Drave POV
Nagmamadaling akong umalis para makarating agad sa school. Baka kung ano pang problemang idagdag ni Mutya sa opisina ni Chairman Tan. Napakatabil pa naman ng bibig ng bulilit na yun. Nakasalubong ko si Darren, ang Financial Manager ng aming kompanya at matalik kong kaibigan. Highschool pa lang ay magkaibigan na kami. Bukod sa pamilya ko at family lawyer ay ito lang ang nakakaalam ng tungkol kay Mutya. Malayo pa ay nakangiti na ito sa akin at may bitbit na kape. “Going somewhere?” bati nito saken. “Talk to you later.” maikli kong sagot at nilagpasan ito. Wala na akong oras makipag-usap ngayon. Nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay muli ko itong nilingon. “On the second thought…. can you come with me? I need to go to Neumann University” wika ko kay Darren. Naisip kong mabuti nang may kasama ako mamaya. Baka hindi ako makapagtimpi kay Mutya at baka kung ano pa ang magawa ko. “Anung merun? Mukhang hindi maipinta yang mukha mo?” pag-uusisa ni Darren. “Mutya caused trouble just now. She got into a fight…. on her first day of school. Can you believe that?” nanggigigil kong sabi. Napatawa si Darren sa narinig. “I would love to go and see that.” malawak ang pagkakangiti ni Darren. Sumunod ito sa akin. Wala akong inaksayang oras at agad na akong nagdrive papuntang Neumann University. Alam na alam ni Darren kung gaano ako katutol sa pagpapakasal. Hindi ko alam kung tama ba na ipinaalam ko pa rito ang pagpapakasal ko kay Mutya. Puro kantyaw lang naman ang inabot ko dito dahil para daw akong sugar daddy. I didn't find that joke funny. It gives me chills when I think about being married to a woman who is almost 12 years younger than me and still in senior high school. Pakiramdam ko ay nag-aalaga ako ng nakababatang kapatid. Para bang inampon ng mga magulang ko si Mutya tapos sa akin ipinaalagaan. This girl is like the female version of my younger sibling Andrew, who is around the same age as her. Parehong nakakairita ang kanilang mga presensya. Ang ipinagkaiba nga lang ng dalawa ay mas bratinela itong si Mutya at napaka bungangera. Para itong senior citizen kung magbunganga. Kaya naman ayaw ko itong nakikita at makausap. Palagi ko lang itong naaabutang natutulog sa sofa. Naalala ko tuloy yung tungkol sa sofa. Noong maabutan ni Mutya si Audrey sa condo. “Wag kayong umupo dyan sa sofa ko, ilang beses ko na yang naututan!” Bigla tuloy akong napatawa nang maalala ko ang reaction ni Audrey sa sinabi ni Mutya dahil bigla itong tumalon mula sa pagkakaupo sa sofa at nagsisigaw ng “Eeeew!” Nagalit si Audrey saken dahil tawa ako ng tawa. Napalingon si Darren saken nang mapansing tumatawa ako. “Anong nakakatawa?” tanong nito saken. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari. Humagalpak naman ng tawa si Darren sa narinig. “Deserve nyo yun. Bakit naman kasi pinapunta mo si Audrey sa condo nyo. Magagalit nga yang asawa mo.” wika ni Darren na tumatawa pa rin. “Hindi ko siya pinapunta. Nagulat na nga lang ako nang dumating si Audrey. Wala naman akong balak na patagalin sya dun. Paalis na nga sana kami noong dumating yung bratinela” paliwanag ko. "Oh, so you already have a nickname for your wife. Bratinela? Aren't you being too harsh on her?" Darren asked. “Kung makikita mo lang kung paano niya paiyakin si Audrey, hindi na rin ako magugulat kung malalaman kong nakipag sabunutan sya sa mga babae dun sa school.” wika ko. “Don’t judge her so quickly. Baka sya pala itong naagrabyado at pinagtulungan.” “I doubt it!” sigurado kong tugon kay Darren. As soon as we arrived at school, we immediately went to the Chairman's office. Typically, students are not brought here during incidents like this. Our company happened to become the largest shareholder of this school, so Chairman Tan also got involved. Pagdating ko sa opisina ay nakita kong nakaupo si Mutya. Mukhang okay naman ito. Nang makita nya ako ay nagbawi ito ng tingin at yumuko. Hinanap ko ang mga babaeng nakaaway nito ngunit 2 estudyanteng lalaki ang naroroon na naka-upo malapit kay Mutya. Napansin kong namumula ang kaliwang pisngi ng isa sa mga ito. Bigla akong kinutuban. “Don’t tell me…” bulong ni Darren saken habang nakatingin sa dalawang lalaking estudyante. Mukhang pareho pa kami ng naiisip. “Mr. Rufino, we apologize for the need to have you come to our office but it is a necessary part of our procedure. There was a disagreement between your niece and these boys that escalated into a fight. The matter has been resolved and those who were hit by your niece will no longer file complaints. If you want to file a complaint against these boys….” wika ng Chairman. Napapikit ako at napabuntong hininga. I can’t believe this is happening. Hindi lang pala ito bungangera, basagulera pa. “If everything is sorted out, then we are ready to leave now. My apologies for the trouble.” Hiyang hiya ako sa pangyayari. Hindi ko akalaing magsosorry ako sa harap ng Chairman ng school. Never na nangyari ito sa buhay ko kaya gusto ko nang makaalis agad sa lugar na yun. “You!” baling ko kay Mutya. Mula sa pagkakayuko ay napatingin ito sa akin. “You're coming with me!” Binigyan ko ito ng matalim na tingin. Hindi naman ito sumagot at nakayukong sumunod sa akin. Nang makalabas kami ng opisina at kaming tatlo na lang ay binalingan ko si Mutya. “What the hell is wrong with you! Isang araw ka pa lang dito pero ipinapahiya mo na ako. You need to leave that barbaric attitude behind. You’re carrying my family name.” galit na galit kong sabi dito. Ugh, I'm so freaking angry! I feel like I'm about to burst. Thank goodness I dragged Darren along. Darren saw how I looked, so he didn't hesitate to take Mutya away and seat her on a nearby bench. Mutya didn't say anything. Ang luha nito ay pumatak na lang. Napabuntong hininga ako dahil siya pa itong may ganang umiyak ngayon. “Hindi mo ako makukuha sa paiyak-iyak mo. Wala dito si dad kaya itigil mo yang kadramahan mo.” dagdag ko pa. Hindi ko mapigilang sisihin si dad. Palibhasa lagi nitong kinakampihan si Mutya kaya namimihasa. Pambihirang buhay to, wala pa nga akong anak pero naipatawag na agad ako ng school. Napahilamos ako ng mukha at ilang beses akong nagpakawala ng malakas na buntong hininga. Pilit kong pinakakalma ang aking sarili. Mabuti na rin at hindi sumasagot itong si Mutya ngayon dahil kung hindi ay baka sumabog na talaga ako. Ilang minutong namutawi ang katahimikan sa aming tatlo. Kilala ni Darren kung paano ako magalit kaya hinayaan na lang muna nito na humupa ang galit ko. Maya maya ay nahimasmasan na ako at nawala na ang pagdidilim sa aking mukha. Nakita kong tumayo sa Mutya at isinakbit ang backpack nito sa kanyang balikat. Naglakad ito patungo sa direksyon ko at nilagpasan ako. Pagkuwa’y nilingon ako nito. “Tapos ka na? Tara na.” anito at tuloy tuloy na naglakad. Nagkatinginan kami ni Darren at pareho kaming natigilan sa inasta ni Mutya.Ganun lang yun? Napanganga ako at hindi makapaniwala. Samantalang si Darren naman ay naiiling at nangingiti ang sulok ng bibig. Humupa na ang aking galit pero gusto ko pa ring kutusan ang bulilit na yun. Mukhang nababasa naman ni Darren ang nasa utak ko. “She’s just a kid. Wag mo nang patulan.” bulong saken ni Darren. Habang naglalakad kami patungo sa sasakyan ay pinagmasdan ko ang kabuuan ni Mutya. Nauuna ito sa aming maglakad. Napangiwi ako sa suot nito. She was wearing an oversized t-shirt, paired with baggy pants, and black Converse shoes on her feet. Nakapusod ang buhok nito at may iilan ilang hibla ng buhok ang nakalaylay. Hindi ko tuloy napigilang magkomento. “Tomboy ka ba?” tanong ko kay Mutya. Napatigil ito sa paglalakad at biglang tumawa ng malakas. Nagkatinginan kami pareho ni Darren dahil sa pagtawa nito. Humarap ito sa amin. “Ako? Tomboy? “ sarkastikong pagkakasabi ni Mutya at nakaturo ang daliri sa kanyang mukha. “Etong ganda kong ‘toh?” at patuloy pang tumawa. Maging si Darren ay napatawa na rin dahil sa sinabi nito. “Oy asawa ko, para sabihin ko sayo. Marami kayang nanliligaw saken sa probinsya namin. Swerte mo dahil ikaw ang pinakasalan ko.” walang kagatol gatol na wika ni Mutya. Napatawa ako ng mapakla sa sinabi nito. “Congrats bro! Ang swerte mo naman.” nakabungisngis na wika ni Darren saken. “Mag-iinom ka nga ng kape para kabahan ka naman. Manalamin ka na rin paminsan minsan” sabi ko kay Mutya. Inirapan lang ako nito at nagpatuloy sa paglalakad. Pagdating namin sa sasakyan ay pinagbuksan ni Darren si Mutya ng pinto ng kotse sa likuran. Nakita ko kung paano ngumiti nang ubod ng tamis si Mutya kay Darren. Aba at nagpapacute pa talaga ito sa kaibigan ko. Akala mo naman ay matitipuhan sya ni Darren. Napailing na lang ako dahil pakiramdam ko talaga ay nag-aalaga ako ng bunsong kapatid. Sa byahe ay hindi ko alam kung bakit ba bigla ko pang naisipang tanungin si Mutya. “Bakit nga pala sinabi mo kay Chairman Tan na pamangkin kita?” tanong ko dito. “Alangan namang asawa. Nakakahiya kaya yun.” sagot ni Mutya. Muntik na akong mabilaukan sa sinabi nito. At sya pa talaga itong may ganang mahiya na ako ang asawa niya, ibang klase! Nakita ko si Darren na kumakalog ang balikat. Ang nakatikom nitong kamay ay nakatakip sa kanyang bibig at nagpipigil ng tawa. Kung bakit ba kasi natanong tanong ko pa ito. Kahit kailan ay wala kang makukuhang matinong sagot dito. Inihinto ko ang kotse sa harapan ng condominium building namin. Inihatid ko muna si Mutya dito at saka kami babalik ni Darren sa opisina. Nang makababa ito ng kotse ay kinatok nito ang bintana sa tapat ng kinauupuan ni Darren. Ibinaba naman nito ang bintana. “Bye Darren.” wika ni Mutya at matamis na ngiti ang ibinigay nito sa aking kaibigan. Gumanti naman ito ng ngiti kay Mutya. “Bye Mutya ingat sa pag-uwi.” tugon ni Darren. “Diretso sa bahay. Wag kang pupunta kung saan saan. Grounded ka ngayon.” wika ko kay Mutya. She gave me the stink eye at saka sumimangot. Inirapan ako at tinalikuran na kami. Nang tuluyan itong makaalis ay tsaka naman pinakawalan ni Darren ang kanina pa nyang pinipigilang tawa. Nahahalata ko na parang kanina pa itong nageenjoy na pagtawanan ako. “Para kayong mag-ama.” tumatawang sabi nito. “Napansin mo nagpapacute sayo?” wika ko dito. “I think she’s cute.” tugon ni Darren sa akin “Did you see kung gaano sya kabaduy manamit?” tanong ko dito. “Well…. that…” ani Darren na mukhang sang-ayon naman sa sinabi ko. "...but I find her personality cute... I like that." I couldn't help but laugh at what Darren said. “Ligawan mo.” pabiro kong sabi. “Tsaka na kapag divorce na kayo.” ganting biro ni Darren sakin. Hindi talaga ako makapaniwala hanggang ngayon na nagalaw ko si Mutya. Ang gaganda ng mga babaeng dumaan sa buhay ko bukod pa dun ay maraming babae ang kusang lumalapit sa akin. Hindi ako desperado para patulan ang babaeng kagaya ni Mutya. Kung hindi ako nalasing ng gabing yun ay never kong magagalaw ito. Hindi ko rin alam kung ano talaga ang nangyari nung gabing yun. Nang hinanap ko ang record ng CCTV sa resort ay nalaman kong hindi raw ito gumagana. Ang sabi naman ni Mutya ay wala din syang maalala dahil nakainom sya.Mutya POV “Manong eto po. Keep the change” wika ko sa uber driver habang inaabot ko ang bayad sa pamasahe. Excited akong bumaba ng kotse. Andito nako ngayon sa tapat ng Neumann University. “Ang ganda!” hindi ko mapigilang mamangha sa prestisyosong paaralan na sa mga magazine ko lang nakikita. Hindi ko akalain na makakapag enroll ako dito. Dati ay naririnig ko lang ang pangalan ng school na to. Isa daw ito sa pinakasikat na school sa bansa at napakamahal daw ng tuition f*e dito. Diko alam kung magkano dahil sekratarya ni Don Antonio ang nag asikaso ng enrollment ko. Dati rati ay okay na akong makapasok sa public school. Baon at mga gamit sa school na lang ang pinoproblemahin namin ni Kuya Lucas. “Kuya Lucas sana nakikita mo ako ngayon.” usal ko. Sasamantalahin ko ang pagkakataong ibinigay sa akin. Alam ko namang pansamantala lamang ito. Hindi ako tanga. Alam kong naghihintay lang ng tamang pagkakataon si Drake na hiwalayan ako. Habang hindi pa nagyayari yun ay gagawin ko ang
Mutya POV“Your student info didn't give the specific details of your connection to Mr. Drake Rufino, but it did mention that he is your guardian. Pareho kayo ng last name so I’m assuming na magkamag-anak kayo.” panimula ni Ms. Bautista.Hindi ko alam na si Drake pala ang nakalagay na guardian ko sa aking student profile. Hindi rin nakasulat doon na mag-asawa kami.“Pamangkin nya po ako.” pagsisinungalin ko dito. Tumango tango naman si Ms. Bautista.Nasabi ko lang yun dahil nahihiya akong sabihin dito na ang bata-bata ko pa pero may asawa na ako. Maayos naman ang pakitungo ni Ms. Bautista sa akin.Nasa Chairman's office na kami ngayon. Mas malaki nang di hamak ang lugar na ito kaysa sa Guidance counselor. May ilang staff din dito at may sariling kwarto pa sa loob para sa Chairman. Nakaupo ako malapit sa pintuan ng opisina ng Chairman.Nang pumasok ako kanina dito ay hindi ako nakaramdam ng pang mamaliit mula sa mga staff na naabutan ko, hindi gaya kanina sa Guidance Counselor office. A
Mutya POV Kung kahapon ay sobrang excited ako, ngayon naman ay parang napakabigat ng aking katawan na bumangon sa aking higaan. Tinatamad kasi akong pumasok ngayon pag naiisip ko ang nangyari kahapon sa school pero nakakahiya naman kay Don Antonio kung malalaman niyang unang linggo pa lang ay umabsent na agad ako. Bigla akong kinabahan nang maalala ko ang aking biyenang lalaki. Paano pala kung malaman nya na nakipag-away ako sa first day ko sa school? Kung nakakatakot si Drake ay di hamak namang mas nakakatakot magalit si Don Antonio. Kaya kahit tinatamad ay naghanda na ako para pumasok. Bahala na mamaya. Pagka baba ko pa lang kanina sa taxi ay parang napakabigat ng aking mga paa habang naglalakad papasok sa loob ng paaralan. Hindi ko alam kung expelled na ba ako o hindi. Suot ko pa naman ngayon ang bagong uniform ko at baka ngayon na rin ang huling araw na maisususot ko ito. Hindi ko pa kasi ulit nakakausap si Drake tungkol dito. As usual ay gabi na itong umuwi kagabi. Hinintay ko s
Drake POV Hindi ko pa tapos basahin ang business proposal from Carmax Motor Co. pero kailangan ko munang ipahinga ang aking mga mata. Hinubad ko ang aking anti-glare glasses. It’s been almost 6 months since I got my surgery for eye transplant. My doctor required me not to stare at the computer screen for more than 1 hour until I’m fully recovered. Magsi-six months na pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung sino ang aking eye donor. Wala pang 1 week after nang sunog ay nagkaroon ako ng eye donor. Nais ko rin sanang ipahanap kung sino ito ngunit talagang wala akong mahagilap na impormasyon. Ilang beses na rin akong nakiusap sa aking doktor ngunit tikom ang bibig nito. Nakiusap daw ang pamilya ng eye donor na ilihim ang kanilang impormasyon. Kung tutuusin ay kaya ko namang ipabuklat ang record nila dahil pag-aari namin ang hospital kung saan ako inoperahan ngunit ang ipinagtataka ko ay wala ito sa record. Kung sino man ito ay napakalaki ng utang na loob ko sa kanya. Diyos na
Drake POV “Are you f*cking kidding me?” gulat na gulat na sabi ni Darren at muntik ng maibuga ang alak na iniinom nito. Nasa Moonlit Apple Bar kami ngayon na pag-aari ni Darren. Dito kami madalas tumambay ni simula ng ikasal ako para lang magpalipas ng oras. Most of the time ay dito na rin ako nagpapagabi. “You want me to date your wife?” hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. Maging ang bartender nito ay natawa rin nang marinig yun. 8pm pa lang pero marami rami na rin ang tao sa loob. May mga babaeng panaka nakang sumusulyap sa direksyon naming dalawa. “Just so you know, we’re far from being a typical couple.” paglilinaw ko kay sa Darren kahit pa alam na nito ang totoo. Tinaggap ko ang alak na inabot ng bartender. Kilalang kilala na ako dito kaya alam na nito kung anong gusto kong inumin. “Gaano ba kaganda yung painting at pati ako ibinenta mo?” tumatawang sabi ni Darren habang nag-eenjoy ito sa panonood sa mga babaeng sumusulyap sa amin. Yeah, we’re used to running into women wh
Mutya POV “Good morning.” Hindi na ako nagulat nang makita ko na naman ang weirdong lalaki habang naglalakad ako patungo sa aking classroom. Nasanay na akong nakikita siya tuwing umaga maliban na lang nitong mga huling araw. Ilang araw ko rin itong hindi nakita. “Himala bigla kang lumitaw.” sabi ko rito. “Bakit, namiss mo ba ako?” nakangiting sabi nito. Hindi ako sumagot. Alam ko namang nang ti-trip lang ito. Kahit gwapo ito ay hindi nya ako makukuha pagpapa-cute nya. “Ano bang pangalan mo?” Ewan ko ba kung bakit yun ang nasabi ko. Antagal ko na kasi siyang nakikita pero wala pa rin akong kaalam alam tungkol dito. “Give me a name.” “Ha?” “I said give me a name or a nickname.’ anito. ‘Kuyukot.” sagot ko naman. Narinig kong tumawa ito. Hindi ko napigilang matawa na rin dahil sa naging reaksyon niya. “Ambaho naman. Pwede bang yung mas maganda namang pakinggan. Yung parang close tayo.” Kamot nito ang ulo at alinlangang ngumiti. Lumabas ang mapuputi nitong ngipin
Mutya POV Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata ng dalawa nang sabihin kong hindi ko totoong tito si Drake kundi asawa. Ganunpaman ay hindi nila kinuwestyun ang aking sinabi dahil kita naman nila kung gaano ako kaseryoso ngayon. “Wala naman akong pakialam sa relasyon nilang dalawa pero ngayong nalaman kong niloloko nya si Drake, hindi ako papayag na magtagumpay sya.” Uminit ang aking dugo nang maaalala ang mga salitang binitawan ni Audrey kanina. Wala naman akong pakialam kung niloloko nito si Drake. Naiinis lang ako dahil grabe ito kung ipagtanggol ni Drake at ako ang palaging kontrabida. Mula ngayon ay hindi na ako papayag na pagsabihan ni Drake ng kung ano ano dahil lamang sa manggagamit nitong girlfriend. “Wait lang… paanong naging asawa mo si Drake Rufino?” naguguluhang tanong ni Kai. Ikinuwento kong nalasing kaming pareho at nang magising kami ay magkatabi na kaming dalawa ni Drake sa kama kaya pilit kaming ipinakasal ni Don Antonio. Hindi ko naman maikwento sa kanila an
Mutya POV“Sa Friday na ang date namin ni Darren. Anong isusuot ko?”Araw ng Lunes ngayon. Sa Friday pa ang date namin pero hindi na ako makatulog. Actually, last week pa talaga ako excited. Habang papalapit ng papalapit ang dinner date namin ay saka ko nararamdaman ang matinding kaba. Ang lakas ng loob kong magyaya tapos kapag kaorasan na pala ay saka naman ako dinadaga.“Isipin mo muna kung paano mo paninipisin yang kilay mo.” biro ni Kai. Matagal na itong gigil na gigil sa kilay ko.Nakalabas na kami ng school. Nasa mall kami ngayon at sasamahan daw nila ako para makapag ready sa date ko. Akala ko ay didiretso agad kami sa tindahan ng damit para mamili ng isusuot ko. Sa halip ay sa isang beauty salon nila ako dinala.Una ay binigyan ako ng bagong haircut. Long layered cut daw ang tawag dito. Pagkatapos ay nilagyan din ng konting highlights. Pagkatapos patuyuin ay binlower naman ito hanggang sa matuyo. Ang galing ng hairstylist na ito dahil habang natutuyo ay unti unting nagkakaroon
Mutya POV Matapos umalis kaninang umaga ay muli na namang bumisita ngayong hapon ang pamilya ni Drake. Nadatnan sila ng pamilya ni kuya Carding na bumiyahe pa mula sa Batangas. Finally ay nakilala ng pamilya ni Drake ang mga taong parang pamilya ko na. Magiliw na inistima ni mommy Agatha ang pamilya nina Tintin. Ang don Antonio na kilala kong nakaka-intimida ay ibang iba ang ipinakita sa kanila. Nakikipagbiruan pa ito kay kuya Carding. Nagulat ako na may side palang ganun ang aking byenan. Sa kanya nga siguro nakamana si Drake. Suplado pero kung kikilalanin mo ay napakababa ng loob. Mukhang napagsabihan na si Gigi na magbehave dahil napakatahimik nito at halatang pigil na pigil sa pagsasalita. Kabalikataran naman ni Tintin na kanina pa nakatingin kay Andrew. Nakalimutan na yata nito na ako ang binibisita niya. Kapansin pansin naman na hindi kinakausap ni kuya Carding ang aking bayaw. Iwas na iwas kasi ito kay Andrew. Lumapit si Tintin sa crib at sinilip si baby Luke. Sinipat si
Mutya POV Buong pagmamahal kong pinagmamasdan ang aking mag-ama. Kapapanganak ko lang kagabi. Buhat buhat ni Drake ang baby namin. Titig na titig ito sa mukha ni baby habang ipinaghehele. Bawat facial expression na gagawin ng anak namin ay mangingiti si Drake at amuse na amuse sa nakikita. Bawat details ay pinagmamasdan niya. Hindi pa rin bumabalik ang memorya nito. Simula ng ikwento ko sa kanya ang tungkol kay kuya Lucas ay ilang beses ko pa yung inulit ulit na ikwento hanggang sa makabisado na niya ang bawat detalye at siniguro kong nauunawan din niya kung gaano kahalaga na dumating siya sa buhay ko. Iniligtas ko nga siya sa sunog ngunit iniligtas naman nya ako sa matinding kalungkutan ng buhay. Hindi ko alam kung anong mangyayari pag balik ng kanyang memorya. Ang mahalaga, kahit ngayon lang ay maramdaman ni Drake kung gaano kaimportante na dumating siya sa buhay namin ni kuya. Nakikita ko rin ngayon kung gaano niya kamahal ang aming anak at malaking tulong din ito upang marealiz
Mutya POV Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa opisina ni Drake ay napansin ko na agad na wala ang painting ng mga mata ni kuya Lucas. Narito kasi ako ngayon upang dalhan siya ng pagkain na niluto ko para sabay na rin kaming mag lunch. Nasa meeting pa siya at ayon sa sekretarya nito ay malapit na raw yung matapos. Naglakad lakad ako upang hanapin yung painting ko dahil baka inilipat lang ni Drake yun ng pwesto. Napaigtad ako ng biglang may yumakap sa akin. “Kanina ka pa baby ko?” malambing na wika ni Drake. Kung dati ay babe, ngayon ay baby na nya ako kung tawagin. Humarap ako sa kanya at dinampian siya ng halik sa labi. As usual, nakakaalala man o hindi.., ay hindi sapat sa kanya ang dampi lang. Binigyan niya ako ng mahaba at mainit na halik. “Nasaan yun painting ko?” tanong ko agad sa kanya pagkatapos nya akong halikan. Naglumikot ang mga mata ni Drake na parang nahuling may ginawang kasalanan. Kumalas ito sa akin at umupo sa kanyang swivel chair. Tinapunan ko lang siya ng
Drake POV Nagpapasalamat ako at reliable ang aking sekretarya. Hindi naging mahirap para sa akin na ipagpatuloy ang pagtatrabaho dahil naipaliwanag nya sa akin ng malinaw ang lahat ng mga kailangan kong malaman. “Sir, 6:30 na po, hindi pa ba kayo uuwi?” tanong ng sekretarya ko. Bahagya akong natawa rito. “Ano ako, senior citizen maagang matulog? Mauna ka na, pag-aaralan ko lang ito. ” I said sarcastically. “Baka hintayin kayo ng asawa nyo, usually 5pm umaalis na kayo, minsan mas maaga pa, sinusundo nyo siya sa school.” Parang bigla akong nabalisa dahil sa sinabi nito. Tumayo ako at inayos ang aking gamit at humakbang papalabas ng kwarto. Agad akong nagdrive papalayo ng building. While driving I begin to wonder what in the world am I doing right now? Is it because of my wife? Nah, that’s not me. That’s the lame Drake who’s obsessed with his wife. Pinihit ko ang manibela at iniba ang ruta ng aking pupuntahan. Later, I found myself at Darren’s bar. “What are you doing here?
3rd Person POVMainit nilang pinagsaluhan ang magdamag. Para kay Mutya habang tumatagal ang kanilang pagniniig ay nararamdaman niya ang pagbabalik ng kanyang asawa. Hindi man siya naaalala nito ay wala pa rin itong ipinagkaiba sa paraan kung paano siya nito angkinin.For Drake, having sěx with young wife, whom he barely knew, was a completely different experience but his body reacts to her like it recognizes her in bed. It went on all night and it was way better than anyone else he’d been with. He’s totally surprised that he can’t get enough of her.Kung ibang babae lang ito ay nagbibihis na siya sa mga oras nato and ready to leave the place pero ngayon ay siya pa itong nakayakap sa nakatalikod na hub0t hubad nitong katawan at ngayon ay himbing na himbing sa pagtulog dahil sa pagod…, dahil ilang ulit niya itong inangkin buong magdamag.“So, ito ba ang pinagdaraan ko bago ako nagka-amnesia?” tanong niya sa sarili dahil narealized niya na simula pa sa hospital hanggang ngayon, his wife h
Drake POVDali daling pinulot ni Mutya ang mga prutas at isa-isang inilagay sa loob ng basket. Lumapit si Darren upang tulungan sana ito.“You should probably head out, Darren. It's getting late.” saad ko.“Kadarating ko lang, pinapaalis mo na ako? Alas dos pa lang ng hapon.” wika ni Darren at nagpoprotestang tumingin sa akin. Sinalubong ko siya ng nagbabantang tingin. In the end, napailing na lang si Darren at makahulugang napangiti.“May amnesia ka na nga’t lahat, seloso ka pa rin.” nakangising winika nitoNapakunot ang aking noo nang maalala na ganitong ganito rin ang sinabi Andrew sa akin kanina. Palihim kong pinalapit si Darren. Humakbang nga ito papalapit ngunit ang mga mata naman ay nakamasid pa rin kay Mutya na abala pa rin sa paglimot ng mga prutas.“Gusto mong dukutin ko yang mga mata mo!” mariin kong sabi sa kaibigan ko. Napatawa lang ito at umiling iling na lumapit sa akin.“ I need a serious answer from you. Seloso ba talaga ako?” pabulong na tanong ko kay Darren. Bahagya
3rd Person POVSinabi kanina ng doktor kay Drake na may temporary amnesia ito at ang naaalala nya ay ang naganap 2 years ago pa. Kunot ang noo si Drake na nakatingin sa babaeng sinasabi nilang asawa daw niya. Sa isip isip niya ay paano mangyayari yun hindi naman siya ang tipo ng lalaking nakikipag date kahit kanino, asawa pa kaya? He's like the king of one night stands and never goes on second dates. “Seriously, is this some kind of prank? 'Cause it's not funny at all.” irritable tanong ni Drake.Nalilito si Mutya sa kung anong nagyayari sa mga oras na yun. Maging si Andrew ay nagulat din sa nadatnan ngunit madali niyang naintindihan ang nangyayari. “Ano pong nangyayari sa asawa ko?” maluha luhang tanong ni Mutya.Nilingon ni Andrew si Mutya at bumulong.“Doon muna tayo sa labas.” anito kay Mutya at tumingin sa kanyang mga magulang upang ipagpaalam na ilalabas niya muna sa pag-aalalang baka mabigla ito. Inalalayan niya si Mutya para lumabas.“Wait, if she’s my wife, why the hell a
Mutya POVNadatnan ko sina mommy Agatha at don Antonio sa silid kung saan naka confine si Drake. Ni hindi ko na nagawang batiin ang mga ito dahil nagtatakbo na ako sa tabi ni Drake. Tulog na tulog ito. Muli na namang nagpatakan ang aking mga luha ng makita ko siya. Awang awa ako sa kinahinatnan ng aking asawa. Hinalikan ko siya sa labi. Hinagod ng mga daliri ko ang kaniyang buhok at sinuklay suklay yun.Lumapit si Andrew sa akin at inabutan ako ng mauupuan. Umupo ako at agad kong hinawakan ang kamay ni Drake at hinalikan yun. Isinubsob ko ang aking ulo sa higaan nito. Walang tigil ang pagbuhos ng aking mga luha habang nakasubsob ang aking mukha sa higaan.“Andito nako babe, gumising ka na please… Kakainin pa natin yung inihanda mo.” usal ko habang nakapikit ang aking mga mata at walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha.Tahimik lang ang mga magulang ni Drake at hinayaan lang nila ako na ilabas lahat ng bigat sa loob na nararamdaman ko. Nakamasid at nakabantay lang ang mga ito sa am
Mutya POVPara akong nabingi sa narinig at biglang nanginig ang mga tuhod ko. Ni hindi ko na nga naintindihan ang iba pang sinabi ni Andrew. May mga medical term pa itong sinabi na hindi na rumehistro sa utak ko dahil nang sabihin nitong unconscious ngayon si Drake sa hospital ay parang namanhid na ang buong katawan ko.“Noon una akala ng sekretarya nya, malalim lang itong nag-iisip dahil tulala daw ito. He didn’t respond the entire time she was talking to him and she find it strange. He was awake but not responding at all, ilang minuto daw na ganun then bigla na lang siya nag collapse mabuti na lang at naka-upo siya at napasubsob lang siya sa table at hindi bumagsak sa sahig. They sent him to hospital immediately after that. Right now, he is still in an unconscious state.”Tumahimik sandali si Andrew upang siguraduhing okay lang ako. Nakita kasi niyang nanginginig ako.“Okay lang siya diba?” tanong ko na umaasa na sasabihin ni Andrew na okay lang ang asawa ko. Una unahang nagpagpat