumuko bilang pasasalamat."Also—" Akmang aalis na ako nang muli siyang magsalita. Kunot-noo akong bumaling sa kanya."Hindi ka mag-isa sa project na 'to. May makakasama ka mula sa business development." Mas lalong kumunot ang noo ko. Sino naman kaya?"Alam kong naka-ready na ang proposal mo, pero I’ll give you until tomorrow to polish it and prepare for the presentation sa hapon.""Sino po 'yung taga-business development na makakasama ko?" tanong ko, lit

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status