HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)

HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)

last updateLast Updated : 2022-10-23
By:  Jewiljen  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
34 ratings. 34 reviews
84Chapters
63.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Bata pa lang ay alam na nilang ipinagkasundo silang dalawa ni Sky. Pareho na nilang tanggap iyon. Ang musmos na puso niya ay hindi na makapaghintay na dumating ang araw na siya'y magiging ganap na Mrs. Razon. Ngunit nagbago ang lahat nang umeksena sa buhay nila ang pinsan niyang si Audrey. Pinapayagan ng mga magulang nila ang makipagrelasyon muna sa iba hangga't hindi pa dumating ang takdang araw na iaanunsiyo ang pormal nilang engagement. Pilit na itinatago ng dalawa ang relasyon nila pero alam na alam ng puso niya ang katotohanan. Wala rin naman siyang karapatang pigilan iyon kahit nasasaktan na siya. Naganap pa rin ang kasal nila ni Sky kahit pa nga alam niyang may iba itong mahal. Nagrebelde ang batang puso niya na naging dahilan ng paglayo ni Sky ng pitong taon. Sa pagbabalik nito ay nagulat na lang siya nang ianunsiyo ng asawa ang nalalapit na kasal nito sa first love nitong si Audrey. Paano nga ba niya hahadlangan iyon gayong nalaman na lang niyang peke pala ang kasal nila? Dala-dala niya ang apelyido nito sa loob ng ilang taon kahit wala naman pala siyang karapatang tawaging Mrs. Braillene Razon.

View More

Latest chapter

Free Preview

KABANATA 1

Matagal na tinitigan niya ang sarili sa salamin. Kanina pa siya nakapagbihis at ready nang pumunta sa party pero hindi maalis-alis ang kaba sa dibdib niya.Ilang taon na nga ba mula nang huli niyang nakita si Sky?Wala siyang natanggap na imbitasyon para dumalo sa welcome party ng lalaki pero pupunta pa rin siya. Sa katunayan, mula nang malaman niyang babalik na ito sa Pilipinas ay inihanda na niya ang sarili sa araw na iyon.Hindi naman siguro siya pagbabawalang pumunta kahit hindi imbitado. After all, siya pa rin si Mrs. Braillene Dominique Razon.Pitong taon na ang lumipas nang lumipad patungong Europe ang asawa niya. Sa pitong taong iyon ay wala naman siyang natanggap na na kung anuman mula rito para ipawalang bisa ang kasal nila.Alam niyang kasalanan niya ang lahat. Lagi niyang idinidikdik sa utak na bata pa siya nang mga panahong iyon. Ngayon ay nag-mature na siya. Ilang beses na niya sanang napagdesisyunang sundan ang lalaki sa Europe pero natatalo siya lagi ng hiya at kaba. H

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Lie Rasay Lozada
ang ganda ng story. nong una naiinip ako pero habang tumatagal naeexcite ako
2024-05-17 00:59:36
1
user avatar
Marissa Quisalan
ang gaganda talaga ng mga stories mo miss author.. sana gawa ka din po ng mga forbidden stories at age gap, yung mas matanda ang girl kaysa boy ... ang gaganda kase ng pagkasulat nyo po ...
2024-04-27 12:03:55
2
user avatar
Maria Magdalena La
nice and I am so excited about the other side of the story
2023-04-30 17:15:31
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful atory
2022-11-20 06:26:46
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-11-14 01:51:37
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-11-14 01:51:15
1
user avatar
Cimpe Magnolia
Ang ganda ng story... Thanks Ms.A.
2022-10-14 19:58:49
2
default avatar
ma.carmelia.arcega
Super ganda ng story na to... kaya tara ng bsahin...
2022-10-11 20:34:05
1
user avatar
Mhariel Co
Araw Araw ko inaabangan to ... super Ganda
2022-10-10 15:49:57
1
user avatar
Irish Molde
another lovely story..thank's author
2022-10-03 22:15:32
2
user avatar
Tata
Not so interested at first but when I went through reading it, sobrang ganda!
2022-10-01 15:04:55
2
user avatar
Tata
The best story in time...
2022-09-30 10:56:57
2
user avatar
Tata
A masterpiece! Basta gawa nya, super sulit!
2022-09-27 15:59:04
3
user avatar
Rhealyn Valdez
Maganda is not enough to describe this story ... it's a masterpiece
2022-09-22 08:24:05
6
user avatar
Rhealyn Valdez
this is a highly recommended book that gives you excitement everytime you read it.
2022-09-22 08:21:38
4
  • 1
  • 2
  • 3
84 Chapters

KABANATA 1

Matagal na tinitigan niya ang sarili sa salamin. Kanina pa siya nakapagbihis at ready nang pumunta sa party pero hindi maalis-alis ang kaba sa dibdib niya.Ilang taon na nga ba mula nang huli niyang nakita si Sky?Wala siyang natanggap na imbitasyon para dumalo sa welcome party ng lalaki pero pupunta pa rin siya. Sa katunayan, mula nang malaman niyang babalik na ito sa Pilipinas ay inihanda na niya ang sarili sa araw na iyon.Hindi naman siguro siya pagbabawalang pumunta kahit hindi imbitado. After all, siya pa rin si Mrs. Braillene Dominique Razon.Pitong taon na ang lumipas nang lumipad patungong Europe ang asawa niya. Sa pitong taong iyon ay wala naman siyang natanggap na na kung anuman mula rito para ipawalang bisa ang kasal nila.Alam niyang kasalanan niya ang lahat. Lagi niyang idinidikdik sa utak na bata pa siya nang mga panahong iyon. Ngayon ay nag-mature na siya. Ilang beses na niya sanang napagdesisyunang sundan ang lalaki sa Europe pero natatalo siya lagi ng hiya at kaba. H
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

KABANATA 2

Buong pagmamahal na sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ng lalaki. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Gusto niyang umiyak at tumawa sa magkahalong lungkot at tuwa. Hindi iilang beses niyang pinapangarap na dumating ang araw na masisilayan niya muli ang mukha ng lalaking itinitibok pa rin ng puso niya. Hindi iyon nabago kailanman ng pitong taong pagkakawalay nito sa kanya.Maya-maya ay pumunta ang lalaki sa gitna at nagsalita gamit ang mic."Thank you all for coming. Ito ang pinakamagandang salubong ninyo sa akin sa pagbabalik ko dito sa Pilipinas. Please enjoy the night. I'll do my best para mapuntahan kayo isa-isa," pagkasabi no'n ay umalis na nga ito agad sa maliit na stage sa gitna.Nagsimula nang mag-serve ng mga pagkain ang mga waiters at nakita nga niya nang puntahan ni Sky ang bawat mesa para mangumusta.Tumayo siya para pumunta ng restroom bago pa siya makita ng lalaki.Kabisado pa rin naman niya ang bawat sulok ng bahay ni Sky. Sa katunay
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

KABANATA 3

"Why are you here, Braille?" Malamig na malamig din ang boses nito habang nakatingin sa kanya na parang walang emosyon."O-of course, asawa mo ako kaya't andito ako. Bakit ka ikakasal kay Audrey? Kasal tayo. Kaninong anak iyong karga niya kanina? Sa inyo ba iyon? Hindi ka ba natatakot na baka kasuhan ko kayo dahil may anak kayo kahit kasal tayo?" Nagsisimula nang gumaralgal ang boses niya sa sunud-sunod na tanong na iyon.Hindi ito umimik habang patuloy lang na nakatingin sa kanya."Ilang beses kitang sinubukang tawagan. Sinulatan din kita, Sky. Kung binasa mo lang ang kahit isa man sa sulat ko, maliliwanagan ka sana. I'm sorry kahit alam kong pitong taon na ang lumipas. Gusto kong ipaliwanag ang lahat para maayos natin ang relasyon natin bilang mag-asawa," umiiyak na siya habang sinasabi iyon."You were never my wife.""I know, Sky. Andami kong pagkukulang bilang asawa mo noon. I was too young and really stupid and-""Our marriage is fake."Natigilan siya sa narinig. Gusto pang ipros
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

KABANATA 4

A FEW YEARS AGO...Kanina pa siya titig na titig sa binatilyong nakaupo sa sofa nila katabi ng Mama nito. Kilala niya ang ina ng lalaki dahil kaibigang matalik iyon ng mommy niya at lagi niyang nakikitang bumibisita sa bahay nila kasama ang anak nitong si Ara na isang taong gulang.Napakunot-noo siya dahil ngayon lang niya nakita ang anak nitong lalaki na tahimik na nakaupo lang sa tabi. "Malaki na pala talaga itong si Sky. Binatilyo na nga at napakagwapo. Dati-rati ay siya iyong bitbit mo kapag napapadpad ka rito. Nasaan nga pala si baby Ara?" nakangiting tanong ng Mommy niya sa Tita Janese niya na kaibigang matalik ng ina."Kanino pa ba naman magmamana kundi sa Mama niya," nakatawang sagot ng babae habang inaakbayan na ang anak nito.Nakita niyang napatingin na rin sa Mommy niya ang binatilyo at kiming ngumiti."Kararating nga lang ng mga parents ni Samuel from Europe kaya't hiniram muna saglit si Ara. Mabuti na nga lang at sumama na pag-uwi itong anak kong si Sky. Minsan nagtatampo
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

KABANATA 5

Fourteenth birthday niya at excited siya habang naghihintay ng oras. Alam niya kasing bisita nila uli ang buong pamilya ni Sky. Actually, lagi naman ito sa kanila kapag weekends. Hindi niya alam kung talagang tinotoo ng mga magulang nila ang sinasabing paglapitin na silang dalawa habang bata pa sila.Napangiti uli siya nang maalala ang kasunduan sa pagitan nilang dalawa ng binata. Apat na taon na lang at magiging eighteen na siya. Parang gusto niya tuloy humiyaw sa sobrang kilig. Apat na taon na lang at magiging Mrs. Braillene Dominique Razon na siya!Hindi naman siguro siya sobrang bata na para kay Sky sa edad niya ngayon. Nineteen na si Sky at siya ay fourteen. Baka naman pwede na rin siyang gawing girlfriend na ni Sky. Gusto niya naman kasing maranasan maging girlfriend muna nito bago maging asawa.Gusto niyang maranasan na i-date ng lalaki saka ipapakilala sa mga kaibigan nito. Itanong niya kaya sa ina if pwede bang maging sila na ni Sky. Napahagikgik siya sa naisip.Agad na tini
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

KABANATA 6

Busy sa kusina ang mommy niya pati na rin ang Tita Janese niya. Ang mga ama naman nila ay nasa veranda at nag-uusap na. Sigurado siyang tungkol na naman sa negosyo ang paksa ng mga ito. Si Ara na batang kapatid ni Sky ay karga-karga naman ng yaya nito."Sa labas tayo, Sky!" Agad na hinila niya ang isang kamay nito para akayin papunta sa kwadra ng mga kabayo.Excited siyang ipakita rito ang bagong kabayo niya na regalo ng ama. Kulay itim iyon at kanina lang din niya nakita. Halos sampu na yata ang mga kabayong alaga nila dahil mahilig din ang ama niya sa kabayo. Sa katunayan, ang ama niya ang nagturo sa kanya mula pa pagkabata kung paano sumakay ng kabayo. Ang mommy niya lang ang palaging sumasaway sa kanyang mangabayong mag-isa dahil natatakot itong mahulog siya. Alam niyang may alaga ring kabayo si Sky sa bahay ng mga ito. Katulad ng sa kanila ay may malaking hacienda rin ang mga magulang nito na may iba't-ibang klase ng mga hayop. Halos isang oras din ang layo ng bahay ng mga ito
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

KABANATA 7

Nagkibit-balikat lamang siya na ibinaling na sa ibang direksiyon ang mga mata. Baka kasi makahalata ito na masama ang loob niya dahil hindi ito nag-deny man lang.Narinig niya kasi nang minsang itsinismis ng yaya ng kapatid nitong si Ara ang tungkol sa bagong girlfriend ni Sky sa isa nilang katulong.Sa katunayan, sa yaya ni Ara niya laging nalalaman ang mga naging girlfriends ni Sky."Hindi mo na ba mabilang kung pang-ilan siya?" Kunwari ay hindi siya apektado sa pagkakaroon nito ng girlfriend. Nanatiling nakatuon ang mga mata niya sa ilog habang pumupulot ng maliit na bato para itapon sa tubig.Imbes na sagutin siya ay tawa lang ang itinugon nito. Inis na ibinaling niya uli ang tingin sa binata."Lahat na lang ba ay idadaan mo sa tawa? Mahirap ba namang sagutin iyon?" Salubong ang mga kilay niya habang nakatitig sa mukha nito."Woah!" Nagulat ito sa outburst niya at natatawa pa rin naman habang itinaas ang dalawang kamay sa harap niya.Umirap siya rito bago nagsalitang muli."You kn
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

KABANATA 8

Sinalubong sila ng isang tauhan nila sa hacienda para ito na ang magbalik kay Atlas sa kwadra.Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya habang pabalik na sila ng bahay. Sinadya pa talaga niyang dumikit kay Sky habang naglalakad sila.Nag-init pa ang mga pisngi niya nang hindi sinasadyang mabangga ng kamay niya ang isang kamay nito.Muntik na siyang tumigil sa paglakad nang may sumalubong na babae sa kanila."Sky! Lumiban talaga ako sa practice namin dahil alam kong dadalo ka sa birthday ni Braille." Isang segundo lang siyang binalingan ni Hulyanah na may kasamang taas pa ng kilay.Napalis ang ngiti sa mga labi niya at awtomatikong tumaas din ang kilay.Si Hulyanah ay twenty years old na anak ng isa sa mga katiwala nila sa hacienda. Tumigil na ito sa pag-aaral nang maging vocalist ito ng isang banda.Kahit saan-saan napapadpad ang banda nito lalo na kapag may mga piyesta.Kinuha ba ng mga magulang niya ang banda ng babae para mag-perform sa birthday niya? Hindi na niya napigilan ang sa
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

KABANATA 9

Gusto niya tuloy bumalik sa loob ng kwarto at magkulong. Bago pa niya maisipang gawin iyon ay nilapitan na siya ni Sky.Nakangiting inakbayan siya nito na ikinatigas ng mga balikat niya. Kahit nakangiti ito ay parang dama pa rin niya ang kaseryosohan sa ekspresyon ng mukha nito."So, ako pala ang pinakauna sa listahan?" Tanong nito na nakatingin pa rin sa mukha niya habang nananatili ang isang braso sa balikat niya."H-huh?" Parang lutang na tanong niya.He chuckled at para bang nag-aalangan kung dudugtungan ba ang sinabi."Your "crushes" list. Sabi mo pupunuin mo iyon ngayon."Biglang nawala ang awkwardness niya sa narinig. Napalitan uli iyon ng inis.Gusto ba talaga nitong magbilang siya ng mga lalaki? Kahit pa nga sabihing crush lang naman. Hindi ba pwedeng maging one-man woman na kahit crush pa lang?Inis na inalis niya ang pagkakaakbay nito sa kanya. Nagmartsa na siya palayo para bumaba na. Humabol naman agad ito saka nakatawang umakbay uli sa kanya."Don't worry. Tutulungan kita
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

KABANATA 10

Lumakas ang palakpakan nang nasa itaas na sila ng stage. Sinalubong sila ni Hulyanah sa itaas.Bahagya itong napasimangot nang mapatitig nang matagal sa magkahawak nilang kamay ni Sky. Agad din namang ngumiti ito nang ibaling ang mga mata sa mukha ng lalaki."Salamat sa paghatid sa birthday girl natin, Sky. Ngayon, ibibigay ko na ang mic kay Braillene at ihanda na natin ang ating mga tenga sa maganda niyang boses!" Anunsiyo uli ni Hulyanah na muntik pang matawa sa huling sinabi nito."Braille, kaya mo iyan!" Magkapanabay na sigaw ng mga kaibigan niya na ngayon ay nasa pinakaharapan sa ibaba ng stage.Nang mapatingin siya sa mga ito ay nakita niya ang nanunuksong mga tingin ng tatlo. Alam ng mga itong patay na patay siya kay Sky.Nanginginig pa yata ang mga kamay niya nang kunin ang inabot na mic ni Hulyanah. Ang laki ng ngiti nito nang bumulong sa kanya."Good luck. Huwag naman sanang umulan pagkatapos mong kumanta, noh?"Muntik na niya itong bigyan ng malalim na irap."Ano'ng kakanta
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
DMCA.com Protection Status