Drake POV
“Wala pa rin bang balita?” tanong ko sa kabilang linya. Nasa opisina ako ngayon at kausap ang imbestigador na binayaran ko upang hanapin ang isa sa mga sumagip ng buhay ko.“Negative boss. Gaya ng dati, sa mukha lang sya nakikilala pero hindi nila alam ang pangalan. Hindi rin nila alam kung taga saan.” sagot ng aking kausap.Tinapos ko na ang aming pag-uusap dahil wala rin naman pala itong magandang maibabalita. Kung hindi lang sana na-trauma si Audrey ay malaki sana ang maitutulong nito para mapabilis ang paghahanap sa lalaking sumagip ng aking buhay.6 months ago ay nanirahan ako Batangas. Yun ang pinakamadilim na parte ng aking buhay. Sunod sunod na dagok ang dumating. Na-diagnose na merun akong Fuchs Dystrophy. Nung una akala ko ay simpleng panlalabo lang ng mata. Kahit gumamit ako ng salamin ay patuloy pa ring lumalabo ang aking paningin lalo na sa umaga. Sign na pala yun na may matindi na akong sakit. Hanggang sa tuluyan ng nanlabo ang aking paningin na halos wala na akong makita dahil puro liwanag na lang ang naaaninag ko. Ang tanging solusyon lang para maibalik ang aking paningin ay cornea transplant. Gusto ng aking ama ay sa Amerika isagawa ang surgery. Ngunit mas pinili kong manatili dito sa Pilipinas. Madedepress lang ako sa Amerika. Isipin ko lang na may chance na tuluyan akong mabulag ay parang gusto ko nang bumigay.Pansamantala akong nagstay sa isang beach sa Batangas habang naghihintay ng eye donor. Pansamantala akong tumuloy sa isang condotel. Mas gusto ko ang kasimplehan nito kesa sa ibang hotel na malapit dito. Mas malapit din ito sa dagat.Nakilala ko doon ang isang lalaking nag ngangalang Lucas. Naglalako ito ng ibat ibang klaseng putahe. Napakasarap ng pagkakaluto ng mga paninda nito, mas masarap pa kesa sa luto ng cook namin sa mansion. Kaya naman naging regular nya akong customer. Magaan ang loob ko dito dahil napaka masiyahin nitong kausap. Tuwing dumarating si Lucas ay may baon itong jokes para sa akin. Ang totoo ay hindi naman nakakatawa ang mga jokes nito. Mas natatawa ako sa kung paano ito magsalita.Akala ko ay magiging payapa ang pananatili ko sa Batangas. Isang gabi ay nabulabog ako ng ingay na nanggagaling sa labas. Nagkaroon ng malaking sunog sa condotel na tinutuluyan ko. Nagising ako sa makapal na usok. Halos hindi ako makahinga. Dalawang anghel ang pumasok sa loob ng tinutuluyan ko. Oo mga anghel sila dahil iniligtas nila ang buhay ko.“Boss Drake kumapit ka po saken.” habol ang hininga ng lalaking nagsalita. Boses ni Lucas yun.“L-lucas...?” hindi na ako masyadong makapag salita dahil parang mauubusan na ako ng hininga.“Itakip nyo po ito sa ilong nyo” boses ng kasama nitong babae at inabot saken ang basang panyo.Ganun nga ang ginawa ko. Kahit paano ay nakatulong yun para hindi ko masyadong malanghap ang usok. Hindi ko na halos marinig ang boses ng mga ito dahil masama na ang aking pakiramdam. Inalalayan ako ni Lucas at ng kasama nito. Narinig ko ang malakas na kalabog. Napasubsob kaming tatlo sa sahig.“Kuya!” narinig kong humiyaw ang babae.Kahit hindi ko nakikita ay narinig ko sa kanila na nabagsakan ng isang malaking bahagi ng kisame ang mga binti ni Lucas. Naipit ito at hindi nya maigalaw.“Unahin mo na syang ilabas!” sigaw ni Lucas ngunit umiiyak na tumanggi ang babae.“Baka mamatay tayong lahat dito kung hindi ka makikinig saken!” umuubong sabi ni Lucas.Walang nagawa ang babae kundi ang alalayan ako habang walang tigil ang paghagulhol.“Aaaah!” d@ing ng babae dahil ito naman ang mabagsakan sa likod ng nagbabagang kahoy. Buti na lang at maliit lang yun kaya nakalabas pa rin sila ng pintuan. Ligtas din kaming nakalabas ng gusali. Inilalayan ako ng babae patungo sa isang wooden bench para maka-upo dahil hinang hina pa rin ako.“Dito po muna kayo. Ligtas kayo dito. Babalikan ko lang si kuya” humahagulhol pa rin ito.Halos hindi ko maintindihan ang sinasabi nya dahil namamaos na ang boses nito sa kaiiyak. Mabilis itong umalis para balikan si Lucas. Pagkaalis nito ay nawalan naman ako ng malay dahil sa dami ng usok na nalanghap ko kanina. Nagising na lang ako sa ospital. Kahit hindi malinaw ang aking paningin ay alam kong isang babae ang nakatayo sa gilid ng aking kama. Hahakbang na sana ito ngunit pinigilan ko sya.“Ikaw ba ang nagligtas sa akin?” tanong ko dito.“Ha?” anito.“Ikaw ba ang nagligtas sa akin?” muli ko syang tinanong.“O-oo.” maikling sagot ng babae.“Nasan pala si Lucas? Hindi ba binalikan mo sya? Nakaligtas ba sya?” tanong ko dito.“U-umuwi na sya.” tugon nito saken.“Wag ka munang umalis. Ano palang pangalan mo, ayus ka lang ba?” nag-aalala kong tanong dito dahil parang balisa ito.“Audrey. Audrey Anderson.” tugon nito.Doon kami unang nagkakilala ni Audrey. Napakalaki ng utang na loob ko dito dahil sa pagliligtas nya saken kaya ibinigay ko lahat ng naisin nito. Kahit na nung magpropse ito ng pag-ibig ay hindi ko sya tinanggihan. Maliit na bagay lang yun kumpara sa sakripisyong ginawa nito para sa akin.Hindi ko na alam kung anong nangyari kay Lucas. Akala ko nung una ay magkapatid sila ni Audrey dahil panay ang tawag nito ng “kuya” kay Lucas noong nagaganap ang sunog ngunit nag-iisang anak lang si Audrey. Kuya lang daw talaga ang tawag nya sa mga lalaking hindi nya kilala. Nagkasalubong lang daw sila ni Lucas noong gabing magkasunog. Ayaw ni Audrey na binabanggit ko ang tungkol sa sunog. Nagkaroon sya ng trauma at naghihisterikal ito sa tuwing napapag-usapan ang insidente sa Batangas. Kaya hindi ko na ito inungkat pa kahit napakarami ko pang gustong itanong sa kanya. Maraming bagay ang hindi pa malinaw lalo na ang misteryong pagkawala ni Lucas. Wala naman akong nabalitaang namatay sa sunog na yun. Matagal ko nang ipinapahanap si Lucas ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita tungkol dito.Naputol ang aking pagmumuni-muni ng marinig ko ang pagtunog ng telepono. Tawag yun galing sa aking sekretarya.“Hello sir…. May tawag po kayo galing sa Chairman ng Neumann University.” boses ng aking sekretaryang si Ms. Rivera.Napaisip ako kung bakit ako tatawagan ng Chairman ng school.“Why don’t you just talk to them? Just report it to me later.” sagot ko dito.“....but sir, ikaw po mismo ang gusto nilang makausap…. regarding your niece.” sagot ni Ms. Rivera. Napakunot ang aking noo.“Niece? What niece? I dont have a niece as far as I remember.” Nagtataka kong tanong dito.“Mutya daw po. Kayo daw ang naka-register na guardian nya according to Chairman Tan. Nasa Chairman's office daw yung pamangkin nyo ngayon, may nakaaway.” paliwanag ng aking sekretarya.I remember now, today is Mutya’s first day of school. Unang araw pa lang napaaway na agad ito? Napasapo ako sa aking noo. Anu bang pagkakamaling nagawa ko sa buhay ko at nagkaroon ako ng ganitong sakit sa ulo?Drave POV Nagmamadaling akong umalis para makarating agad sa school. Baka kung ano pang problemang idagdag ni Mutya sa opisina ni Chairman Tan. Napakatabil pa naman ng bibig ng bulilit na yun. Nakasalubong ko si Darren, ang Financial Manager ng aming kompanya at matalik kong kaibigan. Highschool pa lang ay magkaibigan na kami. Bukod sa pamilya ko at family lawyer ay ito lang ang nakakaalam ng tungkol kay Mutya. Malayo pa ay nakangiti na ito sa akin at may bitbit na kape. “Going somewhere?” bati nito saken. “Talk to you later.” maikli kong sagot at nilagpasan ito. Wala na akong oras makipag-usap ngayon. Nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay muli ko itong nilingon. “On the second thought…. can you come with me? I need to go to Neumann University” wika ko kay Darren. Naisip kong mabuti nang may kasama ako mamaya. Baka hindi ako makapagtimpi kay Mutya at baka kung ano pa ang magawa ko. “Anung merun? Mukhang hindi maipinta yang mukha mo?” pag-uusisa ni Darren. “Mutya caused trou
Mutya POV “Manong eto po. Keep the change” wika ko sa uber driver habang inaabot ko ang bayad sa pamasahe. Excited akong bumaba ng kotse. Andito nako ngayon sa tapat ng Neumann University. “Ang ganda!” hindi ko mapigilang mamangha sa prestisyosong paaralan na sa mga magazine ko lang nakikita. Hindi ko akalain na makakapag enroll ako dito. Dati ay naririnig ko lang ang pangalan ng school na to. Isa daw ito sa pinakasikat na school sa bansa at napakamahal daw ng tuition f*e dito. Diko alam kung magkano dahil sekratarya ni Don Antonio ang nag asikaso ng enrollment ko. Dati rati ay okay na akong makapasok sa public school. Baon at mga gamit sa school na lang ang pinoproblemahin namin ni Kuya Lucas. “Kuya Lucas sana nakikita mo ako ngayon.” usal ko. Sasamantalahin ko ang pagkakataong ibinigay sa akin. Alam ko namang pansamantala lamang ito. Hindi ako tanga. Alam kong naghihintay lang ng tamang pagkakataon si Drake na hiwalayan ako. Habang hindi pa nagyayari yun ay gagawin ko ang
Mutya POV“Your student info didn't give the specific details of your connection to Mr. Drake Rufino, but it did mention that he is your guardian. Pareho kayo ng last name so I’m assuming na magkamag-anak kayo.” panimula ni Ms. Bautista.Hindi ko alam na si Drake pala ang nakalagay na guardian ko sa aking student profile. Hindi rin nakasulat doon na mag-asawa kami.“Pamangkin nya po ako.” pagsisinungalin ko dito. Tumango tango naman si Ms. Bautista.Nasabi ko lang yun dahil nahihiya akong sabihin dito na ang bata-bata ko pa pero may asawa na ako. Maayos naman ang pakitungo ni Ms. Bautista sa akin.Nasa Chairman's office na kami ngayon. Mas malaki nang di hamak ang lugar na ito kaysa sa Guidance counselor. May ilang staff din dito at may sariling kwarto pa sa loob para sa Chairman. Nakaupo ako malapit sa pintuan ng opisina ng Chairman.Nang pumasok ako kanina dito ay hindi ako nakaramdam ng pang mamaliit mula sa mga staff na naabutan ko, hindi gaya kanina sa Guidance Counselor office. A
Mutya POV Kung kahapon ay sobrang excited ako, ngayon naman ay parang napakabigat ng aking katawan na bumangon sa aking higaan. Tinatamad kasi akong pumasok ngayon pag naiisip ko ang nangyari kahapon sa school pero nakakahiya naman kay Don Antonio kung malalaman niyang unang linggo pa lang ay umabsent na agad ako. Bigla akong kinabahan nang maalala ko ang aking biyenang lalaki. Paano pala kung malaman nya na nakipag-away ako sa first day ko sa school? Kung nakakatakot si Drake ay di hamak namang mas nakakatakot magalit si Don Antonio. Kaya kahit tinatamad ay naghanda na ako para pumasok. Bahala na mamaya. Pagka baba ko pa lang kanina sa taxi ay parang napakabigat ng aking mga paa habang naglalakad papasok sa loob ng paaralan. Hindi ko alam kung expelled na ba ako o hindi. Suot ko pa naman ngayon ang bagong uniform ko at baka ngayon na rin ang huling araw na maisususot ko ito. Hindi ko pa kasi ulit nakakausap si Drake tungkol dito. As usual ay gabi na itong umuwi kagabi. Hinintay ko s
Drake POV Hindi ko pa tapos basahin ang business proposal from Carmax Motor Co. pero kailangan ko munang ipahinga ang aking mga mata. Hinubad ko ang aking anti-glare glasses. It’s been almost 6 months since I got my surgery for eye transplant. My doctor required me not to stare at the computer screen for more than 1 hour until I’m fully recovered. Magsi-six months na pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung sino ang aking eye donor. Wala pang 1 week after nang sunog ay nagkaroon ako ng eye donor. Nais ko rin sanang ipahanap kung sino ito ngunit talagang wala akong mahagilap na impormasyon. Ilang beses na rin akong nakiusap sa aking doktor ngunit tikom ang bibig nito. Nakiusap daw ang pamilya ng eye donor na ilihim ang kanilang impormasyon. Kung tutuusin ay kaya ko namang ipabuklat ang record nila dahil pag-aari namin ang hospital kung saan ako inoperahan ngunit ang ipinagtataka ko ay wala ito sa record. Kung sino man ito ay napakalaki ng utang na loob ko sa kanya. Diyos na
Drake POV “Are you f*cking kidding me?” gulat na gulat na sabi ni Darren at muntik ng maibuga ang alak na iniinom nito. Nasa Moonlit Apple Bar kami ngayon na pag-aari ni Darren. Dito kami madalas tumambay ni simula ng ikasal ako para lang magpalipas ng oras. Most of the time ay dito na rin ako nagpapagabi. “You want me to date your wife?” hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. Maging ang bartender nito ay natawa rin nang marinig yun. 8pm pa lang pero marami rami na rin ang tao sa loob. May mga babaeng panaka nakang sumusulyap sa direksyon naming dalawa. “Just so you know, we’re far from being a typical couple.” paglilinaw ko kay sa Darren kahit pa alam na nito ang totoo. Tinaggap ko ang alak na inabot ng bartender. Kilalang kilala na ako dito kaya alam na nito kung anong gusto kong inumin. “Gaano ba kaganda yung painting at pati ako ibinenta mo?” tumatawang sabi ni Darren habang nag-eenjoy ito sa panonood sa mga babaeng sumusulyap sa amin. Yeah, we’re used to running into women wh
Mutya POV “Good morning.” Hindi na ako nagulat nang makita ko na naman ang weirdong lalaki habang naglalakad ako patungo sa aking classroom. Nasanay na akong nakikita siya tuwing umaga maliban na lang nitong mga huling araw. Ilang araw ko rin itong hindi nakita. “Himala bigla kang lumitaw.” sabi ko rito. “Bakit, namiss mo ba ako?” nakangiting sabi nito. Hindi ako sumagot. Alam ko namang nang ti-trip lang ito. Kahit gwapo ito ay hindi nya ako makukuha pagpapa-cute nya. “Ano bang pangalan mo?” Ewan ko ba kung bakit yun ang nasabi ko. Antagal ko na kasi siyang nakikita pero wala pa rin akong kaalam alam tungkol dito. “Give me a name.” “Ha?” “I said give me a name or a nickname.’ anito. ‘Kuyukot.” sagot ko naman. Narinig kong tumawa ito. Hindi ko napigilang matawa na rin dahil sa naging reaksyon niya. “Ambaho naman. Pwede bang yung mas maganda namang pakinggan. Yung parang close tayo.” Kamot nito ang ulo at alinlangang ngumiti. Lumabas ang mapuputi nitong ngipin
Mutya POV Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata ng dalawa nang sabihin kong hindi ko totoong tito si Drake kundi asawa. Ganunpaman ay hindi nila kinuwestyun ang aking sinabi dahil kita naman nila kung gaano ako kaseryoso ngayon. “Wala naman akong pakialam sa relasyon nilang dalawa pero ngayong nalaman kong niloloko nya si Drake, hindi ako papayag na magtagumpay sya.” Uminit ang aking dugo nang maaalala ang mga salitang binitawan ni Audrey kanina. Wala naman akong pakialam kung niloloko nito si Drake. Naiinis lang ako dahil grabe ito kung ipagtanggol ni Drake at ako ang palaging kontrabida. Mula ngayon ay hindi na ako papayag na pagsabihan ni Drake ng kung ano ano dahil lamang sa manggagamit nitong girlfriend. “Wait lang… paanong naging asawa mo si Drake Rufino?” naguguluhang tanong ni Kai. Ikinuwento kong nalasing kaming pareho at nang magising kami ay magkatabi na kaming dalawa ni Drake sa kama kaya pilit kaming ipinakasal ni Don Antonio. Hindi ko naman maikwento sa kanila an
Mutya POV Matapos umalis kaninang umaga ay muli na namang bumisita ngayong hapon ang pamilya ni Drake. Nadatnan sila ng pamilya ni kuya Carding na bumiyahe pa mula sa Batangas. Finally ay nakilala ng pamilya ni Drake ang mga taong parang pamilya ko na. Magiliw na inistima ni mommy Agatha ang pamilya nina Tintin. Ang don Antonio na kilala kong nakaka-intimida ay ibang iba ang ipinakita sa kanila. Nakikipagbiruan pa ito kay kuya Carding. Nagulat ako na may side palang ganun ang aking byenan. Sa kanya nga siguro nakamana si Drake. Suplado pero kung kikilalanin mo ay napakababa ng loob. Mukhang napagsabihan na si Gigi na magbehave dahil napakatahimik nito at halatang pigil na pigil sa pagsasalita. Kabalikataran naman ni Tintin na kanina pa nakatingin kay Andrew. Nakalimutan na yata nito na ako ang binibisita niya. Kapansin pansin naman na hindi kinakausap ni kuya Carding ang aking bayaw. Iwas na iwas kasi ito kay Andrew. Lumapit si Tintin sa crib at sinilip si baby Luke. Sinipat sipat
Mutya POV Buong pagmamahal kong pinagmamasdan ang aking mag-ama. Kapapanganak ko lang kagabi. Buhat buhat ni Drake ang baby namin. Titig na titig ito sa mukha ni baby habang ipinaghehele. Bawat facial expression na gagawin ng anak namin ay mangingiti si Drake at amuse na amuse sa nakikita. Bawat details ay pinagmamasdan niya. Hindi pa rin bumabalik ang memorya nito. Simula ng ikwento ko sa kanya ang tungkol kay kuya Lucas ay ilang beses ko pa yung inulit ulit na ikwento hanggang sa makabisado na niya ang bawat detalye at siniguro kong nauunawan din niya kung gaano kahalaga na dumating siya sa buhay ko. Iniligtas ko nga siya sa sunog ngunit iniligtas naman nya ako sa matinding kalungkutan ng buhay. Hindi ko alam kung anong mangyayari pag balik ng kanyang memorya. Ang mahalaga, kahit ngayon lang ay maramdaman ni Drake kung gaano kaimportante na dumating siya sa buhay namin ni kuya. Nakikita ko rin ngayon kung gaano niya kamahal ang aming anak at malaking tulong din ito upang marealiz
Mutya POV Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa opisina ni Drake ay napansin ko na agad na wala ang painting ng mga mata ni kuya Lucas. Narito kasi ako ngayon upang dalhan siya ng pagkain na niluto ko para sabay na rin kaming mag lunch. Nasa meeting pa siya at ayon sa sekretarya nito ay malapit na raw yung matapos. Naglakad lakad ako upang hanapin yung painting ko dahil baka inilipat lang ni Drake yun ng pwesto. Napaigtad ako ng biglang may yumakap sa akin. “Kanina ka pa baby ko?” malambing na wika ni Drake. Kung dati ay babe, ngayon ay baby na nya ako kung tawagin. Humarap ako sa kanya at dinampian siya ng halik sa labi. As usual, nakakaalala man o hindi.., ay hindi sapat sa kanya ang dampi lang. Binigyan niya ako ng mahaba at mainit na halik. “Nasaan yun painting ko?” tanong ko agad sa kanya pagkatapos nya akong halikan. Naglumikot ang mga mata ni Drake na parang nahuling may ginawang kasalanan. Kumalas ito sa akin at umupo sa kanyang swivel chair. Tinapunan ko lang siya ng
Drake POV Nagpapasalamat ako at reliable ang aking sekretarya. Hindi naging mahirap para sa akin na ipagpatuloy ang pagtatrabaho dahil naipaliwanag nya sa akin ng malinaw ang lahat ng mga kailangan kong malaman. “Sir, 6:30 na po, hindi pa ba kayo uuwi?” tanong ng sekretarya ko. Bahagya akong natawa rito. “Ano ako, senior citizen maagang matulog? Mauna ka na, pag-aaralan ko lang ito. ” I said sarcastically. “Baka hintayin kayo ng asawa nyo, usually 5pm umaalis na kayo, minsan mas maaga pa, sinusundo nyo siya sa school.” Parang bigla akong nabalisa dahil sa sinabi nito. Tumayo ako at inayos ang aking gamit at humakbang papalabas ng kwarto. Agad akong nagdrive papalayo ng building. While driving I begin to wonder what in the world am I doing right now? Is it because of my wife? Nah, that’s not me. That’s the lame Drake who’s obsessed with his wife. Pinihit ko ang manibela at iniba ang ruta ng aking pupuntahan. Later, I found myself at Darren’s bar. “What are you doing here?
3rd Person POVMainit nilang pinagsaluhan ang magdamag. Para kay Mutya habang tumatagal ang kanilang pagniniig ay nararamdaman niya ang pagbabalik ng kanyang asawa. Hindi man siya naaalala nito ay wala pa rin itong ipinagkaiba sa paraan kung paano siya nito angkinin.For Drake, having sěx with young wife, whom he barely knew, was a completely different experience but his body reacts to her like it recognizes her in bed. It went on all night and it was way better than anyone else he’d been with. He’s totally surprised that he can’t get enough of her.Kung ibang babae lang ito ay nagbibihis na siya sa mga oras nato and ready to leave the place pero ngayon ay siya pa itong nakayakap sa nakatalikod na hub0t hubad nitong katawan at ngayon ay himbing na himbing sa pagtulog dahil sa pagod…, dahil ilang ulit niya itong inangkin buong magdamag.“So, ito ba ang pinagdaraan ko bago ako nagka-amnesia?” tanong niya sa sarili dahil narealized niya na simula pa sa hospital hanggang ngayon, his wife h
Drake POVDali daling pinulot ni Mutya ang mga prutas at isa-isang inilagay sa loob ng basket. Lumapit si Darren upang tulungan sana ito.“You should probably head out, Darren. It's getting late.” saad ko.“Kadarating ko lang, pinapaalis mo na ako? Alas dos pa lang ng hapon.” wika ni Darren at nagpoprotestang tumingin sa akin. Sinalubong ko siya ng nagbabantang tingin. In the end, napailing na lang si Darren at makahulugang napangiti.“May amnesia ka na nga’t lahat, seloso ka pa rin.” nakangising winika nitoNapakunot ang aking noo nang maalala na ganitong ganito rin ang sinabi Andrew sa akin kanina. Palihim kong pinalapit si Darren. Humakbang nga ito papalapit ngunit ang mga mata naman ay nakamasid pa rin kay Mutya na abala pa rin sa paglimot ng mga prutas.“Gusto mong dukutin ko yang mga mata mo!” mariin kong sabi sa kaibigan ko. Napatawa lang ito at umiling iling na lumapit sa akin.“ I need a serious answer from you. Seloso ba talaga ako?” pabulong na tanong ko kay Darren. Bahagya
3rd Person POVSinabi kanina ng doktor kay Drake na may temporary amnesia ito at ang naaalala nya ay ang naganap 2 years ago pa. Kunot ang noo si Drake na nakatingin sa babaeng sinasabi nilang asawa daw niya. Sa isip isip niya ay paano mangyayari yun hindi naman siya ang tipo ng lalaking nakikipag date kahit kanino, asawa pa kaya? He's like the king of one night stands and never goes on second dates. “Seriously, is this some kind of prank? 'Cause it's not funny at all.” irritable tanong ni Drake.Nalilito si Mutya sa kung anong nagyayari sa mga oras na yun. Maging si Andrew ay nagulat din sa nadatnan ngunit madali niyang naintindihan ang nangyayari. “Ano pong nangyayari sa asawa ko?” maluha luhang tanong ni Mutya.Nilingon ni Andrew si Mutya at bumulong.“Doon muna tayo sa labas.” anito kay Mutya at tumingin sa kanyang mga magulang upang ipagpaalam na ilalabas niya muna sa pag-aalalang baka mabigla ito. Inalalayan niya si Mutya para lumabas.“Wait, if she’s my wife, why the hell a
Mutya POVNadatnan ko sina mommy Agatha at don Antonio sa silid kung saan naka confine si Drake. Ni hindi ko na nagawang batiin ang mga ito dahil nagtatakbo na ako sa tabi ni Drake. Tulog na tulog ito. Muli na namang nagpatakan ang aking mga luha ng makita ko siya. Awang awa ako sa kinahinatnan ng aking asawa. Hinalikan ko siya sa labi. Hinagod ng mga daliri ko ang kaniyang buhok at sinuklay suklay yun.Lumapit si Andrew sa akin at inabutan ako ng mauupuan. Umupo ako at agad kong hinawakan ang kamay ni Drake at hinalikan yun. Isinubsob ko ang aking ulo sa higaan nito. Walang tigil ang pagbuhos ng aking mga luha habang nakasubsob ang aking mukha sa higaan.“Andito nako babe, gumising ka na please… Kakainin pa natin yung inihanda mo.” usal ko habang nakapikit ang aking mga mata at walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha.Tahimik lang ang mga magulang ni Drake at hinayaan lang nila ako na ilabas lahat ng bigat sa loob na nararamdaman ko. Nakamasid at nakabantay lang ang mga ito sa am
Mutya POVPara akong nabingi sa narinig at biglang nanginig ang mga tuhod ko. Ni hindi ko na nga naintindihan ang iba pang sinabi ni Andrew. May mga medical term pa itong sinabi na hindi na rumehistro sa utak ko dahil nang sabihin nitong unconscious ngayon si Drake sa hospital ay parang namanhid na ang buong katawan ko.“Noon una akala ng sekretarya nya, malalim lang itong nag-iisip dahil tulala daw ito. He didn’t respond the entire time she was talking to him and she find it strange. He was awake but not responding at all, ilang minuto daw na ganun then bigla na lang siya nag collapse mabuti na lang at naka-upo siya at napasubsob lang siya sa table at hindi bumagsak sa sahig. They sent him to hospital immediately after that. Right now, he is still in an unconscious state.”Tumahimik sandali si Andrew upang siguraduhing okay lang ako. Nakita kasi niyang nanginginig ako.“Okay lang siya diba?” tanong ko na umaasa na sasabihin ni Andrew na okay lang ang asawa ko. Una unahang nagpagpat