Share

HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)
HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)
Author: Jewiljen

KABANATA 1

Author: Jewiljen
last update Huling Na-update: 2022-07-27 15:57:21

Matagal na tinitigan niya ang sarili sa salamin. Kanina pa siya nakapagbihis at ready nang pumunta sa party pero hindi maalis-alis ang kaba sa dibdib niya.

Ilang taon na nga ba mula nang huli niyang nakita si Sky?

Wala siyang natanggap na imbitasyon para dumalo sa welcome party ng lalaki pero pupunta pa rin siya. Sa katunayan, mula nang malaman niyang babalik na ito sa Pilipinas ay inihanda na niya ang sarili sa araw na iyon.

Hindi naman siguro siya pagbabawalang pumunta kahit hindi imbitado. After all, siya pa rin si Mrs. Braillene Dominique Razon.

Pitong taon na ang lumipas nang lumipad patungong Europe ang asawa niya. Sa pitong taong iyon ay wala naman siyang natanggap na na kung anuman mula rito para ipawalang bisa ang kasal nila.

Alam niyang kasalanan niya ang lahat. Lagi niyang idinidikdik sa utak na bata pa siya nang mga panahong iyon. Ngayon ay nag-mature na siya. Ilang beses na niya sanang napagdesisyunang sundan ang lalaki sa Europe pero natatalo siya lagi ng hiya at kaba. Hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Sinubukan niyang sulatan ito pero laging bumabalik ang mga sulat niya sa kanya nang hindi man lang nabubuksan.

Siguro naman ay sapat na ang pitong taong hinayaan niya ito. Sana naman ay mapatawad na siya ng asawa niya.

Hindi niya ipinaalam sa mga magulang na dadalo siya. Alam niyang pipigilan lang siya ng mga ito. Hindi kaila sa lahat ang dahilan ng paglayo ni Sky. Huminga pa siya nang malalim saka pinatatag ang sarili.

Buo na ang desisyon niyang ayusin ang kasal nila. Nakahanda siyang gawin ang lahat sa abot ng makakaya niya bumalik lang sila sa dati.

Alam niyang kanina pa pumunta sa bahay ni Sky ang mga magulang. Malapit na malapit ang pamilya nila sa pamilya ni Sky. Kaya nga napagkasunduan ng mga ito ang kasal nilang dalawa mula nang ipinanganak siya. Lumaki siya na nakatatak na sa utak na balang araw ay ikakasal sila ng lalaki.

Si Sky ay matanda sa kanya ng limang taon. Wala naman sanang problema ang lahat dahil pareho nilang tanggap na sa sarili ang nakatakdang kasal kahit no'ng mga bata pa sila. Nagbago lang iyon nang kupkupin ng mga magulang niya ang naulilang pinsan niyang si Audrey.

Natigilan na naman siya. Wala na rin siyang balita sa pinsan niyang iyon mula nang...

Ipinilig niya ang ulo at ayaw niyang isipin ang mga bagay na makakapagpahina lang ng loob niya. Sinipat niya ang suot na wedding ring. Never niya iyong inalis sa daliri niya. Iyon kasi ang isang bagay na nakakapagbigay ng lakas sa kanya.

Kasal siya kay Sky. Hindi siya mawawalan ng pag-asang ipaglaban ang kasal nila hangga't hindi naman gumagawa ng hakbang ang lalaki na maalis ang karapatan niya rito bilang asawa.

Kung tutuusin ay ibang-iba na ang hitsura niya sa dating Braillene na pinakasalan nito. Kaka-eighteen lang niya noon nang ikasal silang dalawa gaya ng orihinal na napagkasunduan ng kanilang mga pamilya. Napangiti pa siya nang mapakla nang maalala ang gabi bago ang nakatakdang kasal nila.

Lumayas siya sa mismong gabing iyon. Ayaw niyang matuloy ang kasal nilang dalawa dahil nagrerebelde ang puso niya. Saka naman bumalik sa alaala niya ang inosente at magandang mukha ng pinsang si Audrey.

Hindi niya alam kung paanong nakarating kay Sky ang paglayas niya dahil natunton siya nito. Natuloy nga ang kasal nilang dalawa na hindi dinaluhan ni Audrey at alam niya kung bakit.

' Ako ang pinakasalan ni Sky. Ako ang may karapatan sa kanya,' taas-noong paalala niya sa sarili.

Nakaputing damit siya na lagpas tuhod ang haba. Kumikinang iyon kapag natatamaan ng ilaw. Pwede na iyong pumasang bridal gown kung susuotan niya pa iyon ng veil sa ulo.

Nakatira pa rin siya sa bahay na ipinatayo ni Sky para sa kanilang dalawa. Hindi siya bumalik sa kanila kahit ilang taon na itong hindi nagpaparamdam sa kanya. Wala siyang makapang galit para sa lalaki sa ginawa nitong pag-alis.

Kasalanan niya ang lahat.

Lumabas na siya ng kwarto bitbit ang maliit na purse bago pa magbago ang isip niya. Nakita niyang nakatayo na sa harap ng kotse ang matandang driver na si Mang Johnny. Pinagbuksan agad siya nito nang makita siya.

"Sa bahay po tayo ni Sky, Mang Johnny."

Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ng matanda. Hindi siguro nito alam na bumalik na ng bansa ang dati nitong amo. Ngumiti lang siya nang tipid dito.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang nasa biyahe. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Sky kapag nakita siya?

Mahigpit ang kapit niya sa hawak na purse na parang doon umaamot ng lakas. Nakita niya ang maraming sasakyang nakaparada sa labas ng malaking bahay ni Sky. Bahay iyon ng asawa niya bago pa man sila ikinasal. Diyata't marami itong inimbitahang bisita at hindi man lang siya nasali sa mga inimbitahan nito?

Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ni Mang Johnny nang ihinto nito ang sasakyan. Sumasabay na siya sa mga panauhing papasok na rin sa gate. May mga bitbit itong mga sobre na ibinibigay sa isang guard na nasa bungad ng gate.

"W-wala akong invitation card," agad na sabi niya nang siya na ang nakatayo sa harap ng guard.

"Pangalan po?" magalang na tanong nito na kinuha ang isang logbook na may mga nakalistang mga pangalan.

"Braillene. Braillene Razon."

Nagtatakang napatingin ang guard sa kanya.

"Kamag-anak ninyo po si Mr. Razon?"

Naiilang na napapatingin pa siya sa ibang bisita na nasa likuran niya.

"A-asawa niya ako," hirap pa siyang sabihin ang katagang iyon.

Mas lalong napakunot-noo ang guard sa sinabi niya. May tinawagan ito at sinabi ang pangalan niya. Maya-maya ay pinapasok na nga siya nito nang hindi na nagtanong pa.

Si Sky kaya ang tinawagan nito para ipaalam na ando'n siya?

Napupuno ng mga palamuti at mga ilaw ang labas pa lang ng bahay nito. Ilang mesa at upuan ang nasa labas. Ang mga panauhin ay nagkanya-kanya na rin ng upo. Naghahanap siya ng mga pamilyar na mukha. Nakita niya ang mga magulang ni Sky na kausap ang iba pang mga panauhin.

Umiiwas siyang makita ng mga ito dahil baka tawagin siya. Matagal na niyang naayos ang relasyon niya sa pamilya ng lalaki. Ang mga magulang niya naman ay namataan niyang nakaupo malapit sa pwesto ng mga magulang ni Sky.

Nagkasya na lang siya sa pagtayo sa may bandang likod.

Maya-maya ay biglang nanigas ang likod niya nang makita ang pamilyar na tindig. Naka-formal attire ang lalaki at malaking-malaki ang ngiti sa mga labi nito. Napanganga siya habang nakatitig sa gwapong mukha ni Sky. Mas lalo yatang lumakas ang sex appeal nito after seven years na hindi niya ito nasilayan man lang.

Isa-isa nitong nilapitan ang mga panauhin. Nakita rin niya nang lapitan ng lalaki ang mga magulang niya. May sinabi ito sa mga magulang niya saka nito inilibot ang paningin na parang may hinahanap. Mabilis na nagtago siya sa likod ng lalaking nasa harap niya.

Akala ba niya ay handa na siyang harapin ito? Bakit parang gusto niyang kumaripas ng takbo at magtago na lang?

Pitong taon niyang hinintay ang pagkakataong ito. Pitong taon siyang tahimik na umiiyak at pinagsisihan ang mga naging desisyon sa buhay. Ang tanging hindi niya pinagsisihan ay ang pagpapakasal niya sa lalaki.

Isa iyong sugal na alam niyang hindi pa siya handang ipanalo sa batang edad niya. Ngayon ay kaya na niyang ibigay at gawin ang lahat para sa pinakamamahal na asawa.

Paano niya gagawin iyon kung ang pagharap pa lang dito ay hindi na niya magawa? Bigla siyang natauhan kaya't umayos siya ng tayo.

Siya si Braillene Razon.

Ngayong gabi ay aayusin nila ang tungkol sa kanila ni Sky Razon, ang asawa niya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dimple
interesting............
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 2

    Buong pagmamahal na sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ng lalaki. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Gusto niyang umiyak at tumawa sa magkahalong lungkot at tuwa. Hindi iilang beses niyang pinapangarap na dumating ang araw na masisilayan niya muli ang mukha ng lalaking itinitibok pa rin ng puso niya. Hindi iyon nabago kailanman ng pitong taong pagkakawalay nito sa kanya.Maya-maya ay pumunta ang lalaki sa gitna at nagsalita gamit ang mic."Thank you all for coming. Ito ang pinakamagandang salubong ninyo sa akin sa pagbabalik ko dito sa Pilipinas. Please enjoy the night. I'll do my best para mapuntahan kayo isa-isa," pagkasabi no'n ay umalis na nga ito agad sa maliit na stage sa gitna.Nagsimula nang mag-serve ng mga pagkain ang mga waiters at nakita nga niya nang puntahan ni Sky ang bawat mesa para mangumusta.Tumayo siya para pumunta ng restroom bago pa siya makita ng lalaki.Kabisado pa rin naman niya ang bawat sulok ng bahay ni Sky. Sa katunay

    Huling Na-update : 2022-07-27
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 3

    "Why are you here, Braille?" Malamig na malamig din ang boses nito habang nakatingin sa kanya na parang walang emosyon."O-of course, asawa mo ako kaya't andito ako. Bakit ka ikakasal kay Audrey? Kasal tayo. Kaninong anak iyong karga niya kanina? Sa inyo ba iyon? Hindi ka ba natatakot na baka kasuhan ko kayo dahil may anak kayo kahit kasal tayo?" Nagsisimula nang gumaralgal ang boses niya sa sunud-sunod na tanong na iyon.Hindi ito umimik habang patuloy lang na nakatingin sa kanya."Ilang beses kitang sinubukang tawagan. Sinulatan din kita, Sky. Kung binasa mo lang ang kahit isa man sa sulat ko, maliliwanagan ka sana. I'm sorry kahit alam kong pitong taon na ang lumipas. Gusto kong ipaliwanag ang lahat para maayos natin ang relasyon natin bilang mag-asawa," umiiyak na siya habang sinasabi iyon."You were never my wife.""I know, Sky. Andami kong pagkukulang bilang asawa mo noon. I was too young and really stupid and-""Our marriage is fake."Natigilan siya sa narinig. Gusto pang ipros

    Huling Na-update : 2022-07-27
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 4

    A FEW YEARS AGO...Kanina pa siya titig na titig sa binatilyong nakaupo sa sofa nila katabi ng Mama nito. Kilala niya ang ina ng lalaki dahil kaibigang matalik iyon ng mommy niya at lagi niyang nakikitang bumibisita sa bahay nila kasama ang anak nitong si Ara na isang taong gulang.Napakunot-noo siya dahil ngayon lang niya nakita ang anak nitong lalaki na tahimik na nakaupo lang sa tabi. "Malaki na pala talaga itong si Sky. Binatilyo na nga at napakagwapo. Dati-rati ay siya iyong bitbit mo kapag napapadpad ka rito. Nasaan nga pala si baby Ara?" nakangiting tanong ng Mommy niya sa Tita Janese niya na kaibigang matalik ng ina."Kanino pa ba naman magmamana kundi sa Mama niya," nakatawang sagot ng babae habang inaakbayan na ang anak nito.Nakita niyang napatingin na rin sa Mommy niya ang binatilyo at kiming ngumiti."Kararating nga lang ng mga parents ni Samuel from Europe kaya't hiniram muna saglit si Ara. Mabuti na nga lang at sumama na pag-uwi itong anak kong si Sky. Minsan nagtatampo

    Huling Na-update : 2022-07-27
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 5

    Fourteenth birthday niya at excited siya habang naghihintay ng oras. Alam niya kasing bisita nila uli ang buong pamilya ni Sky. Actually, lagi naman ito sa kanila kapag weekends. Hindi niya alam kung talagang tinotoo ng mga magulang nila ang sinasabing paglapitin na silang dalawa habang bata pa sila.Napangiti uli siya nang maalala ang kasunduan sa pagitan nilang dalawa ng binata. Apat na taon na lang at magiging eighteen na siya. Parang gusto niya tuloy humiyaw sa sobrang kilig. Apat na taon na lang at magiging Mrs. Braillene Dominique Razon na siya!Hindi naman siguro siya sobrang bata na para kay Sky sa edad niya ngayon. Nineteen na si Sky at siya ay fourteen. Baka naman pwede na rin siyang gawing girlfriend na ni Sky. Gusto niya naman kasing maranasan maging girlfriend muna nito bago maging asawa.Gusto niyang maranasan na i-date ng lalaki saka ipapakilala sa mga kaibigan nito. Itanong niya kaya sa ina if pwede bang maging sila na ni Sky. Napahagikgik siya sa naisip.Agad na tini

    Huling Na-update : 2022-07-27
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 6

    Busy sa kusina ang mommy niya pati na rin ang Tita Janese niya. Ang mga ama naman nila ay nasa veranda at nag-uusap na. Sigurado siyang tungkol na naman sa negosyo ang paksa ng mga ito. Si Ara na batang kapatid ni Sky ay karga-karga naman ng yaya nito."Sa labas tayo, Sky!" Agad na hinila niya ang isang kamay nito para akayin papunta sa kwadra ng mga kabayo.Excited siyang ipakita rito ang bagong kabayo niya na regalo ng ama. Kulay itim iyon at kanina lang din niya nakita. Halos sampu na yata ang mga kabayong alaga nila dahil mahilig din ang ama niya sa kabayo. Sa katunayan, ang ama niya ang nagturo sa kanya mula pa pagkabata kung paano sumakay ng kabayo. Ang mommy niya lang ang palaging sumasaway sa kanyang mangabayong mag-isa dahil natatakot itong mahulog siya. Alam niyang may alaga ring kabayo si Sky sa bahay ng mga ito. Katulad ng sa kanila ay may malaking hacienda rin ang mga magulang nito na may iba't-ibang klase ng mga hayop. Halos isang oras din ang layo ng bahay ng mga ito

    Huling Na-update : 2022-08-11
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 7

    Nagkibit-balikat lamang siya na ibinaling na sa ibang direksiyon ang mga mata. Baka kasi makahalata ito na masama ang loob niya dahil hindi ito nag-deny man lang.Narinig niya kasi nang minsang itsinismis ng yaya ng kapatid nitong si Ara ang tungkol sa bagong girlfriend ni Sky sa isa nilang katulong.Sa katunayan, sa yaya ni Ara niya laging nalalaman ang mga naging girlfriends ni Sky."Hindi mo na ba mabilang kung pang-ilan siya?" Kunwari ay hindi siya apektado sa pagkakaroon nito ng girlfriend. Nanatiling nakatuon ang mga mata niya sa ilog habang pumupulot ng maliit na bato para itapon sa tubig.Imbes na sagutin siya ay tawa lang ang itinugon nito. Inis na ibinaling niya uli ang tingin sa binata."Lahat na lang ba ay idadaan mo sa tawa? Mahirap ba namang sagutin iyon?" Salubong ang mga kilay niya habang nakatitig sa mukha nito."Woah!" Nagulat ito sa outburst niya at natatawa pa rin naman habang itinaas ang dalawang kamay sa harap niya.Umirap siya rito bago nagsalitang muli."You kn

    Huling Na-update : 2022-08-11
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 8

    Sinalubong sila ng isang tauhan nila sa hacienda para ito na ang magbalik kay Atlas sa kwadra.Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya habang pabalik na sila ng bahay. Sinadya pa talaga niyang dumikit kay Sky habang naglalakad sila.Nag-init pa ang mga pisngi niya nang hindi sinasadyang mabangga ng kamay niya ang isang kamay nito.Muntik na siyang tumigil sa paglakad nang may sumalubong na babae sa kanila."Sky! Lumiban talaga ako sa practice namin dahil alam kong dadalo ka sa birthday ni Braille." Isang segundo lang siyang binalingan ni Hulyanah na may kasamang taas pa ng kilay.Napalis ang ngiti sa mga labi niya at awtomatikong tumaas din ang kilay.Si Hulyanah ay twenty years old na anak ng isa sa mga katiwala nila sa hacienda. Tumigil na ito sa pag-aaral nang maging vocalist ito ng isang banda.Kahit saan-saan napapadpad ang banda nito lalo na kapag may mga piyesta.Kinuha ba ng mga magulang niya ang banda ng babae para mag-perform sa birthday niya? Hindi na niya napigilan ang sa

    Huling Na-update : 2022-08-12
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 9

    Gusto niya tuloy bumalik sa loob ng kwarto at magkulong. Bago pa niya maisipang gawin iyon ay nilapitan na siya ni Sky.Nakangiting inakbayan siya nito na ikinatigas ng mga balikat niya. Kahit nakangiti ito ay parang dama pa rin niya ang kaseryosohan sa ekspresyon ng mukha nito."So, ako pala ang pinakauna sa listahan?" Tanong nito na nakatingin pa rin sa mukha niya habang nananatili ang isang braso sa balikat niya."H-huh?" Parang lutang na tanong niya.He chuckled at para bang nag-aalangan kung dudugtungan ba ang sinabi."Your "crushes" list. Sabi mo pupunuin mo iyon ngayon."Biglang nawala ang awkwardness niya sa narinig. Napalitan uli iyon ng inis.Gusto ba talaga nitong magbilang siya ng mga lalaki? Kahit pa nga sabihing crush lang naman. Hindi ba pwedeng maging one-man woman na kahit crush pa lang?Inis na inalis niya ang pagkakaakbay nito sa kanya. Nagmartsa na siya palayo para bumaba na. Humabol naman agad ito saka nakatawang umakbay uli sa kanya."Don't worry. Tutulungan kita

    Huling Na-update : 2022-08-12

Pinakabagong kabanata

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   Pasasalamat muli

    Again, thank you po sa lahat ng sumubaybay sa dalawang love stories ng book na ito.Iba kong books na mababasa ninyo rito sa Goodnovel:-The Rebound Bride-Gagayumahin si Ultimate Crush (The Palpak Version)-Love Potion Gone Wrong (Bewitching my Ultimate Crush)- English version ng Gagayumahin-Between Lust and Love (Tagalog and English version)Ang Gagayumahin ay nasa isang account ko na Jewiljen pa rin. Pwede ninyong ma-search gamit ang Jewiljen or ang title mismo.Completed na po ang lahat ng iyan!Taos puso po akong nagpapasalamat sa suporta ninyo. I'm forever grateful sa inyo.Salamat sa lahat!❤️❤️❤️💋

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   FINAL SPECIAL CHAPTER (Arch-Angel)

    Buong araw siyang nasa labas. Kinausap niya ang mga may-ari ng dalawang lote na natitipuhan niyang bilhin para pagtayuan ng museum ng mga paintings niya.Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Ilang buwan siyang nanatili sa Maynila. Ngayon lang siyang nakabalik muli ng Tarlac. Kaya sobrang pagod niya dahil pagkatapos niyang makausap ang pangalawang may-ari ay bumiyahe na rin siya papuntang Tarlac. Wala sa plano iyon. Basta gusto lang niyang umuwi ng Tarlac.Agad na bumungad sa kanya ang isa sa mga stay-out na katiwala niya."Ma'am may mga sulat po kayong dumating no'ng mga nakaraang buwan pa."Tumango lang siya habang pabagsak na umupo sa malambot na sofa. Nasabi na rin kasi nito iyon no'ng isang linggo. Sanay na siyang nakakatanggap ng mga business letters kaya ipinagbalewala niya na lang iyon.Tinanggal niya ang sapatos sa paa para maiangat niya ang mga binti sa sofa. Prenteng-prente na ang pagkakasandal niya nang bumalik sa harap niya ang katiwala.Nagtaka pa siya nang may b

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 3 (Arch-Angel)

    No'ng isang araw lang siya bumalik ng Pilipinas. Sa loob ng ilang taong nasa Amerika siya ay mabibilang lang sa daliri ang mga panahong umuuwi siya ng bansa. Sa tuwing bumabalik kasi siya ng Pilipinas ay hindi niya maiwasang maisip ang unang heartbreak niya. Alam niyang masyado pa siyang bata no'n pero tumatak talaga iyon sa puso niya.Nagka-boyfriends din naman siya sa ibang bansa pero lagi ay aabot lang ng ilang months. Siguro dahil hindi pa rin siya nakaka-adjust sa ibang culture ng ibang lahi. O kaya naman ay Pinoy talaga ang hinahanap ng puso niya.Ngayong bumalik na uli siya ng Pilipinas ay mananatili na siya for good. Kahilingan na rin iyon ng mga magulang niya. Ironic nga na ang mga ito ang may gustong sa Amerika siya mag-aral pero hindi naman tumitigil ang parents niya sa pakiusap na umuwi na siya. Kailangan pang magmakaawa ng mga ito para lang bumisita siya ng Pilipinas.Maganda na kasi ang trabaho niya roon. Hindi man niya nasunod ang gusto niya dati na may connection sa g

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 2 (Arch-Angel)

    Kahit parang nagiging panakip-butas lang siya ni Archer ay hindi naman kailan man pinaparamdam ni Archer sa kanya iyon. Sa katunayan ay napaka-sweet nito bilang boyfriend. Kapag hindi sila magkasama ng lalaki ay sa telepono naman sila nakababad na dalawa.Ang saya-saya ng puso niya pero hindi pa niya iyon masabi kay Braille. Nagi-guilty kasi siya. Feeling niya ay sinulot niya si Archer dito kahit pa sabihin nitong may iba talaga itong gusto.Saka na siguro niya sasabihin kay Braille kapag sigurado na siyang naibaling na nga ni Archer ang feelings nito sa kanya. Mula nang maging sila ng lalaki ay never na nitong nababanggit si Braille sa kanya. Gusto niyang isipin na kahit sa ikli ng panahong nagkakilala sila ay tuluyan na ngang nahulog ang loob nito sa kanya.Nasa isang kainan sila noon. Mataman niyang pinagmamasdan muna si Archer bago niya naisipang sabihin dito ang matagal na niyang gustong sabihin."S-si Braille iyong emogirl mo, di ba?" Halos hirap pang lumabas sa bibig niya ang

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 1 (Arch-Angel)

    Umalis muna siya sa tambayan ng mga Emopipz. Wala rin naman kasi si Braille. Saka medyo masama ang loob niya. Narinig niya kasi ang pinag-uusapan ng ibang members ng Emopipz. May bagong girlfriend na raw si Seth.Si Seth ay isa sa mga founders ng Emopipz. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya. Ang totoo ay hindi naman talaga ito kagwapuhan. Kagaya ng typical na member ng Emopipz, mahaba ang bangs ni Seth kahit pa nga lalaki ito. Mahilig ito sa paggalaw-galaw ng ulo kapag gusto nitong hawiin ang bangs na tumatakip sa mga mata.Ang kapal din ng eyeliner nito at nagli-lipstick din ito ng itim.Over all, kung titingnan ay hindi talaga ito gwapo. Kahit siya ay natatanong ang sarili minsan kung ano ang nagustuhan niya kay Seth.Siguro dahil sa sobrang confidence nito sa sarili kaya marami ang nagkakagusto sa lalaki na puro Emopipz members lang din naman. Iyong ibang mga kababaihan na hindi masakyan ang trip ng kanilang grupo ay ginagawang katatawanan ang lalaki.Hindi na niya mabilang kung

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   Pasasalamat

    Salamat sa mga sumubaybay sa kwentong ito.Salamat mga emopipz!Naa-appreciate ko po ang lahat ng mga comments ninyo. May ilalagay po akong special chapters ng Team Arch-Angel after nito. Mga isa or dalawang chapters lang.Again, maraming salamat dahil hindi ninyo iniwan sina Braille at Sky!Nakakaiyak lang na natapos na ang kwento nila. Pwede ninyo pa rin pong ulitin ang pagbasa kung mami-miss ninyo sila.Salamat sa lahat, Emopipz!Gusto ko sanang mag-mention ng names dito kaso ayaw kong may makaligtaan dahil lahat kayo na readers ay malaki ang naiambag para matapos ko ang kwento na ito.If hindi pa ninyo nabasa ang isa kong story dito ang Title is: GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)❤️❤️❤️Thank you from JEWILJEN

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   FINALE

    Malaking-malaki na ang tiyan niya. Kabuwanan na niya kasi. Alam niyang may pasorpresa si Sky sa kanya dahil birthday niya sa araw na iyon.Hindi marunong magtago ng sorpresa ang asawa. Kunwari pa ito na busy na busy raw ito sa trabaho pero alam niyang abala ito sa birthday niya.Kasalukuyan silang nakatira ngayon sa bahay nila ni Sky sa Maynila. Iyon ang bahay na pinagawa nito at tinuluyan nila no'ng akala niya ay totohanan ang kasal nila.Pinaayos iyong muli ni Sky bago sila tumira roon. Ibinilin nito sa katiwalang kinuha na huwag muna siyang palalabasin ng kwarto para huwag siyang mapagod.Kung hindi lang siya nagkahinala sa plano nitong sorpresa ay hindi niya ito susundin. Sino ba naman ang gaganahang magkulong ng kwarto nang buong araw?Si Ivan ay may pasok sa araw na iyon kaya't tanging ang matandang katiwala ang nakakasama niya lagi.Sinakyan niya na lang din si Sky. Hindi niya ito sinuway. Nanatili nga lang siya sa kwarto pero panay naman ang tanong niya sa katiwala. Baka kasi

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 77

    Ikinasal nga sila sa huwes nang araw na iyon. Isa na siyang ganap na Mrs. Braillene Dominique Razon!Ngayon ay totohanan na talaga. Iyak nang iyak ang mga ina nila nang ianunsiyo nilang kasal na sila ni Sky. Iyak iyon ng kaligayahan.Excited pa rin ang dalawa sa kasal nila sa simbahan sa susunod na buwan. Habang nasa preparation stage sila ay naging busy rin sila sa ibang mga bagay.Sinamahan siya ni Sky para sa checkup niya. Halos hindi na ito umaalis sa tabi niya mula nang ikasal sila ng lalaki. Saka na lang sila magha-honeymoon pagkatapos ng kasal sa simbahan.Dinalaw nila sa ospital si Brandon. Hindi na makakalakad ang lalaki dahil sa matinding pinsala ng aksidente. Natutunan na rin nila itong patawarin. Ito rin kasi ang nagligtas sa buhay nila mula sa masamang balak ni Audrey.Si Audrey?Hindi na nila binisita ni Sky ang pinsan niya sa mental pero kumukuha sila ng updates. Ang sabi ng doktor ay palala nang palala ang kalagayan nito. Nakita rin nila ang hitsura ni Audrey sa lara

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 76

    Kahit hindi pa siya nahihimasmasan sa sunod-sunod na rebelasyon at pangyayari ay lumuwas uli sila ni Sky pa-Maynila.Hindi na siya makapaghintay na makita si Ivan. Ang hirap paniwalaan na ang anak na iniyakan niya sa loob ng pitong taon ay buhay na buhay pala at nasa piling ng ama nito.Kahit si Sky ay hindi kayang magmaneho sa tindi ng emosyon nilang dalawa. Pagkatapos silang ma-interview sa presinto dahil sa nangyari kay Audrey at Brandon ay may kinontak agad si Sky para ihatid sila sa bahay nito sa Maynila.Hindi siya nito binibitiwan. Pareho silang nakaupo sa likod. Alam niyang umiiyak din ito habang panay ang halik sa buhok niya. Tahimik ito pero mahigpit ang yakap sa kanya.Siya naman ay halos hihimatayin na naman sa hindi maipaliwanag na emosyon. Ni hindi na niya iniisip muna ang tangkang pagsagasa sa kanila ni Audrey. Akala niya talaga kanina ay katapusan na nila.Nangatal siya sa takot at nang makitang si Audrey ang nagmamaneho ng sasakyang gusto silang banggain ay mas lalong

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status