Mutya POVThis is it! Wala na talagang urungan ito. 5pm pa lang pero sobrang ninenerbyos na ako. Paano pa kaya mamaya kapag dumating na si Drake? Ibinilin na lahat sa akin ng mga kaibigan ko ang mga dapat kong gawin ngayong gabi.Masho-shower muna ako syempre para mabango mamaya. Hindi ko na binasa ang aking buhok dahil kagagaling lang namin sa hairstylist kanina. Ang ganda pa nang pagkakablower nito. Katawan na lang ang nilisin ko. May body wash na binili para sa akin sina Jodie para siyang gamitin ko ngayon. Ang bango naman nito, amoy mayaman. Nag level-up na talaga ako, dati ay okay na ako kahit bar soap lang.Binilin ni Kai na after kong magshower ay ipahid ko daw agad ang body oil habang hindi pa totally dry ang aking katawan. Then moisturizers and body lotion na sobrang bango din, pagkatapos ay ginamit ko ang body spray na pareho ng scent ng binili naming lotion. Nagtoothbrush muna ako bago mag bihis.Ang tagal kong tinitigan ang lingerie na nasa ibabaw ng kama. Ang sexy naman ni
Drave POV“It’s almost 10. You heading home or what?” tanong sa akin ni Darren.“Meh, I don’t feel like going home for any reason.” walang gana kong sagot.As usual nandito na naman ako sa bar ni Darren. Kanina pa kami rito nagpapalipas ng oras. Isang bote lang ng beer ang ininom ko. Hindi ako pwedeng maglasing ngayon dahil magda-drive pa ako pauwi. Monday lang ngayon at may pasok pa ako bukas.“May asawa ka sa bahay mo, dapat nagpapakaligaya na kayo sa mga oras na ito.”Nakakaloko ang tawa ni Darren. Palagi ako nitong binubwisit dahil sa sitwasyon namin ni Mutya.“Hey, can you cut it out? What you’re saying is making me so uncomfortable and it’s giving me chills. I’m not a dirty old man.” asar kong sagot.Pinagtawanan lang ako ni Darren. Nawalan na tuloy ako ng gana na manatili pa rito dahil sa mga pinagsasasabi nito. His joke is seriously creeping me out, I can’t even deaL with. Narito ako para maglibang at makalimot kahit sandali sa mga problema sa trabaho ngunit mas lalo pa nitong
Drake POV Kanina ko pa hawak ang kontrata para sa bagong project ng inabot ng aking sekretarya ngunit hanggang ngayon ay ni hindi ko matapos tapos basahin kahit ang unang pahina nito. Hindi ako makapag concentrate sa trabaho. Naglalaro sa isipan ko si Mutya. Ilang buwan na ba kaming kasal…. 3 months… 4 months? Bakit ngayon ko lang sya napansin…. at bakit ngayon lang siya nagpakita? Palaisipan sa akin kung bakit biglang nag-iba ang itsura ni Mutya. She transformed completely, it was like night and day. How did she manage to change so much? She’s like a whole new person now. Naalala ko pa nung una ko siyang makita. Ilang beses ko itong nahuhuling nakatitig sa akin. Dahil hindi na bago sa akin ang tinitigan ng mga babaeng humahanga sa akin ay hindi ko na lang iyon pinansin, isa pa ay isa lang itong bata sa aking paningin ngunit hindi yun nagugustuhan ni Audrey. Yun ang dahilan kung bakit nais nitong patalsikin ko sa mansion si Mutya, hindi daw maganda ang kutob niya kay dito. Umoo n
Mutya POV Nandito na ako sa tapat ng napakagandang bahay ng magulang ni Jodie. Pinindot ko ang doorbell. Ilang sandali pa ay may nagbukas ng pintuan. Si Kai agad ang bumungad sa akin at nasa likod nito si Jodie, nakangiti na agad sa akin ang dalawa. Pagkakita ko sa kanila ay hindi ko na napigilan ang excitement na kanina ko pang nararamdaman kaya mabilis akong humakbang papasok ng bahay. “Yiiiieeee!” kilig na kilig ako habang magkahawak kamay kaming tatlo na lumulundag at tumitili na rin. Bukod sa akin ay silang dalawa ang higit na nakakaalam ng sayang nararamdaman ko ngayon. Mamayang gabi na kasi ang date namin ni Darren at dito ako pinapunta ni Joide sa bahay nila para daw maghanda para sa date namin ni Darren. Hindi ko alam kung anong binabalak nilang dalawa basta ipinagkatiwala ko na lang sa kanila ang lahat dahil hindi ko rin naman alam ang gagawin. Ilang linggo kong hinintay at pinaghandaan ito. Finally, matutuloy na ngayong gabi. Yung akala kong simpleng paghahanda ay
Mutya POV From Unknown: Answer the phone! This is your husband! Napakunot ang noo ko. “May problema ba?” takang tanong ni Darren dahil nakita nitong kumunot ang noo ko. “Wala, wrong sent lang yata.” sagot ko. Bigla na namang nag ring ang aking phone. Tumatawag na naman ang unknown number na yun. Kinansela ko ulit ang tawag. Kasunod ay nakareceived na naman ako ng text message. Asar talaga tong spam caller na to. Wrong timing! From Unknown: Answer my call Mutya. This is Drake! Napamulagat ako sa nabasa. Anong problema ng taong to at paano nito nakuha ang phone number ko? Ni hindi ko nga alam ang number nya dahil hindi naman kami nagtatawagan o text man lang tapos biglang tatawag kung kelan nasa date ako. Nagring na naman ang aking phone. Tumatawag na naman siya. Sa inis ko ay inoff ko na lang ang aking cellphone at ipinasok ko sa bag. “I don’t mind if you answer the phone….” ani Darren. “Si tito Drake.” “Why didnt you answer it?” Nagkibit balikat lang ako. Na
Mutya POV Agad akong bumaba ng sasakyan ng makarating kami sa mansion dahil bad trip pa rin ako hanggang ngayon. Nag doorbell ako ngunit wala agad nagbukas kaya naman inabutan ako ni Drake sa harap ng malaking pintuan. Nakatayo lang ito sa likuran ko. Maya maya pa’y isang may edad na kasambahay ang nagbukas ng pintuan para sa amin at agad akong pumasok. “Magandang gabi po.” magalang kong bati kay manang Alma. Kasamahan ko siya dati nung katulong pa lang ako dito sa mansion na napakabait sa akin. Binati din ako nito ganun din si Drake na kasunod kong pumasok. Natanaw ko si mommy Agatha na papalapit sa amin kaya mabilis akong lumapit dito at yumakap. Gumanti ito ng yakap sa akin. “Oh, napasugod kayong mag-asawa?” takang tanong nito. Napaisip ako sa sinabi nito. Akala ko ba pinapupunta nila kami dito ngayon? Buong pagtataka kong nilingon ko si Drake. “Since you've been inviting us over for dinner, I thought it would be nice to come tonight.” malamig nitong sagot at nilagpasa
Mutya POVKatatapos ko lang magluto ng pagkain na dadalhin ko mamaya para sa lunch ni Darren. Isinalin ko na agad sa isang 3 tier insulated lunchbox ang adobo, kanin at chopsuey habang mainit pa. Noong buhay pa si kuya Lucas ay ito ang kaniyang mga inilalako. Natutunan namin ang ganun hanapbuhay mula sa aking ina bago siya mamatay. Habang lumalaki ako ay natututo na rin ako kung paano magluto dahil sa pagtulong tulong ko sa kanya. Nang mawala si inay ay ipinagpatuloy pa rin namin ni kuya Lucas ang paglalako ng mga lutong pagkain. Kapag wala naman akong pasok ay ako ang nagluluto ng mga paninda ni kuya. Kaya naman confident ako na magugustuhan ni Darren ang niluto ko para sa kanya. Ewan ko lang kung hindi siya mainlove sa killer adobo ko.Nang matapos akong magluto ay naligo at naghanda ako sa aking pag-alis. Matapos patuyuin ay ipinusod ko ang aking buhok, konting face powder at nagapply ako ng pink lip gloss. Slim fit washed denim jeans with white sneakers at tinernuhan ng plain whit
Mutya POVDahil inubos ni Drake ang niluto kong lunch ay nag-alok si Darren na kumain na lang daw kami sa labas na ikinatuwa ko naman dahil magkakaroon pa kami ng chance na magkausap ng mas matagal. Dinala nya ako sa katabing gusali kung saan naroon ang restaurant na sinasabi nitong paborito nilang puntahan ni Drake. Doon daw silang dalawa palaging kumakain ng lunch.“Order whatever you want, it’s on me” ani Darren habang inaabot niya sa akin ang menu. Binasa ko ang nakasulat doon.“Mango smoothie na lang and Fries busog pa kasi ako.”Yun lang ang inorder ko dahil kumain na kasi ako bago umalis kaya busog pa rin ako hanggang ngayon. Tinawag ni Darren ang waiter at umorder ito ng pagkain namin.“Salamat dito ha….. Nanlibre ka tuloy ng wala sa oras.” nahihiya kong sabi sa kanya dahil napasubo na naman ito nang dahil sa akin.“Okay lang marami pa namang ibang pagkakataon para matikman ko ang mga luto mo.”Humanga ako kung gaano kahinahon magsalita si Darren, samantalang ako naman ay madal
Mutya POV Matapos umalis kaninang umaga ay muli na namang bumisita ngayong hapon ang pamilya ni Drake. Nadatnan sila ng pamilya ni kuya Carding na bumiyahe pa mula sa Batangas. Finally ay nakilala ng pamilya ni Drake ang mga taong parang pamilya ko na. Magiliw na inistima ni mommy Agatha ang pamilya nina Tintin. Ang don Antonio na kilala kong nakaka-intimida ay ibang iba ang ipinakita sa kanila. Nakikipagbiruan pa ito kay kuya Carding. Nagulat ako na may side palang ganun ang aking byenan. Sa kanya nga siguro nakamana si Drake. Suplado pero kung kikilalanin mo ay napakababa ng loob. Mukhang napagsabihan na si Gigi na magbehave dahil napakatahimik nito at halatang pigil na pigil sa pagsasalita. Kabalikataran naman ni Tintin na kanina pa nakatingin kay Andrew. Nakalimutan na yata nito na ako ang binibisita niya. Kapansin pansin naman na hindi kinakausap ni kuya Carding ang aking bayaw. Iwas na iwas kasi ito kay Andrew. Lumapit si Tintin sa crib at sinilip si baby Luke. Sinipat sipat
Mutya POV Buong pagmamahal kong pinagmamasdan ang aking mag-ama. Kapapanganak ko lang kagabi. Buhat buhat ni Drake ang baby namin. Titig na titig ito sa mukha ni baby habang ipinaghehele. Bawat facial expression na gagawin ng anak namin ay mangingiti si Drake at amuse na amuse sa nakikita. Bawat details ay pinagmamasdan niya. Hindi pa rin bumabalik ang memorya nito. Simula ng ikwento ko sa kanya ang tungkol kay kuya Lucas ay ilang beses ko pa yung inulit ulit na ikwento hanggang sa makabisado na niya ang bawat detalye at siniguro kong nauunawan din niya kung gaano kahalaga na dumating siya sa buhay ko. Iniligtas ko nga siya sa sunog ngunit iniligtas naman nya ako sa matinding kalungkutan ng buhay. Hindi ko alam kung anong mangyayari pag balik ng kanyang memorya. Ang mahalaga, kahit ngayon lang ay maramdaman ni Drake kung gaano kaimportante na dumating siya sa buhay namin ni kuya. Nakikita ko rin ngayon kung gaano niya kamahal ang aming anak at malaking tulong din ito upang marealiz
Mutya POV Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa opisina ni Drake ay napansin ko na agad na wala ang painting ng mga mata ni kuya Lucas. Narito kasi ako ngayon upang dalhan siya ng pagkain na niluto ko para sabay na rin kaming mag lunch. Nasa meeting pa siya at ayon sa sekretarya nito ay malapit na raw yung matapos. Naglakad lakad ako upang hanapin yung painting ko dahil baka inilipat lang ni Drake yun ng pwesto. Napaigtad ako ng biglang may yumakap sa akin. “Kanina ka pa baby ko?” malambing na wika ni Drake. Kung dati ay babe, ngayon ay baby na nya ako kung tawagin. Humarap ako sa kanya at dinampian siya ng halik sa labi. As usual, nakakaalala man o hindi.., ay hindi sapat sa kanya ang dampi lang. Binigyan niya ako ng mahaba at mainit na halik. “Nasaan yun painting ko?” tanong ko agad sa kanya pagkatapos nya akong halikan. Naglumikot ang mga mata ni Drake na parang nahuling may ginawang kasalanan. Kumalas ito sa akin at umupo sa kanyang swivel chair. Tinapunan ko lang siya ng
Drake POV Nagpapasalamat ako at reliable ang aking sekretarya. Hindi naging mahirap para sa akin na ipagpatuloy ang pagtatrabaho dahil naipaliwanag nya sa akin ng malinaw ang lahat ng mga kailangan kong malaman. “Sir, 6:30 na po, hindi pa ba kayo uuwi?” tanong ng sekretarya ko. Bahagya akong natawa rito. “Ano ako, senior citizen maagang matulog? Mauna ka na, pag-aaralan ko lang ito. ” I said sarcastically. “Baka hintayin kayo ng asawa nyo, usually 5pm umaalis na kayo, minsan mas maaga pa, sinusundo nyo siya sa school.” Parang bigla akong nabalisa dahil sa sinabi nito. Tumayo ako at inayos ang aking gamit at humakbang papalabas ng kwarto. Agad akong nagdrive papalayo ng building. While driving I begin to wonder what in the world am I doing right now? Is it because of my wife? Nah, that’s not me. That’s the lame Drake who’s obsessed with his wife. Pinihit ko ang manibela at iniba ang ruta ng aking pupuntahan. Later, I found myself at Darren’s bar. “What are you doing here?
3rd Person POV Mainit nilang pinagsaluhan ang magdamag. Para kay Mutya habang tumatagal ang kanilang pagniniig ay nararamdaman niya ang pagbabalik ng kanyang asawa. Hindi man siya naaalala nito ay wala pa rin itong ipinagkaiba sa paraan kung paano siya nito angkinin. For Drake, having sěx with young wife, whom he barely knew, was a completely different experience but his body reacts to her like it recognizes her in bed. It went on all night and it was way better than anyone else he’d been with. He’s totally surprised that he can’t get enough of her. Kung ibang babae lang ito ay nagbibihis na siya sa mga oras nato and ready to leave the place pero ngayon ay siya pa itong nakayakap sa nakatalikod na hub0t hubad nitong katawan at ngayon ay himbing na himbing sa pagtulog dahil sa pagod…, dahil ilang ulit niya itong inangkin buong magdamag. “So, ito ba ang pinagdaraan ko bago ako nagka-amnesia?” tanong niya sa sarili dahil narealized niya na simula pa sa hospital hanggang ngayon, his wi
Drake POV Dali daling pinulot ni Mutya ang mga prutas at isa-isang inilagay sa loob ng basket. Lumapit si Darren upang tulungan sana ito. “You should probably head out, Darren. It's getting late.” saad ko. “Kadarating ko lang, pinapaalis mo na ako? Alas dos pa lang ng hapon.” wika ni Darren at nagpoprotestang tumingin sa akin. Sinalubong ko siya ng nagbabantang tingin. In the end, napailing na lang si Darren at makahulugang napangiti. “May amnesia ka na nga’t lahat, seloso ka pa rin.” nakangising winika nito Napakunot ang aking noo nang maalala na ganitong ganito rin ang sinabi Andrew sa akin kanina. Palihim kong pinalapit si Darren. Humakbang nga ito papalapit ngunit ang mga mata naman ay nakamasid pa rin kay Mutya na abala pa rin sa paglimot ng mga prutas. “Gusto mong dukutin ko yang mga mata mo!” mariin kong sabi sa kaibigan ko. Napatawa lang ito at umiling iling na lumapit sa akin. “ I need a serious answer from you. Seloso ba talaga ako?” pabulong na tanong ko kay Darren. B
3rd Person POVSinabi kanina ng doktor kay Drake na may temporary amnesia ito at ang naaalala nya ay ang naganap 2 years ago pa. Kunot ang noo si Drake na nakatingin sa babaeng sinasabi nilang asawa daw niya. Sa isip isip niya ay paano mangyayari yun hindi naman siya ang tipo ng lalaking nakikipag date kahit kanino, asawa pa kaya? He's like the king of one night stands and never goes on second dates. “Seriously, is this some kind of prank? 'Cause it's not funny at all.” irritable tanong ni Drake.Nalilito si Mutya sa kung anong nagyayari sa mga oras na yun. Maging si Andrew ay nagulat din sa nadatnan ngunit madali niyang naintindihan ang nangyayari. “Ano pong nangyayari sa asawa ko?” maluha luhang tanong ni Mutya.Nilingon ni Andrew si Mutya at bumulong.“Doon muna tayo sa labas.” anito kay Mutya at tumingin sa kanyang mga magulang upang ipagpaalam na ilalabas niya muna sa pag-aalalang baka mabigla ito. Inalalayan niya si Mutya para lumabas.“Wait, if she’s my wife, why the hell a
Mutya POVNadatnan ko sina mommy Agatha at don Antonio sa silid kung saan naka confine si Drake. Ni hindi ko na nagawang batiin ang mga ito dahil nagtatakbo na ako sa tabi ni Drake. Tulog na tulog ito. Muli na namang nagpatakan ang aking mga luha ng makita ko siya. Awang awa ako sa kinahinatnan ng aking asawa. Hinalikan ko siya sa labi. Hinagod ng mga daliri ko ang kaniyang buhok at sinuklay suklay yun.Lumapit si Andrew sa akin at inabutan ako ng mauupuan. Umupo ako at agad kong hinawakan ang kamay ni Drake at hinalikan yun. Isinubsob ko ang aking ulo sa higaan nito. Walang tigil ang pagbuhos ng aking mga luha habang nakasubsob ang aking mukha sa higaan.“Andito nako babe, gumising ka na please… Kakainin pa natin yung inihanda mo.” usal ko habang nakapikit ang aking mga mata at walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha.Tahimik lang ang mga magulang ni Drake at hinayaan lang nila ako na ilabas lahat ng bigat sa loob na nararamdaman ko. Nakamasid at nakabantay lang ang mga ito sa am
Mutya POVPara akong nabingi sa narinig at biglang nanginig ang mga tuhod ko. Ni hindi ko na nga naintindihan ang iba pang sinabi ni Andrew. May mga medical term pa itong sinabi na hindi na rumehistro sa utak ko dahil nang sabihin nitong unconscious ngayon si Drake sa hospital ay parang namanhid na ang buong katawan ko.“Noon una akala ng sekretarya nya, malalim lang itong nag-iisip dahil tulala daw ito. He didn’t respond the entire time she was talking to him and she find it strange. He was awake but not responding at all, ilang minuto daw na ganun then bigla na lang siya nag collapse mabuti na lang at naka-upo siya at napasubsob lang siya sa table at hindi bumagsak sa sahig. They sent him to hospital immediately after that. Right now, he is still in an unconscious state.”Tumahimik sandali si Andrew upang siguraduhing okay lang ako. Nakita kasi niyang nanginginig ako.“Okay lang siya diba?” tanong ko na umaasa na sasabihin ni Andrew na okay lang ang asawa ko. Una unahang nagpagpat