Share

CHAPTER 3

Author: Truly_yours
last update Last Updated: 2025-03-05 12:05:00

Elara's P.O.V.

Tahimik ang opisina, pero ramdam ko ang pagbabago sa hangin. Para bang may dumaan na malamig na ihip—isang presensyang hindi mo man makita agad, pero alam mong naroroon.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para lingunin ang kabilang department, pero ginawa ko.

At doon ko siya nakita.

Nagtataka man, hindi ko maiwasang mapansin ang hitsura niya.

Puting long-sleeve—malinis at presko—pero sapat ang kapit sa katawan niya para idetalye ang bawat linya ng kanyang tikas. Matangkad, may malapad na balikat, at may presensyang hindi mo basta malalampasan. Wala siyang kahit anong suot na nagpapahiwatig ng kayamanan—walang ostentatious na relo o accessories—pero ramdam mo.

Ramdam mo sa paraan ng paglalakad niya.

Sa paraan ng hindi niya paglingon sa mga nakatingin sa kanya.

Sa paraan ng simpleng pag-ayos ng long-sleeve niya—isang kilos na parang hindi sinasadya, pero sapat para ipakitang sanay siyang kumilos nang may kontrol.

At ang mukha niya—

Oxygen, Elara. Huminga ka.

Matalas ang linya ng kanyang panga, parang hinulma ng isang bihasang eskultor. Ang buhok niya, maayos pero hindi sobrang pormal, bahagyang naka-ruffle sa gilid—parang sinadya para hindi maging perpekto.

Pero ang pinaka-hindi ko matanggalan ng tingin ay ang mga mata niya.

Walang emosyon.

Tahimik, pero matalim.

Para siyang isang taong nasanay nang tingnan ang mundo na parang isang larong kabisado na niya. Isang lalaking hindi mo mababasa kung seryoso o nang-aasar, kung tahimik lang o may tinatagong peligro.

At ang pabango niya.

Putangina.

Malayo siya, pero amoy na amoy ko! O baka naiwan lang sa ilong ko ang bakas ng pabango niya? O sa memorya ko?

Shocks, ano bang nangyayari sa akin?

Ipinilig ko ang ulo at umiling, pero hindi ko pa rin maialis ang tingin ko sa kanya.

Sandalwood. Vanilla. Isang uri ng amoy na hindi mo basta-basta makakalimutan—hindi dahil matapang ito, kundi dahil may kakaibang tama ito sa sistema mo. Isang pabangong parang humahaplos sa’yo kahit hindi mo gusto.

Mabilis akong napatingin sa ibang direksyon, pilit nilalamon ang sariling reaksyon.

Pero kahit anong gawin ko—huli na.

Hide quoted text

Alam kong nakita niya ako.

At mas malala—nakita ko rin siya.

Dahil sa ilang saglit bago ako umiwas, nagtama ang mga mata namin.

Isang segundo. Dalawa. Tatlo.

Napakabagal ng pag-inog ng oras, para bang ang buong opisina ay naglaho sa paligid.

Walang tunog.

Walang galaw.

Walang ibang tao.

Kundi siya lang. At ako.

Doon ko lang napansin ang isang bagay.

Hindi siya nagulat.

Hindi siya nag-alinlangan.

At lalong hindi siya mukhang nagtatanong kung bakit ako narito.

Para bang alam niya. Para bang… inaasahan niya ’to.

O baka wala lang talaga siyang pakialam.

Napasinghap ako nang mahina nang makaramdam ng kung anong kirot sa dibdib.

Muli kong pinaalala sa sarili na ang lalaking 'yan ang dahilan kung bakit nakita ko ulit ang lintek na ex at ang ex-fake-traitor-friend ko!

Bahagya akong nagulat nang biglang tumikhim si Mr. Montenegro.

"Miss Elara." Binasa niya ang pangalan kong nakadikit sa cubicle ko.

Tangina.

Para akong binuhusan ng yelo.

Ramdam ko ang bigat ng tingin ng lahat.

Mabilis akong napaayos ng upo, pilit na iniiwasang ipakita ang kahit anong emosyon sa mukha ko. Pero alam kong nahuli niya ako—at alam kong nahuli rin ng ibang officemates ko, lalo na nang marinig ko ang mahihinang tawa sa paligid.

Lintek.

"You look completely absorbed in your work."

Sarcastic ‘yon.

Napakurap ako at pinilit ngumiti, pilit ding kinakalma ang sarili.

"Sorry po."

Muli siyang tumikhim at umayos ng tindig, sabay ayos ng kanyang coat.

May kung anong kumpiyansa sa kilos niya—hindi pilit, hindi pinag-iisipan, pero natural lang sa kanya.

"I’m not just here to check on the progress—I also came to see my child."

Para kaming nabingi sa sinabi ni Mr. Montenegro.

Walang gumalaw.

Walang nagsalita.

Tanging ang mahinang tunog ng aircon at ang bahagyang kaluskos ng papel mula sa kabilang cubicle ang naririnig ko.

Pero kahit iyon, parang unti-unting natunaw sa bigat ng mga salitang binitiwan niya.

Nagkatinginan kami ni Mix, ang mga mata niya bilog na bilog sa pagkagulat.

Kita ko ang marahang pagbuka ng kanyang bibig, pero tila hindi niya alam kung may sasabihin ba siya o hindi.

"Child? Anak?" Basa ko sa kanyang labi.

Hindi ko rin namalayan na may kunot na ang noo ko, ang utak ko nagsusumikap intindihin ang narinig.

Anak? Narito ang anak ni Mr. Montenegro?

Sino?

Dahan-dahang bumaling ang tingin ng lahat sa isa’t isa, parang naghahanap ng sagot sa tanong na hindi nila masabi nang malakas.

May ilang mahihinang bulungan, may ilang suminghap sa gulat, pero karamihan ay nanatiling tahimik—naghihintay ng kasunod na paliwanag.

"Ang anak niyo po, sir?"

Nag-aalangang tanong ni Ms. Leah, ang boses niya bahagyang tumaas sa huling salita.

Alam kong hindi lang siya ang gustong magtanong niyon.

Lahat kami, gusto ng sagot.

Gusto kong sumagot si Mr. Montenegro.

Gusto kong malaman kung sino.

Pero higit sa lahat…

Ayokong marinig ang sagot niya.

At hindi ko alam kung bakit.

Sinubukan kong lunukin ang buo kong kaba, pero ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko.

Hindi ako makatingin nang diretso kay Mr. Montenegro, pero ramdam ko ang presensya niya—ramdam ko ang bigat ng titig niya kahit hindi ko ito sinasadyang hanapin.

Nagtagal ang katahimikan.

Hanggang sa isang lalaki ang pumasok sa department namin.

Halos sabay-sabay kaming napalingon, kita sa mukha ng bawat isa ang pagkalito.

Kunot ang noo naming lahat habang pinagmamasdan siya—parang hinihintay na may magsalita, na may magpaliwanag kung sino siya at bakit siya narito.

Samantala, si Mr. Montenegro ay nanatiling nakatayo sa harapan namin, hindi man lang lumingon sa bagong dating.

Para bang alam na niya kung sino iyon, at hindi na niya kailangang kumpirmahin pa.

At saka niya binitiwan ang isang salita—isang simpleng sagot na parang bomba sa gitna ng katahimikan.

"Yes." Direkta. Walang pag-aalinlangan.

Pero sapat na iyon para mas lalong kumunot ang noo naming lahat.

Related chapters

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 4

    Elara's P.O.V.Ilang minuto na ang nakakalipas mula nang umalis si Mr. Montenegro, pero hanggang ngayon, tila napako pa rin kami sa aming mga upuan. Parang may iniwang multo ang presensya niya—isang tahimik pero nakakabinging tensyon na nagpaparalisa sa amin.Ilang segundo pa, sabay-sabay na gumalaw ang lahat, halos nag-uunahan na lapitan si Jhon—ang bagong hire sa IT department. Dalawang linggo pa lang siyang nagtatrabaho sa kumpanya namin, pero ngayon, para siyang naging instant celebrity.“Jhon! Totoo ba?” Agad na tanong ni Ms. Leah, halatang hindi makapaniwala. Kita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Jhon, halatang hindi pa siya fully updated kung ano na bang tsismis ang umiikot tungkol sa kanya. Pero bago pa man siya makasagot, sunod-sunod nang bumato ng tanong ang iba.“Ikaw yung anak ni Mr. Montenegro na nagtatrabaho dito?”"Hindi ka man lang nagsabi! Nasungitan pa naman kita nung isang araw!" sumbat ni Mix bago malakas na hinampas ang braso ni Jhon—na agad ding binawi matapos

    Last Updated : 2025-03-05
  • Cluelessly Yours    CHAPTER 5

    Elara's P.O.V.Mabilis kong inayos ang sarili habang nakatayo sa harapan ng meeting room. Kahit ilang beses ko nang ginagawa ito, hindi ko pa rin mapigilan ang kaba. Minsan talaga, kahit gaano ka kahanda, may parte pa rin sa 'yo na nangangamba.Huminga ako nang malalim at hinigpitan ang hawak sa folder ng marketing report ko. Kaya mo ‘to, Lara.Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang mahinang ingay ng mga usapan—pero agad ding tumahimik ang lahat nang makita ako. Ang ilan ay walang emosyon, ang iba ay halatang gusto nang matapos ito. Normal lang 'to. Huwag kang magpapaapekto.Ngumiti ako at dumiretso sa harapan. Si Mix naman ay tahimik na inayos ang laptop na nakakonekta sa projector, sinisiguradong handa ang slides ko. Nang matapos siya, tumango siya sa akin bago bumalik sa kanyang upuan.Huminga ako nang malalim. “Magandang umaga po sa lahat,” bati ko bago ipakita ang unang slide. “Para sa buwan na ito, nagkaroon ng pagtaas sa—”Biglang bumukas ang pinto ng meeting room.Sabay-sa

    Last Updated : 2025-03-05
  • Cluelessly Yours    CHAPTER 1

    Elara's P.O.V.Ugh, sa wakas nakaupo na rin ako! Ang sakit na ng paa ko—kanina pa ako paikot-ikot sa Quiapo. Lintek kasi, kung sinamahan na lang sana ako ni Mama, edi sana hindi ako naligaw.Mabilis kong kinuha ang headset sa bag at isinuot sa tenga ko. Hindi pa gano’n kasikip ang tren kaya kahit papaano, nakakahinga pa ako nang maayos. Pero syempre, hindi pwedeng hindi mapuno ‘to.Pagdating sa susunod na istasyon, biglang dagsa ng mga tao. Ang bilis mapuno ng tren, at sa loob lang ng ilang segundo, halos dikit-dikit na ang mga pasahero. Buti na lang talaga nakaupo ako.Sana lang walang matanda, buntis, o PWD na pumasok, dahil kung meron, wala akong choice kundi tumayo.Dahil sa pagod, hindi ko namalayang unti-unti na palang bumibigat ang talukap ng mga mata ko.Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.Hindi ko alam kung ilang minuto akong out, pero isang biglaang paggalaw ng tren ang gumising sa akin—At sa galing kong ‘to, saktong pag-angat ng mukha ko ang pagliko ng tren.At doon na

    Last Updated : 2025-03-05
  • Cluelessly Yours    CHAPTER 2

    Elara's P.O.V.Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makita ang lalaking tanging minahal ko—pero ipinagpalit lang ako sa ahas kong kaibigan.Bahagya akong nawalan ng balanse nang mapatingin sila sa akin. Mariin akong napalunok bago inayos ang pagkakatayo."Eneng, dito ka na lang bumaba. Maghagdan ka na lang dahil pataas pa ang elevator," rinig kong sabi ni Manang.Wala rin naman akong balak makasama ang walang kwentang ex at ang traydor kong kaibigan sa iisang elevator. Walang iniwang salita, mabilis akong lumabas at walang lingon-lingong nagtungo sa exit door.Pagkasara ko ng pinto, saglit akong natigilan. Nanginginig ang tuhod ko habang napakapit sa dingding. Akala ko, okay na ako—pero mali pala ako.Okay lang pala ako 'pag hindi ko sila nakikita. Pero noong muli ko silang nakita? Parang biglang nilukot na naman ang puso ko. Gusto kong magwala sa galit. Umiyak. Pero tapos na ako sa era na 'yon.Pinipigilan ang hikbi, tumayo ako at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan.Nakayuko lang

    Last Updated : 2025-03-05

Latest chapter

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 3

    Elara's P.O.V.Tahimik ang opisina, pero ramdam ko ang pagbabago sa hangin. Para bang may dumaan na malamig na ihip—isang presensyang hindi mo man makita agad, pero alam mong naroroon.Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para lingunin ang kabilang department, pero ginawa ko.At doon ko siya nakita.Nagtataka man, hindi ko maiwasang mapansin ang hitsura niya.Puting long-sleeve—malinis at presko—pero sapat ang kapit sa katawan niya para idetalye ang bawat linya ng kanyang tikas. Matangkad, may malapad na balikat, at may presensyang hindi mo basta malalampasan. Wala siyang kahit anong suot na nagpapahiwatig ng kayamanan—walang ostentatious na relo o accessories—pero ramdam mo.Ramdam mo sa paraan ng paglalakad niya.Sa paraan ng hindi niya paglingon sa mga nakatingin sa kanya.Sa paraan ng simpleng pag-ayos ng long-sleeve niya—isang kilos na parang hindi sinasadya, pero sapat para ipakitang sanay siyang kumilos nang may kontrol.At ang mukha niya—Oxygen, Elara. Huminga ka.Matala

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 2

    Elara's P.O.V.Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makita ang lalaking tanging minahal ko—pero ipinagpalit lang ako sa ahas kong kaibigan.Bahagya akong nawalan ng balanse nang mapatingin sila sa akin. Mariin akong napalunok bago inayos ang pagkakatayo."Eneng, dito ka na lang bumaba. Maghagdan ka na lang dahil pataas pa ang elevator," rinig kong sabi ni Manang.Wala rin naman akong balak makasama ang walang kwentang ex at ang traydor kong kaibigan sa iisang elevator. Walang iniwang salita, mabilis akong lumabas at walang lingon-lingong nagtungo sa exit door.Pagkasara ko ng pinto, saglit akong natigilan. Nanginginig ang tuhod ko habang napakapit sa dingding. Akala ko, okay na ako—pero mali pala ako.Okay lang pala ako 'pag hindi ko sila nakikita. Pero noong muli ko silang nakita? Parang biglang nilukot na naman ang puso ko. Gusto kong magwala sa galit. Umiyak. Pero tapos na ako sa era na 'yon.Pinipigilan ang hikbi, tumayo ako at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan.Nakayuko lang

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 1

    Elara's P.O.V.Ugh, sa wakas nakaupo na rin ako! Ang sakit na ng paa ko—kanina pa ako paikot-ikot sa Quiapo. Lintek kasi, kung sinamahan na lang sana ako ni Mama, edi sana hindi ako naligaw.Mabilis kong kinuha ang headset sa bag at isinuot sa tenga ko. Hindi pa gano’n kasikip ang tren kaya kahit papaano, nakakahinga pa ako nang maayos. Pero syempre, hindi pwedeng hindi mapuno ‘to.Pagdating sa susunod na istasyon, biglang dagsa ng mga tao. Ang bilis mapuno ng tren, at sa loob lang ng ilang segundo, halos dikit-dikit na ang mga pasahero. Buti na lang talaga nakaupo ako.Sana lang walang matanda, buntis, o PWD na pumasok, dahil kung meron, wala akong choice kundi tumayo.Dahil sa pagod, hindi ko namalayang unti-unti na palang bumibigat ang talukap ng mga mata ko.Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.Hindi ko alam kung ilang minuto akong out, pero isang biglaang paggalaw ng tren ang gumising sa akin—At sa galing kong ‘to, saktong pag-angat ng mukha ko ang pagliko ng tren.At doon na

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status