Elara's P.O.V.Ugh, sa wakas nakaupo na rin ako! Ang sakit na ng paa ko—kanina pa ako paikot-ikot sa Quiapo. Lintek kasi, kung sinamahan na lang sana ako ni Mama, edi sana hindi ako naligaw.Mabilis kong kinuha ang headset sa bag at isinuot sa tenga ko. Hindi pa gano’n kasikip ang tren kaya kahit papaano, nakakahinga pa ako nang maayos. Pero syempre, hindi pwedeng hindi mapuno ‘to.Pagdating sa susunod na istasyon, biglang dagsa ng mga tao. Ang bilis mapuno ng tren, at sa loob lang ng ilang segundo, halos dikit-dikit na ang mga pasahero. Buti na lang talaga nakaupo ako.Sana lang walang matanda, buntis, o PWD na pumasok, dahil kung meron, wala akong choice kundi tumayo.Dahil sa pagod, hindi ko namalayang unti-unti na palang bumibigat ang talukap ng mga mata ko.Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.Hindi ko alam kung ilang minuto akong out, pero isang biglaang paggalaw ng tren ang gumising sa akin—At sa galing kong ‘to, saktong pag-angat ng mukha ko ang pagliko ng tren.At doon na
Huling Na-update : 2025-03-05 Magbasa pa