Elara’s P.O.V.Pagkatapos ng ilang therapy sessions namin ni Doc Rina, medyo umokay na ako. Hindi pa rin buo ang alaala ko tungkol sa gabing ‘yon, pero sabi niya, give it time. Eventually, kusang babalik.Kaya for now, hinayaan ko na lang. Buhay pa naman ako, nakakapasok pa sa trabaho, hindi naman ako naaksidente o nanakawan—“A-ang baho!”Mabilis akong napatakip ng ilong at halos mapalundag mula sa upuan. Tumayo ako—halos natapilok pa sa pagmamadali—at tumakbo papuntang CR. Para akong mababaliw. Naduduwal ako pero wala namang maisuka.“Ang baho…” bulong ko habang itinapat ang mukha ko sa ilalim ng gripo. Binuksan ko iyon at isinubsob ang ilong ko sa malamig na tubig, pilit tinatanggal ang kumapit na amoy.Parang naligo ang buong sistema ko sa isang matagal nang nakabaong, masangsang na patay na daga. Hindi ko alam kung amoy bulok na karne, expired na isda, o kung anong chemical na may halong sumpa. Basta, grabe.“Elara? Ayos ka lang?”Napalingon ako sa salamin at doon ko nakita ang r
Last Updated : 2025-04-17 Read more