Your Hero Your Lover ( Tagalog )

Your Hero Your Lover ( Tagalog )

last updateLast Updated : 2024-07-24
By:   Kara Nobela  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
29 ratings. 29 reviews
78Chapters
48.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Hindi akalain ni Mutya na magagawa nga talaga nyang pikutin ang among si Drake ngunit ngayon ay bigla na lang nabahag ang kanyang buntot at ayaw na niyang ituloy ang binabalak. Kailangan niyang makaalis ng kwarto bago pa magising si Drake. Dahan dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto upang hindi sya makagawa ng ingay. Laking gulat na lamang nya dahil hindi pa man nya tuluyang nabubuksan ang pintuan ay may tumulak na nito mula sa labas kasunod ang maraming kislap at tunog ng camera. “Miss ikaw ba ang bagong girlfriend ni Drake Rufino?” “Nasa loob ba sya?” “Gano na kayo katagal?” Sunod sunod na katungan ng mga reporters. Sa takot ay napaurong sya. Hindi nya alam ang gagawin. Napatigil ang dalaga sa pag-urong nang bumangga sya sa matitipunong dibdib mula sa lalaking nakatayo sa kanyang likuran. Gising na si Drake. “Whats going on here?” halata sa mukha ng lalaki na bagong gising pa ito. Nakapulupot sa hubo't hubad nitong katawan ang puting kumot....

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Hindi akalain ni Mutya na magagawa nyang pikutin ang among si Drake Rufino. Ito lang ang naisip nyang paraan upang hindi sya mapalayo sa binata ngunit ngayon ay parang gusto na nyang umurong. Tumikim sya ng konting alak kagabi para magkaroon ng lakas ng loob na ituloy ang planong pagpikot dito. Ngayong nawala na ang epekto ng alak ay katakot takot na kaba ang nararamdaman ng dalaga. Magbibihis pa sana sya ng marinig ang bahagyang pag galaw ni Drake. Nagmamadali nyang dinampot ang tuwalya na malapit sa kanya at itinapis ito sa hubad nyang katawan. Nais nyang makaalis na agad sa kwarto ng amo habang tulog pa ito upang hindi sya nito makita. Mahimbing pa rin ang tulog ni Drake marahil ay epekto ng pampatulog na inihalo sa inumin nito. Isa-isa nyang pinulot ang kanyang mga damit at panloob. Isusuot na lang nya ito mamaya sa pinakamalapit na banyong madadaanan. Nasa resort sila ngayon at kabi-kabila ang palikuran sa labas. Ang mahalaga ay makaalis sya habang tulog pa ang amo. Dahan dahan ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
100%(29)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
29 ratings · 29 reviews
Leave your review on App
user avatar
MissYu
This is not just about the story, it also show case na extra ordinary talent of this author. Youre missing out kung hindi mo pa nababasa ang mga story ni Ms. Kara
2024-12-11 18:46:22
1
user avatar
Che Dee
newbie Here.. ..
2024-12-04 10:51:45
1
user avatar
noway
Ipagpatuloy mo lang yung talento mo Ms. Author! Ang galing mo! Can't wait for your next novels to make.
2024-11-28 14:12:14
1
user avatar
Suzy
Very nice story happy ending!
2024-11-19 07:25:14
0
user avatar
Bae Mitch
Super ganda!!!!
2024-11-19 07:23:00
0
user avatar
Evelyn De
My story na po ba si Andrew at tintin
2024-11-19 07:20:34
0
user avatar
Evelyn De
Ang ganda rin po nito. Thanks Ms A
2024-11-19 07:20:06
0
user avatar
Kara Nobela
What's my secret superpower? --- I can write a beautiful story without relying on a toxic male character or unhealthy settings, providing readers with a thrilling yet stress-free experience, full of exciting chapters they'll look forward to. --- KARA NOBELA
2024-11-03 23:34:20
1
user avatar
Kara Nobela
What's my secret power? ------ I can write a beautiful story without relying on a toxic male character or unhealthy settings, providing readers with a thrilling yet stress-free experience, full of exciting chapters they'll look forward to. --- KARA NOBELA
2024-11-03 23:28:11
2
user avatar
Mhariecor Pascua-Ruegas
More More More ang galing ni mS.A
2024-10-26 12:53:53
0
user avatar
Amy Lucanas-Garcia
nice story... luv it. congrats to the author.
2024-10-10 11:37:03
0
user avatar
Kara Nobela
Pakicheck naman po ng bago kong story na siguradong magugustuhan nyo rin, available na po. My CEO's Regrets
2024-09-28 22:14:46
4
user avatar
maricel otom diniay
Sana Hindi masyadong mahaba Kasi pangit pagmataas ang kwento magiging pangit tuloy ang ending...
2024-09-28 10:44:46
0
default avatar
Jessa L Sabellano
Ganda ng story Nakakaiyak
2024-09-22 02:12:59
0
user avatar
Armilita Rico
nice story less stress more exciting chapter
2024-09-15 04:23:02
0
  • 1
  • 2
78 Chapters
Chapter 1
Hindi akalain ni Mutya na magagawa nyang pikutin ang among si Drake Rufino. Ito lang ang naisip nyang paraan upang hindi sya mapalayo sa binata ngunit ngayon ay parang gusto na nyang umurong. Tumikim sya ng konting alak kagabi para magkaroon ng lakas ng loob na ituloy ang planong pagpikot dito. Ngayong nawala na ang epekto ng alak ay katakot takot na kaba ang nararamdaman ng dalaga. Magbibihis pa sana sya ng marinig ang bahagyang pag galaw ni Drake. Nagmamadali nyang dinampot ang tuwalya na malapit sa kanya at itinapis ito sa hubad nyang katawan. Nais nyang makaalis na agad sa kwarto ng amo habang tulog pa ito upang hindi sya nito makita. Mahimbing pa rin ang tulog ni Drake marahil ay epekto ng pampatulog na inihalo sa inumin nito. Isa-isa nyang pinulot ang kanyang mga damit at panloob. Isusuot na lang nya ito mamaya sa pinakamalapit na banyong madadaanan. Nasa resort sila ngayon at kabi-kabila ang palikuran sa labas. Ang mahalaga ay makaalis sya habang tulog pa ang amo. Dahan dahan
last updateLast Updated : 2024-03-06
Read more
Chapter 2
Aaaaaaahhh!!!!” Isang malakas na hiyaw ang namutawi sa loob ng studio. Punong puno ng galit ang nararamdaman ngayon ni Audrey dahil sa mga oras na ito ay malamang ikinakasal na ang kanyang boyfriend na si Drake. Ipinagbabato nya anu man ang kanyang mahagip. Wala syang pakialam kahit masira ang mga iyon na pag-aari ng modelling agency na nagmamanage sa kanya. Malakas ang loob ng dalaga dahil sya ngayon ang pinaka-indemand na modelo sa PhilStar Modelling Agency dahil na rin sa tulong ng kanyang maimpluwensyang boyfriend na sya ring pinakamalaking sponsor ng ahensya. “I should have dispatched that b*tch a long time ago!” habol ang hininga dahil halos maubos ang kanyang enerhiya sa pagbato ng mga gamit. “You need to calm down.” saway ng baklang manager ni Audrey na si Jonas. Sa simula pa lang ng career nya sa modelling ay ito na ang kasa-sama nya. Napabuntunghininga ito habang tinitingnan ang kalat na ginawa ng alaga nyang modelo. Binalingan sya ni Audrey. “It’s your fault. You should
last updateLast Updated : 2024-03-06
Read more
Chapter 3
Mutya POV Magdadalawang linggo na kaming kasal ni Drake. Pinalipat kami ni Don Antonio sa isang unit ng condominium building na pag-aari ng mga Rufino. Hindi kami masyadong nagkikita ni Drake dahil gabi na ito kung umuwi. Kapag naabutan ko sya ay hindi naman ito nagsasalita at dire-diretso lang sa kwarto nito. Napakalamig ng pakikitungo nito sa akin. Isang tanong isang sagot lang din ito kapag sinusubukan kong kausapin. Mukhang hindi naman masama ang ugali nito dahil kapag nakakatulog ako sa sofa ay magigising na lang ako na may nakapatong ng kumot sa akin. Wala namang ibang gagawa nito maliban sa kanya dahil dadalawa lang naman kami sa condo. Kanina ko pa hinihintay si Drake para magpaalam dito.Bukas ang birthday ni kuya Lucas. Sya ang nag-iisa kong kapatid. Simula nang maikasal ako ay hindi ko pa sya ulit nadadalaw sa Batangas. Nanonood ako ng K-drama ng dumating ang aking hinihintay. “Kumain ka na ba?” tanong ko dito. Hindi nya ako sinagot kahit alam kong narinig ako nito.
last updateLast Updated : 2024-03-06
Read more
Chapter 4
Mutya POV Natagpuan ko na lang ang aking sarili sa harap ng mansion ni Don Antonio. San pa ba ako pupunta kundi dito lang. Wala naman akong kakilala dito sa Maynila. Madalas din akong pumunta dito kapag naiinip ako sa condo. Atleast dito palagi akong nakakakain ng masasarap na desserts na gawa ng aking byenan. Mahilig kasi itong magbake. Kung anung ikinasungit ni Drake ay sya namang kabaliktaran ni Donya Agatha. Hindi na rin ako ganung natatakot kay Don Antonio dahil ni minsan ay hindi nya ako pinagtaasan ng boses. Palagi pa nga itong nangungumusta. Hindi kagaya ng masungit nilang anak. Naalala ko ang unang araw na dumating ako sa mansion. Tatlong araw akong hindi kumain. Nagtiis talaga ako ng gutom para siguraduhin na kapag nasa harapan nako ng mansion ay doon ako aabutin ng pagkahilo. Tagumpay naman ang aking plano dahil saktong sasakyan ni Donya Agatha ang papasok sa gate nang mawalan ako ng malay. Yun ang naging tulay para makapagtrabaho ako sa mga Rufino. Sinabi kong wala na ako
last updateLast Updated : 2024-03-06
Read more
Chapter 5
Drake POV“Wala pa rin bang balita?” tanong ko sa kabilang linya. Nasa opisina ako ngayon at kausap ang imbestigador na binayaran ko upang hanapin ang isa sa mga sumagip ng buhay ko.“Negative boss. Gaya ng dati, sa mukha lang sya nakikilala pero hindi nila alam ang pangalan. Hindi rin nila alam kung taga saan.” sagot ng aking kausap.Tinapos ko na ang aming pag-uusap dahil wala rin naman pala itong magandang maibabalita. Kung hindi lang sana na-trauma si Audrey ay malaki sana ang maitutulong nito para mapabilis ang paghahanap sa lalaking sumagip ng aking buhay.6 months ago ay nanirahan ako Batangas. Yun ang pinakamadilim na parte ng aking buhay. Sunod sunod na dagok ang dumating. Na-diagnose na merun akong Fuchs Dystrophy. Nung una akala ko ay simpleng panlalabo lang ng mata. Kahit gumamit ako ng salamin ay patuloy pa ring lumalabo ang aking paningin lalo na sa umaga. Sign na pala yun na may matindi na akong sakit. Hanggang sa tuluyan ng nanlabo ang aking paningin na halos wala na ak
last updateLast Updated : 2024-03-10
Read more
Chapter 6
Drave POV Nagmamadaling akong umalis para makarating agad sa school. Baka kung ano pang problemang idagdag ni Mutya sa opisina ni Chairman Tan. Napakatabil pa naman ng bibig ng bulilit na yun. Nakasalubong ko si Darren, ang Financial Manager ng aming kompanya at matalik kong kaibigan. Highschool pa lang ay magkaibigan na kami. Bukod sa pamilya ko at family lawyer ay ito lang ang nakakaalam ng tungkol kay Mutya. Malayo pa ay nakangiti na ito sa akin at may bitbit na kape. “Going somewhere?” bati nito saken. “Talk to you later.” maikli kong sagot at nilagpasan ito. Wala na akong oras makipag-usap ngayon. Nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay muli ko itong nilingon. “On the second thought…. can you come with me? I need to go to Neumann University” wika ko kay Darren. Naisip kong mabuti nang may kasama ako mamaya. Baka hindi ako makapagtimpi kay Mutya at baka kung ano pa ang magawa ko. “Anung merun? Mukhang hindi maipinta yang mukha mo?” pag-uusisa ni Darren. “Mutya caused trou
last updateLast Updated : 2024-03-19
Read more
Chapter 7
Mutya POV “Manong eto po. Keep the change” wika ko sa uber driver habang inaabot ko ang bayad sa pamasahe. Excited akong bumaba ng kotse. Andito nako ngayon sa tapat ng Neumann University. “Ang ganda!” hindi ko mapigilang mamangha sa prestisyosong paaralan na sa mga magazine ko lang nakikita. Hindi ko akalain na makakapag enroll ako dito. Dati ay naririnig ko lang ang pangalan ng school na to. Isa daw ito sa pinakasikat na school sa bansa at napakamahal daw ng tuition f*e dito. Diko alam kung magkano dahil sekratarya ni Don Antonio ang nag asikaso ng enrollment ko. Dati rati ay okay na akong makapasok sa public school. Baon at mga gamit sa school na lang ang pinoproblemahin namin ni Kuya Lucas. “Kuya Lucas sana nakikita mo ako ngayon.” usal ko. Sasamantalahin ko ang pagkakataong ibinigay sa akin. Alam ko namang pansamantala lamang ito. Hindi ako tanga. Alam kong naghihintay lang ng tamang pagkakataon si Drake na hiwalayan ako. Habang hindi pa nagyayari yun ay gagawin ko ang
last updateLast Updated : 2024-03-22
Read more
Chapter 8
Mutya POV“Your student info didn't give the specific details of your connection to Mr. Drake Rufino, but it did mention that he is your guardian. Pareho kayo ng last name so I’m assuming na magkamag-anak kayo.” panimula ni Ms. Bautista.Hindi ko alam na si Drake pala ang nakalagay na guardian ko sa aking student profile. Hindi rin nakasulat doon na mag-asawa kami.“Pamangkin nya po ako.” pagsisinungalin ko dito. Tumango tango naman si Ms. Bautista.Nasabi ko lang yun dahil nahihiya akong sabihin dito na ang bata-bata ko pa pero may asawa na ako. Maayos naman ang pakitungo ni Ms. Bautista sa akin.Nasa Chairman's office na kami ngayon. Mas malaki nang di hamak ang lugar na ito kaysa sa Guidance counselor. May ilang staff din dito at may sariling kwarto pa sa loob para sa Chairman. Nakaupo ako malapit sa pintuan ng opisina ng Chairman.Nang pumasok ako kanina dito ay hindi ako nakaramdam ng pang mamaliit mula sa mga staff na naabutan ko, hindi gaya kanina sa Guidance Counselor office. A
last updateLast Updated : 2024-03-24
Read more
Chapter 9
Mutya POV Kung kahapon ay sobrang excited ako, ngayon naman ay parang napakabigat ng aking katawan na bumangon sa aking higaan. Tinatamad kasi akong pumasok ngayon pag naiisip ko ang nangyari kahapon sa school pero nakakahiya naman kay Don Antonio kung malalaman niyang unang linggo pa lang ay umabsent na agad ako. Bigla akong kinabahan nang maalala ko ang aking biyenang lalaki. Paano pala kung malaman nya na nakipag-away ako sa first day ko sa school? Kung nakakatakot si Drake ay di hamak namang mas nakakatakot magalit si Don Antonio. Kaya kahit tinatamad ay naghanda na ako para pumasok. Bahala na mamaya. Pagka baba ko pa lang kanina sa taxi ay parang napakabigat ng aking mga paa habang naglalakad papasok sa loob ng paaralan. Hindi ko alam kung expelled na ba ako o hindi. Suot ko pa naman ngayon ang bagong uniform ko at baka ngayon na rin ang huling araw na maisususot ko ito. Hindi ko pa kasi ulit nakakausap si Drake tungkol dito. As usual ay gabi na itong umuwi kagabi. Hinintay ko s
last updateLast Updated : 2024-03-27
Read more
Chapter 10
Drake POV Hindi ko pa tapos basahin ang business proposal from Carmax Motor Co. pero kailangan ko munang ipahinga ang aking mga mata. Hinubad ko ang aking anti-glare glasses. It’s been almost 6 months since I got my surgery for eye transplant. My doctor required me not to stare at the computer screen for more than 1 hour until I’m fully recovered. Magsi-six months na pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung sino ang aking eye donor. Wala pang 1 week after nang sunog ay nagkaroon ako ng eye donor. Nais ko rin sanang ipahanap kung sino ito ngunit talagang wala akong mahagilap na impormasyon. Ilang beses na rin akong nakiusap sa aking doktor ngunit tikom ang bibig nito. Nakiusap daw ang pamilya ng eye donor na ilihim ang kanilang impormasyon. Kung tutuusin ay kaya ko namang ipabuklat ang record nila dahil pag-aari namin ang hospital kung saan ako inoperahan ngunit ang ipinagtataka ko ay wala ito sa record. Kung sino man ito ay napakalaki ng utang na loob ko sa kanya. Diyos na
last updateLast Updated : 2024-03-31
Read more
DMCA.com Protection Status